Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 8

1.4M 37.1K 17.1K
By jonaxx

Kabanata 8

That's All

Kahit sa pagbaba sa grand staircase at pagpapaulan ni Ysmael sa akin ng matatamis na salita tungkol sa suot ko ay hindi ko parin naalis sa utak ko ang sinabi ni Noah. Damn he knows how to occupy someone's mind.

"Let's go?" Halos napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Ysmael ang kamay ko para lang makahakbang ng maayos sa staircase.

I am too unfair. I should stop thinking about Noah. Hindi ito ang nararapat na isipin ko sa mga sandaling ito. Kaya malaking ngiti ang ipinakita ko sa mga nakatanaw na schoolmate sa baba. I even saw Rozen Elizalde beaming near the staircase. Naroon kasi ang mesa niya. He probably knows that Noah is around. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nginitian ang iilang mga kakilala na naroon.

Tinawag ang pangalan namin at nang tumapak na ako sa red carpet ay napawi ang kaba sa dibdib ko. Naging abala ako sa pangungumusta at sa mga puring natamo dahil minsanan lang ang mga Grade 10 na naiimbitahan sa prom.

"You really look stunning, Meg," malambing na sinabi ni Ysmael.

"Thank you," ngiti ko sa kanya samantalang pumapalakpak kami sa iba pang estudyanteng bumababa.

Kasama namin ang mga kaibigan niya sa table. Medyo maingay sila. Nagtatawanan habang pinag uusapan ang mga nakakatawang nangyari bago sila pumunta dito.

"You're silent." Pinuna ni Ysmael ang pagiging tahimik ko habang nag poprogramme at nag uusap usap na rin.

Nginitian ko siya. "Nahihiya pa kasi ako."

Sa puntong iyon ay agad niyang tiningnan ang mga kaibigan niya at ipinakilala niya ako sa mga ito. Nawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin tungkol kay Noah. Nginitian at kinausap ko sila isa-isa kahit na halos hindi ko maalala lahat ng mga pangalan nila dahil sa dami.

Four courses ang meal na kinain namin at pormal na pormal hanggang sa matapos ang programme at umuwi ang officers ng school. Nang nag party na ay sinimulan ng sweet music. Isa isang nagsitayuan ang mga estudyante para makasayaw ang kanilang mga date.

Naglahad agad ng kamay si Ysmael sa akin at tinanggap ko iyon. Tumayo ako at walang kahirap hirap niya akong isinayaw. Tumawa ako dahil isang beses kong naapakan ang kanyang paa.

"I'm sorry." Humalakhak ako.

"It's okay," sambit niya.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya at tumagilid ang ulo niya habang isinasayaw ako. "You know what? Lagi kitang pinapanood kapag dumadaan ka sa aming floor."

Nagtaas ako ng kilay. "Oh you are stalking me now?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He looked dashing too. Hindi ko maipagkakaila na kakaiba talaga ang kanyang mga mata. Hindi ito tulad ng mata kong kulay brown. Ito ay may halong berde at asul. "I like watching you walk, that's all."

Ngumuso ako, hindi makapa ng sasabihin sa guwapong lalaking ito. I am very much flattered right now.

Sa saliw ng I'll Be ni Edwin Mccain ay sumayaw kaming dalawa. Pangatlong kanta na yata iyon habang nagtitigan kami ni Ysmael sa gitna ng dancefloor nang ang kamay niyang kanina ay nasa baywang ko ay humaplos pataas. I am open-minded but my innocent heart still can't handle more moves like that. Nag iwas ako ng tingin kay Ysmael at nginitian ang iilang kilala na sumasayaw na rin.

Inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang daliri kaya napatingin ulit ako sa kanya. "If I ask you to be my girl, would you say yes?"

Nanatili ang titig ko kay Ysmael. He looked straight right into me. If this was Noah right here the answer would be so damn easy. Nanuyo ang lalamunan ko. Part of me was devastated. I know my answer but I couldn't say it loud to him. I like Noah for years. And I probably love him already right now.

Ngumiti siya at bumaba ang tingin sa sahig. Para bang sa titig kong iyon ay nalaman niya ang sagot. "Oh, nevermind that. I was only joking, Megan. You look more beautiful when you're seriou," angat ulit ng kanyang tingin.

Part of me got relieved. Ayaw kong dungisan ang pagkakaibigan namin ni Ysmael. That is what you get, Megan. Kung sana ay hindi ka na lang pumayag. You gave him clear signals when you said yes to this.

"I know you like Noah, Meg," tabang ang tanging narinig ko sa boses ni Ysmael.

Hindi ako makapagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kanya.

"We can just have fun instead. As friends?" Inangat niya ang isang kilay sa akin at ngumisi.

Mas lalong gumaan ang damdamin ko. I think he's sport and thank God for that. Tumango agad ako kasabay non ang pag iiba ng music at sumalin ang iilang mix ng mga sikat na electronic at trance. Sumigaw ang iilang estudyante at nagsitalunan sa maingay na musika.

Dumilim pa lalo at mas lalong nagwala ang neon lights. Mas maraming sumayaw dahil sa music. Katabi si Ysmael ay sumayaw na rin ako at tumawa sa dancefloor. Nagawa pang mag biro ng iilang kaibigan niya sa pagsasayaw kaya nakisali ako.

Maingay at medyo nakakapawis 'yong ginawa namin. Tawa kami ng tawa ni Ysmael pagkatapos naming umalis sa gitna dahil sa init at ingay ng mga tao. Ilang mga magka date ang naitulak namin palayo sa isa't isa para lang makawala doon at ang huling naitulak namin ay naasar kaya tumakbo kami palayo at napahagalpak na lang.

"Have you seen the guy's face? He looks pissed!" Nilingon pa ni Ysmael ang dancefloor.

Nasa gilid parin kami nito ngunit hindi na nakikisali sa mga nagsasayaw. Tumango agad ako sa sinabi niya at nilingon ko na rin ulit 'yong tinutukoy niya.

"Hala baka mag away sila," nag aalala kong sinabi nang nakita kong paano lumaki ang mga mata nong babae at tinuro 'yong lalaki.

Hindi ko mawari kung ano ang pinag uusapan nila pero ramdam ko ang tensyon. Nanatili ang titig ko roon. May sinabing kung ano si Ysmael pero hindi ko narinig dahil sa ingay at dahil na riin sa pagtuon ko ng atensyon sa kanila kaya agad niyang hinapit ang aking baywang.

Nilingon ko kaagad siya at nagtaka sa ginawa.

"I said, don't worry about them, Meg." Ngumiti siya.

"I just don't want to spoil their night." Bumaling ulit ako sa kanila.

"Hey..." he whispered. Kinuha niya ang atensyon ko sa pag haplos ng aking pisngi at ang marahang pag giya niya patungo sa kanyang mukha.

Kumalampag ang puso ko sa kaba at halos lumayo ako sa kanyang ginawa. Bago pa ako makalayo ng husto ay naaninag ko na si Noah nang tumama ang ilang Neon Lights sa kanyang mga mata. Nasa harap namin siya at nakatingin sa kasing tangkad niyang si Ysmael.

Gulat na nilingon ni Ysmael si Noah. Luminga siya sa aming dalawa. Sa sobrang gulat ko sa pag dating niya ay halos mautal ako sa pagsasalita.

"Anong ginagawa mo dito, N-Noah?" tanong ko kahit na kay Ysmael nakatingin.

Nakakunot ang noo ni Ysmael at di ko malaman kung anong nasa loob ng utak niya.

"You know I'll be here. I told you, Megan." Malamig ang kanyang tono. "Sinabi ko iyon sa'yo kanina nang hinatid kita. Did you forget?" Umangat ang gilid ng kanyang labi at naaninag ko ang kapilyuhan ng kanyang tingin sa akin.

"Hinatid ka ni Noah, Megan?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Ysmael.

"Hindi ba niya sinabi sa'yo?" Singit ni Noah, pilyo parin ang ngiti.

"Noah..." Saway ko.

Nalaglag ang panga ni Ysmael at nakita ko sa dilim ang kanyang pagkakairita.

Alam kong napahiya ko siya at alam kong nalaman niyang nagsinungaling ako. Sana ay hindi na nakialam pa si Noah. What a stupid decision, Noah? Nang nakita kong bumalandra pa ulit ang pilyong ngiti niya ay nahinuha ko kaagad na baka sinasadya niya ito? But for what reason?

"Akala ko ay hinatid ka ng dad mo?" Umiling si Ysmael. I cannot deny the fire in his eyes this time.

"I-I was-"

"Forget it." malamig niyang sinabi. "I'm sorry because I didn't know that you two have a thing now."

"We are not a thing, Ysmael." Nahihiya kong sinabi. "I'm sorry I lied to you."

"No, it's okay, Meg. Really. It's okay." Aniya at agad akong tinalikuran.

Hahabulin ko na sana siya nang hinatak ako ni Noah pabalik sa kanya. Tamad siyang tumikhim at tumingala na para bang ang boring ng gagawin ko.

"Noah! Ba't ka nangingialam? Nagalit tuloy si Ysmael!" sabi ko.

"Well now that's youre fault. You lied to him," aniya.

"Ayaw ko lang na magtaka siya kung bakit ikaw ang naghatid gayong siya ang date ko! That's an insult to him!" I spat.

"In the first place bakit ka pumayag na makipagdate sa kanya-"

"Oh how stupid your reasons are, Noah!" Galit kong sigaw sa kanya.

"Kung bakit hindi ka na lang magpasalamat sa akin dahil narito ako nang muntik ka na niyang halikan ay hindi ko maintindihan, Megan." Kumunot ang kanyang noo.

"Kasi kahit saan ko tingnan ay nakikisawsaw ka sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko! And so what if he will kiss me? And I can even say no or reject that kiss alone, Noah. Thanks but I don't need your help!"

Tinagilid niya ang kanyang ulo.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung bakit siya nakikialam ay isa paring misteryo para sa akin. Ilang beses na siyang ganito at kahit na hindi ko maipagkaila ang kagalakan ko ay gusto ko parin ng mga sagot na mas klaro.

Nilingon ko ang paligid at nakita kong may ilang babaeng nakatingin sa amin. Ayaw kong may nakakarinig sa pinag uusapan naming wala naman talagang sense kaya nag martsa agad ako patungo sa bukana ng venue. I will text Ysmael later. I will need to deal with this spoiled boy ever here first.

Sumunod siya sa akin habang bumubulong bulong ng mga bagay na mas lalong nakakapag init ng ulo ko.

"Buti alam mong gusto kong lumabas ka na don. At least medyo matalino ka rin naman pala..."

Halos lingunin ko siya habang binubulong ko ito pero ayaw kong makabunggo ng mga waiter na nagsisilabasan sa mga kitchen at iilang taong nasa hall kaya dumiretso na ako sa labas bago siya hinarap ulit at tinapunan ng mga salita.

"Buti sana kung sinabi mong nagseselos ka kaya ka nandito, matatanggap ko pa Noah pero kung nag e-ego trip ka lang at ayaw mong matoon ang atensyon ko sa ibang tao ay aba, e, patingin ka na!" asar kong sinabi habang inaayos ang damit ko.

Nakita ko na pinasadahan niya ako ng tingin at humalukipkip pa siya na parang sinusuri akong mabuti at binalewala ang sinabi ko. I couldn't believe this guy.

Nasa labas na kami ng venue at narinig ko ang fountain sa magkabilang garden na umaagos at iilang mga bisita ng hotel ay dumadaan sa gilid namin paminsan minsan. Ilang sandaling lakad pa kasi bago mo marating ang parking lot. At heto kami at nagtatalo sa gitna.

"Is that what it is? Did you say yes because you want me jealous, Megan?"

No. I said yes because Ysmael is my friend, Noah. Iyon ang gusto kong sabihin ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig nang humakbang siya palapit sa akin. Nakatutok ang kanyang mga mata sa aking labi. Kinagat ko ito at nakita ko ang pagnguso niya at ang pag angat ng kanyang tingin sa aking mata.

Halos tumakbo ang puso ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at dumampi ang kanyang labi sa akin. Kumaripas na yata maging ang kaluluwa ko at hindi ko na napigil ang pag pikit ng mga mata ko.

Halos magusot ko ang kanyang tee shirt nang kinuyom ko ang aking kamay sa pagkakahawak nito dahil sa kanyang halik. Kalabog lang ang narinig ko sa aking puso. Wala ng iba pa. Kaya nang bumitiw siya at dumilat ako ay mabilis ang hininga ko.

"Got your first kiss," he said confidently.

Umawang ang labi ko. Lahat ng dugo ko ay umakyat yata sa pisngi.

"That's how to shut your mouth." Ngumisi siya.

"Para saan 'yon, Noah?" I demanded. Estatwa parin sa kanyang ginawa.

"You're too naive." Tinalikuran niya ako ng nakangiti.

"What!?" Hinampas ko ang braso niya. Gusto kong malaman kung bakit niya ako hinalikan.

Gusto niya na ba ako? Gusto niya na ba ako? Gusto ko ng sagot sa mga tanong ko.

"Noah! Oh my God, Noah!? Do you like me?" Hindi ko maipaliwanag ang laki ng ngiti ko habang hinahabol siya sa paglalakad.

Tumawa lang siya at umiling kaya hinampas ko na lang siya lalo, natatawa na rin at hindi na maipaliwanag ang nararamdaman.

"Noah! Noah naman! Sagutin mo ako!" Natatawa kong sinabi.

"Oh you shut your mouth, Meg. You are too noisy!" mariin niyang sinabi, papalapit kami sa kanilang sasakyan.

"I am asking you! Dammit! Kung hindi ka sasagot sasagutin ko si Ysmael! Nanligaw siya sa akin and I find him very attractive and nice, Noah." Humalukipkip ako at tumayo doon sa likod niya.

Pinanood ko ang kanyang pagbaling sa akin. Ngayon ay malamig na ang titig. Gusto kong malaman niya na alam ko ang limitasyon ng lahat ng ito. Kung wala rin naman siyang gusto sa akin ay maiintindihan ko. I am just a fan to him while I am Ysmael's friend. Mas malaki ang posibilidad naming dalawa ni Ysmael kesa sa amin ni Noah. He's like some star that's really hard to reach.

Although, I don't really intend to start a romantic relationship with Ysmael. But I want Noah to know that it could be possible. If he wants me now, he needs to get his balls together and tell me.

"Sagutin mo kung ganon." Malamig niyang sinabi.

Parang may kung ano sa damdamin kong nawasak. He did not want me enough. He liked to play games and I was his favorite game. Ang larong alam niyang lagi siyang nananalo ay ang laro ni Megan.

"I don't mind, Megan."

Tumango ako at biglang nanigas ang aking pakiramdam dahil sa pamamanhid. "So... you don't mind if he kisses me then?"

"I got to kiss you first. I am your first kiss. I wont mind." Pilyo siyang ngumiti.

Hindi ko makalap ang mga salitang maaaring sabihin sa kanya. He's too heartless this time. I can't believe he just said that! Hinahamon niya ako. Hinahamon niya ang puso kong alam niyang sa kanya na nong una pa lang.

"So that's what you only want? My first? That's all?" Nangatog ang boses ko.

Tinitigan niya ako at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. It hurts like hell deep inside. I want to punch Noah so bad. I want him to suffer. Nakakapanghina ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya lang ako. Pinasaya at pinaiyak. Pinaasa at lumagapak.

Continue Reading

You'll Also Like

49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
509K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...