The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 19

28.6K 1K 36
By sweet_aria

Chapter 19

Hindi ako nakapagsalita. Umupo ako sa kama at bumalik sa isip ko ang lahat nang nangyari noong isang gabi.

Napapikit ako nang muling kumidlat. Naramdaman ko na tinabihan niya ako.

"Hindi ako matulog," aniya.

Nagmulat ako dahil doon. Nilingon ko siya at deretso ang tingin niya sa bintana.

"I remember him when it thunders."

Wala sa isip ko na magbubukas siya ng usapan tungkol sa namayapa niyang ama.

"Kahit hindi ako takot sa kulog, pinupuntahan niya pa rin ako sa kwarto ko kapag umuulan." Tipid siyang ngumiti. "Alam kong ako ang paborito niyang anak."

Bumuntonghininga ako. My eyes dropped to my lap.

"Kaya kita pinuntahan. I just felt like I needed to just like what he always did when I was a kid."

"Hindi ako takot sa kulog o kidlat." Pakiramdam ko ay kahit papaano concerned siya sa akin. "Salamat sa pag-aalala."

Tumayo siya pero hindi ko na siya tiningnan. Napangiti ako nang sumara ang pinto.

Kinabukasan ay maaga akong naligo at naghanda dahil kailangan naming bumalik sa Hasse. May mga aasikasuhin pa si President doon.

Naamoy ko ang niluluto sa kusina kaya doon ako dumeretso. Nagluluto siya at wala siyang suot na pang-itaas.

Lalabas na sana ako nang nagsalita siya. "Have a sit and wait for me to finish this."

Napalunok ako at muling umikot. Naghanap ako nang mauupuan. Sumandal siya sa counter at may iniinom siya.

Hindi ko na napigil ang sarili na tingnan siya. He looked so manly as he sipped on his cup of coffee. Napalunok ako dahil sa paggalaw ng adams apple niya.

Umangat ang tingin ko at agad akong nagbawi dahil nakatingin pala siya sa akin. "Gusto mo ba ng tulong?"

"No need. Matatapos na ako."

Totoo nga at saglit lang ay natapos siya pagluluto. Inihanda niya ang mga usual na pagkaing pang-agahan. Naglagay siya ng plato sa harapan ko. Pagkaupo niya ay agad akong kumuha ng bacon at sumandok ng kanin.

Hindi ko siya kinausap at mabilis na tinapos mag-agahan. Lumabas ako ng bahay at sumandal sa kanyang kotse. Pinaypayan ko ang sarili.

Saglit lang akong naghintay at lumabas siya nang nakabihis na pero basang-basa pa ang buhok. He walked towards me and opened the car's door.

Sumakay ako at pinanood ang kanyang pag-ikot. "You didn't need to hurry," I told him as he hopped in.

Hindi niya ako nilingon man lang. Binuksan ko ang bag ko at kinuha rito ang panyo. Nagsimula na siyang mag-drive ay hindi ko pa rin magawa.

Malayo na kami sa bahay nang sa wakas ay gumalaw ang kamay ko at pinunasan ang tubig na tumulo sa kanyang mukha. Batid ko ang gulat niya pero pinagpatuloy ko ang ginagawa.

"I have a hair dryer." Binawi ko ang kamay at ibinalik ang panyo sa aking bag. "Sana ay hiniram mo muna sa akin. Hindi 'yong parang hindi ka man lang nagpunas ng buhok mo."

He cleared his throat. "I don't know how to use such thing. Hindi ako babae."

Pinigil ko ang pagngiti. "Hindi lang babae ang gumagamit nang ganoon." I fished out my phone from my bag. "May mga lalaki nga na nagme-makeup, lalo na sa ibang bansa."

Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin. Nilingon ko siya at nakakunot ang kanyang noo. Bumuka ang kanyang bibig pero wala siyang sinabi. Naiiling siyang ibinalik ang tingin sa daan.

Nakarating kami sa Hasse at dumeretso kami sa isang office. Nabasa ko ang signage sa labas. It was his.

"Hindi na tayo nakadaan dito kahapon." Lumapit siya sa maliit na ref at naglabas ng bottled juice mula roon. Ibinigay niya 'yon sa akin at naglakad patungo sa kanyang swivel chair. Itinuro niya ang upuan sa kanyang harapan.

Naupo ako at uminom ng juice na ibinigay niya. Muli kong isinara ang inumin at pinanood siya sa paglipat ng mga papel na sa tingin ko ay documents noong ginagawang building na nadaanan namin kahapon.

"The building will be finished by next month. Do you think the rooms will be enough for the SHS students?"

"Based on what I heard yesterday, yes, Sir." Nagbuklat siya ng isa pang folder at reports 'yon sa mga empleyado na may increase sa sahod ngayong taon. Kalakip din niyon ay ang mga pipirmahan niya para mag-take effect ang increase sa pasahod. "What can you say about the percentage of salary increase every year? Do you think they are reasonable?" Iniangat niya ang tingin sa akin.

"Mas malaki ang pasahod ng Hasse kesa sa public schools, President." Sumandal ako sa aking upuan. "The benefits, increase in salary, and the quality of education of Hasse are quite competitive. Kung tatanungin n'yo ang teachers sa Hasse Colleges Rizal tungkol dito ay pareho lang po ang maririnig n'yo."

"Kaya ba ayaw mong umalis ng Hasse?" Pinagdikit niya ang mga labi.

"Partly, yes. Sino ba naman ang aayaw sa malaking magpasahod na institusyon?" Nagkibit-balikat ako. "Pero ang pinakang dahilan kung bakit hindi ako makaalis ay dahil nandito ang puso ko. Masaya ako na sa eskwelahan n'yo ako nagtuturo."

Hindi na siya nagtanong pa. Napatingin kami sa pinto nang may kumatok dito at bumukas ang pinto.

"Aegeus, someone wants to talk to you." Nilingon ako ni Sir Dorran na seryoso ang mukha.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae. Her height was like of famous models. Kulay blonde ang kanyang lagpas balikat na buhok. Ang bawat parte ng kanyang mukha ay nagsusumigaw ng ganda. Mukhang mas bata rin siya sa akin.

"Bakit ba kasi ayaw mo 'kong papasukin, Dorran?" Gumala ang mga mata ng babae at tila kuminang ang mga 'yon nang nakita si President. Tumakbo siya at mahigpit na niyakap ang lalaking hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha.

"Sahara..." sambit ni President. Niyakap niya pabalik ang babae. "What are you doing here?"

"Well, I promised you something before I left you." Kumalas sa yakap ang babae.

Iniwas ko ang tingin at tipid akong nginitian ni Sir Dorran. Tinanguan niya ako na tila imbitasyon para sumunod ako sa kanya paglabas.

Naglakad-lakad kami at tumigil kami sa isang bench. "Gusto mo bang itanong kung sino 'yong babae?"

Nilingon ko siya. Ngumiti ako. "Hindi po. Wala naman po akong karapatan na mangielam sa pribadong buhay ni President."

"Wala ba?" makahulugan niyang tanong.

Iniwas ko ang tingin. Pinanood ko ang mga estudyante na dumadaan sa hallway. "Wala po."

"Okay then." Tumikhim siya. "But I still want to share what I know between the two. Sahara is Aegeus first love."

Hindi na ako nagulat sa narinig.

"And she is his girlfriend?" I asked.

"No."

Napatitig ako sa estudyanteng bumaba mula sa batid kong mamahaling kotse. May hawak itong pumpon ng pulang rosas.

"Mukha naman pong gusto rin ni Sahara si President. She wouldn't throw herself to hug him if she doesn't like him."

Wala nang nagsalita sa amin. Tumayo ako at saktong dumaan ang dalawa. Nakangiti si President habang nakikipag-usap kay Sahara na ubod ng ganda at sexy.

Tumayo rin si Sir Dorran at sumabay ako sa kanya. Nakita ko na lang na nakasunod na kami sa dalawa.

"Let's have dinner in your house, Aegeus." Kumapit si Sahara sa braso ni President.

Hindi sumagot si President. Inayos niya ang tumabing na buhok ng babae sa mata nito.

"Ayaw mo ba akong makasama?" malambing na tanong ni Sahara.

Wala na ako sa wisyo na makinig pa at umiba na ng direksyon sa kanila.

"Ms. Escobar!" narinig ko pang tawag ni Sir Dorran.

Pumunta ako sa isang building at dinala ako ng mga paa sa top floor. Humawak ako sa railings. Tumunog ang cellphone ko at napangiti ako nang nakitang tumatawag si Faerie.

"Hello," bungad niya.

"Hi," pabalik kong bati. "Saan ka? Break time?"

"Yes." Narinig ko ang ingay ng nagtatamang baso at kutsara. "Nagkakape ka."

"Oo." Tumawa siya. "Ikaw, nasaan ka? I just tried calling you and didn't expect you would actually answer my call. Nasaan si President? Hindi kayo magkasama?"

"Hindi. He has some company today. I don't think he needs me."

"Who?"

"Sahara."

"Sino 'yon?"

Ayoko mang pag-usapan ay wala na akong magawa. "First love raw. 'Yon ang sabi sa akin ni vice-president."

"I see." Humikab siya. "So I think we have enough time to catch up about yesterday's happenings."

Tumagal ang pag-uusap namin. Ikinuwento niya sa akin ang babaeng inaway niya sa department store dahil sinigawan niyon ang isang matandang sumingit sa pila.

"Walang modo. Tumigil din naman pagkatapos kong makisali."

Magkokomento sana ako nang bigla kong mapansin ang incoming call. "Love, I'll call you later. Tinatawagan na ako ni President."

"Oh, sure."

Sinagot ko ang tawag at naglakad pabalik sa opisina.

"Where are you?" he asked.

"SHS building 3 po."

"Bumalik ka na rito sa office," malamig ang boses niyang sabi.

Bago pa ako makapagsalita ay pinatayan na niya ako ng tawag. Lakad-takbo ako hanggang sa marating ko ang office niya. Binuksan ko ang pinto at nadatnan ang dalawa na nagtatawanan.

"I ordered foods. Let's just wait and have lunch here," he said.

Tumango ako at hindi malaman kung saan ako uupo. Akmang lalabas ulit ako ng office nang nagsalita siya, "stay."

With no choice, I stayed. Umupo ako sa kanilang harapan.

Naagaw ko ang pansin ng babae. Nginitian niya ako at inilahad ang makinis at maputi niyang kamay. "Aegeus told me that you're a SHS teacher in Hasse Colleges Rizal."

Kinuha ko 'yon. Matapos makipagkamay ay nilingon ko si President. Nakatingin lang siya kay Sahara na tila mine-memorize ang bawat detalye ng mukha nito.

Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay napatitig din sa mukha ng babae unang kita ko pa lang dito.

Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong maisip na sasabihin.

Bumalik sila sa pag-uusap at pinilit kong hindi makinig. Ngunit kahit anong gawin ko ay bigo ako.

"How did you deal with everything? There's a lot of adjustments, Aegeus. Imposibleng hindi ka nahirapan."

"Normal ang mahirapan pero kaya ko lahat."

"That's my man," she said sweetly.

Dumating ang pagkain at inasikaso ni President si Sahara. He took care of her the entire time. At sa nakikita ko ay masaya si President. I had never seen him this happy before.

Pauwi sa kanyang bahay ay sa back seat na ako umupo. Pumwesto si Sahara sa madalas kong pwesto.

"I won't go home tonight," Sahara told him.

Napatigil ako sa pagbubukas ng bag dahil sa narinig. Nang umangat ang mga mata ko kay Aegeus ay nakatingin din siya sa akin.

"No, Sahara. I'll take you home after dinner." Binawi niya ang tingin.

Napangiti na lang ako. Pero sa kabila ng ngiti ko ay ang hindi ko maipaliwanag na pagsikip ng dibdib.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
172K 5.5K 43
Being ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the b...
4.9M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
940K 34.2K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...