VIGILANTES BOOK 1: Archer (Th...

By margarette_ace

16.3K 751 89

Archer Dominguez is the type of man who plans everything before taking action. Bilang leader ng grupong VIGIL... More

CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Epilogue

CHAPTER 1

3.7K 98 26
By margarette_ace

Ace: Hi, guys! And I am back!!!! ^_^ so since kalasalukuyan akong nawiwindang sa pagsusulat sa The Sinners Book 2: WRATH, heto po muna ang isang series pa na sinusulat ko rin. ^_= sana po magustuhan ninyo ang kuwento ng VIGILANTES.
----------------------------------------------

NAPAHINTO si Archer sa pagsuntok sa punching bag nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Pansamantala siyang huminto sa ginagawa at kinuha ang isa sa dalawang cellphone na nakapatong sa may bench. Kahit hindi niya makita ang pangalan ng caller ay may hinala na siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Iilan lang din ang may alam sa number niyang iyon. Hindi nga siya nagkamali nang makita ang pangalan ng caller.

“Jay.”

“Good afternoon, Archer,” bati sa kanya ni Marjayrie. “Gusto ko lang ipaalam sa inyo na may bago tayong target.” Narinig niya ang tunog ng pagta-type nito sa keyboard sa kabilang linya. “I’ll be sending you all the details for review. Pati na ang mga taong konektado sa target ay isinama ko na rin ang profile. Pinaverify ko na rin ang ilang mga detalye ng reports kay Earl.” Ang binanggit nito ay ang isang kasama nila. “Nakakuha rin siya ng ilang impormasyon tungkol sa target natin.”

Tumango siya. “I-update ko kayo pagkatapos kong mareview ang mga ibinigay mo sa akin. Pero bigyan mo na rin ng kopya ang mga kasama natin.”

“No problem, Sir.”

“Okay, see you, brat.” Napailing siya ng hindi man lang ito magpaalam bago tapusin ang tawag.

Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado ala-una na ng hapon at kailangan na niyang maghanda sa pagpasok niya sa CLASSICS – isang restaurant na pagmamay-ari niya.  

Mabilis siyang lumabas ng gym na nasa ibaba ng bahay niya at dumeretso sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay biglang bumalik sa isip niya ang sinabi ni Marjayrie na may misyon sila. Tumingala si Archer at hinayaang tumulo ang tubig sa mukha at katawan niya. Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo niya dahil sa excitement. 

Bukod sa pagma-manage ng restaurant ay miyembro rin siya ng isang sikretong grupo na ‘VIGILANTES.’ Their group is formed and trained to ‘clean’ the society. Limang taon ng nag-ooperate ang grupo nila. Kadalasan ng mga misyon nila ay iyong mga kaso na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya dahil kung hindi maimpluwensiyang tao ang involved ay ginagamit ng mga ito ang pera para takasan ang mga kasalanan. Ang pangunahing misyon ng grupo nila ay mabigyan ng hustisya ang mga naaapi at ang maiparamdam sa mga tao na may nagbabantay sa mga ito. Lalo sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang mga krimen.  

Hindi naman sila pumapatay ng target kung hindi lang din naman kailangan. Ang katwiran nila, kailangang pagdusahan ng mga kriminal ang kasalanan ng mga ito. Masyadong maagang parusa ang kamatayan sa mga taong sumisira sa buhay ng ibang tao. Nangongolekta sila ng mga impormasyon at mga ebidensiya at ipinapasa iyon sa kinauukulan.

Dahil na rin sa naging successful ang mga misyon nila at nananatiling lihim ang identity nila ay binansagan sila ng media bilang VIGILANTES. Dahil wala naman silang maisip na ipangalan sa grupo nila ay iyon na rin ang itinawag nila sa sarili. Kaya naman kapag nagbibigay nang impormasyon si Marjayrie sa mga pulis ay nilalagay nito ang pangalang ‘VIGILANTES.’

Anim silang miyembro ng Vigilantes at tulad niya ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan ang mga kasama niya kapag wala silang mga misyon. Walang nakakaalam sa tunay nilang pagkatao maliban kina Almario Trinidad na tinatawag nilang ‘Ninong,” at ang ilang tauhan nito. Si Ninong ang bumuo sa grupo nila at ang kumupkop sa kanilang anim. 

Namatay sa isang mascre ang asawa at anak ni Almario Trinidad. Kaya ipinangako nito sa mag-ina na gagawin nito ang makakaya para hindi na maulit sa ibang tao ang nangyari rito.

Matapos makapagbihis ay binuksan ni Archer ang laptop at nagpunta siya sa isang website na ginawa ni Marjayrie para sa grupo nila. That kid is a computer genius. Doon nilalagay ni Marjayrie ang mga impormasyon tungkol sa mga misyon nila. Mahigpit din ang security sa naturang website kaya walang makakapasok doon maliban sa kanila na may access.

Matapos ang ilang security verification ay binuksan ni Archer ang folder na may nakalagay na MISSION X. Mabilis na binasa niya ang mga binigay na impormasyon ni Marjayrie. Nagtagis ang mga bagang niya nang mabasa ang tungkol sa susunod nilang misyon.

Tungkol iyon sa isang malaking sindikato ng ipinagbabawal na droga. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang may biglang dumaan sa isip niya. Nahinto ang daliri niya sa pag-scroll nang makita ang litrato ng isang pareha na kasama sa mga nasa report ni Marjayrie. Hindi siya puwedeng magkamali. Ilang beses lang siyang nanatiling nakatitig sa nakangiting mukha ng babae sa picture. She had a heart-shaped face. Bilugan ang mga mata nito at katamtaman lang ang tangos ng ilong. Mabilis niyang tinawagan si Marjayrie.

“Change of plans,” bungad niya nang sumagot ito. “Inform everyone that we will have our meeting tonight.”

“Okay.”

Naihilamos ni Archer ang mga palad sa mukha at pagod na isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. Muli niyang tiningnan ang litrato ng babae. Bakit ba mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana?

HINDI pa man tuluyang nabubuksan ni Archer ang pinto ng head quarters ng grupo nila ay naririnig na niya ang ingay sa loob. Nasa 20th floor ng building na pag-aari ni Marjayrie ang head quarters ng VIGILANTES. Doon sila nagmi-meeting tungkol sa mga misyon nila. Nanggaling si Marjayrie sa isang mayamang pamilya. Ulila na ito sa magulang at si Almario Trinidad ang tumatayong guardian nito na bestfriend ng papa nito.

Mahigpit ang security sa naturang building at kailangan din ng special access card para makarating sa floor na iyon.

Napailing na lang si Archer bago buksan ang pinto. Pasado ala-una na ng madaling araw nang magsara ang CLASSICS. Nagkaroon ng kaunting aberya sa restaurant kaya hindi siya kaagad nakaalis.

Naabutan niyang kumpleto na ang mga kasama niya sa loob at mukhang siya na lang ang hinihintay. Napalingon ang mga ito sa kanya.

“Finally, dumating na rin ang leader natin,” nakangising sabi ni Earl na unang nakakita sa kanya. Hindi pa nakuntento ay tumayo ito at pumalakpak.

He just answered him by raising his middle finger. May isang pahabang mesa sa gitna ng silid at may anim na upuan. May isang malaking monitor sa may bandang harapan at sa tabi niyon ay isang whiteboard.

Umupo siya sa tabi ni Hunter na tumango lang sa kanya bilang pagbati. Ito ang pangalawang pinakabata sa kanilang anim at lagi lang itong tahimik. Specialty ni Hunter ang one on one combat. 

Nakaupo naman sa kanan niya si Zai. Zai is the deadliest woman he had ever met. Napatunayan na niya mismo ang bagay na iyon. She is also the sniper of the group. She can hit any target no matter how far it is. Ito ang nagsisilbing back up nila sa tuwing may mga misyon sila.

Napatingin siya sa harapan kung saan nakaupo sina Marjayrie, Charity at Earl. Si Marjayrie ang Information Specialist ng grupo at ang pinakabata sa kanilang anim. Ito rin ang tumitingin sa mga magiging ‘misyon’ nila mula sa database ng NBI. Kaya nitong makapasok sa kahit anong website ng walang kahirap-hirap. 
Earl is the group’s charmer. He can easily charm anyone. Kaya naman ito ang madalas na kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-iinterview sa mga tao.
Charity is the group’s energy pill. She also had this sunny personality. Ito rin ang nagsisilbing mediator nila kapag may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan. They gave her the nickname ‘Chameleon’. Kaya kasi nitong bagayan o gampanan ang kahit anong role na ibigay dito. Forte nito ang pagdi-disguise na lagi nilang nagagamit sa mga misyon nila. She can be a shy school girl and transformed into a seductress in just a snap of a finger.

Magkakaiba man ang mga personalities at pinanggalingan nilang anim ay magkakasundo naman sila. Dahil na rin nag-iisa sila sa buhay ay ang isa’t isa na ang itinuturing nilang pamilya.

Bata pa lang silang anim ay magkakasama na sila. Kinupkop sila ng businessman na si Almario Trinidad at ang ilan sa kanila ay binigyan ng bagong identities. Nag-aral sila ng iba’t ibang martial arts, pati na ang paggamit ng kung ano-anong armas. Nang tumuntong na sila sa tamang edad ay hinayaan na sila ni Ninong na maging independent.

“Puwede na ba tayong mag-umpisa?” naiinip na tanong ni Zai.

Tumikhim si Marjayrie at inayos ang pagkakasuot ng salamin. “Well, nasend ko na sa inyo kanina ang ilang reports tungkol sa bagong misyon natin. Tungkol ito sa isang malaking drug cartel na pinagsususpetsahang supplier ng ilegal na droga sa buong Luzon.” May pinindot si Marjay at nag-flash sa screen ang picture ng isang lalaki. “Magaling magtago ng ebidensiya si Ronnie Zamora,” ani Marjayrie habang nakatingin sa kanila. “Tiningnan ko ang mga accounts niya. Sa unang tingin ay parang isa lang iyong normal na account ng isang businessman pero may napansin lang akong kahina-hinala.” Napasipol si Earl nang mag-flash sa monitor ang amounts na tinutukoy ni Mrarjayrie. “Noong 2012, nag-loan si Ronnie Zamora sa isang bangko at na-deny iyon dahil papalugi na ang hardware store nila. On the second half of 2012, nagloan ulit siya sa ibang bangko at na-approve iyon. Pero kataka-takang sa loob lamang ng halos isang taon ay nabayaran niya ang mga pagkakautang niya at halos buwan-buwan ay nagkakaroon ng mga deposits ang lahat ng accounts niya.”

“Makikita rin iyon sa lifestyle ng pamilya nila,” dugtong ni Earl. “Halos buwan-buwan ay nagkakaroon ng out of the country tour ang asawa at bunsong anak ni Zamora habang siya at ang panganay na anak niyang si Louie ang nagpapatakbo sa mga furniture shops nila. Lulong din sa sugal si Ronnie Zamora at ayon sa isang accountant nila ay halos kaunti lang ang kinikita ng furniture business nila pero mukhang hindi apektado roon si Zamora.” Nag-flash sa screen ang picture ni Louie Zamora katabi ang mga impormasyon tungkol dito. “Malakas din ang kutob ko na involve si Louie sa ibang ‘business’ ng papa niya.”

Napatiim-bagang si Archer nang makita ang picture ni Louie na may kasamang isang babae. Iyon din ang nakita niyang picture kanina kaya nagkaroon sila ng biglaang meeting.

“Ang babaeng kasama ni Louie ay ang ex-girlfriend niya na si Roxanne Fei Cayabyab. Ang balita ko, halos apat na buwan ng hiwalay ang dalawa. At mukhang sinusuyo na naman siya ni Louie. May posibilidad din na may alam siyang impormasyon tungkol kay Louie na makakatulong sa imbestigasyon natin kaya balak kong kumuha ng impormasyon mula sa kanya.”

Napahigpit ang hawak ni Archer sa folder na nasa kamay. “I’ll do it.”

Parang iisang taong lumingon sina Charity, Hunter, Zai, Earl at Marjayrie sa kanya. Puno nang pagtataka ang tinging ibinibigay ng mga ito sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil hindi naman niya forte ang pangongolekta ng mga impormasyon.

“I have nothing against your combat skills but data collection is not your cup of tea, Archer,” ani Earl. “Wala kang pasensiya at tiyaga sa pakikipag-usap sa ibang tao. You are more on the action type of guy.”

Tama ang sinabi ni Earl pero hindi siya nagpatinag. “I will do it. End of the discussion,” he said firmly.

Matagal silang nagsukatan ng tingin ni Earl. Ito ang unang nagbawi ng tingin at sumusukong itinaas ang kamay. “Okay. Ikaw ang bahala.”
Muli nilang ipinagpatuloy ang meeting nila para i-finalize ang mga gagawin nila.

“MAGPAGALING ka, okay?” nakangiting sabi ni Fei sa isang batang dinala sa emergency room ng Trinidad General Hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang isang resident doctor.

Nakangiting tumango ang bata na na-admit dahil sa dengue. Madi-discharge na ito matapos ang halos isang linggong pamamalagi sa ospital. Kumaway ito sa kanya nang lumabas siya sa ward.

Pagod na isinandal ni Fei ang likod sa backrest ng swivel chair nang makabalik sa opisina niya. Nagmulat siya nag marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Napangiti siya ng pumasok ang kapwa doctor at kaibigan niya na si Roevi.

“Tapos na ang rounds mo?” tanong nito sa kanya. Tumango siya. “Ang mabuti pa, maglunch na muna tayo.”
Pagdating nila sa canteen ay tsaka lang narealize ni Fei na nagugutom pala siya.

“Matutuloy ka ba sa Medical Mission?” tanong ni Roevi habang kumakain sila.

Tumango siya at ipinagpatuloy ang pagkain. “Naging panata ko na ang pagpunta sa mga medical mission ng foundation.”

Taon-taon ay nagkakaron ng medical mission ang Helping Hand Foundation kung saan isa siyang dating scholar. Kahit noong nasa Med School pa siya ay sumasali na siya sa mga activities ng foundation. Isa iyon sa paraan ni Fei para naman makatulong sa ibang tao tulad ng pagtulong sa kanya ng foundation.

Pagkalabas niya sa ospital ay dumeretso siya sa sementeryo. Hindi nakaligtas sa kanya ang isang bungkos ng puting bulaklak na nakapatong sa itaas ng musoleo ng nakatatandang kapatid na si Billy.

Ibinaba niya ang bulaklak na binili niya sa suking flower shop kanina at nagsindi ng kandila. Nagsindi rin siya ng kandila para sa lola at sa mga magulang niya.

“Kumusta ka na, Kuya? Mukhang may bisita ka,” nakangiting sabi niya.

Lagi siyang bumibisita sa musuleo ng pamilya niya kapag may pagkakataon. Nang makaipon ay ipinalipat niya sa Maynila ang labi ng pamilya niya para mas madali niyang mabisita ang mga ito. 

Maaga silang naulila ng kapatid na si Billy. She was six and Billy was ten when their parents died in an accident. Bumangga ang sinasakyang bus ng mga ito sa isang truck at kabilang ang mga ito sa hindi pinalad na makaligtas. Kinupkop sila ng Lola Divina niya sa mother side at inuwi sila sa Tarlac. Public school teacher ang lola niya at ito ang nagtaguyod sa kanilang dalawa ni Billy.

Pangarap ng kapatid niya na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang Accountant. Kaya naman masuwerte ito ng pagdating ng college ay nakakuha ito ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila. Mayroon ding part time job ang kapatid sa isang convenience store habang nag-aaral ito. Isang beses sa isang buwan lang itong umuuwi sa Tarlac.

Close silang dalawa ni Billy. Kaya naman para siyang pinagsakluban ng langit at lupa noong nalaman niyang namatay ito dahil aksidente itong nabaril sa isang shoot out. She was devastated that she wanted to die. Parang umambon ng kamalasan sa buhay ni Fei dahil ilang buwan lang noong mamatay si Billy ay nagkasakit naman si Lola Divina. Pansamantala niyang kinalimutan ang sakit nang pagkawala ng kapatid at inaalagan si Lola Divina.

Tumigil siya sa pag-aaral sa kolehiyo at nagtrabaho sa isang coffee shop. Nagsisimula nang mawalan ng pag-asa si Fei. Hanggang isang araw ay nilapitan siya ng dati niyang High School teacher para sabihing mag-apply siya para sa scholarship ng isang businessman. Sayang naman daw ang talino niya. Siya kasi ang salutatorian sa batch nila noong highschool.

Sinubukan niyang mag-apply sa scholarship. Matapos ang ilang exams at interview ng staff ng Helping Hand Foundation ay pumasa siya. Naantig daw si Mr. Trinidad sa kuwento niya kaya isa siya sa napili nito na maging scholar.

Pinagbuti ni Fei ang pag-aaral. Gusto niyang ipakita kay Mr. Trinidad na hindi nito pagsisisihan ang pagpili sa kanya para maging scholar.

Kahit malaki ang allowance na natatanggap niya ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtatrabaho. Para na rin may maipantustos siya sa gamot ng abuela na pinapahirapan ng sakit nitong Diabetes.

Second year college si Fei nang tuluyang mamahinga si Lola Divina. Parang naulit ang nangyari sa kapatid niya dahil iniwan na siya ng kaisa-isang pamilya niya. Hindi niya matanggap na nag-iisa na lang siya sa buhay. Na ang lahat ng taong mahal niya ay iniwan siya. Bago mamatay si Lola Divina ay inihabilin nito na tapusin niya ang pag-aaral.

Hindi niya inaasahan na darating sa burol ni Lola Divina si Mr. Almario Trinidad. Iyon ang unang pagkakataon na nakausap niya ang lalaking nagpapaaral sa kanya. Naalala pa niya ang una nilang paghaharap.

“Hello, Fei. Ako nga pala si Almario Trinidad but you can call me ‘Ninong.’ Matagal na kitang gustong makausap. Pasensiya ka na kung sa ganitong pagkakataon pa tayo nagkita.” Malungkot itong ngumiti sa kanya. “Alam ko na walang kasing-sakit ang nararamdaman mo ngayon, hija. But I want you to know that you are not alone.”

Nang yakapin siya nito ay umiyak siya ng umiyak sa balikat nito. Para siyang nakahanap ng kakampi kay Ninong. Noong mamatay ang lola niya ay parang wala ng patutunguhan ang buhay niya. Binigyan siya ni Ninong ng email address at ng cellphone number. Kapag kailangan daw niya ng makakausap ay i-text o i-email lang niya ito.

Kapag nalulungkot siya ay tinetext niya ito. Halos lahat na yata ng mahahalagang bagay na nangyayari sa kanya ay ikunukuwento niya kay Ninong. Walang maituturing na malapit na kaibigan si Fei dahil nakasubsob siya sa pag-aaral at sa pagtatrabaho. Hindi rin siya sanay na nagkukuwento ng buhay niya sa ibang tao maliban na lang kay Ninong. 

Nalungkot lang siya noong hindi naka-attend si Ninong sa graduation niya dahil mayroon daw itong importanteng business trip sa ibang bansa.

Medyo dumalang na ang email at texts niya kay Ninong noong nagsimula na siyang mag-intern sa ospital. Pakiramdam niya ay nagkaroon ulit siya ng pamilya sa katauhan ni Ninong. Pero kahit tanggap na niya na wala na ang kapatid ay nami-miss pa rin niya ito.

“I miss you, Kuya.” Naramdaman ni Fei ang pangingilid ng mga luha at mabilis iyong pinahid.

Natigilan siya nang biglang tumaas ang balahibo sa batok niya na parang may nakatingin sa kanya. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid pero bukod sa iilang tao na bumibisita rin sa puntod ng mahal sa buhay ay wala naman siyang nakitang kahina-hinala.

Binalingan ulit niya ang puntod ng kapatid. “Nakakainis ka talaga, Kuya. Bakit ka ba nananakot? O paano mauuna na ako. Babalik na lang ulit ako dito. Ikaw na ang bahala kina mama, papa at lola.”

Matapos tapunan ng huling tingin ang musoleo ng pamilya ay umalis na siya.

--------
Ace: may napansin ba kayong pamilyar na pangalan? 😁😁😁
Kung nagustuhan ninyo ang chapter na ito, please vote and share it with your friends 😉😉😉 let's all share the love!!! 😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
107K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022