The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 167K 79.7K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 5 : Play my game

129K 4.9K 3.8K
By Serialsleeper

5.

Play my game

Tammy

Crimson Lake. For all thats worth, I have always found this place a little weird and shitty. But now that some of its creepy history are starting to unravel and my perfect little world has started to shake, this place just got a lot more weirder and shittier.

I dont know how but I suddenly found myself standing on the farthest and darkest corner of the library with the new guy at school who may or may not be the definition of trouble.

"You dont know who you're messing with so stop seeking the truth." Mahina niyang sambit na para bang nagbabanta. Patingin-tingin siya sa paligid na para bang natatakot na may ibang nakarinig sa amin kahit pa napapalibutan kami ng naglalakihang mga book shelf at lumang libro.

"Thats the point, I dont know who killed and terrorized Joy kaya sinusubukan kong mag-imbestiga kaya pwede ba? walang basagan ng trip." Giit ko at tinanggal ang kamay niyang kanina pa mahigpit ang hawak sa braso ko.

"Mag-imbestiga?" Napasinghal siya at bahagyang tumawa, "Ano tingin mo sa sarili mo? Detective? Tamara, ngayon pa lang binabalaan na kita, The Crimson Ripper isnt a joke. This town has been dealing with a demon who has manage to evade the police for two decades, killing teenage girls and bringing despair in this little town. If he's out killing again, better be careful because you suit his victimology." Dagdag pa nito at tumalikod mula sa akin at para bang maglalakad na palayo.

The words he uttered already gave me chills, but the way he spoke as if he doesnt give a bit of a care to another person's existence is scaring me even more.

"Did you just threaten me?" Sarcastic kong sambit at agad na napahawak sa magkabila kong bewang.

"I'm warning you." Lumingon siya sa akin at muling humakbang papalapit, "Stupid people die first. Once the Crimson Ripper sets an eye on you, he will never stop until he brings you to hell. If you value your life, you would look away, pack your bags and leave this hell of a town. Consider yourself warned." Walang emosyon niyang sambit kaya muli akong umiwas ng tingin sa kanya at napalunok na lamang ako. 

This guy.

I have never met anyone as creepy as him.

He's breathing.

He's walking.

He's alive.

But its like talking to a lifeless person.

Does he even have a soul?

"W-We have to warn others." Hindi ko naiwasang mautal.

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na magawang makontrol ang pananalita ko. 

I'm honestly scared though. And no, its not because of the serial killer bound to take this whole town to hell. I'm actually scared of myself and what goes on in my mind. Hindi ko kasi alam kung bakit napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong maniwalang kinakabahan ako sa maaring mangyari sa mga tao dito pero hindi ko maitago ang katotoohanang excited ako sa maaring mangyari kasi for the first time, may nangyayaring interesting sa lugar nato.

I have always loved thrills and mysteries. I have always seeked for them. And now its coming true.

Damn it, its a good thing no one can read my mind. For sure ang weird ko ng pakinggan.

"Warn the others? For what to become suspects? To become town idiots?" Nagulat ako nang bigla na lamang hinawakan ni Kirk ang magkabilang balikat ko. Mas matangkad siya sa akin kaya bahagya niyang iniyuko ang likod niya upang magkaharap lalo ang mga mukha namin. "Listen to me, this town doesnt believe in teenagers like us. The whole town believes that the Crimson Ripper is dead and long gone. Warning the others wont do a single good thing. In fact, ikaw lang ang mapapasama kasi aakalain ng lahat na masyado ka lang praning at sinungaling. Stop giving a single fuck. Dont get involved. Stay invisible." Dagdag pa nito kaya lalo akong naguluhan.

"Pero kahit na! We have to do something about this!" Giit ko.

"I, Tamara. I have to do something about this. This isnt your fight. Don't interfere, don't intervene." Aniya.

Wait does that mean-- hindi  kaya lumipat siya dito sa Crimson Lake para huntingin ang Crimson Ripper? Omg! That would be so cool! He is so cool considering isa lang siyang teenager na gaya ko.

Hindi ko namalayang nakalayo na pala si Kirk mula sa akin. Dali-dali ko siyang hinabol kaso nakalabas na yata siya ng library. Ang bilis namang maglakad ng lalakeng yon. 

"Ms. Tamara Conception, please proceed to the Guidance Counselor's office." Bigla na lamang tumunog ang campus intercom at sa isang iglap, nakatingin na ang karamihan sa mga estudyante sakin. 

- - - - - -

"Ms. Consulacion, may gusto lang akong itanong sayo. Okay lang naman sayo yun diba?" 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa pulis na kaharap ko ngayon. Akala ko si Sir Monterror lang ang kakausap sakin pero nagulat ako kasi pinapunta ako dito sa maliit na consultation room kasama ang isang pulis.

"M-may kasalanan ba akong ginawa?" Kinabahan ako bigla.

"Wala pero may kailangan lang akong itanong." Aniya kaya kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.

Nagtaka ako nang bigla niyang inilabas ang isang tablet at pinakita sa akin ang video kung saan nagk-kwento ako tungkol sa mamatay-taong nakasuot ng kulay pulang raincoat. Shit, this is so not good.

"Base sa autopsy na isinagawa kay Joy Madrigal, nakasaad ditong sinakal siya gamit ang isang kadena--" Hindi ko na siya hinayaang matapos sa sinasabi niya. Agad akong napatayo at hinampas ang dalawa kong kamay sa kulay puting mesa na naghihiwalay sa aming dalawa.

"Stop. Alam ko na kung saan patungo ang usapang to. Wala akong alam. Hindi ko alam kung bakit magkapareho ang paraan ng pagkamatay nila at lalong hindi ko siya pinatay!" Giit ko bago pa man niya ako pagbintangan.

"Miss Consulacion, huminahon lang po kayo. Hindi ko po kayo pinagbibintangan. May itatanong lang ako sayo tungkol sa kwento mo." Mahinahon niyang sambit at inabot sa akin ang isang bottled water, "Walang nagbibintang o naninisi sayo. Sagutin mo lang ang itatanong ko okay?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo matapos makainom ng tubig. Masyado na talaga akong nate-tense. Kasalanan to ni Kirk.

Wait.... Yung sinabi ni Kirk...

"Warn the others? For what to become suspects? To become town idiots. This town doesnt believe in teenagers like us. The whole town believes that the Crimson Ripper is dead and long gone. Warning the others wont do a single good thing. In fact, ikaw lang ang mapapasama kasi aakalain ng lahat na masyado ka lang praning at sinungaling."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Kirk tungkol sa magiging consequences sa pagbibigay ng babala sa mga tao.

May punto siya. Maaring hindi kami paniwalaan ng mga tao. Maaring mahirapan kaming balaan ang lahat. Baka walang maniwala sa amin..... BUT! this is me we're talking about. I have a spotless goody-too-shoes reputation. Maniniwala ang lahat sa akin at sa kahit na anong sasabihin ko. With the right lies, perfect situation, perfect timing, I can warn everyone. I can save them. I can help. Hindi naman siguro kasalanan tong gagawin ko since para naman to sa kaligtasan ng lahat...

"H-he's alive." Nauutal kong sambit at agad na umiwas ng tingin sa pulis. Nanatili akong nakatitig sa kulay puting mesa. I kept on recalling tearjerking films para makaiyak. Tears would make this convincing, sibuyas nasan ka ngayong kailangan kita?!

"Sino?" Kunot-noong tanong ng pulis.

"Siya... Buhay siya." Naramdaman kong may tumutulo ng luha pababa ng mga mata ko kaya bahagya akong nag-angat ng tingin sa kanya. 

"Sino?" Muling tanong ng pulis kaya pilit kong pinigilan ang sarili kong matawa. I cant help it. He looks freaked out already. Sorry Lord.

"The Crimson Ripper.  He's still alive. He was the one wearing the red raincoat. He killed joy too! Please po, you have to warn everyone!" Pagmamakaawa ko habang pilit na ipinapakitang takot talaga ako. Oh God, I hope hindi ako mukhang siraulo ngayon. Baka mamaya napakapanget na pala ng acting ko.

"Crimson Ripper? Hija sigurado ka ba sa sinasabi mo?!" Nauutal na sambit ng pulis kaya wala akong pagdadalang isip na tumango-tango.

"Nagtatago ako ng gabing yon. Natakot akong baka ang susunod niyang papatayin. Pero kahit nagtatago ako, rinig na rinig ko parin ang palahaw ng babaeng naunang mawala. Rinig na rinig ko rin ang mga sinabi ng taong nakapulang raincoat. Sabi niya siya daw ang Crimson Ripper, sabi niya hindi siya titigil. Sabi niya papatay siya ulit at hindi gaya noon, hindi lang dalaga ang papatayin niya. Babae't-lalake na din ang target niya. Mamang pulis natatakot po ako, buhay po siya at papatay raw po siya ng mga tao linggo-linggo. Hanapin niyo po siya, nasa tabi-tabi lang siya. Please po siguradong may mamamatay pa kasunod ni Joy." Giit ko at nakita ko ang matinding gulat at takot sa mukha niya.

My work here is done.

I just hope this wont backfire.

Lumabas ako ng consultation room habang nagpupunas ng luha pero sa kabila nito pakiramdam ko nagtagumpay ang plano ko. Para kasing natataranta na ang pulis. May iba rin palang mga consultation room rito at mukhang may tao rin sa loob nito.

"Umalis ka dito sa Crimson Lake! Hindi na ako magtataka kung lumaki kang kagaya ng tatay mo!" Narinig kong may sumigaw na parang isang matandang lalake mula sa loob ng isa sa mga kwarto.

"Hindi ako mamatay tao at lalong hindi mamamatay-tao ang tatay ko!" Nagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang isa sa mga pinto at lumabas rito ang galit na galit na si Kirk. Dali-dali siyang naglakad palayo at nilagpasan lamang ako. Nakita ko kung kanino siya nakikipagtalo, sa papa pala ni Tessa na siyang chief of police dito sa Crimson Lake.

- - - - - -

Napatingin ako sa relo ko, Mag-aalas-singko na ng hapon pero hindi ko parin nahahanap si Dustin at hindi naman niya sinasagot ang phone niya. Asan kaya ang alikabok na yun? Lagot talaga ako kay Daddy kapag hindi kami magkasabay na umuwi.

"Tammy bola!" Biglang may sumigaw kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina Ponzi at Ford sa soccer field na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Its a good thing nakita ko sila, for sure alam nila nasaan ang kapatid ko. Tropa sila eh.

Kinuha ko ang bola nilang malapit lang sakin. Nilapitan ko sila at iniabot nito.

"Nakita niyo ba si Dustin?" Tanong ko.

"Nangchi-chiks yun!" Tumatawang sambit ni Ford habang pinupunasan ang pawis sa mukha niya.

"Hindi kasi siya nagpasa ng physics assignment namin kaya hayun, pinaglinis ng teacher sa banyo. Hintayin mo nalang, babalik din yon maya-maya lang. Dun ka nalang malapit sa phone booth maghintay tutal may bench dun." Nakangiting sambit ni Ponzi kaya pabiro ko silang tinaasan ng kilay.

"Hoy dalawang taon ang tanda ko sa inyo, mag-ate kayo sakin." Biro ko.

"Si Dustin nga di ka tinatawag na ate, kami pa kaya." Sabi pa ni Ford kaya pabiro ko siyang inirapan.

"Tammy, ang totoo niyan ayaw kitang tawaging ate kasi ang gusto kong itawag sayo, 'akin'." Sabi pa ni Ponzi sabay taas-baba ng dalawa niyang kilay kaya agad akong napangiwi.

"Brad wag mong landiin yan! May boss Calix na puputol kay Junior pag ginawa mo yan!" Paalala ni Ford kaya agad na napatakip si Ponzi sa crotch niya.

"Tammy mahal kita pero mas mahal ko si Juinor ko." Aniya kaya natawa na lamang ako't umupo sa bench na katabi lamang ng lumang phonebooth.

Unti-unti ng dumidilim ang paligid pero mabuti nalang at may posteng nakatutok sa mismong tapat ng kinauupuan ko. Maingay parin naman ang paligid kahit papaano kasi ang ingay nila Ford at Ponzi habang naglalaro ng soccer.

Ewan ko ba pero paulit-ulit akong napapasulyap sa lumang phonebooth, parang ang creepy kasi kaya kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isipan ko. And the worst part, andaming lamok na kumakagat sakin. Kainis ka talaga Dustin!

Instead of mentally murdering my brother, I just decided to text my friends. Siguro naman andito pa ang ilan sa kanila.

To Milky :

Milkybabes where art thou?

From : Milky

Tammylats me is at art department. You?

To : Milky

Here at soccer field. Puntahan mo ako, nasa tabi ako ng phonebooth.

From Milky

Me is at home na pala hihihi. Love you sis.

--

To: Quinn

Sissy call mo nga tong phonebooth sa soccer department. Telebabad tayo :)

From: Quinn

Tyler says its sira daw. I'll call you later nlang, im with him eh. Mwah.

--

To: Calix

WUN?

Yoohoo?

Uso reply.

Calix....

Calixto ko...

Hoy!

Wala na tampo na ako...

Reply ka please? hihi...

I hate you....

Break na tayo...

Joke lang :))

Natigil lamang ako sa pangungulit sa mga kaibigan ko nang bigla na lamang akong narinig na may nag-ring. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap kung saan ito nanggagaling at nagtaka ako nang mapansing parang galing ito sa loob ng phonebooth.

Is it really ringing? Akala ko ba sira na?

I ignored the ringing but it wouldnt stop kahit na ilang minuto na ang lumipas. Whoever's calling the phonebooth is either stupid or really stupid.

Nakakairita na ang matinis na tunog nito kaya hindi na ako nakapagpigil pa at  pumasok na ako sa loob ng phonebooth at sinagot ito.

"Hello? Mali ka ng tinatawagan dahil--"

"Hindi mali ang tinawagan ko, Tamara. Ikaw talaga ang sadya ko." Ewan ko ba pero bigla akong kinilabutan nang bigla kong marinig ang isang napakalalim na boses mula sa kabilang linya. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko pero nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi na naglalaro sina Ponzi at Ford ng soccer at sa halip ay kapwa sila may kausap sa mga cellphone nila.

"Si Ponzi ka or Ford? Oh well, hindi ka uubra sakin." Pagmamayabang ko sabay patong ng mga gamit ko sa counter.

"Ponzi at Ford?" Narinig kong tumawa ang kausap ko. Nakakakilabot kasi para na itong nagiging halakhak, tipong parang galing sa kailaliman ng lupa, parang sa isang demonyo, "Nakakatuwa ka talaga." Aniya kaya muli kong ibinalik ang tingin sa dalawa at laking gulat ko nang makitang kapwa na sila bumalik sa paglalaro.

"S-sino to?" Nauutal kong sambit at napahawak ng mahigpit sa teleponong hawak ko.

"Kilala mo kung sino ako Tamara." Aniya.

"Quinn? Milky? Calix? Dustin? Tyler? Shit! Whoever you are quit fooling around!" Ibababa ko na sana ang telepono nang marinig ko siya ulit na magsalita.

"Hmmm, sino kaya ang uunahin ko sa kanila?" Tanong niya na para bang nanunuya.

"Unahin mo sarili mo! Kumain ka ng bubog!" Hindi ko na naitago pa ang inis ko.

"Funny girl," Tumawa siya, "Kung padalhan ko kaya ng Missing poster ang kapatid mo gaya ng ginawa ko kay Joy?"

Sa isang iglap ay bigla kong naramdamang nanlambot ang mga tuhod ko at ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay tuluyang napalitan ng takot.

Wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa missing poster. Kahit ang sina Quinn o Calix... Ibig sabihin... Oh my God! No! This cant be happening! 

"Galing sa mayamang pamilya, may kapatid sa highschool, madaming kaibigan, may boyfriend na kabilang sa varsity team, matataas ang grades, sikat, dalaga--Alam ko na ngayon ang lahat tungkol sayo Tamara. Sayang, mayroon ka sanang isang perpektong buhay pero mas pinili mong makialam. Pasalamat ka't gusto kong makipaglaro kaya hindi muna kita totodasin."

Hindi ako halos makapagsalita. Panay ang panginginig ng mga kamay ko at ayaw na tumigil ng luha ko sa pag-agos. 

"'W-ag mo silang sasaktan. Parang awa mo na.." Halos walang lumabas na boses mula sa bibig ko. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait sa sobrang kaba.

"Sa isang kundisyon tamara..." Aniya.

"Ano? Pera ba ang kailangan mo? Magkano?! Parang awa mo na, wag mong idadamay ang pamilya at mga kaibigan ko!" Napahawak ako ng mahigpit sa buhok ko habang pinipilit ang sarili kong wag humagulgol.

"Makipaglaro ka sakin...."

END OF CHAPTER 5.

Author's Note : Comments are highly appreciated! Kirk on the side :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <33

Continue Reading

You'll Also Like

324K 21.5K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...
3.1M 116K 45
So you wanna be a thief? Here's how: √ Keep to the shadows √ Plan accordingly. √ Come prepared. √ Be a master of disguise. √ Take what you planned to...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
8K 353 2
Amidst a town plagued by evil spirits, a lone doctor and a ravishing priest find themselves battling not only the demonic forces threatening their co...