*Hyebin's POV*
Napailing nalang ako ng mapalabas ng classroom yung dalawa
Para kasing aso't pusa
"Dude,sinabi ba ni ahin sayo kung ano yung gagawin ng magkuya mamaya?" tanong ni jane na nasa harap ko
"Sabi niya may kikitain daw sila"
Napalitan naman ng pag-aalala ang mukha niya
"Why?" tanong ko pero umiling siya
Kinuha naman niya yung cellphone niya at may tinext
"Uhm, ano yung next subject natin?" napatingin naman ako sa katabi ko
Ay ang cute niya!
"Uhh...are you okay?"
Natauhan naman ako
"Ah oo,uhm wala na tayong klase pagtapos neto" sabi ko
"Oh okay thank you" sabi niya at ngumiti
Ugh! Yung ngiti niya shet! Nakakafall!
"Shit! Sabi na eh!" napatingin naman ako kay jane
"Napano ka diyan?" tanong ko
Bigla bigla kasing nagmumura psh
"Kailangan natin samahan si yeonwoo tol" sabi niya
"Bakit naman?"
"Sabi sakin ni kuya minho kikitain daw nila yung mama nila at kasama yung pangalawang asawa niya, knowing yeonwoo magwawala yun kapag nakita niya yung taong yun" nag-aalalang sabi niya
"Pero andun naman si kuya minho" sabi ko
"Kahit na" sabi niya at di mapakali
***
"Mauna na ako guys,kailangan ko pa puntahan si kuya" paalam ni yeonwoo
"Pasundo si ahin ah"dagdag pa niya at aalis na sana pero hinawakan namin ni jane yung magkabilang wrist niya
"Bakit?"
"Uhm...ano...samahan ka na namin" sabi ko
"Ha? Wag na,kasama ko naman si kuya eh" sabi niya
"Pero-"
"Ops! Sige na mauna na ako,pasundo nalang si ahin" sabi niya at tuluyan ng umalis
"Ano bang meron?" tanong ni nayun
Nagkatinginan naman kami ni jane at sinabi sakanya kung sino yung kikitain nila yeonwoo
"What?! Kailangan natin siyang samahan"
"Chill brad, ayaw nga niya eh tsaka andun naman si kuya minho" sabi ko
"Kahit na dude! Alam niyo naman kung paano magalit ang isang yun, baka nga magwala pa yun"
"Sinong magwawala?" napatingin naman kaming tatlo sa nagsalita
"Wala" sabay-sabay na sagot naming tatlo
Umupo naman sila,nancy,daisy,jooe at taeha sa harapan namin
Napatingin ako sa orasan ko
"Sunduin ko lang saglit si ahin ah" paalam ko at umalis na para sunduin ang kapatid ni yeonwoo
*Yeonwoo's POV*
"Ano bang gagawin natin?" tanong ko kay kuya habang nasa kotse kami
Tumingin naman siya saglit sakin pero bumalik din ang tingin niya sa daan
"I'll explain to you later" sabi niya
Minho lee is our brother
Siya ang pinakamatanda saming tatlo
Gwapo noh?
Well...
Nasa lahi na namin yan eh
Pero syempre mas pogi ako
Habulin din siya ng chicks dati
Pero tumino dahil sa isang babae
Park Minyoung
Fiancé niya
Maganda at mabait si ate minyoung
Kaya nga tumino si kuya dahil sakanya
"Yeon" nabalik naman ako sa katinuan ng tawagin ako ng katabi ko
"Oh?"
He sighed
"Kalma ka lang ah" paalala niya
"Bakit?"
Napansin ko naman yung malaking bahay sa tapat namin
"What are we doing here?" tanong ko habang nakakunot ang noo
"Kailangan natin bisitahin si mama" sabi niya at tinanggal ang seatbelt niya
"Ikaw nalang. Ayoko pumasok sa bahay na yan at alam mo namang galit ako sakanya sabi ko
"Pero yeon,ineexpect na ni mama na kasama ka"
"Kuya! Alam mo naman kung bakit ayokong pumasok diyan diba?"
"Please yeon,may sakit si mama ngayon. And wala naman SIYA diyan eh"
Umiwas naman ako ng tingin at sumandal
I sighed
"Fine" sabi ko at bumaba
Sumunod naman siya sakin at umakbay
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng mga maids
"Si mama?" tanong ni kuya
"Nasa kwarto po niya sir"
Umakyat namam kami sa taas at pumunta sa kwarto ni mama
"Ma?" tawag ni kuya at kumatok
"Minho? Pasok ka" rinig kong sabi ni mama kaya pumasok na kami
Pagpasok namin ay nakita agad namin si mama na nakaupo sa kama niya habang nakasandal sa headboard
"Y-yeonwoo...." tumingin ako kay mama na ngayon ay nakatingin din sakin
"Buti sumama ka" dagdag pa niya kaya lumapit ako sakanya
Niyakap naman niya ako
"Namiss kita anak,kayo. Kayo ng mga kapatid mo"
Di nalang ako nagsalita
Humiwalay naman siya sa yakap kaya tumayo na ako at si kuya naman ang lumapit
Hanggang ngayon ay galit parin ako sakanya
Lalo na pag naaalala ko ang ginawa niya samin
Ilang minuto din silang nagusap ni kuya ng biglang may pumasok sa loob ng kwarto ni mama
"Hon i'm ho-anong ginagawa niyo dito?!"
"Binisita lang po namin si mama, sinabi po kasi niyang may sakit siya kaya dinalaw namin. Pauwi na rin po kami,pasensya na po" magalang na sabi ni kuya at nagbow pero ako nakatingin lang sakanya
Hinawakan naman ni kuya ang kamay ko at paalis na sana kami ng biglang siyang magsalita
"Manang-mana ka talaga sa ama mong walang modo at walang galang"
Lumingon naman ako sakanya
"What did you just say?!" sigaw ko hinawakan naman ako ni kuya sa balikat
"Yeon sabi ko naman sayong kalma ka lang" bulong niya
"At ngayon sinisigawan mo pa ako? Hoy! Sinasabi ko sayo ah, nasa loob kayo ng pamamahay ko! Pwedeng pwede ko kayong ipadampot"
"Wala akong pake kung anong gusto mong gawin! Wag na wag mo lang pagsalitaan ang papa ko ng masama!" sigaw ko at pinipigilan naman ako ni kuya
"Bakit hindi ba totoo? Na walang kwenta at modo ang tatay mo?"
"Shut up! Ng dahil sayo nasira ang pamilya namin! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ni mama, edi sana buhay pa ang papa namin! Dahil sayo kaya namatay ang papa ko!"
"Dapat lang sakanya ang mamatay, dahil inagaw niya sakin si dianne"
"Walang inaagaw sayo ang papa ko! Kasalanan ba niyang siya ang pinili ni mama noon at hindi ikaw?" tanong ko at ngumisi
Sinamaan naman niya ako ng tingin at sinuntok kaya napahiga ako sa sahig
"Angelo!" sigaw ni mama at tumayo saka ako nilapitan
Sobrang lakas ng suntok niya kaya naka sugat ang gilid ng labi ko
"Lumayas na kayo sa pamamahay ko!" sigaw niya
Tumayo naman ako at pinunasan ang dugo sa may labi ko
"Ano? Totoo ang sinabi ko diba?" tanong ko at ngumisi ulit
Susugod na sana ulit siya pero pinigilan siya ni mama
"Angelo tama na" sabi ni mama
"Tara na yeon" aya ni kuya at hinahatak ang braso ko pero bumitaw ako
"Sa inyong dalawa ni papa,ikaw ang walang kwenta. Dahil kahit makasira ka ng pamilya gagawin mo mapasayo lang ang inaasam mo. Sobrang selfish mo!" sigaw ko at tinalikuran siya saka umalis
"Yeonwoo anak!" tawag ni mama kaya huminto ako pero di ako lumingon
"I'm sorry...." sabi niya pero di ako nagsalita at umalis na ng tuluyan
"Yeon tara na" sabi ni kuya at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila papasok ng kotse
Tahimik lang kami habang bumabyahe
"Dito nalang ako" sabi ko
"Ha?"
"Sabi ko dito nalang ako"
"Pero-"
"Ibaba mo nalang ako dito kuya" sabi ko
Napabuntong hininga naman siya at hininto ang kotse sa gilid
"Take care" sabi niya pero di ko pinansin at sinarado agad ang pinto ng kotse
Naglalakad lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa isang park
Ang park kung saan kami madalas pumunta ni papa
Nilibot ko ang paningin ko
Wala ng tao
Madilim na rin kasi
Tumingin ako sa wrist watch ko
It's already 10 pm
Naupo ako sa isang bench habang iniisip ang mga moments namin ni papa dito
Sobrang close namin ni papa
Kaya nga nung nawala siya. Ako yung talagang naapektuhan
Walang araw na di ako umiyak noon
Bigla naman tumulo ang luha ko
Imbes na punasan ay hinayaan ko lang magbagsakan ang mga yon
Sobrang tagal na rin simula nung huli kong iyak
Ngayon nalang ulit ako umiyak kaya ibubuhos ko na to lahat
Bigla naman umulan ng sobrang lakas
Mukhang nakikiramay ang langit sakin ngayon
Papa....
Miss na miss na kita....
"Manang-mana ka talaga sa ama mong walang modo at walang galang"
Napayukom naman ang kamao ko ng maalala ko ang sinabi ng asawa ni mama kanina
Tumingin ako sa langit
"Walang hiya ka talaga angelo kim! Napakasama mong tao! Napaka selfish mo! Gagawin mo talaga ang lahat para sa sarili mong kagustuhan!" sigaw ko habang umiiyak
"Ahhhh!!!!"
"Ayoko na!!!"
Napaupo nalang ako sa sahig at napahagulgol ng iyak
Papa...
Sana nandito ka...
Para may karamay ako ngayon...
Kaso iniwan mo na ako
Iniwan mo na kami...
"P-papa...." bulong ko
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan
Tinignan ko naman kung sino yung nagpayong sakin
"N-nancy..." bulong ko