Royals: Misfits

By _aubrstories

1.2K 32 6

Allison Carpio decided to lead a secret team of students in order to take down a group of rebellious teenager... More

author's note
...
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
chapter thirty six
chapter thirty seven
epilogue
final notes + trivias

chapter twenty four

33 0 0
By _aubrstories

24: Saving

~*~

Mabilis na nagtipon-tipon ang natitira pang mga miyembro ng Royals, 'di kalayuan sa bahay ni Dexter.

"Ano ba 'yan! Ang daming guards!" sambit ni March, na agad namataan ang dalawang naka-unipormeng guwardiya na nakatayo sa magkabilang dulo ng gate.

"Ambush na lang kaya tayo?!" suhestiyon ni Enrico nang maisip muli ang sinabi ni March na wala ngayon sa bahay si Secretary Mariano. Tiningnan nito muli ang harap ng bahay.

"We all have the disguises and the weapons, right? We could do that." tanong ni Daryll, at agad isinuot ang maskra mula sa naunang atake sa plantation.

"Okay, here's the plan. Since we need immediate entrance, I suggest Cosine and Alexid to stealthily go inside while we ambush the guards-" dagdag pa nito, ngunit agad nagsalita si March.

"Yung pinsan ni Alli? 'Pano siya papasok dito?"

Magsasalita sana si Daryll, ngunit agad nitong nakita ang paparating na Jeep Commander, ang naturang sasakyan ng babae. Hindi ito nabigo noong tumigil ito malapit sa kanila, at lumabas mula doon si Leslie.

"How's Alli? Hindi siya sumasagot sa phone niya." agad na salubong nito. Kumunot ang noo nito sa mga suot ng kaibigan. "Sandali, bakit mukha kayong mga ninja?"

"Ambush sana sa mga guards. We have to wear this so they won't recognize us."

Tumango naman si Leslie. "Kung ambush naman pala gagawin, tara na! Ganoon rin naman plano ko eh! Ako nang mauuna if y'all want."

Nagpaunang lakad si Leslie tungo sa gate. At gaya ng inaasahan, ay nilapitan siya ng dalawang guwardiya. Sandali itong nakipag-usap, hanggang sa bigyan ng sipa ang isa sa kanila, at suntukin ang isa pa, para matumba ito. Nakailang bugbog muna siya sa dalawa bago masiguradong hindi na makaktayo pa ang mga ito.

Tumalikod si Leslie para senyasan ang mga kasama na sumunod sa kanya. Kinuha niya ang isang walkie talkie mula sa mga guwardiya at agad iniutos ang pagbukas ng gate.

Agad tiningnan ni Daryll ang mga kasama. Pansin nito ang pagiging tahimik ni Alexid.

"Hey, you okay?"

Imbes na sumagot sa tanong, binigyan niya lamang ito ng thumbs up at idiniretso ang tingin sa gate. Magsasalita pa sana siya ngunit nang marinig ang tunog ng pagbukas ng bakal sa harapan nila, agad nilang itinaas ang mga hawak na sandata para salubungin ang iba pang guwardiya na naka-patrol.

Saktong paglapit nina Daryll sa guwardiya, ay may ibinato si Leslie sa tapat nila na parang itim na metal, na agad naglabas ng puting usok.

"Sundan niyo si Leslie!" utos ni Daryll nang mamataan ang babae na papalayo sa direksyon nila.

Agad na sumunod si Alexid at Cosine, kahit pa nahirapan sila sa paglalakad dahil sa naturang bilis ng babae.

Hindi hamak na sobrang lawak ang lupain ng mga Mariano. Alam ni Alexid na maliligaw sila sa gagawing ambush at imbes na mailigtas pa si Allison, ay baka sila rin ay mapahamak na lalong ikinatakot nito.

"Relax." agad napatingin si Alexid sa kasama na si Cosine. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, at pinisil, bago muling hilahin ang babae para sundan si Leslie.

Pinilit nitong kumalma, ngunit hindi pa rin mawawala ang kaba nito lalo na't nasa teritoryo sila ng kalaban. Hindi tulad sa plantation, ay may plano't gabay sila, ngayon ay wala, dahil ang mismong gabay nila ang bihag ni Dexter.

"I'm assuming Leslie knows her way here." biglang sambit ni Cosine sa katahimikan habang nagtatago sa mga halamanan.

"Pa'no naman?"

"She already went here before. The only logical explanation to this."

Pinanood ng dalawa na pagsusuntukin ni Leslie ang dalawang guwardiya na agad humarang sa kanya, at hindi hinayaang may isang suntok na dumapo sa mukha nito.

"Sh*t!" mura ni Leslie matapos maramdaman ang sakit sa tuhod para mapatumba ang kalaban na guwardiya.

"Shoot, basketball try-outs na nga bukas pero pilay na agad tuhod ko!" reklamo nito ngunit agad na tumakbo tungo sa malaking double door ng mansyon na nagsisilbing daan sa mismong loob ng tahanan nila. Bago pa man makatapak sa konkreto, ay tinutukan agad siya ng baril ng dalawang armadong lalaki.

"Appointment?" tanong ng isang lalaki sa kaliwa niya.

"Wala. Sabi nila nandito pinsan ko."

"Sino?"

"Si-"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang main door, at iniluwa ang babaeng tumilapon palabas ng mansyon para bumaksan sa konkreto. Agad itong nanlambot ng malamang si Allison iyon!

"Alli!" tawag pa nito. Nang lalapitan na sana ang babae, biglang bumulaga sa harapan nito ang isang lalaking malawak ang ngiti na may hawak na kutsilyo. Walang awa nitong hinugot ang kwelyo ng uniporme ni Allison at agad siyang ipinako sa pader. Agad nanigas sa si Leslie sa lugar nito nang mamataan kung sino ang naturang tao.

"T-Tito A-Alexander!"

Agad na lumingon ang lalaki, na hindi pa rin nabubura ang katakot-takot na ngiti sa labi.

"Leslie..." bulong nito at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kutsilyo na nakatutok sa mismong leeg ni Allison.

"P-Please... b-bitiwan m-mo s-si A-Allison."

Imbes na sumagot, ito ay humalakhak. Sa una, mukha itong bulong, ngunit lumakas ito ng lumakas. Sa tono pa lang ng tawa nito, ay mahahalatang nang-iinsulto ito. Malalim ang paghinga ni Allison, at halos hindi na rin maibuka ang mga mata. Mantsado na ng dugo ang uniporme nito, at puro galos na ang paa nito. Hindi mapigilang maawa ni Leslie sa nakikita sa pinsan.

"Estoy tan triste... you never changed, Dad..." bulong ni Allison sa lalaki, na nakakuha ng atensyon nito sa babae. Agad na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Alli, ngunit hindi nito pilit na binuksan ang mata dahil sa kakaibang nararamdaman sa kaharap nito. [trans: I'm so sad]

Bigla-bigla na lang nagpawala ng malakas na sigaw ang lalaki, at walang ano-ano'y binalibag si Allison sa konkreto. Iyon ang naging tsansa ni Leslie para lapitan si Allison, na pikit mata paring umuubo. Lalapit sana ang lalaki, nang bigla itong madapuan ng suntok sa mukha mula kay Daryll.

Lumabas mula sa mansyon si Dexter, ngiting-ngiti sa mga nakikita.Agad nitong napangisi nang masilayan na uubo-ubo sa lupa si Allison.

"Ako nang nagsasabi sa'yo, Alli! Hindi mo 'ko kayang kalabanin! How'd you like my gift huh?!" pang-aasar ng lalaki, kahit pa malalim ang tingin dito ni Leslie na nakaluhod pa rin sa harapan ng babae.

"SHUT THE F*CK UP!" sigaw ni Enrico at agad tinamaan si Dexter ng pamalo.

Agad napaurong si Dexter, at napahawak sa tiyan. Unting-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Dexter, unti-unting niyukom ang mga kamao nito para sugurin si Enrico.

"Allison?! Alli?!" pilit na ginising ni Leslie ang naghihikahos na babae. Agad siyang inalalayan ni Leslie na maupo muna at ayusin ang sarili. Hinawakan niya ang mga nanginginig na kamay ni Allison.

"I'm really really sorry, Alli." bulong nito, kahit pa diretso ang tingin ng babae sa konkreto.

Agad na tumabi si March kay Alli na napansin ni Leslie.

"Nandito kami, okay?" panimula nito at pinunasan ang dugong nasa mukha ni Allison. Walang nagsasalita sa tatlo ngunit hindi mapigilang mapangiti ni Leslie sa nakikita.

"AAAARGH!"

Narinig ng lahat ang hiyaw ni Daryll, dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang naging hiyawan ng lahat ng makitang may saksak na ito sa braso!

"Daryll!" sigaw ni Alexid, kaya naman agad nawala ang atensyon ni Alexander sa lalaki at agad hinanap ang taong may pasimuno ng sigaw. Bago pa man din mahuli ng mga mata ng lalaki ang pigura ni Alexid, ay mabilis si Cosine para ibaba patago sa mga halamanan si Alexid at tinakpan ang mga bibig.

Hindi nagsayang ng oras si Leslie at agad sinugod si Alexander, dahilan para parehas silang gumulong sa lupa. Agad namang nakatayo si Dexter matapos bigyan ng mga bugbog si Enrico, sa tulong na rin ng dalawang natitira pang guwardiya. Lalapitan niya sana si Allison, ng lapitan naman siya ni Cosine at bigyan rin ng mga suntok. Dahil mas lamang ang karanasan ni Dexter kay Cosine pagdating sa labanan, mas naging madali ang pakikipaglaban niya rito.

Hindi mawari ni Alexid kung ano ang gagawin. Nasa harapan na niya ang gulo, ngunit hindi niya alam kung makikialam ba o manunuod. Nakaramdam ito ng kakaibang takot. Takot na mas lumala ang sitwasyon. Takot na may mangyaring masama sa kahit isa sa kanila. Takot na magkamali ng desisyon.

Patuloy pa rin ang palitan ng suntok ni Alexander at Leslie. Bagama't mas malaki ang lalaki sa kanya, ay kaya nitong makisabay sa bilis at lakas ng kaaway. Palibhasa, nahasa sa pageensayo na naging tradisyon ng Arguello.

Agad napatingin si Alexid kay Allison na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. Natatakpan ng malaking porsyon ng buhok niya ang mukha niya, at hindi na inalintana ang mga gasgas at sugat sa braso nito. Hindi maipinta kung ngiti ba o galit ang nakaguhit sa mga labi.

Hindi na tuloy alam ni Alexid kung matatakot siya o mabibilib sa itsura nito.

Sadyang nasa tabi ni Alexander ang swerte nang makakuha ng pagkakataon para mapatumba si Leslie sa isang mabilis na sipa sa mukha. Napapikit sa sakit ang babae, lalo na't hindi niya iyon inaasahan.

"Alexid! Are you okay?!" gulat si Alexid nang marinig sa tabi nito ang boses ni Daryll. Agad itong napatingin, at tumambad agad sa mata nito ang nagdurugong braso nito!

"You're bleeding!"

"Damn right, I am!" hinanap ng mga mata ng lalaki si Allison. "At least we got her now."

Ang kaninang mga guwardiya na tumulong kay Dexter, ay nakatayo na rin at walang ano-ano'y sinugod si Allison. Dedepensa sana si March, ang magulat ang Royals, nang si Allison mismo ang tumulak sa kanya palayo!

"What the f*ck is happening?!" bulong ni Daryll.

Bago pa man mahawakan ng guwardiya ang braso ng babae, ay agad niya itong binigyan ng malakas na suntok sa panga, dahilan para mapaurong ang isa. Ang isa naman, ay akmang papaluin siya ng police bat, pero isang suntok lang sa tuhod ng guwardiya ay napaluhod ito, sabay nito ang pagbali ng braso nito!

Ito ay nakakuha ng atensyon ni Alexander, kaya naman naglakad ito tungo sa direksyon ni Allison.

Saktong ilang hakbang na lang ang layo nito sa babae, nang maramdaman agad niya ang malamig na metal sa leeg nito!

"ALLI! 'WAG!"

Napatayo agad si Leslie nang makitang hawak na ni Allison ang baril sa isa sa mga guwardiyang ngayon ay nakatumba na sa lupa. Tutok na tutok ang baril sa mismong leeg ni Alexander. Sa mismong leeg ng mismong ama nito.

Nanlilisik ang mga mata ni Allison, na diretso ang tingin sa mga mata ni Alexander. Hindi na nagawang makangiti ng lalaki lalo na't nanginginig ang mga darili nito, at mahigpit ang hawak nito sa baril. Maaring ikapahamak pa ng lalaki kung kikilos na lang ito basta-basta. Gamay na nito ang ugali ng babae sa ganitong sitwasyon.

"Alli! Bitiwan mo yung baril! Walang magagawang maganda iyan! Sige na... Just drop... the gun." bawat tapak ng paa ni Leslie tungo kay Allison ay maingat. Maigi niya itong pinagmasdan, kahit pa ang malalalim nitong paghinga. Pilit ang ngiti ni Leslie, ngunit matindi ang kaba habang papalapit sa babaeng nanginginig sa galit. Maghihintay muna siya ng ilang segundo, bago humakbang, at sinisigurado niyang walang ibang gugulo sa kanya sa tuwing gagawin na iyon.

"Please... Calm down Allison... Nandito ako... Nandito kami ng mga kaibigan mo..."

Konting hakbang na lang ang kailangan ni Leslie para makalapit sa kanya, at makuha ang baril. Halos tatlong hakbang na lang...

Ngunit gulat ito ng mismong tutukan siya ni Allison ng baril!

"'Wag kang LALAPIT!" sigaw nito, tutok pa rin ang mga mata sa ama.

"Alli... please-"

"Are they here?"

Umiling si Leslie. "Ako lang ang pumunta."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Walang nagsalita sa mga taong naroroon. Kahit pa ang mga miyembro ng Royals, at mismong si Dexter ay hindi makapagsalita sa naging palitan nila. Tahimik lang si March sa paggamot sa sugat ni Daryll na ngayo'y nakabawi na rin ng lakas.

Natigil si Cosine at Dexter sa pakikipagbugbugan. Nawala ang atensyon nila sa isa't isa, at natuon kina Allison at Leslie. Kung hindi na bago ang nakikita ni Leslie, ay kabaligtaran ang para sa lahat.

Hindi naman nila nakikitang galit si Allison. Parang ibang tao ba ang kasama nila. Hindi rin nila ito narinig sumigaw na puno ng galit. Ang Allison na nakatayo ngayon sa harap ng mansyon ay nagpapakita ng matinding emosyon, malayo sa nakasanayan ng lahat sa ugali nito sa loob ng eskwelahan.

Kahit pa nasabihan, sumubok muling humakbang papalapit si Leslie. Kita ni Leslie ang paggalaw ng mata nito.

Alam niya ang balak ng sariling pinsan.

Sa isang iglap, tumilapon ang hawak na baril ni Allison sa lupa ng sipain ni Leslie ang kamay nito, at agad ikinulong ang mga bisig sa pagyakap. Pilit siyang umaalis, at nagawa naman nito. Agad siyang nagpalabas ng suntok sa pinsan, ngunit mabilis ang pag-ilag ni Leslie, para patumbahin sa lupa sa pagsipa nito sa ulo.

"Tumatakbo siya!" agad na sigaw ni Enrico ng mamataan ang pagtakbo ni Alexander papaalis.

"Habulin niyo! 'Wag niyo siyang hahayaang makatakas!" sigaw pabalik ni Leslie habang hawak ang nagwawalang Allison. Agad napatayo si Enrico para habulin ang nasabing lalaki. Agad rin sanang susunod si Dexter nang harangan ni Cosine na may hawak na ngayong baseball bat.

Sa mga oras na iyon, naging malakas ang pwersa ni Allison sa paghugot ng katawan ni Leslie para pabagsakin siya sa lupa. Dinaganan niya ito at doon bigyan ng mga suntok sa mukha. Hindi ito nagtagal nang may naramdaman siyang mga makikisig na brasong pumulupot sa tiyan nito at hugutin siya paalis kay Leslie.

"Calm down! Allison! Get a hold of yourself!" kahit masakit ang braso, nagawa pa ring pigilan ni Daryll ang pagwawala ni Allison. Mahigpit ang yakap nito mula sa likod at pilit na pinakalma ang babae.

"They got him okay! We're here! Remember, we stand with you right? That's why we're here! You have got to trust us! We're here for you!"

Hindi nagtagal, tumigil rin sa pagwawala si Allison. Napalitan ang galit nito, ng matinding lungkot. Parang nanghina ang katawan nito, nang mapaluhod sa lupa, at tingnan ang kapaligiran.

Malalalim ang paghinga ni Leslie matapos matanggap ang mga suntok ng sariling pinsan. Agad itong kinuha ang phone sa bulsa ng pantalon at nagtipa ng numero.

Parang nabingi si Allison. Parang nabalik ito sa reyalidad. Agad nitong namataan ang mapupulang mga kamay. Mga kamay na may bahid ng dugo. May mga bakas ng sugat. Hindi man nito intensyong saktan ang sariling kadugo, ngunit sa mga oras na iyon, nawala siya sa sarili.

Hinanap ng mga mata nito ang mga kasama.

Nandoon sa di kalayuan si March. Nakaupo katabi si Alexid. Nakaupo ang babae ngunit nakayuko ang ulo. Sapo ng mga kamay nito ang mukha, at pinapahid ang mga mata.

Nakasakit ka.

Iyon ang agad na pumasok sa isip niya. Parang may bumulong na ito ang kanyang ginagawa, ngayong siya'y kalmado. Nawala na ang nginig nito sa kamay, ngunit unti-unting lumabo ang paningin nito.

Hanggang sa maramdaman niyang basa na ang kanyang pisngi.

Kasalanan mo iyan.

Ang dapat na gawin niya ay itama ang pagkakamali. Ngunit para bang baligtad ang mga nangyayari.

Lumuwag ang hawak ni Daryll sa kanya. Para rin siyang nakahinga mula sa pagkakasakal. Napayuko siya ng ulo, at doon hinayaang tumulo ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa mga nakita.




MARCH

Exhausted.

The word that I could say (and feel) after what happened.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman matapos makita ang lahat nang iyon. Wala naman akong naging expectations. I mean, we were all there to save her.

Clearly, she needs the saving more than we do.

I'm aware that we're friends. But I know, not all secrets are spilled, kahit pa may label na ang tao nang ganoon. Just because a secret might be sensitive to talk about. Pero hindi mo mapipigilang magtaka.

The man in black. Alexander. Allison's father.

"Okay ka lang?"

Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Kahit pa may mga pasa sa mukha, buo pa rin ang ngiti ni Enrico. Bilib rin ako sa isang 'to, kahit pa ang daming pasa sa katawan, parang hindi man lang nanghina.

Palibhasa, matigas ang mukha.

"Yeah. Kumusta na si Daryll?"

Agad na nawala ang ngiti sa labi niya. "Aba, at mas gusto mo pa siyang kamustahin kaysa sa'ken?"

"Bakit?! May pilay ka ba?!"

"Kailangan ba may pilay para kamustahin?!"

Tsk! Ayan nanaman ang pilosopo!

"Rico, nakatayo ka naman ng maayos at nakuha mo na ngang ngumiti kahit may sugat ka sa mukha. May saksak ang kaibigan natin at nag-aalala lang ako baka kasi mali yung pagkaka-first aid ko't nagkainfection pa yung sugat niya. Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya?!"

Kita ko ang pag-irap niya, bago bumuntong-hininga. "Yes, he's fine. Fortunately, hindi ganoon kalalim ang pagkakasaksak."

Ano ba yan, parang babae!

"Oh ikaw?"

"Ano?"

"Sabi mo kumustahin kita."

Napakamot agad siya ng ulo. "Eh diba sabi mo wala naman akong pilay?"

"Ba't ang gulo mong kausap?!"

"Joke lang!" agad niyang itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis. "Eto nga, hindi naman malala mga bugbog ko. I mean, I'm used to it anyway. I know my mistakes."

Agad kong nakuha ang ibig sabihin niya sa huling linya ng mga sinabi niya. He even said it with a faint smile. I know what he means, it's just that I'm not going to make mistakes again. Kadalasan nag-iiba ako ng topic pag ganoon ang mga sinasabi niya.

"Si Alexid pala?"

Agad namang napalitan ang mukha niya ng pag-aalala. "Not sure. She's really... traumatized. Hindi ko pa nakikitang ganoon si Alexid."

"Yeah. She's actually fragile... May naikwento rin tungkol sa sarili noong pinuntahan namin si Thea."

"Anong kwento?"

"I'd rather not tell. Alexid deserves some privacy with that."

Agad siyang tumango, at parehas kaming bumaba tungo sa main floor. Nasa labas lang kami ng kwarto ni Daryll sa hospital. Pumunta rin ang nanay niya at hinayaan na rin sigurong mag-usap sila ni Enrico kaya lumabas na siya ng kwarto.

Pinili ko na lang maghintay dahil kahit ako ay nabigla sa mga nangyari. Ang tanging napuntahan ko lang ay si Cosine, na nagkaroon ng sprain sa kaliwang paa nito kay mag-iistay muna sa hospital. Gaya ni Daryll, ay dumating rin ang pamilya nito. Notably, his father, and her older sister, Tan.

Tahimik naming tinahak ang daan papalabas ng hospital, hanggang sa magsalita muli si Enrico.

"I never knew Allison had a big family."

Agad napakunot ang noo ko. "What do you mean?"

Tumigil kami sa paglalakad. "Kanina noong dumaan ako sa ER, nakita ko si Allison along with Leslie and... 6 other people. I recognized some of them. Yung iba, pamilya ni Leslie. Nandoon rin naman yung kapatid niyang si Allena, but I saw other people na mas matatanda sa kanila."

"Baka concern lang sila? I mean there's nothing bad with that-"

"Pero bakit parang kailangan dalin ang buong pamilya niya? Eh sa totoo lang, wala naman siyang nagawang masama lalo na't napigilan agad. I think it has something to do with that... Alexander man."

"Y'know that's... her... father right?"

Agad nanlaki ang mga mata niya, "WHAT?!"

"You heard it right. Kita namin na tinutukan siya nung lalaki ng kutsilyo, and she called her 'Dad'. Kaya nga na-stress ako. Swerte ni Aira at nagpacheck-up pa kasi."

"Ba't nga ba hindi ko iyon narinig?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bagal mo kasi. Nauna kami doon, ikaw naman kung makasigaw."

Hindi siya sumagot at nagbulong-bulong na lang, obviously mocking me without saying it out loud. Nagpatuloy lang kami hanggang marating namin ang sundo niya. Magsasalita sana siya nang unahan na niya 'ko.

"Sabay ka na sa'kin. Hatid na kita pauwi. Gabi na rin eh."

With no energy to argue, I hopped in his service car to go home. Tahimik ang naging biyahe kaya agad kong kinuha ang phone ko para tingnan ang GC.

7: 48 pm

jerkface

I already informed the teachers about my injury

can't drop my science grades again

gangsta

kami na muna ni march papasok niyan

grabegirl

grabe naman pala

musta na kayo guys

marchaprilmay

Ayos lang naman

Not sure about the others tho


Agad kong naalala kung paano umiyak si Allison matapos magwala. Yakap-yakap siya ni Daryll mula sa likod, habang sinasabihan nang kung ano na magpapakalma sa kanya. Soon, nilapitan na rin siya ni Leslie at may sinabi sa kanya.

Bumalik ang mga mata ko kay Alexid na umiiyak rin. Niyakap ko agad siya, at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap pabalik. Noong saktong nakita kong natumba si Dexter sa lupa mula sa pagkakasuntok ni Cosine, agad itong nagsalita.

"Let's get out of here."

As if on cue, lahat kami nag-sitayuan. Agad kong nakita si Enrico na pabalik na rin sa direksyon ko.

"Na'san na yung lalaki?"

"Hawak na ng mga kasama ni Leslie, I think."

Tumango ako, at tinulungan na rin siyang makalakad dahil sa hirap na rin siya dahil sa mga sugat na natamo mula sa pakikipagbugbugan. Unlike the guards on TV, they're incredibly strong. I mean, if you're a high-profile man, you'd get the best guards you can have and the Mariano's never disappoint.

Hanggang ngayon, masakit pa rin ang mga suntok nila. Hindi lang ako makapaniwala na kahit pa ang pinakamalakas na proteksyon nila ay nagawang talunin ng iisang babae. Ang pinsan ni Allison. Leslie.

Leslie Arguello.

Somehow, somewhere in my mind, I could've sworn that I've heard the surname before. But nonetheless, if she managed to beat those guards without any help from us (I think), Alli would've done the same.

But there was the man. Her father.

She sure is something.

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
166K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...