Beloved Bastard (Completed)

Nickolai214 által

544K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... Több

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 7

11.1K 404 48
Nickolai214 által

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

13 Years Ago

2006

Unang linggo noon ng bakasyon namin sa school. Nasa elementary pa lang ako at kapag bakasyon ay tinatanghali talaga ako ng gising maliban na lamang kapag pinapagising ako ng maaga nina Mama.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Nana Sita. Sinabi niya sa akin na nasa library si Mama at may bisita.

Nakangiti si Nana Sita habang pinagmamasdan ako saka niya inayos ang magulong buhok ko na hindi ko na napagka-abalahang ayusin kanina.

Naglakad ako patungo sa library saka ako maingat na sumilip sa may pinto. Napasulyap naman sa gawi ko si Mama.

"Gising ka na pala, Ivan." nakangiting sabi niya nang makita niya ako na nakasilip sa may pinto.

"Halika dito anak. Gusto kong makilala mo si Rafael."

Lumapit sa akin si Mama saka niya ikinawit ang braso niya sa baywang ko habang naglalakad kami patungo sa kinatatayuan ng binatilyong bisita namin.

Ngumiti ng matamis si Mama nang humarap siya kay Rafael pagkatapos ay sumulyap siya sa akin bago siya muling bumaling sa bisita niya.

"Ralf, this is my son Ivan." pakilala sa akin ni Mama.

Hindi man lang ngumiti si Ralf. Matiim lamang siya na nakatitig sa akin.

"He is nine years old at kasalukuyang nasa grade three." patuloy ni Mama sa pagpapakilala niya sa akin kay Ralf.

Sumulyap kay Ralf si Mama. Lumunok muna siya bago siya muling bumaling sa akin.

"Ivan, siya si Rafael Certeza, he's sixteen at kaga-graduate lang niya sa highschool noong nakaraang linggo. Naaalala mo ba siya? Nabanggit na namin siya sayo ng Papa mo nung nakaraan. Lola mo ang nagpalaki sa kanya kaya kuya dapat ang itatawag mo sa kanya." sabi sa akin ni Mama.

Wala sa loob na tumango na lang ako pero matapang kong sinalubong ng tingin ang madidilim na mga mata ni Ralf.

Hindi man lang siya naglahad ng kamay niya sa akin katulad ng dapat na ginagawa ng mga bagong magkakilala.

Hindi rin ako naglahad ng kamay ko. Kung masungit ang ampon ni Lola ay masungit rin dapat ako sa kanya.

Naikwento na siya sa akin ng parents ko dati. Dahil ulila na raw siya ay si Lola na ang nagpalaki sa kanya.

Ngunit mali ang pagkakakwento nina Mama sa akin dahil hindi naman talaga mabait si Rafael katulad ng sinabi nila sa akin.

Bukod sa masungit na siya ay mukha pa siyang hindi gagawa ng maganda.

Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng ampon ni Lola. Matangkad siya kahit may kapayatan ng kaunti.

Hindi rin siya maputi kahit pa sa Maynila siya lumaki. Siguro ay katu-katulong lang siya ni Lola doon. O baka naman dakilang hardinero.

Lihim pa akong natatawa sa mga naiisip ko tungkol kay Ralf.

Matangos ang ilong ni Rafael kumpara sa karaniwan. Makapal ang mga kilay niya na para bang palagi na lamang nagsasalubong. Kasingdilim din ng gabi ang kanyang mapanuring mga mata.

"Bakit siya nandito, Ma?" tanong ko kay Mama.

Tumikhim si Mama at matamis niyang nginitian si Ralf bago siya bumaling sa akin.

"Bakasyon din nila, anak. Gusto ni Ralf na magbakasyon dito sa atin. Mas mabuti na rin iyon kaysa nasa sa Maynila lamang siya. Atleast sa pagdating niya ay magkakaroon ka na ng makakasama. Paturuan mo siya na mangabayo kay Mang Berto." sabi ni Mama sa akin.

Sinulyapan ko ang masungit na lalaki. Hindi pa rin siya ngumingiti at nakatingin lang siya ng diretso sa akin na para bang hindi niya ako gusto.

Dahil ba medyo malamya ako hindi katulad niya na lalaking lalaki siya? Galit ba siya sa bakla?

Hmp! Magpaturo kang mag-isa mo. bulong ko sa isip ko.

"Eh Mama, bakit nga pala hindi na lang tayo ang dumadalaw kay Lola? Bakit si Lola lang ang pumupunta dito sa hacienda paminsan-minsan?" usisa ko.

Muli ay nakita ko ang pagtikhim ni Mama. Nakita ko ang sandaling pagkailang ni Mama ngunit mabilis din namang nawala iyon.

Hindi ba sila magkasundo ni Lola? Pero kapag narito naman sa hacienda si Lola ay nakikita ko naman sila na nag-uusap ni Mama. Madalas nga lang ay parang galit sa kanya si Lola.

"S-sa ibang pagkakataon ay tayo naman ang dadalaw sa Lola mo, Ivan." ang pag-ulit ni Mama sa hindi na mabilang na pangako niya sa akin.

Noon ko pa gustong makita ang bahay ni Lola at noon ko pa gustong mapuntahan ang Maynila ngunit palagi na lamang ay hindi tinutupad ni Mama ang pangako niya sa akin na dadalawin namin si Lola.

Narinig ko pa nga minsan na nag-uusap sila ni Papa. Umiiyak noon si Mama sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Kayakap siya ni Papa saka siya sinabihan ni Papa na kung hindi pa kaya ni Mama ang bumiyahe patungong Maynila ay hindi na namin kailangan pa na lumuwas.

Nainis ako noong araw na iyon dahil palagi na lamang ay hindi natutuloy ang tangka naming pagpunta sa Maynila.

May ilan na sa mga kaklase ko ang nakarating doon at sa tuwing nagyayabang sila dahil nakakita na sila ng mga nagtataasan na buildings ay hindi ko maiwasan na mainggit.

Sila na hindi naman ganun kayaman ay malayang nakakapunta ng Maynila samantalang ako na anak ng haciendero ay hindi man lamang makalabas ng San Isidro at sa mga kalapit bayan nito.

Ganunpaman ay naiintindihan ko sina Papa. Hindi ko alam kung ano ang sakit ni Mama pero ayon kay Papa ay makakasama raw kay Mama ang mahabang biyahe kaya hindi kami natutuloy sa pagluwas.

Nagrequest pa nga ako na kaming dalawa na lang ni Papa ang lumuwas kung hindi kaya ni Mama ang bumiyahe ngunit tumanggi si Papa.

Kesyo marami siyang trabaho ma kailangang asikasuhin dito sa hacienda kaya hindi niya ako maaaring samahan doon.

Sa huli ay ako pa rin ang talunan dahil kahit gustong-gusto ko na makarating sa Maynila ay hindi ko magawa.

Napasulyap ako kay Ralf. Madilim pa rin ang mga mata niya habang nakatitig sa may bintana. Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit niya. O sadya kaya na ganoon lang ang anyo niya?

Mabuti pa ang ampon ni Lola ay sa Maynila lumaki at nakapag-aral. Nakarating pa siya dito sa San Isidro.

Samantalang ako na totoong apo ay hindi man lang magawang magtungo sa bahay ng Lola ko.

Lumipas ang mga araw at hindi ko talaga sinubukan man lang na kausapin o pansinin si Ralf.

Naiinis din ako kapag sinasabay siya nina Mama at Papa sa oras ng pagkain namin.

Bakit niya kailangan na sumabay sa amin samantalang ampon lang naman siya?

Dapat ay sumasabay siya sa mga katulong dahil doon naman talaga siya nababagay. Utusan lang din naman ang papel niya sa bahay ni Lola kung nasa Maynila siya ngayon.

Mula nang dumating siya ay siya na ang bukambibig ng mga magulang ko. Kesyo napakatalino at napakabait niyang bata.

Kung si Papa lang daw ang tatanungin ay nanaisin raw niyang maging anak si Ralf. Tutal ay ulila na rin naman daw ito at hindi pa raw huli ang lahat para magkaroon siya ng mga magulang. Bagay na lalo kong ikinainis.

Ayoko kay Ralf. Hindi ko siya gustong maging kapatid. Hindi ko nga siya tinatawag na Kuya katulad ng bilin sa akin nina Mama.

Kaya kanina ay napagalitan tuloy ako ni Papa dahil hoy ang naririnig niyang itinatawag ko sa ampon ng pamilya.

Matuto raw akong magbigay galang sa nakakatanda sa akin at bilang parusa ay hindi niya ako pinayagan na makalabas ng villa sa buong maghapon na labis kong ikinainis at ang lahat ay isinisisi ko kay Rafael.

Lumipas pa ang mga araw at hindi ko naitanong sa mga magulang ko kung gaano katagal ba ang ilalagi ni Rafael dito sa Hacienda Aurelia.

Basta ang alam ko lang ay lumipas na ang lampas sa isang linggo pero nandito pa rin ang ampon na iyon.

Tumutulong siya sa paglilinis ng kuwadra. Nagpapaligo siya ng mga kabayo namin. Tumutulong siya sa pagdadamo sa harapan ng villa namin na siya naman talagang nababagay na trabaho sa kanya dahil sa Maynila ay isa lang naman siyang hamak na hardinero sa bahay ng Lola ko.

Bukod sa mga iyon ay kung anu-ano pang gawain sa bahay at hacienda ang ginagawa niya na ikinatutuwa ng lahat maliban sa akin.

Para sa akin ay ginagawa niya ang mga bagay na iyon dahil gusto niyang magpabida at mapuri ng lahat.

Bagay na labis kong ikinaiinis sa tuwing nakikita ko siya na nakangiti. Sa halos lahat ng tao dito sa hacienda ay ngumingiti siya at nakikipag-usap ngunit tanging sa akin lang niya iyon hindi ginagawa.

Minsan pa nga ay isinasama na rin siya ni Papa sa niyugan. Balak yata siyang gawing tauhan sa hacienda ni Papa.

Sa mahigit isang linggong pananatili ni Ralf sa lugar namin ay nakita ko na kinagigiliwan siya ng husto ni Papa. Lalo nang higit ni Mama na wala na yatang ibang bukambibig kung hindi Rafael.

Masipag, magalang, mabait at kung anu-ano pang mga hindi matapos-tapos na papuri na labis kong ikinaririndi.

Hindi ko maunawaan ang labis na pagkabuhos ng pansin ng halos lahat ng tao dito sa hacienda kay Ralf.

Masyado silang nabibilib sa pabibong ampon na iyon ng Lola ko. Lalo na ang mga magulang ko.

Isang gabi ay bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Hindi kasi ako makatulog at ang bilin sa akin ng mga magulang ko na kapag nagpapahinga na ang mga katulong ay huwag ko na raw iistorbohin.

Marunong naman akong magtimpla kaya ako na mismo ang bumaba para gawin ang gusto ko.

Madilim na sa buong kabahayan at kasalukuyan na ring nagpapahinga ang mga katulong namin sa quarters nila.

Mabilis akong nakapagtimpla ng gatas ko at kumuha pa ako ng cookies na balak kong kainin sa silid ko.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang mapansin ko na nakabukas ang main door.

Naglakad ako patungo doon saka ako maingat na sumilip sa labas. Sa may porch ay nakita ko si Rafael na tahimik na nakaupo.

May hawak siya na gitara at kasalukuyan siyang nakatulala sa madilim na kalangitan.

Nakaside siya sa akin kaya kitang-kita ko siya mula sa kinatatayuan ko. Sa likod ng main door.

Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang tumugtog ng gitara kasabay ng pagkanta niya.

It took one look

Matapos niyang mabigkas ang mga unang linya ng kanta ay huminto siya saka niya pinag-aralan muli ang chords sa gitara.

Ilang sandali pa ay muli na naman siyang kumanta.

It took one look
Then forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out

Huminto siyang muli saka siya tumingala sa kalangitan. Ilang sandali pa ay muli na naman siyang tumugtog at ipinagpatuloy ang sinimulan.

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only, one and only you ooh

Alam ko kung ano ang kinakanta niya. Madalas ko iyong naririnig sa radyo. Sikat na sikat sa FM Station na madalas kong pakinggan sa gabi.

Now I know
That I know not a thing at all

Except the fact that I am yours
And that you are mine

Ooh
If you told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only, one and only
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only, one and only
you

Hindi ko inasahan na maganda pala ang boses ng lalaking ito. Nawili tuloy ako sa pakikinig sa kanya.

Sa palagay ko ay para akong idinuduyan habang kumakanta siya kanina. Napakasarap pakinggan ng tinig niya.

Para sa akin ay mas magaling pa siya kaysa sa Parokya na orihinal na kumanta ng awiting iyon.

Ngunit hindi pa rin sapat na dahilan iyon para mawala ang pagkainis ko sa kanya.

Muli ay tumipa na naman siya sa gitara niya saka siya nagsimula muli na kantahin ang kantang pinag-aaralan niya.

Marahan ko namang isinara ang main door saka ko iyon dinouble lock.

Bumalik ako sa kusina at isinarado ko rin ang pintuan doon. Pati na rin ang lahat ng pintuan na maaari niyang daanan papasok ng villa.

Tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay kaya siguradong wala nang iba pang magbubukas ng pintuan para kay Ralf.

Bahala siyang mamatay sa ginaw sa labas. Doon siya nararapat na magpalipas ng magdamag.

Nang masiguro ko na naisarado ko na ang lahat ay natatawa pa ako na umakyat sa silid ko at doon ko na rin inubos ang mga cookies ko at ang gatas na tinimpla ko.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

164K 8.8K 46
Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are similar to that series. Manuscript: He's no...
Music Academy Reynald által

Ifjúsági irodalom

3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
84.8K 4.9K 50
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...