Angel in Disguise

By thatgirlnamedjai

1K 75 5

Everything started when Alister Kent Buenavista, a charming famous high school bad boy suddenly bumped into a... More

Synopsis
Kabanata I
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
ANG PAGTATAPOS

Kabanata 5

95 9 0
By thatgirlnamedjai

"Hindi mo 'ko kapatid, at lalong hindi mo 'ko Asawa."

"Ahh. Buti naman ayoko rin namang maging kapatid ka, pero okay lang sa 'kin kung maging asawa kita." Hinampas niya si Alister ng hindi na siya nakapagpigil.

"Hoy! Kung gusto mong mag pakamatay tumalon ka na lang sa kotse ko wag mo na 'kong idamay!" sigaw nito sa dalaga ng muntik nang lumiko ang sasakyan.

"Kasalanan mo naman e!" Inirapan niya ang binata pagkatapos nang nangyari. Mabuti na lang talaga at nag seat-belt siya.

"Kung aaminin mo sa 'kin na kaya mo 'ko hinampas ay dahil kinilig ka, hindi na 'ko magagalit sayo." Napapapikit na siya sa sobrang inis sa binata.

"Wow!" Tumingala ito at pinindot ang aircon sa harap niya.

Alister look at her with disbelief. "What are you doing?"

"Ahh... wala, hininaan ko lang nilalamig ako, sobrang lakas ng hangin!" In-emphasize talaga niya ang salitang hangin saka umiwas ng tingin.

#

Ilang minuto ang nakalipas nang makarating sila sa bahay. Wala pa rin si Alissa at sila na namang dalawa ang mag-kasama.

"Nakakapagod," reklamo ni Alister at hinubad ang itim na Leather jacket at sun glass na suot kanina.

"Nagugutom ako." Pag paparinig ni Angel.

"Eh di mag-luto ka," Alister replied.

"I don't know how..."

"Psh. 'Wag kang umasang lulutuan kita. Bahala ka nga r'yan." Umakyat na ito sa kwarto niya at iniwan mag-isa si Angel sa sala.

Humiga ito dahil sa pagod nang marinig nitong nag-iingay ang cellphone niya at nang makita niyang tumatawag si Gino ay walang gana niyang pinindot ang Answer button.

"Anong kailangan mo?"

"Pre, let's chill? Sunday pa lang bukas wala pa namang pasok, dito kami sa bar nina Xandro sumunod ka na lang, tangina daming chix dito"

Hindi agad ito nakasagot nang sumagi sa isip nito si Angel. Ayaw niyang maiwan itong mag-isa sa bahay lalo na at wala ang ate niya.

"Pass muna ako."

Tumawa ng malakas si Gino sa kabilang linya at hindi makapaniwalang sumagot.

"Seryoso? Ang isang Ali Buenavista, tumanggi mag-bar? Damn! Bro, that's not you! Hinahanap ka ng mga babae mo rito ikaw rin, bahala ka." Kay Nathan ang boses na narinig niya.

"Pakealam ko sa mga 'yan. Sige na mag pakalasing kayo!" Binabaan na nito ang kaibigan pagkatapos noon. Tumayo muli siya at bumaba ng kwarto, wala na roon si Angel sa sofa kung saan niya ito iniwan kanina.

'Nagugutom ako.' Naalala niyang sabi ng dalaga kanina, hindi niya alam kung bakit at paano siya kumilos ng ganoon kabilis hanggang sa makarating sa kusina at narealize na hawak na niya ang kawali.

"Oh, totoo ba ang nakikita ko? May sakit ka ba, Ali? Nagluluto ang kapatid ko jusko po!" Nilingon niya ang nagsalita at nakita ang ate niyang papasok ng pintuan.

"Hindi. Naglalaro ako dito, 'wag tanga," pilosopong sagot nito kay Alissa.

"Alister, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong gamitin 'yang mga term na 'yan sa 'kin? Ate mo 'ko, you should have some respect. Kung nandito lang si Angel ay kanina ka pa niya sinampal." Napangiti si Alister ng mabanggit ng ate niya ang pangalan ni Angel ngunit itinago niya lamang iyon.

"Ang babaeng 'yon! Alam mo bang sinampal niya 'ko sa harap ng ibang tao kanina sa school? Damn, ate! No one have the rights to slapped me... pero siya hindi siya natatakot kung patulan ko siya," sumbong nito kay Alissa.

"Talaga? Great! Edi nakahanap ka ng katapat mo... so, kumusta ang enrollment ni Angel? Makakapasok na ba siya sa Monday?"

"Yeah... can you give me that plate on yah side?" utos nito na mabilis namang ginawa ng ate niya. "Alam mo li'l bro, naninibago ako sayo, bumabait ka na ng slight." Inilapag nito ang plato sa lamesa ng mailagay dito ang niluto.

"How did you even said that? Wala namang nag bago ganoon pa rin ako sa dati. Ayoko pa rin sa mga babae at mahilig pa rin akong mantrip ng mga classmate ko. I still ditching class and disrespect my teachers. So tell me anong pag babago roon?"

"Hindi mo mahahalata sa sarili mo pero kaming nakakakita sayo napapansin namin. Look, kinakausap at pinapansin mo na si Angel."

"Kasama natin siya dito sa bahay at hindi maiiwasang hindi kami mag-usap lalo pa at pinaglalapit mo kaming dalawa palagi... isa pa, ang kulit kulit niya."

"But you did smiling when you're with her, didn't you? Hep... don't you ever deny it on me li'l bro nakikita ko iyong mga ngiti mo kapag kausap mo si Angel." Tumigil na ito sa pagluluto ng maiayos na ang pagkain.

"Isipin mo ang gusto mong isipin ate. But I swear it was nothing to me... oh ayan." His ate Alissa look at the plate he gave. "Send this to her, pakainin mo na nagugutom na daw siya kanina, you didn't teach her how to cook, patay gutom ang isang iyon tapos hindi mo tinuruan magluto ng sarili niyang pagkain, ako pa tuloy ang inabala, tss. Kulang pa ang mga tinuturo mo sa kaniya." Alissa laugh then cleared her throat. "Oh talaga? Ang bait naman ng li'l bro ko, naiinggit tuloy ako pinag-luto mo si Angel samantalang ako na kasama mo simula pag-kabata mo hindi manlang nakatikim ng luto mo. Now, tell me that it was nothing." May panunukso itong ngumiti sa kapatid.

"Psh. You're crazy." Walang pag-iintinding umakyat na muli sa hagdan ito at itinapon lang kung saan ang ginamit na Apron.

#

"Alister, hintayin mo nga si Angel!" utos ng ate niya nang makasakay siya sa kotse papunta sa University.

"Ano ba 'yan." Napapakamot ulong reklamo nito. "Oh... nasaan na?" tanong nito.

"Here!" Napatingin ito sa babaeng naglalakad patungo sa direksyon ng kotse niya. Hindi niya maitatangging bagay na bagay dito ang uniporme ng paaralan nila. Naka liptint at blush on pa ito na lalong nagpatingkad ng ganda nito. Naka messy bun naman ang style ng mahabang buhok nito at may dalawang nakalugay na takas na buhok na nagsilbing bangs nito.

"Itsura mo? Sinong sumampal sayo?" Malakas ang itinawa ni Alister para asarin ang good-mood na dalaga.

"Gusto mong ikaw ang sampalin ko? Epal!" sagot nito at nakasimangot na sumakay sa kotse.

"Bye, ate!" Angel waved to Alissa when Alister starts the engine of his car.

"Anong section mo?" basag ni Alister sa katahimikan.

"Kaklase mo 'ko," nakangiting sagot ni Angel habang hawak ang papel kung saan nakasulat ang schedule ng klase niya.

"What? No fvcki-" Hindi na naituloy ni Alister ng sampalin agad siya ng dalaga. "Iyang bibig mo talaga, hindi ba sinabi kong 'wag kang magmura e 'di ba?" pangaral nito na parang nakatatandang kapatid.

"Okay pa sana kung hinalikan mo na lang ako baka titigil ako sa pagmumura kaso, sampal? Hindi mo 'ko madadaan sa pasampal-sampal mo," Alister replied.

"Hoy, baka gusto mong kabila naman? Para parehas tayong naka blush on?"

"Psh. Hindi ko talaga alam kung bakit nagpapauto ako sa 'yong babae ka. Sa school namin, ako ang hari roon... walang nakakalapit sa 'kin ng ganito, katulad sayo," inform ni Ali kay Angel.

"So? Hindi naman sila ako, saka wala naman akong pakealam kung ikaw iyong hari ro'n at may kapangyarihan kang kontrolin lahat ng taong nakapaligid sayo. But I just want to remind you na hindi lahat ng tao nandyan para sayo, Alister. That's why you need to learn how to value things around you, also appreciate those people who cares for you habang hindi pa huli ang lahat dahil hindi mo na kailanman maibabalik ang oras para lang pagsisihan ang pagkawala ng isang bagay na hindi mo pinahalagahan noon..." parehas silang tahimik hanggang makarating sila sa University matapos ang sinabi ng dalaga.

Naunang bumaba ng kotse si Angel na agad pinagtinginan ng mga estudyante, hindi niya ito pinansin at pumasok na sa loob dahil nakilala agad siya ng Security Guard. Hindi na niya hinintay si Alister at hinanap nalang niya ang classroom. Sa paghahanap niya ay nakasalubong nito si Anna.

"Hey, omg! Angel?" bati nito habang nakangiti at lumapit sa kaniya.

"Oh, nandito ka? Akala ko Saturday ang pasok mo?" tanong nito pabalik kay Ana.

"Yeah, actually Monday, Wednesday, and Saturday ang schedule ko. Anong first subject mo?" She show her her schedule. "Oh! We're on the same room pala? Yes! Actually kaklase ko si Alister and I'm glad kaklase na rin kita." Nagpahila na siya kay Ana at dinala ito sa room nila.

"Dito ka na lang muna umupo habang wala pa ang teacher natin. Mamaya na lang niya sasabihin sayo kung saan ka uupo, alphabetically kasi ang seating arrangement dito," ani Ana.

Tumango na lang ang dalaga at umupo na sa tabi ni Ana.

"Hoy madaya ka hindi ka manlang sumama sa 'min noong weekend!" ani Xandro habang sabay-sabay silang tatlong naglalakad patungo sa classroom. Hindi na alam ni Alister kung nasaan na si Angel kaya kanina pa siya palinga-linga sa paligid.

"Nakikinig kaba? Sino bang hinahanap mo, bro?" tanong na rin ni Nathan na kanina pa nagtataka sa ikinikilos ni Alister.

"W-wala naman," simpleng sagot nito at nag-iwas ng tingin.

"May chix daw na transferee ngayon?" balita ni Gino sa kanila habang nakatingin sa cellphone nito.

"Oo nga maganda raw, usapan sa labas kanina pagpasok ko," sabad ni Xandro.

"Ano raw pangalan?" tanong ni Gino kay Nathan.

"A-Analyn yata... basta 'di ko masyadong narinig ng maayos, ang ingay kasi nila," reklamo ni Nathan.

Hindi nagsasalita si Alister kahit pa may kutob na ito na si Angel ang tinutukoy ng mga ito. Pumasok na sila sa loob ng classroom at awtomatikong tumaas ang kilay nito ng makita si Angel na kausap ang mga kaklase nito.

"Oy! Nandito pala?" Nagkatinginan silang magkakaibigan. "G*go p're ang ganda nga," bulong na sabi ni Nathan kay Gino habang nakatingin kay Angel.

"Oo nga. Mukhang gaganahan na akong pumasok ngayon. Shet!" si Gino iyon.

"Mga gung-gong magtigil nga kayo!" naiinis na saway ni Alister sa mga kaibigan dahil kanina pa siya naiinis sa naririnig na usapan ng mga kaibigan tungkol sa dalaga.

Agad na tumahimik ang klase ng pumasok ang apat. Lahat sila takot at hindi tumitingin kay Ali. Nagkataon na may nakaupo sa upuan ni Alister kaya tumigil ito sa tapat ng upuan.

"Did I gave you rights to sit on my chair?" seryosong tanong ni Alister.

"S-sorry akala ko kasi ito yung upuan ko pasensya na..." paumanhin ng lalaking takot na takot.

"Stupid? Aren't you familliar on your chair para mapagkamalan mong sa 'yo ang upuan ko?" Tumataas na agad ang tens'yon sa dalawa at ramdam na ni Angel na unti-unti nanamang nagagalit si Alister sa kausap kaya tumayo ito mula sa upuan at naglakad palapit sa nag-aaway.

"Ali, stop..." Napunta sa kaniya ang atens'yon ng lahat at nagsimula nang pag-usapan siya.

"'Wag kang makialam dito," sagot ni Alister na lalong nagpaingay sa paligid pero walang pakialam ang dalawa doon.

"Umalis ka sa harapan ko bago pa mag-dilim ang paningin ko sa 'yo."

Ganoon talaga si Alister mas'yadong mabilis uminit ang ulo at kapag hindi na ito nakapagpigil sa tinitimping galit ay para itong bulkang sasabog na lamang basta.

"Ali, I said stop it!" muling saway ng dalaga.

"Hindi porket anak ka ng may-ari ng school na 'to p'wede ka nang mag hari-harian dito!" Okay na sana ang sitwasyon kung hindi lang sumagot pa ang lalaking kaaway ni Alister. Kaya ngayon ay talagang nakatikom na ang kamao. Mabilis na tinabihan ni Angel si Alister dahil alam niyang maya-maya lamang ay makakatikim na iyong lalaki kay Ali.

"At sino ka para kalabanin ako?" Lumapit ito at kinuwelyuhan ang kaklase. "Next time, know who you're messin' up with. Know your limits dahil hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sayo!" Nagpapanic na ang lahat ng estudyante sa loob ng classroom dahil sa pag-aaway ng dalawa.

"Matapang ka lang naman kasi nasa 'yo ang panig ng eskwelahan, kasi walang magsusumbong sa 'yo sa daddy at lola mo, kung wala kang kakampi tingnan natin ang tapang mo." Itinulak ito ni Alister sabay suntok sa labi kaya natumba ang lalaki hawak ang dumudugong labi.

"Gago ka ba? Wala kang karapatang sabihin sa 'kin 'yan! At sa susunod siguraduhin mo munang kaya mo 'kong tapatan bago mo 'ko yabangan t-ngina ka!"

"Alister! Tama na please, hayaan mo na lang siya." Hawak na ni Angel ng mahigpit ang kamay ni Ali at nang mapansin ni Alister iyon ay parang kumalma siya sa matinding galit, huminga ito ng malalim saka tinadyakan ang upuan at lumabas ng classroom.

Sinundan ito ng dalaga pero hindi niya ito nakita kaya bumalik na lang ito sa classroom at nakasalubong si Nathan, Gino, at Xandro.

"Kaano-ano mo si Ali?" seryosong tanong ni Gino kay Angel.

"Oo nga, magkakilala na talaga kayo?" Sunod namang nag-tanong si Xandro.

"Hayaan na lang muna natin si Ali, gano'n talaga 'yon kapag sobrang bad trip," suhestiyon ni Nathan.

"Alam niyo ba kung saan siya pumupunta kapag ganoon?" tanong ng dalaga sa mga kaibigan ni Ali.

Nagkatinginan ang tatlo saka nagsalita si Gino, "Hindi naman siya lumalabas ng campus kapag ganoon siya. I'm sure nasa music theater iyon dumiretso at kung lumabas man iyon, sa bahay nila lang iyon pupunta. Don't worry nagpapalamig lang ng ulo iyon, after this babalik din 'yon..." Tumango na lang si Angel kahit pa nag-aalala pa rin ito kay Alister. Sana nga hindi ito kung saan lang pumunta.

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
991 199 40
The world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take...
1K 229 74
salitang gamit na gamit kapag nagbabasa ng isang story tungkol sa isang taong natutong ma-inlove
94.3K 4.9K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...