Heartbreaker (Book 1)

By Jazzz13

32.5K 1K 23

By : Jazzz13 Completed Ilang beses na bang winasak ni Bullet ang kanyang puso? Once? Twice? Three times? Siya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54

Chapter 7

711 23 0
By Jazzz13

Chapter 7

Hinatid ako ni Bullet sa classroom. Nakahawak siya sa bewang ko habang naglalakad kami sa corridor. Alam kong maraming mata ang nakatingin sa amin lalo na ngayong nakapulupot sa bewang ko ang kamay niya. Wala siyang pakelam sa paligid. Naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi habang tinititigan niya ako. Parang di sumasayad ang paa ko sa lupa. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Feeling ko ay nasa state of shock pa ako.

"Anong oras ang last exam mo" nakangiting tanong niya. Nasa tapat na kami ng classroom.

Sinandal niya ang kaliwa niyang balikat sa wall ng corridor at humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinisil pisil niya yun ng marahan.

"Hanggang hapon pa. Mga 5 pm pa." Sagot ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Hindi na kita masasabayan sa lunch ha. Puntahan ko muna si JB sa hospital. We have to take him there last night kasi pinukpok siya ng bote sa ulo. Medyo malalim ang sugat kaya kailangan ng stitches. He has to undergo some tests, so nandun pa siya. I'll see you later. Ako ang maghahatid sayo pauwi."

"Tingnan mo yan. Pano kung sayo nangyari yung nangyari kay JB?" Nagaalalang sabi ko.

"Nagpromise na ako sayo di ba? I said i'm not going to do it again." Sabi niya sa malambing na boses.

"Okay. Kita na lang tayo mamaya." Sagot ko na lang.

"Galingan mo sa exams. Gusto ko ikaw ang maging number one sa deans lister." Masuyong sabi niya. Hinawakan niya ako sa baba at pinisil pisil niya ito.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hinila niya ako at ginawaran ng magaang halik sa labi.

"Sige pasok na." Sabi niya sabay tulak na sa akin papuntang ng pintuan ng classroom. Tumalikod na siya papunta sa hagdanan.

Pagpasok ko ay nakatingin lahat ng kaklase ko. Para silang mga timang na nakatulala. Ano bang problema ng mga ito? Ganun ba kahirap ang exam kaya sila nakatulalang lahat sa akin? Kumunot ang noo ko ng hinila ako ni Ivan at excited siyang humarap sa akin.

"Grabe teh ang haba ng hair mo.Ikaw na. Nakakaloka ka.PDA TALAGA?? At si Bullet pa talaga ha." Hinila niya ako sa buhok at tumatawang sinabunutan ako.

"Arraayy!! Ano ba yan bakla. Ang sakit nun ha. Huwag ka ngang maingay diyan. Pagbigyan mo na ako bakla, medyo lutang pa ako. Ako din hindi ko alam kung anong nangyari. Wag kang mag-alala pag ready na ako iupdate kita." Natatawang bulong ko.

"Aba'y dapat lang teh. Isang oras ka lang nawala noh. Hanap ako ng hanap sayo. Pagbalik mo nakahawak na sa bewang mo si Bullet Lagdameo at hinahalikan ka sa labas ng classroom." Oa niyang sabi habang tumitirik ang kanyang mga mata.

Natawa na lang ako kay Ivan. Siya lang kasi ang kaibigan ko dito sa school bukod kay Yvette. Di ko man nakakasama si Yvette ay nandito naman siya. May pagkamaarte ito at oa kung minsan pero nakakatuwa naman ito dahil masayahin ito at di mapanglait sa kapwa.

Si Ivan ang kasabay kong naglunch. Since magkablock kami parehas kami ng mga exams. Kailangan kong magreview dahil gusto kong maging number one sa dean's list. Gusto kong maging proud si Bullet sa akin. Kahit hindi ako kasing ganda at sosyal ng mga babae dito sa Xavier at least pagdating sa talino di naman ako pakakabog. Nandito kami ngayon ni Ivan sa school garden, nakaupo kami sa damuhan.

"Grabe ka teh.Binabasa mo pa ba ang mga questions sa exam natin kanina? Bakit ang bilis bilis mong sumagot? Nag-iisip ka ba?"

"Oo naman beks. Memorize ko na kasi yung formula kaya mabilis kong nasagot. Saka ang dali lang di ba?" Nakangiting sabi ko.

"Madali? Hello??? Dinugo kaya ako habang nagsasagot sa algebra kanina." Sabi ni Ivan

"Uyy quiet na. Ireview mo na to. Sigurado ako ito ang ibibigay ni Ms. Pasion sa psycho mamaya. Imemorize mo yan beks. I'm sure perfect score ka diyan." Inabot ko sa kanya ang isang papel.

Nakanguso pa ang bakla habang binabasa ang reviewer na binigay ko. Pagkatapos ng lunchbreak ay bumalik na kami sa classroom tatlong subject pa ang di namin natatapos. Dakdak ng dakdak si Ivan dahil hirap na hirap siyang magmemorize. Di naman ako masyadong nahirapan sa exam. Binilisan ko na ang pagsagot sa last subject dahil baka naghihintay na si Bullet sa akin. Kumaway na lang ako kay Ivan bago umalis. Mukhang di pa siya nangangalahati sa pagsagot sa exam.

Habang naglalakad ako ay bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. SHANE WILL YOU BE MY GIRL? Shit! Parang di ako makapaniwala. IF YOU WANT ME THEN I'M ALL YOURS. IKAW LANG. WALA KANG MAGIGING KAHATI. HINDI AKO TITINGIN SA IBA. Hindi pa rin ako makapaniwala. Binagtas ko ang daan patungo sa parking lot ng Xavier. Natanaw ko na siya. Nakasandal siya sa gilid ng kanyang itim na BMW. Nakasuot ng dark gray tshirt at itim na maong jeans. Itim na sperry topsiders ang suot niyang sapatos. Bumubuga siya ng usok habang hawak ang isang sigarilyo. Kumunot ang noo ko. Lumingon siya ng marinig ang niya ang pag-ubo ko. Tinapon niya sa semento ang hawak niyang sigarilyo at pinatay ang apoy gamit ang kanyang sapatos.

"Hi babe. Kumusta ang exam? " lumapit siya para halikan ako ng marahan sa noo.

Shemay! Ano daw??? BABE???? Tinawag niya talaga ako ng babe. Yiiiikkks.. Nakakakilig.

"Hmmm okay lang. Madali. Wala ba kayong practice ngayon? Di ba malapit na ang intercollegiate tournament?" Nagtatakang tanong ko.

"Nacancel muna kasi hindi kami kumpleto. Nasa hospital si JB, tapos hinihintay namin yung bagong recruit na pointguard from Cebu. Baka by Friday na ulit kami magresume. Ayaw mo nun, I will have more time for you." Malambing niyang sabi habang nilalagay ang hibla ng buhok ko sa ilalim ng aking tenga.

"Syempre gusto ko." Nahihiyang sabi ko

"Tara date tayo babe. San mo gustong pumunta?" Malambing niyang sabi

"Ano kasi..may exams pa ako bukas. Kailangan kong magreview. Okay lang ba kung sa bahay na lang muna tayo? Promise pagkatapos ng mga exams ko babawi ako sayo." Malungkot na sabi ko.

"Sure it's okay. Let's go." Medyo matabang niyang sabi.

Binuksan niya ang passenger side ng kotse para makasakay ako. Walang kibo niyang pinaandar ang makina ng kotse at umatras na palabas ng parking lot. Di pa rin siya nagsasalita habang nagmamaneho. Shit! Nagalit ata dahil sa hindi ako pumayag sa date namin. Anong gagawin ko? Diyos ko naman, first time kong magkaboyfriend. Ano bang ginagawa pag nagagalit ang boyfriend? Nagpapacute? Nagdadrama? Kinikiss? Eeeek! Nahihiya ako.

Wala talaga kaming kibuan sa loob ng sasakyan. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa kalsada. Lagot na, ginalit ko ata talaga. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang binabagtas namin ang daan pauwi sa townhouse. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa pananahimik niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay di ko na rin natiiis.

"Bakit ang tahimik mo? Galit ka ba?" Malambing na sabi ko sabay hawak sa balikat niya.

Di pa rin siya kumikibo. Seryoso pa din siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho.

"Nakakainis ka naman eh. Bakit ka naman ganyan babe? Sabi mo gusto mo maging number one ako sa dean's list. Paano ko naman gagawin yun kung hindi ako mag-aaral. Pambihira naman eh, kibuin mo naman ako. Gusto ko lang namang maging proud ka sa akin."

Ayoko siyang tignan dahil baka mas lalo siyang magalit dahil sa sinabi ko. Pero di ko talaga kaya ang ganito. Huminga ako ng malalim ng hindi pa rin siya nagsalita.

"Eh kasi naman para tayong timang. Naging tayo kahit di pa naman natin kilala ang isat isa. Ang dami dami kong hindi alam sayo. Kung ano bang favorite color mo. Kung bakit mo ba ako nagustuhan. May ganito bang magjowa? Ang daming hindi alam sa isa't isa. Pati nga cp number ko hindi mo alam eh. Ang labo mo naman. Naiinis na ako sayo." Huminga ako ng malalim dahil hiningal ako sa mga sinabi ko. Tinignan ko siya sa sulok ng mata ko. Damn. Mas lalo atang nagalit. Tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Kumurap kurap ako dahil maiiyak na talaga ako.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa ulo ko, hinila niya ako palapit sa kanya. Medyo natatawa pa siya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Black and gray ang favorite colors ko. Alam ko ang cp number mo, last week ko pa nakuha kay Ivan. Di lang kita tinitext kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Huwag mo ng itanong kung bakit ikaw ang nagustuhan ko dahil hindi ko rin alam. First time sa akin to. Basta ang alam ko gustong gusto kitang titigan. Lalo na sa school pag nagsasalita ka sa harap. Pag may tanong si Sir Stan na walang ibang makasagot kundi ikaw lang. Natutulala ako dahil para sayo lahat effortless. I don't know, I just woke one morning na hinahanap na kita. Gusto kitang nakikitang ngumingiti at nilalabas ang maliliit mong dimples. Gusto kitang halikan pag kinakagat mo ang pang-ibaba mong labi. Basta yun. It just happened. Malinaw na ba babe?" Tinitigan niya ako ng diretso sa mata.

"M-malinaw na. Sorry." Sabi ko at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

Naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa buhok ko at ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Okay just make sure that i'll be one hell of a proud boyfriend pag napost ang result ng prelims." Masuyong sabi niya.

"Promise babe.Hindi lang proud boyfriend. Super proud boyfriend pa." Nakangiting sabi ko.

Lagot ako neto pag nagkataon. Patay ka Kimberly kailangan mo talagang mag-aral. Ayokong mapahiya kay Bullet baka mangulelat ako.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng townhouse namin. Iniisip ko kasi ang gagawin ko para manguna ako sa deans lister. Nagpark si Bullet sa tapat ng gate namin at bumaba na para pagbuksan ako ng pinto. In fairness kahit sosyal at mayabang tong jowa ko gentleman rin pala. Ginagawa din kaya niya to sa mga dati niyang fling? Haaay sana sa akin lang. Lord please kong panaginip to ayaw ko ng gumising.

"Pasok ka muna babe. Mukhang nandiyan na si Yvette. Para naman makilala mo ang bestfriend ko." Hinila ko na siya papasok sa gate.

"But i wont be staying long, alam ko kailangan mo pang magreview. Remember may promise ka sa akin." Sabi niya.

Tumango na lang ako at binuksan na ang gate para makapasok na kami. May nakabukas ng ilaw sa sala at mukhang nagluluto na ng hapunan si Yvette. Napalingon siya ng narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Bessssyy! Nagkita na ba kayo ng lovey duds mong si Bu...." Di niya naituloy ang sinasabi niya ng makitang hindi ako nag-iisa. "He hehe sorry may kasama ka pala. Ngeek!!! si Bu... Si Bu.... Si Bullet!!" Parang nababaliw niyang sigaw ng makita kung sino ang kasama ko.

Pinandilatan ko talaga si Yvette dahil hiyang hiya ako sa mga sinasabi siya. Napakagat na lang siya sa kanyang labi at nagpeace sign gamit ang kanyang dalawang daliri. Paglingon ko kay Bullet ay tatawa tawa lang ito habang pulang pula ako sa kahihiyan.

"Bes si Bullet. Babe si Yvette bestfriend ko." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Lumapit si Yvette para kamayan si Bullet. Parang timang pa ring nakatulala ang gaga. Takang taka siya kung bakit ang crush ng buong Xavier Academy ay nandito sa aming bahay at tinatawag ko pang BABE.

"Anyaheh bes? Anetch itey? " nagtatakang bulong niya sa akin. Habang natatawang umupo si Bullet na parang aliw na aliw sa nangyayari.

"Hinatid lang ako ni Bullet bes. Ano kasi...ahhh ahhh." Sheet ang hirap ipaliwanag.

"Bakit ka nga niya hinatid? Nahilo ka ba? Natapilok ka ulit.?" Nalilitong tanong niya

" Hindi bes. Kasi ano...kasi..." Nauutal talaga ako sa kahihiyan.

"KASI KAMI NA."

Si Bullet yung nagsalita. Bigla itong tumayo para ipulupot ng kamay sa bewang ko. Si Yvette naman nakanganga na lang as in open mouth na nganga.

"Ohhh so kayo na. As in kaninang umaga pagalis niya ng bahay hi at hello lang ang drama niyo sa school. Pero pagdating niya dito ngayon, kayo na. Magjowa. Ganun???" sobrang oa niyang tanong.

"Kasi bes ano..biglaan." Bulong ko.

Hindi ko alam kung bakit amused na amused tong si Bullet habang para ginigisa ako ni Yvette sa mga tanong niya. Ano ba naman tong babaing ito di na lang maging masaya para sa akin. Pinawisan tuloy ako ng malamig. Hinigpitan pa niya ang hawak sa bewang ko at hinalikan ako ng padampi sa labi. Hinampas ko siya ng malakas sa braso.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Curious By Dcmuch

Teen Fiction

29.2K 1.2K 35
It was just a normal day of summer when Angelika discovered an interesting quote from Facebook. Shared, liked, and commended by a lot of people, a st...
33.5K 631 28
"Handa akong maging bituin mo sa kahit na ano. Na kahit nasaan ka man, tumingala ka lang sa kalangitan, naroroon lang ako lagi para sa 'yo." SYNOPSIS...
123K 2.6K 33
Can two broken hearts find a way to fit together?