It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend

633 12 5
By AillexSkcy

Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend.

Kai's POV

"Jane please let's go home." Utos ko kay Jane habang patuloy pa rin sa paglaklak ng mga alak. Kanina ko pa siya niyayayang umalis kasi mag aalas onse na ng gabi.

"Who the hell are you?"Tanong niya sa akin habang masama ang mga tingin, hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Jane kaya wala akong idea kung ano bang dapat ikilos sa harap niya. Paulit ulit niya lang akong iniignored.

"Jane she is Kai." Sagot ni Laura.

"Kai? Sorry I don't remember that name." Nasaktan ako sa sinabi ni Jane sa mismong harap pa talaga ng apat na kasama namin sa table. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga pinagsasabi niya sa akin, di ko alam kung pinaprank niya ba ako or what? Kasi wala talaga akong alam sa mga pinaggagawa niya.

"Lasing lang yan." Bulong sa akin ni Abbie, oo nagtatagalog siya pero bulol ng kaunti. 

"Hey Kai, want some?" Tanong sa akin ni Laura, umiling ako kasi walang mag aalalay kay Jane dahil lasing na talaga siya, kaya siguro ganoon na lang ang mga pinagsasabi niya. 

"Look." Sabay turo ni Abbie kina Emily at Naomi na naglalampungan sa harap namin. Katabi ko si Laura sa kanan habang sa kaliwa naman si Jane, katabi naman ni Laura si Abbie at sina Naomi at Emily. Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin dahil kay Jane ko ipinukaw ang atensyon ko. Habang nakatingin kay Jane ay pansin kong umiiwas siya ng tingin, sinubukan kong huwag muna siya tingnan at tingnan na lang sa peripheral vision ko. At tama nga ako ng hula na tinitingnan niya ako kapag hindi ako nakatingin sa kanya. Maya maya pa ay napukaw ang atensyon ko kina Abbie at Laura na naghaharutan.

"Dali na inumin muna, promise masarap 'to." Pinapainom kasi ni Abbie si Laura ng isang fruit cocktail.

"Abbie, I don't understand what are you talking about." Kahit bulol si Abbie sa pagtatagalog naiintindihan ko naman kahit papaano.

"I said try this one, promise you're gonna like it." Pero kahit english na iyon ay di pa rin ininum ni Laura ang fruit cocktail.

"Seriously Abbie? I had neophobia, remember?" Napatingin ako kay Laura, seriously may neophobia siya. Ang cool kasi bibihira ako makakilala ng taong may ganitong klase ng disorder.

"Just drink it." Hinawakan ni Abbie ang glass at agad isinubsob kay Laura pero dahil ayaw talaga ni Laura iniiwas niya ang kanyang mukha kaya nadulas si Abbie, at dahil ako ang katabi ni Laura sa akin napatapon ang fruit cocktail. Sa damit na suot ko.  Agad na tumayo si Jane at agad na hinawakan ang braso ni Abbie.

"Sorry." Napatingin ako kay Jane, pero nakatingin lang siya kay Abbie.

"I'm fine Abbie, don't worry. Jane, I'm fine just let her go." sambit ko at binitawan naman agad iyon ni Jane.

"I'm very sorry." Pag uulit ni Abbie, I smile at her telling that it's fine. 

"Sorry Kai." Laura added, like what I did to Abbie. I smile with confident telling that it's fine and they don't need to worry. Tumayo ako at tumungo sa banyo, mabuti naman at di na ganoon kaingay ang tugtugan kaya di na ako nabibingi. Pagkadating ko ay pumasok na din agad ako. Basa ang damit ko, mabuti na lang at dark color ang suot ko kaya di gaanong halata na natapunan ang damit ko. Kumuha ako ng tissue sa tabi ng hand sanitizer. 

"Sorry." Napatingin ako sa salamin, si Laura lang pala. May dala dala siyang panyo, pero napatingin siya sa kamay ko na may hawak na tissue.

"I'm fine, it's just a little spot." Lumapit siya sa akin at iniabot ang panyong dala niya. 

"I have extra shirt in my car. I'll get it for you."

"Wait don't." Napatingin sa akin si Laura sa sinabi ko.

"What I mean is don't worry I can handle this. By the way, thank you for this." Ginamit ko ang handkerchief na iniabot niya sa akin kanina. 

"Are you sure?" May pag aalalang tanong ni Laura.

"Yes."

.

.

.

.

11:40 na ng masuyo namin si Jane na umuwi na, paglabas namin wala ng sasakyan kaya mahihirapan kami ni Jane sumakay pauwi. Sina Emily at Naomi ay magchecheck in na lang daw sa malapit na hotel. Sinasama kami e, kailangan kong gumising bukas ng maaga. Kaya kami lang ni Jane ang uuwi sa hotel.

"Kai get in." Sambit ni Laura, tulog na kasi si Abbie sa unahan.

"But we took a different route."

"SBS Radio right?"Tanong ni Abbie sa akin, akala ko tulog na nakapikit lang pala ang mata.

"We will pass that route, so get in." Sambit ni Laura, wala na din akong magagawa kundi sumunod kasi wala ng masyadong sasakyan na nadaan. Puro private pa kaya mahihirapan kami ni Jane. Isinakay na namin ni Laura si Jane sa pagitan namin. Hindi masyadong lasing si Laura dahil sa inis kay Abbie, nakwento niyang she has a fear of anything new thing. Yung kanina pala ay bagong mixed drink na pinagawa ni Abbie, kaya pala ganoon na lang ang pagtanggi niya agad. Habang nasa biyahe ay iniabot ni Laura ang t-shirt na kanina ay nabanggit niya. Tinanggap ko na iyon kasi ramdam kong sumasakit na ang tiyan ko dahil sa natapong cocktail sa damit na suot ko. Pero napaisip ako kasi paano ako magpapalit e lalaki ang driver niya.

"Oh sorry, here." Nabasa niya yata ang isip ko kasi may pinindot siya para magkaroon ng harang sa pagitan ng pwesto naming tatlo at nina Abbie.  Pero paano ako magbibihis e, katabi ko si Jane at katabi ni Jane siya.

"Go ahead, oh sorry. " Tinakluban niya ng palad niya ang mata niya, nababasa niya talaga ang iniisip ko. Kailangan kong magpalit kasi mabilis ako magkasakit sa ganito, kaya naghubad na agad ako. At isinuot ang t-shirt na pinahiram niya. After 10 seconds ay natapos na din agad ako.

"I'm done." Dahan dahang inialis ni Laura ang palad niya na nakataklob sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko naman iyon, pero napunta ang atensyon ko kay Jane na bigla akong niyakap habang mahimbing na natutulog.

.

.

.

.

Naihatid kami ni Jane nina Laura, kaya ganoon na lang ang pasasalamat ko bago sila umalis. Inalalayan ko si Jane pasakay ng elevator kasi di na niya kayang lumakad mag-isa. Pahirapan pa ako na alalayan siya dahil ang bigat bigat niya, kaya para na akong tanga dito sa kalagayan ko. Mabuti na lang at nakita ako ng isang guard, tinulungan niya ako na alalayan si Jane hanggang makapasok sa room, sinamahan na ako ni manong na idala sa kuwarto si Jane, tulog na si Caren ng dumating kami kaya dahan dahan na lang namin inilapag si Jane sa kama. Nagpasalamat na ako sa guard at lumabas na din siya. Tinanggal ko ang suot na heels ni Jane at kumuha ng damit dahil amoy alak ang damit niya. Tinanggal ko ang damit na suot niya at agad ipinasuot ang damit na kinuha ko sa gamit niya. Sumunod naman siya kaya di na ako pahirapan na ipasuot sa kanya ang damit. Kumuha ako ng towel at binasa iyon, ipinunas ko iyon sa mukha at braso ni Jane and after that ay inayos ko na ang higaan, pero napansin kong nakajeans pa siya. Pero dahil inaantok na ako di ko na lang iyon pinansin. Hindi ako tumabi sa kanya, sa halip ay kumuha ako ng upuan malapit sa kanya at umupo. Hinawakan ko siya sa kamay habang nakatingin sa maamo niyang mukha.

Bakit ka ba naglasing? Hindi mo man lang shinare sa akin kung ano ba talaga ang problema. Maiintindihan ko naman kung anuman ang bagay na iyon, huwag mo namang suluhin kasi nandito ako baka makatulong din sayo. Tanging sambit ko na lang sa isipan ko habang pinapanood si Jane, tinamaan na talaga ako sa babaeng ito. Halos wala pa akong kain ngayong gabi, pero makita ko lang na okay si Jane nawawala na ang gutom ko.


.

.

.

.

Jane's POV 

Nagising ako nang maramdaman ang may masakit sa ulo ko, napakunot ako ng noo dahil sa sobrang sakit. Iminulat ko ang mata ko at ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita si Kai na nakaupo malapit sa akin at hawak hawak ang kamay ko, natulog siya ng nakaupo. Haist ang sakit talaga ng ulo ko, naaalala ko ang mga nangyari kagabi kaya ganoon na lang ang inis ko kasi pinag alala ko si Kai. Napansin kong iba na ang suot kong damit, gayundin siya pero hindi pamilyar sa akin ang suot niyang damit. Saan naman niya nakuha iyan? Tanong ko na lang sa isip ko. Maya maya pa ay nagising na siya, nagtama ang aming mga mata at nginitian siya. Pero siya parang inaantok pa, pero ngumiti din siya. 

"Ang aga aga, baka mamaya niyan langgamin ang kama." Napatingin kami ni Kai sa bandang banyo, katatapos lang maligo ni Caren. 

"Magbihis ka na nga, sige ako ay maliligo na din." Napatingin ako sa wall clock ng sabihin iyon ni Kai, 6:38 na ng umaga 8 am ang call time nina Kai kaya may time pa siya para maligo. Bumangon na ako at uminom ng tubig, lumapit ako sa mga gamit ni Kai. Naghanap ako ng pwede niyang isuot ngayong araw. Nakita ko ang maroon sleeveless at white jeans, kaya iyon ang inilapag ko sa kama. Lumabas na si Caren after niyang magbihis. at ako naman abala sa pagpili ng isusuot ni Kai. Hayy kahit ang dami kong sinabi sa kanya kagabi hindi niya ako iniwan at sinukuan na suyuing umuwi. Pagod lang siguro ako at nakisabay pa ang balita na hindi ko nagustuhan. Si Kai tuloy ang nadamay sa bagay na iyon.

"Ikaw naman." Napatingin ako sa kalalabas pa lamang na si Kai, nakabath robe siya ng lumabas ng banyo. Ang sexy niya sa kulay pink, yun kasi ang bathrobe na meron ang hotel. Ang cte niya lang tingnan.

"Ito nga pala, hinanda ko para sayo." Napakunot ang noo niya, hindi niya ba gusto? Tanong ng isip ko.

"Sige, salamat." Lumapit siya at kinuha ang damit at jeans. Ako naman ang sunod na naligo sa banyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din agad ako. Pagkalabas ko suot suot na ni Kai ang damit na inihanda ko. Nakangiti ako habang naglalagay ng lotion, siya naman ay nagmake up. Pero light make up lang ang nilagay niya sa mukha niya, napatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"May dapat ba akong malaman?" Tanong niya, hindi ko kasi masabi sa kanya. Ayaw kong mag-alala siya kaya akin na lang ang bagay na iyon.

"Wala naman, sige magbibihis lang ako." Pagpapaalam ko sa kanya, tumalikod siya sa akin dahil na din susuotin niya ang sapatos niya.

"Nga pala may inihanda akong damit diyan." Sambit niya habang abala sa pagsuot ng sapatos. Ngumiti na lang ako ng makita ang inihanda niyang damit. Sorry Kai, pero sana maintindihan mo ako. Mas mabuti siguro kung hindi ko muna sabihin sa iyo.

"Sorry nga pala kagabi."

"Okay lang 'yun, basta sa susunod magsabi ka?"

"Opo, siguro namiss ko lang uminom."

"Namiss, tapos hindi ka man lang nagyaya."Nag uusap kami sa pagitan ng kama, magkatalikuran kaming nakaupo sa isa't-isa, nakaupo siya sa kabila habang sa kabila naman ako. Pagkatapos kong magbihis ay isinampay ko na ang bathrobe na ginamit ko.

"Here." Isang pair ng earrings ang iniabot niya sa akin. Pero siya na din ang naglagay sa magkabilang butas ng tainga ko.

"Thank you." Sambit ko sabay yakap sa kanya, ginantihan naman niya ang pagyakap ko kaya napangiti na lang ako sa kanya.

.

.

.

.

"Hindi mo sinabi sa akin na ganoon pala kakwela si Abbie."

"Hindi ko din nga alam e, tsaka alam mo bang may pagkabaliw ang isang 'yun?"

"Tunay?"

"Oo, naku di ka nauubusan ng sasabihin."

"Sayang talaga hahahaha."

"Hi Kai." Naputol ang pag-uusap namin ni Kai ng marinig ang boses na iyon. Sabay kaming lumingon ng makalabas ng room. Nagulat ako ng makita ang lalaking kasama ni Matt, hindi ko ramdam na humihinga ako.

"Racel?" Sambit ni Kai sabay lapit sa kanya, napako ako sa kinatatayuan ko pero napansin kong nilingon ako ni Kai at nginitian. Kaya automatic na humakbang ang mga paa ko papalapit kina Racel.

"Kamusta na?" Tanong ni Racel sabay beso kay Kai, kaya napakunot ang noo ko. Tumungo siya sa akin na may paggalang, ano siya koreano para gawin iyon sa akin. 

"Okay naman, kailan ka pa?"Tanong ni Kai, umupo na ako sa sofa gayundin sila. Katabi ko si Kai habang katapat namin si Racel, napatingin ako sa shoes ni Kai ikanayos ko ang sentas niya dahil tanggal ang isang shoe lace.

"Oh thank you." Sambit ni Kai sabay ngiti sa akin, ngumiti din ako. Parang sinasabi niya na chill lang ako kasi pag mamay-ari ko na siya.  Kaya napanatag naman ako.

.

.

.

.

Maghapon naming kasama si Racel sa extra segment kaya di ko masyadong malapitan si Kai, kausap ko ngayon sina Naomi at Emily.

"So he is the lover of Kai?" Tanong ni Naomi, hindi ko na lang sinagot kasi abala ako sa pag oobserba sa dalawa na nag uusap. 

"Jane, watch over her I feel something bad." Sambit ni Emily, habang hawak ang braso ni Naomi. Mabuti naman at magkasundo na sila.

"Ems don't say that." Pagsuway ni Naomi sa sinabi ni Emily.

After that ay bumalik na kami sa hotel, pansin kong kanina pa kinakausap ni Racel si Kai. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila? 

.

.

.

.

Kai's POV

After kong makausap si Racel ay tumungo muna ako ng restroom dito sa first floor ng hotel. Ang dami niya kasing tanong at kwento kaya di na ako maka iwas, buti na lang at hindi inalis ni Jane ang tingin niya sa amin kaya kahit naboboring na ako sa mga kwento ni Racel ay natiis ko siya buong araw. Iniwan ko muna sila sa may function hall.

"Happy?" Nagulat ako ng makita ang isang babae pagkapasok ng restroom, bakit nandito siya? Akala ko ba nakauwi na siya? Tanging tanong ko lang sa isip ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"So yun pala 'yung 'WALA' na sinasabi mo?" 

"How long have you been here?" Tanong ko sa kanya.

"Don't change the topic Kai? I trusted you but you make me fool." Walang emosyon niyang sambit, hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito.

"Ela...

"You like her? You love her?"

"Ela...

"Sorry but I still love her, diba ikaw na din ang may sabi na kung sinuman ang humarang sa pakikipagbalikan ko sa kanya ay dadaan muna sa mga kamay mo? So Kai ito na 'yun, may humaharang sa akin at alam mo ba kung sino iyon? Ikaw yun, mismong ikaw na kaibigan ko. Kai kaibigan kita pero di ko akalain na ikaw pa talaga ang taong pipigil na magkabalikan kami ni Jane, diba? Kinewento ko sayo lahat ng sacrifices ko at alam kong alam mo 'yung feeling na hindi masaya gawin 'yung bagay na may nasasaktan kang malapit sayo." May namumuong luha sa aking magkabilang mata ng sabihin niya iyon.

"Ela that's not true." Naiiyak kong sambit.

"Please Kai patapusin mo muna ako! Hindi kita kinaibigan para agawin sa akin ang ex ko! Noong una hindi ko pinapansin ang mga titig mo kay Jane pero this time hindi ko na kayang tiisin na halos kunin mo na siya sa akin." 

"That's not true Ela." Nagbabadya na ang mga luha ko pero pilit kong pinipigalan na bumagsak iyon sa aking mga mata patungo sa aking pisngi.

"E ano ba ang totoo?!" Sigaw niya sa akin, pero hindi naririnig sa labas ang ingay dito sa restroom dahil may tatlo pang makakapal na pader bago makarating ang ingay sa function hall.

"Hindi ko siya kinuha sayo." May pumatak na luha sa kanang mata ko, hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil humantong kami ni Ela sa ganitong sitwasyon.

"What? E ano ang ginagawa mo ngayon?!"

"Please Ela...

"And also please Kai, kaibigan kita at mahal kita alam mo 'yan. Ayaw kong mag away tayo pero ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para mag away tayo ng ganito. Nahinala na ako sayo dati pa, pero ang isip isip ko you are not into girls kaya may tiwala ako sayo. Then after days napansin kong nagbago ang pakikitungo sayo ni Jane, ang akala ko e okay lang kasi boss mo siya pero di ko akalain na mismong mga mata ko pa talaga ang makakakita ng mga pinaggagawa mo. Tama bang agawin mo sa akin ang para sa akin." Doon na patuloy na umagos ang mga luha ko, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Kasi break na sila ni Jane kaya wala akong inagaw sa kanya, ex na niya si Jane at sa pagkakaalam ko wala ng nararamdaman si Jane para sa kanya. 

"Ikaw na mismo ang nagsabing bumalik ako sa Pilipinas para makipag ayos sa ex ko pero ikaw din pala ang magiging dahilan para hindi kami magkabalikan. You're so selfish!"

"Hindi totoo yan." Pahikbi kong sambit, pansin kong wala luha na pumapatak sa mga mata niya, so ibig sabihin galit ang nararamdaman niya ngayon.

"Huwag ka ng magsinungaling Kai, dahil ang totoo ay inagaw mo siya sa akin. Ipinagkait mo ang chance ko para maituwid ang mga mali ko noon." Oo Ela maling mali ang ginawa mo, kasi hindi ka nagpaalam kay Jane. Kung nagpaalam ka edi sana hindi kayo nagbreak at hanggang ngayon kayo pa rin, pero dahil nasaktan si Jane at naghintay sayo hindi mo man lang naisip na nasaktan siya ng sobra. Oo alam kong para sa pamilya mo ang ginawa mo, pero di mo man lang siya ininform sa bagay na iyon. Ikaw ang selfish Ela, kasi di mo man lang inisip ang mararamdaman niya. Kahit isang message or tawag ay hindi mo nagawa para masabi kay Jane na babalik ka. Then after several years babalikan mo siya ng ganun ganun lang, ano yun iniwan mo tapos babalikan na parang wala lang. Hindi ako ang selfish dito Ela, ikaw yun mismo kasi kahit sa pagkakaibigan natin ikaw palagi ang majority. Kahit kailan hindi ko sinuway ang mga iniuutos mo sa akin or pinapagawa kahit labag sa akin, kasi ikaw 'yung sandalan ko kapag nadadown ako sa professor ko na niloko lang din ako. Ikaw yung palaging panalo kapag may pag aaway tayo. Gusto mo ikaw palagi ang mas angat kaysa sa akin. Alam kong mangyayari ang ganitong bagay pero di ko akalain na ako ang sinisisi mo sa mga bagay na hindi nangyari sayo, ikaw ang may kasalanan sa simula pa lamang. Kinaibigan din kita hindi para maging sunudsunaran sa mga gusto mo, kundi magkaroon ng kasama sa problema kapag di ko na kaya, maging sa saya kapag successful but not like this. Pero dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin, I still respect what you want. I am still your best friend and you are still my best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 589 30
Our decision is in our own hands, but we are not able to know if the outcome of this decision is either good or bad. A mistake will always be a mista...
182K 10K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.4K 109 16
YoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory