Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 27

143K 8.6K 1.6K
By VentreCanard

Chapter 27

Selos

Naging palaisipan sa akin ang mga katagang binitiwan ni Dastan. Bakit ito isang masamang balita sa kanya? Kung may ibang haring sinusunod si Hua at inuutusan itong pangalagaan ako, hindi ba at mas dapat siyang magalak dahil isa itong kakampi?

Ang hatid nito'y kaligtasan ko at hindi kapahamakan. Posible kayang ang kahariang sinabi sa akin ni Hua na maaari niyang pagdalhan sa akin ay ang pinaghaharian ng haring sinasabi ni Dastan?

Kami'y wala sa maliit na bangka at muli naming piniling ipagpatuloy ang paglalakad. Pansin ko ang pagiging tahimik ni Dastan na tila mas lumalim ang iniisip.

Saglit kong sinilip ang kanyang mukha mula sa saklob na nagtatakip sa kanya, ang kanyang tikas sa paglalakad ay hindi man lang nabawasan kahit malalim ang iniisip nito. Katulad ko'y nasa likuran din ang kanyang mga kamay, ilang beses ko nang nais igalaw ang kamay ko at hawakan siya pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Tila ayaw niyang magambala sa kanyang pag-iisip. Sa huli ay hinayaan ko ang hari, ngumiti ako sa aking sarili at tinuon ko ang aking mga mata sa daan at sa aming mga nadadaanan.

"Dastan, tingnan mo itong magagandang nililok ng batang sireno!" tumigil ako sa isang tindahan.

Nauna akong nagtungo rito kaysa kay Dastan at nang sandaling lumingon ako sa kanya ay mukhang hindi niya ako naririnig.

"Das—Natad!" saglit siyang natauhan. Lumingon siya sa akin at ang mga mata niya'y humihingi ng paumanhin.

Nagsimula siyang maglakad patungo sa akin, hindi ko siya hinintay na tuluyang makalapit dahil ibinalik ko na ang atensyon ko sa magagandang likha ng batang sireno. Noong bata pa ako'y ito ang mahigpit nilang itinuturo sa akin, ilang hampas ng gintong pamalo ni maestra ang natanggap ko noon bago ko maperpekto ang nais nilang uri ng pag-uukit.

Ang likha ng batang sireno ay iba't-ibang halaman sa ilalim ng dagat, gamit niya malakristal na bato na may sari-saring kulay, ano kayang klaseng bato ito? Ako'y nasanay lamang sa ginto at diyamante.

"Ano ang nais mo sa kanyang mga likha, Leticia?" tanong sa akin ni Dastan.

"Maaari ko bang hawakan?" tanong ko sa batang sireno. Tumango siya sa akin na may ngiti sa labi.

Una kong hinawakan ang likhang tila isang kabibe, nakalilok ito sa berdeng bato na tila isang kristal.

"Gawa ba ito sa Esmeralda?" muling tumango sa akin ang bata.

"Magkano ang halaga niyan?" tanong ni Dastan.

Marahan kong hinaplos ang kabibe, hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait, marami man akong naranasang hindi maganda sa Deeseyadah, hindi nito maaalis ang katotohanang ito ang aking tahanan, sa lugar na iyon ako ipinanganak, nagkaisip at nagkaroon ng prinsipyo sa buhay.

Si Dyosa Neena, ang kanyang balon at ang maganda niyang boses, ang buwan, si Hua, ang ilog, ang mga puno at ang pinaghalong puti at gintong sining...

Nagpatuloy kaming dalawa ni Dastan sa paglalakad habang hawak ko ang kabibeng esmeralda.

"Alam mo bang hilig ko rin ang maglilok, Dastan?" hindi siya sumagot sa akin at hinayaan niya akong magkwento sa kanya.

"Ngunit ako lang ang natatanging dyosa na hindi agad matuto sa isang aralan lamang, madalas akong hampasin ni Maestra ng kanyang gintong pamalo para lang mabilis akong matuto." Saglit akong natawa habang nagku-kwento kay Dastan.

Bigla siyang natigilan sa paglalakad, natigil din ako at lumingon pabalik sa kanya. Matamis akong ngumiti sa kanya.

"Subalit natuto naman ako, hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Nais ko lamang ibahagi ang mga naranasan ko." Mabilis nakalapit sa akin si Dastan, agad niyang naagaw ang kabibe sa aking mga kamay.

Hinayaan niya itong lumutang sa ere at pinagsalikop niya ang aming mga kamay sa isa't-isa, kanyang mga mata'y gumala rito na parang makikita niya pa ang mga bakas ng gintong pamalo ni Maestra.

"Madali lamang itong naghihilom, k-kamahalan..."

"Ngunit ang alaala'y--- sana'y may kakayahan akong magbura ng masasamang alaala, aking dyosa..." umiling ako sa kanya.

"Hindi ko nanaising may mawala sa mga alaala ko, masakit man ito o magandang alaala, Dastan." Kinuha ko ang kabibe sa ere gamit ang isa kong kamay.

At hinila ko na si Dastan para magpatuloy kami sa paglalakad. Siguro'y ang pamamasyal na ito ay isa na rin paraan para lubos naming makilala ang isa't-isa sa mga panahong kami'y magkalayo pa.

Nawala na muli sa malalim na pag-iisip si Dastan at nagsisimula na ulit siyang magtanong sa akin.

"Sa gintong puno kami isinisilang dala ng dasal at sayaw ng kapwa namin mga dyosa. Wala kaming mga magulang Dastan o di kaya'y opisyal na pamilya katulad n'yong mga bampira."

"Ngunit may mga diyos din, hindi ba?" tanong ni Dastan. Tumango ako.

"Sila'y may ibang mundo sa amin. Tanging babae lamang ang maaaring manatili sa Deeseyadah." Nagsisimula ko nang mapansin ang kalituhan sa katanungan ni Dastan.

"Si Hua ay sinabi mong langgam, wala ba itong kasarian?" tanong ni Dastan.

Saglit akong napaisip, si Hua ay nagawang mag-anyong isang binatilyong bampira. Isa na ba itong indikasyong lalaki siya? Ngunit hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang pananatili at ang pagpayag ng mga dyosa sa pananatili ni Hua sa tabi ko noon pa man.

"Siya'y isang binatilyo--" naalala kong minsan ko na siyang nakasama nang una akong nagtungo sa kaharian ng Parsua Sartorias.

"Siya'y kasama ko nang una akong nagtungo sa palasyo n'yo." Muling natigilan si Dastan at inalala nito si Hua. Nagkaroon ng pagrehistro ang kanyang mga mata bago kumunot ang kanyang noo.

Inakala kong magtatanong pa siya tungkol kay Hua nang ibang katanungan muli ang ibinigay niya sa akin.

"Ibig sabihin ay literal kayong tila namumunga sa isang puno na dasal at sayaw lamang ang ritwal?" tumango ako.

"Nakakamangha..." bulong nito.

"Ngunit may iba't-ibang klase ng dyosa, hindi lang ang Deeseyadah ang natatanging mundo ng mga dyosa. May mga dyosa rin na isinilang sa pamamagitan ng---" ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

Sumulyap sa akin si Dastan.

"Pakikipagtalik sa isang diyos..." mahinang sabi ko. "Mas malaki ang populasyon ng mga dyosang dito nagmula kumpara sa amin ngunit sa larangan ng kapangyarihan ay higit kaming malalakas. Ang mga dyosang nagmula sa Puno ng En Aurete..."

"Komplikado ang mundo ng mga dyosa."

"Marahil..." sagot ko kay Dastan.

Hindi na matapos ang paglalakad namin ni Dastan, may mga bumabati pa rin sa kanya at hindi man lang siya pumapalyang bumati pabalik sa mga iyon.

"Paumanhin aking reyna, alam kong nasabi mo sa akin na ika'y hindi pa handang dalhin sa'yong sinapupunan ang ating unang supling, ngunit ako'y nangangamba, kung ika'y nagmula sa mundong ang mga dyosa'y isinisilang—" dinala ako ni Dastan sa isang libreng upuan na malayo na sa pamilihan.

Nasa isang pasyalan na kami na napupuno ng mga halaman at paru-paro, may mga nilalang pa rin dito na tulad namin ay mukhang namamasyal, kapwa kami nakaupo ni Dastan at ang mga kamay niya sa aking pisngi.

"Kaya ba hindi mo nais matuloy ang ating pag-iisa? Dahil hindi mo nais malaman kong wala kang kakayahang madala ng buhay? Leticia... mahal... ikaw ay sapat na sa akin... hindi kita pipilitin sa--" hinawakan ko ang mga kamay niya sa aking pisngi at matamis akong ngumiti sa kanya.

Umiling ako. "Hindi iyon ang dahilan..."

"Leticia..." hindi pa rin kumbinsido si Dastan sa sinabi ko.

"May kakayahan ako, mahal na hari..." hindi ko mapigilan ang sarili kong saglit na tumawa.

Ibinaba ko ang kanyang mga kamay at kusang yumakap ang aking mga braso sa batok ng hari. At unti-unti akong bumulong sa kanya.

"Maaari kang magpunla, mahal na hari. Higit sa labindalawa... dalawampu o maging tatlumpu..." sunod-sunod inubo si Dastan.

Nanlalaki ang mga mata nitong tumitig sa akin. "Dahil sa Deeseyadah ako isinilang, sa sandaling tayo'y mag-isa at makagawa ng bunga ito'y maaari nating dalhin sa'yong punong simbolismo... ang iyong puno mismo ang siyang hahawak sa ating mga magiging anak, Dastan..."

Halos matulala na si Dastan sa akin.

"Pagkakalooban kita ng napakaraming anak, Dastan... na lahat ay bunga ng ating pagmamahalan at maligayang pag-iisa..." ngumiti akong muli sa kanya.

Biglang napahawak si Dastan sa sandalan ng aming upuan at dinalahik ito ng ubo, ilang beses niyang tinapik ang kanyang dibdib at ako'y hinagod ang kanyang likuran.

"Nagsisimula na akong mangamba sa'yong pag-ubo, mahal na hari. Ikaw ba'y may dinadalang karamadaman?"

"P-paano mo ito nasasabi sa akin sa kaswal na paraan aking reyna?"

"Kaswal? Ang alin? Nagbigay lamang ako ng impormasyon mahal na hari."

"N-ngunit ikaw ang nais kong magluwal sa ating mga anak..." yumakap ako sa hari.

"Ipinapangako kong ako ang magluluwal sa unang labindalawa... sa sandaling maayos ang lahat." Ramdam ko ang paghalik niya sa aking buhok.

"Your innocence is killing me, Leticia..."

Nawala na sa mga supling ang pag-uusap namin ni Dastan dahil hindi raw maganda sa kalusugan ng isang hari ang manabik, siguro'y ang kanyang madalas na pag-ubo ang sintomas nito.

Habang naglalakad kami ay may batang babae na lumapit sa amin, sinabi nito na inaanyayahan sa isang bulwagan ang bawat magkasintahan na sumali sa isang bukas na sayawang pagtatanghal. Dahil ako'y isang dyosa na lumaki sa ganitong mga pagdiriwang ay masigla kong hinila si Dastan dito.

"Sumali tayo!"

"Hindi ako maging sumayaw, Leticia." Ngumuso ako.

"Narinig kong ang mga dugong bughaw ay tinuturuan na ng iba't-ibang klaseng sayaw sa kanilang murang edad kung sakaling may dadaluhan ang mga itong pagdiriwang."

"Gazellians are worst dancers."

"Sinabi sa akin ni Lily na magaling daw kayo sa pagsasayaw na may dalang apoy."

"Only Finn, Caleb and Evan."

"Mahal na hari..."

"Ngunit sasayaw ako kung ikaw ang kapares."

Tila ang tagal na simula ng ako'y sumayaw, hindi mapawi ang ngiti sa aking labi habang itinatali na ang mahabang laso sa palapulsuhan ko at ni Dastan, sa gitna ng putting laso ay maliit na tila kampana na siyang magbibigay ng ritmo sa bawat galaw namin.

Habang nakayuko ang nag-aayos ng laso sa pagitan namin ni Dastan, saglit niyang ibinaba ang kanyang kulay abong maskara.

"I love you." Nasundan ko buka ng kanyang mga labi.

Ngumiti ako sa kanya at iginalaw ko ang laso para gumawa ng saglit na ingay. "Mahal rin kita..."

Tumalim ang mata sa akin ng babaeng nag-aayos ng laso, ngumisi ako at tumungo bilang paghingi ng paumanhin.

Nang tumugtog ang plauta, dahan-dahan na naming sinundan ang bawat galaw ng nasa unahan. Unti-unti kaming humakbang paatras para lumayo sa isa't-isa, mas tumutuwid ang puting laso at nagsisimulang gumawa ng ingay ang maliit na kampana.

Bumagsak sa gitna ng magkakapares ang pulang tela dahilan kung bakit nawala ang paninitig namin sa isa't-isa. Naging maganda ang bawat galaw ng sayaw dahil tila isa itong panunuyo na paulit-ulit na nauudlot.

Sa unang musika, ang mga lalaki'y hihilahin ang laso para mapalapit ang mga babae, ngunit muli itong mababago bago pa man kami makarating sa pulang tela. Ang mga lalaki'y kapwa nakasunod sa indayog ng mga katawan ng mga babae sa pamamagitan lamang ng paghakbang ng sabay sa ritmo, ngunit ang tangi lang nilang nakikita ay ang aming mga aninong sila'y pinasasabik.

Sinabi ng namumuno ng sayaw na hayaang nakalugay ang aming mga buhok, kaya sa bawat galaw namin ay kuhang-kuha ito ng aming anino, itinaas ko ang aking mga kamay sa ere at dahan-dahang ibinaba ang isa na siyang may tali sa aking palapulsuhan habang haplos ang aking isang braso pababa, patungo sa aking leeg bago ito muling itinuwid pakanan kasabay ng pag-ingay ng maliit na kampana.

Ramdam ko ang biglang pag-igiting ng laso na tila nais na ako nitong hilahin. Bumalik muli sa musika kung saan hihilahin kami ng mga kalalakihan, sa pagkakataong ito'y mas agresibo ang paghila ni Dastan ngunit sa paraang hindi ako masasaktan.

Nang sandaling makararating na ako sa pulang tela, bigla muling nagbago ang musika dahilan kung bakit lumayo akong muli sa kanya. Binuksan ko na ang koneksyon ng aming isipan.

Change the fucking music! I am the king! Ano ba'ng sayaw ito?

Nahuli ko ang nasa isipan ng mahal na hari, dahilan kung bakit ako napatawa sa bulwagan.

Leticia?

Mahal na Hari...

Hindi siya sumagot sa akin, hindi niya isinara ang kanyang isipan at hindi ko sinubok mas alamin ang nasa loob nito pero habang patuloy kami sa pagsayaw, biglang nasagi sa akin ang pangalan ni Hua.

Iniisip niya pa rin si Hua.

Mahal na Hari, hindi mo kailangang mangamba kay Hua o sa haring kanyang sinusunod...

Hindi ko na narinig ang pagbabago ng musika, pero ramdam ko ang biglang pagkabig ng laso. Hanggang sa kanyang mga bisig ang pumulupot sa aking katawan.

"Ngunit papaano? Isa lamang akong hari, Leticia... ako'y marunong magselos..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 57K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.
46.5K 2.3K 66
It's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!
87.5K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...