Sumisikip ang dibdib ni Isabella sa tanawin na nasa harap niya. Magkausap na naman si Gregory at Jennicah. Hindi niya tuloy mapigilan tanungin ang sarili. Hindi ba dapat siya 'yon? May sarili namang protector si Jennicah kaya bakit kailangan magkasama ang dalawa palagi.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata pero bago pa makita ng ibang naroroon ang pighati niya, minabuti niyang lumabas na lang sa palasyo. Magsisimula na naman ang programa kaya malamang hindi na mapapansin ang pag-alis niya.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa hardin ng palasyo dahil sa pag-iyak.
"Ang dami ko naman kasing pwedeng magustuhan bakit ikaw pa Gregory?! Bakit ikaw pa?! Ang sakit, ang sakit sakit lang kung pwede lang turuan ang puso na iba na lang ang mahalin, sana hindi ako nasasaktan ng ganito."
"Isabella" Natigilan siya nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon.
Bakit ka pa sumunod? Hindi mo ba alam na gusto ko munang mapag-isa?
Tahimik niyang pinunasan ang luha. "Bakit ka nandito?" Tanong niya habang nakatalikod pa rin sa binata.
Napasinghap siya nang pihitin siya nito paharap. Gusto niyang umiwas ng tingin para hindi nito makita ang namumugto niyang mata pero huli na, nakita na iyon ni Gregory.
"Umiyak ka. Bakit ka umiyak, prinsesa?"
"N-nag-aalala ka ba s-sakin?"
"Oo naman..." Biglang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ng binata. Para bang binigyan siya ng pag-asa. "...Siyempre protector mo ko. Baka maparusahan ako kapag di kita naalagaan."
Lahat ng nabuong pag-asa sa kaniya ay mabilisang gumuho. Isang bagay ang napatunayan niya. Walang pag-asa na magugustuhan siya ni Gregory dahil para rito isa siyang atas na kailangan nitong gawin.
"Iwan mo ko!" Binaklas niya ang hawak nito sa kaniya.
"P-pero Prinsesa."
"Iwan mo na ako sabi eh! Tutal naman ay wala kang pakialam sa akin edi umalis ka na lang! Alam mo ang manhid mo! ANG MANHID MANHID MO!" Ang mga luhang inakala niyang natuyo na ay muling nagbabagsakan. Masyadong masakit.
"Magsama kayo ni Jennicah! Tutal mas gusto mo siya diba! Mas maganda, sexy at mabait si Jennicah. Edi kayo na! Bagay na bagay nga kayo sa isa't-isa eh!"
She caught him off-guard. Natigilan ito sa sinabi niya na para bang pinipilit iproseso ang mga akusa niya.
Ginawa niya 'yong pagkakataon para makapagteleport palayo. Ayaw niyang makita ang binata. Umuwi siya sa kanilang Palasyo para kumuha lamang ng kaunting damit. Balak niyang tumira muna sa mundo ng mga tao. Gusto niya munang mapag-isa.
TATLONG ARAW na ang lumipas pero wala pa ring Isabella ang nagpapakita. Nag-aalala na si Zafira para sa kaibigan dahil ang huling beses na nakita niya ito ay noong pagtitipon. Ipinahanap na rin ito ng mga magulang sa buong Elemental World pero hanggang ngayon wala pa ring balita. Ano kaya ang nangyari sa pagitan nito at ni Gregory?
Nasa malalim siyang pag-iisip nang pukawin ng tagasilbi ang atensyon niya dahil ipinatatawag daw siya ng hari.
"Sige, susunod na ako."
Inayos niya lang ng kaunti ang sarili.
"Ama, bakit po?"
"Upo ka muna, anak." Nang maka-upo siya'y agad rin itong nagsalita. "Magsisimula ka na ulit mag-ensayo bukas kahit hindi pa nakikita ang Prinsesa. Kailangan mo ng matutunan kontrolin ang kapangyarihan mo sa lalong madaling panahon."
"Masusunod po ama."
"Sige na bumalik ka na sa iyong kwarto. Magpahinga ka dahil kakailanganin mo ang iyong lakas bukas."
Magiliw siyang nagpaalam dito. Habang nasa pasilyo pabalik sa kaniyang silid, nakasalubong niya naman si Master Haurvat.
"Oh, apo saan ka galing?"
Noong una ay naaasiwa pa siya kapag tinatawag siya nitong apo pero di nagtagal ay nasanay din siya.
"Kay ama po pinatawag po ako at sinabi na bukas na daw po ako mag-eensayo ulit."
"O sige hindi muna kita kukulitin, magpahinga ka na kakailanganin mo iyon."
"Sige po."
Wala na siyang nakasalubong pa at matiwasay siyang nakarating sa sariling silid.
Nagtatakang tinignan niya ang kumpon ng bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Wala iyon bago siya umalis. Wala rin siyang ibang nakita o nakasalubong kaya kanino kaya nanggaling ang bulaklak?
Kinuha niya ang card kasama ng bulaklak
Zafira,
You take my breath away...today and every day
Walang nakasulat na pangalan kung kanina nanggaling. Tinignan niya pa ang likod para makasiguro pero wala talaga.
Inamoy niya ang bulaklak. "Hmm..." It's tulips her favorite.
Nasa ganoong posisyon siya nang may naramdaman yumakap sa kaniya mula sa likod. Sa ibang pagkakataon malamang ay nakadepensa na siya pero amoy palang ay kilalang kilala niya na ito.
"Nagustuhan mo ba?" Bulong nito. Mukhang alam niya na kung sino ang may pakana ng bluaklak.
"Ano bang trip mo Aiden at may pabulaklak ka pa?"
"Ngayon ko na sisimulan ang pangliligaw ko sa'yo." Kumalas siya sa yakap nito dahil sa gulat.
"Sigurado ka ba na ngayon ka lang manliligaw? Ang dami mo na ngang tsansing sa akin e."
Tinawanan lang nito ang sinabi niya. Totoo naman. Nahawakan na nito ang kamay niya, nayakap at higit sa lahat nahalikan.
"Gusto mo naman." Kitang kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Ano ka! Tigilan mo nga ako!"
"Bakit totoo naman ehh gusto mo din."
"Anong gusto ko din, basted ka na. Umalis ka nga dito." Kunwa'y inis na sabi niya.
"Ano ba yan kasisimula ko pa lang manligaw basted na ako kaagad."
"Problema mo na yan. Layas!"
"Binibiro ka lang naman. Give me a chance Zafira."
"Maghirap ka! la--"
He claimed her lips, she stilled not knowing what to do.
"Yun lang pala makakapag-patigil sa'yo ehh."
"Bakit mo ginawa yun? Alam mo ba na kapag manliligaw hindi dapat humahalik."
"Para tumahimik ka. I know you can't resist my charm." Puno ng kumpyansang sabi nito.
"Sapakin kaya kita."
"Kung kaya mo."
"Aiden!" Agad naman siyang nagpalabas ng apoy sa kamay, madalas na natatakot na si Aiden kapag ginagawa niya 'yon.
Ayun nawala na lang bigla. Nagteleport siguro.
"Ang sweet niyo naman."
"Isabela!" Aniya at niyakap ang kaibigan.
"Oh? O.A. mo naman."
"Anong o.a. ngayon ka lang nagpakita. Saan ka ba galing?"
"Ahm.. Di ko pwedeng sabihin at tsaka pumunta lang ako dito para bisitahin ka."
"Hindi ka magtatagal?"
"Oo, pakisabi sa parents ko na nasa maayos na kalagayanako. Kailangan ko lang ng space pero babalik din ako."
"Aalis ka na ulit?" Malungkot na aniya.
"Oo, hindi ko pa siya kayang harapin." Alam niya si Gregory ang tinutukoy nito.
"Andito lang ako kung gusto mo magkwento."
"Sa susunod na lang Zafira."
Halatang hindi maayos ang kaibigan niya.
"Kung ganon, mag-iingat ka."
"Salamat. Pero ang sweet niyo ni Aiden kanina, hmm. Bye!"
Pinamulahan siya sa sinabi nang kaibigan. Loka talaga yung babaeng 'yon.
ariathatsme