Everything I Want [BOOK 1]

By barbsgalicia

3.6M 89.9K 12.9K

[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at... More

Everything I Want
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
BOOK TWO: Everything I Need

Chapter 27

63.2K 1.9K 385
By barbsgalicia

ARKHE

"ARK? ARE YOU going to sleep beside me tonight?"

Napatingin ako kay Sab na nagsusuklay na ng buhok sa tapat ng salamin. Nakapagbanlaw na kami ngayon at handa nang matulog

"Gusto mo ba 'kong katabi?" tanong ko.

"Of course. Namiss nga kita. Sleep beside me and keep me warm, please?"

Ngumiti ako. "Sige." Nilapitan ko na siya para pagmasdan sa tapat ng salamin.

Siya lang yata 'yong babae na ang ganda at ayos na ayos pa rin kahit na matutulog na. Nakasuot siya ngayon ng mahabang bistida na kulay puti. 'Yong parang pang-manika? Sobrang bango niya pa. Amoy na amoy ko 'yong pinahid niyang lotion sa katawan.

"Why are you staring at me like that?" bigla niya namang tanong no'ng mapansin ako.

Napangiti lang ulit ako sabay tumuloy na ng lapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Siniksik ko ang mukha ko sa mabango niyang leeg. "Wala. Namiss lang din kita."

Hinaplos niya saglit 'tong mga braso ko na nakayakap sa kanya tas umikot na siya paharap sa 'kin. Ang tamis ng ngiti niya. "This is one of the happiest nights of my life."

"Parehas tayo." Inipit ko ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

Bigla naman siyang nagbaba ng tingin sa mga peklat ko sa balikat pati sa dibdib. Wala kasi akong suot na T-shirt ngayon. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mga 'yon gamit ang daliri niya.

"H'wag mo nang tingnan 'yang mga 'yan," sabi ko.

"Hindi ko kayang hindi tingnan, eh. Nakakapag-alala. Iniisip ko kung gaano kasakit no'ng nakuha mo 'tong mga sugat na 'to."

"Wala lang 'yan. Malayo sa bituka."

Binalik niya ang tingin niya sa 'kin. "Ark, please don't get into fights again."

"Hindi na. May magbabantay na ulit sa 'kin ngayon e." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan na siya sa noo. "Sige na, tulog na tayo. Madaling-araw na. Maaga pa tayo aalis bukas."

"Okay." Tumapat na ulit siya sa salamin. Tinapos niya lang ang pagsusuklay niya ng buhok tapos nauna na siyang humiga sa malaking kama.

Ako naman, pinatay ko muna 'yong ilaw bago ako sumunod. 'Yong mga lampshade sa magkabilang gilid ng kama na lang ang nakabukas ngayon.

Pagkahigang-pagkahiga ko, niyakap ko agad siya at sinubsob sa dibdib ko. Ngayon na lang yata ulit ako matutulog nang ganito kasaya.

Tumingala siya sa 'kin at ngumiti. "Goodnight."

"Goodnight. Tulog ka na." Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at pinahiga na ulit dito sa dibdib ko.

Hindi pa naman muna ako pumikit. Parang gusto ko lang muna siyang pagmasdan na nakayakap sa 'kin ngayon.

Akala ko hindi na ulit 'to mangyayari—'yong makakasama ko siya nang ganito. Ang tindi pa rin talaga ng tama ko rito kay Sab. Ilang taon ang lumipas na pinaniwala ko ang sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya, pero ito ako ngayon, nasa tabi niya ulit. Sa kanya pa rin talaga ako bumalik.

Sobrang gaan na sa pakiramdam. Para nga akong nabunutan nang malaking tinik sa dibdib pagkatapos naming mag-usap kanina. Pinagtapat ko talaga lahat. Nagtagal kami roon sa jacuzzi kasi sinabi ko lahat ng mga nangyari sa 'kin dati noong nagkahiwalay kami. Kinwento ko na ilang beses akong pumasok sa gulo at maraming beses akong nangbabae.

Sinabi ko na rin lahat-lahat tungkol kay Koko, kung paano kami nagkakilalang dalawa. Inamin ko na hinalikan ko 'yon, pero hanggang do'n lang naman 'yon. Walang ibang nangyari sa amin. Akala ko nga magtatampo siya nung binanggit ko ang tungkol doon, pero naintindihan niya pa rin. Sobrang bait niya, hindi man lang siya nagbago.

Sinilip ko ulit siya ngayon dito sa dibdib ko. Mukhang nakatulog na siya. Pagod 'to, eh. Hindi naman kasi 'to sanay sa puyatan.

Pumikit na rin ako. Masaya ako sa nangyari ngayong gabi. Ilang araw na ring tumatakbo sa isip ko 'tong plano kong makipag-ayos. Sabi ko pa nung kelan lang, susubukan kong sumabak ulit kahit hindi ko alam kung may patutunguhan. Pero ngayon, siguradong-sigurado na ako. Akin na ulit siya at hindi na siya mawawala sa 'kin.

***

KINAUMAGAHAN, BIGLA NA lang akong nagising nang maramdaman si Sab na bumangon na at umupo sa gilid nitong kama.

Napabangon na rin ako kahit na antok na antok pa 'ko. "Ayos ka lang?" Nakapikit kasi siya nang madiin, para siyang naalimpungatan.

Hindi naman siya sumagot. Hinaplos ko na siya sa buhok. "Sab?"

"C-could you please get my bag?" tinuro niya 'yong mesa.

Tuluyan na akong bumangon para kunin. Binigay ko sa kanya 'tong bag niya. "Bakit?"

Umiling lang siya, tapos may kinuhang gamot do'n sa loob. "Can I have water, please?"

Napakunot ako ng noo. "Bakit, may masakit sa 'yo?"

"N-nothing."

"Para saan 'yang gamot?"

"Wala, uhm, m-medyo nahihilo lang ako." Tumingala siya sa 'kin. "Ark. Water, please?"

Umalis na lang muna ako para kumuha. Pagkabalik ko, parang namumutla na siya. Lumuhod agad ako sa tapat niya at inabot 'tong maliit na bote ng tubig. "Anong nangyayari sa 'yo?"

Ininom niya muna 'yong gamot bago tumingin sa 'kin at ngumiti. "Wala. Nahilo ako pagkagising, e."

"Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?"

"Nakatulog."

"Bakit bigla kang nahilo?" Inipit ko ang buhok niya sa likod ng tenga niya. "Baka naman kasi binigla mo ang pagbangon mo? O baka nagugutom ka na? Hindi na ulit kasi tayo kumain kagabi pagkarating dito sa hotel."

Ngumiti lang ulit siya. "B-baka nga. Siguro nagugutom na ako."

"Sige, tatawag na ako sa baba. Magpapahatid na lang ako ng pagkain dito." Hinalikan ko siya sa noo, "mag-relax ka muna," tapos umalis na ako para tumawag sa front desk nitong hotel.

Nilingon ko pa si Sab bago ako tuluyang lumayo. Bigla akong nag-alala, namumutla talaga siya. Gano'n na ba siya ngayon kapag nagugutom?

WALA PA NAMANG kinse minutos, dumating na rin sa kwarto 'yong inorder kong almusal.

Dito na kami ni Sab kumain sa mesa sa may labas, malapit sa jacuzzi. Para naman mahanginan siya pati tuluyan nang mawala ang pagkahilo niya.

"Ayos ka na?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

Ngumiti siya at tumango. "Yes, better now."

"Buti naman. Nag-alala ako sa 'yo kanina. Ang putla mo e."

"Sobrang putla ba? Sorry. Pero okay na ako ngayon."

"Sigurado ka? Babyahe na tayo pauwi mamaya. Baka bigla ka uling mahilo, malayo 'yon."

"Hindi na. Nakakain na ako e." Tapos bigla na niyang tinimpla 'yong kape niya. Nilagyan niya ng asukal pati creamer.

Napangiti na lang ako. "Nagka-kape ka na ngayon?"

"Ah, yeah. Noong nasa New York ako, sinubukan kong uminom ulit ng kape kasi namimiss kita at alam kong paborito mo 'to. Tapos nagustuhan ko na. Madalas na akong nagka-kape. Marunong na nga akong magtimpla nito. Matitimplahan na kita nang masarap. Tsaka alam mo, marunong na rin akong magluto ngayon." Proud na proud pa talaga 'yong itsura niya.

Natawa na lang ako sa loob-loob ko. "Talaga? E 'di lulutuan mo na rin ako niyan?"

"That's actually the goal. Nag-aral talaga akong magluto para kung sakaling makabalik ako sa 'yo, maipagluluto na kita."

"Gusto ko niyan. Pag-uwi natin sa Maynila, lutuan mo na 'ko agad."

"Sige." Sabay higop na niya sa kape niya.

Natutuwa na lang ako. Buti naman mukhang ayos na talaga ang pakiramdam niya ngayon. Kanina bago kami kumain, halos hindi ko siya makausap e. Natutulala lang siya, parang may malalim na iniisip.

"Mamaya pala," sabi ko, "dadaan ako sa Third Base. May aasikasuhin lang ako saglit. Gusto mong sumama sa 'kin?"

"Okay. Wala naman akong gagawin sa bahay."

"Baka naman hanapin ka na nong bago mong bodyguard?"

Bigla siyang natawa habang humihigop ng kape. "Ark! Nagseselos ka ba talaga kay Lukas?"

Hindi na ako sumagot. Tumuloy na lang ako sa pagkain.

Ginulo-gulo niya naman bigla ang buhok ko. "You're so cute, my love. But there's nothing to be jealous about. Bodyguard ko lang talaga si Lukas at binabayaran siya para protektahan ako."

Tinanguan ko na lang siya. T*ngina ewan ko ba, inaatake na naman ako ng pagiging seloso ko. Naaalala ko lang kasi 'yong sa birthday ng anak ni Jewel. Iba tumingin 'yong Lukas na 'yon kay Sab.

***

PAGKATAPOS NAMING KUMAIN, naghanda na agad kami para umuwi. Alas-nueve pa lang ngayon kaya siguradong maaga kaming makakabalik ng Maynila.

Naisipan ko munang silipin 'yong cellphone ko habang hinihintay si Sab na matapos mag-ayos. Hindi pa ako nakakapag-cellphone ulit mula pa kagabi. Baka mamaya biglang nagkaproblema sa club.

Kaso pagkabukas ko nitong cellphone, natigilan na lang agad ako kasi puro text galing kay Koko ang natanggap ko.

Binasa ko 'yong isa.

| Hi. Nasaan ka ngayon? Pwede ba tayong magkita? |

Napakunot ako ng noo. Ang tagal ko pang tinitigan 'tong text. Bakit bigla niyang gustong makipagkita sa 'kin? Akala ko ba nagkaintindihan na kami kasi hindi na nga kami nagparamdam sa isa't isa?

Sakto naman ngayon, bigla nang lumabas si Sab galing sa banyo. Nakabihis na siya ng bistida niya at nakapag-ayos na rin siya ng buhok.

Nilapitan niya ako. Siguro kasi napansin niyang ang seryoso ng itsura ko habang hawak-hawak 'tong cellphone.

"Hey, is there something wrong?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Binigay ko lang sa kanya 'tong cellphone para ipabasa sa kanya 'yong text ni Koko.

Pagkatapos niyang basahin, binalik niya rin agad sa 'kin. "Gusto mong makipagkita sa kanya?"

Umiling ako. "Hindi ko maintindihan kung bakit nakikipagkita pa siya ulit."

"Hmm . . . baka may sasabihin siya sa 'yo?"

Hindi ulit ako nakasagot. Napapaisip talaga ako.

"Makipagkita ka na lang muna," sabi naman ulit nitong si Sab. "Sa tingin ko, may importante siyang sasabihin."

"Ayoko." Sinuksok ko na 'tong cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

"Why? Iniisip mo ba ako? Okay lang naman sa 'kin, e. Baka kailangan niya lang na kausapin ka kasi 'di ba, kinwento mo sa 'kin kagabi, na basta na lang kayong hindi nagparamdam sa isa't isa?"

"Oo. Pero alam na namin kung anong ibig sabihin no'n. Ibig sabihin no'n, tapos na."

"Ark." Bigla niya akong hinaplos sa pisngi. "Just talk to her. It's fine."

Tinitigan ko muna siya na nakangiti sa 'kin ngayon, tapos bumuntong-hininga ako. "Bahala na, mamaya ko na lang iisipin. Tara." Hinalikan ko siya sa noo at sinimulan nang ihanda ang mga gamit namin para umuwi.

***

DIRE-DIRETSO ANG BYAHE namin ni Sab pabalik ng Maynila. May mga ilang tigil lang kami para kumain, pero nakauwi rin naman kaagad.

Ngayon nasa Third Base na kami. Sarado pa naman 'tong club. Mamayang gabi pa magbubukas kaya nandito muna kami sa loob ng opisina ko.

"Sab?" tawag ko sa kanya na nakaupo sa tapat ng mesa at umiinom ng binigay kong juice. "Gusto mo munang kumain mamaya bago kita ihatid sa inyo?"

Napaisip muna siya. "Hmm, I've got a better idea." Bigla niya akong nilapitan na nakatayo ngayon at nakatalikod mula sa bukas na pinto. "Sa bahay na lang namin tayo kumain. Ipagluluto kita."

Napangiti ako nang malapad. "Parang mas maganda nga 'yan. Para magkaalaman na kung magaling ka na nga ba talagang magluto. Ano bang plano mong lutuin?"

"One of my favorite dishes. Chicken Cacciatore."

"Chicken ano?"

Natawa siya. "Cacciatore."

Napakunot ako ng noo. "Pagkain ba 'yan?"

"Oo naman!" Lalo siyang natawa. "Hindi ka pa nakakatikim ng gano'n?"

"Hindi pa. Hindi ko nga alam kung ano 'yon. 'Yung 'chicken' lang 'yong naintindihan ko."

Bigla niya akong pinalo sa dibdib, tapos yumakap siya sa 'kin. Inamoy niya saglit ang suot kong T-shirt sabay tumingala siya at tinitigan lang ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Masaya lang ako na ganito ka na ulit. Ngumingiti ka na at pinapatawa mo na ulit ako. I missed this."

Hinaplos ko ang buhok niya pataas. "Namiss ko nga rin 'yang mahinhin mong tawa. H'wag kang mag-alala, palagi na ulit tayong magiging ganito."

Ngumiti siya nang matamis, tapos parang may pumasok na naman sa isip niya. "Ano kaya kung ipagluto kita araw-araw? I'll bring you food here."

Ngumiti rin ako. "H'wag na. Mapapagod ka lang."

"Wala naman akong ibang ginagawa sa bahay. Sige na. Para makabawi rin ako sa 'yo. Ang tagal nating nagkahiwalay, 'di ba."

"Hindi mo naman kailangang bumawi."

"Pero gusto rin kasi kitang makita araw-araw e."

"E 'di magkikita tayo araw-araw. Pero hindi mo ako kailangang ipagluto at dalhan ng pagkain. Ayokong mapagod ka."

Hindi na siya sumagot. Nakangiti na lang siya sa 'kin.

Dapat naman hahalikan ko siya sa pisngi, kaso bigla niyang iniwas ang mukha niya at para siyang natigilan.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Tinuro niya 'yong nakabukas na pinto sa likuran ko. Napalingon tuloy agad ako ro'n.

Nandoon pala si Koko at gulat ding nakatingin sa amin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Ang bilis kasi nitong yumuko at humakbang paatras. "S-sorry." Sabay alis na niya.

Parang bigla akong nanghina. Binalik ko ang tingin ko kay Sab.

Nakangiti lang naman siya nang tipid sa 'kin. "Is that Nikola?"

Ang tagal bago ko nagawang tumango. "Sorry. Hindi ko alam na pupunta siya dito."

"It's okay. Sundan mo na muna siya."

Napapikit ako nang madiin. "Sorry talaga."

"Okay lang, ano ka ba. Sige na, baka hindi mo siya maabutan."

Bumuntong-hininga ako at tumango ulit. "Saglit lang ako, h'wag kang aalis." Lumabas na ako nitong opisina.

NAABUTAN KO PA naman si Nikola na nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng club. Tinawag ko na agad siya. "Koko."

Lumingon siya sa 'kin sabay ngumiti. "Uy, s-sorry! Nakabukas kasi 'yong main door tapos wala akong nakitang staff mo kaya dumiretso na lang ako ng pasok. Hindi ko alam na may kasama ka pala."

"Si Isabela 'yon."

Halatang natigilan siya. "Ah. O-okay na ulit kayo?"

Tumango ako. "Kaka-ayos lang." Tapos tinitigan ko siya. "Bakit mo ako pinuntahan?"

Umiwas naman siya ng tingin sabay napakagat sa ibaba niyang labi. "Hindi ka kasi nagrereply sa 'kin e, kaya naisip ko na puntahan ka na. Natatanggap mo ba ang mga texts ko?"

"Oo. Pasenya na, hindi kita nagawang replyan."

"Okay lang 'yon. Expected ko naman. Alam kong may usapan naman na talaga tayo na kapag hindi na ako nagparamdam, wala na."

Bumuntong-hininga ako. "May sasabihin ka ba kaya ka nakikipagkita sa 'kin?"

"Meron sana, pero okay na 'yon. H'wag mo nang isipin." Nginitian niya 'ko ulit. "Uhm, sige na, balik ka na ro'n sa loob. Nakakahiya kay Isabela na sinundan mo pa ako."

Tumango na lang ulit ako.

Hindi naman na siya ulit nagsalita. Sakto pang may dumaan ng masasakyan kaya nagpaalam na agad siya sa 'kin tapos umalis.

Hinintay ko lang muna siyang makalayo bago ako bumalik kay Sab.

Pagkapasok ko sa opisina, naabutan ko siya na pinagmamasdan na 'yong mga naka-display sa pader. Nagulat pa siya no'ng makita na ako. "Oh, nakapag-usap na agad kayo? Ang bilis."

"Hindi. Pinabalik niya na agad ako sa 'yo." Nilapitan ko siya at mabilis na niyakap sa leeg. "Sorry."

"Ano ka ba, okay lang."

"Hindi ko talaga alam na pupunta siya."

"Ark, hey." Bigla siyang kumalas sa yakap ko at ngumiti sa 'kin. "I said it's fine. Akala ko nga mag-uusap na kayo ngayon e. Bakit hindi pa kayo nag-usap?"

"Ayokong paghintayin ka. Tsaka hindi ko naman alam kung anong dapat naming pag-usapan."

"Tinanong mo ba siya kung bakit nakikipagkita siya?"

Tumango ako. "May sasabihin daw sana siya, pero ayos na raw 'yon."

"See? Sabi ko sa 'yo baka may sasabihin siya e." Bigla niyang hinaplos ang gilid ng buhok ko. "Ark, talk to her again. Maybe she needs it."

Hindi ako sumagot. Tsk, hindi ko talaga alam. Kahit na sinasabi niya sa 'kin ngayon na ayos lang sa kanya at gusto niyang kausapin ko si Koko, alam kong masasaktan pa rin siya.

"Arkhe?"

Tumingin ako sa kanya pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Talk to her, it's okay. I trust you. Alam kong sa akin ka pa rin naman babalik pagkatapos niyong mag-usap."

Napangiti ako nang tipid. Doon lang ako medyo nakumbinsi. Oo nga, sa kanya pa rin naman talaga ako babalik. Walang magbabago ro'n.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Huling beses ko na 'tong makikipag-usap sa kanya. Lilinawin ko lang lahat tsaka tatapusin ko nang maayos."

Ngumiti siya. "Okay. Good decision."

Niyakap ko na ulit siya at hinalikan sa tuktok ng ulo.

Bukas na bukas, kakausapin ko na agad si Nikola para talagang tapos na lahat. Ayoko nang bigyan 'tong si Sab ng kahit na anong dahilan para malungkot at masaktan.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

16.6M 103K 22
[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazi...
221K 6.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
103K 1K 13
[ON-GOING] Hessa Lyarie Sioson is a soft spoken and shy girl. She belongs to the last section of their batch - often called as the worst section by t...
10.6K 642 63
Amoureux Series #1 A life full of love and happiness that's the life of Elijah Manalo, a life that everyone wants to get, a life with a solid squad a...