In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [9]

123K 3.4K 676
By chiXnita

-9-

NAPAHAWAK AKO sa noo nang may tumamang maliit na kahon. Pinandilatan ko si Angel. "Nakahithit ka ba?" Hinimas ko ang noong nagkabukol na yata. Ibinato ko pabalik ang box. Kaso pinagana niya ang pagiging action-star niya. "Arg! Bakit umiwas ka?"

"Malamang matatamaan ako! Ang bobo nito." Binato niya ulit ako. Tinamaan ako sa braso.

"Seryoso, Gel. Ano'ng problema mo?" Kanina pa nga ako nababadtrip. Dadagdag pa siya.

"Ikaw... ikaw ang problema ko!"

"B-bakit? Ano'ng ginawa ko sa 'yo? Hindi naman ako ang nagsabing outfit ni Tinkerbelle ang suotin mo!" Na hanggang ngayon suot niya pa rin.

"Gaga! Ano'ng kinalaman ng suot ko sa pamumutla mo?" Kinuha niya ang may kalakihang regalo. Napasugod tuloy ako sa kanya.

"'Wag mo namang sirain ang mga gifts ko!" Inagaw ko ang hawak niya. Lalayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko't hinila ako paupo. "Ano ba, Gel?"

"Anong ano ba, Gel? Sasapakin na kita, umayos ka!" banta niya kaya napasimangot ako.

Nandito kami sa loob ng guest room, kasama ang mga nakatambak na regalo. Bubuo na sila ng isang bundok kapag pinagpatong-patong ko.

"Bakit ba kasi?" Umupo ako nang pa-Indian style. Nakapagpalit na ako ng pajamas. Nangangati kasi ako sa gown. Ang sakit din ng sakong ko dahil sa heels, mukhang magkakapaltos.

Umirap si Angel sa ere. "Bakit hindi ka bumalik kanina? Ano'ng nangyari sa 'yo sa loob ng banyo? May nakita ka bang multo? May lumabas na undin sa inidoro? May sumapi sa 'yong engkanto? May— tangina... ano'ng problema mo?" Sinapak ko nga.

"P-pinagsasabi mo. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Humalukipkip ako habang itinatap ang mga daliri sa legs ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay na sign na hindi siya naniniwala. Tinuro niya ang daliri ko. "Marunong ka ng magsinungaling sa 'kin?" Tumayo siya't pinagpagan ang laylayan ng damit. "Masama pakiramdam mo? Wait, tatawagin ko lang si Grant. Diyan ka lang--"

Hinawakan ko ang paa niya para pigilan siya. "M-may humalik sa 'kin. P-pero, Gel, h-hindi ko 'yon ginusto. 'W-wag mo namang sabihin kay Grant, oh."

Alam kong hindi si Grant dahil Xhai ang tawag sa 'kin, hindi Heather. Kapag naiisip ko si Grant, naguguilty ako. Hindi ko talaga alam kung bakit gumanti ako.

"'Yon naman pala— Tangina! ANO?" Napasalampak ulit siya sa harapan ko.

"I swear, n-nabigla lang din ako kaya—"

"May humalik sa'yo? Sino? Masarap ba—" Tinakpan ko agad ang bunganga niya.

"'Wag kang sumigaw. B-baka may makarinig sa 'yo." Nagulat na lang ako nang bigla siyang humalakhak kaya sinapak ko ulit. "Ano ba? Namomroblema na nga ako nagawa mo pang tumawa?"

"Akala ko naman kung ano na. 'Yon lang pala." Grabe. Akala ko totoong nagulat siya, joke lang pala. Ibang klase.

Napakasupportive na best friend. Lecheee.

"Hinalikan ako ng kung sino tapos wala lang sa 'yo?!"

Napailing siya. "Ano bang pinagmamaktol mo? 'Yong hindi mo kilala ang taong 'yon o may ibang dahilan pa? 'Wag mong sabihin na..." Tiningnan niya ako sa mga mata. Oh, no! "Tangina! Gumanti ka ng halik? Nasarapan ka, 'no?" Humagalpak siya.

Sobrang transparent ko ba talagang tao para malaman niya ang iniisip ko?

"Good! Ibig sabihin nagustuhan mo ang halik ni Mang Tuko," tukoy niya sa bungi naming security. Nalaglag ang panga ko.

Si Mang Tuko? Oh, God!

Tumawa na naman siya kaya binato ko na ng katabi kong regalo. Bumukas ito. Tumambad ang red laces bikini. Nanlaki ng mga mata namin. "Kanino galing 'to?" tanong niya habang pinapaikot sa daliri ang undergarment.

Kinuha ko ang card. Binasa ang pangalang 'Jerson Quin Caballero'. Namula agad ang pisngi ko. "Hindi pa rin nagbabago ang jerk na 'yon."

"Siya ang humalik sa 'yo?" Out of the blue na tanong ni Angel. Napanganga ako. Possible pero imposible. Hinawakan niya ang baba at ibinato ang bikini sa kama. "Pwedeng si Cyclone o kaya si Dew. Pwede ring si Serg. Kaso..." Nilaro niya ang mga daliri sa baba at tumango-tango. "Baka si Mang Tuko—"

"Will you please stop it? Hindi si Mang Tuko 'yon!" Iniisip ko pa lang ang bunging mga ngipin niya nasusuka na ako.

Ang bango kaya ng hininga ng lalaking 'yon.

Tumayo si Angel. Pumasok sa CR ng guest room habang tumatawa. "I'm just kidding, Xhai. Patola! Si Brix lang 'yon kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano," aniya at isinara ang pinto.

Si Brix?

Nag-isang linya mga kilay ko. Hindi. Malabong si Brix.

Akala ko si Grant ang humalik sa 'kin kaya gumanti ako. Naguho lang agad ang katiting na pag-asa nang tawagin niya akong Xhai at hindi Heather.

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Muntik ko pang mabitiwan pagkakita ng pangalan sa screen.

Brix calling...

Ilang ring pa bago ko sinagot.

"Happy birthday, Xhai," sabi niya sa namamalat na boses. Kinutuban na agad ako. Siya ba talaga? Oh, God! Gusto kong uminom ng tubig. Nanunuyo lalamunan ko. "I'm sorry."

"T-thank you, B..." Lumunok ako. "And s-sorry for?"

Katahimikan ang naghari sa pagitan namin nang hindi agad siya nagsalita.

"Sorry hindi ako nakapunta. Masama kasi ang pakiramdam ko. Nakita mo na ba ang gift ko para sa 'yo?" aniya.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi pa, eh. Mamaya na siguro. Bakit masama ang pakiramdam mo? Sayang wala ka, nandito halos lahat ng barkada." Tumayo ako't napasulyap sa wall clock. Ilang minuto na lang mag-aalas-dose na. Siya ang huling bumati sa 'kin.

Hindi ako sanay na ganito si Brix. Sa lahat ng bagay na konektado sa 'kin, siya ang palaging nangunguna. Palaging ako ang priority niya. Kahit inaapoy siya ng lagnat, malaman niya lang na hindi ako kumakain... kahit bumabagyo, susugod siya sa canteen.

Akala ko, normal lang 'yon kasi best friend ko siya. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya, normal lang para sa 'kin. Pero para sa kanya... sobrang lalim.

Mahal niya ako. Matagal na.

Bakit ngayon ko lang nahalata?

Ang insensitive ko. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko napapansin na matagal ko nang nasasaktan si Brix. Kaso alam ko sa sarili ko na hindi na hihigit pa sa kaibigan ang mararamdaman ko para sa kanya.

Kung sana kayang turuan ang pusong magmahal ng iba. Eh, 'di sana... noon ko pa hiniling na mahalin din ako ni Grant.

"Yeah, I know. Nagtext si Dew..." narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Sige, Xhai. Masama talaga ang pakiramdam ko."

Napakurap-kurap ako. Pumunta ako sa may bintana at hinawi ang kurtina.

Healthy pa ba ang friendship na meron kami? Makakabuti ba ang pag-iiwasan na ginagawa namin? Hindi ko alam. Ngayon lang nangyari 'to sa 'ming pagitan.

Pagkababa ng tawag, sumulyap ako sa labas. Nagpakawala nang malalim na hininga.

Sinusubukan ko na maging matatag kahit na minsan 'di ko na talaga kaya dahil sa sobra akong nasasaktan.

Pero mahal ko si Grant.

Kaya ito pa rin ako, hindi sumusuko't lumalaban.

Kapag mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo maiisip sumuko.

The most painful and hardest thing to do is to walk away from someone you truly love.

Maiintindihan ako ni Brix.

Napatingin ako sa gate namin. Napakunot-noo. Inaninag ang bulto ng lalaking nakatayo sa ilalim ng isang malaking puno. Nakasuot ng costume. Si Mickey mouse.

Nanlambot ang mga tuhod ko. Oh, God! Siya 'yon.

Tumingin siya sa gawi ko. Nagsalubong ang titig namin. Napatalon siya. Nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanya. Tumalikod siya't naglakad papalayo.

It's him. I know it was him. Siya ang humalik sa 'kin.

Tumingin ako sa banyo. Nasa loob pa rin si Angel. Hindi na ako nagpaalam. Nagmamadali akong lumabas. Hindi na alintana kung madapa ako sa pagmamadali.

Hindi ko napansin na nasa tapat na ako ng gate at nakita si Mang Tuko na nakatayo. Ngumiti siya. Naglabasan ang bunging mga ngipin. Malaki ang tiyan. Medyo napapanot na rin. Napangiwi ako nang maalala ang sinabi ni Angel kanina.

Nginitian ko siya dahil napakabait niyang tao. "Nasaan po sina Grant?" Wala ng tao sa garden. Nag-uwian na. Gano'n din ang Sexy Chicks. Nagpaiwan ang 'Hot Dogs' dahil magbobonding pa sila. Si Angel naman dito matutulog.

"Nasa likod, Ma'am. Pupuntahan n'yo ba? Samahan ko na kayo," aniyang exposed na exposed ang gilagid.

Pilit kong itinago ang ngiwi. "Hindi na po." Binuksan niya ang gate.

Lumabas na agad ako. Dumiretso sa daang tinahak ng lalaki. Lakad-takbo ang aking ginawa. Hanggang sa pumasok sa isip kong nakalayo na nga siya.

Sino ba siya? Bakit niya ako hinalikan? Wala akong maintindihan.

Regalo na ba ngayon ang halik?

Lumingon-lingon ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko pa siya. Agad ko namang naisip na paano kung makita ko nga, ano'ng sasabihin ko? Kaya ko ba siyang harapin?

Tumalikod na lang ako. Naglakad pabalik sa bahay. Nakalayo ako nang husto, 'di ko napansin. Malapit na ako sa entrance ng subdivision.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa 'king balat. Madilim din ang kalangitan na nagbabadyang uulan. Napatigil ako sa gitna ng sementadong daan. Ako na lang ang tao sa subdivision na naggagala pa sa ganitong oras.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. May biglang humatak sa 'kin sa braso. Hinila ako patago sa likod ng malaking puno. Halos ilang hakbang na lang ang layo sa bahay namin.

Nakulong sa 'king bunganga ang tili dahil tinakpan ng malaking palad ang bibig ko. Halos maputol ang mga ugat sa 'king puso sa sobrang bilis ng pagpump ng dugo. Kinilabutan ako.

Mainit na katawan. Matangkad. Hinihingal. Mabango. At nakamaskara. 'Yan ang lalaking nakatayo sa 'king tapat.

Isinandal ako sa troso ng puno. Hinawi ang aking buhok. Idinikit ang labi sa tapat ng kaliwang tainga ko, saka bumulong... "I'm not an assassin. I won't kill you. I can't even do a thing to hurt you. Please... stop avoiding me."

Nakilala ko agad ang boses. Si Silver. Nang makumpirma, tumigil ako sa paghinga. Pero nagtatayuan pa rin ang mga balahibo ko sa batok.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang tumawag sa 'kin na hindi ko sinasagot. Niyayaya niya akong lumabas sa mga messages niya, pero nagpapanggap ako na hindi ko nababasa.

Doon ako magaling, eh. Magpanggap. Magpanggap na hindi nasasaktan. Magpanggap na okay lang.

Ayoko. Ayoko muna siyang makausap. Makita. Pero nandito siya ngayon sa harap ko.

Pinaglalaruan ba ako ng mundo?

Nakalagay ang isang kamay niya sa gilid ng ulo ko, nakalapat sa puno. Hindi ko makita ang kanyang mata. Tanging maskara niya lang ang aking naaninag dahil madilim. Walang buwan. At sira ang streetlight sa daan.

Nang makumpirma na hindi ako titili, saka niya pinakawalan ang aking bibig.

Tahimik lang ako. Hindi nagsasalita si Silver. Nakatayo lang siya sa harap ko na halos wala ng isang dangkal ang layo. Humangin lang nang malakas, didikit ang mukha ko sa dibdib niyang naririnig ko ang pintig ng puso. Mabilis. Malakas. Nakakabingi.

Napapadalawang-isip ako kung kabog ba ng puso ko 'yon o sa kanya.

May kinapa siya sa kanyang bulsa. "Happy birthday, daga..." Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Hindi ako sigurado kung umismid siya o ngumiti.

Hinawakan niya ang aking baba gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Itinulak pataas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin na kanina ko pa iniiwasang gawin. Tumingin na lang ako sa bandang kilay ni Silver. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig.

'Yong titig na alam mong namiss ka. 'Yong titig na hindi nahihiyang ipagsigawan na mahal ka.

'Yong titig na tila ikaw ang pinakaperpektong bagay sa mundo, kahit alam mo sa sarili mong marami kang flaws.

'Yong titig na sobrang lalim... na hindi mo na masisid kung may iba pang meaning.

Nakakapanghina ng tuhod. Nakakakilabot.

May ikinabit siyang hairclip sa 'king buhok.

His birthday gift for me.

"S-Sino ka ba talaga?!" Lumabas sa bibig ko bago pa ako makapagpreno.

Kilala ko siya. Sigurado ako. Kilala personally. Hindi siya si Silver. Silver ang pakilala niya sa 'kin. Pero hindi talaga siya si Silver.

Katulad ng ginagawa niyang pagtakip sa kanyang mukha. Itinatago rin niya ang tunay na pagkatao sa pangalang Silver.

No'ng araw na sabihin niya sa 'king mahal niya ako, tinakbuhan ko siya... kasi malakas ang kutob ko na barkada ko siya.

Oo, barkada ko siya.

Pero sino sa kanila?

Naguguluhan ako. Nalilito.

Tatlong taon. Tatlong taon ko nang kilala si Silver, pero lately ko lang napansin 'yon. Gano'n ba talaga ako katanga?

Hindi lang si Brix ang sinasaktan ko. Pati 'tong taong 'to... matagal ko nang sinaksak sa puso.

Sino ba palagi naming topic? Si Grant.

"I lost myself a long time ago, I don't know who I am anymore." He answered smiling. Fake.

Natutukso akong hatakin ang kanyang suot na maskara para lang makilala ko siya. "Ikaw ang humalik sa 'kin?"

"Humalik?!" Nagulat siya. Nakagat ko ang dila. Hindi siya. Mali ang kutob ko. Uggggh! Sino ba? Imposible nga namang makapagpalit kaagad siya ng damit gayong balot na balot ng costume ni Mickey mouse ang lalaking hinabol ko. "May humalik sa 'yo?! Kailan?"

Napangiwi ako sa paghigpit ng hawak niya sa 'king braso. 'Tapos bigla niya na lang akong niyakap.

I swear, I stopped breathing but I couldn't control the erratic beating of my pulse. 'Yong goosebumps ko mula batok hanggang talampakan.

Mahigpit niya lang akong yakap. 'Yong yakap na magsisisi ka kapag itinulak mo siya. Tila isa kang one-in-a-billion tressure na siya lang ang mayroon. Hindi niya kayang bitiwan.

At ang nakakainis? Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko 'yong pagmamahal niya sa 'kin dahil lang sa isang yakap.

Bigla na lang akong napahikbi. Nakakabwisit. Ang babaw ko talaga.

May apat na klase ng lalaki sa POV ng mga babae.

Lalaki na sa unang kita mo pa lang... alam mo na sa sarili mong hindi mo siya magiging kaibigan. Mas lalong hindi mo nanaising makarelasyon. Kahit na itry mo o niya na maging close kayo, kahit mabait pa siya, may times talaga na mababadtrip ka sa kanya. Kahit walang dahilan. Mas mabuting 'wag mo na lang ulit subukan.

Lalaki na hanggang kaibigan lang. Hindi mo nakikita ang sarili mo sa kanya "above the level" ng friendship. 'Yong parang tingin ko kay Brix. Bata pa lang ako, aminado na akong magiging best friend ko ang taong 'to. Lalaking makakaunawa at makakaintindi sa 'yo sa lahat. Period. Wala ng kasunod.

Lalaking unang eye contact n'yo pa lang, masasabi mo agad sa sarili mong... "ayoko siyang maging kaibigan. Gusto ko higit pa." Ito 'yong lalaking katulad ni Grant. Mamahalin mo nang sobra. Kaso iba ang mahal niya. Ito ang lalaking magbibigay sa 'yo ng matinding heartache. Masasaktan ka nang husto. Pero sa huli... siya pa rin talaga ang mahal mo.

Lalaking hindi mo alam... hindi ka sigurado kung mamahalin mo ba o magiging kaibigan. Balance. Maweweirduhan ka sa kanya pati sa sarili mo. Ito ang nakakatakot. Mahirap ipredict. Mapapatanong ka na lang ng... "Am I willing to take the risk?" Dahil ang nakasalalay ay ang "relationship or friendship". Kapag pinili mo ang relationship, goodbye friendship. If you choose friendship, you'll never be in a relationship.

Si Silver para sa 'kin ang ikaapat na klase ng lalaki. Natatakot ako sa kanya at the same time komportable.

Ibinuka ko ang bibig, pero walang lumabas na tinig. Muli kong itinikom. Nilinis ang bara sa lalamunan.

Pumikit ako. Walang pag-aalinlangan na nagsalita. "I'm sorry. I can't. You can't. Kasi kahit ano'ng gawin mo... at kahit subukan ko, bandang huli si Grant pa rin ang pipiliin ko."

Of course... no matter what it takes, it will always be Grant over everything else.

For Grant Turner Loriete... I will risk it all.

_..._..._

INIWANAN NA ako ni Silver. 'Di ko alam kung saan siya pumunta. Hindi siya nagsalita no'ng sabihin ko ang mga katagang 'yon. Tahimik lang. Humigpit lang lalo ang yakap niya sa 'kin.

Siya 'yong tipo ng taong hindi masalita. Makikilala mo siya nang husto sa kilos niya.

Niyakap niya lang ako. Matagal. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung ilang minuto.

Akala ko nga hindi na niya ako papakawalan. Pero dumadagundong pa rin sa pandinig ko ang huling sinabi niya bago naglakad palayo.

"I'm gripping on a losing war, but I'll still fight. Someday, you'll be mine."

Kanina pa ako tulala sa ilalim ng puno. Ngayon ko lang naisipang ihakbang ang nanginginig na mga paa. Niyakap ko ang sarili nang humangin nang malakas. Malamig.

Mamasa-masa ang damuhan. Patungo ako sa bahay-kubo sa likod ng bahay. Nandoon ang 'Hot Dogs', nag-iinuman.

Gusto kong makita si Grant.

"Serg, bumangon ka diyan! Iinom pa tayo." Boses agad ni Jerson ang narinig ko.

Huminto ako sa gilid ng pinto ng kubo. Hindi nila ako nakikita sa p'westong ito. Pero sila tanaw na tanaw ko. Hubad-baro silang lima. Kinagat ko ang ibabang labi. Ang lamig pero bigla akong nainitan.

Nakakagutom silang tingnan. Extra rice na lang ang kulang. May mga nakahanda na kasing nakakatakam na putahe ng ulam.

Nakahiga si Serg sa maliit na sofa. Nakapikit. Exposed ang tiyan. Nakalapag ang mga paa sa kawayang sahig. Hindi kasya ang buong katawan dahil matangkad.

Si Dew at Jerson naman, nagsasayaw sa medyo may kalakasang pang party music na nagmumula sa may kalakihang speaker sa gilid. Basa ng pawis ang mga katawan. Si Dew ay nag-iimagine na may hawak na gitara. May pa headbang pang nalalaman. Habang si Jerson, tumatalon at sinasabayan ang kanta pero sintunado naman. Pero in slow motion. Imagine two drunk Brazilian models doing an errotic dance.

Pinigilan ko ang matawa. Mga abnormal talaga.

Si Cyclone, nagmimix ng alak sa may sink. Maliban sa isa siyang basketbolista, may-ari rin siya ng isang sikat na bar kaya may alam siya sa mga inumin.

Si Grant naman, nakasubsob sa mesa. Lasing ba siya? Dahil kung hindi, iisipin ko na mabigat ang problema niya. "Brad, ang tagal naman ng alak na 'yan! G-gusto ko pang uminom!" Umangat siya ng tingin. Sumulyap kay Cyclone. Namamalat ang boses niya. Namumula ang mga pisngi at mata.

"Hindi pa ba kayo susuko? Anak ng! Mauubos na 'yong cocktail na ginagawa ko. Mabuti pa si Serg, nakatulog na. Ang weak nga naman talaga." Umiling si Cyclone. Siya lang yata ang hindi lasing. As usual, basta may lakad ang grupo nila, siya ang kumukontrol ng mga inumin at sa barkada. Madalas kasing napapaaway ang mga iyan no'ng teenager pa.

Hinila ni Jerson si Grant patay. "Sweet dance tayo, brad." Sabay hatak kay Grant palapit at pinalo ang puwet.

"Gago!" Agad na tumaas ang kamao ni Grant. Tumama sa panga ni Jerson. Aakyat na sana ako sa kubo kaso hinila naman ni Dew si Jerson palayo at nagtawanan ang dalawa. "Mga hayop!" singhal ni Grant.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napailing katulad nang ginagawa ni Cyclone na aawat na sana.

For a moment, bigla kong nakalimutan lahat ng problema ko. Ang saya nilang panuorin.

"Mga gago! Manahimik nga kayo," ani Serg na naalimpungatan yata dahil sa ingay ng grupo. Binato niya ang isang unan sa tatlo. "Natutulog ako!" Humiga na ulit siya sa sofa nang nakabaluktot. Hirap na hirap akong tingnan ang posisyon niya. 'Yan ang disadvantage ng mga matatangkad.

"Pero, brad, bakit ang bait mo na kay Xhai? Ano'ng meron?" tanong ni Dew na nagpatahimik sa lahat.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan. Napahawak sa dibdib na sobrang bilis ang pagkalabog.

Maririnig ko na ba ngayon ang sagot?

"Pakialam mo?" asik ni Grant. Inagaw ang cocktail na hawak ni Cyclone. Nilagok niya 'yon. Straight.

"Tang-ina naman, brad! Hindi pa 'yan tapos. Kaiinom mo pa lang, kay Jerson dapat 'yan," ani Cyclone at itinigil na ang pagmimix ng alak. Umupo siya sa sahig. Tiningnan nang masama si Dew. Tila nagbabanta.

"Oo nga, brad," sabat naman ni Jerson. "Nakalimutan mo na ba si Xy at si Xhai naman ang gusto mo?" tanong niya na hindi nakuha ang nagbabantang titig ni Cyclone. "Sabagay, hindi imposible 'yon. Magkamukha sila. At sa halos lahat ng aspeto, magkatulad."

Dapat umalis na ako, kanina pa. Kaso ayaw gumalaw ng aking mga paa.

"I won't forget Xyrene. You all know that. Xyrene before anything," seryosong sagot ni Grant.

Napaupo si Serg. Nakinig na lang sa usapan.

Napahigpit naman ang pagkakahawak ko sa dibdib. Ang sakit. Masakit talagang marinig nang paulit-ulit ang katotohanan na hindi niya ako kayang mahalin.

Itataya ko ang lahat para sa kanya. Pero siya, handang kalabanin ang mundo para sa kakambal ko.

Kinagat ko nang mariin ang labi. Kaso hindi ko talaga napigilan ang mapahikbi.

"Guilt. I did vicious deeds to her that I shouldn't have. Nawala ako sa sarili. Ang gago ko, alam ko. Tama si Brix, wala akong karapatang gawin 'yon." Napahawak siya sa ulo niya at umiling. "I should've threat her like a woman, at least. I have to 'coz I'm guilty. Ang gago ko, eh."

"Bakit? Ano bang ginawa mo?" sabay na tanong ng apat na halatang walang alam.

Napatalikod agad ako. Ayokong marinig pa ang sasabihin niya. Nakokonsensiya? Ang sakit, pucha. Ginagawa niya lang pala 'yon kasi nakokonsensiya siya.

Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong ko sa kanya. Hindi ang 'Because I love you' na gusto kong marinig kung 'di ang 'Because I have to'.

Tumakbo ako at nadapa nang makaapak ng may kalakihang bato. Hindi ko napigilan ang mapadaing nang malakas.

Hindi ko alam kung ano'ng mas masakit. Ang tuhod ko o ang puso ko.

Hindi ko rin alam kung ano'ng unang pupunasan ko. Ang dugo sa 'king siko o ang mga luha ko.

"X-Xhai?" narinig kong tawag ni Serg. Napahawak ako sa ulo ko. Shit!

Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
84.3M 1M 98
Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: ‪Colesseum
3.8M 64K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
36.5K 342 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...