Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 34

135K 8K 2.2K
By VentreCanard

Chapter 34

Bersyon

Mariing magkadaop ang mga kamay namin ni Dastan na kapwa nakatuon ang mga mata sa lotus na kasalukuyang lumulutang, ang tubig na nagmumula rito ay patuloy na umaagos dahilan kung bakit mas tumataas na ang tubig.

Nang sandaling dapat ay gagamitin kong muli ang aking kapangyarihan at mag-angat ng mga kamay, tila may kung anong klase ng enerhiya ang tumama sa akin dahilan kung bakit ako nanghina at natumba.

Bumigay ang mga tuhod ko at agad akong nasambot ni Dastan. Naalarma ang magkakapatid ng Gazellian sa biglaan kong pagbagsak.

"S-saan galing ang atake?!"

"Shit! Nalampasan tayo?"

"Didn't see it coming."

Sunod-sunod na boses ng mga Gazellian ang narinig ko ngunit mas namayani ang nangangambang tinig ni Dastan habang nakayakap ang mga braso sa akin para suportahan ako.

"L-leticia..."

Napahawak ako sa aking naninikip na dibdib, hindi ako makahinga kasabay nang panlalabo ng aking mga mata. Agad akong ginapangan ng kaba, ano itong nararamdaman ko?

Wala akong naramdamang pag-atake mula sa kahit sinong diyosa, ngunit ano itong nararanasan ko? Ito ay manggagaling lang sa isang mahika.

"L-leticia..." rinig ko ang matinding pangamba sa boses ng hari ng Sartorias. Sinubukan niyang gisingin ang diwa ko habang patuloy sa pagtawag sa pangalan ko, maging ang mga kapatid niya'y nagkaroon ng takot sa kanilang presensiya dahil sa nangyayari sa aking katawan.

Ngunit hindi ko ito maipaliwanag, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang sikit ng dibdib ko na tila nais nitong sumabog, ang init, sakit at sa bawat pagbuka ng bibig ko para gumagap ng hangin tila mas lalo akong nanghihina.

"D-dastan... tulu—" sinubukan kong abutin ang kanyang mukha ngunit mas namayani ang kadiliman sa aking mga mata.

**

Patuloy sa paglalakad sa unahan ng silid aralan ang isang bampirang maestro habang hawak ang kanyang aklat. Tanging mga yabag nito, ang paglipat ng bawat pahina ng aklat at ang paminsang paghaplos ng hangin sa itim na kurtina ang naririnig sa loob ng silid.

"Our world was once called as Nemetio Spiran, consisted by seven empires with great kingdoms and ruled by different creatures equally. These empires are, Parsua, Lodoss, Mudelior, Interalias, Halla, Jedalya and Gosos."

Tumigil saglit ang maestro sa pagbabasa para sulyapan ang kanyang mga estudyante bago ito nagpatuloy.

"Ruled by different creatures means we were once lived with mermaids, werewolves, fairies, nymphs, dwarves, enchantresses, witches and other creatures as equals. Isa lang ang ibig sabihin nito, ang mga uri natin noon pa man ay marunong makibagay. Our kind never destroy, instead we build and diversified without stepping on other creatures."

Sumang-ayon ang mga mag-aaral na bampira sa kanilang maestro. Ngunit agad nagsalubong ang aking mga kilay habang tumatagal ang kanyang pagsasalita, bilang diyosa na may nalalaman sa totoong nangyari sa nakaraan, tila isang pasakit hayaan para sa aking sarili ang marinig ang kwentong malayo sa katotohanan.

"Our kind from the very beginning valued peace and harmony with other creatures. Isa sa bagay na hinangaan ko sa haring ipakikilala ko sa inyong lahat." Inilipat ng maestro ang pahina ng kanyang aklat at iniharap niya ito sa kanyang klase.

Isang larawan ng kilalang bampira sa buong kasaysayan ng Nemetio Spiran, ang pagkakaguhit ng kanyang mukha ay tila isang obra maestrang gawa ng isang bihasang mangguguhit dahil tila buhay ang kanyang larawan na nakalapat lamang sa isang manipis na papel.

"King Ambronicus Clamberge III, the savior of all vampires, our selfless king who saved us from the traitor demon."

Gusto kong tumayo at tumutol sa itinuturo ng maestro sa mga bampirang tahimik na nakikinig sa kanya. Ngunit nang sapilitan kong igalaw ang katawan ko, tila nakakulong ito sa katawan ng babaeng bampirang nakatitig lamang sa maestro.

Kung ganoon ay maririnig ko na ang bersyon ng nakaraan ng mga bampira! Ang nakaraang punong-puno ng kasinungalingan!

Ilang salinlahi na ang pinaniwala nila sa kwentong ito? Ilang bampira ang naniwalang ang kanilang kinikilalang hari ang bayani?

Pilit ko pa rin akong gumalaw ngunit hindi man lang kumukurap ang katawang nagkukulong sa akin. Gusto kong sumigaw, umiyak at saktan ang maestro sa patuloy niyang binabasa, gusto kong sunugin ang aklat na pinagkukunan niya ng kasinungalingan!

Gusto kong magwala at gumawa ng paraan para pigilan ang pagkalat ng kwento tungkol sa maling nakaraan. Hindi ganito... hindi ang demonyo ang may kasalanan, hindi ang diyosa...

Ngunit ang tangi lamang nagawa ng katawan kung saan nakakulong ang aking katauhan ay kumuyom ang mga kamay at sapilitang makinig sa kwentong hindi ko alam kung anong klaseng manunulat ang kayang sumikmura sa sobrang pagkabaluktot ng katotohanan.

"King Ambronicus Clamberge III fought for the creature's equality, since the great king discovered that the goddess was being manipulated by the demon, he made an alliance with the other ruling thrones. They planned to stop the union of the goddess and the demon, dahil alam nilang sa sandaling mag-isa ang mga ito, ang demonyo ang siyang magiging pinakamalakas sa lahat. King Ambronicus Clamberge III tried to save the goddess from the possession of the demon, but the goddess was heavily possessed. Kaya walang pinagpilian ang ating magiting na hari kundi patayin ang demonyo para makawala ang diyosa rito ngunit hindi dito naputol ang koneksyon ng diyosa sa demonyo, sa halip na pagtulong ang makita'y itinuri niyang kalaban ang ating hari. Since she was hopelessly drowned with the demon's love curse, nilamon siya ng paghihiganti. King Ambronicus Clamberge III killed her love, and the goddess chose get even with him. Her vengeance reached our king's love..."

Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa naririnig ko. Ano itong pinagsasabi ng maestro sa mga bampirang ito? Papaano niya nasasabing bayani ang bampirang naging sanhi ng paulit-ulit na pagkakagulo hanggang sa kasalukuyan?

"Our greatest king was mated with one of the ruling thrones, a female werewolf. King Ambronicus Clamberge III loved his mate dearly, na kaya niyang gawin ang lahat para rito. He was ready to leave his throne after securing the equal seats of every creature, but it was the goddess turn to ruin his love. King Clamberge III was seduced by the mourning goddess, used the face and presence of his werewolf mate and they---" halos mabingi ako sa kwentong naririnig ko.

Inakit ng diyosa ang pangahas na hari? Nababaliw na ba ang maestrong ito? Pinagsamantalahan ang diyosa ng bayaning bampirang sinasabi nila! Pinagtaksilan niya ang babaeng itinakda sa kanya dahil sa kapangyarihan!

"Hindi kinaya ng babaeng lobo na nasaksihan ng kanyang mga mata, the love of her life and the goddess that was supposed to balance the equality. Sa sobrang sakit ng kanyang naramdaman niya, pinili niyang kitilin ang kanyang sariling buhay."

Tuluyan nang lumaglag ang luha sa aking mga mata. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming nilalang ang galit sa mga bampira ngayon na nagagawa nitong takpan ang ilan pang mabubuting bampira katulad ng mga Gazellian, dahil maaga pa lang ay pinamumulat na sila sa kasinungalingan.

Namatay ang babaeng lobo sa pagtakbo habang buhat ang naghihingalong diyosa mula haring bampira... walang inakit, walang kabayanihang naganap kundi paulit-ulit na pagtataksil.

"King Clamberge III failed to stop his mate from suicide, sinubukan niyang tulungan ang diyosa mula sa demonyo, pilit niyang ipinaliwanag dito ang pagmamanipula sa kanya ngunit hindi ito nakinig sa kanya, she tried to kill him and while the king was trying to save himself, the king chose to kill the her. To save her from agony and manipulation."

Pagpatay na ginawang pagtulong? Hindi ko akalaing ang mga manunulat pala ng mga bampira ay higit pang mahusay sa mga diyosang manunulat na nakilala ko.

"The whole Nemetion Spiran witnessed the division of thrones, and King Clamberge III stood there while trying to pick up the pieces, pinilit niyang ibalik sa ayos ang lahat pero kung walang mas mataas na mamumuno, higit na mananatili ang kaguluhan isang malaking dahilan kung bakit pinili ng ating magiting na haring tumayo nang mas mataas higit sa bawat nilalang na nakaupo sa trono. King Clamberge III claimed the throne as the greatest ruler with his broken heart."

Gusto kong tumawa ng malakas, ano itong naririnig ko? Binabaliktad ng mga bampira ang nakaraan.

"When Nemetio Spiran was stable enough, the death of King Clamberge III hovered all over the empires, hindi rin kinaya ng hari ang pangungulila sa minamahal niyang lobo at pinatay niya ang kanyang sarili, dahilan kung bakit tuluyang nahati ang Nemetio Spiran at umusbong ang napakaraming bampirang nais mamuno sa bawat emperyo. It was an all-out war and the toughest family had the opportunity to claim every throne."

Isa sa mga bampira ay nagtanong kung bakit naglaho ang dalawang emperyo, sumagot ang maestro na ang pag-iibigan ng lobo at bampira ay mahigpit nang ipinagbawal dahil bago kitilin ng babaeng lobo ang kanyang buhay ay isinumpa nitong wala nang lobo ang iibig sa isang bampira dahil sa sandaling labagin ito ay magkakaroon ng malaking kapalit. Siguro'y ito lamang ang tumama sa kanilang kwento ng nakaraan.

Biglang may nagtaas ng kamay habang nagbabasa ang maestro.

"I have a question, Professor. I've already read the history, but was it really a good thing to kill the goddess? It was not her fault. She was seduced, she fell in love."

Sasagot na sana ang maestro nang may isa pang mag-aaral ang nagsalita.

"You are overly romantic, smart prince. We are talking about political history, it's her fault too. Malaki ang responsibilidad niya, hindi kailangang unahin ang puso."

Sarkastikong ngumiti ang pamilyar na bampira na tinawag ng babaeng isang prinsipe.

"Are you saying that once you're involved with political matters, love is not possible, Miss?"

"Binigyan niya ng atensyon, nagbukas siya ng pintuan, nagbukas siya ng kahinaan kaya nagkagulo-gulo na. Nagpa-akit siya. Kung totoo man na minahal niya dapat mas inisip niya pa rin kung anong responsibilidad at pagmamahal ang dapat niyang pahalagahan. Love is like a door, nasa iyo ang desisyon kung bubuksan mo o hindi. Pero mas nagpatangay siya sa alon, mas nagpalunod siya."

"What if they are actually mates? If we will blame the division of this world, we should set aside the goddess—can't you see her side? Paano kung--" hindi natuloy ng prinsipe ang kanyang sasabihin.

"Come on, alam natin na hindi sila itinakda sa isa't-isa. That's not love, she was seduced." Umikot ang mga mata ng babae.

"Then a love without fate, it's possible for other—"

"Oh, come on, Gazellian." Nanlaki ang mata ko nang rumehistro ang hitsura sa akin ng prinsipeng kasalukuyang nakatayo.

K-king Thaddeus...

"You're so romantic for a prince—" naningkit ang mata ni Haring Thaddeus na hindi na nalalayo ang kaanyuan sa anak niyang si Casper.

"It's not all about the romantic part! Y-you stubborn woman! Danna, ano ba ang problema mo sa akin? Lagi ka na lang salungat sa mga kasagutan ko!"

"Because you're overly confident, Gazellian, na akala mo laging tama!"

"Or you're just annoyed because I got your spot? Pangalawa ka na lang sa klase, Isolde."

Napatayo na si Danna sa kanyang upuan at taas nitong hinarap si Thaddeus na talagang mapagkakamalang si Casper.

"Your title manipulated your spot in this class, Your Highness." Tumaas ang kilay ng hari sa narinig mula kay Danna.

Ngumisi si Haring Thaddeus at pinagkrus niya ang kanyang mga braso.

"Really? Until to what kind of manipulation, Miss? Hanggang saan ang kayang manipulahin ng titulo ko?"

Walang makapagtangkang sumabat sa kanilang dalawa, dahil hindi maawat ang batuhan ng kanilang mga salita.

"All, hindi naman kayo nahihirapang mga maharlika. And please, lumalayo na tayo sa leksyon, mahal na prinsipe."

Saglit lumingon si Haring Thaddeus at bahagyang yumuko bilang paghingi ng paumanhin sa kanilang maestro.

"Forgive my manners, Professor, classmates. Now let's get back to lesson, I have a question to ask you, Miss Isolde." Hindi nagpatinag si Danna at hinarap niya ang nakatindig na prinsipe.

"If I seduced you just like the demon from the history and you fell in love with me just like the goddess, are you going to blame yourself too? Katulad ng paninisi mo sa diyosa?"

Nakita ko kung paano natigilan si Danna sa katanungan ni Haring Thaddeus. Nagsigawan ang mga lalaking bampira sa binitawang salita ng hari. Hindi ko maiwasang maalala ang ugali ni Caleb sa kanya, ilang pagsasalita niya na parang si Evan, ang tindig na parang si Dastan, pagngisi na parang si Finn, pagkunot ang noo na tila si

"I will never fall in love with you, Gazellian."

Humalakhak si Haring Thaddeus sa harap ng buong klase. "There are always two sides of the story, Danna."

Humarap na muli si Haring Thaddeus sa kanilang maestro.

"Professor, are we allowed to hear the other creatures point of view?" tanong niya sa propesor na agad kong napansin ang pagkagulat.

"Hindi maaari, mahal na prinsipe, dahil pawang kasinungalingan lamang ang nilalaman ng kanilang kwento."

Nagkibit-balikat lamang si Haring Thaddeus bago ito maupo at sumulyap kay Danna na nakakunot noo.

Nagpatuloy ang klase at walang katapusang kasinungalingan, hindi na nagtanong pa si Haring Thaddeus sa halip ay inabala niya ang sariling gumawa ng ibon na gawa sa papel. Pinalipad niya ito at marahan itong nagtungo sa lamesa ni Danna.

Dahil malapit lang ang katawan na siyang nagkukulong sa akin mula kay Danna ay nakita ko ang sulat ng hari sa kanya.

Should I seduce you first? Or you'll help me see the other sides of the history?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa nasasaksihan ko, ito ay ang nakaraan ng hari sa una niyang pag-ibig, isang parte ng nakaraan na may mahigpit na koneksyon sa kasalukuyan.

Ginusot ni Danna ang papel at nagpatuloy ito sa pakikinig sa klase. Ngumuso si Haring Thaddeus at ibinalik ang mga mata sa kanilang maestro.

May iba't-ibang bersyon ang lahat ng mga bagay, Leticia...

Pilit kong gustong lumingon at hanapin ang boses ng bagong tinig ng isang lalaki ngunit hindi ako makagalaw.

Nabigyan mo na ba ng pagkakataong tingnan ang bersyon ko bilang isang hari? O tanging sa kanya lamang? Si Dastan lang ba talaga ang nararapat, Leticia?

Gayong ako'y hindi katulad niyang naghintay lamang... ako'y matagal nang nakabantay at minamahal ka...

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 292 72
#1 Generation Started: March 2016 Ended: April 2016 'Mahal kita kahit habang buhay mo akong sungitan' Pwede bang mahulog ako agad sa isang babae na...
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
Falter By Nique

Short Story

5.1K 223 5
Kung saan ang lahat ay nabubuhay sa mundo na totoo ang Soulmates. Falter 1: Si Mia Romasanta ang overachiever na hindi mahilig mag under-deliver. Isa...
12.6K 603 12
This was Published on my other account. Post ko nalang dito because may naghahanap and I lost the PDF copy already haha so here's a story I wrote on...