It Started in the Elevator✔️

By JFstories

30.8M 532K 62K

All that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who wa... More

PROLOGUE
Leo Montemayor Saavedra
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
14
16
17
18.
19
20
21
22
23
24
Book II
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Last Chapter
Epilogue
New Story Alert: Ain't No Other
Raphael's story

15

631K 10.9K 951
By JFstories

Chapter 15

TUMAMBAY muna siya sa 24-hours na convenience store sa kanto nila Camilla sa Cypress. Hihintayin muna nyang mag-umaga hanggang sa makaalis na ang kaibigan niya. Ayaw nyang makita siya nitong luhaan. Kilala niya ang best friend niyang si Camilla, ayaw nitong naaagrabyado siya. Baka masugod nito si Leo ng 'di oras.

Wala syang ibang ginawa dun kundi ang umiyak. Pinagtitinginan na nga siya ng ilang mga customers na namimili roon. Kasabay ng pag-iyak niya ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Sana nagpaulan na lang siya. Para sana maitago niya yung mga luha niya sa kanyang mga mata.

Nang magliwanag na, dali syang tumungo sa bahay ni Camilla upang kunin ang mga gamit niya. Wala na ang kaibigan niya, mukhang pumasok na ito sa trabaho. Tulog pa rin si Kara kaya hindi na siya nakapagpaalam dito.

Dumeretso siya sa hospital at don na lang siya nag-duty. Hindi niya rin gaanong nakausap si Preston dahil abala ito sa mga operasyon nito.

Hindi na siya pumasok sa kompanya ni Leo. Bahala na! Mukhang hindi naman siya pababayaan ni Preston na mawalan ng trabaho sa hospital.

Pansamatala, dito na lang din muna siya manunuluyan sa hospital. After naman ng duty niya, dun siya sa convenience store tatambay.


TATLONG ARAW ang matuling lumipas at heto na siya sa airport. Ngayon kasi ang biyahe niya papuntang USA California sa Lancaster.

Well, tama si Leo. Tanga siya! Gaga siya dahil gusto niya pa ring mapasaya ito. Ewan niya ba sa sarili niya. Basta pakiramdam niya, kusang kumikilos ang katawan niya para ituloy itong drama niya.

"Late na ba ako?" tinig 'yon ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.

"Nakakagulat ka naman!"

Nakangiti sa kanya si Preston. May dala rin itong mga bagahe

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Saan pa ba? Eh, di sa pupuntahan mo." nakangisi ito.

Humakbang siya papalapit. "Thank you..." kinurot niya ito sa pisngi. "Pero ayaw ko..."

"Ha?" biglang nangunot ang noo nito.

"Gusto ko, kapag ginawa ko ito, ako lang. Kaya ko 'to." Niyakap niya ang lalaki. "Pero salamat pa rin. Salamat din sa pagpunta mo sa auction party ko" pinigil na lang nyang wag umiyak. Nasasaktan pa rin kasi siya sa nangyari sa kanila ni Leo.

Malungkot man ang mukha ni Presto ay nginitian pa rin siya nito. "Okay lang yun..." kinuha nito ang mga bagahe niya. "Sana pumayag ka man lang na ihatid kita sa check-in desk..."

Nginitian niya lang ito at sinang-ayunan na. Magkapanabay na silang pumasok sa loob ng airport.

***


NAPASALAMPAK SI Leo sa pagkakaupo niya sa sofa. Nasalat ng kamay niya ang remote ng TV at padabog niya itong itinapon sa kung saan. Then he cried, and he didn't know why. All he knew was, iyong nangyari kanina sa airport. Kitang-kita niya mula sa kalayuan kung gaano kasaya si Cynthia at Preston bago pumasok sa departure.

May yakapan-portion pa ang dalawa! Shit!

Tinungo niya ang kwarto at kinuha ang ilang gamit niya. Nadampot niya ang photo album niya. Naroon kasi ang mga pictures ng Mommy Aria at Daddy Adam niya. Isa-isa niya itong pinagmasdan.

He picked up the picture in it and he started to write on its back part. Ganito siya kapag nangungulila sa mga ito. Ibinabaling niya sa pagsusulat sa likod ng mga larawan ng mga ito. And why in the picture? Para kahit inis siya, hindi niya ito mapupunit o malulukot na di tulad ng isang ordinaryong papel lang.

Nang matapos na nyang maisulat dun ang mga hinanakit niya, napatingin siya sa picture frame niya na nasa tabi ng pintuan. Sa picture na yun ay kasama niya ang Mommy Aria niya. Napansin nyang medyo tabingi ang picture sa loob nun. Kinuha niya iyon at inayos. Dito niya napansin na sinulatan niya rin pala ang likod nito noon.

Sa likod ng larawang ito nakasulat ang birthday wish niya sana ngayong taon, which was, sa susunod na linggo na. Biglang pumasok sa isip niya iyong post card na pinatapon niya kay Cynthia. Naka-indicate kasi don ang exact address ng family niya sa California, Lancaster. Naalala nyang minsan niya itong binalak puntahan upang surpresahin ang mga ito. He missed them so much especially Terrence, his younger brother. Nasa USA din kasi ito at kasalukuyang nag-aaral.

Pagkuwan ay ibinalik na niya ito sa picture frame. Ilang birthdays na nga ba ang nagdaang hindi niya kasama ang mga ito? Labindalawang taon gulang kasi siya noon nang huli nyang makasama ang familiy niya. After that, hindi na naulit sa mga kaarawan niya. Although nauunawaan naman niya ang mga magulang niya dahil abala rin sa kanya-kanyang business ang mga ito.


SA MGA SUMUNOD NA ARAW, walang gabing hindi siya umuuwi ng lasing. Ilang araw na rin syang hindi pumapasok sa company niya.

Kahit ang mga pinsan nyang si Hunter at Ayeza, nag-aalala na sa kanya. Tinatawanan niya lang ang dalawang ito. How would he tell them na babae ang dahilan ng lahat ng ito? Malamang, pagtatawanan lang siya ng mga iyon.

Maybe it's time to give up. Nakita naman na niya kung gaano kasaya si Cynthia sa piling ni Preston. Masaya na rin siya para rito kahit na sobrang sakit ng nararamdaman niya. And he admitted to himself na kasalanan niya rin naman kaya iniwan siya ng dalaga. Iyon ay dahil nagpatalo siya sa ego niya. He found himself crying that night.

Then his birthday came. Sa probinsiya nila sa Dalisay, sa hacienda kung nasaan ang pinaka Villa Montemayor iyon ipinagdiwang. Of course, kahit sa mga ganitong okasyon, hindi nawawala ang mga business matters. Politicians, celebrities and businessmen were invited, especially ang mga Montemayors.

Ewan niya lang itong si Hendrick, saglit lang sumulpot pero nawala rin. Si Hunter naman, kabi-kabila ang autograph signing sa mga fans na invited. Si Ayeza lang talaga ang nanatili sa tabi niya.

"What's up, 'couz? You don't look happy..." sita nito sa kanya.

"May bago ba? Lagi naman ganito tuwing birthday ko, eh..." sabay tungga niya sa hawak nyang kopita.

"Well you shouldn't be." A voice from his back.

Sabay pa silang napalingon ni Ayeza.

"Mom?" he was surprised.

May umakbay mula sa kanyang likuran. "How are you son?" his Daddy Adam.

Wala sa sariling nayakap niya ang kanyang Dad. "Jesus! Akala ko may-skype na lang tayo bukas because you couldn't make it today?"

Yumakap na rin sa kanya ang Mommy Aria niya. "Happy birthday, anak..." Bagama't napakalambing ng tinig nito, kakikitaan pa rin ang mukha nito ng pagiging istrikta.

Sumulpot pa si Terrence mula sa kanyang harapan. "Happy birthday, Kuya. At please 'wag kang umiyak diyan dahil di bagay sa'yo!"

Ginulo niya ang buhok nito at niyakap niya nang mahigpit. "I love you all..."

Tuwang-tuwa si Ayeza sa isang sulok.

"You surprised me so much!" hindi pa rin siya makapaniwala habang nakaakbay siya kay Terrence.

"Hay naku..." umabante si Adam. "...kung hindi nga lang kami kinulit ng girlfriend mo eh, hindi pa kami makokonsensya." Nakangiti ito sa kanya.

"You never told us, na gusto mo pala ang makasama kami sa kaarawan mo. Hindi ka naman nagsasabi, masyado ka ring busy." Si Aria na may hawak na kopita. "Kund di pa dahil sa nobya mo ay hindi pa naming malalamang miss mo na kami..." nakalabing sabi pa ng mommy niya habang nakapulupot ang mga braso sa bewang niya.

Nangunot ang noo niya. "Girlfriend, mom?"

"Halos dun na nga yun tumira sa labas ng bahay namin sa Lancaster hangga't 'di niya napapapayag sina Mommy." Ani Terrence. "Kaya si Mom ay hindi na umakyat ng barko dahil nga sa nagpasya kaming umuwi ng Pinas. At ito na nga kami ngayon! So, happy birthday, brod!"

Natawa siya. "S-sinong ..." Napaisip siya. "What's her name?"

Nagkatinginan ang mga ito. "CT yata. Like Century Tuna raw..." napahawak pa sa sariling baba si Terrence. "Dude, she's cool!"

Biglang may bumayo sa kanyang dibdib. F*ck! Ginawa ni Cynthia yun?

"Mukhang magaling kang pumili ng girlfriend. She's gorgeous." Tinapik pa siya sa balikat ni Adam. "By the way, where is she?"

Samantalang siya, tulala lang. Unti-unting pumasok sa MAKITID nyang utak ang lahat. The realization slowly paralyzing his system.

Simula ron sa picture frame na bahagyang nakaangat. Sa postcard na ipinatapon niya rito na may address. Posibleng nabasa ni Cynthia ang nakasulat don. Sumunod ang pagtatrabaho nito kay Preston at pangungutang nito pambili ng plane ticket. Hanggang sa pagbiyahe nga nito patungong USA. At sa – damn! That's enough para ipaglaban niya ang nararamdaman niya para rito!

He looked at Ayeza. "Cousin, ikaw na muna ang bahala sa kanila."

Tumango lang ang pinsan niya. "As usual, birthday mo ay aalis ka na naman."

Bumaling siya sa pamilya niya. "Guys, I have to go. But don't worry, babalik ako. May aasikasuhin lang akong importante." habang sinasabi niya iyon ay humahakbang na siya palayo sa mga ito.

Nagkatinginan na lang sina Adam, Aria at Terrence.

Kailangan niyang makita si CT! Malaki ang kasalanan niya rito!

***


NARITO NGAYON si Cynthia sa Cypress convenience store na tambayan niya. Heto at dala na naman niya ang mga bagahe niya. Medyo napagod din siya sa biyahe niya. Saan kaya siya pwedeng makitulog? Ayaw naman niya ron kila Gladis, baka mamaya eh makipag-churbahan na naman ito kay Chiboy habang natutulog siya. Kung kila Camilla naman, baka magtaka yun at magtanong pa.

Napasandal na lang siya sa kanyang kinauupuan. Paano na siya ngayon? Wala na syang babalikang trabaho. Mukhang balik siya kay Preston. Isang linggo rin kasi syang namalagi sa California. Mabuti na nga lang at nakumbinsi niya ang Mommy at Daddy ni Leo na umuwi dito sa bansa para sa kaarawan nito.

Maya-maya'y may lumapit sa kanyang crew. "Ma'am."

"Ay, kalabaw!" nagulat siya.

Mukha kasing bangkay itong crew. Ngumiti lang ito. "May monthly inventory po kasi kami ngayon. Kailangan po naming magsara ngayong gabi..."

Naku san na kaya siya tatambay nito para magpaumaga? Kinuha na niya ang mga bagahe niya at lumabas na siya ng conveninece store. Pero hindi naman ito nagsara. Siguro dahilan na lang yun ng mga crew dun dahil lagi na lang syang naroon. Kundi kasi siya umiiyak dun, natutulog naman siya.

Tapos minalas pa na umulan. Hay, lecheng buhay!

Wala naman syang masilungan. Mababasa ang mga gamit niya! Ngunit mukhang nananadya itong ulan dahil lalong lumakas pa. Wala na syang nagawa kundi ang tumayo na lang doon, basang-basa na rin naman siya. Pero salamat sa ulan na ito dahil maitatago niya ang mga luha niya. Sinabayan niya nang pag-iyak ang pagbuhos nito.

Bakit nga ba siya umiiyak? Kasi may nami-miss pa rin siya? Kasi nasasaktan pa rin siya? Kasi umaasa pa rin siya?

Tapos ay nahagip ng paningin niya ang isang lalaki sa kabilang kalsada. Nakatayo ito dun at basang-basa na rin ng ulan matapos bumaba ng kotse nito.

Marahan itong tumawid papunta sa kanya. Habang papalapit ito, lalo syang napaiyak. Paano nalaman nito na narito siya? Ay oo nga pala, dito nga pala siya nito dati hihatid-sundo.

Nang isang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa, pinagsusuntok niya ito sa dibdib. "Putangina mo, Leo..." napahagulhol siya.

Tulala lang ang binata na umusal sa kanya. "Damn it, CT... I know... Alam ko na... Alam ko na kung bakit." Nanginginig ito. "It's all my fault. Ang tanga ko lang, ang tanga ko kasi. Gago ako..." pagkasabi ay walang pakundangan itong lumuhod sa kanyang harapan at humawak sa mga binti niya. "I'm sorry..."

Naestatwa siya sa ginawa nito. Maging ang mga miron sa paligid ay napatingin na rin sa kanila. Tila naumid ang dila niya.

"L-Leo..." hindi niya kasi ito inaasahan. "Tumayo ka nga diyan!"

"Bumalik ka na sakin, CT..." pagmamakaawa nito."I'm begging you... please give me another chance..."

"Leo..."

"If only you could give one more chance... I swear to God I will never... ever let you go again..." yumuyugyog ang mga balikat nito. "Please... CT..."

"L-Leo..."

"Please... come back to me..." garalgal na ang boses nito at marahang napayuko. "Kahit parusahan mo ako araw-araw... just please... come back... Bumalik ka na sakin, CT."

Awtomatikong napaluhod na rin siya sa harapan nito upong saluhin ang luhaan nitong mukha.

"It's just... I can't go on with my life... without you..." maramdaming wika nito.

Pucha! Hayun yung kilig na dadalhin niya hanggang pagtanda.

Niyakap na niya ito. Nang kumalas siya rito, siniil siya nito ng halik. Parang sabik na sabik na mauubusan.

Sa halik na yun, parang hinangin at nawala lahat ang kanyang galit. Nakaka-miss kasi ang poging ito! Siguro nga tanga siya, pero gaga lang ang hindi mapapaamo nitong si Leo. Halos mabuang kasi siya sa halik nito.

"Let's go..." aniya rito nang maghiwalay ang mga labi nila.

Tumingin si Leo sa kanyang mga mata. "Saan?"

Nginisihan niya ito. "Sa Condo mo... Paparusahan kita..."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

615K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
422K 10K 24
Php 150.00 lang po. Available na rin po ito sa National Book Store nationwide. Ganoon din po sa SHOPEE at LAZADA app. May mga added scene po ito sa m...
209K 3.9K 21
Dice and Madisson
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...