Switch Series 1: Constantly Y...

By _aryde

118K 4.8K 1.6K

Brook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban sh... More

Constantly Yours
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
Fathers Day Special
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
I am Constantly Yours
THE END
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
ANNOUNCEMENT
100K SPECIAL

CHAPTER 19

1.6K 71 14
By _aryde

Heartbreak (1)

Welcome back to me. Happy new year ghOrls! 🌻💕

🌻🌻🌻

Nakatungnga ang magkakaibigang sina Patricia, Eva at Bettina. Pawang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanilang mga mukha. Hindi sila makapaniwala sa nangyayari sa kanila ngayon. Wala ni isa silang costumer at nandoon lahat, sa tapat ng kanilang salon.

Pabalik balik na naglalakad si Shakira sa harapan nila at iritableng iritable. Huminga sya ng malalim at masama silang tinignan.

"Shutadis. Hindi ko na keri!"

Hindi nila pinansin si Shakira at tinitignan ang mga staff nito na nag-aaya pa ng ibang costumers, pag may gustong pumasok sa kanila ay hinihila ito ng mga chaka. Napapamura ang mga bakla sa ginagawa sa kanila ng mga chakang vakla sa kabilang Salon.

"Mga Sis! Wake up! Tutunganga nalang ba tayo ditey?!" gigil na sabi ni Shakira at pumamewang sa harap nila, umirap sya ng hindi sya pansinin ng mga ito, "Edi kung ayaw nyo, atashi nalang ang sasabunot sa mga bulbul ng mga chaka na'yon!" agad syang hinila ni Patricia sa collar ng damit nya kaya medyo nasakal ang bakla.

"ACcKkkK!" daing nya at hinawakan ang leeg.

"Wag kang maasar dyan. Relax mo lang putotoy mo." kalmadong sabi ni Patricia sa kaniy.

"Pano ko i-rerelax?! Pat, ala pa tayong benta ni singkong duling!" halos umusok ang ilong nito sa galit.

"Hayaan nyo na."  napatingin sila kay Bettina, kumikibot kibot ang sulok ng labi ni Shakira.

"Shuta naman, Tina?! Anong hayaan?! Nananadya na sila!" napapikit sya ng mariin.

Biglang nagsalita si Eva, "Pati ba tayo mag-aaway away?" tanong nya sa mga kaibigan.

"Di ka kasali Eva, wag kang feeling!" inirapan ni Shakira si Eva.

Lingid sa kaalaman ng mga magkakaibigan na may humintong Lamborghini sa tapat ng kanilang Salon. Habang nagtatalo sila, pumasok ang hindi kilalang lalaki- este bakla sa loob ng kanilang Salon. Maarte itong naglakad kasabay ang tatlo nyang alipores na jupangpang.

"Bakit ba ang init init ng ulo mo? Nireregla ka ba hah?!" halos sampalin na ni Patricia si Shakira.

Dinuro nya si Pat, "Wala kang pakialam, nasusura ako sa mga pagmumukha nung mga bakla sa tapat nati--"

"Excuse me," may sumabad sa gilid nila.

"Edi dumaan ka, pakialam ko sayo." sabi ni Shakira ngunit nakatingin pa'rin ito kay Patricia.

"Err... I'm not here to fight."
i

tinaas pa nito ang dalawang kamay.

"Pakialam ko sa'yo. Sino ka ba?!" bulyaw ni Shakira dito at hinarap and nagsasalitang iyon.

"I'm Guinniverse, the owner of Magnificent Touch, which has, 100 franchise in the Philippines. And I believe, If you want to succeed in life, learn to work smarter and I thank you!" pagpapakilala ni Guinniverse.

Tumaas ang isang kilay ni Shakira, "Pakialam ko sa'yo, ang baho nyo!"

"Hoy! Victoria Secret lang naman ang perfume namin!" Angal ng isa sa alipores ni Gunniverse- si Joy.

Pinagkrus ni Kiray ang braso, "Pakialam ko sa inyo kahit maligo pa ka'yo ng holy water, ang papangit ninyo!"

"Aba! Imbyerna ko sa'yo!" Kinuha ni Ally (isa sa alipores pa ni Gunniverse) ang kanyang takong at inamba iyon kay Kiray.

"Pakialam ko sa-"

"Kiray!" kalmadong pagbawal ni Bettina, bago sya muling magsalita, huminga muna sya ng malalim, "Ano bang ginagawa mo dito Guinneverse?"

Guinniverse, the white long haired gay flick his fingers, "Well, Well..." lumapit ito sa kaniya at ni-head to toe pa sya. Nang-iinsulto nitong tinaas ang isang kilay, "Tutal naman, wala ng silbi itong Salon nyo, inaanay na. Maalikabok pa, wala pang costumers." tumawa ang kaniyang mga alipores.


"Kapal ng mukha ampota." napabulong si Patricia sa gilid.

Tumikhim ito bago magpatuloy, "Let's make a deal. I'll buy this place for 1 million, tax free. Masyado na kasing madaming costumers ang Salon ko sa tapat. So this place must be our parking lot." ngumisi ito kay Bettina.

"Pakyu." sabad ni Shakira with pakyu sign.

"Gaga ka ba?! Bat naman namin ipagbibili ang Salon namin?!" gigil na tanong ni Eva at nilapitan ito.

"Because it's worthless now, dear." walang pakundangang sagot ni Gunniverse.

Napahingang malalim si Patricia, "Lumayas ka dito at di kita matansa."

Hindi sya pinansin ni Guinniverse, "What now Bettina? Thinking twice? 1 million is a big price, you can start you own business. Kasi alam mo? Mukhang hindi kayo bagay sa Salon." he chuckles.

Guinniverse handed him papers, "Go on. Sign this papers. Wag kang mag-alala. You can visit this place anytime at kung gusto mo pa? I'll treat you on my Salon. Para naman mag mukhang kayong tao." nagsitawanan ang apat.

Bettina looks at those papers with no emotion. How could this bitch say this things in front of him?

Napangisi si Guinniverse, "Don't give me that look. Alam mo, sayang ka? You're a gorgeous man. But look at you now, a poor gay. Di na rin naman siguro nakapagtataka kung bakit ka tinakwil ng ama mo, you look like a worthless faggot--"

Agad na sinuntok ni Bettina sa mukha si Guinniverse. Bugmagsak ito at nagulat ang lahat.

"Hayop ka!" at binugbog nya ito, nagsuguran din ang kaniyang mga kaibigan sa mga alipores nito.

Malakas si Bettina kaysa kay Guinniverse kaya nagawa nya itong ilabas at ihagis sa labas ng kanilang Salon. Muli nya itong dinaganan at sinapak. Pinagkaguluhan na rin sila ng mga tao, habang tili ng tili si Guinniverse at mga kasama nito.

🌻🌻🌻

CHRIS POV

"Pareng Kikiam, bakit parang habang tumatagal lumiliit yung kikiam mo?" sabi ko matapos suriin ay isinubo na iyon.

Yung kikiam pag bagong luto ang laki laki saka lobong lobo tas mayamaya iimpis at mangungulubot.

Nakangusong tumingin sya sa'kin, "Ewan ko ba sa dealer na iyudepunggal. Sabi ko yung malaking kikiam, eka ba naman titiam na raw ang tawag don. Ampanget naman kasi pakinggan, Chris. Titiam, pabili ngang titiam?" tanong pa nito sa akin.

Naoangiwi ako, "Oo nga ampangit pakinggan, parang tarub. Eww."
t

inignan ko ang mga kasama kong nagsisikain din, "Kain lang ng kain mga tropa. Wag nyong pansinin si Pareng Kikiam, palibhasa iniwan ng jowa di man inabot ng bagong taon."

Kasama ko nga pala ang tropa, pero tatlo lang, si Luis, Rex, at Manoy.

"Wews, parang di pa nakakahawak ng tarub ng bakla, Chris." inirapan nya ako, "saka wag mong idamay ang ex ko Chris, kita mo bago mag Valentines, kami na ulit. Sigurado akong miss na miss nya ang itlog ko."

Napangiwi nalang ako sa sinabi nya at nabulunan naman si Rex, "Okay ka lang bro?" tanong ni Luis kay sa kaniya.

"O-Okay lang. Ang bastos ng bunganga nito." dinuro nya ng stick si Pareng kikiam.

Napahawak ng dibdib si Pareng kikiam, "Luhh, green minded 'to." aniya at nginiwian si Rex.

"Itlog itlog ka dyan e." inambaan sya ni Rex.

Kinuha ni Pareng Kikiam yung itlog na orange at pinakita kay Rex, "Itong itlog na 'to ang tinutukoy ko. Hala, Chris. Green minded. Yak. Green minded." pang aasar pa nya kay Rex at nilapit lapit ang itlog na orange sa mukha nito.

"Baka sakalin kita dyan. Nagdidilim paningin ko sayo." sumingkit ang mata ni Rex.

"Joke lang. Pure minded ka. Pure." nagpeace sign si Pareng kikiam.

"Buti nalang ako business minded hehe." singit ni Manoy.

Mayamaya ay may pumuntang dalawang bakla sa stall ni Pareng Kikiam. Busy pa din ako sa pagkain ng kikiam. Hayop na kikiam 'to lalaki, liliit. Putanayda.

"Kuya, paihaw ng isaw tatlo saka bbq dalawa lang." sabi nung isa.

"Sakin, ulo at paa tig dalawa." sabi naman nung katabi nya.

"K."

Tuloy lang kami sa paglamon ng tropa, paki ko sa dalawang panget na 'to. Si Bettina lang ang maganda at ang baklang mamahalin ko. Hanggang sa narinig ko ang pag uusap ng dalawa.

"Gravity, napaka war freak naman pala nitong si Bettina. Biruin mo nabugbog si Guinniverse."

Napatigil ako sa ginagawa ko, at nakinig mabuti sa kanila.

"Delikado ngayon ang career ni Bettina at ng mga chaka nyang prends, tignan ko lang kung di sila makulong nyan."

Di ko na napigilan sarili ko at nagtanong, "Oy, ano kamo? Binubugbog ni Bettina si Guinniverse?"

Tumaas ang kilay ng isa, "Oo, sino ka ba?"

"Kuso." Shit.

Wala na akong pinalampas na pagkakataon at tinakbo ang Salon nila Bettina. Ano bang pumasok sa isip nya at nangbugbog?
T

inawag pa ako nila Rex pero tuloy pa din ang pagtakbo ko.

Kung galit sya sa'kin hindi naman nya kailangan ibuntong yon sa iba. Dapat ako nalang ang binubog nya hindi yung nandadamay pa sya.

Hinihingal akong napahawak sa tuhod ko ng makita ang nagkukumpulan na tao. Pinuntahan ko agad iyon dahil matangkad naman ako, nakita ko si Bettina, sinusuntok ang isang duguan na bakla.

Tangina, suntok talaga. Galit nagalit sya dito habang yung mga kaibigan nya ay inaawat na sila. Napalunok ako at umawat nadin, ibang Bettina yung nakikita ko ngayon. Parang si Brook yata itong nasa harap ko.

"B-Birdie. Tama na 'yan. Baka makapatay ka." nauutal kong sabi sa'kaniya at patuloy pa'rin nyang sinusuntok and walang kalaban laban na si Guinniverse.

"Wala akong pakialam." walang emosyong sagot nito.

Niyakap ko sya at pilitang inilayo kay Guinniverse. Sumunod pala sakin ang tropa kaya napabilis ang pag-awat kay Bettina.

"S-Sis, stop na please." umiiyak na si Eva.

"Tumawag na kayo ng pulis!" may sumigaw parang pamilyar ang boses.

"Tama na sabi Bettina!" Ngunit malakas talaga si Birdie, "Ilayo nyo na sya!"

Tumiim ang panga ni Bettina at napatitig sa'kin saka umiwas ng tingin.

"I-I swear, y-you'll fucking p-pay for this." halos di na makapagsalita si Guinniverse.
Dumudugo ang kaniyang ilong, kilay at labi sa lakas ng suntok ni Bettina.

Inalis ni Bettina ang pagkakayakap ko sa kaniya. Napapatitig ako sa kaniya at walang emosyon nyang tinignan si Guinniverse.

Kapansin pansin ang mga karmot sa mukha nya. Dumudugo rin ang kanyang labi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Nagagalit ako sa kaniya dahil sobra ang ginawa nya. Naaawa ako, para kasing may nakikita akong sakit sa mga mata nya.

Dumating ang ambulansya at mga police mobile. Pinosasan si Bettina at ang kaniyang mga kaibigan, umiiyak na sila, maliban kay Bettina. Isinakay sila sa police mobile, hindi ko pa rin talaga alam kung paano ako mag rereact.

Hanggang sa biglang may yumakap sa'kin. Si Honey, gulo gulo ang buhok at may pasa sa gilid ng labi.

"H-Honey, hayop na baklang 'yon. N-Nakita mo ba ang ginawa nya kay Guinniverse?!" umiiyak nyang sabi sumbong sa'kin.

"B-Bakit ba nandito ka?" sinundan ko pa din ng tingin sila Bettina.

"D-Dito 'rin ako nagtatrabaho. Di ka lang pumunta kasi nung opening." rinig kong sagot nya.
N

apahinga ako ng malalim.

"Uwi na tayo." sabi pa ni Honey at hinila ako.

"H-Hindi sasama tayo don sa presinto." hinawakan ko ang kamay nya, "Halika na."

Sumakay kami sa Police mobile kung saan nakasakay din doon si Bettina at ang mga kaibigan nya.
S

i Bettina, nakayuko. Si Eva, Patricia, at Shakira ay umiiyak pare parehas.

"C-Chris! Wala kaming kasalanan! Sila talaga yung nauna!" pagsumbong ni Shakira.

"Kayo yung nauna, wag mo syang pakinggang Honey." kumapit sa braso ko si Honey.

"Sinungaling 'kang bakla ka!" ibig syang sipain ni Shakira.

"Mas sinungaling ka!" dumikit sa'kin si Honey.

"Tigilan nyo nga 'yan!" sigaw ni Rex na nasa passenger seat, "Sa presinto nalang kayo magpaliwanag."

Bumulong pa si Honey, "Honey, sila talaga yung nauna"

"Shhh..." inidikit ko ang hintuturo sa ilong.

Humigpit ang taban ko sa kamay ni Honey, nakakaasar ako sa kanila.

🌻🌻🌻

Napaiwas ng tingin si Bettina ng makitang magkahawak ng kamay si Chris at Honey. Mas lalong kumulo ang dugo nya, kanina habang magkayakap pa ang dalawa. Hindi man nya aminin pero, nasasaktan sya. Hindi na nya napigilan ang sarili at naibunton nya kay Guinniverse ang lahat ng kaniyang sama ng loob at sobra din syang nainsulto sa sinabi nito. Sa loob pa mismo ng pagmamay-ari nyang Salon.

Gusto nyang maiyak, pero walang lumalabas na luha sa kaniyang mga mata. Bagkus kinulom nalang nya ng mahigpit ang dalawang palad hanggang sa makapunta sila ng munisipyo.

Habang kinakausap sya ng mga pulis, hindi naman sya sumasagot. Ang mga kaibigan nalang nya ang sumagot. Ayaw nyang magsalita. Baka kung ano lang ang masabi nya. Lingid sa kaniyang kaalaman na nakatitig sa kaniya si Chris. This time, hindi na nya kasama si Honey at sinamahan sa Hospital si Guinniverse. Naconfine ito dahil nagkaproblema sa ilong nito.

Hanggang sa naiselda na silang apat, nakaupo lang sya sa sahig at tulala. Hindi nya alam ang gagawin.

Kausap ni Chris ang tatlo nyang kaibigan. Pero wala syang pakialam. Parang panaginip lang ang lahat. Ni hindi nya nga iniinda ang mga sugat nya sa katawan. Basta galit at lungkot lang ang nararamdaman nya ngayon.

Mga mugto ang matang pumasok sa selda ang tatlo nyang kaibigan, pagpasok ng mga ito ay niyakap sya agad.

"S-Sis, naiintindihan ka namin." malumanay na sambit ni Patricia,

"Deserve lang ni Guinniverse yon, dimunyu sya." dagdag pa nga ni Shakira.

"P-Pero ala din tayong pang piyansa." napatigil sila sa sinabi ni Eva, "P-Pano kung...ibenta nalang natin yung Salon? Sis, kailangan din nating ipagamot si Guinniverse, kung hindi...baka makulong tayo ng tuluyan..." tumalim ang tingin ni Bettina sa kaniya.

"Hindi ibebenta ang Salon. Hindi." matigas na tugon ni Bettina. Parehas silang natahimik at naupo magkakatabi.

"Thompson, may gustong kumausap sa'yo." sabi ng lumapit na pulis at binuksan ang kulungan.

Walang ganang pumunta ng visiting area si Bettina akala nya si Mamita.

Si Chris pala, "Umupo ka, gamutin natin yang sugat mo." may pag-aalalang sambit nito.

Gustong gusto na sya nitong gamutin dahil awang awa ito sa kaniya kahit galit sya dito.

"Ayoko."

Gusto din maasar ni Chris sa sagot ni Bettina, "Baka maimpeksyon, ano ka ba?"

"Wala akong pake. Wag mo akong hahawakan." umigting ang panga nito.

Napaiwas ng tingin si Chris,

"K-Kung ayaw mo, edi ikaw nalang gumamot sa ssarili mo." ibinigay nya dito ang first aid kit. Pero wala pa 'rin itong ginagawa at nakatayo lamang.

"H-Hindi mo dapat ginawa yon." bigla sabi ni Chris.

Napangisi ang matigas pa sa batong si Bettina, "Iniinsulto na ako, hahayaan ko na lang?" sarkastikong tugon nito.

"Pero hindi mo dapat sya ginulpi, may mga pwede namang ikaso sa kaniya pero dahil binugbog mo sya at ngayon naconfine pa sya. Lamang sya sayo at baka makulong ka pa ngayon." mahinahong paliwanag ni Chris at tinitigan naman nya ito, "Sana naisip mo muna yung pwedeng mangyare bago mo ginawa 'yon." dagdag pa nito.

Umirap si Bettina, "Edi sana nag-isip ka din muna bago mo ko sinaktan." walang ano ano'y sabi nya.

Napakamot ng pisngi si Chris, "Sabi na nga ba, galit ka sa'kin diba? Dapat ako nalang yung binugbog mo! Hindi yung nandadamay ka pa ng iba! Mag-iisip ka naman, Bettina!"

Lumaki ang ngisi nya, "Wow, ang lakas naman ng loob mo para sabihin sa'kin 'yan? Ano bang pakialam mo?! Buhay ko 'to! At kung makukulong ako. Edi makulong. At wala ka ng pakialam don. Isa pa, para kang asong habol ng habol. Ano bang sabi ko? Hindi kita mahal. Hindi kita minahal." mariing pahayag nito sa mismong harap ni Chris.


Nakita nyang ilang beses itong napapikit at tila nagulat sa sinabi nya, "B-Bat mo ba sinasabi 'yan." parang may kung anong sumaksak sa puso nya.

"Dahil 'yon ang totoo at ang gusto ko, lumayo ka na sa'kin, sa amin, at sa pamilya ko. Ayaw na kitang makita, dahil sa totoo lang, nandidiri ako pag nakikita kita, Chris. Hindi 'ko alam kung bakit ba ako pumatol sa isang tomboy na kagaya mo!" bulyaw nya dito.

Hindi namalayan ni Chris na tumulo na pala ang luha nya. Parang gumuho ang mundo nya sa narinig. Alanganing ngumiti si Chris, "N-Nagbibiro ka lang, d-diba?"

Umiling sya, "Bullshit, mukha ba akong nagbibiro?" napapikit sya ng mariin, "At pwede na ba akong umalis, dahil mas nakakadiri pa dito kaysa doon sa selda." iritadong sabi nito.

"T-Talaga? Nakakadiri ako?" bumilis ang paghinga ni Chris.

Sunod sunod na pumatak ang kaniyang luha. Napatahimik si Bettina sa nakita, "A-Ang sakit mo m-magsalita, B-Bettina." napakagat sya ng labi, "O-Okay lang sa'kin, yung ipagtabuyan mo ako at murahin. Pero yung p-pandirahan mo a-ako..." napatingala si Chris at pinunasan ang luha.

"D-Dapat sinabi mo pala agad. Di sana ako parang a-asong naghahabol sa'yo." tumango siya ng ilang beses, "N-Nakakadiri pala ako..." ngumiti si Chris.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Bettina. Umiiyak si Chris pero ang sabi ng isip nya. Mas mabuti yon, masaktan sya.

"P-Pero sige, asahan mong hindi mo na ako makikita, kahit kailan. S-Salamat nalang sa lahat. M-Mauna na ako." tumayo na si Chris at tumalikod.

Sinundan ng tingin ni Bettina si Chris habang sobrang tamlay nitong umalis. Nakita nya ang pagpunas pa nito ng luha. Napaupo nalang sya sa upuan at pawang nalaglag ang mga balikat. Kasabay non ang pag pasok ni Mamita sa visiting area at sinalubong sya ng yakap. Agad naman syang napaiyak sa mga braso nito.

"M-Mamita..."

🌻🌻🌻

Continue Reading

You'll Also Like

13K 1.3K 28
BRIDE SERIES 1 The guy wanted her to forget him. Because the guy won't be free if the girl will always remain her feelings for him. Their love to eac...
185K 8.2K 38
🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!