Chapter 16 - Confessions

10.2K 467 309
                                    

Zach

Gabi na nung makauwi si Eros. Bumili pa naman ako ng hapunan para sa aming dalawa. Malamang nakakain na sya at hindi na masarap yung pagkain dahil nawala na ang init.

     Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Saan ka galing?" tanong ko paglapit ni Eros sa kama nya.

     "Dyan lang," malabong sagot ni Eros.

     "May sisig dyan," alok ko pa rin. "Hindi na nga lang mainit."

     "Kumain na ako," pagtanggi nya.

     "Eros, dahil pa rin ba to sa kanina? Sorry—"

     "Zach," madiing sambit ni Eros sa pangalan ko. "Ayaw ko nang pag-usapan yung nangyari, wala naman sayo yun diba? Gusto kong kalimutan yung ginawa ko last week at yung ginawa mo kanina," sabi nya habang naghahalungkat ng damit sa drawer. Nung makuha ang kailangan, humarap sya sa akin. "Gulung-gulo na kasi ako. Pwede ba?"

     Wala akong ibang nasagot sa kaseryosohan nya kundi pagtango. Pumasok na sya ng banyo para magbihis kaya humiga na ulit ako.

     Alam kong sinabi ko na wala sa akin ang mga halik namin pero ang totoo big deal sa akin yun. Sobrang laking bagay na para sa akin ngayon.

     Kung gaano kaperpekto ang labi nya para sa akin. Ang bawat paghinga nya sa halik namin. Kung paano sya kumapit sa kamay ko, manginig sa tuwing ididiin ko ang halik at ang kanyang bawat pagtugon.

     Kaya hindi lang sya ang naguguluhan. Litong-lito na rin ako. Alin ang dapat kong sundin: ang reaksyon ng katawan nya sa mga ginagawa ko o ang mga salita nya pagkatapos–dahil salungat ang kanyang sinasabi sa pinarating ng labi nya.

    Siguro dapat ko nang kainin ang mga sinabi ko. Dapat ko nang aminin kay Eros ang nararamdaman ko. Mas mabuting alam nya kung bakit ko ginagawa ang mga ginagawa ko, kung ano ang totoo. Isa pa, hindi lang dapat ako ang namomroblema sa sitwasyon ko ngayon na sya ang may dulot.

    Dapat nang malaman ni Eros lahat, mula simula.
 
 
 
"Nasaan na ba yun?" tanong ko sa kawalan habang hinihintay si Eros. Ilang minuto na lang aalis na talaga ako dito kapag hindi pa sya dumating. Alam naman nyang takot ako sa mga multo ngayon pa sya magpapahuli sa usapan namin—sa pakiusap ko.

     Nakiusap ako kay Eros, sa pamamagitan ng text, na magkita kami sa Botanical Garden ng Medical Building. Eto ang perpektong lugar para umamin sa kanya dahil tama lang na dito nya patayin ang pag-asa ko, dagdag sa mga magmumulto sa hardin.

     Wala nang ibang tao sa paligid dahil baliw lang ang magpapaabot ng gabi dito. At malamang nababaliw na nga ako. . . kay Eros. Nae-excite ako na kinakabahan habang iniisip pa lang na aamin ako sa kanya. Hindi magandang kombinasyon dahil nakakasama ng tyan. Para akong nasa roller coaster na dahan-dahang umaakyat at biglang ihihiwalay ang kaluluwa sa pagbaba.

    Lalo akong kinabahan nung makita syang paparating. Dala-dala ang natural nang nakabusangot na mukha kapag may kinalaman sa akin ang mga bagay.

     Sino bang hindi kakabahan? First time kong magmahal nang ganito, nang totoo. At kailanman hindi pa ako naghabol sa isang tao. Bakit ako maghahabol, eh, ang sarap-sarap ko?

     Inayos ko ang paghinga, pinagpag ang nararamdamang kaba. Kapag hindi ko ito nagawa nang tama baka hindi lang pambabasted ang abutin ko. Baka mapalayas pa ako.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon