All that's left

Bởi joshbarcena

993K 7.8K 366

Paano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol... Xem Thêm

Prologue: Under our tree
Chapter I: Ang Simula
Chapter II: One step
Chapter III: When the moon shined the brightest
Chapter IV: Starting to get sweeter
Chapter V: Crocodile stuff toy
Chapter VI: He's starting to love her
Chapter VII: Plans and plans again.
Chapter VIII: Prize of the night
Chapter IX: Uncharted Night
Chapter X: Beginning of a Hot Relationship
Chapter XI: The meet-up
Chapter XII: Who's that Girl?
Chapter XIII: Girlfriend meets Bestfriend
Chapter XIV: Bakit?
Chapter XVI: Secrets
Chapter XVII: Pass-time
Chapter XVIII: Roshie-kun!
Chapter XIX: Unexpected Chocolates
Chapter XX: Little effort
Chapter XXI: God Damn You're Beautiful
Chapter XXII: Before November 25th & After
Chapter XXIII: Selos overload!
Chapter XXIV: Deamenor Change
Chapter XXV: Sidewalk
Chapter XXVI: Year-End is near
Chapter XXVII: Costume Party
Chapter XXVIII: Eve with the Family
Chapter XXIX: Mayon's secret
Chapter XXX: Shooting Star
Chapter XXXI: New Year's Curse
Chapter XXXII: An Odd day
Chapter XXXIII: Cloudy Night
Chapter XXXIV: Boundaries
Chapter XXXV: Couch & Cakes
Chapter XXXVI: Smile's Leaking
Chapter XXXVII: Call
Chapter XXXVIII: Ice Cream
Chapter XXXIX: Crush
Chapter XL: Club & Planning
Chapter XLI: 15th of February
Chapter XLII: Wounds from a Double-edged sword
Chapter XLIII: Tolerance
Chapter XLIV: Once upon a time of tenderness
Chapter XLV: Good turns Bad
Chapter XLVI: Impact
Chapter XLVII: Re-assuring hug
Chapter XLVIII: Professor Generous
Chapter XLIX: Upcoming duet
Chapter L: Anniversary
Chapter LI: Libra's Decision
Chapter LII: Mid-March's Reminiscing
Chapter LIII: Fragments of Realization
Chapter LIV: Medium well
Chapter LV: Downtown
Chapter LVI: Initiative's calling
Chapter LVII: The Coffee's arrival
Chapter LVIII: The Tree
Chapter LVIX: Bring in the rain
Chapter LX: Bloody letter
Chapter LXI: Lucky

Chapter XV: Wilting Jasmine

13.6K 108 3
Bởi joshbarcena

Napakalungkot ni Jasmine nung mga sandaling yon. Hindi siya makatulog; pinipilit na niya sarili niya pero talagang hindi siya makatulog. Tumutulo parin luha niya dahil wala na siyang control dito. 

"Peskeng kanta yan nakakainis." sabi niya habang tumutugtog ang musika ng Parokya ni Edgar. Hindi niya talaga mapigilan na lumabas at magkusang tumulo ang mga luha niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Mag-isa siya ngayon sa nararamdaman niya; yung kaisa-isang tao na nasasabihan niya at nalalapitan para pagsabihan ng mga iniisip, bumabagabag at tumakbo sa isip niya ay pag-aari na ng iba. At dahil nga sa rason na to ay wala na siyang iba pang mapagsabihan ng kanyang dinadala noong gabing yun. 

"Kasi naman, Jas tahan kana. Masaya naman siya eh. Wag ka ng malungkot..." pagpapatahan niya sa sarili niya habang tuloy ang pag-tulo ng luha niya. Bumangon na siya nun para kahit papano ay di siya mahirapan. Pero wala talaga eh. Tumutulo talaga sila ng kusa. Paraan na to ng puso niya para maglabas ng sakit at tila sinusuway na nito ang nag-mamay-ari sa kanya.

Kinuha niya yung crocodile stuff toy na regalo sa kanya ni Rosh at niyakap ito ng napakahigpit habang umiiyak siya. Hagusgos na hagusgos ang pag-iyak niya ng biglang mag-ring ang kanyang phone at napatigil nalang siya sa pag-iyak dahil ringtone iyon ni Rosh. Tumngin muna siya saglit sa phone niya at dali-daling pinatay ang music at tiningnan muli. Nag-rring nga. 

Agad niyang kinuha ang phone niya, pinunasan ang mga luha niya at inayos ang boses niya para hindi siya mahalata nito na kakaiyak lang niya. 

"Uie Rosh napatawag ka. Nahatid mo na ba si Elise?" pagtatanong niya pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

Ah oo. Kanina pa actually. Kakatapos ko lang siyang kausapin kaya naisip kong ikaw naman tawagan at i-check. pagsagot ni Rosh. 

"Ah ganun ba. Mabuti naman. Nakakain kana ba? Wag kang-papalipas ah."

Oo mamaya ng konti at busog pako. Anu gawa mo? tanong nito. Pansin ni Jas na medyo wala sa mood itong kaibigan niya, boses palang.

"Bakit ganyan boses mo Rosh? May nangyari ba? Away kayo no?" pagtatanong niya na may halong biro.

Kaw talaga. Kahit kelan di ako makakalusot sayo noh? Medyo nagkatampuhan lang kami ni Baby. sagot niya. Medyo malumbay parin ang boses niya pero naisip nalang ni Jas na pasayahin siya.

"Yuuucckk! Baby ka diyan! Hahaha!" sagot niya. Napatawa naman ang pareho lalo na itong si Rosh.

"Yun tumawa na. Sige serious na tayo. Bakit ano pinagka-tampuhan niyo?" pagtataka ni Elise.

Eh kasi Jas....

"Ano nga kasi yun? Bat di mo masabi? Tungkol sakin yan noh?" pagbibiro ni Jas pero tumahimik nalang si Rosh ng nabanggit niya yon. Nawala yung sigla ni Jas noon at tinanong siyang muli.

"Tungkol sakin? Bakit? Ano daw?" pagtataka niya.

Ganito kasi yon Jas.... at pagkukwento niya ay sinabi niya ang mga nangyari at pinagusapan nila nung gabing yun. Lalong nanlumo si Jas nuon dahil akala niya ok sila ng girlfriend ni Rosh pero mukhang wala sa kanyang tiwala itong si Elise. Tuloy din lang ang pagkukwento ni Rosh at tila hindi niya alam kung pano ang gagawin niyang reaksyon pagkatapos ng mga pangyayari na yun.

"So kasalanan ko pa kung bakit kayo nag-away ni Elise mo." sagot nalang ni Jas.

Hindi naman Jas. Pinaliwanag ko na sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala. Babantayan mo pa nga ako diba? 

"Pero iba parin kasi samin mga babae yun Rosh eh. Ngayon sinabi mo pa kung ano talaga tingin niya saken. Lalo ako ma-iilang sa kanya niyan." pagsagot ni Jas. Na-tahimik lang sa kabilang linya si Rosh at pinili nalang ni Jas na huwag magsalita nung mga oras na yun. Narinig nalang niya ang paghinga ni Rosh ng malalim bago ito magsalita.

Jas, hindi naman pwedeng ganito. Bestfriend kita eh, malamang malulungkot ako kung ganyan tingin sayo ng Girlfriend ko kahit wala naman dapat siyang ipag-alala. ang tanging nasabi nalang ni Rosh.

Humiga na noon si Jas habang yakap parin niya ang stuff toy; "Eh ano naman magagawa natin lalo na ako kung ganyan agad impression niya sakin? Lalo na't nasabi mo pa na iniwan siya ng mga ex niya dahil sa bestfriends nila. Rosh experience na niya yun eh, mahirap baguhin yun." pangangatwiran naman nitong Jas.

Pero, bestfriend kita eh tsaka alam naman natin sating dalawa na hindi mo ako papatulan diba? Haha  so wala siya dapat ipaga-alala diba?

Nainis si Jas dun at nasuntok nalang nito ang stuff toy niya. Leche ka papatulan kita kahit ngayon na bigyan mo lang ako ng signal! Bwiset! sabi niya sa loob-loob niya.

"Haha oo naman! Yucky kaya! Pero seryoso nga. Pano naman natin magagawan ng paraan yan para magustuhan at magtiwala sakin yang si Baby mo?" tanong niya nalang rito kay Rosh. Parehas silang nag-iisip nun kung ano nga ba pwedeng gawin at medyo natagalan sila duon dahil ilang minuto silang nagbalikan ng "May naisip kana?" sa isa't-isa hanggang sa naisip muna ni Jas na ilihis ang topic.

"Nga pala kelan moko papakilala sa barkada mo? Medyo excited nako makilala yung mga yun eh." pagtatanong niya.

Ah! Oo nga pala no. Baka next week pag start na ng classes para nasa iisang lugar na tayo. Mas madali pag ganun. sagot ni Rosh.

"Ah sige-sige. Nasabihan mo naba sila na papakilala moko?" tanong naman niya. 

Aba oo naman malamang nasabihan ko na sila! Nahuli nila ako eh so no choice! 

"Ah so napilitan ka lang pala ganon?" pagsusungit kunwari nitong si Jas.

To naman joke lang. Malamang matagal ko ng gusto, nag-iintay lang ako ng tiyempo. Na-unahan lang ako nung mga yun. 

"Ah ok. Sige basta sabihan mo ako."

Ok. Teka parang may naisip nako na pwedeng gawin para magtiwala sayo ng husto itong si Baby biglang singit nitong si Rosh.

Sa pagtataka ay napakamot muna sa ulo itong si Jas at tinanong; "Ano naman yun?" 

Ganito lang naman..... at nagsimulang magpaliwanag itong si Rosh. Habang sinasabi niya ito kay Jas ay siya naman ikinagulat nito. Sa lahat naman ng pede kasing gawin bakit yun pa? Medyo hindi maganda ang vibes dito ni Jas pero wala siyang magagawa; para sa ikakapanatag ng loob ng kanyang bestfriend, ay gagawin na niya ito.

So pano ba yan. Ayos na ah? Abisuhan ko na siya. Antok nako, tulog kana diyan ha? Basta wala ng b-back out! Goodnight! pagpapaalam nitong si Rosh at agad naman naputol ang call. Agad naman napatili sa pangamba itong si Jas dahil mukang hindi niya talaga alam kung ano pwedeng mangyari.

"Rosh naman kasi eh. Bakit kasama pako sa date niyo, sana di matuloy! At ikaw naman Jas bat ka pumayag? Kainis!" ang nasabi nalang niya sa sarili niya. Magmumuka siyang alalay ng dalawa pero, para nga naman sa taong mahal niya; magpapakatanga na siya. Sino ba naman ang hinde?

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

69.9K 3.1K 19
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
253K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
12.3K 481 22
"Alam kong may katabi ako ngayon pero hindi ko nakikita," sabi ni Lanie sa lalaking kaharap niya habang hindi inaalis ang tingin dito. "Kung hindi mo...
1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...