Behind Those Glasses (EDITING)

By seachle

648K 7.9K 200

EDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin a... More

Behind Those Glasses
Prologue
1.
2.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26:
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
46: To Kill A Mockingbird
47: New life
48: I miss him
49: I can't
50: Xander and Treffy Villanueva
51: Ms. Villanueva
52: Wala pang ibang mahal
53: Really?!
54: Vice President of WHAT?!
55: 26th floor
56: It's too late
57: Stay
58: You're right
59: Tumigil ka
60: I still love you
61: Nakakapanibago
62: Walang maalala
63: Vacation or Business Trip?
64: I miss your kiss
65: You'll be safe here
66: Jacket
67: Goodnight
68: Dedication
69: Yael Ramirez
70: Nakatadhana
71: Higad
72: Period
73: Ayaw
74 - Surprise
Epilogue
Casts/Characters
Official Soundtracks

3.

14.1K 187 5
By seachle

Yael's POV

First and foremost, I am Yael Ramirez. Isang sikat, gwapo, mayaman, matalino, mahilig sa basketball at kinagigiliwan ng lahat ng babae sa labas o loob man ng campus. May business ang parents ko sa France at US. All about Hotels and Resorts.

I have a girlfriend, she is Raniela Kezzia Concepcion. Ang pinakamaganda at pinakamabait na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Siya iyong taong minahal ako ng sobra at kahit kailan hindi ako pinabayaan. Marami ang dumaang pagsubok sa amin pero lahat iyon ay nasubukan naming lagpasan.

Hawak ko ang bola ng basketball habang kasama si Julian. Si Julian de Castro ang best friend kong walang ibang ginawa kundi mambwisit at magDota.

"Uy! Si Raniela iyon 'di ba?" nagulat ako nang biglang magsalita si Julian.

Napatingin ako sa tinuturo ni Julian. At kahit medyo malayo pa nga ang kinaroroonan niya ay rinig ko na ang boses at namukhaan agad siya. Dali-dali akong lumapit para malaman ang nangyayari.

"Ano ba Sofia! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Raniela.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahawakan ko ang braso ni Sofia. Ang ultimate fangirl na halos baliw na baliw sa akin. Siya nga din ang nagpauso ng Yaelnatics na hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon.

"Y-Yael?" gulantang niyang sabi at sobrang napalaki talaga ang mata niya dahil sa pagkakahawak ko sa braso niya.

Nakita ko naman na binitawan niya na si Raniela at ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.

"What's going on here?"

"Huh? Wala naman, e. Di ba Raniela?" malaming na sabi ni Sofia.

Agad naman akong napatingin kay Raniela at hawak niya iyong kamay niyang namumula na. Napabitaw tuloy ako kay Sofia at kinuha ang kamay ni Raniela para tignan iyon.

"Napaano ito?" tanong ko pero kinuha niya lang ito at tinakpan gamit ang panyo niya. Sabay tago nito sa kanyang likod at ngumiti siya na parang walang nangyari.

"Okay lang ako. Kanina pa ito sa may bahay. May nabangga kasi ako."

Kahit ilang beses niya akong lokohin alam ko ang totoo. Ibinaling ko naman kay Sofia iyong tingin ko. Hilaw siyang ngumiti sa akin ngunit hindi makatingin ng diretso. Napansin kong kasama niya pa ang ibang kaibigan. Lahat sila'y walang nangahas na tumingin man lang sa mata ko.

"Sa susunod na makikita kitang sinasaktan mo si Raniela-"

"Narinig mo naman Yael, 'di ba? Wala akong ginagawang masama. Kung ano ang nakita mo kanina, kinakausap ko lang siya. Hinihiram ko lang iyong notebook niya."

"Notebook? Hindi pa naman nagsimula ang class?" nagtataka kong tanong.

Napansin kong nilalaro niya ang mga daliri at napawi ang ngiti sa labi. Siguro'y natauhan na sa mga pinagsasabi niya ngayon.

"Ah, hindi. Kasi sabi ni Mr. Panergo, may kailangan daw akong kunin. Kaya iyon, at nakuha ko naman na iyon, e. So pwede na ba akong umalis?" ngumiti siya sa akin. Nakita ko ring bumaling siya ng tingin kay Raniela at bumulong si Sofia pero hindi ko na iyon narinig pa.

"Tsk. Wala naman pala kayong sasabihin. Okay girls!" She snapped her fingers and flipped her hairz

Tumalikod naman na ito, kasama ang kanyang mga kaibigan na parang asong sumusunod lang sakanya.

Tinignan ko naman ulit si Raniela at tinitignan niya iyong namumula sa kamay niya. Nang nahuli niya akong nakatingin sakanya ay tinakpan niya ulit ito ng panyo at matamis na ngumiti muli sa akin.

"Iyong totoo, Raniela. Ano bang nangyari?" mahinahon kong tanong sakanya. Pero ngumiti lang siya at hindi na sumagot.

"Sige, pre. Una muna kami, ah?" sabi bigla ni Julian.

Hindi ko man lang namalayan na sumunod pala siya sa akin. Tumango na lang ako at umalis na nga silang lahat. Nang nakaalis na sila, pinulipot ni Raniela agad iyong kamay niya sa braso ko.

"Ano ba talagang nangyari? Wala na sila, oh. Kaya pwede mo nang sabihin."

"Wala naman akong sasabihin ah?"

"Sigurado ka ba?" tinignan ko siya ng sobrang seryoso pero umiwas lang siya.

"Yael naman..."

"Alam ko, pero nakita ko iyon. At narinig ko din ang mga sigaw mo. Kaya hindi mo pwedeng sabihing wala lang iyon."

"Hindi ka na nasanay kay Sofia. Matagal na siyamg ganoon di ba? Simula first year magkaaway at binubully na ako noon."

"So sinaktan ka na naman niya kanina? At dahil ulit ba sa akin -"

"Of course not, Yael! Wala kang kasalanan dito. Kasi ako, ako ang may kasalanan. Hay! Sige na, tara na. Iba pala classroom mo. Nakakaiyak naman," she childishly said then pouted her lips.

I coudln't avoid to bark a laugh because of what she did. Ang cute talaga! Kaya 'di ko rin magawang magalit o magtampo sa kanya. Tuwing ginagawa niya 'yon, aping-api siya. Siya nga 'tong lagi akong pinaghahahampas.

"Problema mo?!"

"Huwag kang mag-pout. Hindi mo bagay!"

"Aba! Tsk! Edi ikaw na gwapo!" sigaw niya sa akin at tumalikod bigla.

Maglalakad na siya palayo pero niyakap ko siya kaagad. Niyakap ko siya ng sobrang higpit kahit nakatalikod siya.

"Kahit na hindi mo bagay, maganda at cute ka naman. Meant to be pa rin tayo." Sabi ko sakanya at inamoy ang mahaba niyang buhok, "Bango ng buhok mo ha? Kaya love na love kita, e!"

Humarap naman siya bigla at parang pinagsisisihan pa niyang lumingon siya sa akin dahil umiwas din naman siya ng tingin. Namumula ang magkabilang pisngi niya at halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Kinikilig ka naman?

"Ewan ko sa'yo!" sigaw nito at pinagpapalo ulit ako sa dibdib.

Ang sarap magreklamo dahil ang bigat ng kamay niya. Meron pa iyong nagkapasa ako sa braso dahil hinampas niya ako ro'n. Subalit kahit gano'n, ang cute ng girlfriend ko. Lalo na kapag kinikilig at namumula ang mga pisngi niya.

"Ang cute mo talaga kapag kinikilig!"

Nanlaki naman ang mga mata niya at mas lalong namula ang dalawang pisngi niya.

"A-ano?! H-hindi ako ki-kinikilig!"

"Bakit ka nauutal?"

"A-ah ka-kasi..."

"Kasi?"

"Ewan ko sayo!" inis niyang sabi.

Niyakap ko na lang ulit siya dahil bakas na ang pagkairita niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya dahil naramdaman ko na naman ang pagkurot niya sa tagiliran ko.

Raniela is my first girlfriend, and I am her first boyfriend. Feel ko nga, destiny na kami. I hope, she'll be my last. Nakikita ko na ang sarili kong kasama siya. Kasama na rin siya sa plano ko sa buhay. Without her, I feel like I'm barely breathing. Without her, I can't see myself being successful.

Corny o jejemon man pakinggan pero siya lang sapat na.

Raniela's POV

Hindi pa nagriring iyong bell kaya naglalakad muna kami ngayon ni Yael sa may park. Nasa loob iyon ng university, aakalain mong isang subdivision ang Eminent University sa lawak nito. Yael held my hand and pulled me closer.

Sa bawat lugar na dinadaan namin, ang daming tao. Ang dami niyang fans na nakakalat. Kanina nga, habang naglalakad, palaging nauudlot ang pag-uusap namin ni Yael. Sa tuwing may ikwekwento ako, may mga fans lalapit sa kanya para kausapin siya. Hindi naman 'yon maiwasan ni Yael. Knowing Yael, he's the type of man who respect women.

Kaya ko siya nga nagustuhan, kaya ko nga minahal.

"Sa tuwing nalulungkot ka, pumunta ka lang dito. Dahil lagi akong nandito," sabi niya bigla sa akin at inakbayan ako.

"Laging nandito? Paano kapag may practice kayo sa basketball?"

"Syempre, nasa gym na ako noon!"

Pinitik pa ang noo ko! Ang bully talaga nitong si Yael!

"Ay! So ginawa mo pa akong slow?"

"Hindi naman. Cute mo talaga mainis 'no?"

Ngayon naman ay pinisil niya ang pisngi ko! Bumabawi ata 'to sa kakahampas ko sa kanya.

"Masakit, Yael!"

"Mashakit, Yael," he mocked me.

Kaya binatukan ko ulit siya. Imbes magreklamo'y tumawa na lang ulit siya. Marami kaming nadaanang ibang tao. Iyong iba, pinagbubulungan kami. Habang iyong iba'y hinahayaan at walang pakielam.

"Magkasama nanaman sila!"

"Hindi ba nagsasawa si Yael sakanya?"

"Mas maganda naman tayo sakanya, e!"

"Kaya nga! Bakit siya pa ang nagustuhan ni Yael? Yuck!"

"Tsk. Kailan kaya sila magbrebreak?!"

"Huwag mo na silang pansinin," iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Yael tuwing may naririnig kaming mga bulungan.

I can't help myself to think about it. Simula nang maging kami ni Yael, puro bash at bully ang natanggap ko. Kalaunan, nasasanay na rin ako at hinahayaan na lang.

Sa mga babae, marami kang maririnig na panunukso. Ewan ko ba bakit sila ganyan. Masiyahin at palakaibigan nga ako. Ewan ko ba talaga bakit sila ganyan sa akin, parang may nagawa akong sobrang kinaiinisan nila.

"Okay lang naman ako," ngumiti ako sa kanya.

My smile was fake, though. Nakasanayan ko na ang mga ganyang tsismisan. Patibayan na lang ng loob dahil hindi naman sila tumitigil kahit anong gawin at sabihin ni Yael. It was their opinion after all.

Yael looked at me intently. Kung makatingin siya'y para akong isang mamahalin at babasaging bagay.

"Huwag ka nang makinig sa kanila. Kakausapin ko na lang sila mamaya."

Heto na naman si Yael. Laging ganyan ang sinasabi niya tuwing may ganitong nangyayari. Kaya madalas 'pag may naririnig ako, hindi ko na lang sinasabi sa kanya para iwas gulo.

"Hayaan mo na, Yael. Titigil rin naman siguro sila."

"They used to it already, babe. Kailan sila titigil kung gano'n? Kapag grumaduate tayo?"

I shrugged, "Kapag nagbreak siguro tayo."

Tumawa kaagad ako. Ang sama tuloy ng tingin niya sa akin. Umirap siya sa akin at binitawan ako bigla. Nagtatampo na siya.

"I was kidding, babe. Hayaan mo na kasi. 'Wag mo na sila takutin," I chuckled again.

Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Bumalik na kami sa main building. Mas malapit ang classroom niya kaysa sa akin kaya akala ko'y papasok na siya.

"Hindi ka pa ba papasok?" naguguluhang tanong ko.

"Ihahatid na kita. Malapit lang naman," sabi niya.

Hinayaan ko na lang siya tutal malapit lang naman talaga. It is just three rooms away from his room. Pareho pa rin naman ng floor.

"Goodluck," sambit niya nang makarating na kami sa room.

"Goodluck, too. Alis kana," pagtataboy ko.

He turned his back on me. Nasa pinto palang siya ng katabi naming room ngunit humarap ulit at naglakad pabalik sa akin.

"Bakit? Did you forget something?" I asked.

"Yes," then he kissed me on my forehead.

After doing that, tumakbo na siya palayo sa akin. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga kaklase ko. Ngayon lang napansin na kanina pa pala sila nanonood.

"I love you, babe!" sigaw pa niya.

Natawa na lang ulit ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
415K 7.3K 71
Irish is a girl that tries her best to live a life as a strong, independent woman. One day her whole world became a total "sh*t show" as how she call...
110K 3.5K 117
[Chat Series #1] Siya si Amira Cortez, isang hamak na fangirl na nagmamahal ng todo-todo sa kanyang super duper ultra mega kinababaliwang idolo slash...
86.5K 4K 49
When A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman ny...