Not So Boy Next Door (COMPLET...

By aril_daine

3.4M 76.1K 6.6K

If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz More

Not So Boy Next Door
Chapter 1: So freaking wrong!
Chapter 2: Maybe
Chapter 3: Dyosa
Chapter 4: I won't go chasing
Chapter 5: Chess Master
Chapter 6: Feeling Superhero
Chapter 7: Seriously?
Chapter 8: Weakness
Chapter 9: Good Old Days
Chapter 10: Love is...
Chapter 11: I hate her
Chapter 12: Help me
Chapter 13: Bwisit ka talaga!
Chapter 14: Tsismosa
Chapter 15: Goodnight
Chapter 16: ...
Chapter 17: Weird
Chapter 18: I waited for nothing
Chapter 19: 'Kay
Chapter 20: Pain Pain Go Away?
Chapter 21: Buti nga!
Chapter 23: Ten
Chapter 24: Meanie
Chapter 25: Bwisit
Chapter 26: Broken Rule
Chapter 27: Valid or void?
Chapter 28: Midnight Phone Call
Chapter 29: Ewan! Ewan!
Chapter 30: You're Annoying
Chapter 31: D and his Game
Chapter 32: That was so embarrassing!
Chapter 33: Hormones
Chapter 34: 2 seconds
Chapter 35: Only one
Chapter 36: Clingy
Chapter 37: Happy birthday to me
Chapter 38: Thief
Chapter 39: Stop
Chapter 40: Baliw
Chapter 41: Damn Medicine
Chapter 42: Suhol
Chapter 43: Amazing
Chapter 44: Katahimikan
CHAPTER 44 Part 2: Bun in the Oven
CHAPTER 45: FLASHBACK
CHAPTER 46
Chapter 47: Party
Chapter 48: Assuming
CHAPTER 49: Fine!
CHAPTER 50: END

Chapter 22: Drunk

53.4K 1.1K 36
By aril_daine

Chapter 22: Drunk

 

I didn’t mean it! I swear!

Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila. Hindi ko sinasadyang makitang nakaluhod si Pauline! Jesus Christ! What the hell happened?

She’s on her knees, kneeling, and begging for his forgiveness but Damian is a monster! He’s a hell lot more cruel than a monster!

And when he was leaving, he saw me. I definitely saw his cold dark eyes fixed on me. I couldn’t understand a thing and i don’t want to involve myself either. That’s their problem and not mine to snoop.

My heart is still racing so damn fast. Ngayon alam ko na kung bakit niya sinabing wala siyang puso.

Nakaupo na ngayon ang kaninang nakaluhod na si Pauline. She’s crying at nagpapasalamat talaga ako na hapon na at umuwi na ang mga estudyante. Wala na rin ibang teachers na nandito ngayon bukod saakin at sa mga guards.

Lalapitan ko ba o Iiwanan?

Damn JL! Bakit ba lumalambot ka sa tuwing nakakakita ka ng umiiyak? Ito na yata ang karma na binigay saakin dahil sa nagawa ko noong kasalanan kay Miyuki.

“Are you okay? Absolutely not. How stupid of me to even ask.” Sagot ko rin sa sarili kong tanong dahil hanggang ngayon ay humahagulgol pa rin siya.   “Did he hurt you?” Duh JL! Kaya nga umiiyak! Sabi pa ng utak ko.

“Hindi! Hindi niya ako sinaktan.” Tumayo ito at pinupunasan niya ang mga luha niya. She’s really beautiful kahit pa umiiyak siya. Bakit ba siya nagpapakatanga kay Damian? “Huwag mong isipin kung anong nakita mo.” Humahagulgol na sabi nito.

“Hindi ko naman masyadong narinig ang pinag-uusapan niyo.” Sabi ko naman at saka ako nakahalukipkip na sumandal sa pader. She’s crying hard because of Damian. Ano bang meron ang lalaking iyon at dalawang babae pa ang nagkakandarapa sakanya? Baliw na ba ang mga babae dito?

“I’m fine. He didn’t hurt me.”

“You’re crying. Yes, you’re fine.” Liar. Ako pa ang ginawang mangmang halata namang nasasaktan. “But fix yourself before going home. Baka mapagkamalan ka pa ng mga tao dyan na mahina. Padilim na kaya mag-ingat ka.” Inabot ko rin sakanya ang panyo ko bago ko siya tuluyang iniwan.

Damian is really a jerk! Bakit niya pinapaiyak ang babae? For Pete’s sake! Dalawang babae na ang pinaiyak niya! Una si Leo tapos ngayon naman si Pauline? What’s wrong with him? Monster!

Tanging sina lola at Hazel lang ang naabutan ko sa bahay. Nagluluto si Hazel at si lola naman ay nanonood ng tv.

“Hindi mo ba kasabay si Carding umuwi?” Tanong pa nito saakin nang magmano ako sakanya.Sinilip pa niya ang likuran ko para makasigurado.

“Malaki na siya. Hayaan mo ‘yung tao.” Sabi ko saka umupo muna ako sa tabi ni lola. Niyakap ko pa nga ito pero pinalo lang niya ako sa braso.

“Mainit. Tumigil-tigil ka ngang bata ka.”

“Lola naman. Minsan lang naman ako maglambing. Pero la, pwede na ba ako magdala ng pusa dito sa bahay?” Nakangiti kong tanong sakanya pero tinitigan lang ako ni lola at tinaasan ng kilay. Hindi ko tuloy mapigilang huwag mapasimangot. May nakita kasi akong cute na pusa kanina sa daan. Mukhang inabandona kasi ito kaya naaawa ako.

“Lola naman malaki na ako. Kaya ko na mag-alaga ng pusa. Isa pa, namimiss ko na kasi yung alaga ko kina tita.”

“Ikaw talaga. Kung hindi mo lang kamukha ang nanay mo.” Sabi nito at saka ako inamba ng yakap. Gustong-gusto ko talaga kapag si lola ang yumayakap saakin. Pakiramdam ko kasi ay siya ang mommy ko.

“Kaya ba ayaw mo akong pabalikin dito noon kasi naaalala mo si mommy?”

“Ay! Tumigil ka na nga! Hindi na kita papayagang mag-alaga ng pusa.” Tumayo na rin ito at naglakad papunta sa kusina. “Hazel maghain ka na.” Narinig ko pang sabi nito bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. Pumanhik na rin ako sa kwarto ko para na rin magshower at magpahinga sandali bago kumain.

Hindi ko pa yata maiuuwi ang pusang nakita ko kanina sa daan. Kawawa naman siya.

Nasa sala ako at nagbabasa ng novel nang pumasok ang lasing na si Damian. Naka white shirt lang siya at hawak-hawak niya sa kanang kamay niya ang isa sa mga damit na binigay ni lola. Madaling araw na at obvious naman na ako nalang ang gising ngayon. Nginitian pa ako nito at umupo rin sa tabi ko.

“You stink! Umakyat ka na nga.” Tinakpan ko ang ilong ko dahil amoy alak talaga siya ngayon.

“Nakita mo kami kanina. Habit mo talagang makinig ng usapan ng iba, ano?” mahina lang ang pagkakasabi nito pero maayos pa naman siyang magsalita.

Lasing siya oo, pero hindi naman pwedeng sinsabi niya yan. Kasalanan ko bang lagi ko siyang nadadaanan? Sila itong paharang-harang sa dadaanan ko.

“Edi sana pumunta naman kayo sa pribadong lugar para mag-usap.” Sagot ko saka ako tuluyang humarap sakanya. Nakapikit siya at parang stressed siya. “Did you make her cry?” Isinandal ko ang kaliwang braso ko sa sofa habang nakahawak sa sentido ko. Tinaas ko na rin ang dalawang paa ko para maging komportable ako. Na-bother kasi ako sa sagot ni Pauline kanina. Umiiyak siya pero hindi naman daw siya sinaktan ni D.

“Did I?” huminga siya nang malalim. “Baka nga pinaiyak ko siya.”

“Bakit? Ano bang nangyari?”

“Sinaktan niya ako noon.” Halos pabulong nalang siya kung sumagot at halatang patulog na rin siya. “Sobrang... nasaktan ako Jeling.” Tumawa pa siya bago muling nagsalita. “Huwag ka ng magtanong baka kasi masagot ko.”

Nang mapansin kong matagal na siyang tahimik ay binato ko siya ng unan para hindi niya ako tulugan.

“Umakyat ka na nga. Matulog ka sa taas. Kapag nakita ka ni lola dito, ikaw din ang kawawa.” Pero imbes na sundin niya ako ay kung anu-ano pa ang sinasabi niya.

“Ang tangos ng ilong ko, diba?”

“Oo na.” Sagot ko nang hindi nakatingin sakanya.

“Jeling?”

“Sabing JL ang itawag mo saakin, e.” hindi na ako makapagbasa dahil sakanya. Kahit kalian ay panggulo talaga siya. Isinara ko na ng tuluyan ang librong binabasa ko at tumingin sakanya. Mukha talaga siyang kawawa. Pero totoo ang sinabi niyang matangos ang ilong niya. Medyo mahaba rin ang pilikmata niya. Nakakatawa lang siya ngayon dahil pulang-pula ang mukha niya. Siguro ay dala na rin ng kalasingan niya.  

“kalian ba tayo magbi-baseball ulit?” Muli itong pumikit at itinaas na nga niya ng tuluyan ang mga paa niya. Dahilan kaya napatayo ako bigla. “Bakit ba kasi natuto kang magsuot ng palda? Mas maganda pa rin sayo ang sweatpants.”

“Bahala ka nga sa buhay mo.”

“Jeling... kapag tinawag kitang JL, can I kiss you goodnight?” Natatawa pa sya nang tanungin niya ako. Lasing nga talaga siya. “I can kiss girls that I don’t even like.” The nerve of this guy!

“Well, too bad! FYI, I’m not just a girl that you can always kiss, D. I’m a woman and I don’t kiss boys like you.” Iniwan ko nalang siyang mag-isa dahil ayaw ko na siyang makausap.

“Magbaseball tayo ulit! Or watch me play drums!” sigaw pa niya. Siraulo talaga. Balak ba niyang gisingin sina lola?

Pero siguro totoo ngang nasaktan siya at hindi si Pauline. Pero kahit ganun, dapat ay hindi pa rin niya hinayaan na lumuhod ang babae sa harapan niya. Hindi pa rin dapat niya iniwan itong mag-isa. Jerk talaga.

***

Happy Halloween! *0*

Search niyo lang account ni sir cards! Ricardo Damian Romo ang kanyang pangalan sa fb XD

Continue Reading

You'll Also Like

114K 3.8K 57
Do you think you can love someone again if there's something in your past that's preventing you? What if you fell in love, with someone who's younger...
1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.1M 78.1K 100
Ang diary ng isang NBSB...
391K 9.9K 43
Old story written in 2006.