It's Complicated

Από AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... Περισσότερα

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 50: Vanilla Lace

887 12 0
Από AillexSkcy

Chapter 50: Vanilla Lace

Jane's POV

Pasensya kung hinintay mo pa rin ako, pero kailangan ko siyang puntahan para tigilan na niya tayong dalawa. Ayaw kong may gumugulo sa relasyon natin kaya sinunod ko lang ang gusto niya, pero I'm thankful kasi finally wala ng kaba sa dibdib ko at takot na manggulo sa atin ang babaeng iyon. Pero kapag nalaman kong may ginawa na naman siya hindi ko alam ang gagawin sa kanya, kaya ngayon gabing ito. Imomonitor ko ang mga kilos niya through her social media accounts at sa mga fans niya na kilala ko. Hindi na kita gigisingin sa pagkakatulog mo, I love you Kai. Hinalikan ko siya sa pisngi after kong sabihin lahat ng iyon sa isip ko. 

.

.

.

.

Kai's POV

Nagising ako ng maramdaman ang dampi ng malamig na hangin sa katawan ko, paggising ko nasa terrace pa rin pala ako. Tumingin ako sa wrist watch ko, 11:36 na ng gabi. Napalingon ako sa kuwarto, nandoon na si Jane kaya pumasok na ako sa kuwarto. Mahimbing na siyang natutulog sa kama habang yakap yakap ang unan na gamit ko. Sa sofa natulog si Caren, ewan ko ba doon ayaw matulog sa kuwarto. Kaya hindi ko na pinilit kanina kasi natulog na din siya.

Saan ka ba galing? Hinintay kita pero hindi ka dumating, dumating ka nga tulog na nga lang. May problema ba? Teka bakit ko ba siya tinatanong kung may problema e ako nga dapat ang sumagot niyan dahil sa problema na kinakaharap ko, haist. Sorry hindi ko sayo masabi, kasi ayaw kong mag-alala ka. Hindi ko pwedeng sabihin dahil ayaw kong masira ang career mo. Mahal kita kaya sana mapatawad mo ako sa gagawin ko, hindi ko din ito gusto kaya nagdadalawang isip pa rin ako. Kanina nang umalis ka, naghahanap lang ako ng bwelo kung paano ko sayo sasabihin, tinext kita pero hindi ka pumunta kasi parang may lakad ka, or should I say may kameet ka. Sino ba 'yun? Don't tell me nakikipagkita ka kay Ela? Pero bakit ka naman makikipagkita sa babaeng iyon e galit ka nga doon. Haist para na akong baliw, kasi sa bawat tanong ko ako din ang sumasagot. 

"Mahal na mahal kita tandaan mo 'yan." Pabulong kong sambit sabay halik sa tabi ng kanyang labi. Haist mamimiss ko ang labi niya. Palagi mo namang namimiss 'yan. Sambit ng inner self ko, napabuntong hininga na lang ako sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung tama bang sundin ko ang pagbabanta ni Ela. Pero kahapon ko pa pinag iisipin ng mabuti kung ano ba ang mga posibleng resulta kapag ginawa ko ang bagay na iyon, sumagi din naman sa akin ang magiging resulta kapag hindi ko ginawa. Kaya hati ang isip ko sa dalawa, at hindi ko alam kung saan ko ba ilalagay ang sarili ko. Pero ngayon, may desisyon na ako. At alam kong ito ang makakapagbigay sa akin ng satisfactory para hindi ka mag-alala.

.

.

.

Jane's POV 

Naglalakad ako sa isang lugar kung saan isang liwanang lang ang makikita, ang liwanang na tila isang street light, lumapit ako doon kasi kinakabahan ako sa simoy ng hangin at sa paligid. Nasaan ako? Kasi hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nang makalapit ay biglang lumiwanang ang buong lugar, laking gulat ko ng makita sina Mommy at Daddy na nakangiti sa akin, nandoon din sina Caren, Venise, Trisha, Racel, Matt, Anton, maging si Tita Andrea, ang mga kaibigan ko, si Anne at si Skye maging ang terror teacher ko, halos lahat ng nandito ay kakilala ko. Sina Miss Hikari din, Lyn, Jaime, Erin, Rea at marami pa. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin, nakangiti sila kaya napangiti din ako. Nang mapansin ko si Anne ay bumulong pa siya ng congratulation kaya napakunot ang noo ko, anong ibig sabihin no'n. Napatingin ako sa suot ko, isang gown na kulay cream. Hindi naman siya mukhang pangkasal kasi hanggang hita ang split. Na tila may pinuntahan pa akong event bago ako pumunta dito. Pero bigla akong may naalala, si Kai bakit wala siya dito? 

"Jane!" Sabay sabay silang napatingin sa likuran ko, na tila excited silang lahat na lingunin ko iyon. Hindi ko kilala ang boses kasi first time ko iyong marinig, kaya dahan dahan akong lumingon. Walang emosyon sa mukha ko ng makita ko kung sino ang nasa likod ng boses na iyon, kasi hindi ko nagustuhan na makita siya. Lumingon lingon ako, dahil si Kai ang hinahanap ko.

"Gusto ko lang sabihin sayo na mahal pa rin kita, sa kabila ng pag-iwan ko sayo nanatili pa rin 'yung pag-ibig na isinukli mo sa akin noong nandito pa ako sa Pilipinas. At alam kong pinatawad mo na ako, kasi pumayag ka na ligawan muli kita." Napatingin ako sa babaeng iyon dahil sa sinabi niya. Pero muli kong hinanap ang anino ni Kai.

"Hindi kita masisisi kung bakit hindi ka pa rin nakakamove on kay Kai. Pero kaya kong suklian ang pag-ibig na iniwan niya sayo." Teka anong ibig niyang sabihin, nasaan ba kasi ang babaeng iyon? Tanong ko sa sarili ko, lumingon lingon ako pero lahat ng tao ay nakangiti lang sa mga sinasabi ni Ela. Kinakabahan na ako sa mga nangyayari.

"Ako na ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa niya, maging ako ay nagulat din sa ginawa niya . Pero kalimutan na natin ang masasakit na araw na iyon, at ang isipin natin ngayon ay ang isang mahalagang anunsyo ko, ang isang alok ko para sayo." Lumuhod si Ela sa tapat ko, at sinabayan pa ng hiyawan ng mga tao. May mga media din kung saan may mga reporters pa na nag aabang sa alok ni Ela. Kinakabahan ako, hindi ko alam pero parang may mali sa lugar na ito. Ibang kaba ito sa mga naranasan ko before.

"Jeanne Sheek Ramirez, will you be my girlfriend ? For the second time." Malakas na hiyawan ang aking narinig sa buong paligid, lahat sila ay excited sa salitang sasabihin ko. Pero hindi ako nakasagot agad, dahil si Kai ang iniisip at hinahanap ng mga mata ko.

"Nasaan si Kai?" Napakunot ang noo niya, at napansin kong gayundin sina Mommy at ang ibang tao sa paligid ko.

"Anak, huwag mo ng hanapin ang babaeng iyon. Sagutin mo na lang ang tanong sayo ni Ela." Napakunot ang noo ko at napailing iling dahil sa sinabi ni Mommy.

"Tita Andrea?" Napatingin sa akin si Tita Andrea.

"Tama ang Mommy mo, huwag mo ng hanapin ang pamangkin ko." Napailing iling ako sa sagot ni Tita Andrea. Ano ba ang problema? Anong ginawa ni Kai? At nasaan siya ngayon? Wala man lang bang magsasabi kung anong ginawa ni Kai? Tanong ko sa isip ko.

"Huwag mo ng hanapin pa ang taong nagbigay sakit ulo sayo, hindi mo deserved ang masaktan. Hayaan mong suklian ni Ela lahat ng kirot na iniwan ni Kai diyan sa puso mo. Hindi siya ang para sayo at hindi ka para sa kanya." Sambit ni Caren.

"Teka ano bang ginawa ni Kai?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka lang naman sinipot ng magaling mong jowa sa mismong kasal niyo, tapos iyak ka ng iyak dahil sa ginawa niya. After two days nalaman naming engaged na pala siya sa isang foreigner." Sagot ni Venise.

"Sino naman?" Tanong ko kay Caren.

"Emily ang pangalan, yung sikat na DJ ng England." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Caren, paanong nangyari iyon e si Naomi ang mahal ni Emily tsaka idol lang ni Kai si Emily at walang malesya iyon para sa akin.

"Caren tama na yan, anak kanina pa kami naghihintay sa sagot mo at kanina pa nakaluhod si Ela." Napalingon ako kay Mommy, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, nalilito ako sa mga nangyayari. 

"Mahal ako ni Kai, at hindi niya iyon magagawa sa akin." Tanging sagot ko habang nakatingin kay Ela, may luhang nagbabadya kaya agad akong tumungo para hindi nila makita.

"Anak huwag ka ngang maging desperada, malinaw na malinaw na niloko at pinaasa ka ng babaeng iyon!" Sigaw ni Daddy, hindi ako naniniwala sa sinasabi nila. 

"No, hi-hindi. Ma-mahal niya akooo!!!" Nangangatal na ang boses ko sa mga sandaling iyon. Kasi halos lahat sila ay sinasabihan ako na makinig sa kanilang niloko lang ako ni Kai.

"Hi-hindi totoo 'yan. Ma-mahal ako ni Kai, diba Caren? Alam mo 'yan sa simula pa lang ma-mahal niya ako at at ma-mahal ko din siya kaya hindi niya magagawa ang mga sinasabi niyo!" Sigaw ko sa kanilang lahat, tumayo na si Ela sa mga sandaling iyon. Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito ang mga nangyayari? Hindi ko na napigilan ang sarili ko, maging ang luhang nagbabadya sa mga mata ko. 

"Jane, okay lang na hindi mo sagutin ang alok ko. Pero maniwala ka sa amin, totoo ang sinasabi namin tungkol kay Kai." Mahinhin na sambit ni Ela, na tila nag-aalala. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa magkabila kong mata, kaya hindi ko masyadong makita ang paligid. Tila hinahabol ko ang aking hininga sa mga sandaling iyon. Unti unting nagiging blur ang paligid kaya napakusot ako sa mata ko.

Nang makusot ko na ang mata ko ay dahan dahan kong iminulat ang mga ito. Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog at nakapikit na si Kai, nakayap siya sa akin habang nakabukas ng kaunti ang kanyang mga labi may kaunting hibla ng buhok ang nakaharang sa kanyang mukha kaya dahan dahan ko iyong hinawi para mas makita ang kabuuan ng maganda niyang mukha. Napangiti ako kasi panaginip lang ang lahat kanina, pero kinakabahan pa rin ako sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit kaya napasinghap na lang ako habang nakatingin sa natutulog na si Kai. Akala ko totoo na ang lahat, yun pala panaginip lang kaya ganoon na lang ang saya sa dibdib ko. Hindi din kasi magagawa ni Kai ang mga iyon sa akin, dahil alam kong mahal niya ako at mahal ko din siya. 

Maya maya pa ay hinalikan ko siya sa labi niya, at nagising naman siya.

"Good morning." Nakangiti kong bati sa kanya, pero napakunot lang ang noo niya. Kaya hinalikan ko iyon, at napansin kong napangiti siya. Kahit na hindi ko na siya nakausap kagabi ay alam kong magiging masaya at malaya na kaming dalawa, dahil naayos ko na ang mga gusot na patago kong binigyan ng solusyon.

"Good morning din." Sambit niya sabay bangon, teka bakit wala akong kiss. Nakasimangot ako ng bumangon, ang daya kasi siya may kiss ako wala.

"Nakabusangot ka na naman, ano na naman yan?" Tanong niya sa akin, pero hindi ko na lang sinagot sa halip ay tumayo na at dumiretso sa banyo.

"Hala nagtampo, ano ba 'yun?" Muli niyang tanong, sinundan niya ako sa banyo kaya hindi ko na lang siya inimikan. Kahapon halos ayaw niya akong kausapin dahil kausap niya ang Racel na iyon, kaya ngayon ako naman ang hindi kakausap sayo. 

"I miss you." Niyakap niya ako habang nagtotoothbrush, kaya napatingin ako sa kanya gamit ang salamin sa harap namin. Hinalik halikan niya ang leeg ko pero hindi ako nagpatinag. Patuloy pa rin ako sa pagtotoothbrush, hanggang sa matapos ako ay ganun pa rin ang ginagawa niya.

"Magtoothbrush ka na bago ka lumabas." Sambit at agad na inialis ang pagkakayakap sa akin. napansin kong napapout siya na parang inagawan ng lollipop. Kaya patago akong ngumiti.

.

.

.

.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakaligo na agad si Caren, excited lang umuwi kasi nakabihis na siya paalis, alas otso pa naman ang alis. Mag aalas sais pa lang at kakain muna kami ng breakfast bago pumuntang airport.

"Mukhang nakapag-usap na kayo ng mabuti." Sambit ni Caren, kaya napangiti na lang ako.

"Wow ang ganda ng ngiti ah." Napalingon ako kay Matt na nakabihis na din kaya pasimple akong ngumiti kasi parang nagsisimula ng maging maayos ang lahat.

"Anong breakfast?" Tanong ko sa dalawa, nagsenyasan lang sila na ang ibig sabihin pagbaba pa malalaman.

.

.

.

.

After naming kumain ay ibinaba na namin ang gamit, 8 am ang alis ng van pero 10 am pa ang flight. Pero dahil excited masyadong umuwi ang dalawa 7:35 pa lang nandito na kami sa ground floor habang hinihintay ang van. 

Busy kaming lahat sa sarisarili naming cellphone ng pagmasdan ko ang mga ginagawa naming lima, bawat dumadaan na guest sa hotel na ito ay nangiti kapag nakikita kami. Pero nabaling ang atensyon ko kay Kai. Nakakunot ang noo niya habang busy sa cellphone niya, ano naman kaya ang dahilan at nakakunot na naman ang noo ng babaeng ito? Haist kahit medyo may pagkabaliw ako sa babaeng ito hindi ko siya kayang hindi pansinin, pero bakit tila may binabasa siya o pinapanood na hindi maganda, sa expression ng mukha niya parang mananakal siya ng katabi. E ako pa naman ang katabi niya. SInubukan kong tingnan iyon pero agad niyang nilock ang screen kaya black screen lang ang nakita ko, sumandal siya sa akin at maya maya pa ay tumayo.

"Gagamit lang ako ng banyo." Paalam niya sa akin.

"Bilisan mo lang at baka maya maya e nandiyan na ang sasakyan." Pahabol kong sambit bago siya tumalikod. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya patungo sa banyo.

"Alam mo napakaswerte mo kay Kai." Napatingin ako sa katabi ko si Racel, teka papaanong?

"Nasabi na sa akin si Kai ang tungkol sa inyo, noong una hindi ako naniwala kasi pareho kayong maganda tapos pareho ninyong gusto ang isa't-isa."

"Kailan pa?" Tanong ko sa kanya, mabuti naman at alam na niya pero hindi ko akalain na sasabihin na agad ni Kai iyon. Actually kaming lima pa lamang ang nakakaalam nito at sina Laura, Abbie, Emily at Naomi and speaking of them next month bibisita sila sa Pilipinas, vacation treat nila sa amin ni Kai. Napakaswerte ko nga dahil nakilala ko sina Abbie at Laura dahil kay Naomi, magkaibigan ang mga magulang nila kaya magkakilala sila.

"Kahapon lang, pasensya na kung nakuha ko ang oras niya na halos buong araw kasi ayaw akong tantanan ni Kai na ikwento ang lahat lahat. Then doon ko lang narealize na matagal na pala kayong may pagtingin sa isa't-isa and sino naman ako para hindi maging masaya sa crush ko." Teka ano, crush?

"Don't mind the last thing I said, I'm happy for the both of you." Pero kita sa mga mata niya na may kirot sa dibdib niya na tanggapin na wala na siyang pag-asa kay Kai. Si Racel ang tipo ng lalaking hindi ko akalain na mabilis makaintindi kasi parang wala sa hitsura niya na magparaya kasi ang cool niya tapos ang astig pa kapag nagsasalita kahit na minsan ko na siyang mapag initan ng ulo noon. E kasi naman lapit siya ng lapit kay Kai kapag nasa station kami. Minsan ko lang siya makasabay sa photoshoot kaya bihira lang kaming nagkakatagpo sa studio.

Nginitian ko na lang siya, at ibinalik na niya ang atensyon sa paggamit ng cellphone.

.

.

.

.

11:26 na ng umaga at halos ilang oras na din kaming nasa ere sakay ng eroplano. Nasa business class kami nakapwesto kaya dalawahan ang upuan. Nasa sunod na row namin yung tatlo, kung saan iyon yata yung center tatluhan iyon kaya tabi tabi yung tatlo. Katabi ko sa upuan si Kai, at busy pa rin siya sa cellphone niya. Mukhang mahalaga yata ang tiningnan niya sa cellphone niya kasi kanina pa siya diyan magmula kanina sa hotel. Sinubukan kong agawin ang atensyon niya pero hindi pa rin siya tumingin sa akin, teka mas importante ba yan sa akin? Tanong ko sa isip ko, pati ba naman cellphone pagseselosan mo, chill ka lang Jane baka may binabasa nga lang si Kai or may pinapanood. Sambit ng inner self ko, hindi ko naman magawang tingnan dahil nakaprivacy screen siya bago ko pa makita o mabasa e kapag iniharap sa akin mismo ang cellphone niya. Kaya hinawakan ko na lang siya sa kaliwang kamay nasa tabi kasi ako ng bintana ng eroplano kaya kaliwang kamay niya ang una kong mahahawakan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, agad kong naamoy ang perfume niya. Vanilla Lace kaya napahinga ako ng malalim dahil doon ay mabilis akong nakatulog. Ayaw kong magising ng hindi katabi ang babaeng ito. Kaya niyakap ko ang braso niya para maramdaman ko siya kung sakaling aalis siya o tatayo, kasi may kaba pa rin sa dibdib ko dahil sa napanaginipan ko kagabi. It seems like a nightmare, and I don't like that nightmare. 

.

.

.

.

"Kanina pa namin siya hinahanap e."

"Tawagan niyo nga ulit." May inis sa boses ko ng bitawan ko ang salitang iyon.

"Baka naman nasa kanila na."

"Natawagan ko na si Tita Andrea, wala pa daw bakas ni Kai sa bahay nila." Maya maya pa ay nagvibrate ang phone ko, si Tita Andrea tumatawag kaya agad kong sinagot iyon.

"Jane, anong nangyari kay Kai?"

"Tita kasabay namin siyang bumaba ng eroplano pero bigla siyang nawala, limang oras na kami dito sa airport."

"Naku nasaan na ba ang batang iyon, sige ibababa ko muna at baka tumawag sa akin. Balitaan na lang kita."

"Sige po Tita." Ibinaba ko na ang cellphone at muling itinuon ang atensyon sa paglabas ng mga tao sa gate na pinaglabasan namin kanina. Mag aalas tres na ng umaga pero tila ayaw akong dalawin ng antok dahil nag-aalala ako. Nasaan ka na ba Kai?

"Jane magcheck in muna tayo ng hotel, pagod na kasi si Caren. Tapos halos wala pa tayong kain at pahinga magmula kanina." Sambit ni Racel, napatingin ako kay Caren na tulog na sa balikat ni Matt habang si Matt ay papungay pungay ang mata. Oo tama kayo ng pagkakabasa kanina pa kami dito sa airport at halos maglilimang oras na kami dito. Pagkababa kasi namin ng eroplano ay biglang nawala sa paningin namin si Kai, maging ang gamit niya ay wala. Teka ito na ba yung nightmare na sinasabi ko? No please gusto ko ng magising, I hate this scenario and I don't like the tension I feel. Nag-aalala na ako, nasaan ka ba Kai? Saan ka pumunta? Please magpakita ka na, nandito lang kami sa airport hindi kami uuwi hangga't hindi ka bumabalik. And please kung nasaan ka man sana safe ka, kasi I feel something bad. At kanina pa ito sa hotel noong makita ko ang expression ng mukha mo sa binabasa mo or sa pinapanood mo sa cellphone.










Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Jersey Number Nine Από em

Ρομαντική

179K 9.8K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.3K 1.2K 53
Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love triangle with Janice Montecarlo. Lorraine Al...
20.4K 589 30
Our decision is in our own hands, but we are not able to know if the outcome of this decision is either good or bad. A mistake will always be a mista...