The God Has Fallen

Oleh JFstories

7.8M 231K 119K

Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets... Lebih Banyak

Prologue
The God Has Fallen
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Episode 51
Episode 52
Episode 53
Episode 54

Episode 22

108K 4.2K 3.3K
Oleh JFstories

Episode 22


FOUR YEARS PASSED...


"ADI!"


Napalingon agad ako sa pinagmulan ng boses. Hindi ko pa siya makikita kung hindi pa siya nagtatalon. Napapalibutan kasi ako ng mga taong nakikipagsiksikang katulad ko. Amoy kili-kili na rin tuloy ako.


"Granny J, nandito po ako!" Kinawayan ko ang matandang babae.


"Andito ka lang palang, depungas ka!"


"Nadala niyo po ba?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. Payat lang naman si Granny J kaya madali siyang nakasingit sa mga tao.


"Ay, hija, tignan mo nga ang sarili mo, pawis na pawis ka na." Humugot agad siya ng tuwalya at pinunasan ang mukha ko. "Ayusin mo nga ang sarili at baka magka-anghit ka."


"Ayos lang po ako. Nadala niyo po ba yung mga costumes at props?"


"Heto." Hila-hila niya ang isang malaking plastic bag. "At hindi lang yan ang dala ko."


"Po?"


"Dala ko rin ang Lola Imang mo."


Sumulpot si Lola Imang sa likuran niya. Nagmamantika ang matanda. "'Musta ikaw?"


Napangiwi ako. "Granny J, bakit niyo po siya dinala dito?" sermon ko nang pabulong.


Napangisi siya. "Hayaan mo na at gusto rin talagang mag-artista."


Napakamot ako sa ulo. May problema kasi sa pagsasalita si Lola Imang. Pero wala naman siyang sayad or sira sa tuktok. Sadyang hindi lang talaga siya makabuo ng pangungusap sa tuwing nagsasalita siya. Ayoko lang naman kasi na lokohin na naman siya ng mga tao kaya ayaw ko siyang pinapasama sa mga ganito.


Ngumiti sa akin si Lola Imang gamit ang makakapal niyang mga labi. "Hindi magpapasaway si ako."


"May magagawa pa po ba ko, eh nandito na kayo," ani ko habang napapakamot sa aking ulo.


Biglang may pumito nang malakas kaya nagkagulo ang mga nagsisiksikang tao.


"Nandyan na si Mayora!" hiyawan ng mga kasama namin sa kumpulan ng mga nakaabang.


Senyales ito na narito na si Mamala kaya humanay na kami paharap. Si Mamala ay isang matandang dalaga na may maliit na ulo. Mga nasa edad sikwenta siguro siya. Maporma, plakada ang make up, yayamanin ang suot na damit, sapatos at alahas. Sa aniyo naman ay makinis ang balat at may malusog na pangangatawan. Kung pagmamasdan siya mula sa malayo ay para siyang isang drum na tinubuan ng paa. Siya ang nagsisilbi naming manager dahil isa siyang role recruiter.


"Listen!" sigaw niya matapos tumingin sa papel na kanyang hawak. "Kailangan ko ng mga magsasaka."


Nagkagulo ang mga taong nakahanay at nakipag-unahan makalapit lang sa kanya. Nakipag-unahan na rin kami ni Granny J.


"Ako po, Mayora. Perfect po ako diyan." Mabuti at nakalapit agad ako sa kanya.


"Adi." Umikot ang bilog niya sa mga mata. "Magsasaka ang kailangan ko, hindi anak ng druglord. Look at yourself. May magsasaka ba na ganyan kakinis at kaputi?"


"Po?"


"Ano pang dala mong props dyan?" yamot na tanong niya. Kilalang-kilala na ako ni Mamala dahil suki na niya ako sa page-extra. Minsan, kapag hindi fit sa akin ang role ay hinahanapan niya ako ng iba.


"Heto po." Kinuha ko ang plastic bag na ibinigay sa akin ni Granny J. "Marami po akong costumes dito."


Tumingin siya sa kanyang papel. "Pwede ka sigurong maging maid." Sinulatan niya ang papel. "Sige, larga!"


"Salamat po."


"Ako, Mayora, pwede ako?" singit ni Granny J.


"Ewan ko." Sumimangot si Mamala. "Wala pa akong nakitang magsasaka na mukhang puyat na unggoy."


Nagtawanan ang mga nasa likuran namin.


"Ay de-pungal ka pala, eh. Gusto mong pisain ko yang maliit mong bungo–"


Hinila ko agad si Granny J kaya hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin. "Granny J, easy lang po kayo. Paano po kayo magiging artista niyan kung papatulan niyo si Mayora?"


"Nangigigil kasi ako sa Mamala na 'yan e! Namumuro na! Malala na! Mantakin mo ba namang gamunggo yung ulo niya–"


"Shh..." Tinakpan ko agad ang bibig niya nang lumapit sa amin si Mamala.


"May dala kang salakot diyan?" tanong ni Mamala kay Granny J. "Sige, pasok ka na." pagkuwan ay naglista na siya sa papel na hawak niya.


"Talaga, Mayora?" Nagliwanag ang mukha ni Granny J.


"Doon sa kabilang set ka pumunta. Kailangan nila ng gaganap na punong-kahoy, baka pwede ka." sabay baling ni Mamala sa iba. "Next!"


May mga nagtawanan na naman sa likuran namin. Hila-hila ko si Granny J sa sulok dahil balak niya nga yata talagang pisain ang mukha ni Mayora Mamala.


"Saan pwede si ako?" Lumapit si Lola Imang kay Mamala. Hindi ko na siya naawat dahil huli na.


"Bago ka lang?"


"Gusto extra si ako."


Putol-putol magsalita si Lola Imang. Nagkasakit kasi siya.


"Teka, ha? Check natin kung may role dito na susunugin, baka pwede kang gawing uling."


Napapikit na lang ako. Pintasero kasi talaga si Mamala at malakas siyang manglait mapa-talent man niya, extra o mga tauhan lang sa shooting. Mayaman kasi siya, producer din kaya talagang madam na madam ang turing niya sa sarili. Pero maging masunurin ka lang sa kanya at mapagtiis, hindi ka mawawalan ng raket.


Hindi ko pa rin maiwasang maawa kay Lola Imang. Tuksuhin talaga siya lalo na't maitim siya. Iyong kulay niya ay lang basta simpleng itim, kundi parang hating-gabi sa dilim. Mata lang ang maputa sa kanya. Matangkad na babae kahit payat si Lola Imang kaya mas pansinin siya at madalas na tuksuhing kapre dahil sa kanyang laki. Ilang beses na namin siyang tinanggihan ni Granny J na sumama sa amin dito para mag-extra sa mga movies dahil hindi nga matino ang kanyang pananalita, pero sama pa rin siya nang sama. Gusto niya rin kasing kumita ng pera para makabili siya ng whitening lotion at soap dahil pangarap niya na pumuti.


"'Buti nga 'to si Imang may role na kahit uling, e ako? Wala! Insekyor talaga 'yan sa aking Mamalang na 'yan e! Alam niya ba na maliit ang ulo niya?" himutok ni Granny J sa tabi ko na hindi pa pala nakakamove on.


"Hayaan niyo na po. Kakausapin ko po si Mayora," pag-alo ko sa matanda.


"Buti pa nga, hija, bago ko malamukos 'yan. Ang mukha pa naman niyan ay isang dakot ko lang."


"Easy lang po, Granny J. Kakausapin ko lang po siya." Pagkatapos ay bumaling na ako kay Mamala. "Mayora, may itatanong lang po ako."


Napailing siya nang lingunin niya ako. "Ano na naman, Adi?"


"Baka kahit maliit na ulo, mabigyan niyo po ang lola ko."


"Ha?"


"E-este, baka kahit maliit na role, mabigyan nyo po ang lola ko."


"Hija, last time na gumanap ang lola mo bilang isang aswang, hindi siya kinatakutan."


"Po?"


"Pinagtawanan siya!" palatak niya. "She should be scary, not funny."


Napayuko ako. Sa pagkakaalam ko nga rin ay pasaway sa set si Granny J kaya ayaw sa kanya ng mga direktor.


"Saka noong nakaraan, di ba nga, nireklamo siya ng camera man dahil nandakot siya ng pwet."


Umasim ang aking mukha. Alam kong marami ng dinakmang pwet ang matanda. Paano ko siya ngayon ipagtatanggol kay Mayora?


"Pasensiya na po, Mayora. Pero subukan niyo pa po, kahit isang beses pa. Sayang rin po kasi ang kita niyo, di ba?" Ang alam ko kasi ay may cut siya sa bawat extra na kinukuha niya. Kahit nga pang crowd lang ay may tapyas siya sa TF. Lalo pa kapag malaki-laking role ang ibibigay niya sa kanyang tao. Kahit yayamanin si Mamala ay hapit ito.


Napabuga ng hangin si Mamala na hindi malaman ang isasagot sa akin. Mapapagalitan din kasi siya ng direktor kapag palpak ang naipasok niyang extra.


"Hindi na lang bale, Adi," singit ni Granny J. "Mag-o-audition nalang ako dooon sa kabilang set, 'lika na." hinila na ako ng matanda.


"Sandali lang po–" Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa paglalakad niya. Nakasunod lang sa amin si Lola Imang.


"Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin ng Mamala na yan. Pero simula ngayong araw na 'to, mag-o-audition na ako sa mas malaking role."


"Po?" Pumreno ako. "Ano pong role?"


Ngumisi si Granny J. "Serena."


...


ROGUE


"What the hell happened?"


Halos hindi makapagsalita ang isang bodyguard sa harapan ko. "S-sir, kasi po–" Akma pa lang siyang lalapit sa akin nang awatin ko siya.


"What did I tell you about my rules?"


Napaatras siya. "Three meters rule. Sorry, Sir." Sa likuran niya ay may apat pang bodyguards na nakahanay kasama niya nang umatras siya.


"Yes, you should be three meters away from me." Pumamulsa ako. "We don't know kung ilang germs ang manggagaling diyan sa bibig niyo. Baka mamaya ay lumipad pa sa akin yan." Alam naman nila na pinakaayaw ko ang germs. Ever since I woke up from the coma my sensitivity to dirt had gotten worse.


"Understood, Sir." Magkakapanabay na sabi ng mga ito.


"Now tell me what happened?" I narrowed my eyes at them.


Nagkatinginan sila. Halatang nangangatog sila sa takot dahil alam nilang lahat kung gaano kaiksi ang pasensiya ko.


"Where is she?"


Hindi sila makatingin sa akin nang deretso.


"Where's my daughter?!" I asked loudly.


Naglakas-loob na sumagot ang isa sa kanila. "Sir, natakasan niya po ulit kami."


Napapikit ako. "Again?"


They nodded.


"How?" Nagtagis ang aking mga ngipin sa asar.


"Sir..." Kandautal ang isa sa kanila. "Iyong anak niyo po kasi ay masyadong malikot. Hindi rin po namin alam kung paano siya nakakalusot sa amin–"


"Find her." I ordered. "You know what's going to happen kapag hindi niyo siya nakita agad!"


"Yes, Sir!" Magkakapanabay nilang tugon. Pagkasabi ay nagmarcha na sila palabas.


Napabuga ako ng hangin at pinakalma ang aking sarili. Humarap agad ako sa saing life size mirror. I need to ensure kung naalikabukan ba ang damit ko. Inayos ko muna ang aking gloves na suot ko sa aking mga kamay at saka pinagpag ang aking broad shoulder. Pinagpag ko rin ang matambok kong puwet.


Plinansta ko ang aking matigas na dibdib gamit ang aking mga palad. Ayokong nagugusot ang tela ng aking damit kahit kaunti. I have to be neat all the time or else I'll go mad.


Hahakbang pa lang sana ako nang may mapansin akong kakaiba sa di kalayuan.


"Manang!" sigaw ko.


Mayamaya lang ay dumating na ang isang kawaksi sa harapan ko. "Sir?"


"Three meters!"


"Ay sori po, Sir." Umatras siya nang kaunti palayo sa akin.


"What the hell is that?" inginuso ko ang picture frame na nakapatong sa isang drawer.


Napatingin siya rito. "P-picture frame, Sir?"


"Did you notice something?"


Tiningnan niya muli ito bago siya umiling. "Wala po, Sir."


"It's misplaced!"


"Po?"


"Dapat ay nakapatong ito sa kaliwang side ng vase. Bakit napunta yan sa kanan?"


"Eh, Sir, wala naman pong pinagkaiba kahit mapunta po siya sa kanan–"


"Talk back to me again and you'll get fired."


"Eto na po, Sir, aayusin ko na po." Nanakbo siya papunta dito at inayos ito. Inilipat niya ito sa left side ng vase na nakapatong din sa drawer. "Okay na po, Sir?"


"Get out!"


Nanakbo na palayo ang kawaksi bago ko nilapitan ang drawer. "It should be 105 degree facing upward," bulong ko matapos kong iayos itong muli.


Pumamulsa na ulit ako at naglakad papunta sa aking kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko doon si Clio na nakaupo sa aking kama.


Ngumisi sa akin ang batang babae kaya lumitaw ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Maliit ang mukha nito ngunit matambok ang mamula-mulang pisngi. "Hi, Daddy!" Ang liliit din ng kanyang mga ngipin.


Napailing ako. "Where have you been, little girl?" Nilapitan ko siya. "Bakit tinakasan mo na naman ang mga bodguards mo?"


"They're boring. They were just standing beside me and don't wanna play with me."


"Come here." I picked her up and laid her on the couch next to my bed. Pagkuwan ay plinantsa ko ng aking palad ang sapin ng aking kama na inupuan niya.


"Dad, why are you always wearing gloves?" Pumaling ang kanyang ulo. "Why are you always wearing a face mask?"


Pinungayan ko siya ng mga mata. "I have to protect myself, sweetie."


"From?"


Nilapitan ko siya at winisikan ang kamay niya ng alcohol. "From germs."


"You're weird, Dad."


"I'm not weird, sweetie. I'm just clean." I picked her up again and I put her on my lap.


"Dad?" Nilaro niya ang kanyang mga daliri.


"Hmm?"


"Am I weird?" She made a sad face.


I sighed. "Why did you ask?"


"Because my eyes are not the same colors."


Hinagkan ko ang buhok niya. She has wavy long hair, and it smells so good. "Your eyes are normal, baby."


"But they have different colors."


Clio has Heterochromia. Her eyes are two different eye colors. Her eye on the right is green, while on the left is gray.


"They're beautiful, baby." Iniharap ko siya sa akin. "And you too, you are beautiful. You are special."


Lumabi ang bata. "Is it because of my mom?"


"Huh?"


"I'm pretty because of Mom?"


I changed the topic. "You know what, it's late." Napatingin ako sa aking wrist watch. "You have to go to your bed, baby."


"Can I sleep here?" Nagpa-cute siya sa akin.


"No."


Napanguso siya. "Why?"


"Malikot kang matulog. Baka magulo mo yung mga pillow dito. Can't you see naka-arranged in order ang mga unan ayon sa sizes at kulay." Isa lang kasi ang mawala sa ayos dito ay frustrated na agad ako.


"Bawal po 'yan magulo?" Kumurap-kurap siya.


"Everything in this house, bawal magulo." Binuhat ko na siya at isinampay sa aking balikat. "Let's go to your bed."


Pagpasok namin sa kwarto niya ay inihiga ko na siya sa kanyang kama. Kinumutan ko siya at hinimas ang kanyang buhok. She's so cute. Everytime she smiles, nawawala ang stress ko. That's why I love her so much.


"Dad?" Pumikit na siya.


"What, baby?"


"Is it true?"


"Hmm?"


"That my mom doesn't exist?"


Namilog ang aking mga mata. Mayamaya pa'y lumamlam din ang mga ito habang pinagmamasdan siya. "Yes, baby..." Hinagkan ko ang kanyang noo. "She never did."


Ngumiti siya sa akin hanggang sa maigupo siya ng antok.


"Even you..." usal ko. "I don't even know... if you exist, too."


JF

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.3M 43.5K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...
9.1M 220K 47
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything...
2.3M 68.8K 63
Rich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her unwitting victim. Will Annika and Walter f...
13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...