Ang Misis Kong Astig!

By Sweetmagnolia

15.5M 320K 46.2K

The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additio... More

Ang Misis Kong Astig!
Prologue
[1] Stage Mother
[2] Concealed Image
[3] Power House
[4] A Wife's View
[5] The First Lady
[6]The Insecure Husband
[7] Picnic Panic
[8] Talk Dirty
[10] Roses and Lipstick
[11] The Credit Card
[12] An Ex-Agent's Game Plan
[13] Hotel Invasion
[14] His Companion
[15] Silence Means Wrong
[16] The Rebirth of A Gangster
[17] Fear Awaits You
[18] The Need To Be Mean
[19] Messing With The Wrong Husband
[20] Face Your Enemy
[21] Stand By You
[22] Fate Intervention
[23] The Other Men
[24] Negotation
[25] Bring Back The Harmony
[26] Someone Like Her
[27] Forsaken Danger
[28] My Supermom & My Hero
[29] The Huge Exposure
[30] Desperate 'House' Wife
[31] Husband's Takeover
[32] Bloody Guilt
[33] The Abducted
[34] On One's Knees
[35] It's Just Her Personality
[36] Operation Plan B
[37] Of Love And Other Reasons (1)
[37] Of Love And Other Reasons (2)
[38] Happiness Is A Choice
[39] The Greatest Gift of All (Final)
EPILOGUE

[9] Smile Over Bitterness

353K 6.8K 820
By Sweetmagnolia

          

                                                       ****

Sinundan ni Brandon si Isabelle habang mag-isang naglalakad ang huli sa parking lot. Nagulat ang babae nang bigla niya itong hinigit sa braso. Nagsalubong ang mga kilay nito pagkakita sa kanya sabay nag-aalalang tumingin ito sa paligid.

"What are you doing here?" matigas ang tonong sabi nito.

"You've been avoiding me for more than a week," maamong wika niya.

"Let's talk some other time and some other place. I'm busy now," masungit na ika nito.

"I'm busy too! Pero hindi ko na matiis ang ginagawa mong pag-iignore sa mga tawag at messages ko! Ano bang problema Isabelle?"

Ngumisi si Isabelle at tinaasan siya ng isang kilay. "Why are you asking me that? You should ask yourself. Alam mo naman ang sagot di ba?"

"Dahil pa rin ba ito kay Mrs. Monteverde? I told you hindi ko kaya ang pinapagawa mo! I tried but I just can't do it! Bakit ba atat na atat kang sirain ang pamilya ng Blake Monteverde na yun?!"

Nangalit ang panga ng dalaga at lalong naningkit ang dati ng singkit nitong mga mata. "Because I want to have you and I want to end up with you! But because of Blake Monteverde I can't love the man I choose to love. Siya ang ginagawang batayan ni Dad sa lalaking dapat kong mapangasawa. He won't stop finding a man like him o kung hindi man ay pinepressure niya akong maghanap ng isang katulad ng Blake Monteverde. An extremely successful businessman who at same time can build a happy family! As long as Dad is being inspired by that man, kokontrolin niya ang buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat para masira ang pamilya ng Mr. Monteverde na yan. I want to show Dad na may itinatago ring baho ang pamilya ng lalaking pinupuri niya. I won't stop until he realizes that all rich men are trashes when it comes to handling their personal lives. That there's no such perfect guy like what he perceived about Mr. Monteverde now!"

Napanganga si Brandon. "I-Isabelle, what's wrong with you? Where did you get the courage to ruin other people lives for the sake of your own happiness?"

Natawa ang dalaga. "For my own happines? This is not only for me. It's for your sake too."

"Pero pwede naman tayong maging masaya nang wala tayong sinisirang tao."

"How? Tell me how!" mataas ang tonong sabi ni Isabelle.

"Let's tell yout father about our true relationship!" walang pag-aalinlangang salita ng binata.

Napatanga ng ilang sandali si Isabelle hanggang sa unti-unti itong matawa. "Are you out of your mind? Do you think he'll accept you?"

"Isabelle hindi man ako kasingyaman ng mga lalaking ipinapakilala niya sayo but I can prove to him how much I love you. That I can make you happy and take care of you for the rest of your life," seryosong pahayag ni Brandon.

"Love? Do you think a person like Dad believes in love? Everyone in his family found their partners thru arranged marriage. My sisters and brothers were the same. Don't ever commit the mistake of confessing to him kung ayaw mong gumulo ang tahimik mong buhay! You have no idea how evil he could be. Kapag kinalaban mo siya, kaya niyang sirain ang buhay mo kahit pa itinuring ka na niyang isang kapamilya. He can ruin not just you but your family too!"

"But having the courage to admit our relationship is the best and right way for us to be together! We won't be happy even if we end up together kung may sinira naman tayong ibang tao," matigas na tutol ng lalaki.

"Do you sincerely love me?" seryosong tanong ni Isabelle.

"Kailangan mo pa bang itanong yan kung alam mo naman ang sagot?" maamong sagot ni Brandon.

"Then do what I asked you to do!" biglang singhal ng babae.

Napangisi si Brandon sa reaksiyon ng kausap hanggang sa unti-unti rin siyang nagseryoso. "Mahal kita Isabelle at handa kitang ipaglaban pero kung mananatili kang matigas sa desisyon mong yan I guess I have no choice but to stop loving you. Hindi ko pwedeng patuloy na mahalin ang isang taong ang alam lang mahalin ay ang kanyang sarili."

Natigilan ng ilang saglit ang dalaga. Bahagyang dumungaw ang luha sa mga mata nito ngunit agad din itong nagmatigas. "Do whatever you want to do. Kung hindi mo ako matutulungan, I have my own way to execute my plan. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakawala sa pananakal ng aking ama. And when that time comes, make sure you won't be crawling back at me dahil kahit anong mangyari hinding-hindi na kita tatanggapin."

Dinudurog ang puso ni Brandon sa napakadaling pagbitiw sa kanya ng babae ngunit sa kabila nito'y pinilit niyang maging mahinahon at kalmado. "I won't come back to you unless the Isabelle that I used to love return to me and beg me to love her again.... but beforehand, ipagdasal mo munang sana hindi ako matutong magmahal ng iba..."

Nakita niya ang panginginig ng mga labi ng kausap.

"I hope you won't be a victim of the nightmare you're planning to create," payo niya bago tuluyang talikuran ang naluluha-luhang babae.

                  -----

"I'm sorry for these non-stop calls," despensa ni Blake kay Alex habang ibinababa ang cellphone dahil sa katatapos lamang na pagsagot sa isang tawag. Upang di na maistorbo, pansamantala niya munang pinatay ang telepono.

Magkasama sila sa sasakyan at naghihintay sa tapat ng eskwelahan ni Cassandra.

"Okay lang. Alam ko namang oras ng trabaho mo ngayon. Sana hindi ka na nag-abala na sumama sa akin baka marami kang napepending na trabaho dahil dito," ani Alex.

"Hindi pwede. Nakapangako ako sa anak natin na susunduin ko siya ngayon. This is my penalty for missing the family dinner. I can't disappoint her this time," nakangiting tugon ni Blake.

Natutuwang tinitigang maigi ni Alex ang mister. Hinawakan niya ang mukha nito at ipinaling sa kaliwa't kanan

.

"May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ng lalaki.

"Wala naman. Di kasi kita masyadong naasikaso kaninang umaga kaya tinitingnan ko lang kung maayos ba ang pagkakashave mo."

"So how is it?"

Ngumiti si Alex. "Perfect! Sobrang gwapo pa rin," sabay nakaw ng halik sa mga labi ng mister.

Gumanti ng paghawak sa pisngi si Blake. Ipinaling din niya sa kaliwa't kanan ang mukha ng misis nang may pilyong mga ngiti.

"Ano maganda ba ang asawa mo?" kusang wika ni Alex habang kumukurap-kurap ang mga mata.

Ngumuso si Blake. "Hmmm...so plain-"

"Plain?" nakasimangot na sambit ni Alex.

"Yes...so plain yet so pretty," biglang ngiting sabi ni Blake. At hindi lamang nakaw na halik ang ginawa niya kundi malalim na halik sa mga labi ng misis.

Si Alex na ang kusang humiwalay sa kanilang halikan nang mapagtantong nasa harapan sila ng sasakyan at maaring may makakita sa kanila sa labas.

"Hon, nasa harap tayo ng school..." ngingiti-ngiting paalala niya sa mister.

Umayos ng upo si Blake. "Tsss... having a pretty wife is really hard. You'll be tempted to kiss her anywhere." 

"Bola!"

"You don't believe me? Gusto mo ulitin ko to prove you the sincerity of my words."

Tumawa si Alex. "Okay na, sige na! Naniniwala na ako," sabay tingin niya sa relos. "O Malapit nang lumabas ang anak mo."

"Let's have lunch afterwards."

"Huh? Hindi ka ba busy?"

"It's alright. Kasama ko na rin lang naman kayo then why not eat together. By the way honey, I might be late tonight."

"Bakit?"

"I'm invited to the birthday dinner of our city complex head architect."

Tumaas ang isang kilay ni Alex at pairap na tumingin sa asawa. "Dinner lang?"

"Hmmm... maybe we'll have a few drinks too."

"Saan?"

"In some hotel restaurant. It's not merely a birthday dinner we're having meeting at the same time. That architect is a work freak too."

"Huwag kang masyadong magtatagal ha. Baka hanapin ka na naman ng anak mo," medyo matamlay na sabi ni Alex.

"Ng anak o ng mommy?" ngingiti-ngiting tanong ng lalaki.

"Pareho," kunway kimi ngunit malambing na sagot ng misis. "Halika na't malapit nang matapos ang klase ni Cassandra."

Lumabas ang mag-asawa sa sasakyan at nag-abang malapit sa gate. Nakilala ng guard si Blake at inimbitahan itong pumasok sa loob subalit tumanggi ang lalaki. Pumunta siya dito bilang isang simpleng magulang, hindi bilang isang importanteng tao.

"Boss Blake! Madam Kap!"

Kumunot ang noo ni Blake nang makita si Balatbat na kumakaway sa kabilang sidewalk. Ngiting-ngiting lumapit sa kanila ang  pulis.

"SP02, what are you doing here?"

Kumibit ng balikat ang pulis. "Trabaho, alam niyo na. Nagmamasid-masid. Salamat nga pala sa inyo. Buti na lang kinausap niyo si hepe at nirequest akong maging sidekick ni Inspector Aldovar kaya pansamantala muna akong napahinga sa pagtatraffic."

Tumaas ang isang kilay ni Alex sa narinig at nagdududang tiningnan ang asawa.

"I didn't know James will take it seriously. It was supposed to be a half meant joke," kusang paliwanag ni Blake.

"Ah baka naman kaya ako ipinartner kay Inspektor dahil narealize ni Hepe na dapat pinapares ang gwapo sa kapwa gwapo," tatawa-tawang turan ni Balatbat.

Natigilan si Blake nang may mapagtanto.

"Is he here too?" sabay tingin niya sa paligid at mabilis na itinago sa likuran ang misis.

"Wala siya kaya ako lang muna ang nakatoka dito. Mukhang nakutuban yatang pupunta kayo, umiwas hehe. Takot din naman palang pomorma pag nasa paligid ang totoong nagmamay-ari."

Binatukan ni Alex ang dating kasamahan. "Hmp! Kung anu-anong walang katuturang bagay ang pinapasok mo sa utak ng asawa ko!"

"Aray! Madam Kap sobra na kayo ha disrespecting a police officer na yang ginagawa niyo!" mataas ang tonong reklamo ni Balatbat.

"Oh ano ngayon? Aarestuhin mo ako?" sabay kusang bigay ng babae sa kanyang mga kamay. "O ayan posasan mo ako! Ayan!"

Ngumiti si melchor at napakamot sa kanyang ulo. "Kayo naman Madam Kap di na mabiro. Sabi ko nga na ako ang may kasalanan. Pero huwag mo namang masamain ang ginagawa ko, alam niyo namang number one fan ako ng loveteam niyo ni Sir Blake. Ayoko ng may kontrabida at higit sa lahat ayaw na ayaw ko na nagseselos si Boss Blake," sabay kindat nito sa ngingiti-ngiting mister ng babae.

"That's enough honey. Your daughter is approaching," ani Blake.

"Hi Mom!" bati ni Cassandra at nanlaki ang mga mata nito sa tuwa nang makita ang ama. "Daddy! You're here!" ngunit unti-unting nawala ang mga ngiti nang makita si Balatbat. "H-Hi Tito Melchor," walang ganang sambit nito.

Nagkatinginan sina Alex at Blake nang mapansing may kasamang batang lalaki ang anak. Matangkad ang bata ng kaunti kay Cassandra. Makinis, mestisuhin at katamtaman ang pangangatawan.

"W-Who is he Cassie?" nakangiting tanong ni Alex.

"Dominic, my new friend. Dominic this is my Mom and Dad..." ani Cassandra sabay napipilitan itong tumingin kay Balatbat na noon ay asang-asa rin na ipakilala siya ng bata. "..and T-Tito Melchor."

"Hi Dominic!" nangungunang bati ng pulis nang may abot tengang ngiti.

"Are you guys classmates?" kunot noong tanong ni Blake.

"No. He's in grade two B. I met him this morning in the playground and we're friends already," masayang sagot ni Cassandra.

"Ah ganun ba..." nakangiti ngunit napapalunok na sambit ni Alex.

Gustong magpakarga ni Cassandra sa kanyang Daddy subalit nakaramdam siya ng hiya sa bagong kaibigan.

"Cassandra you're Mom and Dad were both handsome and pretty," ani Dominic hanggang sa napadako ang mga mata nito kay Balatbat. " I-Is he really you're uncle? I mean... by blood?"

"No!" madiing tanggi ng batang babae.

"Then why are you calling him Tito?"

Naguguluhang napakamot ng ulo si Cassandra. "W-Well...I-It just happened that way..."

"He's my friend," kusang paliwanag ni Alex. " By the way, nasaan yung sundo mo?"

"There!" sabay turo ng bata sa nakaunipormeng yaya. Pagkuway malungkot na tumingin ito sa mga magulang ng bagong kaibigan. "My parents never pick me up or bring me to school. They are always busy with work. They always send yayas or driver to escort me."

Nakaramdam ng awa si Alex sa bata. Tinapik niya ito sa balikat. "Maybe because your parents wants to provide you with other things. Alam mo kasi minsan ang mga magulang may iba't ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal nila sa kanilang anak."

"I understand though. I know they are working hard for my future," matamlay at napapayukong sagot ni Dominic.

"Ako rin naman nung bata pa'y hindi ko naranasan yang mga hatid-sundo ng magulang na yan! Pero tingnan mo naman ngayon lumaki akong matapang at maabilidad!" buong pagmamayabang na hirit ni Balatbat.

Napaangat ng mukha si Dominic at tumitig kay Melchor na noon ay pinapalabas pa ang mga muscles sa braso. Napangiwi ang batang lalaki sabay paalam nito. " I'll go to my yaya now. Bye!" mabilis na tumakbo ito patungo sa sundo.

"Bye!" paalam ni Balatbat.

Muling lumingon ang batang lalaki at ngumiti kay Cassandra. "Bye! Cassandra. See you tomorrow!"

"See you!" nakangiting kaway ni Cassandra.

Tumaas ang isang kilay ni Blake habang pinagmamasdan ang dalawang batang nagpapaalaman. Pagkuway niyakag na niya ang anak patungo sa sasakyan. Nagpaalam na rin sa kanila si Melchor. Pagdating sa sasakyan ay pinupog siya ng halik ni Cassandra at niyakap siya nito mula sa likuran bago siya makapag-umpisang magmaneho.

"Kanina lang hindi mo pinapansin si Daddy only because you have a new friend around. Were you trying to act like a big girl again?" kunway may tampong sabi niya.

"No. I wanted to hug you but I didn't want Dominic to feel bad," katwiran ng bata.

Mabilis na nagtagpo ang mga kilay ni Blake. "Why? What's with him that you can't hug your Dad around?"

"Kasi maiinggit siya," matamlay na sagot ng bata sabay upo nito nang napapabuntong-hininga. "You know Mom, Dad. Dominic is not close to his parents although he's an only child like me. His Mom and Dad gives him everything except for their time. He's always alone even in their house."

"Yan ba ang dahilan kung bakit mo siya kinaibigan? You usually don't make friend so easily," ani Alex.

Nag-isip ang bata ng ilang saglit at umikot ang bilog ng mga mata nito. "Hmmmm... partly yes but I think it's mostly because we're compatible."

"ANO?""WHAT?!" magkasabay na bulalas ng mag-asawa.

Mabilis na napalingon si Alex sa likurang upuan. "Anong coma-compatible yang pinagsasabi mo Cassandra?!" 

"Compatible. Di po ba ibig sabihin niyan same likes and dislikes. Pareho kami ng gustong mga laro. Most of the children stories I read, he read too. He's not a bully and most of all we both hate loud friends. I like that kind of friend Mom," kibit balikat na sagot ni Cassandra.

Nagkatinginan sina Blake at Alex. Parehong nakahinga ng maluwag sa sinabi ng anak.

"Oh I see," biglang hinahong sabi ni Alex. "So what did you guys play earlier?"

"We went to the art room and assembled a lego battlefield!" excited na sagot ng bata.

Tumayo si Cassandra at muling yumakap sa leeg ng nagmamanehong ama. " Dad can you buy me an iphone 6?" lambing nito.

Muntik nang maubo si Blake. "Iphone 6? Where did you get that kind of idea?!"

"Dominic has one. His parents gave it to him and it's so cool! There's a lot of good games inside!" namimilog ang mga matang ika ng bata.

"Cellphone is not for games. It's main purpose is for communication," payo ni Alex.

"That one too! I want to communicate with Dominic even at home."

Muling nagkatinginan sina Alex at Blake. "THAT'S A BIG NO CASSANDRA!" sabay na sagot na mag-asawa.

"You're not going to have a cellphone unless you're eighteen!" pahabol ni Alex.

"You're right about what you said earlier Mom. Each parents have their own ways of loving their children," dismayadong tugon ng bata sabay bagsak ang mga balikat na naupo.

Continue Reading

You'll Also Like

953K 32.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...
22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?
24M 406K 46
This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the...