The President (Presidential S...

Від miichiiko23

167K 4.6K 433

[ AVAILABLE ON DREAME ] Kareene Adriel Sabramonte is an ordinary and happy-go-lucky secretary of Wallace "Wa... Більше

Preface
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue [ Part 1/3 ]
Epilogue [ Part 2/3 ]
Epilogue [ Part 3/3 ]
ANNOUNCEMENT [ OFFICIAL BOOK ]
What's next?
July 9, 2020
Special Chapter I
Dreame Announcement [ TP PART TWO]

Chapter 25

1.8K 42 1
Від miichiiko23

Chapter 25

"HOW LONG ARE YOU planning to stay here, Cabrera?" seryosong tanong ni Wave sa kanya.

Nakakunot ang noo nito habang seryosong nakatitig sa kaibigan ng girlfriend niya. He doesn't really like this guy, lalo na ang ginagawa nitong pasimpleng paglapit kay Reene.

He knows it because he's a guy too. Tanga na lang siguro ang hindi makakahula kung ano talaga ang gusto nito kay Reene.

"Until my shift starts." Nakangisi nitong sagot sa kanya.

Tulog na si Reene. Kakatapos lang ito pasukin ni Wave sa kanyang kwarto. She looks tired. Not only physically but emotionally too.

Nang mangyari ang pag-uusap sa orphanage ay alam ni Wave na nabigla si Reene sa mga nalaman tungkol sa kanyang tunay na mga magulang. Matapos nito malaman ang tunay na dahilan kung bakit napunta siya sa bahay ampunan ay saka ito kinumbinsi ng madre na puntahan ang lugar kung saan niya ito pwede makita.

But Reene is Reene. He knows his best friend so much. She loves her foster parents more than anyone else. Palagi nitong sinasabi sa kanya na lahat ay gagawin nito para sa mga kinagisnan niyang magulang. Kaya nga hindi na ito nagulat nang magdesisyon ito na tanggihan ang sinasabing lugar ng madre na puntahan niya.

She refuses to know her real identity dahil ayaw niya isipin ng mga magulang niya na umampon sa kanya na hindi siya naging masaya sa kanila hanggang sa lumaki ito kahit na ang totoo ay mahal na mahal niya ito.

He saw how Reene got devestated when Tito Manuel died. Hanggang ngayon ay alam niya na namimiss niya ito kahit hindi nito sabihin sa kanya dahil paulit-ulit na sinasabi ni Reene ang salitang daddy sa panaginip.

Pinipilit niya lang na maging malakas sa harapan ng iba dahil hindi siya pupwede maging mahina lalo na at may mga tao pang umaasa sa kanya. Hindi halata sa pagkatao ni Reene but she loves to over think. But she always hides it because she has to be strong. He actually admired that personality of Reene but sometimes, he can't help but to hate it too. Di'ba nga magkaibigan sila? At ang mga kaibigan ay nagdadamayan sa kahit anong oras. Pero kahit kailan ay hindi dumepende si Reene sa kanya. At naiinis siya sa katotohanang nagagawa nito na dumepende sa iba pero pagdating sa kanya ay hindi.

Umismid si Wave kay Jude bago tuluyang sumalampak sa maliit na sofa sa salas. Maingat niya tinignan ang apartment ng sekretarya niya. Maliit lang ang salas. Wala pang dalawang hakbang mula sa salas ang kusina. May lamesa lang na parang nagsilbing divider para sa kusina at salas. May dalawa rin itong upuan.

Sa kanan naman ay may dalawang pintuan. Iyong una ay kwarto ni Reene at kung hindi siya nagkakamali ay CR iyong pangalawang pintuan.

Gusto na niya umuwi sa bahay para makapagpahinga pero alam niya na kapag umuwi siya ay mas lalo lamang siya mag-aalala and there's no way that he'll leave and let Cabrera to be with his girlfriend alone.

Muli niyang naalala ang nangyari sa opisina kanina. Wala siyang plano isama si Reene sa pagpupuyat sa trabaho. But she wanted to help. Gusto niya makatulong at alam niyang pipilitin siya ng dalaga para lang makuha ang gusto, kaya pumayag na siya. Matagal na niyang alam na may nagnanakaw ng pera sa kanyang kumpanya. He has plans on how to catch the rat inside his lair, and in order to execute the plan, he has to set the trap first. Maaayos na sana iyon kung hindi lang sumigaw si Reene sa takot.

He didn't know that she has panic attacks. Nalaman niya lang iyon nang mangyari ang insidente kanina. Nagkaroon bigla ng short circuit at apektado ang buong kailawan sa buong Cortez Empire. Nasa pantry no'n si Reene at ipinapagtimpla siya ng kape nang mamatay ang ilaw kaya nang marinig ang malakas na sigaw nito ay dali-dali siyang pumunta roon

She got first degree burn on her left arm dahil nagsasalin pala ito ng tubig nang mamatay ang ilaw. Noong una ay ayaw niya ito ipacheck pero hindi nagpatinag si Wave at ginawa ang gusto.

Binuhat niya si Reene ng pabridal style at saka maingat na inupo sa sofa bago tignan ang sugat bago dinala sa ospital. Nang maging okay na ang lahat ay nagpumilit ulit siya na ihatid si Reene sa kanyang apartment. He actually doesn't have any plans of staying on her apartment. Iiwan niya rin sana ito pag nakatulog but her another friend came.

Inis itong napairap.

Paano niya ngayon iiwan ang kaibigan niya sa lalaking may gusto sa kanya? Tss.

"How long are you going to act that you are in a relationship with her?" Nilingon niya ito at hindi umimik. Ano nga ba ang pakialam nito kung magpanggap silang magkarelasyon ni Reene?

As far as he knows, wala pa naman siya nilalabag na batas simula noong magpanggap sila. Reene also agreed to be his girlfriend. Sino siya para tumanggi?

"I know that you are just using her for your own benefits. Leave her alone."

Tumaas ang kilay ni Wave sa tono ng pananalita ni Jude. Hindi niya tuloy maiwasan mapaisip. Carla is very far from him. She knows her place. Pero itong kapatid niya ay napasobrahan ata ng pangingialam?

Alam ni Carla ang tungkol sa pagpapanggap nilang dalawa ni Kareene bilang magkarelasyon. He told her the truth when she confronted him once, not as his employee but a concerned friend of Kareene. Naiintindihan niya ito kaya sinabi niya ang totoo. Nangako naman si Carla na wala siyang sasabihin pagkatapos no'n. Kaya hindi niya maintindihan itong pangingiaalam ni Jude sa kanilang dalawa ngayon. Sa pagkakatanda niya ay kaibigan lang siya ni Reene at kung ano man ang ginagawa nila ay wala na itong dapat pakialam pero eto siya.

Acting like a knight in shining armor.

"As far as I remember. You are just her friend, doc." Sinadya niya i-emphasize ang salitang doc. bago ulit magsalita at seryosong tumingin kay Jude.

"Anything that I'm doing with her is none of your business Cabrera. Kaya kung wala ka ng iba pang sasabihin ay pupwede ka na umalis."

Itinuro niya ang maliit na pintuan. "You know your way out."

Ipinikit niya ang kanyang mata at nagkunwaring tulog. He don't have enough time to talk to a person who doesn't even know his place.

"Reene is special to me," mariing wika nito sa kanya.

Hindi ginusto ni Wave na buksan ang kanyang mata pero nang sandaling marinig niya ang mga sinabi ni Jude sa kanya ay awtomatiko itong napamulat.

Matalim niya itong tinignan.

"Are you declaring a war?"

"I already declared a war since that night Mr. Cortez. Pinapaalala ko lang dahil hindi ako sumusuko," muling wika nito sa kanya.

Naalala naman ni Wave ang nangyari roon sa ospital. Kung ganoon ay tama nga siya na nakita niya ito pero mas pinili pa rin na yakapin si Reene sa harap niya. Naalala niya rin ang sinabi ni Reene sa kanya na minsan itong nagpalipas dito sa kanyang apartment para kamustahin si Reene bago ang kasal ni Jude.

Tsk. War? Kahit ilang 'war' pa ang ideklara nito ay hindi niya ito aatrasan dahul natitiyak niya na siya ang mananalo at hindi si Jude. Ganoon siya kaconfident dahil isa siyang Cortez. Wala pa syang bagay na hindi nakukuha sa buhay niya.

Wala rin siya dapat ikainis. Pero nang marinig nito mismo galing sa bibig na gusto ng binata si Reene ay sobra-sobrang inis ang naramdaman niya.

Nainis?

Pero bakit? Para saan? Para naman magkakagusto si Reene sa lalaking kagaya ng Cabrera na iyon.

At kung magkakagusto man nga si Reene sa lalaking iyon ay si Wave mismo ang kauna-unahang tututol dito. He doesn't like Cabrera for her. Ni hindi niya nga alam kung mapapagkatiwalaan iyong Cabrera na iyon at kahit pa na sabihin ng iba na ang lalaking iyon ay dapat pagkatiwalaan ay hindi siya papayag na maging sila ni Cabrera.

Possessive? No. He's just protecting his best friend.

Inis siyang napapikit. Masisiraan na ata siya ng ulo. Hindi naman siya ganito pero pagdating kay Reene ay nagiging ibang tao siya.

Tinignan niya si Jude gamit ang matatalim na tingin. "War? Fine."

Inayos ni Wave ang kanyang higa sa sofa at marahang pumikit. Wala na siyang pakialam kung anong oras aalis si Cabrera. Mabilis naman niyang mararamdaman kung tatangkain nito pumasok sa kwarto ng dalaga. Kapag nangyari 'yon ay hindi siya magdadalawang-isip na ipa-ban ito sa apartment para hindi na makalapit pa.

Matutulog na siya dapat kung hindi lang tumunog ang telepono niya. Kinuha niya iyon at tinignan kung sino ang nagtext.

Drew: Kamusta pre?

Napailing na lamang siya. Ayaw niya ito replayan dahil hahaba lang lalo ang usapan. Bukas na ang uwi nito galing sa ibang bansa. Doon sila naghoneymoon ng asawa niya. Halos isang buwan din itong nawala at nagpapasalamat siya roon dahil walang nanggugulo sa kanya sa nakaraang isang buwan.

Ikoclose na niya sana ang telepono nang bigla niya mabasa ang text ni Tanya sa kanya.

Tanya: Can we talk?

Parang tila nawala ang kanyang antok at pagod dahil sa text nito. Ilang minuto niya ito tinitigan. Hindi sila nakapag-usap ng maayos noong kasal ni Drew. Marami silang dapat pag-usapan pero kailangan pa ba talaga na pag-usapan ang mga bagay sa nakaraan?

Hindi naman sila babalik sa dati kung mag-uusap sila pero oo nga naman, hindi pa sila tapos. Hindi pa niya alam kung ano ang dahilan ng biglaang pag-iwan nito noon sa kanya.

Nagtipa siya ng mensahe para kay Tanya at saka bumuntong hininga.

Wave: Sure. At my office.

KINABUKASAN AY AGAD SILANG nagtalong ni Reene. Natanghali kasi siya ng gising at nakita na nakabihis na ang dalaga papuntang opisina.

"Bakit ka nakabihis?"

Kunot-noong tanong nito. Inosente naman siya nito tinignan. Iyong inosente na mukha na kinatutuwaan at kinaiinisan.

"Papasok sa trabaho."

"No. You are going to rest for today. I already ask Carla to do your task while you are resting here."

Napasimangot naman ang dalaga. "Wala lang naman itong sugat ko. Magaling na ako."

"Hindi nga. Magpahinga ka lang muna rito at baka maimpeksyon iyan. Mas mabuting magpahinga ka na lang dito."

"Pero paano ang trabaho? Saka aalamin pa natin kung sino ang nagnanakaw ng kumpanya Wave!" naaalarmang sabi nito sa kanya.

Tinignan niya ng seryoso kay Reene. Wala ba talagang kaide-ideya ang babaeng it kung gaano siya nag-alala sa kanya nang marinig nito mismo ang sigaw niya kahapon sa pantry?

Gusto niya sabihin ang mga nasa isip niya. Pero hindi niya alam kung paano iyon sasabihin ng diretso kay Reene. He's not really vulgar when it comes to words. Hindi rin niya alam kung paano i-express ang mga emosyon na nararamdaman niya. Kaya paano niya sasabihin ang salitang 'nag-aalala lang naman ako sa'yo?' without turning like a tomato?

Napabuntong hininga na lamang siya at saka umiling. Imbes na sabihin ang salitang nasa isip niya ay mas pinili nito kung ano ang normal na sasabihin ng buka ng kanyang bibig.

"Your health is more important to me right now, Kareene. And besides we can still do that after you rest."

Kapag nalaman ito ni Drew, siguradong pagtatawanan siya nito. Hindi niya nga makalimutan kung paano siya nito pinagtawanan noong magkaaway pa sila ni Reene. At wala siyang balak na maulit pa iyon.

"Pramis?" buong ngiti na sabi ng dalaga.

"It's a promise."

Nagpaalam na si Wave kay Reene. Sinabi rin nito na babalik siya dito mamaya para tignan ang kalagayan nito. Wala na lang nagawa kundi tumango si Reene at sundin ang gusto ng demanding niyang boss.

Agad siyang umalis sa apartment at pagkarating na pagkarating nito sa opisina ay sinalubong agad siya ni Carla.

"Sir, kanina ka pa namin hinihintay."

Napangisi ito bago binuksan ang pintuan ng board room.

"Shall we begin?"

Hindi naging biro ang meeting sa board room. Maraming kinakabahan sa malaking pera na nawala sa kumpanya. Kahit iyong ibang investors ay nagsisimula na magtanong kung dapat na ba silang magpull out ng shares pero tila hindi kinakabahan si Wave.

Why would he?

Ilang taon na niya pinapatakbo ang Cortez Empire. Alam nito ang pasikot-sikot sa kumpanya sa labas man o sa loob. Kaya kung sino man pontio-pilato ang nagsimula ng gulong ito, sisiguraduhin niya na pagbabayaran niya lahat.

Ilang beses na may nagtangka na pabagsakin ang Cortez Empire pero hindi nila nagawa. Bakit? Simple lang. Because Wallace Everett Cortez didn't become a president for nothing.

Nang palitan niya ang kanyang ama na si Amir Terrence Cortez bilang bagong president ng Cortez Empire ay sinigurado niya na magiging maayos ang lahat at mahihigitan ang ginawa ng kanyang ama sa ilang taong pamumuno nito. Kaya kung sino man ang sinusubok na pabagsakin siya ay siguradong hindi pa nito kilala ang totoo ang kinakalaban niya.

Huminga siya ng malalim. Sinimulan niya kontakin ang mga taong may koneksyon at naging malapit sa pamilya niya para masolba ang problema ng kumpanya. He didn't really like asking for some help pero bakit parang nagkakaroon siya ng kutob na hindi lang pera ang kailangan nito?

"What can I do for you, Cortez?" Isang baritonong boses ang nagmula sa telepono. Napailing ito.

"Samaniego."

"HI, WAVE?"

Napamulat siya at napaayos ng upo nang marinig ang boses ni Tanya. Hindi na niya namalayan na nakaidlip pala siya habang nasa trabaho. He's already tired pero wala pang kalahating araw ang lumilipas. He's been talking non-stop for hours.

Tinignan niya ang dalaga. She's wearing a black deep v-neck jumpsuit. Nakalugay ang kulay itim nitong buhok na lampas hanggang balikat.

"Pasensya ka na at pumasok na ako. Hindi ko kasi nakita si Reene eh pero ang sabi naman pumasok na ako."

"Ahh yeah. Okay lang. Reene is taking a day off today."

Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga. "Bakit? Anong nangyari?"

"She accidentally poured her left arm with a hot water."

Nakita nito ang kaonting pag-aalala para sa dalaga. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Natural pa rin kay Tanya ang pagiging maalalahanin sa mga simpleng bagay kahit na hindi niya gaanong kilala iyong tao.

"Is she okay?"

Pasimpleng tumango si Wave sa kanya. Napadako ang tingin nito sa paperback na hawak.

"Ahh ito ba? I brought you some cupcakes. Gusto mo ba tumikim?"

Kumuha si Tanya ng isa at ibinigay iyon kay Wave. Ito iyong red velvet cupcakes na binibake sa kanya ni Tanya noon bago sila maghiwalay. He used to love sweet food pero nang maghiwalay sila ng dalaga ay hindi na ulit siya kumain nito hanggang sa pinilit siya ni Reene.

Minsan kasing nag-bake ito at ang gusto niya ay siya ang unang makakatikim. Tanda pa nga niya na muntik na silang mag-away no'n. Sinabihan niya kasi na hindi ito masarap kaya nagalit si Reene at nagwalk-out. Inuwi niya iyong cupcakes at wala sanang balak kainin pero naubos niya.

"You're smiling."

Umiling ito. "May naalala lang ako. Reene bake some cookies for me once."

Hindi umimik si Tanya sa sinabi niya. "You really like her very much," mahinang usal nito sa kanya. Hindi siya umimik at pagkatapos ay dahan-dahan na lang tumango. Hindi naman talaga mahirap magustuhan si Reene. In fact, Tanya is right. He likes his best friend. Not as more than best friend but as a person. She's a breath of fresh air to him. Kapag kasama niya ito ay masaya siya. Ayaw niya lang aminin dahil wala sa ugali niya 'yon.

"Kumain ka na ba?"

Umiling ang dalaga. Agad naman siyang tumayo at saka yinaya ito na kumain sa labas.

"So ano ang gusto mo pag-usapan?"

Ayaw ni Wave na siya ang mauna na mag-open ng topic pero hindi niya maiwasan. Kailangan niya harapin ang reyalidad para matapos na ang mga katanungan sa kanyang isipan noon. He has to put an end to him and to Tanya.

"About us, Wave."

Sa isang mamahalin at pribadong restaurant sila kumain upang walang makaistorbo sa kanilang dalawa.

Napalingon si Wave sa kanya. Mataman siya nitong tinitigan. "The reason I left..." mahinang turan sa kanya ng dalaga.

"Can you answer my question?" seryosong tanong ni Wave.

Tumango ito. "May mababago ba kapag nalaman ko ang rason kung bakit ka umalis no'n?"

Umiwas ng tingin ang dalaga. "I'm planning to call off the wedding," mahinang sabi nito sa kanya. Tumawa ng pagak si Wave. Para saan? Para sa kanila? He didn't want to conclude anything pero ano nga ba ang rason para umatras siya sa pagpapakasal maliban sa gusto nitong magkabalikan silang dalawa?

"Bakit?"

"Dahil mahal kita Wave! Mahal na mahal pa rin kita!"

Napipilan si Wave sa sinabi ni Tanya. Hindi niya iyon inaasahan. Ngayon ay lalo siyang naguluhan sa nararamdaman niya. It feels like something isn't right especially with his heart.

"Hindi ako umaasang babalik tayo sa dati. May girlfriend ka na pero gusto ko lang malaman mo na mahal pa rin kita. Hindi ko ginusto na umalis noon Wave..." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ng dalaga.

"Hindi naman ako manggugulo. Just hear me out... Please."

Продовжити читання

Вам також сподобається

Mayari Від meow

Короткі історії

6.9K 250 7
Ngayong gabi lang 'to. Anong gagawin mo? This is Danny's one-night encounter. ~☆~ Date posted: June 28, 2020 hyperever ☆ #OneNightStories 2 Language:...
1.1K 125 38
"I taught him how to love.. not how to hurt me" Sullivan Boiz Series #3 The youngest of Sullivan's, Galileo Sullivan, who treat every woman as a game...
73.1K 2K 38
Kung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.
Jethro's Obsession (COMPLETED) Від Christine Ciudad

Підліткова література

1.2M 28.5K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...