Love Cafe Series: Picture of...

By Simply_MM

72.3K 1.4K 115

LOVE CAFE SERIES **Presents** # 4: Picture of My Heart :3 ~ C O M P L E T E D~ -Its about John Martin Andre... More

Love Cafe Series: Picture of My Heart <3
Chapter One*
Chapter Two*
Chapter Three*
Chapter Four*
Chapter Five*
Chapter Six*
Chapter Seven*
Chapter Eight*
Chapter Eight* (.5)
Chapter Nine*
Chapten Ten*
Chapter Eleven*
Chapter Twelve*
Chapter Thirteen*
Chapter Fourteen*
Chapter Fifteen*
Chapter Seventeen*
Chapter Eighteen*
Chapter Nineteen*
Chapter Twenty*
Chapter Twenty One*
Chapter Twenty Two*
Chapter Twenty Three*
Chapter Twenty Four*
Chapter Twenty Five*
Chapter Twenty Six*
Chapter Twenty Seven*
Chapter Twenty Eight*
Chapter Twenty Nine*
Chapter Thirty*
Chapter Thirty One*
Chapter Thirty Two*
Chapter Thirty Three*
Chapter Thirty Four*
Chapter Thirty Five *
Chapter Thirty Six*
Chapter Thirty Seven*
Chapter Thirty Eight*
Chapter Thirty Nine*
Chapter Forty*
Author's Note :)

Chapter Sixteen*

1.3K 31 4
By Simply_MM

Chapter Sixteen*

 

[JM’s POV]

Under renovation ang main Love Cafe kaya naman kaniya-kaniya muna kami ng trabaho. Okay na din ito, parang bakasyon lang. Si Keith at Xander ang namamahala sa ginagawang construction kaya naman busy pa din sila. Si Ej naman, ayun humingi muna ng bakasyon para daw makasama ang mag-ina nito. Si Andrei naman, ayaw ng bakasyon kaya yun, bumisita sa mga branches ng Love Cafe.

        At ako naman.. Eto papunta na sa photoshoot. Kukuhanan daw kami ng picture para sa profile namin sa voting poll at sa para nadin sa gagawing slideshow.

        Nang makarating ako sa studio ay agad akong sinalubong ni Cherry. Nakasuot ito ng pink V-neck shirt at puting short shorts. Ang simple lang ng ayos nito at medyo sexy. Mabuti na lang nagsuot ako ng babagay sa damit niya. Isang pink shirt at maong shorts na pinili pa ni Cherry nang nagshopping kami. Actually, siya ang nagsabi na ito ang isuot ko ngayon.

        “Gwapo ah.” Komento nito sabay hila ng kamay ko papunta sa mga contestants. Ang iba ay nagpapaganda at nagpapagwapo na.

        “Ang dami ata natin?” Tanong ko naman.

        “Yeah, 15 girls and boys. Some of them are real couples, some have the same agency, same manager and whatsoever. Oh look!” May itinuro ito, “There’s your sweetie pie.” Sabi nito habang turo-turo pa din ang babaeng kumukuha ng litrato sa isang couple contestants.

        “She’s beautiful..” Komento ko. Naka-clamp ang buhok nito at naka-suot lang ito ng simpleng violet shirt at naka-pedal shorts ito.

        “Lakas talaga ng tama mo no?”

        “Hehe. Ganun talaga e.” Sabi ko na ngiting-ngiti pa.

        Sumimangot naman si Cherry tapos pinitik ang noo ko.

        “Cherry naman! Masakit kaya.” Reklamo ko naman at hinawakan pa ang noo ko. Grabe ang babaeng to! Ang brutal talaga.

        “Wow! Sensitive.” Asar naman nito.

        “Oo naman hehe. Oh, number nine tayo diba? Tayo na yung tinatawag.”

        Pumunta na kami para mapicturan na din kami. Hawak-hawak ni Cherry ang kamay ko at siya ang humihila sa akin papunta sa may gitna. Habang papalapit kami ng papalapit ay medyo nakakadama na ako ng kaba. Ganito pala pag first time mo tapos marami pang nakatingin sayo. Hayy! Diba pwede ang selfie na lang?

        Ngumiti ako sa harap ng camera.

        Ako muna daw ang pipicturan tapos si Cherry pagkatapos kaming dalawa.

        “You look stiff!” Napatigil ako sa pagngiti ng bigla akong sigawan ng photographer. Walag iba kundi si Sandra.

        “Ahm..” Ano ba ang dapat kong sabihin? Nakatingin na lahat sa akin.

        Napatingin ako kay Cherry para humingi ng saklolo. Parang naintindihan naman niya ang tingin ko kaya lumapit ito sa akin at bumulong.

        “Be yourself. Be confident. Make your sweetie pie out there to be proud of you.” Ngumiti pa ito at tinapik ang balikat ko.

        “Ano ba? Magbubulungan na lang ba kayo?” Sigaw ulit ni Sandra, “Marami pang susunod oh!”

        Huminga ako ng malalim. “I’m sorry. Can we start again?”

        “Fine. Ready.. Smile.”

        Ilang shots din iyon. Nang matapos kami, lumabas na kami para magmeryenda. Merong food court sa building na iyon kaya doon na kami dumeretso.

        Si Cherry  na ang umorder dahil parang lantang gulay na akong naupo sa may bakanteng upuan. Hindi ko akalain na ang hirap palang magmodel. Sakit sa panga ngumiti.

        “Oh mango juice and siopao.”

        “Wow. Teka? Bakit apat ang siopao?” Tanong ko pero kinuha na ang isa sa mga iyon. Gutom na din kasi ako e. Nakakagutom ang photoshoot!

        “Aba e gutom ako. Tig-dalawa tayo.”

        “Whoa. Ikaw lang ang model na kumakain beyond the limit. Alam mo bang marami tong carbs?” Natatawa kong sabi.

        Tinignan niya ako ng seryoso. “Hindi ako marunong mag-diet. Yung mga nagda-diet lang yung mga taong hindi marunong mag-exercise.”

        “Asus! Haha. Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga haha. Model pero matakaw haha.”

        “Iss. Kumain ka na nga lang dyan!” Sabi nito at sinubuan pa ako. Tawa tuloy ako ng tawa kasi kumakain siya nakabusangot siya. Haha.

        “But seriously Jm, Sandra’s Obvious!”

        “Huh? Obvious saan?”

        “She’s jealous! Sa mga naunang couples hindi naman siya nagagalit pero nung tayo na bigla bigla na lang siyang nagsisigaw. Halatang nagseselos siya.

        Nagningning ang buong paligid ko sa sinabi niya. Diba pag nagseselos ang isang tao, ibig sabihin nagmamahal na siya. Hindi naman siya magseselos kung wala siyang nararamdaman sa akin hindi ba?

        “Uy! Kung makangiti ka naman dyan!”

        “Ibig sabihin ba nun e mahal niya na ako?”

        Sumimangot na naman ito.

        “Alam mo. H'wag ka ngang sumisimangot.” Hinawakan ko ang pisngi niya tapos itinaas ang gilid ng labi niya para ngumiti siya. “Ayan, ngiti ka. Paano tayo mananalo pag nakasimangot ka?”

        “HA-HA-HA! Tse! Kumain ka na nga lang dyan! Dami mong sinasabi e.”

        Nagkatawanan na lang kaming dalawa.

        “Nandito ka lang pala.”

        Natigilan kaming dalawa ni Cherry nang may biglang may isang babae na umupo sa bakanteng upuan sa table namin. Napalunok pa ako ng makita si Sandra na masama ang tingin sa akin.

        Teka? May nagawa ba akong mali?

        “Sandra. Hinahanap mo kami?” Si Cherry ang nagbasag ng katahimikan.

        “Hindi ikaw ang kinakausap ko at mas lalong hindi ikaw ang hinahanap ko.” Mataray nitong sabi kay Cherry. Naka-cross arms pa ito.

        “Sandra, hindi mo dapat kinakausap ng ganyan si Cherry.”

        “And what?? Tama ba yung naririnig ko? Pinagtatanggol mo tong babaeng to?”

        “ARGH! For your information, ang babaeng ito ang partner niya.” Sabat naman ni Cherry.

        Tinignan ito ng Sandra ng nakataas pa ang kilay. “And for your information, I’m his girlfriend. Partner ka lang niya dito sa contest but I am his partner in real life.”

        Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

        “Tss. Ang yabang mo!” Tumayo na si Cherry at tinignan ako. “Don’t forget OUR meeting tomorrow okay. Same place and same time.” Hinalikan niya ako sa pisngi at tinignan si Sandra ng masama bago ito umalis.

        “Tss. Buti naman at umalis na.”

        “Cherry is a good woman. Bakit ka ba ganyan sa kaniya?”

        Tinignan na naman niya ako ng masama, yung tipong tumatagos hanggang buto.

        “Kasi.. Ahm.. Kasi.. tss. Basta! Nakakainis siya. At saka pakialam mo ba? Sasali ka sa contest na to tapos simpleng ngiti lang hindi mo pa alam! Paano ka mananalo nyan?”

        “Ang totoo kasi nyan, kinakabahan talaga ako kanina. Lalo pa’t nandyan ka.”

        Namula naman ang pisngi nito.

        “Eh ano naman yung pinagbubulungan niyo kanina huh? Ang sweet sweet niyo pa? Talaga bang partners lang kayo or meron pang ibang meaning yan?” Nakataas na naman ang kilay nito.

        Amused na amused naman akong panuorin siya. Totoo nga ang sinabi ni Cherry. She was jealous. Akala ko hindi na dadating pa ang araw na magseselos siya sa mga babaeng nauugnay sa akin. Lagi kasing sa mga babae ni Ej siya nagseselos e. Ang saya pala sa pakiramdam ng ganito, pakiramdamko unti-unti na akong minamahal ni Sandra.

        “Oh Ba't ang lawak ng ngiti mo? Pinagtatawanan mo ba ako?”

        “Hindi no. Narealize ko lang kung gaano ka kaganda ngayon. You’re my inspiration a while ago. Sa tingin mo ba may pag-asa kaming manalo?”

        Nag-iwas ito ng tingin. “Dapat lang na ako ang inspirasyon mo.”

        “Huh?” Sabi ko kahit narinig ko ang sinabi niya. Gusto ko lang na ulitin niya.

        “Argh. Ang sabi ko dapat lang na manalo ka kasi boyfriend kita! Hnmp! Babalik na ako sa studio..”

        “Sige.” Ngiting-ngiti na sabi ko. Umalis na ito habang ako naman ay ipinagpatuloy ang pagkain ko. Ayoko pang umuwi dahil mababagot lang ako doon. Wala naman ang cute kong pamangkin para laruin ko dahil nga nagbakasyon sila. Sa Love café naman, busy ang mga tao doon at ayoko naman na istorbuhin sila.

        Napabuntong hininga ako.

        Ano nang gagawin ko?

        Ano bang mga ginagawa ko pag ganitong wala akong magawa?

        Ah. Number 1, tumambay sa love café. Number 2, magbake ng tinapay o gumawa ng dessert. Number 3, matulog.

        Wow. Napaka-healthy naman ng mga ginagawa ko. Kung pumunta kaya ako sa gym ngayon? Ah. Naalala kong simula pala sa susunod na mga araw, mag-gi-gym na ako dahil requirements iyon para sa training ko para maging model.

        Hayy. Ang hirap naman ng walang magawa. Nakakapagod. Nakakapagod mag-isip ng gagawin.

        Tumayo na ako. Pupunta na lang ako sa kung saan ako dalhin ng paa ko ay este ng kotse ko. Ayoko namang pagurin ang sarili ko sa paglalakad diba?

        I was driving my car. Yeah. I was just driving my car. Ewan ko kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko, wala akong tiyak na pupuntahan. Para bang naglalakbay ako sa kawalan pero hindi ako malungkot. Actually masaya nga ako e.

        “Dapat lang na ako ang inspirasyon mo.”

        Napapangiti tuloy ako ng wala sa oras.

         “Ang sabi ko dapat lang na manalo ka kasi boyfriend kita!”

        Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Ganito pala kasaya ang magmahal. Pero bakit ngayon ko lang ito naramdaman? Bakit hindi noon? Pero sa tingin ko naman, may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

        Napatingin ako sa side ko.

        “Teka? Papunta to sa park ah.” Biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa park. Ipinarada ko ang kotse ko sa parking area. Bumaba at pumasok na sa park.

        Kailan ba ang huling punta ko dito?

        Tama, nung bumalik ako dito sa pilipinas. Nakasalubong ko pa nga si Sandra papunta dito kahit na ayaw niya akong kasabay ng mga panahon na yun. Dito ko din unang nakilala ang baby sister ko, nagpapanggap pa itong lalaki that time.

        “Anong ginagawa mo?”

        Bigla akong napasigaw. “AAAAAAAHHHH!”

        “Hindi ako multo o mas lalong hindi nakakatakot ang istura ko para sumigaw ka ng ganun.” Sabi nang naka-salamin na babae. Mahaba ang itim na itim nitong buhok. Naka-floral dress ito ng mahaba at may yakap-yakap itong libro. Magkasing tangkad ata sila ni Precie.

        “Mapapasigaw talaga ang kung sino mang tao pag may nagsalita sa lugar na alam naman nila, sila lang ang tao.” Palusot ko naman. Nagulat naman kasi talaga ako. Akala ko ako lang ang tao ngayon dito sa park.

        “At sa kabila ng pagkagulat mo, nakuha mo pa akong tignan mula ulo hanggang paa.”

        Napakamot naman ako ng ulo. Napansin niya pala yun. Naku naman, eto napapala ko sa pagsama kay Keith nang mga panahon na playboy pa ito.

        “Pumasa ba ako?”

        Tinignan ko siya ulit. Nakatingin lang ito sa akin ng seryoso at yung tono ng boses niya kanina habang tinatanong ako at seryoso din, walang halong pang-aakit.

        Kakaiba tong babaeng ito.

        “Actually hindi ka pumasa. Napaka-haba ng damit mo na para kang nanggaling way back 90’s.  At saka hinsi na uso ang salamin ngayon kung  malabo ang mata mo. Kaya nga may contact lens e. At alam mo bang mas maganda ang babae pag nakikita ang mga mata niya?”

        “Ganun ba? Noong high school kasi ako, nabulag ang isang mata ko. Hindi mapapansin ang mata ko kapag nakasalamin ako.”

        Nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang wala naman siyang kapansanan e. Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang salamin niya. Tama nga ang sinabi niya. Magkaiba ang kulay ng mga mata nito. Wala nang buhay ang kaliwang mata nito. Pero magkagayunpaman, maganda pa din ito. Ibinalik ko na ang salamin niya.

        “Pero mas maganda ka pa din kung wala kang salamin.”

        “Hindi ko alam kung sinong bulag sa ating dalawa.”

        “Hahahah.” Tumawa ako pero napatigil din ng marealize ko ang isang bagay. “Teka nga, anong ginagawa mo pala dito? Even though this is a park, it’s still a private property.”

        Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin. Ni hindi man lang ata gumagalaw ang muscles nito sa mukha.

        “Hey.” Mukhang wala itong balak sagutin ang tanong ko. “Pwede kitang kasuhan ng trespassing.” Though wala naman akong balak gawin yun. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit nandito siya.

        “Nakita kita.”

        “Huh? Nakita mo ako?” Ang labo ata ng sagot niya. Wala akong naintindihan e.

        Binigay niya ang librong yakap-yakap nito. Kinuha ko iyon at binasa ang title.. “How to make a good dessert.” Nagtataka akong napatingin sa kaniya. “Anong kinalaman neto sa nakita mo ako?” Ang gulo niya naman.

        Yumuko ito. “Please.. Will you be my master?”

        Laglag ang panga ko sa sinabi niya.

        Ano daw?

        Master?

 

 

TO BE CONTINUED…..

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 94 40
This story is a teen love story na siguradong kikiligin kayo ❤ what if kailangan nyong magpanggap bilang couple para lang sa isang reason , makakaya...
128K 4K 28
Paano kung si jenna na maganda , mayaman, masungit, mataray at war freak.. Ay makita nya ang katapat nya na si Jiro na gwapo, mayaman, snobbero at...
6.3K 167 28
Hanggang REBOUND na lang ba ako? 《Languages: Tagalog, English ft. French》 ⚠: Some of the chapters have curses, so read at your own risk. ❤keishuyah |...