Intoxicated

By MalditangYsa

12.5M 229K 21K

Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Published under Psicom

Chapter Twenty-one

179K 3.1K 375
By MalditangYsa

From: Tyrone

Good morning, girlfriend. :)

Halos pikit pa ako pero ang laki laki na ng ngiti sa labi ko lalo na nang salubungin ako ng picture naming dalawa sa wallpaper ng cellphone ko at ng message niyang tagos hanggang sa buto. Mabilis akong nagtype ng reply.

Umagang umaga ang landi mo agad. Haha. Good morning, loverboy.

Bago pa ako mangisay sa kilig, tumayo na ako. Iniwan ko iyong cellphone ko sa kama dahil sigurado akong male-late ako kapag kasama ko pa yung cellphone kong 'yun. Napailing ako habang inaayos ang kama. Memories of him and his lips then flashed on my mind. Ano ba yan. Bakit ba ganito.

Lumabas ako at naghilamos ng mukha, baka sakaling mabura ang ngiti dito sa labi ko.

Nagluto ako ng pang-agahan para kay Viviene at naligo na rin. Pagkatapos ay ginising ko na si Viviene para makapag-agahan. Nagbihis ako ng uniform at sinabayan ko si Viviene kumain.

"Bakit ang saya mo ate?" Tanong niya habang sinusubo yung itlog na niluto ko.

"Hindi naman ah? Kain ka lang d'yan." Ngumiti ako sa kan'ya. Nang matapos kumain at magsipilyo ay nagpaalam na ako kay mama. Nagcocommute na si Viviene simula grade 4 kaya hindi ko na siya hinintay pa. Magkaiba din naman kasi ang daan naming dalawa.

Habang naglalakad sa eskinita ay muli kong chineck ang phone ko. May isang missed call at dalawang message galing kay Tyrone. Siya lang naman pala ang laman ng contacts ko.

Tyrone:

Sa'yo lang naman po ako malandi, don't worry. :D

Papasok ka ba? Sabay na tayo. Andito na ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Andito na siya? Shocks. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Feeling ko first time pa lang namin magkikita kahit hindi naman. Dumiretso ako sa paglalakad. Natanaw ko agad ang kan'yang puting sasakyan. Nang makalapit sa kan'ya, bumaba siya sa sasakyan at ngumisi sa akin. Nagulat ako kahit hindi naman dapat. Nagwawala ang puso ko at parang nawala iyong kinain ko dahil naubusan na naman ako ng lakas.

Tinanggal niya ang earphones na nakasaksak sa tenga niya.

"Morning." He smirked at kita ko ang kasiyahan sa light brown niyang mga mata. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko knowing na hindi lang ako ang masaya.

"Morning..." I returned his smile then turned away.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya. Hindi na ako umangal pa. Sinara niya ito nang makapasok ako at pinagmasdan ko ang pag-ikot niya sa sasakyan patungo sa driver's seat. Hinarap niya ako at nagtriple ang pintig ng puso ko.

He cocked his head to one side at itinuro niya ang kan'yang pisngi gamit ang index finger. Halos matawa ako sa itsura niya. He never does this before.

"Where's my morning kiss?"

Napahalakhak na ako sa tanong niya. "Kailangan pa ba yun?"

"Of course. I'm your boyfriend." He says arrogantly kahit na hindi ko mahanap ang logic at connection ng sinabi niya sa paghingi ng kiss. Napangiti ako sa sinabi niya at dahan dahang lumapit sa pisngi niya. Lumapat ang labi ko sa balat niya at halos naramdaman ko ang pag-init nito.

Nahiya ako lalo na nang tumunog ang halik ko nang lumayo ako. Kailangan bang may tunog? Yung as in *mwuah*?

Kinagat niya ang labi niya at halatang iniiwasan ang pag-ngisi. Pinaandar niya ang sasakyan at namuo ang katahimikan sa loob ng sasakyan. He was smiling habang ako ay kinakabahan sa hindi malamang rason. Nilabas ko na lang ang cellphone ko at nangalikot doon kahit na hindi ko alam ang dapat kalikutin.

"Accept mo naman relationship request ko." He said out of the blue.

Napalunok ako. I looked at him who's still focused on the road.

"Huh?"

"Sa facebook."

Napahalakhak ako. Ang bilis naman non. "Sige."

"Ngayon na. Naka-on naman yung pocket wifi." Iniliko niya ang sasakyan sa gate ng school papasok sa parking lot.

Ngumuso ako. Kailangan ba talaga ngayon? Nagmamadali siya? Pinindot ko ang kaisa-isahang wifi na may pangalang FELEDRICO. Tinigil niya ang sasakyan nang makapag-park siya ng maayos.

"Anong password?" Inabot ko sa kan'ya ang phone at may itinype siya doon bago binalik sa akin. Binuksan ko ang Facebook at nag-log in. Tulad ng sinabi ni Princess, matagal na akong hindi nakapagbukas ng Facebook pero nagulat pa rin ako sa 99 notifications, 28 messages at 192 friend requests.

Kahit noon naman ay matagal akong nagbubukas ng Facebook pero kadalasan isang message lang ang meron ako, at yun ay yung mga mensahe ni Ate. Pero bakit ngayon, ang dami naman yata nito?

Sinilip ko ang messages. Nagscroll ako at karamihan ay mga congratulation greetings. Sa notifications naman ay puro like at pagpost daw sa timeline ko. Nagulat din ako sa mga notification na:

Tyrone Kean Feledrico accepted your friend request.

Alexander Jerome Feledrico accepted your friend request.

Melvin Spencer Feledrico accepted your friend request.

Adam Ezekiel Feledrico accepted your friend request.

Wow! Ang tagal na nitong friend request ah? 2nd year high school pa ata ako nito! Halos limot ko na ngang inadd ko sila.

Hinanap ko sa dami ng notifications ang relationship request ni Tyrone.

Tyrone Kean Feledrico listed that you two are in a relationship. To add this to your timeline, go to Timeline Review.

Napalunok ako habang pinindot ang notification na ito. Nagulat ako nang makita ang picture naming dalawa kasabay ng caption na:

"Looking at her smile, and saying 'Fucking cupid is a sharp shooter'"

Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan ang picture namin na wallpaper ko rin. Pinindot ko ang accept. Wala pang isang minuto at nadagdagan na naman ang friend requests at notifications ko. Muli kong tinignan ang relationship status naming dalawa. Ang daming likes! More than 1,000! I looked at him na nakalimutan kong nasa tabi ko pa pala. He just raised his brows at me. Umiling ako then I found myself reading the comments.

Adam Ezekiel Feledrico gay

68 likes

Tyrone Kean Feledrico Well, then wait for that fucker to hit you, too.

76 likes

Alexander Jerome Feledrico Grats, bro.

61 likes

Ang iba ay puro pag-cocongratulate na lang. May mga comments din na "I thought it was still Desiree." Kinagat ko ang labi ko at pinindot na ang exit bago pa nito sirain ang araw ko.

"You okay? Ayaw mo bang ilagay sa Facebook?" Hinaplos niya ang pisngi ko at doon ay nakalimutan ko na ang rason ng pagka-badtrip ko. Jeez, what kind of magic power is that?

"I'm okay." Ngumiti ako sa kan'ya.

Naglakad kami papunta sa campus. Intramurals pa rin kaya't busy pa rin ang lahat sa kani-kanilang mga booth. Pero bawat madadaanan namin ay talagang titigil para lang titigan kaming dalawa. May mga nagsisikuhan at nagbubulungan pa. Naconscious ako kaya't yumuko na lang ako at medyo lumayo kay Tyrone. I'm not used to this. Lahat ng ito ay bago sa akin.

Pero natanggal lahat ng nasa isipan ko nang maramdaman ko ang mga daliri ni Tyrone sa daliri ko. He intertwined them and held on to them tightly. Tinitigan ko ang mga kamay naming dalawa and how they perfectly fit at each other, like they were made for each other.

Nakarinig ako ng ilang pagsinghap pero nanatili ang focus ko sa kamay naming dalawa. Luminga ako at nakita kong pinagtitinginan kaming dalawa, na para bang may ginawa akong kagimbal gimbal.

Nag-angat ako ng tingin kay Tyrone. Nakakunot ang kan'yang noo and I know he's pissed with the attention. Nagdire-diretso kami ng lakad sa kabila ng napakaraming tao and we ended up in the cafeteria.

"Gay." Pambungad na halakhak sa amin ni Adam na kasalukuyang umiinom ng kape.

Hindi siya pinansin ni Tyrone. Ipinulupot niya lang ang braso sa bewang ko at iginiya ako papunta sa upuan. Binati agad ako ng magpipinsan pati na ng mga babaeng kasama nila. Si Spencer lang yata ang hindi ako tinapunan ng titig. Hindi na ako nagulat na pati ang kasama niyang si Desiree ay hindi ako kinausap. Nagpatuloy lang sila sa pakikipag-usap sa isa't isa.

Kinuha ko ang cellphone ko para makapag-message kay Ate. Iniscroll ko ang messages ko na puno ng pagcocongratulate.

Heidi Isabelle Arteta

Yvette, kamusta na kayo d'yan? Binubuksan mo pa ba tong Facebook mo? Si mama? Pasensya na hindi pa ako makauwi. May nangyari kasi dito. Miss na miss ko na kayo. Marami akong pasalubong para sa inyo ni Viviene. Alagaan niyo si mama, ah? Magdadasal lagi gabi-gabi. Mag-message ka na lang dito. Love you.

Miss na miss ko na si Ate. Sana andito siya para may napagsasabihan ako nitong mga problema ko, pati na nitong nangyayari sa school. Maiintindihan niya kaya ako? Kung bakit ako nagka-boyfriend?

Nagtype ako ng reply.

'Wag ka mag-alala sa amin ate. Okay naman po lahat. Naaalagaan ko naman po ng mabuti si Viviene tapos medyo bumabawas na rin po pagsusugal ni mama. 'Wag ka na po mag-isip ng marami, hindi po yun makakatulong. May cellphone na po pala ako. Napanalunan ko sa Ms. Intrams. Ingat ka po d'yan.

Tinype ko ang number ko at sinend din agad sa kan'ya. Napabuntong hininga ako. Siguro kung buhay pa si papa, magkakasama pa kami lahat. Siguro kung buhay pa siya, hindi ganito si mama at siguro ay masaya kaming lahat.

Dumaan ang buong linggo hanggang sa natapos ang Intramurals week. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na nga si Tyrone. Yung dating crush ko lang ay boyfriend ko na ngayon.

He never failed to make me smile. Sa totoo lang, simula nang maging kami ay lagi na niya akong kasama. Tinutukso na nga siya ni Princess, madalas siyang tawaging bodyguard at driver ko, dahil kahit nung nagpasama sa mall si Princess, hindi pa rin talaga siya humihiwalay sa akin. Natatawa na lang ako.

From: Tyrone (boyfriend)

Friday na :(

Natawa ako sa bagong pangalan niya dito sa phone ko. Siya nga mismo ang nagpalit nyan.

To: Tyrone (boyfriend)

Oh? Anong meron?

"Ate, family day na po namin bukas. Pupunta ka ba?" Dinaluhan ako ni Viviene habang umiinom ako ng kape.

"Oo naman, baby. Family tayo diba?" Ngumiti ako sa kan'ya.

Ngumuso siya at pumalakpak. "Yehey. Sabi ni mama pupunta din daw siya."

Napatingin ako sa kan'ya. "Talaga? Sabi niya?"

"Opo." Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Viviene at halatang masayang masaya siya. Ang huling beses na sumama sa amin si Mama sa mga ganoong school program ay 2 years ago pa, kaya nakakagulat talagang sinabi yun sa kan'ya ni mama.

"Sige na, sleep ka na para bukas maaga tayo magising para sa family day." Hinalikan ko siya sa noo. "Tatabi na ako sa'yo mamaya, ubusin ko lang 'tong kape."

"Okay po ate. Good night. I love you." Tumalikod siya at tumakbo papunta sa kwarto naming dalawa. I heaved a sigh. Sana maging maayos ang araw namin bukas, lalo na yun na lang ang nakakapagpasaya kay Viviene.

Tinignan ko muli ang cellphone ko.

From: Tyrone (boyfriend)

I'm back to missing you.

To: Tyrone (boyfriend)

I love you. :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 50.7K 46
Barkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with l...
2.7M 35K 42
Pinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 't...
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
2.1K 153 19
"He likes Aya. I like him. And I was never going to tell him. Until that one fateful night." Celine or C for her friends, knows Miko for as long as s...