In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [8]

136K 3.7K 599
By chiXnita

-8-

Otanjoubi omedetou. Otanjoubi omedetou. Otanjoubi. Otanjoubi. Otanjoubi, Xhaiden.

Kinusot ko ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw. Inabot ang alarm clock sa maliit na wooden table na katabi ng kama pero hindi ko maabot.

Otanjoubi omedetou. Otanjoubi omedetou.

"Arg!" Bumangon na ako at kinuha ang personalized alarm clock na tumutunog. Ito ang kumakanta ng 'Birthday' song in Japanese tune. Hindi ko alam kung si Grant ang may pakulo nito. Pero kung siya nga...

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Hindi naman panaginip ang nangyari kagabi, 'di ba? Sigurado akong totoo iyon. Nakakainis lang dahil no'ng oras na magtanong ako kung bakit niya ginagawa 'yon, hindi niya itinuloy ang gustong sabihin.

Ngumiti lang siya at sinabing... "Just eat, Heather."

Nakakafrustrate. Pero wala, eh. Nginitian ako, eh.

Napaalis ako sa kama nang makitang 3:33 PM na. Geez! Seryoso? Triple 3?

Dali kong inilapag sa mesa ang alarm clock at nagsuot ng tsinelas. Birthday na birthday ko tapos kalahating araw akong tulog. Natigilan din ako sa pagmamadali nang may napansin akong kakaiba.

Birthday ko, 'di ba? Nasaan na sila? Sina mommy at daddy? Si Kuya Xyrus? Sina Angel at Brix? Ang Hot Dogs at Sexy Chicks? Si Grant?

Wala sa sariling pumasok ako sa banyo. Naestatwa na lang nang makita ang maliit na note na nakadikit sa pinto. Kulay pula ito kaya agaw pansin.

'Happy birthday, baby. Take a bath now and get ready for the party.' ~ Mommy.

Napatutop ako sa bibig. Kinuha ko ang note. Dali akong pumasok sa loob ng banyo at nagwisik. Hindi naman wisik, basta naligo ako nang hindi normal na ligo. Nagmagic lang yata ako kaya agad akong natapos. Lalabas na sana ako nang may napansin ulit na pulang note sa salamin.

'Baby, baby, it's your birthday and I'm so happy. Gusto na kitang gisingin at batiin kanina pa. Kaso, si mommy in-under na naman ako. Pasensiya na baby, ha? At 'wag kalimutang isuot ang nakalagay sa itim na paper bag na nasa gilid ng bathtub.

PS: Don't forget baby, hihiwalayan ako ni mommy kapag hindi mo sinuot. Huhuhu :'(

~ Daddy'

Si daddy talaga takot kay mommy. Napailing na lang ako sa 'Huhuhu' at sad face niya sa dulo ng note.

Nakita ko naman agad ang itim na paper bag. Tumambad sa 'kin ang plain black two piece nang halungkatin ko ang paper pag. Strapless pa ang pang-itaas. Walanjo! Napanganga na lang ako. Bakit ito ang susuotin ko? Seryoso?

Wala rin namang silbi kung mag-iinarte ako. Sinuot ko na lang dahil ayoko namang hiwalayan ni mommy si daddy. Kahit hindi niya naman talaga kayang gawin 'yon.

Napapailing ako nang lumabas ng banyo. Napangiti ako nang mapansin ang mga red petals ng roses na nagkalat sa sahig. Meron na ba 'yan kanina?

Sinundan ko ito hanggang sa matapat ako sa main door ng k'warto ko. May pulang note na naman na nakadikit.

'Hoy babae! Bilisan mo ha. Gutom na ako. Tagal mong magising. Alam mo bang pinagsuot nila ako ng costume ni Tinkerbelle? Tangina. 'Di naman ako bata. Cosplay event ba itong party mo? Dapat pinag-Darna na lang nila ako. At least katukayo ko si Angel Locsin. Pasalamat ka birthday mo. HAPPY BIRTHDAY pala. Bilisan mo. Nangangawit na ako sa heels ko. Leche.

~ Gel'

Napaangat ang isang kilay ko. Walang hiya talaga 'yon si Angel. Tiningnan ko ang likod ng papel at humalakhak ako sa katangahan niya.

'Tangina, Xhai. Napahaba ang message ko. Ito dapat ang isusulat ko talaga. Kaso 'di na kasya kaya sa likod ko isinulat. Ang tanga mo kung hindi mo ito mababasa. Pumunta ka sa guest room.

PS: Natatae na ako. Tangina. Kanina pa ako utot nang utot. Bilisan mo.'

Ang adik talaga ng babaeng iyon. Balahura. Hindi mawala ang kadaldalan. Hanapan ko kaya ng lalaking magpapatino sa kanya? Kaso wala yatang tatagal sa ingay at pagiging action-star niya.

Si Alex lang. Siguro si Kuya Xyrus din.

Binuksan ko na ang pinto. May dalawang arrow sa tapat ko na nakalagay sa sahig. Ang isa nakaturo sa guest room na nasa kaliwa. Ang isa naman sa office ni Grant na nasa kanan nakapoint. Gustuhin ko mang pumunta sa kanan, kaso ang sabi ni Gel sa kaliwa raw.

Ang dami nilang kaek-ekan.

May humatak sa 'kin nang pumasok ako. Ibang-iba ang ayos ng guest room ngayon. Ang daming nagkalat na kung ano-ano. Nagulantang na lang ako nang may mga babaeng naglalagay sa akin ng lotion. Nagboblower ng buhok. Nagsusuklay. Nagmamake-up. Nagsusuot ng dress, heels, kwintas, hikaw at kung ano pa.

Laglag pa rin ang aking panga nang matapos sila. Hindi ko alam kung ilang minuto dahil sobrang bilis ang kanilang mga kilos. Hindi ko na rin sila nabilang kasi pinagtulakan na nila ako palabas at isinara ang pinto.

What the... ano'ng nangyari?

Hindi ko matingnan ang kabuoan ko dahil walang salamin. Pero alam kong nakasuot ako ng red dress na may mga nakaruffles na design sa laylayan at gilid. Tube style ito kaya naemphasize ang aking dibdib. Hanggang gitna ng thigh ang haba nito sa unahan. Nakalapag sa sahig ang nasa likuran. Kaya expose ang harapan ng legs ko at tago naman ang likod. Transparent heels naman ang panyapak na sa tingin ko apat na pulgada ang taas. Kaya ang dating parang lumulutang ako kapag hindi mo tiningnan nang mabuti ang mga paa ko. Ang cute!

May suot din akong pulang gloves na umabot hanggang siko. May halo itong kulay itim na may mga maliliit na butas. Napahawak ako sa buhok. Naramdaman ko ang pagkakacurl nito sa dulo. Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Pero hindi ko alam kung anong ayos ang meron dito. Hindi ko na rin naman kailangan ng false eyelashes dahil sadyang mahaba na ang mga pilikmata ko.

Dahil sa gusto kong malaman kung anong meron sa loob ng office ni Grant, dinala ako ng mga paa ko roon. Wala namang nabago sa loob. Wala ring kakaiba.

Lalabas na ako nang tumunog ang telepono. Nag-alangan pa ako kung sasagutin pero ilang ring pa ay sinagot ko na rin. Walang nagsasalita. Ibababa ko na kaso sumagot ang pamilyar na boses.

"Happy birthday, Baby Xhai." Napaawang ang aking bibig. Nagpanting ang tainga. Hanggang batok ang ngiti ko.

Hindi ko makakalimutan ang malagong at malambing na boses na 'yan.

"Sexy Bro, I missed you!" pagtitili ko. Nagtatalon din. Muntik na akong matipalok kung hindi lang ako napahawak sa gilid ng mesa.

Pati tawa niya namiss ko. God! Kalahating taon ko rin siyang hindi nakita matapos niyang pumunta sa Japan kasama si Zyle.

"Namiss din kita, Baby Xhai. Pasensiya ka na, hindi ako nakauwi dahil tinatapos ko pa ang huling transaction dito sa Japan." May pakiramdam ako na nakahawak siya sa labi habang nagsasalita. Mannerism niya iyon.

Napangiti ako. Workaholic talaga si Kuya Xyrus. Siya ang katulong ni daddy sa pagpapalago ng kompanya. Tatlong taon ko pa lang siyang nakakasama pero close na close namin siya ni Xyrene. Nakakapanghinayang nga lang ngayon.

"Okay lang, Sexy Bro. Naiintindihan ko. Okay na sa 'kin na marinig ang sexy voice mo. Solve na solve na ako." Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

"Sexy bro? Hindi mo pa rin ba titigilan ang katatawag sa 'kin ng ganyan?"

"Sexy ka naman talaga, eh. Kung hindi lang kita kapatid. Matagal na kitang pinapak!" Tawang-tawa naman siya.

Mahigit dalawang taon ang tanda niya. 22 na ako ngayon kaya 24 na siya, malapit nang mag-25 at hanggang ngayon single pa rin pero unavailable. Kailangan dumaan muna sa 'kin ang babaeng 'yon. Hindi ko basta-basta pinamimigay ang sexy bro ko.

Possessive ako pagdating sa kanya. In short, possessive talaga ako pagdating sa mga taong mahal ko.

"Baby Xhai, nandiyan ba si..." Nag-pause siya saglit. Nagdadalawang-isip yata kung itutuloy ang sasabihin o hindi. Ang tagal niya bago sundan kaya inunahan ko na.

"Si Angel, Sexy Bro?" Nabulunan yata siya sa sinabi ko dahil sunod-sunod siyang umubo. Ako naman ang napahalakhak ngayon.

Yes, Kuya Xyrus has a little crush on Angel. Mali... mahal niya ang baliw kong best friend. Hindi ko alam kung ano'ng nakita niya sa feeling action-star na 'yon.

"Sina mommy at daddy!" pagdidiin niya. Pero alam ko namang si Angel talaga ang hinahanap niya.

"Oo nandito. Nandito rin si Gel. Kakausapin mo?" nilangkapan ko ng pang-aasar ang boses ko. "Pero kuya hindi nga ako payag na maging kayo," bawi ko agad. Bigla siyang natahimik.

Possessive ako at masyadong strict pagdating sa kanya. At hindi naman sa ayaw ko talaga na maging sila. Ayoko lang na masaktan si kuya.

Si Angel kasi wala 'yang interes pagdating sa pakikipagrelasyon. Marami na ngang binugbog na tumangkang magpalipad hangin sa kanya. Ayoko namang mangyari 'yon kay kuya.

Isa pa, umamin na si kuya dati. At ang nangyari? Rejected. Pusong bato. Iyon ang bagay na kanta kay Gel.

Simula no'ng mawala si Alex, gano'n na siya.

Mabilis na iniba ni Kuya Xyrus ang usapan.

Madami pa kaming pinag-usapan. Nabanggit din niya na uuwi na siya sa susunod na buwan. Excited na ulit akong makita ang sexy bro ko.

Nang magpaalam siya, dahil may appointment pa, ibinaba ko na rin ang telepono.

Napatalon ako sa gulat nang may kumalabog sa likuran. Nakita ko ang pinto na kumukonekta sa kusina at sa office ni Grant. May nakadikit na malaki at pulang poster na sumakop sa kabuoan ng pinto.

'OPEN ME, BABY!' ang nakasulat dito.

_..._..._

NANLAKI ang aking mga mata. Binalot ako ng takot ng kadiliman ang tumambad. Wala akong maaninag. Babalik na sana ako sa loob nang may bumukas na spotlight. Tumutok sa 'kin.

May bumukas ulit na ilaw. Sinundan pa ng isa hanggang sa lumiwanag ang buong paligid. Nawala ang spotlight.

Pumailanlang ang nakakapanindig balahibo at malambing na musika. Nagsilabasan sina Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty, Belle, Rapunzel at kung sino pa mang leading ladies sa fairytales mula sa second floor ng bahay namin kasama ang kanilang mga makikisig at naggagwapuhang prinsipe.

Hindi na matanggal ang aking ngiti dahil ang mga barkada ko sa Trese ang mga ito.

Ang Sexy Chicks. Sina Keziah, Vlaire, Caleigh, Irish at Denice. Wala si Shantal.

Hinanap ko si Angel na nakasuot daw ng Tinkerbelle pero wala siya. Baka tumatae na.

At ang Hotdogs. Sina Jerson, Serg, Dew at Cyclone. Hindi sila kumpleto dahil wala sina Zyle at Kuya Xyrus na nasa Japan. Wala si Brix, 'di ko alam kung bakit. Wala rin si Green na hindi ko alam kung nasaan.

Si Grant? Kanina ko pa hinahanap.

Sumasabay ang kanilang katawan sa tugtog. Pang-waltz.

Para silang mga baliw. Sumasayaw pero labo-labo. Halatang kanina lang sila nagpraktis para sa araw na 'to.

Pero natutuwa ako. Kasi kahit gaano sila kabusy, nandito sila para sa 'kin.

Hindi ko iniexpect na ito ang makikita pagbukas ng pintong kumukonekta sa kusina at opisina. Mukha akong nagteleport galing sa Earth papunta sa ibang planeta.

Para akong nasa Disneyland.

Ngayon alam ko na kung bakit ang suot ni Angel outfit ni Tinkerbelle. Alam ni mommy na mahilig ako sa mga fairytales.

Humakbang ako sa mahabang red carpet na nakalatag sa sahig. Nawala ang lahat ng mga gamit sa kusina namin at sala. Napalitan ng ganito kaganda at nakakarelax na lugar. Napaisip ako kung saan nila nilagay ang mga gamit namin. Malaki ang bahay kaya mukha akong nasa gitna ng mga nag-iibigang prinsipe at prinsesa. Hindi ko tuloy maiwasan ang maexcite.

Nag-aabang din kaya ang prinsipe ko? Excited na akong makita si Grant.

Muli akong humakbang kasabay nang pagbuhos ng confetti na mga petals ng bulaklak. Bawat hakbang, may nahuhulog. May nagliliparan ding mga paru-paru sa loob. Sa sobrang dami nila, hindi naiiwasang may dumapo sa tuktok ng ilong ko, at pati na rin sa ulo.

Magkano kaya ang nagastos nina mommy at daddy para rito?

Mabagal ang lakad na ginagawa ko. Gusto kong damahin ang pangyayaring 'to sa buhay ko. Hindi ako napapansin ng mga iniidolo kong fairytale characters na mga kaibigan ko. Alam kong kinutsaba sila ni mommy para gayahin ang mga Disney princes and princesses.

Kahit na gano'n umaapaw pa rin ang saya ko. Sumasayaw lang sila sa magkabilaang gilid habang ako naglalakad sa gitna. Ang carpet na nilalakaran ko, patungo sa pintong palabas ng garden.

Ano kaya ang meron doon? Para naman akong aatakehin sa puso sa mga pakulo nila.

Paglabas ko, madilim na pala. Maliwanag lang dahil sa mga ilaw sa paligid.

Sumalubong sa 'kin ang mga nakahilerang tatlong batang babae at tatlong batang lalaki na nakatayo sa gilid ng daan papuntang garden at swimming pool. Nakasuot sila ng angel's outfit at may 'halo' pa sa ulo. Ang cute!

Nang malagpasan ko ang mga bata, sumunod sila sa 'kin. Para tuloy silang mga guardian angels ko.

Ang garden, naging mini version ng "Garden of Eden". Ang malaking fountain na nasa gitna, naging maliit na falls. May mga plastic trees din na nagkalat sa paligid. May napansin pa akong malaking plastic na ahas sa isa sa mga ito. What the...

Natanaw ko na ang mga malalapit sa buhay ko nang lagpasan ko ang fountain.

Nakasuot ng puting dress si mom. Himala. Hindi itim. Kaso may hawak siyang placard na may nakasulat na... "I'm Eve. He's Adam." May arrow sa baba na nakaturo sa katabi niyang si dad.

Kaloka.

Walang masyadong tao na naririto. Mga relatives and family friends lang ang imbitado. Nakaupo sila sa iba't ibang table na nasa harapan ng swimming pool. Napadako ang tingin ko sa pool at napaanggat ang isang kilay ko. Paano nagkaroon ng bridge sa gitna nito?

Hinawakan ng mga bata ang kamay ko. Inalalayan nila ako patungo sa bridge na sadyang inilagay sa gitna. Pacurve ang style na nakaconnect sa magkabilaang dulo. Sa gilid ng pool ay ang mga higanteng cakes na iba-iba ang mga designs.

Natanaw ko sina Mama Tracey at Papa Greg, parents ni Grant. Nakaupo sila sa pinakaunahang table. Kasama nila ang bunsong kapatid ni Grant na si Grey Trevon Loriete.

Proportion nila ang table nina mommy at daddy. Kasama nila ang nakasimangot na si Angel Faith na nakapangalumbaba sa mesa. Nakasuot nga siya ng outfit ni Tinkerbelle. Parang gusto ko tuloy tumigil muna sa paglalakad at humalakhak nang malakas at itanong na... "Tumae ka na ba?" Kasi feeling ko sa itsura niya ngayon, hindi pa.

Wala ang mga parents niya dahil nasa Italy ang mga ito. Nagmigrate. Kaya itong si Gel, malayang nagagawa ang gusto.

Sa sunod na table, si Tita Brenda, mommy ni Brix, kasama ang iba pang family friends namin. Lima sila sa table nila. Patay na ang asawa niya kaya wala siyang kapareha.

Hinanap ko si Brix. Nadisappoint ako. Hindi ba siya pupunta?

Sa third row naman, ang iba pang kakilala namin.

Sa ikaapat na row, ang grupong "Hot Dogs" na kinabibilangan nina Grant at Brix. Kahilera nila ang Sexy Chicks na kasabayan nilang umupo. Mabuti maganda ang suot ko. Dahil kung hindi baka mapagkamalan akong katulong kapag dumikit sa kanila dahil sila ang totoong mga diyosa.

Nagtayuan ang mga parents ko, isa-isa akong binati. Isinayaw ako ng mga kalalakihan pati ng mga 'Hot Dogs'.

Hindi pa natatapos ang birthday ko. Solve na solve na ako.

Nang matapos ang ilang sayawan, pagod na ako. Kaso hindi pa ako p'wedeng umupo. Hindi ko pa nakikita ang taong mahal ko. Iginala ko ang paningin. Natigil ang mga mata ko sa lalaking naglalakad papalapit sa 'kin.

Nagtayuan ang aking mga balahibo sa likod papuntang batok. Nakatitig lang siya sa 'kin.

Nakasuot siya ng itim na suit at pula ang pang-loob na tumeterno sa kasuotan ko. Nakabrushed-up ang buhok. Ibang-iba sa palaging ayos na akala mo bagong ligo. Nalalanghap ko ang kanyang pabango na humahalo sa hangin. Ang bango. Nakakalasing.

Sa lahat ng lalaki rito... siya lang ang nagstand-out sa paningin ko. Lahat ng surpresang inihanda nila, wala tatalo sa prinsipeng 'to.

Alam na alam talaga ni mommy ang mga gusto ko.

I do love red. I love butterflies. I love fairytales. I love relaxing places. Most of all, I really love Grant.

Ito na yata ang pinakamasayang birthday ko so far. Mas engrande pa ito sa 18th birthday ko. Partner kasi ni Xyrene si Grant noon. Partner ko naman si Green. Si Brix na lang sana kaso ayaw nina daddy at mommy. Palagi na lang daw kasing si Brix ang nagiging partner ko. Siya ang naging kapareha ko no'ng prom kaya si Green naman no'ng debut ko.

Hindi ko napansin na napasimangot ako nang maalala si Green.

"Aren't you happy?" napakurap ako nang magsalita si Grant. Nasa harapan ko na pala siya. Napuna niya ang pagsimangot ko bigla. Napatingin ako sa abuhin niyang mga mata. Muntik na akong matumba. Mabuti naalalayan niya ako.

Nakakainis. Nagiging clumsy talaga ako 'pag katabi ko siya.

Hinapit niya ako palapit. Tila nakaapak ng landmine sa nerbiyos. Kung sasabog ang landmine, maikukumpara ang lakas ng impact niyon sa bawat kabog ng puso ko.

"Happy Birthday," bulong niya sa bunbunan ko. Nararamdaman ko ang hininga niya. Kahit na nakaheels ako, tangkad niya pa rin. Nahigit ko ang hangin. Sobrang lapit niya sa 'kin.

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nasa harapan niya. Tulala. Hindi pa rin makapaniwala na nagiging okay na kami.

Ako ba talaga ang nakikita niya ngayon? O baka naman si Xyrene ulit?

Gusto kong magtanong. Gusto kong alamin kung bakit niya 'to ginagawa. Gusto kong malaman ang dapat na isasagot niya kagabi. Pero ayokong sirain ang pagkakataong kasama ko siya. Kaya naman nanatili na lang akong tahimik. Dinadama ang oras na kapiling siya.

Akin siya ngayon.

Sosolohin ko ang taong mahal ko.

"May I—" Hindi ko na siya pinatapos. Ako pa mismo ang humila sa kanya sa gitna. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko ginawa... mawawala siya.

Napaparanoid ako. Ewan ko ba, nag-iiba talaga ako kapag kasama siya. Pakiramdam ko ibang tao ako.

Habang sumasayaw kami, siya lang ang nakikita ko. Lahat ng tao sa paligid namin biglang naglaho. Wala na akong pakialam sa iba. Sa kanya na lang. Ang garden namin naging langit at lumulutang kami sa alapaap.

Magkadikit ang mga katawan namin. Nakahawak ako sa balikat niya. Nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko. Nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko maiwas ang paningin dahil namagnet na naman ito sa kagwapuhang ilang pulgada lang ang layo.

Tahimik lang kami. Hindi siya nagsasalita. Kahit na gano'n, para akong Centrum, kumpletong-kumpleto.

Pinagsawaan ko ng tingin ang mukha niya. Mula sa noong may namumuong pawis. Sa perpektong kurba ng mga kilay. Sa mahabang mga pilik. Sa nang-aakit na kulay abong mata na kulay itim ngayon sa paningin ko. Sa matangos na ilong. Sa pisnging mamula-mula dahil tisoy siya. Hindi ko nakikita ang maliliit na dimples niya dahil sa kaseryosohan niya. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa hindi ko mawari kong kulay pink, pula o purple na mga labi niya.

Damn those lips.

Napalunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Pigil na pigil ang sariling hapitin ang ulo niya at ilapat ang mga labi sa mga labi niya. I want to kiss him, torridly. Right now, right here. I don't care kung maraming makakakita sa 'min.

Unti-unti na akong napapapikit. Natigilan lang ako nang hawakan niya ang labi ko.

"Stop biting your lips," bulong niya. Agad niyang tinanggal ang daliri. Tila napaso siya. Napasinghot ako nang maamoy ko ang mabangong hininga niya.

Hanggang sa matapos kaming sumayaw, lumulutang pa rin ang pakiramdam ko.

Siniko ako ni Angel nang hindi pa rin ako bumabalik sa tamang huwesyo. Nakaupo na pala ako sa table, katabi siya. Kasama namin si Grant at ang ibang Hot Dogs at Sexy Chicks. Ngayon ko lang ulit sila nakita. Ang heaven naman ng gabing 'to.

"Happy Birthday, Xhai," bati sa 'kin ni Jerson Quin at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. Kumindat ang mapupungay niyang mga mata. Napailing na lang ako at napangiti. Ang babaero talaga ng Caballero na 'to. Bwisit! Sabagay gwapo.

"Thank you." Hinatak ko ang kamay pero ang higpit nang pagkakahawak niya dito.

"Jerson Quin!" singhal ni Angel sa kanya kaya napabitiw siya.

"Pakialamerang Angel Faith!" singhal niya pabalik. Nagtawanan naman sina Cyclone at Dew. Samantalang si Serg ay uminom ng beer. Katabi ang seryosong si Grant.

Namiss ko silang lahat. Sayang wala si Brix at ang ibang 'Hot Dogs.' Napabuntong-hininga ako.

Hindi ba talaga pupunta si Brix?

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano. Ang bida si Jerson na sobrang daldal talaga noon pa man. May balak pala silang magbakasyon sa TRESE Paradise sa susunod na buwan. Hindi lang sigurado kung kaninong island sila tutuloy.

Lahat ng nasa table na ito, may hati sa Trese Paradise. Thirteen surnames ang nagmamay-ari sa lugar na 'yon. Isa 'yong private place na ang nagmamay-ari ay ang mga pamilyang Roa, Loriete, Flores, Tuazon, Caballero, Alba, Del Rio, Montreal, Fulgencio, El Grandia, Moravia, de Carpio at Wilson.

Wala naman akong balak na sumama sa bakasyon nila kahit na pinipilit nila ako kanina pa.

"Comfort room lang ako, guys," paalam ko sa kanila dahil punong-puno na ang pantog ko. Puputok na talaga siya anytime at hindi ko na kayang magpigil.

"Samahan kita?" pabirong tanong ni Cyclone. "Tutal CR din naman ang initials ko." Nagtawanan ang mga loko. Tiningnan siya nang masama ni Grant kaya agad akong umiling.

"'Wag na, sasapakin ka ni Brix!" Natahimik sila sa sinabi ko. Saka ko lang narealize kung ano'ng lumabas sa bibig ko. Napangisi si Angel sa 'kin. Napakagat-labi ako't agad na naglakad palayo.

Mabilis kong tinahak ang daan papuntang CR.

Paglabas, may humatak sa braso ko't tinakpan ang bibig ko. Napasinghap ako. Kinaladkad ako pabalik sa banyo. Nilock ang pinto. Pinatay ang ilaw kaya nawalan na ako ng pag-asa na makilala siya.

Napakapa ako sa kanyang mukha. May suot siyang parang maskara. Kung tama ang hula ko nakacostume siya dahil medyo malaki at malambot ang tiyan niya. Kinakabahan ako. Bakit kinorner ako ng taong 'to?

Tinanggal niya ang nakasuklob sa kanyang ulo. Lalaki. Pero hindi ko mamukhaan.

Natigil ang pagsinghap at pagsigaw ko nang sakupin niya ang aking labi nang malambot na labi niya.

Nanlaki ang aking mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at inilagay sa ulohan ko. Isinandal niya ako sa nakasaradong pinto.

Ang bilis ng kabog ng puso ko. Nagpupumiglas ako pero walang silbi dahil sa lakas niya. Gumalaw ang mga labi niya kaya nangatog ang mga binti ko. Banayad lang ang paghalik na tila babasaging crystal ang mga labi ko.

Gusto ko siyang itulak pero nawalan na ako ng lakas. Sinakop niya ang mukha ko ng mga palad niyang balot din ng costume at mas inilapit ang sarili. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya napanganga ako. Malaya niyang naipasok ang dila sa loob.

Shit!

Unti-unting pumikit ang aking mga mata. Hinihigop ako ng enerhiyang 'di ko mapangalanan. Hanggang sa maramdaman kong gumaganti na rin ako ng halik sa kanya. Ngumiti siya sa pagitan ng halik namin.

"Happy Birthday, Xhai," bulong niya at nagka-goosebumps ako. Familiar ang medyo malat niyang boses.

Tulala pa rin ako hanggang sa makaalis siya. Napahawak ako sa mga labi nang wala sa tamang katinuan.

Who was that guy? Damn!

Continue Reading

You'll Also Like

24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
134K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
76.5K 92 1
Abigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the c...