Invisible

By GHIEbeloved

22K 824 48

INVISIBLE written by: Ghiebeloved Ang pinakamakulay daw na yugto sa buhay ng tao ay kapag natuto ka ng magmah... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
EPILOGUE

Chapter 1

4.5K 122 7
By GHIEbeloved

FROZ's POV

"Froz ang ganda ganda niya talaga. Kailan niya kaya ako mapapansin 'no?"-Masayang siko sakin ni Shone habang titig na titig sa isang litrato.

Kainis lang, 'yan nanamang litratong 'yan ang hawak niya. Ang litratong matagal na niyang pinagpapantasyahan. How I wish na ako nalang sana ang tinutukoy ng gwapong nilalang na 'to.

I try to keep my jealousy inside me at pinilit na harapin siya ng hindi nakikitang naasar ako sa ginagawa niya.

"Naku Shone, asa ka namang mapansin ka niyang si Alice. Iba na kaya ugali nyan."
Paninira ko.

Wala na kaya sa hulog si Alice. Hindi dapat siya ang minamahal mo dapat ako. Tss..

Sa sobrang inis ko ay sinumpak ko lang ang hawak hawak kong cheese burger. Kainis, ganitong nai-stress ako kailangan ko ng pagkain.

Ngunit ikinagulat ko ng tumayo si Shone sa pagkakahiga nito sa hita ko at unti unti nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

*lub*dub*

A-Anong gagawin n-niya.....

Ramdam na ramdam ko ang unti unting paginit ng mukha ko at rinig na rinig ko ang palakas na palakas na pintig ng puso ko.

B-badtrip. Anong gagawin niya?Anong gagawin ko? Anong gagawin namin? A-ano-----

"Ganun talaga pag nagmamahal Bes. Kahit wala ng pag-asa dapat ipaglaban mo parin."- He seriously said without breaking his gaze.

Para namang nanigas ako sa kinauupuan ko at bumaliktad ang lahat ng organs ko ng marahan nitong hawakan ang baba ko.

Then here it comes again. Im starting to imagine things again...

Unti unting inilapit ni Shone ang mukha nito saakin kasabay ng pagpikit naming dalawa. Palakas pa lalo nang palakas ang tibok ng puso ko sa ginagawa niya nang biglang----- Mainit na labi nalang ang naramdaman kong dumampi sa aking noo.

"At hinding hindi ako susuko sayo Froz dahil mahal na mahal------"

*Plok*

Isang pitik sa noo ang nakapagpabalik sakin sa realidad. Napailing naman ako kaagad ng ma-realise kong nag d-daydream nanaman pala ako.

Agh,  kamuntik ko nanamang mapaniwala ang sarili ko sa isang kahibangan.

"Huy?! Bakit ka ba nakapikit?" Walang kamuang muang saking tanong ni Shon.

Dahil sayo,  dahil sa wengya mong mga gestures na nagpapalakas ng daydream mode ko!  Dahil sayo!  Dahil sa mga kilos mong nagpapalakas ng tibok ng puso ko..
At oo dahil sayo..  Dahil sayo kaya ako nakapikit dahil mas gusto ko pa atang maipit sa panaginip ko kesa sa realidad na hindi naman talaga ako ang gusto mo.

Tss..

Agad kong sinimangutan si Shone. This is the usual thing I do when he caught me with my day dream mode.

Pero lalo lang naman itong nagtakha at medyo nagsasalubong na ang kilay nito. 
And swear! Im willing to sold my last penny just to stare with that expression!
He's effortlessly adorable...

"Wala! Eh ikaw? Bakit ba masiyado kang malapit?! May pahawak hawak ka pa sa baba ko! Kinabahan ako kala ko hahalikan mo ako!  Yuck!  Hindi kaya tayo talo.  Tyaka tss.. May gusto ka na sakin no?!" Nanggagalaiti  at tuloy tuloy kong sermon dito. But he's still wearing that adorable expression..

"Eh may dumi kasi." Inosente nitong pinunasan ang labi ko ng thumb niya na ikinanganga ko. "Ang kalat mo talagang kumain kahit kailan."

At sa sobrang hiya at syempre kilig ay napatingin nalang ako sa ibang direksyon.

Malay ko bang may dumi ako sa labi.  Tyaka bakit siya pa nagpunas?  Hindi ba siya aware na nagwawala ang puso ko sa ginagawa niya? Tss. Hindi nga pala siya aware.

"Tyaka anong may gusto? Ikaw talaga Froz." Ngiti nito sakin at sumandal naman ito sa balikat ko.

Heto nanaman siya. Pssh. Kung kotongan ko nalang kaya 'to? Ang manhid. Pero awtch ah. May part na masakit sakin dahil sa tono ng pananalita niya ay wala talagang pagasa na magkagusto siya sakin.

Double kill, is a gamer term if you are kills two times.  But for me?  Double kill is when someone you know that yoy can't have still say those words na wala talaga siyang pagaasang magkagusto sayo.

I cant believe na isang araw ay maiipit din pala ako sa term nilang one sided love .

Pero indi ko naman inaasahang sa ganito ko unang mararamdaman ang pagmamahal eh.  Pinangarap ko rin naman ang may maunang magmahal sakin hindi yung AKO ang unang magmamahal sa kanya.

Pero sa bagay, wala naman sigurong masama. Pwede rin naman yun eh, ikaw ako lang yung may alam na mahal ko siya.

Yung ikaw lang ang may alam na mahal mo siya nang higit pa sa inaakala niya.

OO! Sanay na naman ako sa gantong set up. Sanay akong ako lang mag-isa.

Wengya lang, magisa na nga lagi sa kapangitan ko, pati ba naman sa pagmamahal MAG-ISA PARIN?! Hay buhay. May magagawa ba ako?! Wala din naman...

"Tsk. Sabi ko nga." Bulong ko.

Inis ko lang na inikot ang mata ko kahit hindi niya nakikita. Kumain naman ulit ako ng burger para makalimutan ang sakit sa mga salita niyang ako lang ang nasasaktan. Hindi ko narin ito inalok pa.  Kakaubos niya lang din naman nung sa kanya. Tss...

Umihip ang hangin at ramdam ko siyang tinititigan nanaman ang litratong iyon.

Kung pwede lang talagang magbuntong hininga ng malakas ginawa ko na. Kaso masyado siyang malapit hindi maari. Baka marinig niya.

Kaya naman napatingin nalang ako sa asul na asul na langit.

Why do I need to be by his side?  Why do I need to feel this thing inside me? Why do I need to love him kung masasaktan rin lang pala ako?

My bad...
Because I am his pathetic martir bestfriend.  Froz Yza Tecson.

Fourth year highschool na kami ng gwapong nilalang na ito sa Harrison High at hanggang ngayon ay manhid parin siya sa nararamdaman ko.  Sa bagay, bakit nga naman niya mapapansin ang isang katulad ko kung sakaling magkaroon ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya?

 Tss. Isa lang naman kasi si Shone Habier sa mga lalaking kinakikiligan sa School na ito. Bakit?  Malamang dahil sa kagwapuhan nito. Chinito be like at mala korean star ang datingan. Samantalang ako...

Samantalang ako heto.

Isang ordinaryong babae lang sa Harrison High.  Hindi gaanong matalino at hindi rin ganoon kagandahan.  Simple lang at walang kaarte arte sa pangangatawan.  Ni hindi ko nga kayang maglagay ng lipstick  ng tama,  ang magayus pa kaya para mapansin ako ni Shone?

Tss...

Back to Shone,  Sikat si Shone sa lahat dahil siya ang laging kinakantahan ng mga babae sa campus ng 'nasayo na ang lahat'.
Corny pero totoo.  Mabait si Shone,  matalino,  varsity player,  talented at syempre ang higit sa lahat.  Gwapo...

But the funny thing is he doesn't like to be popular.  He hate those girls who screams to his ears para lang masabing crush nila si Shone.  Minsan nga naawa na ako sa gwapong nilalang na 'to.  Kaso wala akong magawa. Hindi ko naman sila masisisi dahil may dahilan sila para mag hysterical pag dadaan si Shone.  Kung hindi ko nga lang 'to bestfriend baka kasama na ako sa mga babaeng 'yun.

At dahil lagi akong kasama ni Shone samutsaring galit na babae na ang humarap sakin dahil sa mga nagpuputukan nilang butsye dahil sa kasama ko si Shone.  But I don't mind them.  Well It's not my fault to have this popular bestfriend. Tsk saksak ko pa sa kanila ang pwesto ko bilang bestfriend ng lalaking to eh.

Bestfriend...
Naiingit sila dahil kasama ko si Shone. I want to scream on their bare face that I am just HIS BESTFRIEND.
They always throwing me words like a wore,  bitch,  higad,  malandi...  Sarap lang nilang batuhin ng salitang...

BESTFRIEND NGA LANG DIBA BESTFRIEND...

BESTFRIEND LANG...

Talbog man sila dahil sa lagi kong kasama si Shone.  Hindi naman nila alam kung gaano kahirap ang sitwasyon ko sa mahabang panahon.

Bestfriend ko ang taong mahal na mahal ko.
At nakakatawang isiping pwede ko narin palang tawagin ang sarili kong masokista.  Sa kadahilanang ako pa mismo ang nag tutulay sa kanila ni Alice.

Alice... 

Si Alice ang taong mahal ng mahal ko.

Sakit diba?! Ang tanga ko..
Minsan nga natatanong ko rin sa sarili ko. Sino kaya dapat ang ma-bitter. Ang mga iniwan ba ng taong mahal nila o akong napakalapit sa taong mahal ko pero miski siya ay walang kaalam alam?

Nandito kami ngayon sa rooftop ni Shone. Ang lagi naming tambayan. May sampung palapag ang gusaling ito kaya napakataas namin ngayon. Mahangin din dito ng sobra, ngunit malamig naman nang simoy ng hangin kaya masarap sa pakiramdam. Ito ang napili naming tambayan ni Shone dahil tahimik din sa lugar na ito, malayo sa mga fans niya at maiingay na tao.

Romantic na sana para saakin ang mga oras na ito pero hindi. Paano magiging romantic ang isang lugar kung saan lagi nalang niyang tinitignan at pinagpapantasyahan ang taong mahal niya. At obvious naman hindi ako yun.

Tsk Asa ka naman Froz.

Isa akong simpleng babae, wala sa uso ang mga pananamit at lalong wala ding kabuhay buhay ang kulay. Maputla kung ako'y tawagin dahil sa kaputiang meron ako na pag binihisan mo ng puting damit ay magiging white lady na. Mahaba din ang buhok ko na buhaghag at lagi din itong nakapusod. Siguro kung meron lang akong gusto sa sarili ko? Iyon ay ang mga mata ko at ang dimples ko. Matang itinatago ng makapal kong salamin. At ang dimple na bibihira ko lang palabasin. Kakaiba ang ityura ko sa kanila dahil ang tatay ko ay isang engkanto. Tsk, biro lang..
May lahi ang pamilya namin at briton ang aking Tatay. Tatay na hindi ko pa nakikita dahil iniwanan niya kami ng pagkaanak ni Mama sakin. Psh, stupid guy..

Patuloy ko lang na inuubos ang baon ko at hindi na pinansin si Shone na kanina pa nakatitig sa litrato. Tsk, sunugin ko kaya yun? Good idea!

"Froz tignan mo 'to oh, Ang ganda ganda niya dito nung 1st year pa tayo."

Yeah right, pang ilang libong beses mo na yan sinabi sakin.  Tss..  Tyaka pwede ba?!  'di ka ba nagsasawang saktan ako sa simpleng mga salitang yan hah? How dare you to hurt me with those words! HOW DARE YOU!! HUHUHU'

Picture naming tatlo nila Alice ang hawak ni Shone. Ako ang naka peace sign si Alice naman yung babaeng naka pout at si Shone naman ang naka-akbay saming dalawa na namumula. Bestfriend kami nila Alice dati, pero noong nag-second year HS na kami ay naimpluwensyahan na si Alice ng di magagandang kaibigan kaya siguro iba na siya at di na niya kami pinapansin. Itong si Shone naman, habol ng habol tsk.

Kelan kaya ang panahon na mapansin mo naman ako Shone. Kahit minsan lang.. Ako naman ang pansinin mo...

"Edi siya na aba. Buti kung pinapansin ka eh." Bara ko dito at tumingin ako sa malayo. Tanaw ko dito ang mga pader ng Harrison University, ang pinapangarap kong school.

"Bakit ba kasi 'di nalang ako. Edi sana tayo na." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Matagal ko nang gusto si Shone. Magkababata talaga kami mula gradeschool at naging sobrang malapit na ako sa kanya. Hindi lang dahil sa gwapo si Shone at matalino, maalaga din ito at masayang kasama. Ideal man talaga. At ngayon? Mahal ko na ata siya...  No, mahal ko na talaga siya. Hindi ko naman talaga ginustong ma-develop tong nararamdaman ko.
Pero wala eh, sabi nga nila madidiktahan mo ang utak mo pero hindi ang puso.

Sinubukan kong lumayo para matigil na tong nararamdaman ko but I always seeing myself walking back to him dahil hindi ko kaya.  Hindi niya alam na mahal ko na siya at ayokong masaktan siya dahil lang sa walang kwenta kong dahilan para layuan siya.

Oo masakit nung mga time na gusto kong lumayo sa kanya kasi naiinlove na ako. Pero mas nasasaktan ako dahil 'di siya simpleng tao lang sa buhay ko.

Dahil si Shone Habier lang naman ang bestfriend ko. At dahilan ito kaya hindi ko magawang tuluyang lumayo sa kanya.
Ang pinakamahirap na bagay para sakin. Ay yung pilitin ang sarili mo na wag ipaalam sa taong mahal mo ang nararamdaman mo dahil dalawa lang ang maaring mangyari.

Its either lalayo siya sakin o magiiba ang tingin niya sakin. Hayyy naman kasi Froz ang boplaks mo kasi eh.

Bakit bestfriend mo pa!

Bigla siyang umalis sa pagkakasandal niya sa balikat ko at pinasingkit lalo ang mata niya.

"Hah? Anong sabi mo? Ang hina hina ng boses mo Froz."

I should be thankful dahil bingi ang bestfriend ko.

"Ah wala 'yun, ang sabi ko ang gwapo gwapo mo kaso barado naman 'yang tenga mo. Linis linis din haha."
Tumayo na ako dahil alam kong susundutin nanaman ni Shone yung tagiliran ko (kikilitiin). At di nga ako nagkamali hinabol ako nito hangang sa mahuli nya ako. Ganto lang kami kasimpleng magkaibigan.

Yeah ganito lang kami. Isang ordinaryong MAGKAIBIGAN. Magkaibigan LANG. HANGGANG DOON NALANG.

Minsan nagaaway din kami sa mga simpleng bagay. Tulad ng patamarang pumunta sa canteen para bumili ng pagkain namin. Well lagi naman akong nananalo kasi 'GENTLEMAN' daw sya. Minsan naman kaya di ko sya
pinapansin ay dahil sa pag sasabi niyang ang ganda ganda daw ni Alice na sana mapansin siya ni Alice. Pero never nitong minention ang pangalan ni Alice madalas nitong sabihin ay ang ganda "niya", "siya" basta mga indirect words kaya naman iniisip ko nalang minsan na ako nalang ang tinutukoy niya. Kaso imposible. Patawa tss.

Hingal na hingal na ako kakatakbo at ang sakit na ng tyan ko kakatawa. Batang 'to kasi pagnasimulan wala na atang balak tumigil.

"Tama na nga,  baka mamatay ka pa kakatawa dyan, di pa kita makitang mainlove." Hingal na hingal din nitong upo sa sahig ng rooftop.
"Oo nga pala nainlove ka na ba Froz?"-Para naman akong nabilaukan sa tanong niya.

Pero nginitian ko lang ito.

"Nainlove na ako matagal na."
Bulong ko habang papaupo sa tabi nya.

"Tsk, Batang 'to talaga lakasan mo naman sinasabi mo hindi ko kaya marinig!" - angil nito pero nginitian ko lang ito ng mapait. 

Ikaw yun Shone..  Sayo ako nainlove..  Mahal na mahal kita. 

"Sabi ko nainlove na ako matagal na. Alam mo ang gwapo gwapo niya ang bait bait pa kaso hindi niya naman ako pinapansin sakit nga eh." Nag kunwari pa ko ng parang tinusok ang puso ko. At sabay kaming natawa sa kaadikan ko.

Pero ako lang ba o may kakaiba sa tawa ngayun ni Shone? Parang... Parang kulang..

Tsk, ewan...

"Ayiiieee ikaw ah. Bestfriend mo ako tapos hindi mo man lang sinasabi sakin kung sino yang maswerteng lalaki na 'yan. Nakakatampo!"
Ngumuso ito at tumalikod sakin.

Agh, I want to pinch his cheeks right now!  Ang cute!!

Pero iniling ko ang ulo ko ng mahina ng maramdaman ko nanaman ang pagkaampalaya mode ko.

Hay naku tama na nga ang drama. Masaya na ako ngayon na kahit si Alice ang laman ng puso mo Shone.  Atleast ako naman ang lagi mong kasama. Mas okay na 'to, mas okay na 'to kesa sa wala.'

*RIIINNGG*

Sabay kaming napatayo ng mabilis ng marinig namin ang bell ng school . At sinisimbulo nito na tapos na ang lunch break.

Pumasok na kami sa kanya kanyang room namin. Classmate ko nga pala si Alice, at nagbago na talaga siya.  Dati mabait sya, ni hindi nga makabasag pingan. Pero ngayon iba na. Sobrang iba, siya na yung babaeng sexy, popular, angelic face at talented. Wala sigurong aangal kung siya ang maging Girlfriend ni Shone. Kesa sakin... Tss cut it Froz stop dreaming!

Pero isa lang naman lamang ko kay Alice. Yun ay ang ako ang bestfriend, Pero hell?! Mas mahirap ang sitwasyon dahil sa bestfriend thingy na yan!

Third person POV

Maaga dinismiss ng teacher nila Shone ang klase nila. Nagpasama si Shone sa kaibigan niyang si Frederick sa locker room dahil may kukunin siya rito. Di maiwasan pagtinginan sila ng mga babae dahil silang dalawa ang kasama sa mga heartrob ng Harrison High.

"Pre anong pangalan ng babaeng lagi mong kasama yung cute?"
Masayang tanong ni Frederick kay Shone habang inaayus ni Shone ang locker niya.

Napahinto naman ang binatang si Shone saglit sa ginagawa niya. Dahil di mag sink-in sa utak niya ang tanong ng kaibigan niyang si Frederick.

"Ah-hh si Froz 'yun bakit?" Seryosong tanong ni Shone.

"Wahh Froz name niya? Bakit 'di mo man lang ako pinapakilala!! Wahh gusto ko siya pare." Walang pigil na sabi ni Frederick.

"Umayus ka Fred. Di basta bastang babae si Froz. Di ko hahayaang masama siya sa mga ex mo." Padabog na kinuha ni Shone ang bag niya at excited na siyang puntahan si Froz dahil sinusundo niya lagi ito. Para sabay sila.

"Kaya nga sayo ako magpapaalam eh. Kasi alam kong mahalaga siya sayo. Seryoso ako Shone gusto ko si Froz 'di ko lang sinasabi pero matagal na kong may gusto sa kanya."

"Tsk. Di pwede." Masungit na sabi ni Shone dito.

"Anong hindi pwede?! Bakit may gusto ka ba sa bestfriend mo ?" Medyo malakas nitong tanong kay Shone

"WALA!!" sa hindi mapaliwanag na dahilan napasigaw bigla si Shone.

"Haha tagala? Edi mas okay. Liligawan ko siya. At pinaalam ko lang sayo. Nga pala ako susundo kay Froz ngayon. Wag m----"

"Okay." pigil ni Shone kay Frederick at nagiba na ito ng direksyon.

to be continued ~

Continue Reading

You'll Also Like

17.2M 274K 44
Kingdom University Series, Book #1 || Tiffany Damian, despite her elegant beauty, wisdom and wealth, never wanted to be part of the Elites-a distingu...
431K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
5.9M 193K 62
Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures t...
1.6M 64K 52
Emily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in t...