FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XVI: Alyce's Confession

1.8K 134 26
By WeirdyGurl

MULING napabuntong-hininga si Alyce habang nakatitig sa flow of event sa tab niya. Nasa venue siya ng first Classical Musical Concert ng AAAM, i-held 'yon sa loob mismo ng performing arts hall ng school nila. Busy na ang lahat ng mga estudyante sa kanya-kanyang rehearsals ng mga ito.

"Miss Alyce," nagitla siya nang may yumakap bigla sa mga baywang niya, napangiti siya nang makita si Melody. Isa sa mga batang estudyante nila sa AAAM. She's just eight pero ang galing na nitong tumugtog ng piano.

"O, Melody, bakit? Saan si Teacher JL mo?"

"Nag-break pa po kami. Lumapit lang po ako kasi mukhang busy raw po kasi kayo. Natatakot siyang lumapit."

Kumunot ang noo niya. "Sino?"

"'Yong boy friend n'yo po oh –" nasundan niya ang pagturo nito sa isang lalaki sa may entrance ng hall.

Bumungad agad sa kanya ang nakangiting si Darwin. His other hand is inside his pocket habang ikinakaway nito ang isa sa kanya.

"He's asking if okay lang po ba raw lumapit?"

She smiled at Melody. "Sabihin mo sa kanya na pwede basta hindi niya ako i-a-annoy."

Lumapad ang ngiti ng bata. "Okay po!" tumakbo na ito palapit kay Darwin. Yumuko ang huli nang bulungan ito ni Melody. Umangat naman ang tingin nito sa kanya pagkatapos at lalo pang napangiti.

Inabutan nito ng heart lollipop si Melody mula sa likod ng bulsa nito bago lumapit sa kanya. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng isang kilay.

"Hi," lalo lang kumunot ang noo niya sa pagiging-demure ng loko. "Gusto mo?" itinaas nito ang tatlong heart lollipos na hindi niya alam kung saan itinago nito.

"Anong pauso 'yan?"

"Naisip ko lang na baka kailangan mo ng moral support. Bukas na ang concert n'yo. Wala ka pang pahinga at alam kong you're skipping meals again."

"So pakakainin mo lang ako ng candy?"

"Sinabi ko bang ito lang ipapakain ko sa'yo?" binalatan nito ang isang candy at inabot 'yon sa kanya. "Pampatawid gutom muna."

Tinanggap niya 'yon at tumingin siya sa wrist watch niya. "Matagal pa bago kami matapos but I haven't taken my break so... baka gusto mong..." inangat niya ang tingin dito, "ngayon na lang tayo kumain. It's past 7 pm already."

"Sounds great to me. C'mon," natigilan siya nang hawakan siya nito sa mga kamay. It wasn't just a simple holding hands, he was lacing his fingers to her. "Gutom na rin ako e."

Ramdam na ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. She's really doomed. She could no longer control her feelings for Darwin. Masaya siya and at the same time, nalulungkot din siya. She's afraid if she'll take a risk in taking their relationship in a higher level, Darwin will reject her.

Although hindi naman 'yon ang unang romantic relationship niya, but there is a big difference between her feelings for Lance and Darwin. Masyado kasing magulo ang relasyon nilang tatlo nila Lance at Allysa dati. She did love Lance but her dreams was her top priority that time. She was also too selfish to even care about Lance, as long as nasa tabi pa rin niya ito at wala kay Allysa, okay na siya. Hindi niya binigyan ng importansiya ang pagmamahal nito sa kanya – or should she say, his love for the real Allysa na inangkin niya.

For Darwin, she was just madly and sometimes in denial-ly in love with him. There was fear and excitement in her heart. Kahit kasi sinasabi nitong platonic ang relationship nila, the same with him and Allysa, something is telling her, na hindi 'yon platonic, na may feelings talaga ito sa kanya, pero in-denial din itong kagaya niya.

'Yon ang nagpapa-stress sa kanya.

Lagi kasi silang nagpapakiramdaman. 'Yan tuloy, madalas naiinis na siya rito. Ang laki kasi nitong paasa ni Darwin. Hindi niya mabigyan ng tamang label ang relasyon nila. For Darwin, they're just friends, but for her, they are more than that.

Dinala siya nito sa outdoor cafeteria ng AAAM. Ang alam niya wala nang tinda nang mga oras na 'yon. Kaya nagulat talaga siya nang makitang may mga lunch boxes sa isang mesa. Namilog ang mga mata niya. Talaga bang nag-effort ito para sakanya?

"Nag-take-out ako ng mga foods sa DF para 'di na tayo umalis ng school. Ayos ba? Prepared ba ako masyado?" pinaupo siya nito, may nakahanda nang pagkain sa harap niya, mata-touch na sana siya kung 'di niya lang nakita ang pink hot and cold tumbler sa mesa.

"Seriously?" inabot niya ang tumbler. May desinyo 'yong mukha ng alien. Kahit na cute 'yon, alam niyang binili na naman 'yon ni Darwin para asarin siya.

Natawa ito. "Ang cute, 'di ba? Nakita ko lang sa isang shop. Binili ko agad kasi naalala kita. Sa'yo na 'yan. Para may lalagyan ka ng tubig."

"Wow, touch naman ako." 

Kunwari 'di niya na appreciate.

"Alam mo ba na isang pink na lang 'yan. Kaya binili ko agad. Alam ko kasing adik ka sa pink."

Iniangat niya ang burger at kinagatan 'yon para maitago ang ngiti at kilig. Taking a mental note to the things I love, Darwin? That's sweet.

Naupo na rin ito sa katapat niya. "Iced coffee 'yong nilagay ko riyan, kasi alam kong mahilig ka sa kape na may ice. Second, mukhang magpupuyat ka na naman ngayon."

"Hindi naman masyado, maaga pa kasi kami bukas."

"Hintayin na lang kita?"

Tinitigan niya ito. "Hindi ka ba kailangan sa DF?"

"Keeper is there, at saka nandoon naman sila Chu-Chu, kaya na nila 'yon."

"Ganito rin ba kayo ka close ni Allysa dati? 'Yong tipong, halos magkasama kayo lagi?"

"We don't see each other but we always talk over the phone. Hindi naman kami best friend since fetus," he chuckled, "we're just close. At saka, si Lance ang lagi niyang kasama nang maging magkaibigan kami. Tagasulsol lang ako."

"Sinisiraan mo ako ganoon?"

"Well, hindi naman lagi, sinasabi ko lang sa kanya na ipaglaban niya si Lance. Prior to our formal meeting, I've heard so much about you already."

"I know, most of them are bad," kumain din siya ng fries na dala nito.

"I couldn't forget how crazy you were nang sumugod ka sa Dolce Fate that day. Grabe, para akong nanood ng confrontation sa isang drama. Best scene talaga 'yong ibinuhos sa'yo ni Allysa ang juice sa'yo."

Umasim ang mukha niya. "Huwag mo nang ipaalala sa'kin 'yan. Nakakahiya. Ang kapal-kapal nang mukha ko. Ako na nga may kasalanan, ako pa 'tong galit. Clearly, you know how bitch I was with Allysa."

"Well, aminin na nating, selfish ka talaga, pero mukhang ikaw naman 'yong klase ng kontrabida na may salvation. Look at you now, you're doing your best to correct all your mistakes. With that being said, the old Alyce Alonzo is dead."

Napangiti siya. "Thanks."

"Kaya huwag mong problemahin lagi ang mga nakaraan. They're done, what you have right now is your present and your future. At the end of the day, isa lang naman ang magandang resulta ng mga pagkakamali natin, natutoto tayo. Alam mo 'yon? mahirap kasi kayong mag-move-on sa isang bagay na tapos na."

Napamaang siya. "Wow naman, in-exclude mo na naman ang sarili mo."

Natawa lang ito. Ang 'sang 'to talaga, feeling nito lagi, 'di ito tao.

"Tapusin mo na 'yan, para makabalik na tayo sa loob. Anong oras ba kayo matatapos ngayon? Maaga lang ba?"

"Mga 9 pm, uuwi na kami. Kasi tatrabahuin na 'yong back drop at floor design. Huwag mo na lang akong hintayin, dala ko naman ang kotse ko."

"Hihintayin kita, 'di ko dala ang sasakyan ko."

Kumunot ang noo niya. "Nag-commute ka lang?"

Ngumisi ito, "nag-teleport."

"Baliw! Ikaw yata ang gutom e."

Malakas na natawa lang ito. Kahit kailan Darwin!




NA touched talaga si Alyce sa paghihintay ni Darwin kagabi. Medyo natagalan pero nandoon lang talaga ito, naghihintay at nakaupo sa pinakalikod. At sa tuwing nililingon niya ito ay ngumingiti ito. Natawa siya nang makitang pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog na ito doon. Ginising niya na lang nang matapos sila. Ito rin ang nag-drive ng kotse, naglakad na lang ito pauwi nang maihatid siya.

"Al," bati niya kay Allysa nang puntahan niya ito sa dressing room. Tapos na itong makapag-ayos. Hinawakan niya ito sa mga balikat habang tinitignan ang repleksyon nilang dalawa mula sa salamin. "Ready ka na ba?" nakangiti niyang tanong.

"Are you sure you don't want to play?"

Umiling siya. "I'm not ready yet. Saka, I've been on stage for a lot of times already. Gusto ko this time, ikaw naman ang tumugtog para sa kanila." Niyakap niya ang kakambal. "I'm sorry for all those chances I've robbed from you."

Tinapik nito ang pisngi niya. "It's okay, importante sa'kin na magkaayos na tayo. Sana sa susunod, kasama na kita sa stage. Let's play the piano together."

Ngumiti siya. "Someday."

"I know, we will."




KANINA pa niya hinahanap si Darwin sa paligid pero wala ito. Nakita niya na sila Keeper, Strar at End kanina, nakaupo ang mga ito sa gitna na row. Medyo na late lang sila Chu-Chu at Mang Kaloy. Present din sila Lance at kambal na mga anak ng mga ito.

Hindi siya makalapit sa mga ito dahil busy na busy siya sa likod ng stage. Nasisilip niya lang ang mga ito. She was kind of sad not to see Darwin around. Saan kaya 'yon?

It was now, Allysa's turn, niyakap niya ito bago ito umakyat sa stage. Masaya siya para sa kakambal. Ang gaan sa loob niya na ibigay kay Allysa ang pagkakataon na 'yon. She deserved it. Panahon na para si Allysa naman ang mahalin ng mga tao.

Tapos na ang trabaho niya, nagpaalam siya kay Diane na manonood siya mula sa audience. Ito ang event coordinator na tumulong sa kanya para maging successful ang event na 'to. Tumango lang ito at nag-thumbs up. Nagsisimula na si Al sa pagtugtog nang lumabas siya ng back stage.

Dumaan siya sa gilid at naghanap ng vacant seats sana kaso wala. Kaya tumayo na lang siya sa bahagyang madilim na bahaging 'yon ng hall. Inilabas niya ang cell phone para videohan ang kapatid. Kapag nakabisita siya sa mama nila, ipapakita niya 'yon.

Ang huling kantang itinugtog nito ay ang Can't Help Falling In Love na piano version ni Allysa. Napangiti siya, sa totoo lang, isa 'yon sa pinakapaborito niyang pinapatugtog ni Allysa noong mga bata pa sila. Noon pa man, alam niya at ng papa nila, na may puso talaga itong tumugtog. Ibang-iba sa kung paano siya tumugtog. 

Allysa has always been special. She was as great and passionate like their late father. And she hope, that one day, she'll have all the courage to play with her heart like Allysa.

"Are you done?" gulat na nilingon niya ang bumulong sa tainga niya. Sa kabila ng dilim, naaninag parin niya ang nakangiting mukha ni Darwin. "Punta tayo sa itaas."

"Kailan ka pa dumating?"

"Kanina pa," hinila na siya nito sa direksyon ng exit, "halika na, you'll missed this."

"Pero hindi pa tapos."

"Kaya na nila 'yan. C'mon ET, run faster."

Tinakbo nila na magkahawak kamay ang pasilyong 'yon hanggang sa makaakyat sila sa school's rooftop.

Agad na binati sila ng malamig na hangin na yumakap sa buong katawan niya. Napahawak siya sa kanyang buhok dahil nililipad 'yon ng mabining hangin. Namangha siya sa dami nang mga bituin sa kalangitan.

Binitiwan siya ni Darwin at tinignan ang relo sa bisig nito. "We're just in time."

Ilang segundo pa ay isa isa nang nahuhulog ang mga bituin sa langit. Rain shower! Natutop niya ang bibig sa ganda. Lumaki ang ngiti niya sa sobrang pagkamangha at saya. Ilang beses siyang umikot para matignan ang buong kalangitan.

"Ang ganda!" manghang usal niya.

Saktong napatingin sila sa isa't isa ni Darwin. May malaking ngiti ito sa mukha. "Beautiful," sabi nito. Hindi niya alam kung ang paligid ang tinutukoy nito o siya. Pero namula pa rin ang mga pisngi niya.

"How did you know?"

"I'm Darwin Fate, I know everything."

Tumingala ulit siya sa langit. "Thank you," she can't tear away the smile on her face. She was genuinely happy. "This is the best reward for me today."

"I'm proud of you, ET. You've brought hope in the eyes of those children. Umiilaw na naman ang langit dahil sa mga buhay na buhay na pangarap ng mga batang natulungan mo."

"Talaga?" baling niya rito.

Tumango ito. "Congratu –" natigilan ito nang bigla niya itong yakapin. "Alyce?"

"Can I be honest with you, just for tonight?"

"Ano 'yon?"

"I like you. I like you so much."

"Are you confessing to me?"

Hindi niya maiwasan na maiyak sa sariling nararamdaman. Hindi niya na talaga kayang pigilan. Noong una, kaya pa niyang i-deny ang feelings niya, pero sa araw-araw na kasama niya ito, mas lalo lamang siyang nahuhulog dito.

Humigpit ang yakap niya rito.

"Hindi ko gustong masira ang kung ano man ang meron sa atin ngayon. Pero bakit ang hirap pigilan? Bakit gusto kong i-take ang risk na masabi sa'yo ang nararamdaman ko para sa'yo? Why can't I just ignore you? Bakit 'di ka mawala sa puso at isip ko?"

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya nang hindi masyadong lumalayo sa kanya. He cupped her face and let his thumb wiped all the tears that escaped from her eyes. Nakangiti ito habang ginagawa 'yon.

"You'll probably hate me for loving you back."

Ngayon lang niya nakita ang lungkot sa mga ngiti nito.

"Why?"

"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na pwede kitang iwan?"

"Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"Sa malayo."

"Iiwan mo ako?"

Tumango ito. "I can't be with you, Alyce."

Ang kaninang natuyo nang mga luha ay napalitan ng bago. Napaatras siya, ramdam niya ang batong tila bumagsak sa kanyang puso. Naninikip ang dibdib niya sa pagpipigil ng mga luhang ayaw naman tumigil. Pinilit niya ang ngumiti.

"H-Hindi ba talaga pwedeng huwag ka na lang umalis?"

Malungkot na umiling ito. "Hindi, I'm sorry."

Marahas na pinunasan niya ang mga luha sa mga mata. "Ano ba 'to?! Nakakahiya," tumawa pa rin siya kahit sobrang hapdi na ng puso niya. Ang sakit talaga. "Sorry, sana 'di magbago ang pagkakaibigan natin dahil dito."

"Alyce –"

"P-Pwede bang... pwede bang iwan mo muna ako rito? Okay lang ba?"

Magsasalita pa sana ito pero mas pinili nitong huwag na lang ituloy ang ano mang sasabihin nito. Na sobra niyang naipagpasalamat. Baka kasi hindi niya na kayanin ang mga susunod na sasabihin pa ni Darwin. 

"Sige," tahimik na iniwan siya nito.

Naingat niya ang mukha sa langit pero sa halip na tumigil ang mga luha ay mas lalo pang dumami ang mga patak ng luha niya. Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng hikbi pero sa huli ay hindi pa rin niya nagawa.

Tuluyan na siyang umiyak. Parang sasabog ang dibdib niya kapag 'di pa niya nailabas 'yon. Kanina ang saya-saya niya pero bakit ganoon? Bakit ang bilis namang binawi sa kanya ang saya na 'yon?

Ito na ba 'yon?

Ito na ba ang kapalit nang mga masasamang ginawa niya noon?

Kahit ba magbago ako? Hindi pa rin ba ako pwedeng maging masaya?

Continue Reading

You'll Also Like

70.6K 1.6K 35
Formerly Twisted Happiness (Season 2). Book 2 of the #SanLie Trilogy. #THS2. "Falling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is...
729K 10.2K 53
Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang buhay niya dahil naiibigay sa kanya ang l...
46K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
476K 12.3K 92
COMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.