Reincarnation of a Half Soul...

By pixieblaire

207K 8.9K 4.4K

She is dead in her world but she is barely breathing in reality. Life is a second chance for her to live what... More

Reincarnation of a Half Soul
Story Trailer
Chapter 1 - Hidden Town
Chapter 2 - Mysterious Place
Chapter 3 - School Wonders
Chapter 4 - Lord of the Wring
Chapter 5 - Game of Bones
Chapter 6 - The Jolt in our Hands
Chapter 7 - Descendants of the Moon
Chapter 8 - Alis in Wonderland
Chapter 9 - Man of Steal
Chapter 10 - Girl on Fire
Chapter 11 - Wizard Diaries
Chapter 12 - The Anger Games
Chapter 13 - Little Me Maid
Chapter 14 - Mocking Drey
Chapter 15 - Harm Bodies
Chapter 16 - Filthy Shades of Drey
Chapter 17 - Fog Prince
Chapter 18 - Mission Vision
Chapter 19 - Love and Hope
Chapter 20 - Brave and Right
Chapter 21 - Order and Chaos
Chapter 22 - Boy with (No) Love
Chapter 23 - Memories of Darkness
Chapter 24 - Beauty and the Tease
Chapter 25 - Huson is Hell
Chapter 26 - Take Over Me
Chapter 27 - You are the Reason
Chapter 29 - Never The Less
Chapter 30 - Moon Embracing the Star
Chapter 31 - Show Fight and the Seven Knives
Chapter 32 - Today and Tomorrow

Chapter 28 - The Promise in Neverland

882 80 116
By pixieblaire

~• Twenty Eight •~
The Promise in Neverland


"Remember, the Seraphima's mission is irrevocable and it must not fail," Roar whispered but also suddenly disappears in my dream.

Napabangon akong naghahabol ng hininga. For unknown reason, I felt something uncanny. Kinilabutan ako na hindi ko maintindihan. I get that this may be a part of my transition into having another self within me that may activate anytime but my dream is getting weirder and weirder every night.

Roar is always present in my dreams. Ewan ko ba kung siya ang guardian angel ko o sadyang bored lang siya kaya sa akin siya lagi nagpaparamdam.

Pero bakit kaya lagi ko siyang napapanaginipan? Hindi kaya hayop talaga pala ako sa nakaraan kong buhay?

Roar would just usually play with me or strangle my curls, but this time is different. Left with me are some words that marked in my head as I woke up. Kadalasan kasi ay hindi ko naman natatandaan ang lahat ng aking napapanaginipan hanggang sa maglaho na lang ito sa aking isipan kaso ngayon ay kakaiba. It bothered me like it was a familiar strange feeling.

Seraphima—what . . . or who is that?

Kung siguro ay ako pa si Lupe sa normal kong buhay ay tatawanan at ipagsasawalang-bahala ko na lang. Pero ngayong lahat ng nangyayari sa akin ay kakaiba, hindi ko na mapigilang pamugaran ng maraming haka-haka.

Tulad noong isang gabi, hindi ko alam kung parte ba ng panaginip o imahinasyon ko lang pero nakita ko si Roar na kalaro si Jack. Ang weird talaga!

O siguro namimiss ko lang iyong kabit kong si Jack? Speaking of him, makadalaw nga sa mga kaibigan ko mamaya.

Naghanda na ako ng breakfast at kumain mag-isa dahil wala na naman ang Bebe Dreyxin ko. Sayang, gusto ko pa namang tuparin 'yong pangarap kong holding hands while walking kami papuntang school. Kaso wala eh, magmula nang matapos ang pagsasayaw namin sa grand ball, hindi na kami masyadong nagkakasama. Almost one week na ang lumipas at lagi siyang naroon lang sa Dark Clandestine. Bihira na siyang matulog sa kwarto niya kaya ako tuloy muna ang nag-i-stay roon. Amoy Lupe na tuloy itong kanyang kama. Nyahaha!

I wonder what he's up to. Ano kayang pinagkakaabalahan ng asawa ko roon eh puro mga libro at magic items ang nasa office niya? Nagpapa-hard to get na naman yata! Haaaay! Malungkot tuloy akong naglalakad papuntang Westwing.

Sad girl muna, wala ang jowa.

Wala akong scheduled class ngayon kaya balak ko lang puntahan sina Harper. Kaya lang, bago pa ako makapasok mismo sa front gate ng school ay may humatak sa akin. I automatically swayed the man's hand who touched me. Bumalikwas ako kaya medyo tumalsik at napaatras ang lalaki. Nagkaroon ng wind impact sa pagitan naming dalawa dahil sa pwersang hindi ko alam kung sa akin ba talaga nanggaling.

My hand paused mid-air dahil sa bilis ng pangyayari. Napansin kong may umilaw na linya sa aking pulso—isang bagong simbolo. Nang tignan ko ang lalaki ay naghawi na siya ng hood at nakita kong si Baby Dreyxin pala! Tinignan niya rin ang kanyang pulsong nagliwanag at lumitaw ang simbolong kaparehas ng akin.

Nagkatinginan kami.

"You've gotten stronger, indeed. But you still need to work on your reflexes. Ni hindi mo pa ako naramdaman sa paligid. Enhance your senses. I guess we need to work on your mana."

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nitong jowa kong si Dreyxinqt.

"Mana is the spirit or aura of magic that you should feel from someone who's wielding it. Para sa ating mga may kapangyarihan, we should instantly know when there's someone of our kind who's roaming around. Mabisa 'yon para malaman kung may nagmamanman sa atin o mayroong panganib sa paligid. That's basic."

As of now, the only danger I know of is you, my love. Ikaw lang ang nakikita kong panganib kung saan tiyak akong magpapabihag.

Nilapitan ko na siya at akmang tatalon para yumakap pero nilapat niya ang hintuturo sa aking noo kaya 'di ako nakalapit. Hmmmp damot!

Kinuha ko ang kanyang kamay at tinignan ang pulso. Pinaglapit ko ang sa amin at nakitang puting kalahating pakpak ang akin at sa kanya'y itim. The symbol of white and black wings.

"'Uy, couple symbol tayo oh!" masaya kong puna habang pinagmamasdan pa rin ang aming mga pulso.

"Anong kinatutuwa mo? This is probably just a result of our unison link from the fight against Huson's league. Nothing special, Lupe." Pinitik niya ako sa ilong at tumalikod na. Naugatan naman ako sa kinatatayuan at natulala lang sa kanyang likod.

Excited akong tumakbo sa kanya at kumapit sa braso. "Uwi na tayo?"

"We're going to train and hone your powers. Anong uuwi ang sinasabi mo? Hunghang!" aniya at nauna na talagang maglakad.

Ngumuso ako sa pagkadismaya. Ang chunget talaga! Sarap laplapin!

I followed him until I noticed we're going to the basement of the school grounds. Binuksan niya ang engrandeng double doors ng Dark Clandestine at walang ibang tao sa napakalawak na bulwagan.

Marami rmga libro sa paligid at boards na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan. Sa kabilang banda ay mayroon namang mga armas. So he was preparing to train me all this time? Kaya pala lagi siyang wala sa bahay!

Sa pinakagitnang bahagi ay mayroong mesang naiilawan ng spotlight. Nakahilera ang iba't ibang klase ng wands. Wow!

"Pumili ka ng isa, bilis," atat niyang sabi pero busyng-busy pa rin ako sa pagpili ng wand.

"Wala bang kulay pink?"

Nang manindak siya ng tingin ay nagseryoso na akong pumili. Kinuha ko ang isang transparent crystallized wand. Unang tingin ko pa lang dito ay nahumaling na ako sa ganda. "You think I can wield one?"

"Certainly. You're the most powerful . . ." tumikhim siya, "Well, just next to me of course." Ay biglang bawi!

Kinuha niya ang wand na pinili ko at sinuri ito. "Ang pangit, palitan mo."

Aba ang arte! Ngumuso ako sa kanya. "Eh 'yan ang gusto ko. Akin na, try ko. Tamo gagana 'to!"

Hinayaan niya akong agawin 'yon. "Anong gusto mong spell? 'Yong paiilawin ang wand? Easy!" Tinaasan ko siya ng kilay.

He raised his eyebrows too, looking amused. "Do you even call that magic? That's too lame. Hmmm. . ."

Bigla niyang inapuyan ang laylayan ng kanyang damit at hinayaan ang sarili na unti-unting gapangan ng apoy! HOLY SH*T!

Nataranta ako bigla at hinawakan ang kamay niya na nababalutan ng apoy pero tila wala siyang pakialam. Tinutok ko ang wand sa kanya. "Dreyxin, give me the spell!"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakita kong nakangisi pa siyang ubod ng pogi! Shet naman eh!

Pansamantala akong natulala sa kanyang mapanganib at mapang-akit na mga mata. He has this devil eyes that I would always gladly stare at! Nakakainis! "Dali na kasi, ano nga? 'Pag ikaw namatay bahala ka!"

Lalo siyang ngumisi pero patuloy sa panonood sa aking pag-aalala.

"Bilisan mo na Drey-Drey, what spell?"

After uttering the words in my mind thru telepathy, I quickly casted the spell, "El Warett en Hilia Minocdus"

A circle of light suddenly swished and water started looping around us until I noticed a magical circle with lots of symbols on it appeared on the ground. This is just so surreal! Nasaksihan ko rin kung paano maghilom ang kanyang mga paso na animo'y matutuklap na ang kanyang balat kanina lang. It disappeared with no traces nor scars left at all! I quickly held his hand to double check if he's completely back to normal again.

"Okay ka na ba talaga? Kainis ka, akala ko magiging fried Drey-Drey ka na eh!" sumimangot ako. Na-scam ako do'n ah!

Nang mapansin niyang hawak ko pa rin ang kanyang kamay ay agad na niyang binawi ito at nag-iwas ng tingin. "That wand is the lowest of lows. To think you still managed to cast a level 4 combination spell out of it is good . . . but still not good enough. Good pronunciation by the way. A lot of wizards fail the first time they try to chant certain spells they only once heard."

Umikot siya sa mesa at tumingin ng iba. Napatingin ako sa hawak ko. Ang ganda naman nito ah, lowest pa 'to sa lagay na 'to?

"Try this," kumuha siya ng isang itim na wand. "This is the Phoenix Sun, made of bones and ashes of that stupid bird. Try it."

Tignan mo 'to, sama talaga ng ugali. Pati 'yong ibon na walang kamalay-malay, dinamay!

"Anong spell, babe?" nangingiti kong tanong.

"Aldromify, then aim at me," kaswal niyang tugon. I wonder what spell it is. Maybe for levitation? Just a wild guess.

I swished the wand and even before I casted the spell, the magic circle already appeared. In fairness, advance ang bisa mong bilog ka ha!

"Aldromify!" Sa isang iglap ay tumilapon siya sa dulo ng hall at nagkaroon ng cracks sa dingding. Nalaglag ang panga ko sa gulat.

"Drey-Drey!" pagpapanic ko at kumaripas ng takbo.

Nakasalampak siya sa lupa na agad kong inalalayan. Kung kanina ay na-handle niya iyong apoy, ngayon ay natitiyak ko na nasaktan siya sa pagkakahampas sa dingding.

"Ano ka ba naman?! Bakit 'yon ang spell na pinasubok mo sa 'kin? Gusto mo bang saktan ang sarili mo? May saltik ka ba?" alalang-alala ako dahil baka nabalian siya pero nang tuluyan siyang bumangon, nagtatawa pa siyang tinignan ako. What the hell?

"No one can hurt me, Lupe." He caressed my chin before standing up.

Nagpagpag lamang siya na tila walang nangyari. Parang hindi siya nasaktan samantalang nagkaroon ng biyak sa dingding! Napapikit ako sa pagkalma sa sarili. Sinulyapan ko ang dingding na hanggang ngayon ay nagkakaroon ng mumunting biyak dahil sa lakas ng impact. Ganoon siya kalakas?

"Oh next!" Initsa niya sa akin ang kasunod na wand. "That's the Dragon Star wand like mine. Sige nga subukan mo kung kaya mo," paghahamon niya na nag-trigger sa akin para lalong galingan. I went back to him at the center.

"What spell and what for?" I reassured. Baka mamaya kakaibang spell na naman ang ipagamit niya sa akin eh!

May kinuha siyang low type of wand na una kong ginamit at naglakad sa kabilang mesa. May inangat siyang cage na may lamang dalawang munting hayop. I instantly knew they are hamsters.

Lalapit pa lang sana ako para tignan ang cute na mga nilalang na iyon nang bigla siyang nag-cast ng spell. "Cascada Kidethall."

Ewan ko ba. Pero pagkarinig ko sa spell na iyon ay nangilabot ako nang husto.

Sa isang iglap ay tumigil sa pagtakbo sa wheel ang hamsters. Nagmadali akong lumapit . . . only to find that the little creatures are already dead. I finally remembered from my Capsula simulation before that it's the murder spell! I suddenly recalled, iyon ang spell na ginamit sa akin ng mga magulang ko. 

Kinuha ko ang mga kaawa-awang hamster. They were just like me when I was reminded of that old simulated memory. Ganito rin ang sinapit ko sa kanila at isa itong bangungot na ayaw ko nang balikan pa.

Tila may humawak sa puso ko sa pagkaawa. I was about to be mad at Dreyxin but he explained himself quickly.

"What? You angry? You have to realize that some creatures are really meant to die. They are Erida's treats. Pihikan iyong alaga kong 'yon at ayaw niyang kumain nang mga mahihina. Those hamsters were sick so I only helped them with their misery." Ano bang klaseng palusot iyan?!

"Then you should have healed them!"

"We can't heal sicknesses, Lupe. The healing spells we have are only for wounds, bruises, and curses. These animals are normal creatures. You should know by now the boundary between them and sorcerers like us. We are not affected by illnesses and other natural forces. We are the ones who dictate life and death in our own world."

Hindi ako makapaniwala. Hindi pala kami nagkakasakit? Kaya pala sinasabi nilang mas mahaba ang life span ng wizards and guardians.

"So we have unlimited lives?"

"No. Life is still limited even to powerful beings like us. There are just some cheats to that. Gaya ng kwento ng mga magulang ko. Nagpatayan sila pero binuhay ko pa rin. It was forbidden but their lives were somehow extended. Kaya lang noong na-realize kong wala pa rin silang kwenta, tuluyan ko nang binawi ang buhay nilang dapat ay matagal nang tapos. But of course, not everyone are willing to try the dark power and be a cursed sorcerer like me," sagot niya.

Natulala ako saglit sa pag-alala ng masama niyang nakaraan.

"Eh paano namamatay ang mga tao sa 'tin kung gano'n?" I tried to go on with the topic and divert his attention from the memory of his past.

"There are three ways to die in Magique Fortress: Curse, War, and Love."

Napataas ang kilay ko. "Aba teka! Ba't kasama na naman ang Love ha? Bitter ka talaga, babe eh!"

Medyo naramdaman kong nagdilim ang kanyang aura. He tipped my chin up at kita ko ang walang emosyon niyang mga mata.

"Love is evil, Lupe. Totoo ang sinasabi nilang nakakamatay ang pag-ibig. Maraming handang magpatayan para lang sa kahangalang iyan."

May kung anong kumurot sa puso ko. I feel like Dreyxin doesn't really despise love, he is just scared. That's why now that I'm here to stay beside him, I will show him that there's nothing to be afraid to try.

"Oh bakit? May reklamo ka?" masungit niyang tanong nang mapansing natahimik ako sa insights niya.

I granted him a genuine smile, "Wala ah. Dami-dami mong definition of love, samantalang ako, ikaw lang." Kinagat ko ang labi ko sa pasimpleng hokagirl banat.

Tumikhim siya at tumungo sa biglang binasang aklat. "Ang iba namang hindi dumadaan sa ganoong paraan ng kamatayan ay hinihintay na lang ang kanilang expiration o tinatawag na natural death. Wizards and guardians vanish upon reaching their limits. Naglalaho, nawawala, and eventually, makakalimutan."

Niyakap ko ang sarili sa kaisipang iyon. Wala nang mas sasaklap pa sa ganoong kamatayan. A death that no one will ever be ready of.

"That's the saddest kind of ending. Fading and vanishing away," bulong ko at bumagsak ang tingin sa sahig.

"There's nothing to be sad about or scared of any type of death anymore. What do you even look forward to after living for around 300 years and more?" Sa kanyang sinabi ay napaangat ako ng tingin.

I have been living for only seventeen years yet I still don't know what to do with my life. Here I am, depending every breath I have for my love to him. Paano pa nga kaya ang isang tulad niyang napakatagal nang namuhay?

What else is Dreyxin waiting, for him to keep on living this long?

Is it still because of revenge? A seek for justice?  A claim for the throne? All these years, he is fighting bloodshed for his own sake. Alone and lonely. I should be convinced that he is waiting to achieve his ultimate goal for him to say he is completely contented and happy. But why do I feel like he needed more than that?

He always screams for war when he is actually fighting for peace that he never knew he needed. He never realized his true goal. His eyes are too blind to see love, hope, and happiness. He keeps on searching and looking and finding for a way to survive that he did not realize, he can actually live happily only if he just embraced everything he has now.

Suddenly, I am beginning to understand him piece by piece, unravelling every fold he had layered in his cold soul.

Lalo lamang natutunaw ang puso ko para lalo siyang mahalin.

"Shall we continue?" he asked as I collected my scattered thoughts.

"Yes, Sir! Ano pong spell ang gusto niyo?" I tried to make the mood light again.

"I want some thrill. Try the Murder Spell on me," seryoso niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko. Agad ko iyong tinutulan. No way!

"Nababaliw ka na ba?! Hindi ko 'yon kayang gawin sa 'yo." Aasawahin pa kita!

Binaba niya ang aklat sa mesa at humalukipkip. "I won't let you try too anyway. It's a curse spell that once you used it, you'll end up like me."

Namungay ang mga mata ko nang makitaan siyang nanlambot ang ekspresyon na agad niya rin namang nabawi. I guess he really learned how to suppress his weakness and vulnerable emotions. For the last hundreds of years, Dreyxin has always been a lone soul. Baka hindi ko na talaga mapigilan ang damdamin ko.

I want to hug him . . . right now.

"Do you have a spell that freezes anything then?" sabi kong direkta pa rin ang titig sa kanya.

"Incefro, that's the spell."

Walang pag-aatubili kong ipinorma ang aking wand. I casted the spell directing at his body, thighs, and arms. Nang mapansin kong nabalutan na siya ng binding force ay saka ako lumapit at dahan-dahan siyang niyakap nang mahigpit.

Hindi ako nagsalita. Hindi siya makagalaw. Tanging ang tibok ng puso lamang niya ang aking naririnig at nararamdaman ngayon. I hugged him like I'm pouring every ounce of love and fear to lose him.

"Drey-Drey please be happy . . ."

Kahit alam kong hindi siya nakakagalaw dahil sa spell na ipinataw ko sa kanya ay naramdaman ko pa rin ang kanyang paninigas. Pero ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang mainit niyang mga palad sa aking likod at niyakap din ako pabalik. Did he revoke my spell? O sadyang nawalan na ng bisa dahil wala na ang pokus ko doon? Pero niyakap niya ako pabalik! I couldn't be any happier!

Kumawala ako sa yakap habang nanatili ang kanyang mga kamay sa aking baywang at pinagnilayan naming titigan ang isa't isa.

His eyes always scream darkness but I would always see the light behind it.

"Halika na, may aaralin ka pang mga armas," aniya at tila ilap sa usapang kaligayahan. That's when I said to myself, while I'm here with him, I will really make him the happiest to the best I can.

Maybe this is my real mission in life. To make Dreyxin happy and make him feel loved unconditionally. Doon namuo ang aking mga kahilingan. Marami pa kaming mga pagsubok na haharapin, mga pangakong tutuparin, at mga pangarap na sabay aabutin. At sana . . . pagdating ng panahong iyon, kami pa rin ang magkasama.

Tumakbo ang oras namin sa pagsasanay naman ng iba't ibang weapons. I tried the sword but it always slips my hand.

"Ayoko nito, iba na lang," pagrereklamo ko dahil lagi akong talo sa kanya.

"Ibang sword na ang ibigay mo sa 'kin. 'Yong kaya kong sanayin ang kamay ko na hawak-hawakan. Wala bang medyo malambot?"

Binubukas-sara ko pa ang kamay ko pero napatigil si Dreyxin sa kinatatayuan. Doon ay nanlaki ang mga mata ko sa na-realize. Napatingin ako sa kanyang umbok na kahit kailan yata ay hinding hindi nagdi-disappear at saka kami nagkatinginan.

"Wala eh, lahat matigas . . . lalo na 'yong sa 'kin." He smirked and hell, that gave me a bolt of electricity down my spine.

Halos mamulang kamatis ako ngayon. Holy shet! Nilapitan niya ako at pinakita ang hawak niyang espada na wari ba'y iyon ang tinutukoy niyang matigas! Nakangisi pa rin siyang tila nanunuya.

When he gave me the bow and arrow, that's when I tried to step up my game. Unang subok ko pa lamang ay sapul sa gitna ang target board. I don't even know how I did it. Nang makita ko ang satisfied look ni Dreyxin ay hindi ako magkamayaw sa tuwa. I always want to make him proud of me and this is the start. I'm not the weakling like I used to be before and I am very much willing to be a useful asset to Dreyxin. I won't let him be disappointed of me, ever.

"Kaya ko ba talagang lumaban kasama ka? Paano kung pumalpak ako? O maging pabigat lang ako sa inyo?"

He stayed silent for a moment and just stared at me.

"Kaya mo bang labanan sila? Your parents who abandoned and betrayed you? Paano kung ako pala ang iiwan mo sa ere? 'Yan lang ang mga tanong na dapat mong sagutin. Because if it's about a question of abilities, yes, Lupe. You can fight them. You can even kill them in a blink of an eye."

Nabitawan ko ang pana't palaso at bumagsak ang tingin sa mga nangingining kong kamay. My family is the worst . . . but can I also be worse enough to end their lives? To make revenge? To punish them? To teach them the lesson they won't ever forget?

Hindi ko namalayang hinawakan na ni Dreyxin ang aking mga kamay. Despite his cold heart, his hands are so warm.

Naaalala ko pa noon kung paano niya ako kamuhian pero lahat ng iyon ay tinanggap ko. I accepted everything in him, I wanted to atone for my family's sins, and I believed that he will believe in me too. Kaya nang lumuhod siya sa harap ko para lang maisalba ako noon ay walang pagsidlan ang saya at kaalwanan ko.

Some may say that Dreyxin might just be doing this to use me for revenge, but if what I saw from his eyes the night he kneeled down surrendering was not sincerity, what is it then? Lalo na't ginawa niya iyon bago pa malamang mayroon din pala akong kapangyarihan na maaari niya talagang magamit laban sa aking pamilya.

Maybe this is just my wishful thinking. Or maybe not. But to whatever 'maybe' that this is right now, I will still hold on to it. Because there's nothing true to my life now but the love I have for him. Wala na akong ibang mapanghahawakan kundi siya lang.

Kahit marami akong negatibong nalalaman sa kanya katulad ng pag-iwan niya sa Nix levels ng Black Legion noon sa beach, hindi ko pa rin magawang maturuan ang sariling kasuklaman siya.

I should hate him but I always end up loving him more.

I want him to realize that he is actually the light he is always refusing to see. Isa siyang liwanag na nabalutan lamang ng kapangitan ng mundong puno ng kadiliman. That's what I believe and I won't ever doubt what my heart believes.

"They are heartless and despicable creatures, Lupe. They are the real demons who produced a monster I have become. I was supposed to hate you like how I despise them but . . . how? Paano ka ba kamuhian?"

One side of me will scream danger, the other will whisper security. Even now I am completely aware of the uncertainty of my destiny under his hands, but why do I keep believing in the greater possibility?

I have the eyes to see the truth but I am blinded by my faith. I have the hands to let go of him but I keep tightening my grip. I have the feet to go away from all the harm he may bring but I keep on running back to him.

"Ito na ang huling beses na ipaglalaban ko ang sarili ko. I already lost twice and I'll make sure my last war will indeed be in my favor. Freedom will be mine."

Mataman niya akong tinitigan at hinawakan sa magkabilang pisngi. "I assure you that war will dictate who will win the vendetta that has been long overdue now for three generations. I will give you another chance to choose. This is my last drop of mercy, Lupe. If you choose yourself, you can run from all these. I will set you free and you can live a normal life as what you deserved. If you choose them, train yourself now to fight and kill me when that day comes. But if you choose me, fuck, heaven and hell will break loose."

His voice almost cracked and this is the first time I saw fear in his eyes. Kahit noong pinaparusahan ako nina Huson ay hindi siya nagpakita ng kahit anong ekspresyon kahit taliwas doon ang kanyang pinakitang kahinaan at pagluhod para mailigtas ako. This man in front of me is so precious that he doesn't deserve all the hate that the world throws at him.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at nilapat sa aking dibdib. Isa lang naman ang sagot sa puso ko na kailanman ay hindi magbabago.

"Lalaban ako kasama mo. Ikaw ang pinipili ko."

Sa sobrang paninitig ko sa kanya ay nag-iwas na siya ng tingin. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa sinabi niya o sa sinagot ko pero kumuha na lang siya ng libro at nagsuot ng nakakapoging eyeglasses kaya muli akong naglaway. Kung ganito kagwapo ang teacher ay mas gusto kong matulala na lang kaysa makinig sa leksyon.

"Well then, I will teach you everything you need to know about Magique Fortress," sabi ni Teacher Dreyxin sabay ayos sa kanyang salamin. Excited akong kumuha ng silya at pumuwesto sa harap niya.

"In one condition," dugtong niyang nagpanguso sa akin.

"This is fucking stupid but . . ." may mga binulong siya sa hangin na hindi ko nasundan ang salita.

Lumapit siya at nagulat akong bigla niyang inalay ang kanyang pinky finger!

"You want to do a pinky promise? What promise?" Iyong nguso ko ay biglaang napangiti nang bonggang bongga habang siya ay tila hiyang hiya na gawin ito.

"I don't know! Just do it and promise me! Bilis!" nagmamadali niyang tugon habang ako nama'y hindi na matanggal ang ngisi. Dreyxin looks extra cute today!

Ikinawit ko na ang hinliliit ko sa kanya at nag-pinky promise kami.

'Promise me that you won't leave me.'

'Promise me that you won't forget me.'

Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipangako ko sa kanya at hindi niya rin alam ang kahilingan ko.

Yet we both said "I promise" as our fingers are still intertwined. Our pulse symbols suddenly appeared and lit up, acknowledging the promise we shared here in the unknown town of Hollow Midlands—the lost land where I found my world.

Kung ano man ang ipinangako ko sa 'yo, Mahal, tutuparin ko iyon hanggang sa dulo ng walang hanggan.

***

#ROAHS
© pixieblaire

Henlo! Yes po, buhay pa sina Lupe at Drey. Kumakapit sila, staying strong hahaha! I don't know if may mga kumakapit pa sa inyo or as I guess sumuko na ang karamihan but I will always be grateful to those who crossed paths with Lupe and Drey. Sorry for taking too long, marami lamang ganap sa buhay. I hope you are all doing well and fine. Keep safe always, twinkle stars! <3

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 1.2K 66
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
22.2K 1.1K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
69.3K 3.6K 40
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...