In a REALationSHIT (Trese Ser...

Oleh chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH Lebih Banyak

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [10]

114K 3.2K 455
Oleh chiXnita

-10-

AYAW NG katawan ko ang magbakasyon kami sa Trese Paradise, kahit na sabihin pang isang linggo lang. Kaso kinokontra ito ng buong pagkatao ko at sinasabing sumang-ayon ako kay Grant.

Kaya ang nangyari napapayag pa rin ako. Wala naman akong magagawa. Basta gusto ni Grant, gusto ko na rin. Hiling ko lang na sana hindi na kami pumunta sa particular na lugar na 'yon. Hindi ko yata kakayanin. Alam kong siya rin. Hindi ko nga alam kung ano'ng pumasok sa isip niya't naisipan niyang pumunta sa Trese.

Napadilat ako nang may humawak sa kamay ko at bahagyang pinisil. Dali ring pumikit nang mapagtanto na nasa ere pa rin kami. Simula no'ng nangyari 'yon kay ate, nagkaphobia na ako sa heights. Feeling ko ako naman 'yong mahuhulog anytime.

Inayos ni Grant ang headset sa ulo ko. 'Yong sinusuot sa tuwing sumasakay ng helicopter. Nasa chopper kami na pagmamay-ari nila. Hindi kasi p'wede 'yong sa amin dahil ginagamit ni daddy.

Magkatabi kami sa likuran. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong nanginginig. Pinagpapawisan din ang aking noo kahit sobrang hangin.

"Open your eyes," ani Grant. Feeling ko ang lapit niya sa 'kin dahil naaamoy ko ang mabangong hininga niya. Medyo pasigaw din ang boses niya dahil sa malakas na ugong ng chopper. Umiling ako nang sunod-sunod. Umisod pa palapit sa kanya. Ayoko. Natatakot ako. Kahit na ano'ng mangyari hindi ako didilat hanggang wala pa kami sa Trese. "C'mon... baby."

Nagpanting ang tainga ko kaya napadilat ako bigla.

Baby.

May magic ba ang salitang 'yan?

"Hindi ka naman mahuhulog, kaya 'wag kang matakot," walang kangiti-ngiti 'yong mukha niya. Hindi rin siya makatingin sa 'kin pero hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa akin o ano.

Naaalala niya kaya 'yong nangyari dati? Malamang. Napatawad niya na ba ako? Hindi ko alam.

"Look!" tinuro niya ang nasa ibaba kaya napatingin ako doon. Pipikit na sana ako kaya lang pinigilan niya ako. "Trust me, Heather."

"Wow!" Napaawang ang bibig ko nang makita ang tinuturo niya. Ilang taon na rin simula no'ng huli ko 'yang makita. Teenager pa ako. "Ang ganda talaga ng Trese Paradise."

Thirteen islands ito na magkakahiwalay. Kokonti lang ang pagitan ng bawat isla. Kailangan sumakay sa bangka o speed boat para makarating sa isa pa. Ang tubig dagat, kulay asul na may halong berde. Sobrang linaw nito kaya nakikita mula sa itaas ang ilalam.

Bawat island, may pamilyang nagmamay-ari. Private islands ang labing-dalawa dahil iyong pinakamalaki na nasa pinakagitna, ginawang public place ng pamilyang de Carpio.

Ang Isla de Carpio ay hugis gitara kapag nasa itaas. Kasing laki nito ang pinagsamang Roa Island and Loriete Island. Ginawa itong public place tatlumpong taon na ang nakakaraan. Ginawang capital ng mga islands. Pinatayuan ng palengke, private schools, hospitals, parks at iba pa.

Ang isla namin, Roa Island, hugis tabinging puso. Sa pinakadulo, may mataas na parte. Ito lang ang islang may ganitong style, 'yong tipong may bangin at ang ilalim batuhan at dagat. Dito nangyari ang pagkakaaksidente ni ate kaya hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik sa isla namin.

Hindi naman doon ang tuloy namin dahil sa Loriete lsland kami magbabakasyon, obviously ang pamilya nina Grant ang nagmamay-ari niyon. Ang hugis ng isla ay dalawang pinagsamang maliit at malaking bilog. Mukha siyang number eight or infinity. Kaya bagay talaga kami.

Heart and Infinity.

"Hindi ka pa bababa?" Napakurap-kurap ako nang magsalita si Grant. Saka ko lang napansin na tumigil na ang malakas na ugong ng chopper. Nakalapag na pala kami sa rooftop ng Loriete Palace.

"G-Grant!" napatili ako nang hilahin niya ako at masubsob sa matipunong dibdib niya. Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ko't ipinaikot ako sa ere.

Napahigpit tuloy ang pagkakakapit ko sa braso niya. "Let's go." Mabilis niya akong ibinaba na tila nagulat din sa ginawa. Hinawakan niya na lang ang kamay ko.

_..._..._

NATULOG AKO ng ilang oras. Nagising lang nang malapit ng mag-tanghalian. Maaga kasi kaming umalis kanina kaya maaga rin kaming nakarating.

Lumabas ako ng silid at natigilan nang hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi kasi ako sinamahan ni Grant matulog. Wala rin akong ideya kung nasaan na siya.

Iginala ko ang paningin. Malalaking paintings ang tumabad sa 'kin na nakasabit sa mataas na pader. Portraits ito ng mga ninuno ng mga Loriete. Malawak na pathway at carpet. Mamahaling chandelier, sculptures at kung ano-ano pa.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pipihit kaya naman tinahak ko ang pathway na nasa kaliwa.

"Ma'am Hyacinth, ano hong ginagawa n'yo dito?" May sumulpot sa harapan ko na tatlong unipormadong babae. Sasagot pa sana ako kaso nakagat ko ang dila nang marealize ang sinabi nilang pangalan.

Hyacinth.

Aapela na ako na Heather ang pangalan ko kaso hinawakan na nila ako sa braso at ngumiti nang ubod ng tamis.

"Namiss namin kayo, ma'am. Bakit ngayon lang ulit kayo nakapunta? Hinahanap n'yo ho ba si sir? Nasa labas ho siya nakikipag-usap sa mga katiwala sa rancho. Samahan na namin kayo," sabi pa ng isa at hinila na nga nila ako palabas.

Wala na akong nagawa. Napasunod ako sa kanila kahit na patuloy pa ring nagpoprocess sa utak ko ang nangyari.

Ang buong akala ba nila ako si Xyrene?

Sumakay kami sa isang kalesa na pitong tao ang kasya. Wala ako sa sarili kaya hindi ko naaappreciate ang mga magagandang tanawin na nadadaanan namin.

Panay ang usap sa 'kin ng mga babaeng kasama ko. Tango at iling ang ginagawa ko. Hindi pa rin nila napapansin na hindi naman si Xyrene Hyacinth ang taong kasama nila. Gano'n kasi kami kaidentical ni ate. Ang kaibahan nga lang namin masyado siyang friendly, ako naman mahiyain. Kaya hindi na ako nagtatakang kaclose niya ang mga tao rito.

Nakarating kami sa malawak na palayan. Tumigil sa isang may kalakihang kubo. Mas malaki ito ng dalawang beses sa kubo namin sa bahay. Nipa ang bubong. Maaliwalas tingnan. Nasa lilim ito ng dalawang malaking punong Narra. May malaking bato sa gilid ng isang puno at may mga nakaupong hubad-baro na pitong kalalakihan doon. May mga edad na sila base sa kanilang itsura. Mga nagmi-maintan sa bahaging ito ng Loriete Island.

"Ma'am Hyacinth!" bati ng limang kababaihan na medyo marumi ang kasuotan. Katatapos lang yata nilang mag-ani ng palay. Magulo ang buhok at pawisan. May edad na sila hindi katulad ng tatlong babaeng kasama ko. Nginitian ko sila isa-isa kahit na naiilang pa rin ako.

"Ma'am, kain tayong mangga, bagong pitas lang ito kaya sariwang-sariwa pa." Inabot ng isang babae ang mangga. Kinuha ko 'yon. Kakagatin ko na sana kaso pinigilan naman ako ng isang babae habang tumatawa.

"Si ma'am talaga, 'di pa rin kayo nagbabago. Amin na nga nang mabalatan ko." Kinuha niya ang mangga at pumasok sa loob ng kubo.

"Si Grant po?" tanong ko kaya napangiti ulit sila, kulang na lang mangisay sila sa kinatatayuan. Lumapit din 'yong mga nakaupo sa bato nang makita nilang may ibang tao.

"Aye, ma'am, mahal na mahal n'yo talaga si sir ano? Ilang taon din kayong hindi nakapunta dito. Ilang taon na nga ho kayo ni sir? Limang taon ang tanda ko, eh. 'Tapos ang pagkakaalam ko rin kasal n'yo ngayong taon kaya matagal kayong hindi nakapunta sa isla. Nagbakasyon ba kayo para mag-honeymoon?" usisa ng isa pang babae na medyo may kaitiman ang balat.

Nanigas ako. Hindi nakasagot. Para akong tinamaan nang sunod-sunod na pana sa puso. Tagus-tagusan. Pati ba naman dito si Xyrene pa rin ang tingin sa 'kin ng ibang tao?

"Heather!" Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Natahimik naman ang mga tao sa paligid. Nalaglag ang mga panga nila. Pabalik-balik ang tingin sa 'min ni Grant na ngayon ay nakaakbay na sa 'kin.

Naiilang akong napayuko. Mas lalo pa akong hinapit ni Grant. Amoy na amoy ko ang pawis niyang mas mabango pa yata sa pabangong gamit niya. Nakasando lang siya kaya nararamdaman ko ang biceps niya sa batok ko.

"Si Heather po," pakilala niya sa mga taong dilat na dilat pa rin ang mga mata sa gulat. "Hyacinth's twin sister," dagdag pa niya kaya napalunok ako. "And my fiancée."

_..._..._

"B-BAKIT MO sinabi 'yon, Grant?" tanong ko nang makalayo kami sa laglag panga pa ring mga namamahala sa rancho nila. Hindi pa yata sila nakakabawi sa sinabi niya.

"What?" aniyang wala lang sa kanya gayo'ng ako hindi na alam kung tatalon o magwawala.

"B-bakit mo sinabing fiancée mo ako?" Hinawakan niya ang tali ng kabayo at inayos sa tabi. Natatamaan ang mukha niya ng sinag ng araw na pang-alas dose. Tanaw na tanaw ko tuloy ang makinis niyang mukha na pimples pa yata ang mahihiyang tumubo. Tirik ang araw pero hindi mainit dahil nakokontrol ng mga malalagong puno sa paligid ang klima.

"Totoo naman, eh." Nagkibit-balikat pa siya. Matiim akong tinitigan. Iniwas ko ang mga mata at tiningnan ang dalawang ibon na naglalaro sa sanga ng punong sampalok sa tuktok niya. "Hindi ko ba dapat p'wedeng sabihin? Dapat ba akong magsinungaling? Dapat bang magpanggap kang si Xyrene?"

Hindi man niya direktang sinabi pero ang dating sa 'kin ay hindi ko kailangang magpanggap na si Xyrene dahil kahit kailan hindi niya ako mamahalin.

"Grant, h-hindi... kasi—"

"Look!" Lumapit siya sa 'kin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap ako. "Kaya nga tayo nagbakasyon para kalimutan muna ang mga problema. Kahit isang linggo lang. Ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para maging okay tayo. Kahit hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Pumikit siya nang mariin. Parang ang dami niya pang gustong sabihin pero halatang kinokontrol niya lang ang sarili. "P'wede bang makisama ka naman? Hindi ko kaya kung ako lang mag-isa, Heather."

Napalunok ako habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ng mukha niya. Kahit hindi niya naman ako pakiusapan, susundin ko lahat ng gusto niya. Kaso ang daming bumabagabag sa 'kin.

Paano kung matapos na ang panandaliang bakasyon na 'to? Paano kung bumalik na kami sa lungsod at harapin ang mga problemang naghihintay sa 'min? Paano kung bigla na lang magising si ate?

Ano'ng mangyayari sa 'kin?

"O-oo naman," sagot ko nang nakangiti. "Kahit kunwari lang. Game ako diyan," dagdag ko pa kahit na ang gusto ko talagang sabihin... 'sana totoo na lang tayo'.

Pinisil niya ang pisngi ko at dinampian ito ng isang mabilis na halik. Hindi pa ako nakakabawi nang dali siyang tumalikod. Sumakay sa dark brown na kabayong inaayos niya ang tali kanina.

"Let's race, Heather. The winner will have the privilege to do whatever he wants to the loser." Tinuro pa niya ang sarili bilang winner at ako loser. Ngising-ngisi.

Like, what the hell?

Napamaang ako nang tinadyakan niya na ang kabayo at pumunta sa may burol. Napakurap pa ako nang ilang beses bago mapagtantong seryoso nga siya. Kumpiyansa pa na siya talaga ang mananalo.

I crooked my head, and snapped my fingers.

Well, let's see, baby.

Sumakay na ako sa isa pang kabayo. Kulay puti naman. Ang lapad ng ngiti ko habang tinatadyakan ang gilid ng kabayo may kasama pang palo. Kahit na mandaya si Grant kumpiyansa pa rin ako na ako ang mananalo sa 'ming dalawa.

"Yaah!" Damang-dama ko ang pagdampi ng sariwang simoy ng hangin. Umiiksi na rin ang layo ni Grant sa 'kin.

Sa 'ming magbabarkada wala pang nakakatalo sa 'kin pagdating sa horse racing kaya mayabang ako pagdating sa sports na ito. Meron pala. Natalo ako ni Angel ng dalawang beses sa limang laban namin. Ewan ko kung pinagbibigyan niya lang ako o mas magaling talaga ako.

No'ng teenager, palagi kaming nagrarace, kasama ang 'Hot Dogs' at ang 'Sexy Chicks'. Kahit saang island lang namin trip magrace kung kelan namin gusto. Ako ang defender sa larangang ito at sila ang mga challengers ko.

Sumali rin ako once noong 15 years old ako sa horse racing sa Isla de Carpio. Yearly ang event na 'yon. Tradition ng Trese Paradise pero isang beses lang akong sumali. Ang resulta second place lang ako.

"H-how did you do that?" sigaw ni Grant nang lagpasan ko siya. Nagmake a face ako sa kanya at malakas na tumawa. Ang epic kasi ng reaksiyon niya. "Heather, don't cheat. Masakit." Nahila ko ang tali kaya napaangat ang unahang paa ng kabayo at tumigil sa pagtakbo.

Ano'ng sinabi niya?

"I'm going to win," aniya at nilagpasan ako. Nagpakawala na naman siya ng pandiyablong halakhak.

"Grant, you— Arg!" hindi ko na itinuloy ang sasabihin dahil ang layo na niya. Pinalo ko na lang ang kabayo at hinabol siya. Naghanap ako ng p'wedeng shortcut at lumiko doon. "Got you!" Nag-isang linya ang mga kilay niya no'ng nagkasabay na ulit kami at unti-unti akong nakakalayo.

Nilabanan ko ang sarili na 'wag pakinggan ang mga isinisigaw niya. Hanggang sa sabihin niya ang... "Hindi naman kasi diyan ang finish line. Dito. Bakit diyan ka tumatakbo?" Nahila kong muli ang tali at nilingon si Grant. Patungo siya sa kanan habang ako sa kaliwa.

Seriously?

Hindi ko na siya maabutan kahit na ano pang gawin ko. Pero hindi ako papayag na siya ang manalo. Sayang kaya 'yong opportunity at privilege na 'yon. Kaya nag-isip ako ng madaliang plano. Sana lang epektibo.

Bumaba ako ng kabayo at umupo sa lupa. Pumwesto ako nang parang nahulog at... "Grant!" sobrang lakas ng tili ko na aabot na yata sa kabilang island.

Ugh, Heather! Nakakahiya ka.

Akala ko hindi niya ako papansinin. Napangiti na lang ako sa sarili nang tumatakbo ang kabayo niya pabalik sa 'kin. "A-anong nangyari?" tumalon siya pababa. Ang epic ng mukha. "Heather..."

Tumayo ako bago pa siya makalapit at sumakay na ulit ng kabayo. Narinig ko pa ang pagmura niya bago ako makalayo. Gano'n na lang ang tawa ko nang marating ang sinasabi niyang finish line. Ang tabi ng sapa na ang dulo ay maliit na falls.

Busangot ang mukha ni Grant habang itinatali ang kabayo sa puno ng mahogany. Gano'n din ang ginawa ko habang panay pa rin ang tili ng... "Nanalo ako!" at susulyap sa kanya bago tatawa nang malakas.

Pumunta siya sa lilim ng isang puno. Naupo sa nakalatag na kumot na may nakalagay sa gitna na prutas at malalaking plastic containers. Sumunod ako at naupo sa tapat niya. Napalunok sa nakitang mga pagkain.

"P-plinano mo 'to?" Hindi siya umimik at kumuha ng ubas at isinubo. "Grant." Wala pa rin kaya napasimangot ako. "G-gusto mo ba talagang manalo?" Napatingin siya sa akin at bumuntong-hininga.

"Walang kaso sa 'kin kung ako ang manalo o ikaw. Pero hindi mo dapat 'yon ginawa. Tinakot mo ako!" sabi niya kaya napaigtad ako sa pagkakaupo. 'Yong puso ko... nalaglag.

Heart, kumalma ka. 'Wag malikot. Walang sasalo sa 'yo.

Hindi ako nakapagsalita pero napangiti sa sinabi niya. Kinuha niya ang isang buong pakwan at nilaro-laro na parang bola ng basketball. Hinahagis-hagis sa ere at sasaluhin. "Ikaw ang nanalo, ano'ng gusto mong gawin ko?"

"Love me, Grant!" agad na sagot ko. Kaya desidido akong manalo dahil 'yon ang gusto ko. Seryoso ako. Kahit na sapilitan na, mahalin niya lang ako.

Kahit dare lang. Kahit kunwari lang. Kahit puro pagpapanggap lang.

Naihagis niya ulit 'yong pakwan sa ere at hindi na nagawang saluhin muli. Bumagsak ito sa tabi niya at gumulong pababa. Sinundan ko ng tingin ang kawawang pakwan hanggang sa mahulog sa sapa.

Feeling ko ako ang pakwan. Hindi niya kayang saluhin.

Nanatili lang siyang nakatingin. Nakaawang ang bibig at hindi kumukurap.

Gano'n ba talaga ako kahirap mahalin, Grant?

Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan. Nginitian siya kahit gusto kong umiyak. "N-no, I mean... 'di ba pumunta tayo dito para kalimutan ang problema? P-para magpanggap na masaya? Para maging—"

"I thought you'll ask me to marry you now! I would gladly say... yes." Ako naman ang napanganga. Hindi pa rin ako nakakabawi nang umupo siya sa tabi ko. Sinubuan ako ng ubas. Hindi ko nga naisara ang bibig kaya nandoon lang ito sa loob kaya mahina siyang tawa. "Then, we'll have our first honeymoon... there." Turo niya sa gilid ng falls. Sa may batohan.

Nabulunan ako. Nalunok ko ang ubas nang buo.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..
19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...