The Bathroom Love Affair (Pub...

By xPANICx

421K 15.4K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... More

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 5 - Collide
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 12 - Beautiful Mistake
Chapter 13 - The Bathroom Love Affair
Chapter 14 - My Sun & Moon
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 26 - Icecream
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 25 - Scared to Death

8K 392 163
By xPANICx

Dito na lang ako maglalagay ng note dahil baka hindi na binabasa kapag nasa dulo.

FAQs

- Pareho lang ba ng bilang ng chapters ang nasa Wattpad at actual book?
Opo. Same contents from start to finish.

- Ano pinagkaiba ng actual book dito sa Wattpad?
Since dumaan na ang manuscript sa maraming editors, little to no mistakes na. Improved na rin ang technical aspects ng story.

- Tatapusin pa rin po ba ang story dito sa Wattpad?
Opo, tatapusin pa rin dito sa Wattpad. Isang chapter na lang after nito. So, tapos po ang story sa January 11. Every Saturday around 12pm po ang update.

- Saan-saan available ang book?
Di ko alam ang specifics. Ang alam ko lang ay mabibili ito sa mga bookstores (NBS, Book Sale atbp) at online sa Lazada. Kung wala pong stock sa stores o online, wala po akong kinalaman doon at wala po akong matinong maisasagot.

For other updates follow me on IG and Twitter: panicspen. Thank you.
 
 
 
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
 
 
 

Eros

"Mario!" magiliw na sambit ni Dan. "Ano ba yan? Dapat masaya tayo ngayon!"

     Tinignan ko lang sya. Hindi ko kayang magsalita, nakakatakot baka kapag may lumabas na salita sa bibig ko ay susunod kaagad ang luha. Ayaw kong magmukhang mahina sa harap ni Dan, pero ang hirap.

     Mawawala na si Zach.

     "Hindi ito ang oras para dyan, Eros," paalala ni Dan. "Umayos ka."

     Napailing na lang ako. Wala akong tamang nagawa, puro mali ang desisyon ko. At ngayon, pinipilas na ng oras paalis sa buhay ko si Zach.

     "Hay nako, Eros," buntong hininga ni Dan. "Sa pag-ibig masasaktan at masasaktan ka. Walang nakakaligtas sa pag-ibig, kahit ako nasaktan na. Kaya dapat hanapin mo yung tao na karapatdapat sa sakit na yun. Nakita mo na sya pero eto ka, pinapahirapan ang sarili tapos magmumukmok. Akala mo ba hindi ko nakita yung nangyari sa inyo kanina? Tatlong beses mo syang linayuan, napaiyak mo pa nung huli. Ngayon pa talagang dapat nagsasaya tayo."

     Isang malalim na paghinga ulit mula kay Dan bago ko naramdaman ang kamay nya sa balikat ko. "Pero naintindihan kita kahit papano. Kung sinasabi mong sugal nga ang magiging pagmamahalan nyo, sa kung ano mang dahilan, kailangan mo ulit mamili, Eros."

     Doon bumalik ang tingin ko sa kanya.

     "Yung sakit na maidudulot ng pagmamahalan nyo o yung sakit na habang buhay mong dadalhin dahil sa panghihinayang na hindi mo sinubukan?"

     Muli, ang taong noong una'y pinakakinaiinisan at ayaw kong maging kaibigan, ay binigyang liwanag ang isip ko.

     "Tama ka, Dan," pagsang-ayon ko sa kanya.

     "Alam ko," tugon ni Dan.

     Tumayo ako at madaling naglakad pabalik sa loob. Hinubad ko ang suot na jacket, sunod kong tinanggal ang hook at zipper ng pantalon.

     Nanlaki ang mata ni Dan nung makita ang ginagawa ko. Lalo na nung hubarin ko ang suot kong pantalon. "Anong ginagawa mo?!"

     "Sinusunod ang payo mo," sagot ko. Paghubad ng puting t-shirt, boxer shorts na lang ang bumabalot sa akin mula sa mga mata ng tao sa paligid. May ilang matang nagtataka at may ilang nakatanaw lang.

     Hindi pulido ang hubog ng katawan pero hindi rin ako mataba. Hindi ako confident sa aking physique ngunit hindi ngayon ang oras para doon. Sinunog ang hiya ng apoy na akala ko'y patay na. Ang alab nito ay nagbigay sa akin ng lakas at pag-asa.

     Tumakbo na ako pabalik sa dressing room, iniwasan ang ilang taong nakaharang sa daan. Nagsigawan ang mga nasa loob dahil sa gulat at pagkaeskandalo.

     "Ayy! Grabe!" sabi ng nag-ayos sa akin. "Ang bilis naman matupad ng wish ko."

     Pumunta ako sa kumpulan ng mga damit ko. Isa-isa itong sinuot, hindi pinapansin ang mga tingin na nakabaon sa akin. Pagkatapos ay inayos ko naman ang tupi ng ginamit ko sa play. Kailangan bilisan ang kilos, bawat segundo ay mahalaga.

     "Hoy, Eros!" sigaw ni Dan. "Ano bang ginagawa mo?"

     "Aalis na ako," sabi ko. Bahala na kung paano masintas ang sapatos basta kumapit sa paa, mamaya ko na lang poproblemahin kung paano ito tanggalin.

     "Bakit ka aalis? Nandito si Yna!"

     Hinarap ko si Dan. "Hindi si Yna ang mahal ko, si Zach."

     Natigilan si Dan sandali. "Ha? Paanong– Akala ko–?"

     Wala na akong pakialam ngayon kung marinig ng lahat o kung ano ang iisipin nila. Nakapili na ako at si Zach iyon.

     "Salamat sa mga payo mo," sabi ko. "At sana hindi pa huli ang lahat."
 
      Muli akong tumakbo palabas ng dressing room at paglabas ko ng Auditorium muntik ko pang mabunggo si Chris.

     "O, bakit ang tagal mo?" bungad ni Chris. "Kanina pa naghihintay sayo si Tita."

     Nagpatuloy ako sa madaling paglalakad. "Pasabi sa kanila mauna na silang umuwi. May pupuntahan ako."

     "Saan?" tanong ni Chris, sinabayan ang bilis ko. "E, teka, ikaw na magsabi. Mukhang pati ako papaluin nya kapag bumalik akong wala ka."

     Tumigil ako sandali, maging si Chris. "Please, Chris. May kailangan lang akong habulin." Para saan pa ang selebrasyon kung wala namang ang taong tumulong sa akin na makamit ito at gusto kong makasama? “Ite-text ko na lang si Mama mamaya kapag nasa byahe na ako. Baka pigilan pa nya ako, e.”

     Nakita siguro ni Chris ang importansya ng pupuntahan ko kahit walang syang ideya kung saan ito kaya hinayaan na nya ako. Iniwan ko na sya. Walang patid ang paghiling ko na sana hindi pa huli ang lahat habang tinatahak ang pasilyo.

     Pagod man, muli kong tinakbo ang pasilyo palabas ng La Trinidad. Dumiretso ako sa may gilid ng kalsada, nag-abang ng masasakyan. Mas maganda kung taxi para diretso na sa paliparan ngunit kung wala pwede naman ang jeep papunta sa mall kung saan mas maraming masasakyan.

     Hindi ako mapakali sa kinatatayuan sa kabila ng tila pagkain sa akin ng yelo, ang apoy ng pag-asa ko ay naghihingalo. Walang taxi at wala ring jeep na masakyan, lahat puno. Ang dalawang minutong pag-aabang ay parang isang oras. Bawat segundong lumilipas ay pabawas nang pabawas ang pag-asa.

     Kumukulo na ang frustration at kaba. Gusto ko nang magwala at sumigaw sa kawalan ng sasakyan. Idagdag pa na traffic sa mga main road. Hindi ko mahahabol si Zach nito, eh. Sana lang sumabit din sila sa traffic.

     May mga lumabas na kotse mula sa La Trinidad, mga pauwi ng nanood ng dula. Sinundan ko ito ng tingin, hinihiling na sana may sasakyan din ako para sa mga ganitong pagkakataon. At parang bumukas ang langit dahil isa sa mga ito ang huminto sa harap ko, bumaba ang salamin sa passenger seat at natanaw ko si Chris.

     "Chris!" sigaw ko sa pangalan nya sa sobrang tuwa at hindi makapaniwalang may kotse sya.

     Umalingawngaw ang tunog ng pag-unlock ng pinto. "Sakay na."

     Dali-dali kong binuksan ang pinto at pumasok. "Salamat, Chris," sabi ko habang sinusuot ang seat belt. "Hulog ka ng langit. Salamat talaga," bahagya akong nakahinga nang maluwag. Kaya pa, kaya to.

     Pinaandar nya ang sasakyan. Natanaw ko sa rear view mirror ang dala nyang camera sa likuran ng sasakyan. Bumalik ang mata ko kay Chris, madiin ang tingin nya sa daan.

     "Saan ka ba pupunta?" tanong ni Chris. "Hindi ka naman siguro natatae?"

     "Hindi namamahay ang pwet ko, Chris," sagot ko. "Sa airport."

     Sandaling bumaling ang mata ni Chris sa akin. "Airport?"

     Tumango ako. "Oo nga pala." Kinuha ko ang cellphone upang tawagan si Tita.

     "Hello, Eros," sagot ni Tita sa boses na nagsasabing mula kanina ay hindi pa sya tumitigil sa pag-iyak.

     "Tita, ano pong oras ang check-in nila Zach? Papunta po akong airport ngayon."

     "Talaga?!" magiliw na tanong ni Tita. "Ibig sabihin ba nito—"

     "Opo," sagot ko. "Sorry kung late ko na pong pinanindigan."

     "Sandali lang, sandali lang," aligagang sabi ni Tita. "Itext ko sayo, tanungin ko lang si Junior."

     "Salamat, Tita," sabi ko bago tinapos ang tawag. Binalik ko ang atensyon kay Chris na abala sa pagmamaneho. "Pwede ka sa airport, ha?"

     "Oo naman," pagmamayabang ni Chris. "Ano bang meron? Siguro naman pwede kong malaman?"

     Nadagdagan ang takot na nakakapit sa akin dahil sa tanong nya. Paano kung hindi ako matanggap ni Chris? Pero ngayon pa ba ako matatakot? Ang tagal ko nang naduwag. Sa kanya pa? E, pinagkalandakan ko na nga ito kanina. Kailangan kong maging matapang para kay Zach, para sa amin.

     "Mangako kang ihahatid mo pa rin ako sa airport kapag nalaman mo," sabi ko.

     "Ano ba yan? Lalo akong—"

     "Mangako ka, Chris o mamaya ko na lang sasabihin sayo. Pasensya na, kailangan kong masigurado na makakarating ako sa airport. Baka kasi kapag nalaman mo—"

     Sya naman ang pumutol sa sinasabi ko. "Seryoso, Eros, ngayon mo pa talaga pinagdudahan ang pagkakaibigan natin?"

     Napahinga akong malalim. Wala nang urungan to. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba pero sayo meron kasi malapit na kaibigan kita," panimula ko. "Bakla ako, Chris at mahal ko si Zach. Sya ang hahabulin natin sa airport kasi paalis na sya."

     Nanatili ang diretsong tingin ni Chris sa kalsada. Wala man lang bakas ng gulat o kung ano pa.

     "Ano?" tanong ko. "Wala kang sasabihin?"

     Humigpit ang hawak nya sa manibela. Malayo ang kanyang tingin ngunit hindi sa kalsada. Parang nag-iipon din sya ng lakas ng loob. Hanggang sa sabihin nyang, "Ako yung nagtetext sayo. Ako si Secret Admirer."

     Napanganga ako sa sinabi nya. Ang dami ko nang nararamdaman, hinanda ko ang sarili na pagtaksilan ni Chris pero kabaligtaran ang binigay nya.

     "Ibig sabihin. . ."

     "Oo, Eros, mahal din kita," mapait nyang sabi. "Pero mukhang tama si Zach. Hindi ko maabot ang ulap kasi hindi ko sinubukang lumipad, nakatingin lang ako sayo."

     "Alam ni Zach?"

     Tumango si Chris. "Ikaw lang naman ang manhid, Eros. Sobrang manhid mo."

     Bumalik sa likuran ng mata ko ang mga ginawa para sa akin ni Chris. Walang patid na suporta, palaging nandyan kapag kailangan ko. Bakit hindi ko iyon nakita?

     "Hindi mo lang alam, Eros," sabi ni Chris nung minsan naming napag-usapan ang sinabi ni Yna na mukha akong heartbreaker.

     "Bilang mahal ka rin ni Zach, napapansin nya ang mga kakompetisya nya. Nahuli nya ako, tapos umamin din sya sa akin," kwento ni Chris. "Sya rin ang nagsabi sa akin na ginagamit ni Yna si S. A."

     "Bakit tinutulungan mo ako ngayon?" naguguluhan kong tanong. "May mas mabigat na dahilan ka na para hindi ako ihatid sa airport."

     "Hindi ako masokista, Eros," natatawa nyang sagot, ganun pa man, kita ang sakit sa kanyang mga mata. "Kahit naman magkalayo kayo hindi mo pa rin ako mamahalin, malinaw na sa akin yun. Isa pa, mag bestfriend tayo kaya tinutulungan kita. At higit sa lahat, mahal kita. Kaya gusto kong maging masaya ka, mapunta sa taong kaya kang ipaglaban at si Zach yun, hindi ako."

     "Chris," sambit ko sa pangalan nya.

     "Wag kang maawa sa akin, masasapak kita," banta nya. "Marami pa namang lalaking mas gwapo sayo, wag kang mayabang, Eros."

     "Gago," natatawa kong sagot.

     "Ayan," nakangiting sabi ni Chris. "Natawa ka rin. Ang tagal kong di nakita yan. Sana tuloy-tuloy na."

     "Sana," sagot ko.

     Maya-maya pa ay dumating na ang mensahe ni Tita. Laman nito ang oras ng check-in nila Zach at kasalukuyang kinaroroonan nila. Mahina ako sa mga lugar kaya binato ko kay Chris ang impormasyon.

     "Mukhang malabong maunahan natin sila," sabi ni Chris. "Depende sa traffic sa daan natin at sa kanila. Tapos hindi sinabi kung ano ang sasakyan nila?"

     "Wala, eh," sagot ko. "Itatanong ko."

     Biglang umarangkada ang sasakyan. Kung sa normal na pagkakataon, lalo pa't ngayon lang ako nakasakay sa kotse na si Chris ang nagmamaneho, pinabagalan ko na sa kanya ang andar. Ngunit hindi ngayon, nangibabaw ang takot ko na hindi namin maabutan si Zach. At may tiwala naman ako kay Chris.

     "Salamat, Chris," sambit ko.

     "Wala yun," tugon ni Chris. "Pero bakit ba kasi pinaabot mo pa sa ganito? Kitang-kita ko ang paghihirap nyo nung nakaraan tapos mahal nyo pala ang isa't isa."

     "Hindi ko kasi maamin kay Zach," sagot ko. "Noong una nga nalilito pa ako kung si Yna o sya. Tapos nung malinawan ako na sya ang mahal ko, natakot ako sa pwedeng kalabasan ng magiging relasyon namin. Kung ano ang sasabihin ng ibang tao, ng mga kaibigan at pamilya namin. Hanggang sa kanina." Ang mga ilaw sa harap namin mula sa trapiko ay sumasayaw. "Putangina ng mga kokontra at ng mga walang magandang sasabihin. Mahal ko si Zach, mas gusto kong masaktan dahil sinubukan ko, pinaglaban ko–kahit huli na, kesa magsisi ako habambuhay."

     "Tsk tsk tsk. Hay, Eros," dismayadong sabi ni Chris. "Hindi talaga bagay sayo ang pangalan mo."

     Nahinto kami sa pag-usad dahil sa bigat ng trapiko. Gusto kong lumabas at sigawan lahat na tumabi o ayusin man lang ang paggamit nila sa daan pero baka lalo kaming matagalan. Kung ako lang ang nasa likuran ng manibela pinaingay ko na ang busina.

     Kalma, Eros, kalma.

     Habang nakahinto, nangalikot si Chris sa phone nya. Habang ang sa akin ay nag-ingay dahil sa pagpasok ng mensahe.

     'Hoy, lalaki! Nasaan ka na? Paubos na tao dito hindi ka pa rin lumalabas,' mensahe ni Mama.

     Shit. Nakalimutan ko nang magsabi kay Mama. Habang nagta-type ng isasagot, umalingawngaw sa kotse ang melodiya ng pamilyar na kanta.

     'Sorry, Ma. Mauna na po kayong umuwi. May kailangan lang po akong puntahan. Importanteng tao po sa akin,' reply ko.

"You can leave me
Take away all that I have.
You can want me
Love me for who I am.
Choices, romance
Takin' me high in the air.
Flyin', so scared
Afraid not to see you again."

     'Naku ka talagang lalaki ka. Nasaan ka na?'

     'Highway na po papunta nang airport. Mas maganda pong magpaliwanag nang personal, Ma. Mamaya na lang po pagbalik ko.'

"'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you.
I'm scared to death
Knowin' I can't get through.
I'm scared to death
Living this so lonely life without you.
Oh baby, I'm scared to death."

     "Tangina!" bulyaw ko dahil hindi pa rin umuusad ang trapiko. "Hindi natin maabutan si Zach nito, eh."

"Somethings changin'
Giving me fears run through my head.
Only find me
Give me the eyes I will understand.
Words left unsaid
Leaving me weak in the edge.
Getting over
I'm running scared
I can't comprehend."

     "Patayin mo nga yan," asar na utos ko kay Chris bago pa muling bumalik sa chorus. Nauubos na nga ang pasensya ko sa traffic sasabayan pa nya ang takot ko.

     Sa kabilang banda eksakto ang kanta sa sitwasyon ko. Kinailangan pang umabot dito, kailangan ko pang matakot para tumapang at ipaglaban sya. Kinailangan pang magdesisyon si Zach na umalis bago ko harapin ang pagmamahal sa kanya.

     Pinalitan ni Chris ang tugtog matapos akong tawanan.

Continue Reading

You'll Also Like

12K 554 96
[Epistolary] Two broken hearts. A text. An understanding. And maybe an enchanted moment to fall in love.
7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.5K 458 133
Wherein Jeon Wonwoo receives a letter from a stranger every 12:12 am. Meanie/Minwon FanFic (epistolary)