10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 56 : REST DAY

91.6K 1.9K 317
By Khira1112

CHAPTER 56 : REST DAY

RHEA POV

"OMG! You'll gonna buy these for me?" Halos tumalon si Shai nang ituro ko ang isang set ng pambabaeng damit na may tatak ng isang kilala at mamahaling brand. Nasa mall na kami first hour palang ng pagbukas nito at kami yata ang pinakaunang costumer rito sa store na 'to.

Di ba nga, nangako ako sa kanya na mag-sho-shopping kami at sagot ko ang pang-shopping namin? Buti na lang at good mood sina Papa at dalawa kong Kuya, nahingian ko sila ng pera. Mukhang tuwang-tuwa pa ang tatlo nang magpaalam akong mag-sha-shopping kasama si Shai. Binigay sa akin ni Papa ang extension card niya at si Kuya Roy naman ay yung atm niya, binigay pa sa akin ang password. Pero si Kuya Rex ang pinakamalupit, binigay sa akin ang buong wallet niya na tila walang pakialam kung maubos ko iyon.

Kung alam ko lang na magiging ganito sila ka-generous kapag naging model ako, sana dati ko pa 'yon ginawa!

Napatingin ako kay Shai na halos magningning ang mata, parang may stars talaga na lumalabas ro'n habang nakatitig siya sa manequin na suot yung isang set ng damit pambabae. Meron pang purse at stilleto sa baba. Pati accessory ay nando'n. Inisa-isa ko ang tag price at. . .holy mother of tag price! Mukha ngang mauubos ko ang pera nila Daddy!

Napalunok ako sa presyo. Ang mahal naman. Pwede na akong magkaro'n ng lifetime supply ng nutella sa isang set ng damit na 'to. Lol. Okay, medyo may pagka-OA ako sa price pero namamahalan talaga ako. Gusto ko sanang sabihin kay Shai na sa ibang botique na lang kami kaya lang naglalaway na ata siya sa damit na 'yon at halos sambahin na niya. What's with that piece of cloth? Matatanggap ko sana ang presyong 'yon kung gawa iyon sa ginto at pwede isanla sa pawnshop pag nagsawa akong istuot. Pero hindi iyon gano'n at walang treasure 'yon sa loob kaya hindi ko maintindihan. What's with the brand ba?

OKAY. masyado na ata akong nagiging KJ. Naisip kong meron kayang mga fashionista na hindi gumagastos ng ganito kamahal?

Argh, Rhea! Cut it out!

Tumingin muli ako kay Shai na sinisipat na ang tela nung damit. Katawa rin 'tong isang 'to. Kung haplusin yung tela parang balahibo lang ng aso. Huminga ako ng malalim. Kidding aside, gusto ko talaga siyang bilhan ng damit na gusto niya. Pasasalamat ko na rin kasi hindi ko mapapagtagumpayan ang step na 'to kung hindi dahil sa mga magical advice and words of wisdom niya. Napakarami niyang naituro sa akin at ito lang ang alam kong paraan para makabawi sa kanya. Kaya kung gusto niya talaga ang mga damit na 'to, maliit na halaga lang 'to kumpara sa mga natutunan ko sa kanya.

Joke! Hindi kaya 'yon maliit na halaga! Libo-libo kaya 'yon! Hello?

Napakamot na lang ako sa aking kilay. Siguro naman maiintindihan ako ni Papa kung sakaling magbawasan ng malaking halaga ang extension card niya? Papakita ko na lang yung resibo ng mga mabibili namin ngayon.

"OMG! Ang ganda talaga nito!" Shai shrieked. Lumingon siya sa akin ng nakakagat ang labi. "Hmm, you don't have to buy me clothes na ganito kamahal. I can buy this on my own. Do'n na lang tayo sa mas mura at do'n mo na lang ako ilibre."

Gusto ko sana siyang yakapin at sabihan ng 'Thank you, Shai! Buti nahalata mong namamahalan ako. Thank you talaga!' Pero dahil may hiya ako sa katawan para sa araw na 'to, hindi ko iyon isinatinig. Nginitian ko siya at marahan akong umiling.

"No. Bibilhin ko 'to. Okay lang naman." Huhu. Ba-bye thousands of money! Hahanda ko na ang aking tainga sa malupit na sermon ng aking ama mamaya!

Niyakap na naman ako ni Shai at tumalon-talon pa ito kaya bahagya rin akong napapatalon. Nagsisitinginan na sa aming direksyon ang mga sales lady.

Binili ko ang set na gusto niya at maging parte na ng kanyang katawan ang paper bag dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon. Walang pakialam kung lukot na ang paperbag. Ang weird niya rin pala minsan.

Tinungo namin ang department store. Mas marami pa kaming nabili ro'n. Bumili na rin ako ng akin. Yung mga damit na tingin ko ay babagay sa akin. Mostly, tee, lacy and floral tops, overalls at jumper dress. Hindi ako bumili ng mga skirt kasi ayoko ng gano'n. Lol. Gusto mga below the knee lang muna. Hindi pa nga ako nakakaget-over ro'n sa short overalls na sinuot ko kahapon sa fashion show.

Si Shai puro tube at crop top ang pinipili. Puro skirts at floral dresses na maiikli. She really has a nice taste when it comes to fashion kaya lang ayoko ng maiikling damit na pwede na akong mabosohan.

Nang mapagod kami sa pag-iikot ay sa tapat ng DQ kami umupo. Namamanhid at nangangalay na ang mga paa at kamay ko sa pag-ikot namin sa buong department store at pagbitbit ng mga damit na pinamili namin. Nakakapagod ang magshopping. Iyon ang dati ko pa nirereklamo. Pero ngayon ay aaminin kong nasasanay na akong makiuso sa kung ano ang trend. Iyon siguro ang bentahe ng mga babaeng updated sa mundo ng fashion. Though, medyo hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan na branded at mahal ang kailangan para pumorma. Hindi naman kasi yung tagprice at lable ang sinusuot, eh. Yung tela lang, di ba? Tss.

Ang point ko lang, nakakapagod mag-shopping pero nakaka-satisfy. Ewan ko lang kung ano ang satisfying sa ibang tao. Yung alam mong napakamahal ng damit mo o yung kaalaman na bagay na bagay 'yon sayo pag sinuot mo?

Nilapag ni Shai sa harap ko ang isang cup na may tatak ng DQ. Umupo siya sa harap ko at nagsimulang sumubo.

"Thank you, ha? Ito na ata ang pinaka nakaka-enjoy na pagsha-shopping ko kasama ka. Wala ka ng reklamo, eh." Natatawa niyang sabi. Sinimangutan ko naman siya.

"Sama mo. So ang ibig mong sabihin ay puro reklamo lang inabot mo sa akin noon?"

"Nah. It's not what I meant. Medyo uneasy ka kasi dati dahil siguro sa pressure ang nasa isipan mo. Ngayong tapos na step three, malaya ka na sa pagpili ng mamit na bibilhin mo."

That's true. Iba ang pakiramdam ko noon pagdating sa ganitong usapin. Ayoko ng pressure dahil nasisira ang concentration ko. Parang nagkaro'n ako ng isang araw na dayg-off. Freedom and no pressure.

"Well, thanks to you." Sabi ko habang nilalantakan ang DQ.

"Oo nga pala. May nakakalimutan akong sabihin sayo, Sa step four, solo ka ni Harris. Pero sa step five, magbabalik ako bilang instructor mo. May pagkakaabalahan ako sa clothing line ni Tita Elina for a while. Then, pagbalik ko, pagtutuunan natin ang step na 'yon. Gonna miss you."

Ngumiti ako sa kanya, Ayoko man sabihin ng diretsahan, alam ko sa aking sarili na ma-mi-miss ko rin ang kaartehan niya at pagiging istrikta niya. Saka ko na aalamin kung ano yung step na ituturo niya pagtapos ng step four.

Step four. Nakikinita ko na ang mga plano ni Delgado para sa step na 'to. Mukhang lalagyan niya ng masking tape ang bunganga ko o kaya naman hahalikan niya ako kapag hindi ko siya nasunod. Manyak pa naman ang isang 'yon.

Naibuga ko ng wala sa oras ang ice-cream. Nagulat si Shai at agad na hinalukay ang kanyang bag para maghanap ng tissue.

"Alam kong miss na miss mo na ang pagkain ng matamis pero hinay-hinay naman para hindi ka nasasamid."

Hayy. Kung alam mo lang, Shai. . .

Tinignan ko ang cellphone ko. May mga text ro'n si Coby at Delgado. Ito na naman silang dalawa. Kailangan ba talaga nilang magsabay lagi sa pag-aya sa akin? Malapit na akong makumbinsi na pinag-uusapan talaga nila 'to at planado nila lagi para mas lalo akong masiraan ng ulo.

Coby : May I invite you to watch a movie with me tonight?

Delgado : Ako ang susundo sa inyo ni Shai dyan sa mall , then we'll go straight to the our rest house. Tea party with my aunts.

Nagreply ako sa kanilang dalawa. For the first time in my life, nag-send to many ako. Many - kasi dalawa sila.

Me : Anong oras?

Sabay rin silang nag-reply. Talaga nga naman. Konti na lang talaga!

Coby : 7pm ang start np movie, Bale sunduin kita sa inyo ng six?

Bakulaw : 3 ng hapon dapat nando'n na tayo. Huwag na kayo magtagal dyan,

Napakamot ako sa aking kilay. Iisa lang ang isinagot ko sa kanilang dalawa, 'OKAY.'

Ba't pakiramdam ko ay hirap na hirap akong maging patas? Ewan. Balat na lang ako ng patatas. Uy, rhymes!

Shai snapped her fingers. "Rhea, kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman ata nakinig sa akin."

"Oh, sorry. May iniisip lang ako."

Kinulit-kulit ako ni Shai kung ano 'yon pero hindi ko siya sinagot ng maayos. Napanguso na lamang siya. Ilang sandali pa ay nagpasundo na kami. Nang marating namin ang carpark ay nando'n na si Delgado.

Naunang sumagay si Shai. Dapat ay sa backseat rin ako uupo pero dahil mukhang may plano na naman ang isang 'to. Nilapag niya sa upuan ang mga paperbag bago pa ako makapasok ro'n. Tinuro niya ang passenger seat sa tabi ni Delgado,

"Do'n ka na lang sa tabi ni Harris, Rhea. Masikip na kami ng mpa paperbags rito." Sabi niya ng nakangisi. Napairap ako at padabog na sinara ang pinto sa backseat. Pagkasakay ko sa passenger seaat ay agad ko atang nasinghot ang awkward na amoy sa loob ng kotse. Si Shai lang ang nakakapag-ingay ng sobra. Samantalang ako ay parang natuka na ng cobra. Si Delgado ay wala ring imik tulad ko.

Wee? Parang kagabi hindi kami nag-usap, ah? Ngayon wala na namang pansinan. Sarap hambalusin ng isang 'to.

Pinagmasdan ko na lang ang daan na tinatahak namin. Hindi 'to pamilyar sa akin. Medyo malayo na ata kami sa syudad namin. Saan kaya yung rest house na tinutukoy ni Delgado?

Huminto kami sa tapat ng isang bahay na kahit gawa sa kahoy ay classic at elegante ang dating. Gawa iyon sa teak at narra. Hindi birong halaga ang ginastos para mapatayo ng bahay na 'to.

Naunang bumaba si Shai at halos lumipad siya para lang makaalis sa sasakyan. "Una na ako sa loob, guys!" Napairap na lang ako. Talaga naman. Iniwan na naman ako sa galamay ni Delgado,

Huminga ako ng malalim at tinignan siya. Nakapangalumbaba siya at nakatingin sa akin.

Napatikhim ako at tumingin na lang sa windshield. Umiiwas sa titig niyang nakakailang. "What?"

"Sungit mo naman. Na-miss mo talaga ako, no? Nagsusungit ka pag miss mo ako, eh."

"Duh. Dream on."

"Hell yeah. I kept on dreaming that you miss me too." Iyon lang at lumabas na siya at umikot sa panig ko. Napanganga ako sa kanyang sinabi. Hindi pa ako nakakabawi nang buksan niya ang pintuan sa passenger seat. "Ano? Dito na lang tayo sa kotse? Ayaw mo bumaba?" Nainis ako nang makita ang mapaglaro niyang ngisi.

Sinapak ko ang braso niya at inarapan siya. Katulad ng nakasanayan ay tumawa lang siya. Ngunit nang maramdaman ko ang braso niya sa leeg ko ay natameme ako. Muntik pa nga akong madapa. Natawa siya at hinapit akong lalo.

"Relax. Nawala lang ako ng ilang araw, kinakabahan ka na."

"S-shut up!"

Tumawa lang siya at inamoy-amoy ang aking buhok. "You changed your shampoo? Nagpakulay ka rin ng buhok."

Napanganga ako. Nakuha ko naman na agad niyang mapapansin yung kulay ng buhok ko kahi hindi gano'n ka-obvious ang kulay. Pero yung amoy ng buhok ko . . . "Seriously, Delgado? Kailan ka pa nagkaro'n ng ilong na pang-aso? Tss." Pero nabigla ako ro'n kasi totoong nagpalit ako ng shampoo. What the heck?

Tumawa lang ulit siya. Hindi na ako muling umimik. Hindi pa ako nakaka-attend ng tea party kaya hindi ko alam kung anong ginagawa rito. Iinom lang ba kami ng tsaa hanggang sa kabagan kaming lahat? Lol.

Bumati ako sa mga tita niya. Nasa fashion show rin pala sila kahapon at naalala nila ako.

"Oh, ikaw nga 'yon. You're an eye-catcher."

"And Elina told me you're a first timer? Hindi ka talaga isang modelo?"

Umiling ako. "H-hindi po."

"Freelance model then?"

Muli akong umiling. "Hindi rin po. Singit lang po talaga ako ro'n."

"But you're the most beautiful there. Magaling kang rumampa kaya akala ko ay pro model ka. Ba't hindi mo i-try kahit maging freelance lang? Maganda na ang simula mo sa Fleet Cardony."

"I quite agree." Tumango-tango ang kanyang mga tita. Napansin kong wala ang presensya ni Miss Elina rito. Napatingin ako kay Delgado at Shai na tahimik na nag-uusap at tila may ibang mundo. Wala sa loob na kinuha ko ang tasa ng tsaa at ininom 'yon.

Lumipas ang oras at nagpalipat-lipat ang usapan. Nalunod ako sa offer ng mga tita ni Delgado. Some of them wants me to endorse their clothing line maliban sa Fleet Cardony. Meron pang nag-offer na gagawan ng commercial ang isa sa kanilang business product at ako ang nililigawan nilang maging modelo.

Lahat iyon ay magalang kong hinindaan. Oo, medyo feel ko na ang pag-'boom' ko dahil sa pagrampa sa Fleet Cardony pero ayokong magmarunong at magbida-bida. Mamaya ay pumalpak ako at mapahiya ko pa sila. Sinabi nila na hindi naman sila nagmamadali. I can still decide dahil medyo matagal pa naman raw 'yon. Tila pursigido silang mapapayag ako.

Hindi ko alam kung party ba talaga 'to o tila ako napasabak sa isang talk show. Lumipas ang oras at nakita ko na lamang na mag-si-six na. Oh, my gosh! Si Coby nga pala!

Hinagilap ko si Delgado ngunit wala na sila ni Shai sa tabi ko. Nagpaalam ako sa mga tita ni Delgado para hanapin siya. Paimportante as always. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng pool. Naisip kong gulatin siya para mahulog siya ro'n pero naisip ko ring baka mabadtrip siya sa akin. Pag na-badtrip siya, sino maghahatid sa akin sa mall? Hindi ko pa naman alam ang lugar na 'to.

"Delgado." Lumingon siya sa akin. Hindi ko makita ng malinaw at buo ang kanyang mukha dahil papagabi na at hindi pa nabubuksan ang mga ilaw rito sa labas.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa bandang likuran. "Kailangan ko na umalis. May. . .lakad pa ako. I mean, ano, nagyaya kasi si Coby na manuod kami ng sine. Naka-'oo' na ako."

Dapat at tama naman siguro na maging honest ako sa kanya, di ba? Gusto ko niya ng patas kaya dapat alam niya at aware siya sa mga ginagawa ko.

Natigilan ako ng ma-realize na hindi ako gano'n kay Coby. Hindi niya pa rin alam na may boyish side ako at hindi rin siya aware na kinakalaban siya ng dati niyang kaibigan.

Napangiwi ako. Kinakalaban? Laban para kanino? Para sayo? Ang feeling mo na ata ngayon, Rhea?

Huminga na lang ako ng malalim. Umaasa ako na darating yung araw na makakahanap ako ng paraan para malaman 'tong nararamdaman ko. Pero sa ngayon, sasabay muna ako sa ihip ng hangin at magbabaka sakiling makahanap ng sagot sa kaabnormalang ito.

"Um-oo ka kahit alam mong gusto kitang makasama?" Kunot-noong tanong ni Delgado.

Kumunot rin ang noo ko. Mukhang hindi kami nagkakaintindihan dito, eh. "Um-'oo' ako dahil gusto mo ng patas, di ba?"

"Naka-ilang yaya na siya sayo, ah?"

Yumuko ako. Hindi ko kayang tignan siya sa mata. "Kasalanan ko ba kung makupad ka at mas ma-effort siya?"

Hindi siya nakapagsalita. Nagtagal kami sa gano'ng posisyon hanggang sa naramdaman ko ang pagtayo niya kaya napatingala ako. Madalim ang kanyang mukha. Hinawakan niya ang braso ko at pinatayo ako.

"Magpaalam na tayo sa mga tita ko." Aniya sa malamig na tono.

Ako naman ang natigagal. Galit ba siya?

Nagpaalam kami sa mga tita niya. Hinanap ko si Shai pero hindi ko na siya mahagilap.

"Nasaan si Shai?" Tanong ko habang pasakay na kami sa kanyang sasakyan.

"Maagang nagpahinga." Tipid niyang sagot. Natahimik ako. Sa kinikilos niya ay masasabi kong galit nga siya. Teka, ang labo. Naging honest na nga ako, nagalit pa rin siya? Akala ko ba gusto niya ng patas?

Tinext ko si Coby na huwag niya na akong sunduin at didiretso na lang ako sa mall. Nang nasa tapat na kami ng mall ay nilingon ko si Delgado.

"Galit ka. Ba't ka ganyan?" Inis kong tanong. Kainis kasi 'tong taong 'to. Ang hirap-hirap basahin. Ang hirap i-spelling. Nakakabanas. Hindi pa naman ako yung taong mahilig sa motto na 'read between the lines.'

"Hindi ako galit." Umirap siya sa akin at pinukpok ang manibela.

Wow naman talaga! At hindi siya galit sa lagay na 'yan, ha? Ano lang? Mad?

"Teka, ha? Ipaalala mo sa akin magdala ng reading glass at dictionary sa tuwing kasama kita. Dahil bukod kasi sa hindi kita mabasa, hindi rin kita maintindihan. Kahit yata i-google ko 'yang pag-uugali mo, error lang ang magiging resulta. Ganda-ganda ng pakikipag-usap ko sayo, sinisira mo. Bwisit ka. " Gusto ko siyang ibalibag ng paulit-ulit. Nakakainis kasi, eh.

"There's a big difference between the word anger and jealous kaya hindi mo naiintindihan. Akala mo kasi galit ako dahil utak 'yang pinapagana mo. Ba't hindi mo na lang paganahin 'yang damdamin mo para maramdaman mong selos na selos na ako. Shit."

Napanganga ako. Natahimik rin siya ng ilang saglit pagtapos ay nagmura ng paulit-ulit.

Wala kaming imik ng halos limang minuto. At ang pinaka nakakatawang eksena ay parehas kaming lumingon sa isa't-isa at nagsabi ng "Sorry."

Napaiwas ako ng tingin at pakiramdam ko'y umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Narinig ko naman ang paghalakhak niya. Weird,

Ang weird naming dalawa.

Nag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Coby sa screen. Napatingin ako kay Delgado. Hindi malaman kung dapat ko bang sagutin ang tawag sa harap niya mismo.

Rinig ko ang buntong hininga niya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at dinampi ang kanyang labi sa gilid ng labi ko.

"Hahayaan kita sa kanya ngayon. Pero bukas, ako naman, ah?" Marahan niyang sabi. Siya pa ang nagbukas ng pintuan sa panig ko.

Agad akong bumaba sa sasakyan at pinanuod ang pag-alis no'n saka ko sinagot ang tawag habang papasok sa loob ng mall. Napabuntong hininga ako.

"Coby, nasa'n ka na? Nandito ako sa. , ."

Ramdam ko, eh. Ramdam ko na pero ba't ako nalilito? Ba't na-stuck ako sa sitwasyon kung saan hindi ako makapagdesisyon? Hindi ko alam kung may kinalaman ba 'to sa pagkalito ko aking sarili. Kung bipolar ba ako o ano. Kung normal pa ba 'to o hindi na. Ewan. Nakakaewan.

Natanaw ko kaagad si Coby na may dalang bulaklak. Nakasandal sa isang glass wall. Sobrang gwapo at naglilitawan ang dimples. Shit naman. Unfair naman ata na nasalo niya lahat ng kagwapuhan at kakisigan sa mundo. Isama na ang sex appeal na nakakapagpatanga sa ilang mga babaeng nasa paligid. Kasama na ata ako ro'n.

At heto ang pinaka nakakalito sa lahat, yung maririnig kong lumalakas ang kabog ng puso ko sa tuwing kaharap ko silang dalawa. Ano ba ang laban rito, palakasan ng pagtibok o pagbilisan ng paghinto?

Ikaw na malanding puso, dinamay mo pa ang buong sistema ko sa kalandian mo! Ba't hindi ka na lang nagsolo para hayahay kaming lahat?

Kainis naman. Rest day ko dapat 'to, di ba? Eh, ba't yung puso ko hindi ata nagpapahinga?

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 40.8K 59
(Informally written and not yet edited) This is a Playboy's Baby Spin-off. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟮 - 𝟮𝟬𝟭𝟯 • • 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦...
629K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
5.7K 318 24
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...