Mr & Mrs Kim

Autorstwa LadySenpai

35.9K 707 305

'He is the anonymous Mafia Boss' 'She is the hidden Mafia Queen' Puso laban sa Isip Pagmamahal laban sa Kasak... Więcej

Sypnosis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

3.9K 151 65
Autorstwa LadySenpai

Ang unang paghaharap..

Isang nakakapangilabot na pangyayari ang naganap sa loob ng abandonadong gusali kung saan hindi na mabilang ang mga Tauhang nabawian ng buhay dahil sa mahigpit na labanan sa pagitan ng dalawang magkaribal na Angkan. The White Snake Clan and The Black Scorpion Clan. Halos lahat ay naliligo na sa sarili nilang dugo at wala ni sino man ang nakagawang makaligtas maliban sa dalawang nilalang na magkaharap na nakatayo bitbit ang sarili nilang armas na may iisang bala na lamang ang laman.

Pareho sila ng kasuotan, Itim na balabal na parehong nakatakip ang mukha na tanging mga mata lamang ang nakikita. Ramdam nila ang presensya ng bawat isa. Malamig na pagkakatitig. Nakakatakot na awra. At pananabik sa pagkitil ng buhay sa kaharap na kalaban.

Alam nilang pareho silang nakakaramdam na may kakaiba sa pagkatao ng katunggali. Pero ang minimithing matapos na ang gulong sinimulan ang siyang nais na nilang maisakatuparan.

Nakakabinging Katahimikan. Walang sino man sa kanila ang nauunang pang kumilos. Minamatyag ang bawat anggulo ng kalaban. Mapangahas at Makamandag ang mailalarawan sa paraan ng pagkakatitig nila sa isa't isa. Hindi pangkaraniwang nilalang ang kalaban kaya kailangan ng mapanuring pag-iingat.

Unang inangat ng isa ang kanang kamay niyang may baril. Itinutok niya ito sa kalabang nasa harap. Iniangat na rin ng isa ang kaliwang kamay niyang may baril at itinutok din ito sa kalaban. Sa Isang kalabit lang ng gatilyo, aalingasaw ang malakas na putok nito sa buong gusali at hahandusay sa lupa ang unang matatamaan.

Ngunit hindi pa nga nakakalimang segundo ay nagulantang sila ng makarinig sila ng malakas na pagsabog sa tuktok ng gusali dahilan para lumindol ang buong paligid at unti-unti itong gumuho. Sabay nilang naibaba ang kamay nila at daliang tumalikod. Pero bago sila tuluyang lumisan ay muli silang nagkatinginan.

'Hanggang sa muli nating paghaharap.' pareho nilang nasambit mula sa kanilang isipan.





Chapter 1

(Eleazer Kim's POV)

"Pars! Buti naman dumating ka na! Ang tagal mo naman." -bungad sa akin ni Zac. Wala sa emosyon ko lamang siyang tinitigan.

"Ano ng ganap?" malamig na tanong ko. Umupo ako at nagdekwatro habang nasa loob ng racing track ang paningin ko.

"For the first time, natalo ang alaga natin." nanghihinayang na sagot ni Eros. Kunot noo akong napatingin sa kanilang dalawa na nakayuko na.

"Really? Sinong nakatalo?" di makapaniwalang tanong ko. 10 times undefeated champion sa Racing competition ang alaga naming si Siete. Siya ang pinakamagaling na racer sa larangan ng Motorcross at never pa siyang natalo for 5 consecutive years.

"Newbie, Pars. Yung naka-black leather riding suit na may tatak na '13' sa likod." sagot ni Eros. Hinanap ko naman sa buong stadium ang binanggit niya. At agad ko naman itong nakita. Kalmadong nakaupo ito sa itim na motor habang pinapanood ang ibang manlalahok na kasalukuyang nakikipagkarera sa loob ng track. Suot pa rin nito ang helmet kaya hindi makita ang itsura.

"Any info?" maikling tanong ko patukoy sa racer na iyon.

Napakamot sa ulo si Zac, "Unidentified. Trese lang kasi ang ibinigay niyang pangalan. Codename niya ata yun. Sinubukan namin siyang lapitan kanina pero parang mailap siya sa mga tao. Medyo creepy nga siya eh."

Napangisi ako, "He seems so interesting." tumayo naman ako agad.

"Teka Pars, lalapitan mo ba siya?"

"Why not? Gusto ko siyang makilala." nakangisi kong sabi at nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman silang dalawa.

"Pars, wag mong sabihing ipapalit mo siya kay Siete?" -Zac

"Why not? Natalo na rin sa wakas ang hambog na si Siete. Kaya hindi ko na siya kailangan." kalmadong sabi ko. Papalapit na kami sa 'Trese' na iyon.

"Pero hindi natin kilala ang Trese na yan, Pars." pag-aalala ni Eros. Nilingon ko naman siya.

"Kaya ko nga siya lalapitan, di ba?" diin na pagkakasabi ko. Natahimik na silang dalawa. Mukha natakot ata. Sila lang namang dalawa ang nakakakilala kung sino talaga ako.

Nasa tapat na ako ng racer na si Trese. Buti naman at napansin niya ako dahil nasa direksyon ko ang ulo niya.Medyo nasa sulok ng bahagi ng stadium siya nakatambay, walang ibang tao kundi siya lang. Mukhang mailap nga siguro siya sa mga tao.

"I'm Eleazer Kim. Owner of this Place." pormal na pagpapakilala ko sa kanya. Nagtaka ako dahil parang wala siyang pakealam sa akin dahil kalmado pa rin siyang nakaupo sa motor niya. Pero Ilang saglit ay tumayo na siya at nakipagkamay sa akin.

"Gusto kitang makilala. Take off your helmet." utos ko sa kanya.

Napansin kong napabuntong hinga siya atsaka dahan-dahang tinanggal ang helmet niya.

Nanlalaki na lamang ang mata ko ng mahubad na ang helmet niya. Nagslow motion sa paningin ko ang pagbagsak ng mahaba niyang buhok.

What the hell?

BABAE SIYA!

Isang napakagandang dilag.

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagkagulat pero di ko pinahalata. Kahit si Zac at Eros ay napanganga rin sa nakikita nila.

Yung kalmado pero maangas na dating ko kanina ay bigla na lang napalitan ng panlalambot. Tsk!

"B-babae ka pala?" Nauutal na tanong ni Zac. Stupid question.

"Malamang. Mahaba buhok ko eh."

Napalunok ako sa paraan ng pananalita niya. Napakalamig at kalmado din tulad ko. Sinuklay pa niya gamit ng daliri niya ang buhok niya. Walang sabit. Madulas na madulas. Psh, what am i saying?

"Ano bang kailangan niyo?" she asked irritatedly.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Eros. Fuck! Nakatulala pala ako dito.

"Your number.. I mean your name." pakalmado kong sabi. Muntikan pa ako. "I want to know your fullname." tumikhim ako saglit. "As the owner of this competition, i need to get the exact personal information of all the Racers here. This is for your all safety purposes naman. Ms. Trese?" pormal kong pahayag at inilahad ko ang kamay ko kay Zac para kunin ang Information book.

"Ako na ang magsusulat, Pars." aniya. Pinandilatan ko siya kaya agad niya namang binigay sa akin ang Information book.

Nginitian ako bigla ni Ms. Trese. Damn it. That smile. That genuine smile.

"Sorry but can i keep my private info? Don't worry, this will be my first and last to join here. I just need money. Hope you understand.." napakaamo niyang magsalita. Kaya bigla na lang akong napa-

"Ok." damn it! Nasabi ko ba talaga yun ng agad? Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, matigas ako at ayoko ng exemption!

"Thank you." banggit pa niya.

"Seriously pars?" pagtatakang bulong ni Eros.

Muli na naman akong napako sa kinatatayuan ko ng ngumiti ulit siya. Napaka sweet ng ngiti niya.

Isinuot niyang muli ang helmet at sumakay sa motor niya.

"May last race pa ako. See you later." banggit niya at mabilis na nagpaharurot sa pagpapatakbo ng motor niya.

"Break a leg!" cheer ni Zac.

"Grabe, ibang klase siya Pars." banggit ni Eros.

"I wanna marry her."

"WHAAT???"

Tangina! Kahit ako nagulat sa sinabi ko!

"Pars! Na love at first sight ka ata! Hahaha!" sabay tawa nilang dalawa.

"Tch. Hell do you care? She's my ideal wife. Alam niyo namang matagal na akong naghahanap ng babaeng mapapangasawa ko. At kailangan kong makilala ang babaeng iyon.." -hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti.

"Hala ka, Pars. Yung ngiting yan, iba na ata. Creepy~" -Zac

"Weird.." -Eros

Hindi ko na pinansin ang dalawa. Ibinaling ko lang ang atensyon ko kay Ms. Trese na kasalukuyan nang nakikipagkarera sa loob ng Racing track. Ang galing niya nga talaga sobra. Ibang klaseng stunts at exhibition ang pinapakita niya sa bawat lipad at landing ng motor niya sa lupa. Hindi niya hinahayaan na maunahan sya ng mga katunggali niya. Sentro siya ng atensyon ng lahat ng manonood. Halos lahat naka-cheer sa kanya.

"Nakakapanabik kang makilala Ms. Trese. Kahit sino ka man, hindi kita tatantanan." mahinang banggit ko. Buti na lang hindi narinig ng dalawa dahil nakafocus din ang atensyon nila kay Ms. Trese.

Pagkatapos ng Racing match. Itinanghal na bagong kampyeon si Ms. Trese. Nakakagulat lang dahil hindi niya tinanggap ang trophy dahil ang sobre na naglalaman ng 30k mismo ang una niyang tinanggap. Mahirap ba siya? Mukha naman siyang mayaman at desente. Kung ganun, ako na ata ang magtutubos sa kahirapan niya ngayon. Napangisi ako ng palihim habang naiisip yon.

"Pars, kayo na munang bahala dito.." tugon ko kina Zac at Eros. Dinukot ko ang susi ng Ferrari ko sa bulsa.

"Eh? Saan ka pupunta?" Eros

"Susundan ko lang ang Future ko.." sagot ko. Nakita ko kasing papaalis na si Ms. Trese.

"Kinikilabutan ako sayo Pars! Stalker lang?!" panunukso ni Zac.

Nginisihan ko siya, "Baka hindi ko na siya makita pa.." at sumakay na ako sa Ferrari ko.

"Hahaha! Hala sige follow your heart Pars!" sigaw nila.

Pinaandar ko na ang kotse at pinaharurot ito sa pagpapatakbo at sinundan sa kung saan patungo si Ms. Trese. Kahit ako naweweirduhan sa ginagawa ko. Hindi naman ako ganito sa ibang babae. Hindi ako yung tipong sumusunod sa kanila. I just find her interesting and i like this feeling.

Mabilis siyang magpatakbo. Buti na lang gabi na at wala ng masyadong sasakyan sa daan. Nakaisip ako ng paraan para mapansin niya ako. Binilisan ko ang pagmaneho ko hanggang sa nasabayan ko na siya sa daan. Napatingin siya sa gawi ko. Hindi niya ako makikita dahil tinted ang salamin ng kotse ko.

Mukhang na-gets niya naman na gusto kong makipagkarera sa kanya kaya mas pinaharurot niya ng mabilis ang motor niya. Lumawak ang ngisi ko at mabilis ko ding pinaharurot ang kotse ko.

*Full speed*

Isang motor at isang kotse ang nag-uunahan sa pagpapaharurot sa daan. Halos pantay at sabay lang kami. Walang finish line dito kaya hindi namin alam kung kelan matatapos 'to. Forever na ata 'to! Haha. Hindi ko maintindihan pero tuwang-tuwa ako sa larong ito. Pakiramdam ko may magandang patutunguhan ang karerang ito.

*SCREEEEECHHHH*

Nagulat ako nang biglaan siyang pumreno. Pati ako ay pumreno na rin. Napatingin ako sa harapan.

Sh*t!

May mga kalalakihan ang nakaabang sa gitna ng daan. Naka Men in black sila. Hindi ko sila kilala pero malakas ang kutob ko na baka mga tauhan ito ng mga kalaban ko sa Underground society. May mga itim na kotse sila sa likuran nila. Pinaghihinalaan na kasi ako na isa ako sa mga Bosses ng isa sa kilalang organisasyon. Kaya heto sila, hinahalungkat talaga ang buong pagkatao ko. Damn!

Bakit ngayon pa? Baka madamay pa si Ms. Trese dito. Bumaba na ako sa kotse ko at hinarap sila. Mukhang nagulat si Ms. Trese ng makita ako. Bumaba na din siya sa motor niya at tumabi sa akin. Hinubad niya ang helmet at itinapon ito sa tabi.

"Kilala mo ba sila?" tanong niya.

"Hindi.." sagot ko.

"Buti naman.."

"Huh?" nagtataka akong napatingin sa kanya. Kilala niya ba sila? Gangster ba siya? Mukhang hindi naman.

"You need to come with us, Lady Athena." sabi nung lalakeng nasa gitna na may baritonong boses.

Lady Athena? That was her name?

So kilala niya ang mga taong ito?

Nagulat ako ng dumikit siya sa akin. Napansin kong may idinukot siya sa bulsa ng leather suit niya. Isang maliit na can?

The heck??

May dala siyang Smoke grenade!

"Run for your life in a count of 3.." bulong niya sa akin. At nagslow motion sa paningin ko ang ginawa niya.

1

Hinagis niya sa ere ang smoke grenade.

2

Umikot siya at sinipa niya ito ng malakas papunta sa mga naka-Men in black.

3

Sabay ng paglabas ng nagbabagang usok ay ang paghila niya sa akin papunta sa kotse ko.

"Sh*t! What are you doing??" gulat na gulat kong tanong.

"There's no time!"

Napalunok ako. Kasi naman pareho kaming nakaupo dito sa Driver's seat! At nakakandong siya sa akin! Jusko! Maghunus dili ka Eleazer!

Binuhay niya ang engine ng kotse at mabilis na pinaandar ito ng paatras atsaka nag u-turn at nagpaharurot ng mabilis. Hindi pa nakasunod ang mga naka Men in black dahil sa kapal pa rin ng usok roon.

Pero ang pakiramdam ko parang pinagpapawisan na ako dito sa kinalalagyan ko. Ang bigat niya. Sabayan pa ng pagtalbog ng kotse dahil sa mga humps sa kalsada.

"Aaah!" Damn it! Napaungol pa ako sa lakas ng pagkakatalbog ng kotse. "P-pwede mo na bang ihinto? P-para ako na lang ang mag d-drive?" request ko. Hindi na talaga ako komportable sa posisyon namin! Yung hormones ko nagwawala na ata.

"Nakasunod na sila sa atin." seryoso niyang sabi.

Napalingon ako sa likod. Damn it! Ang bilis nilang makasunod. Ang mas malala, ang daming kotse at nagpapaputok na din sila ng baril.

"Ano bang atraso mo? Bakit ka nila hinahabol?? Gangster ka ba? Myembro ng sindikato? Drug lord?" tanong ko na.

"It's none of your business." sagot niya.

Tch. Mas lalo tuloy akong nagkaka-interes sa babaeng 'to. Sana naman hindi siya member ng kahit anong angkan ng Mafia.

*SCREEEECHHHHH*

Fvck!

Uso ba sa babaeng 'to ang biglaang pagpreno?! Napasubsob tuloy ang mukha ko sa likod niya. At dahil sa pagkagulat ko ay napahawak tuloy ako sa..

Teka.. Ang lambot ata nitong nahawakan ko?

*PAK*

"Ouch!" biglaan niya akong sinampal.

"PERVERT!"

Sh*t! Boobs niya pala ang nahawakan ko. Stupid Eleazer!

"Ba't ba kasi bigla kang pumreno?!" sigaw ko.

"Nasa Dead end na tayo!" sigaw niya.

Lagot na! Napatingin ako sa paligid. May mga nakaabang na din palang mga kotse sa harap at paparating na rin yung mga humahabol sa amin. Nandito kami sa San Rio Bridge.

"Wala na tayong ibang madadaanan pa. Maliban na lang kung gusto mong tumalon sa tulay.." sabi ko pa. Tahimik siya at parang ang lalim ng iniisip. "Sumama ka na lang kaya sa kanila. Total ikaw naman ang kailangan nila, at nadamay lang ako.." dagdag ko pa. Pwede ko naman siyang tulungang kalabanin sila pero hindi ako yung tipong idadamay ang mga tauhan ko sa isang laban na hindi ako ang involve.

"Hell no.." banggit niya pa. "Nakakasawa ng mabuhay sa mundo ng kasamaan. Gusto ko ng mabuhay ng walang gulo at matiwasay."

Malakas na pumintig ang puso ko ng marinig ang sinabi niyang iyon. Saglit akong napatitig sa napakaamo niyang mukha. May luha ang tumulo sa pisngi niya. Nakaramdam ako ng awa. Ilang saglit lang ay pinahid niya gamit ang palad niya ang luha niya at nabigla ako ng paandarin niya ang engine ng kotse.

"W-wait..W-what the fuck are you doing?" kinakabahan ako sa gagawin niya.

"I have no choice. We really have to escape."

Nanlalaki ang mata ko ng matulin niyang pinaandar ang kotse KO patungo sa may railings ng tulay. Malakas na bumangga ang harap ng kotse sa railings sanhi ng pagkawask nito.

At namalayan ko na lang na lumilipad na ang kotse sa ere..

At malakas itong bumagsak sa tubig.

-

-

-

-

-

Napamulat ako ng maramdaman ko ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nanghihina akong bumangon. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi pamilyar ang paligid ko. Nagtataka kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto.

"Where am i?" parang nasa hotel ata ako.

Nakatopless lang ako at boxer short. May galos ako sa ulo at konting pasa lang naman ang katawan ko. Naalala ko na ang nangyari. Grabe, ang lakas ng impact ng pagkakabagsak ng kotse sa tubig. Nawalan pa ako ng malay dahil sa pagkalunod. Salamat sa amazonang babaeng yun.

Hayss. Ms. Trese! Yung kotse ko! Tsk! Nasaan na ba ang babaeng yun?

Tumayo ako mula sa kama. At dahan dahan akong pumanhik sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig akong may nag-uusap mula sa labas.

"Ang lakas ng loob mong takasan ako, Yerese! Akala mo ba maiiwasan mo kami habang buhay huh? Napakalaki ng responsibilidad na itinaya mo at ngayon tatakbuhan mo na lang?" boses ng isang lalake.

Yerese? Pangalan na naman niya yun? Ang dami ata niyang pangalan.

"Zeus, i already told you. I'm quitting!" boses ni Ms. Trese.

"Wow. And now, Zeus na naman ang tawag mo sa akin? Where's your manners Athena Yerese!"

Ahh, Athena Yerese pala buong name niya.

"Ok! KUYA Zeus Charles! Now happy?"

Natawa ako sa pagiging sarkastiko niya. Kuya niya pala ang kausap niya.

"Yerese naman, please i'm begging you bumalik ka na sa mansion." pagmamakaawa nung lalake.

"Kuya, si Appa na mismo ang nagsabi na isa akong malaking dissappointment sa pamilya natin. Kaya nga ako naglayas, dahil gusto kong maging independent! Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi kailangan ng tulong mula sa yaman ng pamilyang Haviens."

"But--"

Napapikit ako ng magalaw ko ang doorknob. Baka hindi alam ng kuya niya na may tao dito sa loob ng kwarto.

"May kasama ka ba dito, Yerese?"

Aish! Lagot na! Dahan-dahan akong umatras at naghanap ng matataguan pero huli na dahil bigla na lang bumukas ang pinto.

"WHAT THE???" nanlalaki ang mata ng kuya niya. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Patay, nakatopless at boxer short lang ako! Baka kung anong isipin niya. "YERESE!!" malakas na tawag niya kay Yerese. Nagulat ako ng magdukot siya ng baril sa coat niya at itinutok sa akin. Damn it.

"Kuya! Wag!" agaran na lumapit sa akin si Yerese at hinarang ako mula sa kuya niya.

"Who the hell is that man, Yerese??!" galit na galit na tanong niya habang nakatutok pa rin sa akin ang baril niya. Mas lalo siyang maghihinala sa amin dahil naka bathrobe lang pala si Yerese. Wait, siya ba naghubad sa suot ko?

"Hey man, calm down.." banggit ko pa. Magsasalita na ulit sana ako ng magulat ako sa sinabi ni Yerese.

"He's my Husband."

What the hell??

Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito??

Napasinghap sa galit ang kuya niya. "So, totoo nga ang sinasabi mo na kasal ka na??"

"Oo! Kahapon pa kami kinasal!" pagsagot ni Yerese. "At hindi mo ba napapansin na you're disturbing our Honeymoon??"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Teka?? Kaya ba ganito ang itsura ko dahil may nangyari sa amin kagabi?? Bakit wala akong maalala?? Unfair!

"HA! I can't believe this Yerese! Paano mo 'to nagagawa sa amin!" galit na galit na talaga ang kuya niya. "I want an evidence na kasal nga kayo!"

Buking na siya-

"Here.." nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinarap ito sa kuya niya. Pero mas nanlaki ang mata ko ng makitang may suot na pala akong singsing sa ring finger ko!

"Our wedding ring.."

Planado niya ba 'to?? Paano?

"Kuya, sorry. Ngayong kasal na ako, pwede ko na bang hingin ang kalayaan ko mula sa inyo?"

Ah, kaya niya ba sinasabi 'to dahil gusto niyang makamit ang kalayaan niya mula sa pamilya niya? Bakit naman? Kinukulong ba siya? Sinasakal? Malaki ba ang responsibilidad niya?

Napahilamos sa mukha na lamang ang kuya niya. Ako naman dito, parang wala lang. Go with the flow. Ewan ko parang ok lang sa akin 'tong ginagawang pagpapanggap ni Ms. Trese.

"Yerese naman! Isang malaking pagkakamali 'tong biglaang pagpapakasal mo! Alam mo yan! At ang mas malala pa, hindi namin kilala ang lalakeng 'yan!" sabay duro niya sa akin. Napapikit ako sa pagtitimpi, ayaw ko pa naman sa lahat ay ang dinuduro ako. Automatic na umiinit ang ulo ko pag may taong gumagawa sa akin niyan.

 "With all your respect, pwede bang hayaan mo muna kaming tapusin ang HONEYMOON namin ng ASAWA ko?" diin na pagkakasambit ko. Halatang nagulat si Ms.Trese sa sinabi ko. "Atsaka na kayong mag-usap magkapatid pag tapos na kami." malamig na banggit ko at tumalikod sa kanila pero nilingon ko muna si Yerese. "Honey, maliligo muna ako. Wag kang magtagal ha, ayokong mainip sa kahihintay. Alam mo namang matagal na akong sabik na sabik sayo." at kinindatan ko siya.

Nganga. Yan lamang ang naging reaksyon nila.

Ang lawak ng ngisi ko ng makapasok na ako sa Bathroom. Tch. Napailing tuloy ako sa ginawa ko.

Ms. Trese. Mukhang kailangan mong panindigan 'tong pagpapanggap mo.

To be continued...

Thank you so much for reading ! ^______^

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

268K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...