Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 28

132K 7.5K 1.3K
By VentreCanard

AN/ Hi, angels! It took time to resume my updates, I am sorry. Haha. I was busy with my book release! Yey! Caught In His Arms is already published under Pop Fiction, it will be available in all National Book Stores nationwide. Just a quick news. lol. 

Happy reading!

Chapter 28

Middelei

Sa halip na musika'y mamayani, ang kanyang marahang bulong sa akin ang siyang tila naging magandang himig. Ang mahabang lasong siyang distansya sa pagitan namin ay tuluyan nang nawalan ng bisa at ang pulang tela na siyang nakaharang ay ngayon ay kapwa nakatago sa aming dalawa sa mata ng napakaraming manunuod.

Tanging aming mga anino na lamang na binibigyan ng buhay ng apoy mula sa simbo sa bawat sulok ng bulwagan, ang siyang nakapagsasabing kaming dalawa ng hari ay nasa parte pa rin ng sayawan.

Ngunit tila wala na kami rito at may sarili na kaming mundo.

"You are teasing me, Leticia..." hinaplos ng likuran ng kanyang kamay ang aking kanang pisngi dahilan kung bakit saglit napapikit ang aking mga mata.

Ang katawan ko'y marahang nakasabit sa kanyang kaliwang braso habang siya'y nakayuko sa akin.

"N-ngunit hindi ba at parte ito ng sayaw na ito?" mahinang sagot ko sa hari.

Ang sayaw na ito ay para raw sa mga magkasintahan at ang aksyong ginagawa ng mga kababaihan ay paraan ng pakikipaglaro sa kanyang minamahal.

Hindi ba nais ng Hari ng Sartorias makipaglaro?

Hindi sumagot siya sumagot sa akin. "H-hindi mo ba nais makipaglaro sa akin, kamahalan?" bulong ko, nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Ilang beses napakurap sa akin si Dastan. "M-maglaro? Aking dyosa, maaari—" inalalayan niya na akong tumuwid ng pagkakatayo nang marinig namin ang palakpakan ng mga manunuod.

Tapos na ang sayaw. Magkahawak ang aming kamay nang sandaling hilahin pataas ang telang pula, kapwa na kami nakaharap sa mga nakangiting manunuod. Nakahilera na rin ang ilang pares ng mananayaw, nang marinig namin ang huling tugtog ng musika nagbitaw kami ni Dastan ng kamay bilang huling pagyuko huydat ng pagtatapos ng sayaw. Ako na ibinuka ang aking simpleng saya at si Dastan na ang isang kamay ay nasa kanyang likuran at ang isa'y nasa dibdib.

Mas malakas na sigawan at palakpakan ang aming narinig sa buong bulwagan. Hinuli muli ng hari ang aking kamay nang sandaling naglalakad na kami palabas ng bulwagan.

"M-marunong din ang haring katulad ko na maglaro, Leticia..." agad akong umiling sa kanya, lalo na nang mapansin ko na saglit siyang nahirapang sabihin ito.

"Hindi na kailangan, Das—" pinisil niya ang kamay ko.

"Huwag lamang sa publiko, mapagbibigyan kita aking reyna." Seryosong sabi niya na nagpapula sa pisngi ko.

Akala ko ay tuluyan na kaming makalalabas ng bulwagan nang may sumalubong sa amin ilang iba't-ibang nilalang, ang iba pa sa kanila ay nakasalubong na namin sa pamilihan.

"Hindi ko akalain na isa ka palang mahusay na mananayaw, Natad!" halos manlaki ang mata ko nang sandaling kinurot ng isang matabang babae ang braso ni Dastan.

Oh mahabaging diyosa ng Deeseyadah! Ang hari ay hindi kailanman nakatanggap ng karaha—ngunit natigilan din ako sa aking naiisip nang maalalang ang sarili kong kamay ay minsan siyang pinagbuhatan ng kamay.

Saglit yumuko si Dastan, bumitaw ang kamay niya sa akin at pansin ko ang ilang beses niyang paghimas sa kurot ng matabang babae sa kanyang braso.

"Higit na magaling ang aking kasintahan, siya ang nagturo sa akin." Lumipad sa akin ang mga mata ng apat na babae, nawala ang atensyon nila kay Dastan na hindi pa rin matanggal ang kamay sa braso niyang may kurot.

"Hindi ka pamilyar sa amin, naipagtanong ka na namin sa ilang nagdadaan? Saang emperyo ka nga pala galing, hija?"

Saglit akong lumingon kay Dastan, katulad ko ay may ilang kalalakihan na rin pala ang nakalapit sa kanya at base sa paraan ng pakikipag-usap ng mga ito kay Dastan ay hindi lang ito ang iisang beses na nagkausap sila.

"Natad, nais muna naming hiramin ang iyong kasintahan."

Agad lumingon sa amin si Dastan, nakarehistro na sa kanyang mga mata ang hindi pagsang-ayon ngunit ako na lang ang tumango sa kanya. Wala naman sigurong masama na sumama sa kanila, isa pa, mukhang nawiwili na rin siyang kausap ang mga kalalakihan.

Alam kong ang bawat salitang naririnig ni Dastan sa mga nilalang na nakasasalamuha niya rito sa labas ng kanyang palasyo ay isa nang napakalaking tulong sa kanya bilang hari.

Nais niyang marinig ang kalagayan ng kanyang nasasakupan mula mismo sa mga bibig ng mga ito at hindi ko nais agawin sa kanya ang magandang oportunidad na ito.

"Nais ko rin silang makasalamuha, Natad. Hanapin mo na lang ako mamaya." Ngumiti ako kay Dastan.

Isang beses lang siya humakbang na akmang hindi pa rin sasang-ayon, ngunit sabay umakbay sa kanya ang dalawang lalaki na kung hindi nagkakamali ay isa ring bampira at nilalang na malapit sa pamilya ng mga lobo, sila iyong may walong buntot na nag-aanyong tao kung kanilang nanaisin.

Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon sa sandaling kanilang malaman na si Natad ang siyang kanilang hari?

Hindi na nakaangal si Dastan nang muli akong tumango sa kanya, hinila na ako ng mga kababaihan papalayo sa kanila. Dinala niya ako sa iba't-ibang uri ng kubon na may handang maraming klase ng pagkain na maaari sa kahit sinong nilalang.

At hindi ko akalaing magugustuhan ko ang mga ito!

"Ano'ng iyong ngalan?" tanong ni Mianna na isang sirena na naka-anyong tao ngayon.

"Leticia..."

"Buong akala ko'y hindi na magdadala ng dalaga si Natad, alam mo ba na ilang kadalagahan na ang sumubok kunin ang kanyang atensyon?" ito rin ang sinabi sa akin ng mga naunang nakasalubong namin.

Kilala si Dastan ng mga kadalagahan sa lugar na ito at ang maskara niya ay hindi maaaring itago ang kanyang karisma.

"Ngunit siya'y mailap, kaya naman pala... siya'y may kasintahan na." Sabi naman ni Alondra, isang babaylan.

"Isa ka bang bampira?" tanong ni Eleya, babaeng lobo.

Natigilan ako sa kanilang katanungan, marahil ay inaakala nilang isa akong mahinang nilalang dahil mahigpit kong itinatago ang aking malakas na presensiya upang walang makapansin sa akin.

Agad akong nag-isip ng isang klase ng nilalang na hindi nila paghihinalaan ng nakakubling kapangyarihan.

"Isa akong Middelei..."

Napatitig sila sa akin, may kaunti akong nalalaman sa ganitong mga nilalang, sila'y may kaunting patak ng dugo ng mga bampira ngunit kahit anong kagat ng isang bampira ay hindi ang mga ito magagawang bampira, kilala sila sa liksi at estratihiya sa pakikipaglaban pero higit pa rin malalakas ang ibang nilalang sa kanila.

"Kung gano'n ay itinakda pala si Natad sa isang magiting at masipag na Middelei, ngayon ay wala ka sa serbisyo? Nakabasyon?" tumango ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, bumili pa sila ng bulaklak na korona at kapwa kami naglagay sa aming mga ulo.

"Dahil ikaw ay kanyang kasintahan, marahil ay nakita mo na ang kanyang kaanyuan?" saglit akong natigilan. Paano ko ito sasagutin?

Hindi ito nasabi sa akin ni Dastan, ngunit handa ba akong tumahi ng sunod-sunod na kasinungalingan? Ang pag-kaila sa aking uri bilang isang dyosa ay isa nang kasalanan.

"N-nakita ko na siya..." mahinang sabi ko.

Nagtilian ang mga kababaihang kaharap ko, talagang interesado sila kay Dastan at hindi ko sila masisisi.

"Marahil! Ano ba itong inyong katanungan? Paano siya hahagkan ni Natad? O kaya'y kakagatin o higit pa!" ang ilan sa kanila ay napapatili pa na may kasamang pagmumula ng pisngi.

Pinagdaop ko na ang dalawa kong kamay, hindi ko na alam kung saan pa makararating ang aming usapan.

"Ano'ng hitsura niya, Leticia?" nagniningning ang kanilang mga mata sa akin.

"Huwag ka sanang mailang sa aming katanungan, Leticia. Kami'y higit lamang nawiwili sa mga impormasyon tungkol kay Natad, dahil sa kabila ng kaalamang halos kasabay namin siyang lumaki ay tila isa pa rin siyang misteryo sa amin. At nakagagalak na nais na niyang magpakilala!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eleya.

"Magpakilala?"

Sila naman ngayon ang kapwa kumunot ang noo sa akin. "Hindi niya ba nasabi sa'yo? Ipinangako ni Natad sa amin at sa mga nilalang na malapit sa kanya sa bayang ito na tuluyan niyang ipakikilala ang kanyang sarili sa sandaling dumating na ang kanyang babaeng mamahalin. Ipakikilala niya raw ito sa madla na may ngiti sa kanyang labi."

Mas bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi ni Elaya. Nais ba akong isupresa ni Dastan?

"Kaya hindi na kami magugulat kung isang araw ay maglakad na siyang hindi nakatakip ang mukha. Marahil ay gawin niya ito sa sandaling mag-imbita siya sa inyong kasal?"

Umiling ako sa kanila ngunit hindi maalis ang ngiti ko sa labi.

"Alam mo ba na usap-usapan na si Natad ay malayong kamag-anak ng mga maharlika sa palasyo? Dahil na rin sa paraan ng kanyang kilos. Malaki ang posibilidad na may patak siya ng dugo ng isang maharlika." Pinilit ko ang sarili kong hindi matawa.

Si Natad ang inyong hari...

"Siya ba'y—" umiling ako habang kagat ang aking pang-ibabang labi.

"Siya'y isa lamang manlalakbay." Sagot ko.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap, napag-alaman ko na kapwa na rin pala may mga kapareha ang mga dalagang kasama ko at ang dalawa sa kanila ay kasama rin ni Dastan.

"Marahil ay tayo rin ang pinag-uusapan nila!" nagtawanan na kami habang nagkukwento si Elaya kung paano nagtapat sa kanya ang kanyang kasintahan.

"Alondra, natatandaan mo ba ang sinabi ni Natad noon? He talked something about a Middelei girl, right? Si Leticia na siguro iyon."

Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi at lumingon ako kay Mianna, hindi man lang namalayan ng mga ito ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ko.

Middelei? Ngunit kathang isip ko lang ang pagkakakilanlan ko, hindi totoo... ngunit ano itong naririnig ko?

"Y-yes! Oo nga, may nasabi sa atin si Natad noon na babaeng Middelei na tinutulungan niya, pinagselosan pa nga natin dati! I'm sorry, we're a bit childish back then, Leticia! And we admired Natad a lot! Matagal na pala kayo? I thought nito ka lang niya nakilala."

Ngumiti lang ako sa harapan nilang tatlo, hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi na bago sa akin ang nakaraan ni Dastan, may mga babaeng dumaan sa kanya—tulad nga ng sabi ni Claret, isa lang itong hari na may pangangailangan. Marahil ay dugo nila ang kailangan ni Dastan, Leticia...

Pilit kong ipinaintindi ito sa aking sarili, ang mahalaga ay ngayong kasalukuyan. Mahal ako ni Dastan at ang nakaraan ay nakaraan, tatanggapin ko siya...

"And, she's been fixing his clothes! Sinabi ni Natad na ikaw rin ang tumatahi ng kanyang mga kasuotan, maskara at talukbong. He told us that despite of your manly duties, marunong ka sa gawaing pambabae. Natad really liked you a lot! Bakit ngayon ka lang niya dinala rito?"

Kumirot na ang dibdib ko, hindi ko na kayang pigilan. Iyong kasuotan na itinatago ni Dastan sa loob ng kanyang silid, ang kasuotang suot niya ngayon ay gawa ng Middelei na sinasabi ng mga dalagitang ito...

"You are so feminine, Leticia! Kung pagmasdan ka ngayon ay hindi ka magkakamalang isang Middelei." Ngiting sabi ni Alondra.

Nagsisi akong ang nilalang na Middelei ang napili ko bilang pagtago sa aking totoong pagkatao ko.

"Leticia, tayo na sa sunod na kubon!" tumango ako sa kanila.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakalalayo ay nakarinig kami ng isang malakas na sigaw ng babae mula sa hindi kalayuan.

Kapwa natigilan ang mga dalagang kasama ko at nanlalaki ang mga mata nilang nagkatitigan.

"S-si Yuriya iyong 'di ba?"

"Boses niya..."

Agad tumakbo ang mga ito sa pinanggalingan ng boses, kung hindi ako nagkakamali ay isa si Yuriya sa kasama namin kanina na humiwalay sa amin dahil tawag na siya ng kanyang ina.

Wala akong pinagpilian kundi sumunod sa kanila. Sumalubong sa amin ay isang malaking tumpukan ng iba't-ibang nilalang na may kanilang mga bulungan.

"Yuriya! A-ano ang nangyari!?" hinawi ng tatlong dalagitang kasama ko ang kumpulan ng mga nilalang para makalapit kami kay Yuriya.

At tuluyan na kaming natulala ng may isang babaeng nasa sulok ng madilim na kubon na mahigpit na nakayakap sa kanyang mga binti habang nakaupo nakatagilid sa aming lahat, nababahiran siya ng dugo sa kanyang katawan na hindi ko mawari kung walang kasuotan...

Ang kanyang mga mata'y nanlilisik sa mga nilalang na anumang oras ay lalapit sa kanya, ngunit nakikita ko ang pangangatal niya sa takot.

Ano'ng nangyari sa kanya?

Hindi na ako nagdalawang isip, nasa akto na akong huhubarin ang aking kapang may salukbong nang makilala ko ang mabilis na hakbang ng lalaking nagmamadaling hubarin ang kanyang kasuotan.

Nais kong saktan ang sarili ko dahil sa panibughong higit kong nararamdaman, siya'y nais lang tumulong...

Unti-unting umangat ang aking kamay sa tapat ng aking dibdib.

Ibinalot ni Dastan ang kanyang kapang may saklob sa katawan ng babaeng napupuno ng dugo sa katawan, inasahan kong manlalaban ang babae ngunit nang sandaling tumama ang kanyang mga mata kay Dastan ay tila nakilala niya ito.

Kanyang mga mata'y nanlambot at bumuo ng mga luha.

Nakikilala niya si Dastan.

"D-dastan..." tila nadurog ang puso ko nang harap-harapang sambitin ng babae ang pangalan ng Haring hindi ako nagawang pahintulutang tawagin ang kanyang pangalan sa publiko.

"D-dastan..." tuluyang narinig ng lahat ang malakas na paghagulhol ng babae habang buhat ng hari.

Nagsinghapan ang lahat ng mga nilalang na nakapaligid. At nang sandaling nag-angat ang nangangatal na kamay ng babae at hinila ang itim na maskara ni Dastan sa harap ng mata ng lahat hiniling ko ang bigla kong paglaho sa aking kinatatayuan.

"Isinusuot mo pa rin..."

"A-alanis..." mahinang banggit ni Dastan.

"K-king Dastan! S-si Natad is Haring Dastan!" sigaw ng isang matandang lalaki.

Sunod-sunod lumuhod ang lahat ng mga nilalang na nakasaksi sa pagkalaglag ng maskara ng hari sa lupa.

Bago pa man tuluyang magtama ang aming mga mata ni Dastan, kasabay ng mga nilalang na tinitingala siya'y ako'y yumuko.

At piniling ikubli ang aking mga luha.

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...
464K 21.6K 21
[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life.’ Pero paano makakahanap ng LOVE kung ma...
46.5K 2.3K 66
It's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!
3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...