Chapter 17: Weird
Tahimik naman akong nagbabasa sa alam ko. S a pagkakatanda ko ay tahimik naman ang buhay ko kanina sa sala. Tahimik naman talaga ang buong bahay bago nakauwi si Damian at nanood ng TV!
Patience JL. Take a deep breath and YELL!!!
“Hindi ka ba makaramdam? Nananahimik ako dito kanina.” Malalim na nga ang gabi tapos nagawa pang manood ng TV!
“Nanonood ako. Umakyat ka.” Focus na focus pa siya sa pinapanood niya dahil hindi man lang niya ako tinignan! Kapal talaga! Dapat siya magbayad ng bill sa kuryente ngayong buwan.
“Kapag umakyat naman ako ay aakyat ka rin at makikinig ng kung anu-anong music. Kagabi ka pa nag-iingay!”
Sandali ako nitong tinitigan at muling ibinalik ang focus sa tv. Nanonood siya ng madugong movie. Ayos lang naman saakin na manood siya pero nakakairita na kasi yung bida na kanina pa tili nang tili, Idagdag pa ang malakas na volume na nakakabingi! Wala na ba siyang matinong mapanood? My ghad! Hindi nalang siya sa laptop niya manood.
“Jerk.” I hissed and went to my own room.
Wala na talaga siyang matinong ginawa simula noong pinakita niya saakin ang totoong ugali niya. Ang weird lang talaga as in!
“Jerk! Jerk! Jerk!” Gee!
Nakapwesto na ako sa kama ko at muli ng magbabasa nang mapansin kong umiilaw ang cellphone ko dahil sa tumatawag. Agad ko itong inabot at sinagot.
“Gabi na. Bakit ka napatawag?”
“May dala akong peace offering dahil sa pagiging wierd ko noong isang gabi.”
“Wait...” Agad akong tumayo at tinanaw ko siya sa bintana! He must be crazy! “Wait there!” i said at nagmadali na akong bumaba.
“Anong meron?” Hindi ko sinagot ang nagtatakang si Damian dahil umaambon na at nasa labas pa si Erick! Paano nalang pala kung hindi ko nakita ang cellphone ko? Naka-silent pa naman ito.
“Why are you here?” Binuksan ko na ang gate at pinapasok na rin siya sa bahay. He’s wearing a plain white shirt and denim pants.
“Suhol—“ Itinaas nito ang plastic na dala-dala niya na obviously ay naglalaman ng ice cream “Para patawarin mo ako dahil hindi ko pinansin ang sinabi mong layuan na kita.”
“Melon?” I asked.
“Definitely.”
“Great! You’re forgiven.” Nakangiti kong sabo.
“Move. Hindi ko makita ang pinapanood ko.” Asar na sabi naman ni Damian dahil nakaharang na pala kami. Epal talaga.
“Don’t mind him, Erick. May period yata siya these past few days.” May halong pang-aasar pa ang tono ng boses ko. Hindi na talaga siya nahiya sa bisita ko.
“Nice home by the way.” Kumento ni Erick nang nasa na kusina na kami. Ang siraulo namang si Damian ay mas lalo pang nilakasan ang volume ng TV kaya hanggang dito sa kusina ay rinig na rinig ko ang nagsisiwagan sa pinapanood niya.
“Bothered ba siya na nandito ako?”
“Nah. Don’t mind that weirdo. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip niya lately. He’s weird.” Kumuha ako ng dalawang baso para saamin ni Erick. Namiss ko rin kasi mag ice cream.
“So what’s up? Are you here to get properly rejected?”
“You’re cruel.”
“I know and you know it, too.” Pinuno ko ang baso ko ng ice cream dahil favorite ko talaga ang flavor na dinala ni Erick. I can’t help it because ice cream is damn tempting!
“That’s the point. Kahit alam kong nandito ako para bastedin mo ulit ay hindi ko naman magawang magalit. Una, ako itong nagpupumilit at pangalawa i know you too well. But still, i like you.”
“C’mon Erick! Just hate me.” I said exasperatedly. I can’t understand him sometimes. Marami naman nakapalibot sakanyang babae. In fact, baka nga maging successful pa ang banda nila dito sa Pilipinas. Wala pa nga silang sariling album pero ang dami na nilang fans. They’re touring, too!
“Para namang---“
“Oi! Ice cream! Pahingi ah!” Bahagyang tinulak ni Damian si Erick para kumuha ng ice cream.
“Damian!”
Pigil JL! Hinga lang nang malalim! Kailan ba siya pumasok sa kusina? Kahit kelan talaga isa siyang malaking epal.
“Teka lang Erick, hah?” Hinila ko si Damian palabas ng kusina para kausapin siya. Kanina pa kasi ako nakakahalata na para bang binubwisit niya talaga ako. Hindi mahaba ang pasensya ko and i do admit that i have a bad temper. In fact, medyo mahaba na nga ang pasensya ko ngayong gabi!
“Look, hindi ko alam kung anong issue mo. Pero nakakahalata na kasi ako.”
“Jeling, wala akong pakialam kung ilang beses kayong magkita ng lalaking yon pero kasi ibinilin saakin na bawal kang magpapasok ng lalaki sa bahay niyo habang wala ang lola mo.”
I squeezed my eyes shut dahil sa inis.
“He’s a friend. Masama na ngayon magdala ng kaibigan?” may pagkasarkastik kong sabi.
“Kaibigan ang tingin mo sakanya pero siya ba? Kaibigan ba ang tingin niya sayo?”
“I hate you! Huwag kang pakialamero. He’s a great friend of mine. Erick is kind kaya ayos lang naman na pumunta siya dito. Pero once na sinabi mo kay lola ‘to malilintikan ka sakin!”
Bumalik na ako sa kusina pagkatapos. Hindi na ako tinanong ni Erick kung ano ang pinag-usapan namin ni Damian. Alam kong alam niya kung ano ‘yon pero we don’t really care. Nasabi ko na kasi sakanya noon na sobrang strict ng lola ko pagdating saakin. Tanging si Damian lang talaga ang pinapalapit niya sakin noon at hindi ko naman alam na maski pa rin pala ngayon.
Gees! Nagkaroon tuloy ako ng instant tatay.
“Aalis na rin naman ako.” Sabi niya while checking the time. Kung sabagay naman kasi ay late na. “Panoorin mo kami hah? Goodnight. Huwag mo na akong ihatid sa labas.” Nakangiti nitong sabi bago siya tuluyang umalis.
Hinintay ko munang makaalis talaga si Erick bago ko hinarap si Damian.
“So daddy Damian, i-lock mo na yung pintuan at gate, hah? Huwag tatamad-tamad. Masama ‘yan.” Agad na akong umakyat sa kwarto ko dahil ayaw ko na marinig ang isasagot niya. Baka masuntok ko na siya sa sobrang asar ko ngayong gabi.
Erick is weird.
Damian is weird.
Damn! Am I weird, too?
****
A/N: Sabaw na update for you guys! Thank you sa nagbasa hahahahahaha!!! Follow me on twitter! @aril_daine :)))