When It All Starts Again

By LenaBuncaras

633K 32.3K 4.7K

Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkaka... More

When It All Starts Again
Chapter 1: Boredom
Chapter 2: The Chance
Chapter 3: The Time
Chapter 4: Past is . . . Past?
Chapter 5: Same Old Brand New
Chapter 6: Freedom Speaks Louder
Chapter 7: The Experience
Chapter 8: The Talk
Chapter 9: The Beast
Chapter 10: Changes
Chapter 11: Regrets
Chapter 12: The Present
Chapter 13: Assurance
Chapter 14: The Conclusion
Chapter 15: Bullied
Chapter 16: Saves the Day
Chapter 17: Que Sera, Sera
Chapter 18: Finding Answers
Chapter 19: Bully and Bullied
Chapter 20: Angel...oh
Chapter 21: Special Request
Chapter 22: All I Want For Christmas
Chapter 23: Say Cheese
Chapter 24: Parlor Games
Chapter 25: The Beauty and the Beast
Chapter 26: Angel Wings
Chapter 27: Failed Future
Chapter 28: Chocolates
Chapter 29: Broken Wings
Chapter 30: Hated Garden
Chapter 31: Trails of Future's Past
Chapter 32: Apologies
Chapter 33: Common Factors
Chapter 34: Busted
Chapter 35: Visitor
Chapter 36: Birthday Party
Chapter 37: The Promise
Chapter 38: The Father
Chapter 39: Unexpected Friends
Chapter 40: The Sad Present
Chapter 41: Flash . . . Back
Chapter 42: The Pocket Watch's Owner
Chapter 43: Worst Day Ever
Chapter 44: Meant To Be
Chapter 45: Redemption
Chapter 46: Acceptance
Chapter 48: Family Problems
Chapter 49: Remembering Me
Chapter 50: Mind Twist
Chapter 51: Surprises
Chapter 52: Last Day Remembered
Chapter 53: Tracked Changes
Chapter 54: Sweet Revenge
Chapter 55: Unforgettable Memories
Chapter 56: Graduation
Chapter 57: Ex-Best Friends
Chapter 58: Family. Friends.
Chapter 59: He Came
Chapter 60: Lost and Found
Chapter 61: Fairest of Them All
Chapter 62: She's the One
Chapter 63: Prom Queen
Chapter 64: All's Well That Ends Well
Chapter 65: Homecoming
Chapter 66: Drunk Confession
Chapter 67: The Pocket Watch
Chapter 68: Her Last Chance
Chapter 69: Reconcilliation
Chapter 70: Happy Ending
After Story
Philip (Part 1)
Philip (Part 2)
Philip (Part 3)
Philip (Part 4)
When It All Starts . . . Again

Chapter 47: Stalker? Admirer.

4.8K 351 13
By LenaBuncaras

Siguro, kung ano ang nangyari noon six years ago, iyon na rin ang mangyayari ngayon. Natuloy ang lahat ng napigilan ko noong nakaraang pagbalik ko. At wala na akong balak bumalik pa para baguhin na naman ang mukhang nakatakda talagang mangyari.

Uwian na at napuno na naman ng estudyante ang buong school.

Kaiba sa inaasahan, hindi na mapanuyang tingin ang natatanggap ko sa mga estudyante. Mga nakangiti na sila sa akin. O baka ako lang ang nakakapuna.

Kailangan ko nang umuwi para makapagbihis na.

"Ito na yung uniform mo, Gelo," sabi ko pa at saka iniabot sa kanya ang gamit niya bago ako tumayo. "Salamat. Saka pala itong towel."

Tumayo na rin siya at humarap sa akin. Agad ang paling niya sa kanan nang bumungad sa kanya ang dibdib ko paglingon niya.

Sabay pa kaming humugot ng hininga bago ako bumaba.

Naiilang ako sa katahimikan namin kahit na ang iingay ng mga estudyante sa paligid. Bumalik na ako sa waiting shed na kumaunti na ang tao kasi karamihan naman sa mga classmate ko, uwing-uwi na kanina pa.

Nag-aayos ng mga gamit nila ang barkada ni Chim, at sana, hipan ng masamang hangin ang mga kilay nilang nakataas para hindi na bumalik sa dati.

"Ste, gusto mong ihatid kita?" may nag-alok na hindi ko alam kung sino sa mga naroon. "Hintayin kit—sabi ko nga, hindi na."

Saka lang ako lumingon sa kanang gilid noong biglang nagbawi ng salita. Si JC pala ang nag-alok.

Lumingon pa ako sa likuran ko kasi nandoon si Gelo na nakataas ang kilay sa akin. Ibinalik ko na naman ang tingin kay JC na naglalakad na papunta sa may gate.

Eto na naman kami.

"Bagay kayo, Angelo," parinig pa ni Chim. "Parehas kasi kayong walang kuwenta haha!"

Bigla ang buga ko ng hangin at masama ang tingin nang lingunin si Chim. Tinarayan lang niya ako at ganoon din ang ginawa ng tatlo pa niyang alipores.

At tingin niya, maiinis ako? Huh! At least, hindi ako na-busted ni AJ.

Isinuot ko na lang ang bag ko at pumunta sa restroom kung saan ko iniwan ang uniform ko.

Timping-timpi na ako sa ugali niyang si Chim. Bakit ba pinag-iinitan ako niyan? Ano ba'ng ginawa ko matapos ko siyang sagot-sagutin noong first day?

Kahit ako, nahihiwagaan na rin kung bakit lalong uminit ang dugo niya sa akin. O baka matagal nang mainit ang dugo niya at ngayon ko lang napapansin kasi ang taas-taas ng tingin ko sa kanya noon.

May mga nasasalubong akong mga estudyante na sinusundan ako ng tingin. Gusto kong isipin na dahil sa nangyari kaninang pambubuhos sa akin ng putik pero ang tingin kasi nila, parang ngayon lang nila ako nakita. Malamang kasi hindi ako naka-uniform

Nang makapasok ako sa loob ng restroom, naabutan kong may ilang estudyanteng nag-uusap-usap doon.

"May na-bully na naman kanina sa stage. Nakita mo?"

"Hindi. Pero nakuwento ni Mai. Sino raw?"

"Yung guwapong masungit saka si Ate Chimberly kanina yung nasa stage."

Imbis na kunin ang gamit kong nakasampay sa dulo ng restroom, pumasok na lang ako sa dulong cubicle para makinig.

"Si Ate Chim, b-in-ully? Ang bait-bait kaya ni Ate Chim!"

Talaga ba?

"Kilala n'yo yung babaeng parang ginagaya si Ate Chim?" sabi ng isa pang boses.

"Ay, yung pangit?"

"Hindi naman pangit, trying hard lang masyado. Siya yata yung naki-epal kanina sa stage."

Napahugot ako ng hininga roon habang naniningkit ang mga mata ko. Aba, ang gandang tsismisan naman yata nitong naririnig ko.

Ako pa pala ang naki-epal? Kung alam lang ng mga itong para sa akin talaga iyon.

"May gusto ba yung si Kuya Sungit kay Ate Chim?"

"Ang sabi ni Ate Arlene last time sa meeting ng council, crush na crush ni Kuya Angelo si Ate Chim. Pero hindi kasi sila bagay. Gusto ko kay Ate Chim si Kuya Arjohn."

"Si Kuya Arjohn!"

"Uy, crush ko 'yon! Ang guwapo n'on!"

"Di ba? Saka di naman papatol si Ate Chim sa bully."

"Pero cute naman yung masungit na kuya, a?"

"Cute nga, pero kasi masungit siya. Saka mayabang daw."

Halos mahilo na ako kaiikot ng mata ko. So, ganito pala ang impression nila kay Chim at kay Gelo.

Lumabas na lang ako ng cubicle at kinuha na ang mga damit kong nakasampay. Natigil sa tsismisan ang mga babaeng estudyante at sinundan lang ako nang tingin bago ako lumabas ng restroom.

Hindi pa rin ako maka-get over sa mga pinagsasasabi nila. Kada naiisip ko, panay ang irap at ikot ng mata ko.

"Si Ate Chim, b-in-ully? Ang bait-bait kaya ni Ate Chim!"

Talaga ba? Saan banda?

"Kilala n'yo yung babaeng parang ginagaya si Ate Chim? Ay, yung pangit?"

Ay, ang ganda naman nila! E, sila rin naman, pangit din.

"Hindi kasi sila bagay. Gusto ko kay Ate Chim si Kuya Arjohn."

Excuse me, hindi talaga sila bagay ni Gelo. Pero mas lalong hindi sila bagay ni AJ.

Kapag naiisip ko, naiirita lang ako. So, kapag nagtalo talaga kami ni Chim, alam ko nang wala akong kakampi. Kasi ako ang pangit. Kasi si Chim ang mabait.

Napaka-unfair talaga ng mundo. Nakaka-bad trip!

Paglabas ko ng restroom, unang-unang nahagip ng mata ko si Angelo'ng nakatambay sa malapit na haligi ng Einstein building. Isang room din ang layo niya sa restroom. Nagtama ang tingin namin. Hindi naman siya kumilos o ano. Nanatili lang siya sa pagkakasandig niya sa sementadong suporta ng building.

Ayokong mag-assume pero mag-a-assume na akong ako ang hinihintay niya. Gusto ko na siyang tanungin kung bakit nandito pa siya samantalang parati naman siyang maagang umuuwi kahit wala pang uwian. Kung hindi man, nandoon siya sa faculty room at nakatambay sa mesa ng tita niya.

Dumaan na lang ako sa quadrangle imbis na sa hallway ng building.

Nakalahati na ang na-su-survive ko sa worst day ever ko. At hindi ko alam kung pati ang damit ni Carisa, makaka-survive sa katawan ko. Mukha na akong si Winnie the Pooh, buti na lang hindi ako mataba.

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla kong maalala si PJ. Hindi ko alam kung nakauwi na siya pero baka lang sakaling makita ko pa sa garden. Favorite place pa naman niya roon.

Pagtalikod ko, hindi ko alam kung sisimangot ba ako o mapapangiti kasi si Gelo na naman ang nakita ko. Malayo naman siya, mga isa't kalahating metro ang agwat sa akin.

Pero nasa likuran ko siya!

Nag-iwas siya ng tingin at hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. At ang nakakainis pa, yung ekspresyon ng mukha niya, ang angas-angas na parang kulang na lang sabihin sa aking "Ano'ng tinitingin-tingin nito?"

Nakaka-bad trip! Buong araw na ito, nakaka-bad trip!

Nagdire-diretso ako ng lakad papuntang garden. Kung wala roon si PJ—o si Philip—mag-iiwan na lang ako ng note. Ipapaalala ko sa kanyang huwag akong kalimutang kausapin sa Santa Clara after six years.

"Hoy, sa'n ka pupunta?"

Agad ang lingon ko kay Gelo sa kaliwa at tiningnan siya para tanungin kung ano ba'ng pakialam niya.

"Di ba dapat, uuwi ka na?" inis pa niyang sinabi.

Aba! Ano siya, guardian ko? Alam kong may "angel" sa pangalan niya, pero demonyito pa rin siya at hindi ko siya bantay.

"Ba't ka ba nakasunod? Nabalik ko na yung uniform mo, di ba?" irita ko namang sinabi sa kanya bago nagpatuloy papuntang garden.

Nakakainis lalo. Nakaka-frustrate. Ikaw ba naman ang bumalik sa worst day ever mo at thrice mong ma-experience, hindi ka ba ma-fru-frustrate? Sa dinami-rami ng babalikang panahon, doon pala talaga sa ayaw mong balikan?

Nakasunod pa rin sa akin si Gelo hanggang sa garden. At subukan lang niyang hagisan ako ng higad, talagang manlalaban na ako sa kanya, siraulo siya.

Mababaliw talaga ako kay Gelo. Napapraning ako. Sana, siya na lang yung Gelo ng future kasi ang gentleman niya roon.

Pagdating ko sa garden, wala si PJ. Umuwi na siguro. Naglabas na lang ako ng gamit ko at pumilas ng page ng notebook.

"PJ. Si Stella ito. 'Wag mong kakalimutan. Sa Santa Clara, after six years."

Iniwan ko iyon at inipit sa sandalan ng bench. Siguro naman, walang kukuha niyon doon.

Paglabas ko ng garden, si Gelo na naman ang nakita ko. Nakataas lang ang kilay niya sa akin na ikinataas din ng kilay ko.

"Bakit mo ba 'ko sinusundan?" masungit na tanong ko. Kasi kahit na magiging boyfriend ko siya sa future, sa future pa 'yon! Hindi ngayon!

"Mukha bang sinusundan kita, ha?" maangas din niyang balik sa akin na ikinaurong ko.

WOW! Gusto kong matawa!

Sa lagay na iyan, hindi pa pala niya ako sinusundan. E di, sige.

"May ginawa ba 'kong masama sa 'yo? Wala, di ba?" sabi ko sabay pamaywang. "Baka nagalit ka kasi tinulak kita sa stage. Okay! Sorry, Gelo, kasi ang tanga ko para iligtas ka." Inilahad ko pa ang kanang kamay ko sa direksyon ng stage. "Though, alam ko namang para sa 'kin talaga 'yong ginawa mong putik, pero wala na. Nangyari na." Ngumiti ako nang pagkapeke-peke sa kanya. "Happy?"

Inirapan ko na naman siya at naglakad na ako pa-quadrangle.

Alam ko namang matagal na siyang nakakainis, pero sinusubukan ko namang habaan ang pasensya ko. At mabuti na lang dahil hindi na ako natatakot sa kanya at sa puwede niyang gawin sa akin.

Kung ngayon niya na-re-realize na gusto pala niya ako, then fine!

Pero grabe, ang sama pa rin talaga ng ugali niya. Napaka-bully. Kung makasunod naman sa akin, talo pa ang stalker. Tapos ang lakas ng loob mag-deny na hindi raw. E, hanggang ngayong papalabas ako ng gate, nakasunod pa rin siya.

Kapag nagkita ulit kami safuture, aasarin ko talaga siya, makikita niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
10.9K 349 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...