FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXI. Making Every Moment Precious

1.8K 141 15
By WeirdyGurl

GULAT ang unang rumihestro sa mukha ni Darwin nang makita ang ama sa loob ng silid niya. Nakatalikod ito sa kanya at nakatingin sa mga picture frames na nakasabit sa pader. Hindi niya alam kung bakit bigla itong bumaba mula sa itaas. Simula kasi nang magkamali si Strar ay hindi pa siya nito hinaharap at kinakausap man lang.

Hindi niya alam pero, para siyang kinabahan.

His father must have an important thing to say to him para lang iwan nito ang trabaho sa itaas.

"Pa?" tawag niya.

Nilingon siya nito. "Darwin."

"Anong ginagawa mo rito?" Lumapit siya rito hanggang sa pareho na silang nakatingin sa malaking picture frame. 'Yon ang group photo nila noong birthday niya. Lahat ay mayroong malaking ngiti.

"You found a family here," pag-iiba nito sa halip na sagutin ang una niyang tanong. "Ikaw na hindi napipirmi sa isang lugar."

"Masaya ako kapag kasama ko sila," amin niya.

"You want to stay here?" kalmadong baling na tanong nito sa kanya.

Hindi niya mabasa ang ekpresyon sa mukha nito. It was like, he was looking at a blank canvas. Mahinahon ito masyado. Walang ano mang inis o iritasyon sa boses at mukha nito. Isang bagay na hindi niya nakasanayan dito. Mas madalas kasi na sinisigawan siya nito at sinisermonan. 

"I can't stay here, alam mo 'yan. Tinatapos ko lang ang kung anong gusto ng langit. Wala rin naman akong magagawa." May iritasyon sa boses niya. Hindi niya lang mapigilan. "Alam ko namang, hindi maki-question ang kagustuhan ng itaas. Sana nga lang ay para 'yon sa ikabubuti ni Alyce."

"Here." Inabot nito sa kanya ang isang matulis at maliit na itim na gunting. Kumunot ang noo niya. "Matatapos ang lahat sa pagsapit ng ikalawang Destiny's Night ngayong taon." Napalunok siya. May ideya na siya kung para saan ang gunting na 'yon. Alam niya kung ano ang gunting na 'yon. "Putulin mo ang pulang sinulid na nagdudugtong sa inyo bago matapos ang Destiny's Night. 'Yon lamang ang paraan para maputol ang koneskyon n'yong dalawa."

Parang may sumuntok sa tiyan niya nang ma-realize kung anong gusto ng ama. He was giving him the scissor of fate. At gusto nito na siya mismong ang pumutol ng pulang sinulid nilang dalawa ni Alyce. 

Hindi pa niya nagagamit ang gunting na 'yon. Ang ama niya lang ang may pahintulot na pumutol ng mga pulang sinulid ng tao. 

"Anong mangyayari kay Alyce?"

"Your existence will be erased in the minds of the people who knows you. Maliban lamang kay Alyce. Siya lang ang nag-iisang mortal na makakaalala sa'yo."

Naikuyom niya ang mga kamay.

"Don't you think it's too harsh for Alyce?"

"'Yon ang gusto ng karma niya. Wala tayong magagawa."

"What about me? Makakalimutan ko rin ba ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya?" Tumango ito. Damn it! "Paano kung hindi ko putulin ang sinulid?"

"You will become human. All of your years will slowly come back to you and turn you into ashes."

"I will die."

Nagtagis ang mga panga niya.

"Choosing to be human limits your time in this world. You are a heaven being, Darwin. Pinanganak tayo with a vow of obedience and contentment. Immortality and power are our greatest gifts. So it is right for us not to wish more because we have already given enough. Ano sa tingin mo ang nangyayari sa mga katulad natin na piniling umalis sa langit? Hindi man sila naging tao pero namumuhay naman sila sa kadiliman at pananakot sa mga tao."

"I understand that. It's just that, hindi n'yo kasi naiintindihan kung gaano ako nasasaktan sa ideya na iiwan ko si Alyce na nagdudusa." Nahilot niya ang sentido. "Ang puso ko, hindi ko siya ma-control. Ang pagmamahal ko sa kanya, sobra-sobra, halos hindi ko na makilala ang totoo kong sarili. Madali naman kasing sabihin na iwan ko siya, pero kung ako ang tatanongin n'yo, ang iwan siya ang isa sa mga pinakamahirap gawin."

Ramdam na naman niya ang lungkot at sakit sa puso niya. Sa tuwing naiisip niya ang malungkot at lumuluhang mukha ni Alyce, feeling niya, nahahati ang puso niya.

"Everything will end soon."

Inabot nito ang isa niyang kamay at inilagay roon ang gunting.

"Why are you making me do this?" halos nahihirapan na niyang tanong.

Tinapik nito ang isang balikat niya. "Only time can tell."




NAPASINGHAP si Alyce nang pagbukas niya sa floor to ceiling glass door niya patungo sa balcony ng kwarto niya ay binati siya nang mahigpit na yakap mula kay Darwin. Ramdam niya ang malamig na hangin na halos yumakap rin sa kanya. Alam niyang kaya nitong lumipad o mag-teleport sa kung saan pero hindi niya pa rin maiwasang magulat.

Gabing-gabi na, mag-a-alas-onse na yata. Hindi lang siya makatulog kaya magpapahangin na muna siya.

"Darwin?" She gently tapped his back.

"Hate me ET. Ako ang rason kung bakit magiging miserable ka habang buhay. Hindi man lang kita maipagtanggol. Bakit wala akong magawa para sa'yo?" Ramdam na ramdam niya ang matinding lungkot sa boses ni Darwin. Mapait siyang napangiti. "Sorry."

"'Di ba sinabi ko." Bahagya niya itong itinulak palayo. Umangat ang dalawang kamay niya sa magkabilang mukha nito. Hinuli niya ang malungkot nitong mga mata na sa mga oras na 'yon ay kulay abo. "Hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon. Na hahayaan mo ako sa lahat ng mga gusto ko. Gusto kong makasama ka, Darwin. I want beautiful memories with you while you're still beside me."

"Alyce –"

Niyakap niya muli ito at inihilig ang ulo sa dibdib nito. "You can love me selfishly, Darwin. I wouldn't mind. So please, huwag na nating isipin ang ilang oras na mayroon na lang tayo."

Humigpit ang yakap nito sa kanya.

At sapat na 'yong sagot mula rito para madagdagan ang lakas ng loob niyang harapin ang kung ano mang naghihintay sa kanya pagkatapos nang lahat ng mga ito.

Kumalas ito sa pagkakayakap niya. Bumaba ang mukha nito sa mga labi niya. Agad niyang naipikit ang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Mainit at may suyong tinugon niya ang bawat hagod ng mga halik nito sa mga labi niya.

Naramdaman niya ang pagkarga nito sa kanya nang hindi pinuputol ang halik. She threw her arms on his neck as they both deepened the kiss. Naghiwalay lamang ang mga labi nila nang maingat siya nitong ibaba sa itaas ng kama.

Bumaba ang isang kamay niya sa pisngi nito habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito.

"I love you," usal niya.

Ilang segundo pa ay may mga luhang umalpas sa mga mata ni Darwin pero pilit pa rin itong ngumiti sa kanya. 

It pains her seeing him worrying about her all the time. Nasasaktan siyang makitang, ayaw talaga siya nitong saktan. Pero napapawi naman nun ang katotohanang, mahal siya nito kaya ayaw nitong pagbigyan ang sariling mahalin siya. Hindi siya nito gustong iwan at saktan. At ramdam niya 'yon. Kaya maluwag sa kanya na tanggapin ang lahat dahil may katugon ang pagmamahal niya kay Darwin. 

"Hindi mo man lang ba sasagutin ng I love you too ang sinabi ko?" biro pa niya.

"Sa tingin mo ba hindi kita mahal?" Halos gumaralgal ang boses nito.

"Hindi ba?"

"Mahal na mahal kita Alyce. Sobra-sobra pa."

Lumapad ang ngiti niya. "Then smile, ayoko ng iyakin na boyfriend. Naiinis ako." Pina-inis niya ang boses.

Ngumiti ito at masuyong hinalikan siya sa noo. "Umaandar na naman 'yan pagka-maldita mo." Lumayo ito sa kanya pagkatapos maibalot sa kanya ang kumot. "Matulog ka na." Akmang aalis ito nang hawakan niya ito sa isang braso.

"Don't go," pigil niya rito.

"Hindi ako aalis."

Tinapik niya ang bakanteng espasyo ng kama niya. "Tabihan mo ako. Dito ka na matulog, pwede ba?"

Kumunot ang noo nito. "Alyce –"

"Sige na, dito ka na lang."

Bumuntonghininga ito. "Fine, kung 'yan ang gusto ng mahal ko. Sige, 'di na ako uuwi."

Umisod siya para makahiga si Darwin sa tabi niya. He slid himself inside the covers.  Agad siyang umunan sa braso nito at yumakap dito.

"Salamat."

"Matulog ka na." Yumakap ang isang braso nito sa balikat niya. "Ilang gabi ko nang napapansin na madaling araw ka nang nakakatulog."

Ipinikit na niya ang mga mata. "Mahimbing na akong makakatulog ngayon." Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kamay nito sa buhok niya. She can't help her smile. "Nandiyan ka na e. Ikaw ang pinakamabisang sleeping pills na mayroon ako."

He chuckled. "Nambola ka pa. Sipain kita riyan e."

Natawa siya. "Bwesit ka talaga e."

Mayamaya pa ay umalingaw-ngaw ang music box na tunog ng Je Te Veux na bigay ni Darwin sa buong paligid. Tila hinihili siya ng musika na 'yon hanggang sa tulungan na nga siyang nakatulog na may ngiti sa labi.



MASAYA at nakangiting mukha ni Darwin ang bumungad kay Alyce paggising niya. Naabutan niya itong naghahanda ng mga pagkain sa kusina. Nasilaw pa siya pagbaba niya ng hagdan dahil tumagos sa mga bintana ang sikat ng araw. Maaliwalas ang buong bahay. Binuksan na naman nito lahat ng mga kurtina niya sa bahay. Hay naku!

"Gising ka na pala." Mabilis na lumapit ito sa kanya at hinila siya palapit sa isang silya. "Kumain ka na. Um-order ako ng mga pagkain sa Dolce Fate." Pinaghila siya nito ng silya at doon pinaupo.

"Hindi ikaw ang nagluto?"

"Hindi ako marunong magluto. Ayokong ipagkanulo ang kaligtasan ng tiyan mo." Tumawa ito, pagkatapos ay isa-isang nilagyan ng pagkain ang plato niya. "Kumain ka nang marami ngayon."

"Bakit?" may pagtataka niyang tanong. Hinawakan niya ang mga kubyertos. "May lakad ba tayo ngayon?"

"Mag-di-date tayo," malaki ang ngiting sagot nito.

"Date?" natatawang ulit niya.

"Oo, dami kong naisip kung anong klaseng date." Mula sa bulsa nito ay inilabas nito ang cell phone nito. May kung ano iting tinignan doon. "May inilista ako rito. Mga ideas ng perfect date." Nakangiti pa ring ibinaling nito ang tingin. "Pa align nga muna." Natawa siya lalo nang iangat nito ang index finger sa kanya.

"Baliw ka!"

"Na miss ko 'to e."

Iniangat niya ang isang daliri at nakipag-align dito. "Puro ka kalokohan."

"Anyway, ano bang gusto mong tawagan natin? Babe? Baby? Honey? Mahal? Love? Pangga ko?"

Nagsimula na siyang kumain habang nagsasalita pa ito. "Okay lang sa'kin ang ET."

"ET lang? E anong itatawag mo sa'kin?"

"Darwin lang."

"Pangalan ko lang?"

"Oo." Tango niya. "Hindi naman kasi ako fond ng eanderment. Saka, mas nafi-feel ko ang love mo kapag tinatawag mo akong ET. Kaya okay na ako roon."

Matamis na matamis siyang ngumiti rito. Natigilan naman siya nang bigla siya nitong halikan sa mga labi. Napakurap-kurap siya sa gulat. Mabilis lang ang halik na 'yon. Dampi nga lang. Pero nagawa pa rin nitong palakasin ang tibok ng puso niya.

"Ang lakas na naman ng tibok ng puso mo."

Halos mawala na ang mga mata nito sa pag-ngiti. Agad na nag-init ang mga pisngi niya. Andaya! Naririnig nito ang tibok ng puso niya.

"Kumain ka na. Babalik din ako."

"Saan ka pupunta?"

"Magbibihis. Huwag kang mag-alala, mabilis lang ako."

"Bilisan mo ah."

"Oo naman!"




"NA saan na ba 'yon?"

Kanina pa hinahanap ni Alyce ang pastel pink dress na gusto niyang suotin. Nandito lang 'yon sa closet niya e. Nakita pa nga niya 'yon noong isang araw. Kanina pa niya hinahanap. Nailabas na niya lahat ng mga damit niya sa itaas ng kama.

Natigilan siya nang mapansin ang maliit na knob ng isang secret drawer sa pinaka-ilalim ng close niya. Matagal na sa kanya ang closet na 'yon. Ilang beses na niyang binalak na palitan 'yon pero nakakalimutan niya lang. Nakalimutan na nga niyang may secret drawer pala 'yon.

Na curious siya. 

Hindi niya sigurado pero parang may inilagay nga siya roon noon. Hindi nga niya lang maalala kung ano iyon. Hinawakan niya ang maliit na knob at hinila 'yon pabukas. Hindi pala 'yon naka lock.

Bumungad sa kanya ang ilang mga envelopes ng mga letters. Madalas siyang nakakatanggap ng mga letters mula sa mga tagahanga niya noon. May pagkakataon na 'di na niya nababasa ang iba at itinatabi na lang niya. Naitago niya yata talaga 'yong iba.

Dinala niya ang buong drawer sa itaas ng kama. Naupo siya sa gilid pagkatapos. May sticky note sa itaas ng mga sulat. Sulat kamay niya.

Letters I haven't read. – Alyce

Halos bumukat na ang tinta sa papel.

"So mga letters 'to na hindi ko pa nababasa?"

Isa-isa niyang inilabas at tinignan ang front at back ng mga envelopes. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang isang compilation of envelopes na may stamp ng piano. Pinag-isa niya lahat ng mga letters na may piano stamps hanggang sa ma kompleto niya.

To: Alyce Alonzo

From: D.F.

Sandali siyang napa-isip. "D.F.?"

May cursive hand written note sa likod ng lahat ng envelope.

You're always the best pianist in my life.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 196K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
447 110 22
(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...