FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXII. Love Me

2K 135 35
By WeirdyGurl

Hi Alyce, 

Naalala mo pa ba ako? Ako 'yong nagbigay sa'yo ng piano drawing noong pumunta ka sa isang orphanage noong bata ka pa. You played the song Je Te Veux with your heart. Tinanong ko pa si sister kung ano ang title nun. Akala ko nagmumura siya. Haha. French pala 'yon, that means, I want you. 

Habang pinapakinggan kita, hindi ko alam pero parang nagiging masaya ako. Mas gumaan 'yong pakiramdam ko. Malungkot kasi ako nang araw na 'yon kasi 'di na ako binalikan ng mga magulang ko nang iwan nila ako sa simbahan. Ang lungkot ba ng buhay ko? Oo, kahit 'di mo pa itanong. XD

Pero alam mo ba, simula nang araw na marinig kitang tumugtog naging tagahanga muna ako. Sabi nga nila sister, sikat ka raw sa Maynila. Madami ka na raw naipanalo na contest sa ibang bansa. Wow! Ang galing mo pala. Sana pala nilakasan ko ang loob ko na kausapin ka. Ngiti at hi lang yata ang nasabi ko sa'yo noon. Kaya 'di ko alam kung maalala mo pa ako.

Kaya ang saya ko nang malaman kong isa ka sa mga tutugtog sa isang classical concert na nakita ko sa tv. Ang mahal pala ng ticket. Pero okay lang, basta marinig ulit kitang tumugtog at makita ka sa malayo. Nandoon nga pala ako sa pinakadulo. Sorry, 'di ko na kasi afford ang front seats. Pero rinig na rinig naman kita roon.

At saka, may boyfriend ka na pala, 'no? Sa totoo lang, nasaktan ako nang slight nang malaman ko 'yon. Huli na yata ako. Pero hangad ko pa rin ang kaligayahan mo. Nandito pa rin ako nakasuporta sa'yo. Number one fan mo pa rin ako. Lagi pa rin akong naka suporta sa'yo.

PS: Feeling ko 'di mo na ako maalala. Ang pangit kasi ng buhok ko noong bata ako. Mukhang lampaso. May pa bangs ang lolo mo. Haha. Ang daldal ko ba masyado? Sige sa susunod, 'di na mahaba ang sulat ko. Ingat ka palagi.

Lihim Mong Tagahanga,

Darven Franco

"Darven Franco?" usal ni Alyce pagkatapos mabasa ang unang lihim. 

So 'yon ang meaning ng D.F.

Sinubukan niyang alalahanin ang lalaki. Wala siyang natatandaan na may nagpakilala sa kanya noon sa pangalang 'yon. Pero naalala niyang may isang orphanage siyang pinuntahan noong ten years old siya. As for the piano drawing, para ngang may nagbigay pero 'di niya maalala kung na i-keep nga ba niya o hindi.

"ET!" Sumilip ang ulo ni Darwin sa siwang ng pinto ng silid niya. Natutop niya ang dibdib sa gulat. Ang lalaking 'to talaga, para na lang kabute. Mawawala at biglang babalik. "Nagulat ba kita?"

"Malamang, 'di ba?!" pagtataray pa niya.

Tinawanan lang siya nito. "Dalhin mo 'yong maleta mo. Aalis pala tayo."

Namilog ang mga mata niya. "Saan tayo pupunta?"

"Road trip tayo kahit saan. Dalian mo na riyan."

Napabuga siya ng hangin. "Ikaw, napaka – ah ewan ko sa'yo."

"Spur of the moments plans are the best. C'mon!"




NAG-STOP OVER sila sa isang mini restaurant at coffee shop. Hindi niya alam kung na saan na sila. Hinayaan niya lang si Darwin sa kung saan nito gustong pumunta. Tawa at asaran lang naman ginawa nila sa sasakyan. And she enjoyed every moments with him.

Ngayon naman may kung ano itong dino-drawing sa tissue paper. Ewan kung saan nito nakuha ang ballpen na 'yon. Maybe he can do magics as well. Busy siya sa pagkain ng sandwich at sa iced coffee niya.

"Anong dino-drawing mo?" basag niya.

"Done!"

Inangat nito ang mukha sa kanya at may malaking ngiting ipinakita sa kanya ang drawing nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang natigilan. Darwin drew a piano on the tissue paper. Biglang may bumalik ng ilang fragments of memories sa kanya pero 'di mabuo-buo sa isip niya.

"Pambayad ko sa pagsama mo sa'kin," dagdag nito. Inabot nito sa kanya ang tissue paper. "Huwag mong ipangpunas 'yan. I-keep mo lang."

"Thank you." Ngumiti pa rin siya sa kabila ng mga eksenang pumapasok sa isip niya. Na triggered ng drawing nito ang ilang memories niya noon na 'di niya maalala. "Curious lang ako," dagdag niya. "Kayo bang heaven beings, minsan ding naging tao katulad namin?"

"Nanood ka masyado ng mga drama sa tv, ET," nakatawang sagot nito. Kumunot lang ang noo niya. "No, hindi kami tao noong nakaraang buhay namin. Kagaya n'yo, pinanganak kami bilang heaven beings at ikaw bilang human beings. If you're wondering why God created two worlds, the right answer for that can only be answered by Him. Masasabing special kami kasi we have these unlimited life and power pero it's more like a work than a life. Heaven beings are created to maintain the balance in the world. Para kaming God's assistants."

"So hindi talaga nag-e-exist 'yong idea na, tao kayo noon?"

"Hindi, kapag namatay ang tao, tatawid na sila sa kabilang buhay para harapin ang court of trial kung saan kakastiguhin sila sa mga nagawang kabutihan o kasamaan nila sa buhay. If reincarnation exist, I believe they are." Ngumiti ito. "May mga unrequited love kasi na nagkakatuluyan sa susunod na buhay. Para kasing journey ang love. Kung bigo ka noong nakaraang buhay mo. Madadala mo ang mga natutunan mo sa susunod na buhay hanggang sa maging tama na ang pag-ibig na hindi natupad noon. I love those kind of stories, actually."

"Talaga? So meaning, 'yong minsan, may taong nararamdaman nila na nagkita na sila noon pero 'di lang maalala ay totoo?"

He nodded. "Hindi naman kasi ganoon kasama ang tadhana. May dahilan kung bakit 'di kayo nagkatuluyan sa panahon na 'yon. In-allow 'yon ng itaas dahil may mabuting idudulot 'yon sa susunod na henerasyon. Nabibigyan ng second chance ang mga star crossed lovers sa next life. It may sound tragic but some love are created as sacrifice for the good of all."

Parang silang dalawa ni Darwin. Pinadala ito para baguhin siya pero hindi para makasama niya habang buhay.

"Parang tayong dalawa." Napatitig siya sa mga mata nito. Nabasa na naman siguro nito ang nasa isip niya. "I know what you're thinking ET."

Mapait siyang ngumiti. "Hindi ko lang maiwasang isipin."

"Huwag mo nang isipin. Alam mo ba na bawal na 'tong ginagawa ko. I'm exploiting some information of heavens. Mapaparusahan na naman ako pagbalik ko."

"Darwin!" Napasinghap siya. "You shouldn't have shared that to me."

"It's okay, madaldal din kasi ako." Tumawa ito. "I can't help it. Kahit naman ipagsabi mo sa iba, wala namang maniniwala sa'yo."

"Iisipin nilang nababaliw na ako."

"At ipa-mental ka pa."

"Don't worry, your secrets are safe with me."

"I know," may ngiting sagot nito. Tumaas ang isang kamay nito para ilagay sa likod ng isang tenga niya ang ilang hiblang buhok na kumawala sa mukha niya. "Nasabi ko na ba sa'yong maganda ka?"

Natawa siya. "Ngayon ko lang narinig mula sa'yo ang isang compliment."

"Madami na akong na-i-compliment sa'yo."

"Pero ang hindi ang pagsabi sa'kin na maganda ako."

Lumapad ang ngiti ni Darwin. "Nakakabwesit kasi ang ugali mo minsan."

"E kasi nakakaasar ka rin."

"Pero langya, bakit mahal pa rin kita kahit ang sarap mo nang isako?"

"Well, I call that true love."

Pareho silang natawa sa isa't isa. Shuks, ang korni niya.




"NASA wing ako ng tatay ko," pagkukwento pa rin ni Darwin habang nasa byahe sila. "You call him on earth as Mr. Destiny. Sa aming lahat, siya lang ang nakakausap ng Supreme Being. Kasama na ang mga heads ng ibang department. Si End, siya ang death. Kung napapansin mo, parang nakakatakot siyang titigan. At nakakakilabot kapag tinatawag ka niya sa pangalan."

"Sabi ko na e!"

Natawa ito. "He's a the head of the grim reapers in the world. So that kind of answer why he's intimidating and gives you all the chills. Si Ate Dreana naman, siya ang para sa mga pangarap ng tao. She knows the schedule of success of every person in this world. Gaya ng kamatayan at pag-ibig, may tamang oras din para sa pangarap. At ako, sa pag-ibig."

"Darwin Fate, Destiny's son of love."

"Bagay ba?"

"Sobra, pero mas bagay sa'kin 'yong Fate, Alyce Alonzo Fate."

"Kinilig naman ako." He chuckled. "Sige, pwede na ring makapatid tayo para pareho tayong Fate."

"Baliw! Ayaw mong maging asawa ako?"

"Ay, oo nga, 'no? Bakit 'di ko naisip 'yon."

"Ewan ko sa'yo. Puro ka kalokohan. Ituloy mo na kwento mo. O, tapos, anong ginagawa n'yo?"

"Lahat ng mga tadhana ng tao ay nakasulat sa book of destinies na nasa silid ni Papa. Personal na isinulat 'yon ng Supreme Being o ang Dios nating lahat. Ang ginagawa namin. Kami ang tumitingin sa mga buhay ng tao. Kami ang nagbibigay ng signs para hindi sila malihis sa tamang landas. Pero ang huling desisyon ay nasa tao pa rin. Lahat naman kasi ng buhay ng tao ay maganda. Kaya lamang, madaming factors sa mundo na nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang tao."

"Kasi binigyan kami ng freedom of choice."

"Freedom to become the person you want to be. Freedom to love someone you want to love. Freedom to hurt the people you want to hurt. Nasa tao kung gagamitin niya ang freedom na 'yon sa kasamaan o kabutihan."

"Bakit hinahayaan Niya na maging masama ang tao?"

"Hindi Niya hinahayaan na maging masama ang isang tao. Ang tao lang talaga ang hindi nakikinig. Hinayaan kasi nila na mabulag sila ng inggit, galit at emosyon. Kapag ganoon, hindi na natin Siya nakikita at naririnig. Hindi na natin na-a-appreciate ang mga magagandang bagay na meron tayo dahil sa kagustuhan nating umangat at makapaghiganti."

"I can relate on that."

Darwin smiled. "Pero alam mo minsan, hindi ko pa rin maintindihan ang mga plano Niya. Pero wala naman Siyang plano na hindi mabuti ang maidudulot. Kahit na masakit, madalas maganda naman ang kapalit nun."

"Siya lang ang nakakaalam ng lahat."

"Sabi nga lagi ni tanda sa'kin. Don't question every plans He have for you. Let things unfold on its own time. Stop looking for answers, they will show up when the right time comes."

Napangiti siya. "Lagi akong may tanong sa Kanya pero madalas hindi ko nakikita ang sagot and it frustrates me. And when I got tired of questioning His plans for me, mas nagiging madali na para sa'kin na tanggapin ang lahat. Mas natutukan ko ang sarili ko. Mas minahal ko ang sarili ko."

"Acceptance ang tawag diyan."

"Mas madali pa lang tanggapin ang mga nangyayari sa buhay natin kung hindi na natin masyadong hinahanapan ng tamang sagot ang lahat. Kapag hindi na tayo naghahanap ng affirmation sa ibang tao o assurance na magaling tayo at may patutunguhan ang mga pangarap natin. At the end of the day, ang kailangan mo lang pala ay trust sa sarili mo."

"Mabibigyan kita ng 100 kisses sa sinabi mong 'yan ET. Hindi mo alam kung gaano ako ka proud sa pagbabago mo."

"Magaling ka kasing konsensiya," nakatawa niyang sagot.

"Kung may naitulong man ako, then you're welcome. Pero alam mo ba, ikaw mismo ang bumago sa sarili mo. Wala nga yata ako masyadong ginawa. Nagugulat nga ako sa mga pagbabago mo. Naiiyak tuloy ako."

"Loko 'to, oa mo, ha?"

"Proud na proud ako sa'yo. Mami-miss ko ang pink sungay mo pero alam kong mas gaganda ka kapag wala na ang mga sungay mo."

"Hindi ko alam kung compliment 'yan o inaasar mo na naman ako."

"Compliment 'yon mula sa nag-iisa mong number negative one fan mo at boyfriend mo."

Natawa siya. "Ba't negative one fan?"

"I-explain ko pa ba?" Tawang-tawa ito habang nagda-drive. "Syempre ang nauna sa one ay zero, pero may nauna pa sa zero, 'yong negative one. Kaya negative one fan mo ako."

"Kung anong iniisip mo. Pa uso ka lang e."

"Hindi ako pauso. Matalino lang talaga ako."

"Ewan ko sa'yo."

"Malapit na tayo."

"Saan ba talaga tayo pupunta."

"You'll know."

Nagulat siya nang hawakan ng isang libreng kamay nito ang batok niya para ilapit ang mukha rito. Saka siya nito mabilis na hinalikan sa noo. She can't help but smile. Sweet!




HALOS humalik na ang kulay kahel na kalangitan sa dagat nang makarating sila. Hindi niya eksakto alam kung na saan sila pero hindi na importante 'yon. Kahit saan pa siya dalhin ni Darwin, sasama siya. 

May isang white villa na nakaharap sa dagat at mukhang doon yata sila mag-stay ni Darwin. Nauna na kasi itong pumasok dala ang mga gamit nila. Exclusive yata ang beach na 'yon.

Pumasok na siya sa loob at tinignan ang bawat sulok ng bahay. Simple lamang 'yon at minimalist masyado ang design. Napaka-homey ng dating nun. Isama pa ang tumatagos na malamig at sariwang simoy ng hangin mula sa labas.

"What do you think of the house?"

Napalingon siya sa may direksyon ng hagdanan. Nakangiting nakaupo si Darwin sa isa sa mga baitang ng hagdan.

"Saan mo nalaman ang lugar na 'to?" Lumapit siya.

"Secret ko na 'yon." Tumayo ito at tumabi sa kanya. He rested one arm around her shoulder. Iginiya siya nito sa patio ng bahay. "Maganda ba?"

Pareho nilang tinignan ang magandang view sa harap nila. Ang unti-unting pagbaba ng araw. 

"Ang ganda at ang tahimik."

"May piano sa itaas."

Naiangat niya ang mukha rito. Sinalubong nito ang namimilog niyang mga mata. "Talaga?"

"Oo naman, makakalimutan ko ba 'yon? Gusto kong marinig kang tumutugtog araw-araw."

Sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Magaling na ba ako? May puso na ba akong tumugtog?"

"May puso naman talaga. Pero palaging nagdadalawang isip."

Yumakap siya rito. "Sa susunod na marinig mo akong tumugtog, buo na ang puso sa musika ko." Naramdaman niya ang pagganti ng yakap nito sa kanya. Lalo siyang napangiti. "Gustong-gusto ko talaga kapag niyayakap mo ako."

"Masarap ba?" may panunuksong tanong nito.

Tumango siya. "Sobra."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Sige, araw-araw na kitang yayakapin."

"I love you." Nakangiting iniangat niya ang mukha rito. "Sasabihin ko 'yon lagi hanggang sa maubos lahat ng oras na meron tayo. Wala akong sasayangin na kahit ilang segundo." Naipikit niya ang mga mata nang gawaran siya nito ng masuyong halik sa noo. "I love you," ulit niya. "I love you."

"I love you too." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan naman nito ang kamay niya at iginiya sa direksyon ng kusina. "Nailabas ko na ang mga na grocery nila Strar kaya magluto na tayo."

"Tayo? O Ako?"

Umasim ang mukha nito nang lingonin siya nito mula sa balikat. "Mahal kita, pero I don't trust your cooking skills, ET."

Napamaang siya. "Wow naman!"

Malakas na tinawanan lang siya ni Darwin.




"NASIMULAN mo na ang one thousand good deeds mo?" basag ni Darwin sa kanya habang nagpapalipas sila ng oras sa second floor terrace ng villa. Rinig na rinig nila ang tila musikang paghampas ng mga alon sa buhanginan.

They sat opposite with each other on the steel chair. May nakapitagan na glass table sa kanila. Hawak-hawak niya ang pink notebook at ball pen niya. Umiinom naman ito ng tea mula sa tasa nitong hawak.

"Nasimulan ko na," nakangiti niyang sagot. "I've already made 50 good deeds."

"Wow, madami na 'yan."

Natawa siya. "Ang layo pa nga e. I still have 950 good deeds to do."

"Mabilis lang 'yan. Kapag natapos mo 'yan, pwede kang humiling ng kahit ano. Promise, matutupad 'yon."

"Darwin," baling niya rito pagkatapos ay tinignan ang white grand piano sa likod nila. Nasa loob 'yon ng bahay. "Gusto mong turuan kitang mag-piano?"

"Wala akong talent diyan."

"Okay lang 'yan." Tumayo siya at hinawakan ito sa isang kamay. Mabilis na naibaba nito sa glass table ang hawak na tasa nang hilahin niya ito sa loob.

Nag-share sila sa iisang bench. Binuksan niya ang takip ng mga piano keys.

"Twinkle – twinkle lang ang alam ko."

"Makinig ka na lang sa'kin."

Nang maglapat ang mga daliri niya sa mga piano keys ay napangiti siya. Parang may sariling buhay na lumikha ang mga 'yon ng magandang tunog na animo'y sumasama sa ihip ng hangin at malakas na hampas ng mga alon. It created a perfect melody. Nakangiti lang siya habang tumutugtog. Paminsan-minsan ay tinitignan si Darwin. Hanggang sa matapos ang musikang para talaga rito.

"Anong title nun?" basag nito.

"Love Me."

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. Mayamaya pa ay naglapat na ang mga labi nila. Agad niyang naipikit ang mga mata at gumanti ng halik. She felt him smile between their kisses. His kisses were always her favorite. 'Yon din ang sobrang ma-mi-miss niya rito. She will savor every kisses and hugs she gets from him.

Pinagdikit nito ang mga noo nila pagkatapos. Natawa siya. May napapansin kasi talaga siya rito.

"Why are you laughing?"

"Ang daya, ako lang hinihingal kapag nag-ki-kiss tayo."

Natawa na ito. "Sorry, gusto mong mag-pretend akong humihingal para romantic."

Napalo niya ito sa dibdib. Pareho nilang naiangat ang tingin sa isa't isa. "Huwag na, tanggap ko nang, hindi ka talaga napapagod."

"Hindi talaga ako mapapagod na mahalin ka."

"Korni, ah!"

"Pa align nga muna." Itinaas nito ang index finger nito. "Hindi kompleto ang araw ko kapag 'di tayo nag-a-align."

"Alam mo, puro ka talaga kalokohan."

"Hindi 'to biro. Sign of love 'to." Ito mismo ang nag-angat ng isang daliri niya para makapag-align sila. "Tandaan mo ET, na sa tuwing nag-a-align tayo. Hindi lang mga daliri natin ang nagdidikit. Pati na rin ang mga puso natin."

Biglang naninikip ang dibdib niya sa kabila ng mga ngiti niya. Ramdam niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya. She's holding her tears.

"Bawal ba akong magpa-align sa iba?" tanong niya.

"Bawal," parang batang iling na sagot nito.

"Bakit naman?"

"Magseselos ako."

Natawa siya. "Parang gusto kong makitang nagseselos ka."

"Huwag, babagyo."

"Grabe naman, maghahasik ka pa talaga ng bagyo."

"Oo, hanggang sa masira ang bahay ng lalaking 'yon."

"Masama ka pa lang galitin."

"Masama akong magselos."

"Sige 'di ko na gagawin."

"Huwag mong susubukan talaga. Makakatikim ka talaga sa'kin ng parusa."

Nakagat niya ang ibabang labi habang nakangiti. "Anong parusa?"

"Oh, don't give me that kind of look Alyce Alonzo!"

Malakas na natawa siya. "Ang cute mo!"





A/N: Love Me by Yiruma, video above. Pwede n'yong pakinggan para dama ang feels. Thank you for still supporting DaLyce. Na-a-appreciate ko po lahat ng mga comments sa story na 'to. Maliban sa update na po ulit. Haha. Joke lang! Ngayon lang nakapag-update, medyo magaling na ako. Love you all. 

Continue Reading

You'll Also Like

45.9K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
Erin's Heart By KD

General Fiction

348K 6.6K 43
Sino nga ba ang pipiliin ni Erin Cristobal? Ang lalaking unang minahal nya o ang lalaking nagparamdam sa kanya na masayang magmahal?