Marked Series 5: My Baby's Mo...

By iamyourlovelywriter

2.9M 52.6K 2.3K

"You don't have any choices at all, you need to be my baby's mommy and my wife..." Dale is living his life to... More

Marked Series 5: My Baby's Mommy
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Epilogue
Extra #1: Love and Happiness
Extra #2: Baby Dress

Chapter Thirteen

134K 2.4K 78
By iamyourlovelywriter

"HI!" napatingin siya sa babaeng tumabi sa kanya ito iyong babaeng assistant ni Rayleigh. Sabi ni Ray half-British at half-Filipino daw ito, the typical blonde beauty. She is actually his type but unfortunately he doesn't feel attracted at all. Hindi siya manhid upang hindi mapansin na kanina pa siya tinititigan ng mga babae sa paligid niya.

Pero sa halip na matuwa kagaya ng dati ay mas lalo siyang nakaramdam ng inis hindi kasi siya komportable na may mga babaeng nakatingin sa kanya. Paano ba naman kasi kapag may nakatingin sa kanya si Rayleigh naman ay ayaw tumingin sa kanya, gusto niya isang babae lang ang titingin sa kanya and that is his Rayleigh.

"Hello?" napakurap siya sa babae na nasa harap niya ngayon, tumatawa ito.

"Sorry I'm just thinking about Rayleigh."

Isang malapad na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "I'm really glad my friend finally moved on. It's not easy for her to fall again."

This time napatingin siya dito dahil bigla siyang nacurious sa sinabi nito. Wala naman kasing sinasabi si Rayleigh about herself at hindi naman siya namimilit, gusto kasi niyang ito mismo ang magtapat sa kanya. Maliban nalang sa buhay nito na sinabi ng mga kaibigan nito.

Rayleigh was about three months old ng iwanan ito sa harap ng bahay ampunan, kinupkop ng mga madre at doon pinalaki at pinag-aral. Walang umampon dito kaya noong sumapit na ito sa edad kung kailan hindi na ito pwedeng manatili sa ampunan ay nagtrabaho ito bilang katulong sa isa sa mga dating madre habang nag-aaral. Nakilala nito sina Ayeth and Bree, iniligtas ni Ray si Bree sa hostage taker ng pinapasukang paaralan.

At dahil sa utang na loob ng mga magulang ni Bree ay nakatanggap ito ng scholarship. Nakatapos ito ng pag-aaral at naging isang photographer. Iyon lang ang may alam siya hindi niya alam kung ano pang buhay meron si Rayleigh.

"What do you mean by its not easy for her to fall again?" nagkibit-balikat ito.

"I don't know the details but it seems like she still have something to fix from the pass, her ex-boyfriend Rafael. She didn't say anything about it though."

Rafael? Haven't heard of that name pero mas lalo siyang nacurious.

"Oh, excuse me I still need to greet some clients." Tumango siya at kinuha niya ang cellphone niya if Rayleigh won't say anything then she'll get those information from someone else. Who the hell is Rafael?

He dialed Ayeth's number and fortunately sumagot naman ito. "H-hello." Bakas sa boses ng nakasagot ng phone na kagigising lang nito.

"Yael, I want to talk to your wife."

Yael cursed when he heard his voice. "Alam mo ba kung anong oras na? Gabi pa Dale at pagod ang asawa ko."

He crinkled his nose. "Huwag kang magreklamong pagod ang asawa mo kung ikaw ang dahilan kung bakit pagod iyan." Inis na wika niya.

"I am hanging."

"Shit! No! I want to talk to your wife about Rayleigh."

"Hubby, sino ba iyan? Bakit ka sumisigaw?"

"Si Dale wifey, nang-iinis lang gusto ka raw makausap. Ibababa ko na ang phone sleep again." Masuyong wika ni Yael sa asawa nito. Damn! Gusto niyang mainggit.

"Bakit gusto niya akong makausap?"

"About Ray--."

"Hello, Dale. Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"

"Nasa London kami, sa gallery niya."

"Ahhh, so umaga pala diyan kaya pala disturbo ka sa pamamahinga ng iba. Ano bang gusto mong malaman?"

"Si Rafael, sino si Rafael?" bigla itong nanahimik sa kabilang linya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng tension na hindi mawari.

"Sorry Dale, that's classified information. If you want to know who that prick is si Rayleigh ang tanungin mo it's not my story to tell. Ingatan mo ang kaibigan ko ha." At iyon lang at naputol na ang linya. Dahil hindi siya mapakali ay hinanap niya ang opisina ni Rayleigh, nasa may sulok iyon ng gallery.

Akmang kakatok na sana siya ng may marinig na kaguluhan sa loob.

"Stop it Rafael!"

"Sweetheart-."

"I am not your sweetheart anymore Rafael, tapos na ang lahat sa atin seven years ago."

"Pero sinabi kong maghintay ka dahil babalikan kita."

Tumawa ng pagak si Rayleigh. "Hindi ako kasing tanga ng dati Rafael, hindi rin ako marunong maghintay. Umalis ka na."

"No, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama. Akin ka lang sweetheart nandito na ako para kunin ang akin."

Nagtagis ang bagang niya ng marinig niya ang sinabi ng lalaki, how dare him own something that is owned by him?

"Bitiwan mo ako hindi ako sasama sa iyo."

"Kung kailangan kitang kidnappin gagawin ko maging akin ka lang."

"Ayoko na nga sa iyo-."

"You are mine Rayleigh." Narinig niya ang pagtili ni Rayleigh na para bang nasasaktan ito. He pushed the door opened at kung kaninang nakikinig siya ay hindi na niya makontrol ang galit niya mas lalo naman ngayon... that bastard is kissing his Rayleigh. Naikuyom niya ang kanyang kamao at inilang hakbang niya ang distansya nila at ng lalaki. Hinablot niya ang kwelyo ng lalaki at sinuntok ito. Bumalandra ang lalaki sa sahig.

"What the hell!" sigaw pa ni Rafael. Tiningnan niya si Rayleigh, she is now crying. Mabilis niya itong linapitan at niyakap, napaiyak ito sa dibdib niya. Hinagod niya ang likod nito upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito. She is clenching his coat for support.

"Dale." She is sobbing while crying on his arms. Mahigpit niyang niyakap ang dalaga.

"Who the hell are you?" Gulat na tanong ni Rafael.

"I am the devil asshole and this woman is mine I already marked her." Tumayo si Rafael at saka maangas na tiningnan siya.

"No one owns her but me, ako ang nauna sa kanya."

"Pero iniwan mo siya, finders keepers." Napakunot ang noo nito at saka napakuyom ng palad.

"At sa tingin mo susuko nalang ako? Never! It took me seven years to finally have her at hindi ako susuko ng ganoon lang."

"Dale, paalisin mo na siya."

"You heard my lady you are free to go now." Taboy niya dito.

"Babalik ako Rayleigh at pagbalik ko I will make sure you'll be mine."

Bigla siyang nakaramdam ng takot kay Rafael, ibang-iba ito sa Rafael na nakilala niya dati. That sweet man whom she loved, wasn't there anymore. That's when she comes to realize that she is finally moving on. Hindi naman niya talaga ito hinintay nagkataon lang siguro na unattached pa siya but it doesn't mean she is still waiting.

He is forcing himself to her and that pissed her, nainis siya kaya pinaalis na niya ito pero mukhang nasagi niya ang ego nito kaya sinubukan siya nitong halikan. Mabuti nalang at dumating si Dale, napaiyak siya hindi dahil sa takot kundi sa relief na ligtas na siya sa kamay ng lalaking iyon.

"Hush, Rayleigh." Pinaupo siya nito sa couch habang ito naman ay panay ang haplos lang sa likod niya. "Everything will be okay." He is kissing her temples, ngayon lang niya nalaman na iba na pala talaga ang tinitibok ng puso niya.

"H...he was my boyfriend, seven years ago. I met him when I was in college we were friends, Dale." She started her tale. "He is rich kaya noong una ay naghesitate akong sagutin siya. I am nothing, wala akong maipagmamalaki kaya alam kong kahihiyan lang ako sa pamilya niya. N-nakilala ko ang mommy niya at alam kong hindi na niya ako gusto para sa anak niya dahil may iba silang gusto para kay Raf, si Jenna." Suminghot siya habang ito naman ay panay ang punas ng luha niya.

"She told me to back off, she insulted me. Tinanggap ko naman iyon dahil totoo naman ang lahat ng sinabi niya." Mapait siyang ngumiti. "Isang ampon at mahirap lang ako na umaasa sa tulong ng iba. He fought for me, gusto niya akong pakasalan pero inatake sa puso ang mama niya and she asked him to chose whether to stay with me or to marry Jenna. He chose to stay with his family and I understand it dahil kung ako rin ang papipiliin pamilya din ang pipiliin ko too bad I don't have one." Her eyes were clouded with tears.

"He told me to wait for him gagawa siya ng paraan makikipagdivorce siya kay Jenna kapag okay na ang mommy niya. I was there when he waits for her at the altar, masakit. Pero nagtiis ako sa sakit kasi pinanghawakan ko ang pangako niya, I waited Dale. I waited. For three years I waited for him pero nalaman ko nalang na nagkaanak na sila ni Jenna. Then I stopped hoping and I stopped wishing dahil hindi ko kayang mawalan ng magulang ang batang iyon. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit nasira ang isa dapat kompletong pamilya.

Sinubukan kong kalimutan siya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga assignments sa malalayong lugar. Four years passed at akala ko nakamove on na ako, I moved on from him. Nawala ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi nawala sa puso ko ang takot na maramdaman ko na naman ang sakit na nararamdaman ko." Kumalas siya mula sa yakap nito dahil nagsisikip na naman ang dibdib niya. Habang kasama niya ito ay mas lalo siyang nakadama ng takot.

"Ray-."

"Natatakot na akong magmahal muli Dale, I can't... I can never open up my heart anymore. Natatakot na ako siguro nga duwag ako but you can't blame me hindi ako katulad ng mga kaibigan ko Dale. They are lucky to have almost everything kapag nasaktan siya may mga taong aagapay sa kanila because they have family. Pero ako... kapag masasaktan na naman ako walang sasalo sa akin." Tuluyan na siyang napa-iyak. Iyong lahat ng takot niya, iyong lahat ng sakit at iyong lahat ng pangamba niya ay parang bumuhos nalang bigla.

"Rayleigh hindi lahat ng lalaki sasaktan ka."

"No Dale, lahat nalang ng lalaking dumadating sa buhay ko sinasaktan ako. Hindi naman ako nagrereklamo dahil wala akong karapatan. Una si Rafael tapos... tapos... ikaw. Lahat nalang kayo gusto niyo akong saktan." Humakbang siya papalayo dito. "Umalis ka na sasaktan mo rin ako tulad niya."

"Rayleigh it was-."

Umiyak na siya ng malakas. "Please tama na ." napasalampak siya sa sahig dahil nahihirapan na siyang huminga. "Ayoko na tama na."

"I will not hurt you damn it!"

"Nasaktan mo na ako ng maraming beses Dale kaya sasaktan mo rin ako sa hinaharap at mas natatakot ako sa iyo ngayon dahil alam kong kapag sinaktan mo ako ng kahit isang beses pa baka hindi ko na kayanin. Bakit kasi ikaw pa?"

Hindi na niya naririnig ang mga boses sa paligid niya basta ang alam niya ay may boses sa tabi niya, maraming boses pero patuloy lang siya sa pag-iyak niya. Hindi niya maalala kung kailan siya huling umiyak ng ganito kalakas, binuhos niya ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinimkim sa puso niya. Namalayan nalang niyang nagdilim ang kanyang paningin dahil hindi na siya makahinga ng maayos.



ISANG linggo na since nakabalik siya sa Pilipinas, nagising nalang siya na wala na siya sa gallery kundi nasa isang silid sa isang pribadong hospital. Naalala niya ang lahat ng mga nangyari pati na rin ang nakakahiyang pagdadrama niya sa gallery. Hindi na rin nagpakita si Dale, hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang nakadama ng lungkot.

Napabuntong-hininga siya habang inaayos ang paglilinis ng bahay niya gusto kasi niya iyong ibenta na. Napagpasyahan na kasi niyang bumili nalang ng isang maliit na farm na malayo dito, gusto niyang mamuhay ng mag-isa. Hangga't nandito siya alam niyang hindi siya mapapakali. Nalaman din niya na nagawan na ng paraan ng mga kaibigan si Rafael kung paano hindi na niya naitanong pa.

Medyo nalulungkot lang siya dahil hindi siya pumunta sa binyag ni Damon pero sinabi niya sa sarili na mas mabuti na rin sigurong hindi siya ma-attached sa bata. Napamahal na sa kanya ang anak ni Dale at naisip pa nga niya kung pwede ay maging nanay nalang siya nito. Kaya lang Damon deserves to have someone more deserving than her. At saka hindi naman siya mahal ng lalaking iyon, he might be sexually attracted to her dahil doon naman sila nagsimula.

Napatingin siya sa singsing na suot niya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggal ang singsing. Kapag sinusubukan kasi niyang tanggalin iyon ay mas lalong humihigpit iyon sa daliri niya, weird. The more she tried to pull it off, the more it tightens to her finger para bang ayaw talagang matanggal.

Nababaliw na nga siguro si Dale ng isuot nito iyon sa kanya pero hindi rin niya maikakatwa na namimiss na rin niya ang lalaking iyon. But she already told him to stay away from her...

"Ahhh!" tili niya at sinabunutan ang buhok niya.

"Tao po! Tao po kami! Magandang tao po kami! May pangit na tao po ba sa loob? Pakibuksan, ay bukas na pala pasok na po kami."

Hindi na niya inayos ang posisyon niya, nasa sala kasi siya at nakascattered lang iyong mga unan at kumot na balak sana niyang itiklop pero parang naging instant higaan nalang niya iyon. Tiningnan niya ang mga bisita niya.

"May tao nga." Si Ayeth iyon. Tiningnan niya ang mga kaibigan niya and smiled at them, matagal na rin noong huling kita nila mga last week sa hospital. Ang nagbantay sa kanya sinabi naman niyang kaya na niya pero hindi siya iniwan ng dalawa. "Anong trip iyan?" napasinghap siya ng bigla itong magdive sa pile ng mga unan.

"Ano ba naman iyan Nazareth? Paano kung makunan ka?" sinimangutan siya nito.

"Hindi pa po ako buntis."

"At paano ka nakakasigurado?" si Bree ay maingat na umupo lang, ito kasi talaga ang buntis. Masusundan na rin sa wakas ang inaanak niya and how she wish na babae na ang pinagbubuntis nito, magtwo-two months palang ang tiyan nito.

"Paanong hindi kung may isang bodegang pregnancy test sa bahay namin at kailangan ko iyong gamitin araw-araw dahil utos ng mahal na hari. Hindi pa nga nag-the-three years old si Giu gusto na niyang sundan."

"Two years old palang si Giu."

"Kaya nga gusto ko four years ang gap nila." Itinaas pa nito ang mga daliri.

"Ang kapal din ng face mo akala mo naman bumabata ka, mahihirapan kang magbuntis dahil malapit ka ng mawala sa twenty's." aniya.

"Hindi ah! May mga kakilala nga akong nagkaanak pa ng thirty five na sila." Pagdadahilan nito, ito kasi ang pinakamatanda sa kanila.

"Sabi ni Doc mas maganda daw iyong hindi gaanong malaki ang gap ng mga bata and since kaya naman ninyong magpalaki ni Yael ng maraming anak kaya isunod-sunod niyo nalang." Si Bree na nakangisi.

"Heh!" ito naman ang bumaling sa kanya. "Ikaw kailan mo kami bibigyan ng inaanak, wala pa kaming inaanak na babae baka sa iyo na manggaling iyon." Nangislap pa ang mga mata nito habang nakatingin sa tiyan niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Walang lalabas diyan maliban sa mga digested foods ko."

"Malay mo naman may nabubuo na diyan aba iyong magbabarkada sharp shooter iyon nakakabuo agad, si Yael nga once lang na may nangyari sa amin may nabuo nang junior. Pinsan naman sila ni Dale kaya probably-." Nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang mga labi kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi.

"Did he tell you?" malakas ang pagkakatanong niya. Hindi niya akalain na ikakalat pala ng lalaking iyon ang nangyari sa kanila. "Ang walang hiyang iyon hindi man lang marunong magtago ng secret how dare him!"

Napansin niyang natigilan ang dalawang kaibigan niya tapos ay sobrang lapad ng ngisi then nag-high five pa. Saka lang niya narealized na pinapasakay lang pala siya ng mga ito upang magsalita siya.

"I knew it." Inilahad ni Bree ang palad nito sa harap ni Ayeth. "I won, sabi ko naman eh may nangyayaring kababalaghan sa kaibigan natin." Iginalaw-galaw nito ang mga daliri nito at saka inilapit sa beywang niya. Tinusok-tusok nito ang beywang niya pero walang epekto sa kanya. "Yay, hindi na siya virgin."

"Gaga, wala akong kiliti diyan." She glared at her.

"Sabi ko nga pero umamin ka rin na may nangyari nga sa inyo ni Dale." Tukso ng mga ito. Nasapo niya ang mukha niya dahil mukhang maiinterogate na naman siya nito ng husto, ito iyong iniiwas-iwasan niya ang makausap ang mga kaibigan niya kung ganitong nalilito pa siya sa mga desisyon niya sa buhay.

She is doom now.


RE-UPLOADED: OCTOBER 25, 2019

A/N: IT'S BACK BABIES, HAPPY READING!

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 665 39
Converted Story #pordee
322K 6.5K 13
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat...
2.7M 49.1K 20
"You can never hate me Yvonne, you can never hate the one you love. That's my curse and that's the deal. Don't deal with the devil." Yvonne is alread...
2.4M 39K 16
TEASER: Isang curse... as in... malaking sumpa ang umibig sa bestfriend mo. At ang sumpang ito ang naranasan ni Lei. Isang sumpang ayaw na sa...