Courting Him (Guillermo Serie...

By tearscream

5.6K 304 34

Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she pla... More

First Encounter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 9

212 16 0
By tearscream

Hide

Was there ever a time in your life when you are just too tired to get out of bed, that even blinking hurts and you just want to sleep forever and not wake up?

"Carlotta Jian! Bumangon ka na dyan, tanghali na!"

'Yon ang problema. My sore muscles are screaming! Hindi ko na kaya, wala na kong lakas. Ugh.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang gulat na mukha ng pinsan ko.

"Hoy? Na-paralyze ka ba? Dadalhin na ba kita sa hospital? Bakit nakatulala ka sa akin?! May nangyari ba sa panaginip mo? Hindi mo na ba ako nakikilala?! OMG! May amnesia ka ba?!"

Kakabasa niya ng Wattpad kung ano-ano na tumatakbo sa utak niya jusko.

"Sakit ng muscles ko," I croaked.

She tsk-ed. "Ayan! Ayan ka, eh! Sinabi na sa'yo kahapon ni Coach na 'wag mo masyado i-strain sarili mo. Nagpadala ka kasi sa galit at inis mo kaya ayan napapala mo," pangangaral niya.

Hindi ko na siya pinansin at pinikit na lang mga mata ko. Kung pwedeng matulog ako hanggang bukas, eh.

Narinig ko ang yapak ni Tate na papalapit sa akin. "Kawawa ka naman, pinsan. Wait hiramin ko massage equipments ni Iris," sabi niya at tumakbo papalabas ng kwarto ko.

Kahit na may saltik pala sa ulo 'yon, maasahan naman pala.

Pumasok siya ulit at umupo sa kama ko. "Heto na lang muna tapos inom kang Ibuprofen mamaya bago tayo umalis."

Kumunot noo ako. "Alis? Sinong nagsabing aalis tayo?"

"Syempre lumabas naman tayo, Carly! Buti pa sina Tippy at Iris may date ngayon kasi walang pasok tapos tayong single, tatambay lang dito sa bahay?" reklamo niya habang pinapadaan ang massager sa legs ko.

"May pera ka ba?"

"Kikitain natin si Sir Gab. Manlilibre raw siya. Bayad niya sa akin dahil doon sa pina-assign niya ako as photographer niyo. Tapos, isama raw kita kasi baka kapag iniwan kita dito eh magpaplano ka na paano siya patayin."

Aba matalino rin ang Gabriel na 'yon, ah.

"Akala ko ba may meeting ang faculty ngayon? Bakit makikipagkita siya?" Monday kasi ngayon. Death anniversary ng founder ng Hillpointe at wala kaming pasok kasi 'yong faculty eh magpi-pay visit yata sa grave and offer mass o ano.

"Kanina pa raw kasi 9 AM 'yung misa. May lunch pa nga pero hindi na raw siya sumama kasi puro matanda daw andoon," paliwanag ng pinsan ko. Pinadapa niya ako para naman ang likod ko ang imamasahe niya.

"Anong oras ba?" tanong ko habang napipikit ang mata. Nagdidiwang mga muscles ko sa massage.

"Sabi niya mga 2 PM daw kasi morning shift daw si Ate Mitch. Hahabol na lang daw if ever," sagot niya. "Magtaxi na lang tayo, ah? Hindi mo naman yata kayang magdrive at lalo naman ako na wala pang lisensya."

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. May kung ano pa siyang dinagdag pero hindi ko na narinig dahil patulog na ako ulit.

Mga bandang 1:30 noong ginising ako ni Tate. Nakatulog pala ako ulit. Gusto kong lumublob sa tub kaso shower at heater lang meron sa banyo ko. Si Iris ang meron sa kwarto niya pero nakakahiya namang makiligo doon.

Tumayo ako at pinakain niya muna bago uminom ng gamot. Tapos pumasok na ako sa banyo para maligo.

Ang sarap ng mainit na tubig sa katawan. Kasalanan ko rin kasi bakit ang sakit ng katawan ko. Pagkatapos kasi ng game namin noong Sabado, I practiced hanggang sa gumabi na lang. Buti na lang Kuya Jon and Lay are kind enough to monitor me while memorizing the choreo I missed. Buti na lang din at hinatid nila ako pauwi.

Akala ko noong Sabado, wala kaming practice pagka-Sunday. Pero umagang umaga ng tawagan ako ni Coach Andrea. Nalimutan niya kasing sabihin na may practice kami whole Sunday dahil na rin nga at walang klase ngayon. Kaya ayun, sinagad ko naman ang practice kaya heto at nagrereklamo ang buong katawan ko. Buti na lang at tinapos ko na kagabi 'yong assigned readings and annotations ko.

* * *

Alas dos y media na ng makarating kami sa restaurant na sinabi ni Gabriel. Medyo mahal ang bayad ko sa taxi dahil malayo pala 'to sa Campus, pero nasa Guillermo pa raw kami sabi ni Tate. Sa bakasyon dapat siguro libutin ko ang buong Guillermo.

Gab waved at us. Agad namang naglakad ang pinsan ko papunta sa kanya kaya sumunod na ako.

"Filipino time talaga kayo, noh?" bati niya sa amin.

"Ang tagal kasi gumalaw ni Carly! Masakit daw buong katawan niya kaya natagalan kami," Tate explained as she sat down. "Saan si Ate Mitch?"

"Running late. Hahabol na lang siya. Gutom na ba kayo? Mag-order na kayo."

Tinawag na ni Tate ang waiter at nag-order na ng pagkain. Ang dami niyang in-order. Sinusulit talaga ang libre ni Gab, eh.

"Uulitin ko lang po, Ma'am. 1 platter ng rice, fried shrimp, crispy pata, calamares, sinigang na baka, iced tea and mango milkshake?"

Tumango si Tate bago tumingin sa akin. "Ikaw, Kamahalan, anong order mo?"

Medyo natawa ako noong nanlaki ang mata ng waiter. Akala niya yata para sa grupo na namin 'yung sinabi ni Tate. Ang takaw nyan, eh. Ngayon pa na wala pa siyang allowance at libre ni Gabriel.

Pagkatapos sabihin ni Gabriel ang order niya eh umalis naman agad 'yung waiter. Nagpaalam naman si Tate na iihi muna siya kaya naiwan kami ni Gabriel sa mesa.

"Kamusta naman ang game para sayo?" he asked, smirking. "Ready ka na ba sa ipapagawa ko sa exit assessment?"

I groaned. "Paano kapag hindi ko ginawa? Hindi ba pwedeng ipasa mo na lang ako sa class mo?"

Napailing siya. "I told you, all is fair in Social Relations. Hindi ako madayang teacher. And, if you decide not to make my exit assessment, magiging behind ka sa classes mo."

'Yon din isa ko pang naiisip. Admin gave me a chance to take up this course para next semester eh regular student na ako. Makakakuha ako ng majors tapos makaka-graduate ako on time. Kapag hindi ko ginawa 'yung EA ni Gabriel, for sure madadagdagan ako ng 1 year dito. Ugh.

"What if exams na lang kunin ko? And activities? Won't it make up for my grades on your exit assessment?"

"Nah," he stated. "I love teaching interactive classes, Carly, pero tamad na tamad akong gumawa ng exams. Kaya nga pinagagawa ko kayo ng exit assessment dahil usually, ang grade sa EA and final exam ay iisa lang. So if binigyan kita ng 0 sa EA, 0 rin ang grado mo sa finals."

I glared at him. "Hindi ba pwedeng madali lang ang ibibigay na task sa akin? Magkamag-anak naman tayo?"

"Carly, nasa kamay mo ang kung anong gagawin mo sa EA ko. At isa pa, mas dapat nga akong maging mahigpit sa'yo kasi magkamag-anak tayo. Ayoko isipin ng iba kong students na unfair ako," paliwanag niya.

"Bakit feeling ko gusto mo talaga 'tong namo-mroblema ako at gawin ang EA mo dahil pangalan ni Levi ang nabunot ko?" I accused. He just chuckled.

May itatanong pa sana ako ng may nakita akong umiilaw sa peripheral vision ko. Napalingon ako agad. Saan galing 'yon?

"May problema ba?"

"Wala," I answered but I'm still bothered. Why do I feel like someone's watching us?

I instantly saw someone getting up from her seat, mukhang paalis na. That person kind of looks familiar.

"Huy! Ano tinitignan mo dyan?"

Binaling ko ang tingin ko kay Tate na umuupo na ulit sa tabi ko at nakikilingon sa akin. Noong tinignan ko ulit 'yong babae kanina, nawala na siya.

"Ate Mitch!" Tate squealed when she saw someone arriving.

Nawala na ang atensyon ko doon sa babae at napatingin na kay Ate Mitch.

* * *

Tuesday.

I tried to be as inconspicuous as possible. Wala kaming schedule ng SocRel every TTH pero precautionary measure na rin 'to para wala akong makitang bwisit ngayong araw.

"Anong kagagahan 'yan?" asked Tate after giving me a once-over.

I'm wearing sweatpants, long sleeves shirt and running shoes. Humingi pa ko ng masks sa kanya at gumamit ng cap para itago lalo ang mukha ko. Pati nga 'yung lagi kong ginagamit na bag sa school eh pinalitan ko ng hindi ko pa ginagamit in case someone will recognize my things.

"Wala ka namang sakit? At alam mo naman na mainit sa Pilipinas eh nakaganyan ka pa?" nakapamaywang niya pang dugtong.

"Alam ko. Nagdala nga ako ng extrang damit para sa practice mamaya at gagamitin ko rin ang kotse ko papuntang school. Alam mo na, gabi na rin akong nakakauwi kaya mabuti na 'yon," I explained.

Tinaasan niya ako ng kilay. "O baka may iniiwasan ka lang?"

Hindi ko na siya pinansin at pinulot na ang backpack ko. "Sasabay ka ba or maglalakad ka lang?"

"Sasabay na! Aba, paglalakarin mo pa ko e may kotse ka naman," himutok niya.

Lumabas na kami ng kwarto ko at sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Iris. Mukhang bagong gising pa nga.

"Umuwi ba si Tippy kagabi?" she asked groggily. Nagkatinginan kami ni Tate. Umuwi ba? Hindi nga pala namin sila nakita buong araw kahapon.

Nataranta naman ang pinsan ko at tinungo ang kwarto ni Tippy. Pumasok siya sandali bago lumabas.

"Hala ka, wala si Tippy sa kwarto!" she said histerically.

Kinuha ko agad ang phone ko para sana tawagan si Tippy pero pinigilan ako ni Iris.

"No, don't call her. She's old enough to know what she's doing. You guys can go, baka ma-late kayo. I'll wait if uuwi naman siya. I've got afternoon classes today."

Nagpaalam na kami kay Iris bago lumabas ng bahay. Pagkaandar ko ng kotse, tinanong ko agad si Tate.

"Nagpaalam ba siya na hindi siya uuwi kagabi?"

Umiling siya. "Ngayon lang yata siya hindi nagpaalam. Pero baka may ginawang projects lang kaya hindi nakauwi, 'diba?"

I didn't answer. We both know the truth and we both know who she spent the night with.

Dumaan muna kami ni Tate sa isang coffee shop na medyo malayo-layo sa gate 1 ng school. Pinababa ko siya para bumili ng kape at two boxes of donuts para makain namin as breakfast. Binigay ko na sa kanya 'yung isang box dahil alam ko na tipid na tipid siya ngayon at baka hindi nanaman siya kakain ng lunch. Ewan ko ba sa kanya. Pwede naman siyang humingi ng allowance sa nanay niya pero nauuna lagi ang hiya niya kaya sa tatay na lang niya siya umaasa.

Pagka-park ko pa lang ng kotse, nakita ko na si Yuan na nag-aabang sa waiting shed malapit sa parking lot. Agad lumabas ng kotse ang pinsan ko at tumakbo papunta sa best friend niya. Hindi man lang nagpaalam! Napakabastos, haynako.

Kinuha ko na ang bag ko saka bumaba na rin ng kotse, doing my best to be as unnoticeable as possible.

Pagkapasok ko pa lang ng room, my classmates are looking at me weirdly.

"Anong get-up 'yan?" tanong ni Anya noong maupo ako sa tabi niya. Wala pa si Sir Cruz kaya nagtsi-tsismisan pa 'yung iba.

"Trip ko lang," sagot ko naman. "Wala namang class ang MA students dito sa building na 'to ngayon, noh?"

She smirked. "Are you trying to hide from someone?"

"Hala? 'Wag mo kong inaakusa. Nagtatanong lang ako," I answered defensively.

"Okay. Kapag nagtanong si Levi mamaya kung nasaan ka, sasabihin ko ba?"

Pinanlakihan ko siya ng mata at umiling. "Please lang, ha, for once don't tell him my whereabouts! Ikaw yata nagsasabi sa kanya kung nasaan ako lagi kaya nahahanap niya ako, eh."

"Crush niya kasi si Dan, Carly, kaya hindi makatanggi kay Levi 'yan," singit ni Sam, kabarkada ni Anya at naging kaibigan ko na rin.

Agad namang pinagpapalo ni Anya si Sam dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga silang nagka-crush sila doon sa 4 na 'yun? Kung nakikita lang ni Anya kung paano ang grupo ni Levi sa SocRel, baka na-turn off na 'to.

"Carly, 'wag mong sasabihin kay Dan, ah!"

Ngumisi naman ako. "Kapag ipa-promise mo na hindi mo sasabihin kay Levi kung nasaan ako - ever - hindi ko sasabihin kay Dan."

"Blackmailer!"

Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa harap noong dumating na ang prof namin.

After that class, inaya ako nina Anya sa sa library para tumambay while waiting for our next class. Hindi na ako sumama sa kanila at baka may makita akong ikakasama ng araw ko.

I stayed in the Ladies' Lounge every break. On my last class for the day, Asian History, halos lahat ng kaklase kong babae eh nagsasabi na may naghahanap daw sa akin.

"Tinanong nga ako kung nakita ba raw kita. Syempre tinanong ko kung bakit, sabi niya hindi lang daw siya sanay na 'di ka makita around campus."

I snorted. Wala 'yata siyang mapagtripan ngayon. Edi humanap na lang siya ng ibang babae tapos doon siya gumamit ng pickup lines hindi 'yung puro ako jusko! Umay na umay na ako!

After asking us to jot down the 10-pages homework about Southeast Asian history, the professor dismissed us. Niligpit ko na ang mga gamit ko para tumambay ulit sa Ladies' Lounge hanggang 6 PM para sa practice namin mamaya.

Nagpaalam na ako kina Anya na mauuna na. Maglalakwatsa pa nga 'yata sila dahil may bagong bukas na coffee shop daw sa mall ngayon at gusto nilang puntahan. They invited me pero dahil nga may practice rin ako, humindi muna ako.

It's nearing 5 PM and magcclose na ang cafeteria. Nakauwi naman na siguro si Kumag so I decided to go and buy food habang naghihintay para sa practice mamaya.

Kaunti na lang ang tao sa caf pati na rin ang pagkain. Bumili na lang ako ng puto at tubig dahil 'yun na lang ang available.

"Ma'am, ipapasukli ko po muna sa manager. Nakuha niya na kasi ang pera po. Sandali lang po," paalam noong caf lady sa akin. No choice rin ako kaya umupo na lang muna ako.

I heard the caf's door opened and a group of guys entered. They sat a few tables in front of me and my eyes widened when I realized it's Levi's group.

Agad kong binaba ang suot kong cap at inayos ang mask ko.

"...hindi ko nakita. Sabi naman sa akin um-attend naman daw ng mga klase niya," rinig kong sabi ni Levi. Kami na lang nga yata ang narito sa loob at ang lakas ng boses niya. Buti na lang at nakatalikod siya sa akin.

"Baka umuwi na? Tapos na ang klase nila diba."

Tumingin ako sa may counter. Ang bagal naman ni Ate. Gusto ko ng umalis!

"Hindi talaga kumpleto araw mo kung 'di mo siya bubwisitin," nang-iinis na sabi ni Uno.

Narinig ko silang tumawa kaya napalingon agad ako. Nagsisi lang ako dahil nakita ko si Rage na nakatingin sa akin. Siniko niya si Dan na katabi niya.

Shit!

"Baka naman pinagtataguan ka," natatawang sabi ni Dan kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Kahit anong tago niya nakikita ko pa rin naman siya, ah. Ngayon lang talaga hindi," Levi replied.

"Baka kasi naka-disguise para hindi mo mahanap!" Rage said. "Baka nagkalo tapos naka-mask at jacket pa, ganon."

Anak ng--

Nakita kong bumalik na si Ate kaya agad akong tumayo palapit sa counter. Nagpasalamat lang ako bago ako kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.

Narinig ko pa silang tumawa pero hindi ako tumigil sa kakatakbo hanggang makarating sa Ladies' Lounge. Putspa! Muntik na 'yon!

* * *

Ajaioow9q

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
2.2M 98.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
317K 16.4K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...
1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...