ZAFIRA: The Princess of Wizar...

Par ariathatsme

882K 21.7K 866

STARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vam... Plus

OLD BOOK COVER
DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1: Enrollment Paper
Chapter 2: Wizard Academy
Chapter 3: Prince Flint Stone
Chapter 4: The Lost Princess
Chapter 5: Intruder
Chapter 6: Dark Sorcery
Chapter 7: The Princess' Birthday Revelation
Capter 8: Missing Princess
Chapter 9: Spy
Chapter 10: The Princess Returns Part 1
Chapter 10: The Princess Return Part 2
Chapter 11: Abducted
Chapter 12: Master Haurvat
Chapter 13: Finding the Princess
Chapter 14: Coronation
Chapter 15: Impostor
Chapter 16: Love Story
Chapter 17: Sleeping Dragon
Chapter 18: Goddesses
Chapter 19: Elements
Chapter 20: Confession
Chapter 21.1: First Kiss
Chapter 21.2: Bad Welcome
Chapter 22: In his arms
Chapter 23: Chosen One
Chapter 24: Party or Tragedy
Chapter 25: Distraught
Chapter 27: Gone
Chapter 28: Gate of Intelligence
Chapter 29: Sila na?! Kami na! Kayo na!
Chapter 30: Egret
Chpater 31: The Voice
Chapter 32: Seiryuu
Chapter 33: Regrets
Chapter 34: Fire (Suzaku)
Chapter 35: Leaving
Chapter 36: Trap
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Fight
Not an Update
Chapter 39: The End
Chapter 40: Last Chapter
EPILOGUE
Author's Note sana basahin niyo
PLUG!PLUG!PLUG!
About the book 2
Special Chaptersssss
Book 2
Special Chapter #1

Chapter 26: Guest

11.3K 311 19
Par ariathatsme

"Kamusta na anak?" Napangisi na lang si King Zander dahil doon.

"Hindi yan ang ipinunta niyo dito." Mariin niyang sabi dahil alam niya na ang dahilan kung bakit ito bumisita.

"Ganyan ba ang dapat mong isalubong sa iyong ama na matagal mong hindi nakita?"

"Wala akong ama na duwag at iresponsable. Wala akong ama na iiwan at hahayaan ang anak niya sa murang edad na mamuno nang mag-isa."

Oo iniwan ng kaniyang ama ang kaharian. Sinisisi nito ang kaharian sa pagkamatay ng kaniyang ina. Nagkaroon ng digmaan noong dalawampung taong gulang pa lamang siya. Kulang pa ang kakayahan niya noon kaya hindi niya nailigtas ang sariling ina.

Pinalabas nila na namatay si Master Haurvat upang walang magtaka sa biglaang pagkawala nito. Napakabata niya pa pero sobrang bigat ng responsibilidad na naka-atang sa kaniya. Mabuti na lamang at nariyan ang mga hari't reyna mula sa ibang kaharian na sinuportahan siya at hindi nag-isip ng masama kahit napakagandang oportunidad n'yon para magsimula ng rebolusyon.

Kinaya niyang mabuhay at mamuno nang wala ito. Patuloy niyang kakayanin iyon. Simula noon pinangako niya sa sarili na kahit anong mangyari hindi niya iiwan ang Kaharian.

"Ang nakaraan ay nakaraan at hindi na dapat pang balikan. Narito tayo sa kasalukuyan at ito ang dapat nating pahalagahan."

"Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraan at matagal ko na rin kayong kinalimutan dahil parte kayo n'yon."

"Kailangan ako ngayon ng apo ko Zander wag ka munang magmatigas ngayon dahil alam mo kung ano ang maaaring mangyari."

Ang nag-aalab niyang galit ay agad na napalitan ng kaba. Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari. Labag man sa loob niya pero totoo ang sinabi nito, kailangan niya ang tulong nito para sa kaniyang anak. Siya lang ang tanging wizard na maaasahan niya ngayon.

"Sige, para saking anak."

SAPO-SAPO NI ZAFIRA ang sariling ulo nang magising. Muli na naman siyang nawalan ng malay. Sa tuwing nawawalan siya ng malay hindi niya masyadong naaalala ang nangyari. Ang huling natatandaan niya lang ay ang pagtatanggol kay Flint mula sa kaniyang ama pagkataps ay hindi niya na alam ang sunod.

Napabaling siya sa pinto ng marinig ang munting tunog na nilikha nang pagbukas niyaon. Pumasok doon si Isabella

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Ay hindi baka tulog." Pamimilosopo niya rito. Sinimangutan naman siya ng kaibigan.

"Binibiro lang e. Ayos na ang pakiramdam ko. Anong nangyari kanina? Hindi ko na naman maalala."

"Hindi mo talaga maalala ang ginawa mo?" Paninigurado pa nito. Umiling lang siya bilang tugon. "Grabe Zafira! Biglang naging kulay asul ang mga mata mo. Pagkatapos halos wala nang makapigil sa'yo, sobrang lakas mo."

"Paano ko naman magagawa 'yon?"

Nagkibit balikat ang kaibigan. "Who knows? Nga pala kaya ako nandito para sabihin na may pagtitipon mamaya. Biglaan kaya nakapagtataka pero may ipakikilala daw ang hari."

"Sige, Salamat Isabella."

"Paalam! Kailangan ko pa magpaganda para mamaya."

"Maganda ka naman na bukod na lang kung..." Pinaningkitan niya ang kaibigan.

"K-kung?" Napapalunok na anito.

"...kung may nagugustuhan ka na at gusto mong magpaganda para sa lalaking 'yon. Hmm?"

"Ano ka ba?! Wala ah. Yung gown mo ipapasok na lang ng mga taga-silbi mamaya. Bye!"

Hindi na siya nakapagtanong dahil sa biglaan nitong pag-alis. Ngunit hindi nakatakas ang bahagyang pamumula ng pisngi ng kaibigan. Maiintriga niya din ito sa mga susunod.

Pagkalabas ni Isabella siya namang pagpasok ng mga mag-aayos sa kaniya. Namangha pa nga siya noong nakita niya ang susuotin. Sobrang ganda at halos hindi niya maisip na siya ang magsusuot ng damit.

Ngayon nga na nasa katawan na niya ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kanina niya pa tinititigan ang sarili sa salamin.

"Wow!" Nalingunan niya si Isabella na kapapasok lang ulit sa kaniyang silid. Nakabihis na rin ito. "You look different—good different. Ang blooming mo ngayon."

"Thank you, ikaw rin."

"Talaga? Nagpaganda ako kaya dapat lang." Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan.

"So, may dapat ka pang ikwento sakin. Sino 'yang napupusuan mo?"

Agad na bumagsak ang balikat ni Isabella. Halata ang lungkot sa mga mata nito.

"Promise me you won't tell anyone."

"I promise. Ako pa ba?"

"Si Gregory ang tinutukoy ko."

"Gregory? Sino 'yon?

"Yung protector ko Zafira." Pilit niyang inalala ang protector nito. "Kaso may gusto na siyang iba." Nagulat siya ng biglang humagulgol si Isabella.

"Hoy! Yung make up mo!" Agad naman itong natigilan at kumuha ng tissue para punasan ang nabasang pisngi. "Paano mo naman nasabi na may iba siyang gusto?"

"Palagi ko siyang nakikita na pinagmamasdan si Jennicah kapag magkasama kami. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkagusto sa kaniya. Nakakasama lang ng loob."

"Oh, wag kang iiyak." Pigil niya rito ng mukhang aatungal na naman ang kaibigan. "Hindi ka pa naman sigurado. Ang mabuti pa tanungin mo siya."

"Pero nakakahiya 'yon!"

"Hindi mo malalaman ang totoo kung hindi manggagaling sa kaniya."

"Tama ka, pero paano kung totoo nga?"

"Depende sa'yo. Kung susuko ka o hindi. Hindi naman sila kaya wala kang masisirang relasyon kung sakali."

"Hmm, sige. Salamat, Zafira." Niyakap siya nito at ginantihan niya lang iyon.

Nagrere-touch na si Isabella ng may kumatok at dahan dahang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Aiden.

"Zafira, mukhang andito na escort mo." Puno ng panunukso na turan ni Isabella.

Agad na umakyat ang dugo niya sa mukha dahil sa sinabi ni Isabella. Patagong hinampas niya ang kaibigan.

May sunod na pumasok na agad na nagpangisi sa kaniya. It's time for revenge.

"Parang may escort ka rin, sinundo ka pa oh."

Namula si Isabella. "Tumigil ka nga!" Tinawanan niya na lang ito.

"Mahal na Prinsesa, nasa bulwagan na po ang inyong mga magulang." Magalang na sabi ni Gregory, ang protector ni Isabella.

Inismiran lang ito ni Isabella at dire-diretsong lumabas ng pinto. Napapakamot sa ulo na lang na sumunod si Gregory.

"Problema nung dalawa?" Tanong ni Aiden na nakalapit na pala sa kaniya

Nagkibit-balikat lang siya. "LQ ata."

"You look stunning." Ani Aiden sabay hapit sa baiwang niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Ang palad niya na nakapwesto sa dibdib nito ang tanging nagsisilbing harang sa katawan nila.

Iniiwas niya ang tingin sa binata. Hindi niya kinakaya ang lapit nila sa isa't isa.

"Tara na nga sa baba." Pag-iiba niya. Bahagyang natawa si Aiden bago siya igiya palabas.

Marami na ang naroroon pagkababa nila. Ilan ang bumati at kumausap sa kaniya kaya naging abala siya. Hindi niya pa nakikita ang ama simula kanina pero baka darating din ito mamaya.

Inililibot niya ang tingin nang mapansin na mag-isa lang si Isabella sa lamesa kung saan ito nakapwesto. "Puntahan ko lang si Isabella." Paalam niya kay Aiden. Tumango lang ito bilang tugon.

Nakalapit na siya't lahat lahat pero hindi pa rin siya napapansin ni Isabella. Mukhang malalim talaga ang iniisip ng kaibigan. Sinundan niya ang tinitignan nito at nahinuha na kay Gregory iyon. Kaya nakaisip na naman siya ng masamang plano—ang gulatin ito.

"Hoy!"

"Ay, Gregory! Ano ka ba naman Zafira. May balak ka bang patayin ako sa gulat?"

Tumatawang umupo siya sa tabi nito. "Ito naman joke lang 'yon. Ang layo naman kasi ng tingin mo. Titig na titig baka matunaw yan."

"Heh. Alis na muna ako." Ang bastos ng kaibigan niya. Pinuntahan niya para hindi mapag-isa pero iniwan naman siya.

Naglakad si Isabella papunta sa isang lalaking halos kasing edad lang nila at kinausap iyon. Tumingin naman siya kay Gregory na ngayon ay naka'y Isabella na ang tingin. Hmm.

Napunta ang lahat ng atensyon sa harap, naroon na ang kaniyang ama. Kasama nito ang mga hari't reyna mula sa ibang kaharian. Kaya naman nanatili na lang siya sa kaniyang pwesto at hindi nagtagal katabi na niya si Aiden.

"Alam kong lahat kayo ay naguguluhan kung bakit kailangan ko pang mag-anunsiyo ng may kasamang kasiyahan." Panimula ng kaniyang ama.

Dapat na nasa ama lang ang atensyon niya pero hindi niya maiwasang mapansin si Isabella na tumatakbo palabas ng palasyo. Susundan na vsana niya ito ngunit pinigilan siya ni Aiden at tinuro si Gregory na sinusundan si Isabella.

Mula sa pinanggalingan ni Gregory ay nakita niya si Jennicah. Mukhang alam niya na kung bakit.

Pumunta na si Jennicah sa kinaroroonan nila at umupo.

"Problema na naman" Bulong ni Jennicah pero narinig niya.

"May alam ka ba Jennicah?" Umiling lang ito bilang tugon kaya binaling na lang niya ang atensyon sa ama.

"Alam kong ang taggal niyong hinintay ang sandaling ito. Ngayon ipinakikilala ko na sa inyong lahat Si King Haurvat!"

Lumabas na ang lalaking ipinakilala ng kaniya ama na agad niyang namukhaan.

Master Haurvat!

Nagsimulang magbulungan ang mga tao.

"Diba patay na siya."

"Oo, yun ang mga sabi-sabi"

"Bakit andito siya?"

Tumahimik ang lahat nang magsalita si Master Haurvat.

"Alam kong lahat kayo naguguluhan pero ako 'to si King Haurvat. Hindi ako namatay. Pinalabas lang ng aking anak na patay na ako upang hindi niyo ako hanapin. Pumunta ako sa malayong lugar upang mag-isip isip at sinabi ko sa sarili ko na balang araw ay babalik din ako sa kaharian at eto na nga ang araw na iyon. Kailangan ko nang bumalik."

Hindi niya pa rin maproseso na hari ito. 

ariathatsme

Please read Magus Academy, my on-going story. You'll like it. :)

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

536K 19.5K 67
Status: COMPLETED. EDITING (ON HIATUS) Zypher Venus Halmington was destined for greatness. But doubts and fears stop her from being the person who s...
2.9M 94.7K 68
Witness the magical journey of Kathylina Amara Ferrtollo! Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Magical #1 in Academy #1 in Elite #78 in Teen-Fi...
643K 17.5K 40
Si Harmony ay nagtataglay ng kakaibang katangian na hindi mo aakalaing mageexist. Lahat ng tao sa mundong kinalakhan niya ay itinataboy siya, tinataw...
23.4K 1K 42
Complete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hi...