Hate that I fall for you (Une...

By Lemnlydane

494 41 13

"'Di ka ba nagtataka kung bakit lagi kitang binaBADTRIP? Ito lang kasi ang paraan ko para mapalapit sa'yo. Ma... More

CHAPTER WAN:
CHAPTER TU:
CHAPTER TRI
CHAPTER FOR:
CHAPTER FAYV:
CHAPTER SIKS:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER NAYN:
CHAPTER TEN:

CHAPTER EYT:

30 4 0
By Lemnlydane

CHAPTER EYT:


Lalo akong naasar, bwiset na Maglangit yun ah! Napilitan tuloy ako kung ano ang dapat kung sabihin sa kanya. "Oo. Itatanong ko lang sana kung kelan ka magbibigti?" Yun ang seryoso kong tanong sa kanya with matching serious eyes pa. Oh, pahinga ka ngayon. Pero ako yata ang napahiya nang makita ko ang reaction sa mga mata nya.

"Seryoso. Ano yun?"Naging seryoso ang anyo nya. Mukha ngang seryoso talaga syang malaman kung ano ba ang itatanong ko sa kanya. Grr! I hate it. And I really hate when he's serious like this.

Nagkibit balikat ako at inismiran sya. "Itanong mo na lang sa kanila." naiiritang sabi ko. Di na ako interesadong tanungin pa sya kung pwede ko ba syang gawing model para sa research studies namin. Para saan pa meron naman syang Trixie, eh di sumama na sya dun, pagbuhulin ko pa ang mga intestine nila eh. Kainis!

Sumulyap sya sa mga taong naroon sa loob ng KFC saka muling tumingin sakin. "Well, kung nahihiya ka talaga. Sige na, sinasagot na kita." Ano daw? Sinasagot, ano yun? May tinanong ba ako? Naguluhan yata ang utak at katawang lupa ko sa sinasabi nya.

"What did you say?" Kaya kahit narinig ko, di maiiwasang itanong ko ulit. Magulo pa naman kausap ang lalaking ito. Nakakairita na, nakakaasar pa. Cynic yata ang lalaking ito, minsan nakakabaliw. He's the person that I want to talk sometimes, but it's better not to talk to him at all.

"Sabi kasi nila Jana, nanliligaw ka daw sakin." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Ako pa talaga ang nanliligaw, sabi ko na, minsan walang lugar talaga ang makipag usap sa kanya lalo na kung tatagalan ko pa. Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig. Hindi yata kakayanin ang pag mumugmog ng alcohol sa sobrang sama ng mga sinasabi nito.

"Mga bruha talaga yun. Wag ka ngang feeling! Baka naman iniisip mo lang yun, nanisi ka pa ng iba." Inirapan ko pa sya. Kahit kailan hindi na sya naging seryoso sa buhay nya. Makulit, mabait, nakakainis, caring, sweet, yan yung mga katangian na hindi mo akalaing mapaghahalo mo sa isang tulad nya.

"Joke!" Tumawa pa sya na abot hanggang tenga. Ano kayang nakakatawa sa Joke nya. Kung alam ko lang na joke pala yun, sana tumawa na ako. "Pero, seriously, gusto mo ba ako?" Natulala ako at bahagyang nawala sa sarili, di ko kasi alam na may follow up question pa pala yun. Pero, ano naman ang drama nya at nagtatanong sya sakin ng ganyan? Di ko sya tiningnan sa mata.

"I'm done. Maiwan na kita dito." At di ko rin sya sinagot, tumayo na lang ako at dinampot ang mga binili ko. Tinake out ko na lang yung recipe bites na hindi ko naubos dahil sumama ang hangin sa paligid lalo na pag kausap ko ang taong ito. Kusang sumasama ang hangin at mood ko kapag nakikita ko sya at nakakausap.

Di naman na nya ako sinundan, laking pasalamat ko lang. But I felt it was weird, dati hahabulin pa nya ako para lang piliting sagutin ang tanong nya at patuloy akong aasarin. But this time,hinayaan lang nya akong mag isa. Ni hindi nya man lang tinawag ang pangalan ko. Why something bothering me? Why I felt pain inside? Parang nagbago na sya. Oo nga pala, may girlfriend na kasi sya, kaya hindi na ako yung isa sa aasarin nya. Hindi na ako yung center of distraction sa paningin nya. Ano ba toh? Bakit ako yung nagda-drama. Like, hellow.. wala naman kaya akong pakialam sa kanya, ganun din naman sya sakin. So, dapat kalimutan ko na lang kung ano man yung nakita ko at nararamdaman ko. Malabo naman ang lahat samin plus di naman kami para mag Emo ako ng ganito.

****KINABUKASAN.

"Oh, ano  Sundae. Kinausap mo na ba si King?" Pag iinterupt ni Jana sakin. Kahit parang walang gana ang boses nya. Ano na naman kaya ang problema ng dalawang ito?

"Hindi pa. Wag na. Marami namang iba dyan, isa pa he's not my type. Wala sa kanya ang hinahanap ko sa isang lalaki." Nakayukong sabi ko. Nagtinginan pa sina Jana at Marky na parang hindi naman sya naniniwala sa akin at parang may kung anong naglalaro sa utak ng dalawang ito. Iba pa naman ang tandem pag nagsama ang dalawang ito.

"Confirm!" Sigaw nung dalawa. Napatingin ako sa paligid. Naagaw na namin ng pansin ang mga taong nasa loob ng Canteen. Ano ba talagang problema ng dalawang ito?

"Shh! Ang ingay nyo. Ano ba yun? May paconfirm-confirm pa kayong nalalaman dyan." Sarap lang pag buhulin ng ngala ngala ng mga ito. Sarap lang talagang saksakin ng tinidor na hawak ko. Minsan nga, sungal ngalin ko itong mga toh.

"You're in-love!" Chorus na naman na sabi nila. Kailangan ba talagang mag duet palagi. Pero ano daw yun? In-love ako? Teka lang, nag eexist ba yun sa katulad ko?

"What? Anong sinabi nyo? Saka pwede ba lower down your voice. Para kayong mga sira." May sapak talaga ang dalawang ito. SInubukan ko na lang na iignore ang mga pinagsasabi nila. "Nevermind. By the way, may nahanap na ako." Announce ko sa kanila. Muli na naman silang nagtinginan.

"And who??" Sabay na naman sila. Grabe, kunti na lang maeeskandalo na talaga kami dito sa Canteen.

"Kailangan ba talagang mag duet kayo? Si Raymond." Malamig na tugon ko. Yeah, si Raymond yung nerd sa I.T. Department. Minsan ko na syang nakasama sa Library kaya sya na yung kinausap ko. Di naman sya tumanggi, sa klase pa nga ng pagkakangiti nya, mukhang masaya pa sya. E di problem solve na. Well, Oo di sya ang ideal man ko, pero mabait naman kaya pwede na ring pag tiyagaan.

****FASTFORWARD...

Midterm na namin. Hayst! Pwede bang magbigti na lang sa Math. Bobo talaga ako dun eh. Wala ng remedy, si Marky yung magaling sa Math at si Jana atleast average, ako lowest. Ilang beses pa akong napabuntong hininga habang naka make face at nakatungo sa desk ko.

"Alam mo Sundae, why don't you tell King na maging tutor mo sa Math. Ang alam ko Math wizard yun." Sabi ni Marky sakin bilang suhestisyon. Dapat ko bang patulan ang alok niya? Kung mangyari pa yun, utang na loob ko pa sa kumag na yun.

"Isa pa, di ka naman tatanggihan nun." Dagdag pa ni Jana. Bakit ba pagdating sa lalakin yun, lagi silang magkasundo. Ano ba talaga ang pinapakain niya sa mga kaibigan ko at ganun sila ka-supportive dun?

"No way!" Pakk! "Aray! Bat ka ba nambabatok?" Tanong ko Kay Marky, masyadong namemersonal ah. Binatukan pa ako nung nagreact ako.

"Ang shunga mo kasi. Kung wala ka naman palang gusto kay King, Ba't di ka makalapit sa kanya?" Bahagya akong nag isip sa sinabing yun ni Marky.

"Nilapitan ako ni Jana saka pa ako inakbayan. "Teh, i-confirm mo na kasi yang feelings mo. We know you love kIng, right?" Napailing ako sa sarili ko, imposibleng mangyari yun.

"Tse! Tigilan nga ako ng love love na yan." Kinuha ko na lang yung bag ko sa harapan, kung saan inistruct kami na during midterm ilalagay roon sa front ang mga gamit at bag namin. Kinapa ko kung naroon nakalagay yung panyo ko. "Where's my hanky?" Super halaga nun sakin. Bigay ni Papa sakin yun eh, I'm Papa's girl, at si Shawn, my little brother is Mama's girl.

"Hu! Nag change topic!" Pasaring ni Jana. Hindi ko na lang sya inintindi.

"Promise, yung panyo ko, nawawala talaga." Sabi ko na pilit kinukuha ang atensyon nila.

"Oo nga pala, favorite mo lahat ng hanky na bigay sa'yo ng Father mo. Muntik mo na nga akong sabunutan nung tinago ko yun eh." sinamaan ko ng tingin si Marky na parang masama pa ang loob.

"Baka naman nasa iyo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Heller! Di ko na pag iinteresan yun noh." sabi ni Marky na mukhang hindi nga sya nagbibiro this time. Hmp! Lalo naman tuloy akong di makapg isip kung san ko ba yun nailagay. Kaya no wonder, kung maka tres man ako sa math, dun lang naman ako di talaga nag e esist.

After naman matapos, ang midterm namin balik ordinary day kami. At ngayon, confirmation makes me cry.

"Ang baba ko, 2.75 ako sa Math. Hu! Hu! Hu!"

"Okay na yan." Sabi sakin ni Jana,

Di ko na lang sya tiningnan, palabas na kami ng Room nang may nag waived na kung sinong hindi naman invited, parang bitter lang eh noh.

"Hi, Jana, Marky!" Kainis, bakit ba lagi na lang syang nag e-exisst. "Kain tayo, my treat" sabi nya. Bigla syang lumapit sakin at inakbayan pa ako. Sa inis ko siniko ko sya.

"Pwede ba, get your damn arm off me!" Nakakabwisit talaga eh.

"Ayaw mo ba nun? We're celebrating our monthsarry."

"Huwaat?!" O.A. na expression much nung dalawa.

Siniko ko uli sya, kaya napaubo sya. "Sa susunod, wag kang magbiro, kasi madaling maniniwala yung dalawa"

Tumawa lang sya ng nakakaloko saka tiningnan ako ng nakakaasar. "E di totohanin na lang nati-" Inamba ko nga yung kamao ko. "Kidding!" Nakakaasar talaga ang ungas na ito.

"Oo na, sige na. Libre mo na." Di na lang ako tumutol uli.

"Uyyy.. pumayag." Ang epal talaga ni Jana.

Kumain na rin kami, pero nagtaka lang ako kung bakit tanging ungas na ito lang ang hindi nag ketchup, magtatanong pa sana ako kaya lang hindi ko na lang din sinabi.

"Oh, wag masyadong titigan, baka mainlove- Aray!" Sinipa ko nga siya sa ilalim ng mesa, kung anu-ano ang mga pinagsasabi eh.

Katabi ko si Marky at katapat ko sya, next sit is Jana.

"Oh, tama na ang lambingan hah." Sabi pa ni Jana.

"Maglangit ha, bibingo ka na." I made a warning look.

Nang matapos kami, biglang nag open ng topic si Jana.

"Uy, diba, Math wizard ka? Turuan mo naman itong si Sundae. Bobo sa Math- Aray! Sundae Sia, kailangan manipa? I'm just stating the fact. Paano ka papasa sa Math?"

"Kahit kanino, pwede na." Wag lang sya. Napahay naku yung dalawa.

Nauna ng umuwi si Jana at Marky, samantalang ako naiwan sa kanya.

"Sunday."

"Sandi sabi. Ano?"

"Ahmm.." May inilabas sya sa bulsa nya. "I bet this is yours." nagningning yung mata ko nang makita ko ang tinutukoy nya.

"My hanky!"

"Tama nga ako. Pero dahil ako ang nakakita, finders keepers." Kukunin ko na sana, pero bigla nyang shi-noot sa bulsa ng pantalon nya.

"Fine!" Binilisan ko na lang ang paglalakad. "Saksak mo pa sa dalawang lungs mo!" At nagmadali na akong maglakad palayo sa kanya. Hindi ko namalayang may sasakyang mabilis na papalapit sakin.

"Sunday!" nagulat na lang ako nang pareho na kaming gumugulong sa malamig na kalsada.

"Di ka ba marunong mag-ingat?" He sounds angry. "Sa susunod, titingin ka sa dinadaanan mo. Ayaw kong may mangyaring masama sa'yo! Blah blah pa kita." Tuloy-tuloy na sabi nya, hindi ko na nga naintindihan yung huling sinabi nya. Bigla ba naman kasing umulan at ako nag stock up pa rin sa bisig nya.

"Come on." Inalalayan na nya akong makatayo. Natahimik na lang ako.

Maya-maya pa may kotseng huminto.

"I'm sure wala kang payong. Just get in the car." Sabi nya habang pinagbuksan ako ng pinto.

"Sa'yo yan?" Pagtataka ko dun sa kotse.

"Oo. Diba nakasakay ka na dito, nung ginamot mo ako?" Oo nga pala, magulo lang talaga ang isip ko ngayon. Dahil yung driver nila ang kasama namin hinayaan ko na syang ihatid ako.

"Wala bang masakit sa'yo?" Ang tinutukoy nya yung nangyari kanina. Umiling ako bilang sagot.

"S-salamat."

"You're always welcome." Then he sweetly smiles na hindi ko naman naintindihan. "Pag usapan natin sa susunod kung kelan ka available para matutor kita." Tatanggi pa sana ako kaya lang biglang nagring ang phone nya. Nung narinig ko ang pangalan ng kausap nya, ewan, bigla na lang akong nadismaya, nairita, nabwisit at nainis. "Bye, Trixie, see you tomorrow." Ang sweet pa nung nagpaalam sya.

"Dito na lang. Bababa na ako." Napatingin naman sya sakin na parang nagtataka kung bakit nagpababa na ako samantalaang ilang blocks pa bago makarating sa Bahay namin. Bakit ba kasi kailangan pa nyang ipaalala at ako naman 'tong tanga, manhid at di makaramdam na wala naman syang gusto sakin infact natutuwa lang sya kaya nya ako inaasar.

Bakit ba kasi kailangang idaan sa laro at pang aasar ang lahat? Ayaw ko ng ganito, umaasa lang at wala namang definite fact. Hinawakan nya ang braso ko bago ako tuluyang makalabas ng kotse nya.

"Are you okay? I'll call you when you got home. Ingat ka." Tuluyan na nyang binitiwan ang braso ko. At ako tuluyan namang lumabas ng kotse nya. Di ko na napigilan ang sarili ko, patakbo kong tinungo ang Bahay namin. Mabuti na lang wala ng ulan, pero mas matutuwa ako kung umuulan para pati ulan makikisama sa nararamdaman ko ngayon. Sana matatago ng ulan ang mga patak ng luha na ito.

Hindi ko na kinaya, tuluyan ng naglandas ang mga luha ko sa mata ko. It was like a falls, tuloy-tuloy at hindi man lang humihinto. Bakit ba kasi umasa pa ako? Bakit ba naging tanga pa ako. I assumed too much that it will be work, I don't hate him, I'm just not necessary excited about his existence, iyon na lang ang pinapasok ko sa utak ko. Sana bukas at sa susunod pa mawala na ang sakit na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

12.4K 363 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
525K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Aรฑasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
594K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...