Chapter 10

672 16 0
                                    

Chapter 10

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Medyo madilim pa sa labas. Parang makulimlim. Hindi pamilyar ang paligid, ilang minuto bago ko naalala kung nasaan ako. Napatingin ako sa katabi ko, nakadapa siyang natutulog. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa taas ng kanyang ulo. Nakaharap siya sa akin pero natatakpan ng braso niya ang kalahati niyang mukha. Nakasuot siya ng puting sando. Di ko napigilang haplusin ang kanyang mukha. Kusang gumalaw ang isang kamay niya at pinatong niya yun sa kamay ko pero di siya nagising.

Biglaan ang naramdaman kong pagsikip ng dibdib ko. Mahal na mahal ko na ang taong to. Pano kaya kung bigla siyang mawala? Makakaya ko ba? Ganito pala. Parang hindi ako handa sa ganitong pakiramdam. Masaya...pero..nakakatakot.

Tahimik akong bumangon at pumunta sa banyo. Binalik ko na lang ang damit na suot ko kagabi. Tiniklop ko ang damit niya at nilagay sa ibabaw ng sink. Paglabas ko ay tulog pa rin siya. Hinagilap ko ang shoulder bag ko at kumuha ako ng ballpen at maliit na papel doon.

Babe,
Sorry di na kita ginising. Ang gwapo mong matulog, mahirap magpigil baka kung anong magawa ko.:)
i love you..

Di ko pa kayang sabihin yun sa personal kaya sa note muna. Para mabulabog ng konti ang damdamin niya. Niyuko ko siya at hinalikan sa leeg. Hmmm...ang bango bango. Ewan ko ba adik na adik ako sa leeg niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at umalis na ako.

Nadatnan kong nagwawalis sa sala si Yvette.

"Uyy andito ka na pala bessy. Galing dito si Bullet kagabi hinahanap ka. Di mo raw sinasagot ang mga tawag niya. Nagkita na ba kayo?" Sabi niya habang nakayuko at winawalisan ang ilalim ng sofa.

"Ahh oo pinuntahan niya ako sa school auditorium. Galit na galit. Di daw ako nagpapaalam.." Umupo ako sa sofa para tanggalin ang strap ng sandal ko.

"Bakit ba kasi di ka nagpaalam? Hindi kita kakampihan this time ha. Mali ang ginawa mo." Pinupunasan na niya ang salamin ng center table, tinignan niya ako at umiling.

"Alam ko bessy, kaya nga nagsisisi ako. Okay na kami, nagsorry na ako sa kanya." Tumayo na ako bitbit ang sapatos ko.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng champorado kumain ka." Tanong niya. Ang bait talaga ng bff ko.

"Mamaya na lang. Maliligo muna ako bes." Umakyat na ako para kumuha ng damit.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain. Nagulat ako ng makitang nakaupo si Ivan sa sala at nagbabasa ng newspaper.

"Pssst!! Anong ginagawa mo dito? Anong sinabi ni Yvette sayo?" Bulong ko. Nasa kusina si Yvette iniinit ata yung champorado.

"Yayayain sana kitang magshopping. Boring sa house. Nababagot ako. Hooooy... San ka natulog kagabi? Tinanong ng kaibigan mo kung bakit di na tayo nagsabay pumunta dito eh sa bahay ka naman natulog." Ganting bulong niya. Pinandilatan pa ako ng mata.

"Anong sinabi mo? Binuking mo ba ako beks? " kinakabahang sabi ko.

"Pasalamat ka mabilis akong magisip. Sinabi ko dumating si Mommy kaya pinauna na kitang pinaalis. San ka nga natulog??? Kay papa Bullet anooo??? Ang landi mooo..." Bulong niya sabay kurot sa bewang ko.

Babatukan ko na sana si Ivan ng biglang tumunog ang cp ko. Si Bullet ang tumatawag. Ano ba yan dinadaga na naman ang dibdib ko. Lumabas ako sa garahe para sagutin ang tawag niya.

"Hello babe." Sabi ko at huminga ng malalim dahil nahihirapan akong huminga.

"Ang daya mo naman. Bakit hindi mo ako ginising?" Mukhang kagigising pa lang niya. Halata sa medyo paos niyang boses.

"Ang sarap kasi ng tulog mo. Mukhang wala ka pang pahinga kaya hinayaan na lang kita." Sagot ko.

Wait lang kung kagigising pa lang niya that means di pa niya nababasa ang note na iniwan ko. Shemay!! Omg anong sasabihin ko pag nabasa niya yung sinabi ko?

"Sana ginising mo ako para naihatid kita pauwi. Hmmm wait lang... May note ka palang iniwan..........."

Katahimikan. Ilang seconds siyang hindi nagsalita. Nangangatog ang tuhod ko. Sheet nabasa na niya ang note. This is it pancit.

"Whooah! Babe, totoo bang nakasulat dito? You really mean every word? I don't know what to say." Parang naguguluhang sabi niya.

" ahhh.. Ano kasi.. Hmm..syempre..yun naman kasi yung nararamdaman ko." Nahihiyang sagot ko.

I don't know what to say daw. Nakakatampo naman tong lalaking to sinabihan mo ng i love you tapos ang isasagot "i don't know what to say" . Nakakainis. Akala ko pa naman effective. Manhid. Manhid. Mali ata ang strategy ko. Masyadong mabilis. Baka biglang natakot sa commitment. Dapat change of plan. Dapat pahard to get muna. Okay humanda ka.

"Naku tinatawag na ako ni Yvette. Bye na babe magkita na lang tayo sa school sa Monday. Uuwi pala kami sa Baguio ngayon kasi birthday ng kapatid niya.." Di ko na siya hinintay sumagot. Pinatay ko na ang phone ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay kumakain na ang dalawa sa dining room. Umupo ako sa tabi Ivan at nangalumbaba.

"Uyyyy. Anyareh? Bat sambakol yang mukha mo?" Tanong ni Ivan habang kumakain ng champorado.

"Badtrip yung jowa ko. Manhid. Sinabi ko i love you tapos sagot sakin i dont know what to say. Ang sakit nun ha." Nakasimangot kong sagot.

"Ehh malay mo naman nabigla lang." Sabi ni Yvette habang inabot ang kamay ko at hinawakan ito.

"Kasi naman bes para akong timang. Syempre alam mo naman yung sa amin di ba? Di siya talaga nanligaw. Siguro,kasalanan ko rin kasi di ako nagpahard to get." Naiiyak na ako.

"Ivan punta tayong Baguio. Kaya mo bang magdrive ng ganun kalayo?" Tinignan ko siya ng nagsusumamong mga mata.

"Baguio?? Anong gagawin natin dun?okay ka lang ba?" Gulat niyang nasabi.

"Sige na. Wala naman tayong gagawin dito. Di ba bored ka? Uwi din tayo bukas ng hapon. Maaga pa naman nine thirty pa lang. Ayaw ko munang makita si Bullet." Pumiyok na ang boses ko.

"Okay okay tara let's. Sama ka Yvette?"

"Syempre. San pa ba kayo tutuloy dun eh di sa bahay namin. Wait lang kunin ko muna bag ko." Sagot ni Yvette.

"Wala akong damit sis" sabi Ivan.

"May SM sa baguio. Dun ka na bumili." Sabi kong tumayo na para maimpake ng damit.

Nakalimang tawag si Bullet pero di ko sinagot. Nasa Pangasinan na kami. Maingat magdrive si Ivan sanay na sanay. Nakatulog si Yvette sa likuran. Tama si Yvette nakakatakot pala mainlove lalo na pag ganito kabilis. Masakit pati pag alam mong di kayo parehas ng nararamdaman. Dapat na ba akong mauntog? Itutuloy ko pa ba ito?

"Di ba malapit na ang birthday ng Bullet mo?" Binasag ni Ivan ang pananahimik ko.

"Yeah, next week na. Sa Friday." Matabang kong sabi.

"Sis, mali yang ginagawa mo eh. Di ba sabi niya sayo hindi siya mawawala. Sayo lang siya. Hindi naman siguro niya sasabihin yun kung wala siyang feelings sayo. Minsan ganyan ang mga guys hirap sila sa words kaya mas expressive sila through actions. Ikaw din pag pinakawalan mo yun maraming naghihintay para sumalo. Baka magsisi ka."

"Anong gagawin ko beks. Alam mo namang syonga ako sa mga ganito eh."

"Syempre magisip ka ng way para mainlove siya sayo. Dapat yung di pa nagagawa ng ibang girls para sa kanya. Teka di ba magaling kang kumanta? May idea na ako sa gagawin mo para sa birthday niya." Naeexcite niyang sabi.

"Kakantahan ko siya sa birthday niya?" Hula ko.

"Yes pero with a twist. Basta malalaman mo na lang sa Monday. Kaya please lang sis tama na ang emote. Aamin din yang jowa mo. Enjoy na lang natin tong Baguio trip natin." Sabay pisil ng pisngi ko. Tinanguan ko na lang siya.

Dumaan muna kami sa SM Baguio para bumili ng mga damit si Ivan. Dun na rin kami naglate lunch. Alas tres na ng hapon ng makarating kami. Tinext ko na lang si Bullet na nasa Baguio na kami. Di pa ako handang kausapin siya. Sa bahay nila Yvette kami tumuloy. Puro pamamasyal ang ginawa namin kinabukasan. Nagboat ride kami sa Burnham Park. Tapos sumakay din kami ng kabayo sa Mines View at Wright Park. Parang turista ang drama naming tatlo.

Heartbreaker (Book 1)Where stories live. Discover now