HESUS: The New King

By mimiko784

18.6K 845 302

Sa pagkawala ni Sebastian, papasok ang organisasyon sa panahon ng kadiliman. Ang panahon kung saan pinag-aaga... More

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 5
KABANATA 6

KABANATA 4

2.2K 127 50
By mimiko784

KABANATA 4

NANANAKIT ang aking buong katawan paggising kinabukasan. Hindi nga basta basta ang pinasok ko. Umpisa pa lamang ito. Malayo pa ang aking lalakbayin para makarating sa katapusan. Nasa gitna ako ng pagdadalawang isip kung babangon nga ba o mananatili muna sa kama at magpahinga nang bumukas ang pinto at sumungaw si Lynea. Ngumiti ito at bahagyang yumukod.

"Nakahanda napo ang inyong maaligamgam na tubig pampaligo miss. Sinamahan na namin iyon ng dahon ng katialis na mainam para sa pananakit ng inyong katawan." Bungad nito na may dalang kulay puting tuwalya. Nagpasalamat ako't bumangon na at nag-inat. Hinilot ko ang aking leeg at napapikit ng makaramdam ng pananankit roon.

"Anong oras  na ba, Ly?" Kinusot ko ang aking mata.

"Siyam na minuto nalang po at mag-a-alas nwebe na. Sobra nga po yata kayong napagod sa paligsahan kahapon miss—-" Napatigil ito at kapwa kami napatingin sa aking kumakalam na tiyan. Napahawak ako rito't ininda ang gutom "—-nakahanda narin po ang iyong umagahan. Ipinaakyat ko na rito para makakain na kayo kaagad. Kanina pa po  nag-almusal ang mga kasamahan ninyo." pagpapatuloy nito. Tumango ako at kinuha ang dala nitong tuwalya.

Pagkatapos sa araw ng paligsahan ay ang araw ng pamamahinga. Ang ibig sabihin nito ay malaya kaming gawin ang kahit anong gusto naming gawin na hindi labag sa batas ng organisasyon.

Isang magarbong banyo ang sumalubong sakin. Hindi na nakakapagtaka sapagkat ika nga nila...lahat ng meron sa Primero isla ay nagsusumigaw ng karangyaan. Sa gitna nito ay may malaking bathtub na kakasya ang dalawang tao. May malaking salamin kaharap nito't may munting aranya sa itaas. Malinis ang puting puti na sahig.

Hinubad ko ang aking mga damit at lumusong na sa tubig. Sa pagpikit ng aking mga mata ay siya ring pagpasok ni Ly. May kung ano itong kinalikot... kalaunan ay nalalanghap ko na ang mabangong halimuyak.

"Gusto niyo po bang masahiin ko ang inyong balikat, miss?"

"Huwag na Ly. Alam kong mas higit kang pagod kaysa sakin."

"Tungkulin ko pong pagsilbihan kayo—"

"Na hindi naman kailangan." Putol ko dito. Nagbukas ako ng mata't sinalubong ang mga mata niya. Kagaya nang inaasahan ay nagbaba ito ng paningin. Humugot ako ng buntong hininga at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Ni minsan Ly, hindi mo ba naisip na maghiganti para sa isla Alwana? Ni minsan ba hindi mo pinagpaplanuhan kung papaano pababagsakin ang mga Hesus? o ni ang tumakas man lang dito?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan. Nagsalin ito ng tsaa sa munting tasa at inilahad sakin na siya ko naman ding tinanggap.

"Kahit sino naman pong aliping dayo ay iyan ang hinahangad, miss. Na darating ang araw na maibabalik sa dati ang lahat. Ngunit noon po iyon, noong akala ko'y posible ngang mangyari ang imposible. Na maiaahong muli ang Alwana sa kamay ng mga Hesus. Na maibabalik pa ang mga buhay na nawala sa'tin. Na magiging normal uli ang takbo ng ating mundo. At ngayon ko lang lubusang nauunawaan ang lahat—-" nag-angat ito ng tingin at nagtagpo ang aming nga mata " —-Hiram lamang ang kasiyahan, ang kalayaan at ang isla. Pawang iyon ay panandalian lamang...at kung tatanungin niyo po ako kung gusto ko bang mabawi ang Alwana? Oo! Gusto gusto ko po...pero napakaimposible! Sirang sira na ang lahat at hindi na muling maibabalik pa sa dati." Mataas nitong litanya.

"Papatunayan kong posible iyan Ly. Maibabalik kong muli ang dating sigla ng Isla Alwana. At kapag dumating ang araw na iyon... lilikumin kong muli ang ating mga kasamahan at babalik tayo sa isla. Babalik tayo sa buhay kung saan pinapahalagahan at nirerespeto ang buhay ng bawat-isa."

"Iyan din ang narinig ko sa mga kasama nating nauna sa inyo miss. Ang katapangan at determinasyong iyan ang naghatid sa kanila sa kamatayan. Hindi lamang ikaw ang kauna-unahang nagplanong sumalungat sa organisasyon. Marami kayong taga Alwana at Seldon. Ngunit ni isa ay walang nagtagumpay. Ni isa ay walang nabuhay. Kaya heto ako't umaastang bulag at pipi. Sa paraang ito ko lamang maililigtas ang aking sarili. At hinahangad kong iyon rin ang gagawin niyo miss. Iligtas niyo ang inyong sarili dahil wala kayong maaasahang tulong mula nino man." Litanya nito. Umiling ako at pumikit.

"Pwede mo ba akong iwan muna Ly?" Pagtatapos ko sa usapan. Nagbuntong hininga ito at tumango bago tuluyang lumabas.

Nang mapag-isa ay hinilot ko ang aking noo. Sa tono ng pananalita nito kanina ay tila ba alam na nito ang kahihinatnan sa pinaplano ko. Oo malakas ang mga Hesus...di hamak na mas malawak ang nasasakupan nito kung ikukumpara sa dami ng mga taga Alwana. Ngunit hindi basehan iyon. Dadating ang panahon na sasakupin ng buwan ang araw at titingalain ng sangkatauhan ang kalangitan. Masasaksihan ng lahat kung paano lamunin ng buwan ang sinag ng araw. Hihintayin ko ang araw na tuluyang magwawagi ang buwan. At kapag dumating iyon...sisiguraduhin kong babaliktad ang aming kapalaran. Kaming mga taga Alwana naman ang mamumuhay ng tulad sa isang araw at ang mga Hesus naman ang mamumuhay tulad ng buwan. Ang buwan na nabubuhay lamang sa kadiliman. Ang buwan na limitado ang kakayahan. Ang buwan na nakadepende lamang ang sinag sa araw.

Bahagya kong itinaas ang aking kaliwang binti upang tanawin ang tracker na naroroon. Bilang lamang ang mga araw ko rito. Kailangan kong magmadali para sa unang magiging hakbang. Gagamitin ko ang kahit anong meron ako laban sa mga Hesus; kay Emanuelle. At sisiguraduhin kong hindi lamang ang leeg nito ang hahawakan ko...pati ang trono'y aabutin ko  nang sa gano'y maibalik ko ang isla para sa mga taga Alwana.

Inihilig ko ang aking ulo sa dulo ng bathtub at iniloblob ang sarili sa tubig. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang panunumbalik ng mga ala-alang tumatak sa aking isipan...

"Cassandra!! Cassandra!!" Napukaw ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Tanaw ko si inang kumakaripas ng takbo palapit sa kinahihigaan ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng pawis sa kanyang noong nakakunot. Kaagad akong napabangon ng makita ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Bakit po ma? Anong problema?" naguguluhang tanong ko. Umiling ito at hinawakan ako ng mahigpit sa magkabilang kamay. Hindi maitago ng kakarampot na ngiti sa kanyang labi ang panginginig nito. Lubha akong nabahala sa lubusang pagkalunod sa kalituhan. Sunod-sunod rin ang ginawang paglunok nito sa sariling laway. Tila'y may bumabara sa kanyang lalamunan .

"M-makinig kang mabuti Cassandra. Isang beses ko l-lamang itong sasabihin..." Nahihirapan itong magsalita dahil habol habol niya ang kanyang hininga. Napapadiin narin ang pagkakahawak nito sa aking mga kamay  "...Sa likod ng aparador ay may munting lagusan palabas ng m-mansyon. Kapag nakalabas kana ay tumakbo ka papasok sa kagubatan. Tumakbo ka at huwag na huwag lilingon pabalik. Tandaan mo itong mabuti anak. Huwag na huwag kang titigil sa pagtakbo at huwag na huwag kang lilingon pabalik. Pumunta ka sa batis malapit sa malaking puno ng acasia..." lumunok ito at huminga ng malalim. Natatandaan ko ang kabilin-bilinan nito noon na huwag lalampas sa puno ng acasia. Isang napakalakas na ugong ng barko ang umalingawngaw sa aking pandinig. Napatingin ako sa bintana't dudungaw na sana nang pigilan ako nito "...baybayin mo ang kumpol ng mga—" pagpapatuloy nito na kaagad ko rin namang pinutol.

"Ano ang ingay na iyon ma?" Kumunot ang aking noo nang maaninag ang mga usok na galing sa nasusunog na bahay.

"MAKINIG KA SA SASABIHIN KO CASSANDRA!" Nagulat ako nang magtaas ito ng boses na hindi nito kadalasang ginagawa. Napabalik ang atensyon ko rito at ipinagsawalang bahala ang mga naririnig sa labas. Dalawang putok ng baril na nasundan ng isang matinis na sigaw. Hiyaw na humihingi ng tulong.

"Baybayin mo ang kumpol na mga bato. Dadalhin ka no'n sa gitna ng kagubatan. Doon ay makikita mo ang tatlong naglalakihang mga baging. Sa gitna noon ay may munting lagusan. Manatili ka roon at huwag na huwag lalabas hanggat hindi pa natatapos ang putukan. Ipangako mo anak na susundin mo lahat ng sinabi ko. Kabisaduhin mo ang mga direksyon." Tuluyan nang nahulog ang mga luha nito. Napatango ako ng wala sa sarili. Lunod na lunod ako sa mga katanungan. Anong nangyayari sa labas? Saan nanggagaling ang mga putukan at sino ang mga panauhing nanggugulo sa aming isla?

"Hihintayin ko ba kayo roon nina papa at Sasa, ma?" Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ito umiling at hindi rin ito tumango. Wala akong nakuhang sagot mula rito. Bumangon ang kaba sa aking dibdib.

"Ma! Hihintayin ko ba kayo roon?!" Ulit ko ngunit imbes na sumagot ay niyakap lamang ako nito ng mahigpit

"Sisikapin namin anak. Sisikapin naming makasunod sayo roon." Kumalas ako sa pagkakayakap nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Kung gayon ay hindi ako pupunta roon ng mag-isa lamang ma. Magkasama tayo nina papa ang Sasa na pupunta roon. Hindi ko alam ang nagyayari pero ayaw ko ng ganitong pakiramdam ma."

"Cassandra anak. Wala na tayong natitira pang panahon. Kailangan mo nang magmadali. Wala akong ipapangako sayo pero sisikapin naming makasunod ng iyong ama't kapatid. And please. Please be safe." Nanginig ang kanyang boses sa huling sinabi. Napatulo ang aking luha nang makita ang takot sa kanyang mga mata. Wala sa sariling napatango ako. Mabilis ako nitong itinayo at kinaladkad papunta sa lagusang tinutukoy nito. Mula sa kinatatayuan ay malinaw at kitang kita ko ang tatlong naglalakihang barko. May mga usok sa labas. Maingay ang mga putok ng baril...ang mga sigaw at daing.

Isang lagabog ang nagpatigil samin ni ina. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi kalayuan ang pinaggalingan nito. Dali dali akong hinila ni ina at dinala sa munting lagusan. Palapit na palapit ang kalabog ng mga mabibigat na paa.  Nang nasa bungad na ay marahas ako nitong itinulak papasok.

"Takbo na Cassandra? Tumakbo kana!" Sigaw ni ina at tinabingan ng kahoy ang pintuan. Niyakap ako ng kadiliman. Matindi ang kaba sa aking dibdib.

Sunod kong narinig ang marahas na pagbukas ng pinto at ang sigaw ni ina. Nilapitan ko ang maliit na butas. Napatakip ako sa bibig upang kimkimin ang hikbi. Limang lalaki ang naroroon. Hawak ng isa si ina sa leeg. Naroon rin si Sasa; ang aking kapatid...walang saplot sa katawan habang kaladkad ng isa pa. Tuloy tuloy na umagos ang aking mga luha. Nagpupuyos ako sa galit. Sinampal at sinabunutan si ina. Si Sasa naman ay pilit inihihiga sa kama. Rinig ko ang bawat impit sa sakit.

Mama...mama piping saad ko. Nag-abot ang aming mga mata. "Takbo!!!! Tumakbo kana!!!" Piping sigaw nito. Kinagat ko ang aking braso upang pigilan ang sarili sa pagsigaw. Kahit masakit at labag sa kalooban ay tumakbo ako palayo. Palayo sa mansyong kinalakhan ko. Sinunod ko ang sinabi nito. Tumakbo ako ng hindi lumilingon pabalik. Parang binibiyak ang aking puso sa bigat at sakit na nararamdaman. Puno ng pawis ang aking buong katawan.

Nang makalabas sa likod ng mansyon ay mas tumindi at lumakas ang mga hiyawan. Mga hiyaw ng mga taga Alwanang humihingi ng tulong. Mga hiyawang dumadaing sa dulot na sakit. Mga pagsabog. Mga usok.

"Emanuel Hesus!" Sigaw ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa aking pandinig. Humina ang aking naging pagtakbo.  "—Ito ang pagkakatandaan mo! Darating ang panahon na titigil sa pag-ikot ang mundong ginagalawan mo!. Darating ang araw na hahalik sa lupa ang iyong mga paa at ibababa mo ng kusa ang iyong korona! titingala ka sa kadiliman at dadamhin mo ang buhos ng ulan!!"  Pahina ng pahina ang nagagawa kong hakbang ng mapagsino ang may-ari ng boses. Ama.

"At kapag dumating ang araw na iyon? Ako ang unang papalakpak at susundo saiyo mula sa impyerno! Tandaan mo iyan Emanuelle! Tandaan mo iyan Hesus!!"

Bang!

Isang nakakabinging putok. Nakakabinging sigaw. Tuluyan akong napatigil at nawalan ng lakas. Unti unti kong nilingon ang mansyon at mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang paghandusay ni papa sa buhangin. Putok ang ulo at naliligo sa sariling dugo.

Napasigaw ako at kaagad na tinakpan ang mga bibig. Napatingin ang lalaki sa gawi ko. Malayo na ang distansya namin kayat hindi ko  maaninag ang mukha nito.

" Get that girl!" saad nito. Mabilis akong tumakbo papunta sa mata ng kagubatan. Sinunod ko ang direksyong sinabi ni mama. Sa batis...sa may acasia...mga kumpol na bato at mga baging. Malapit na sana ako ngunit bago pa makarating ay hinaklit ako ng kung sino man na nagpabalik sakin sa kasalukuyan...

"Miss!!! Miss!!"

Tila hinila ang aking katawan mula sa lupa. Nagising akong habol ang hininga. Naninikip ang aking dibdib sa labis na kaba. Napahawak ako rito at napabuntong hininga. That was a fresh recap. Siyam na buwan na ang nakakaraan pero nararamdaman ko parin ang sakit at pangungulila. Gabi gabi akong binabangungot noon. Dala ng guilt at galit narin. Guilt, dahil wala akong nagawa para iligtas sila. Nandon ako... rinig na rinig ko ang mga sigaw nila na humihingi ng tulong... pero tumakbo ako... tinakbuhan ko sila. Galit, galit ako sarili ko dahil nagpakaduwag ako! Nagpakaduwag ako sa panahong kailangan kong maging malakas.

"Miss umahon napo muna kayo diyan. Baka magkasakit kayo't kanina pa kayo nakababad sa tubig" napatingin ako sa nagsalita at nagulat sa nakita. Hariya: the head maiden is here. Hawak ang tuwalyang nakalahad sakin.

Noon ko lang napansin ang nga taong nakapalibot sakin. Si Lynea ay nasa may pinto. May bahid ng takot ang mga mata nito. Tatlo pang babae ang naroon. Ang isa ay hawak ang aking damit at ang isa naman ay hawak ang binti ko kung nasaan ang tracker. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kulay pulang ilaw roon.

"Umahon na muna po kayo miss." Muling saad ni Hariya. Tumango ako at tinggap ang tuwalya. Ipinulupot ko iyon sa aking katawan. Kaagad na lumapit si Ly sakin at inalalayan ako  palabas ng banyo at paupo sa kama.

"Miss! Ano po ang nagyari? Bakit niyo po iyon ginawa? " takot na takot na tanong nito. Nagdugtong ang aking mga kilay. Mababakas ang kaba sa tono ng pananalita nito. Napansin ko rin ang panlalamig nito.

"Ha? Bakit ano bang ginawa ko? Ang huling natatandaan ko ay naliligo ako."

"Yun na nga po miss. Nakatulog kayo at muntik nang malunod!"

Napaawang ang aking bibig. Iyon pala ang dahilan ng paghahabol ko ng hininga kanina. Pinasadahan ko ng suklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

"Ilang minuto lang ay dadating na rito ang Emp.!" Saad ni Hariya. Gulat akong napatingin dito. Kumabog ng malakas ang aking dibdib.

"Pupunta dito si Emanue—ang Emp? Anong gagawin niya dito?" Pagpapanic ko. Bago pa sa isip ko ang mga ala-alang may kinalaman rito. The way he handle the gun after shooting my father. Nakakapanindig balahibo!

"Tumunog ang emergency light ng inyong tracker miss." Napahawak ako sa aking sentido ng makaramdam ng biglaang pananakit roon. Bumibigat ang aking mga naging paghinga. Hinawakan ni Ly ang aking magkabilang kamay. Puno ng takot at pangamba ang mga mata nito.

"Alam niyo po bang isang kasalanan para sa isang pinili ang kitilin ang kanyang buhay? Ni ang pigilan ang hininga ay ipinagbabawal. Walang pupwedeng tumapos sa inyong buhay kundi ang emp lamang. Hanggat hindi niya sinasabi ay hindi kayo pupwedeng gumawa ng mga bagay na ikapapahamak niyo." Mataas na litanya nito. Iniisa isa kong tingnan ang reaksyon ng mga tagapagsilbing naroroon. Kapwa takot ang nakabalandra sa kani-kanilang mga mukha. Takot sa posibleng manyari kung sakali man.

"Kamatayan ang parusa sa kasalanang iyan miss. At hindi lamang kayo ang tatanggap ng hatol...maging ang inyong personal na tagapagsilbi ay makakasama niyo sa parusang ipapataw." Nanginginig na ang mga kamay ni Ly.

"P-pero hindi ko sinadya ang nangyari! Aksidente lamang iyon! Hindi ko pinagplanuhang lunurin ang sarili." Giit ko. Hindi ako pwedeng tumagilid sa puntong ito. Nakaapak na ako sa unang baitang patungo sa hinahangad na trono. Hindi dito magtatapos ang misyon ko!

"Sa emp nalang po kayo magpaliwanag miss. Siya lamang ang magdedesisyon sa parteng iyan." pinal na saad ni Hariya. Nanlumo ako at laglag ang balikat na napatingin kay Ly na panay ang iling. May batas rito na kung mamamatay ang amo'y kasama nitong ililibing ang personal na tagapagsilbi sa lupa...kahit ito man ay patay na o buhay pa.

Tumunog ang emergency light ng aking tracker na nakakonekta sa database ni Emanuelle!

"Narito na ang emp!!!" Sigaw na nagpatigil  sakin, kasabay noon ang paglalakad ng isang bulto ng katawan papasok sa silid. Mabibigat ang bawat apak nito sa marmol na sahig. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin na nasundan ng nakakabinging katahimikan. Nang-angat ako ng paningin at nagtagpo ang aming mga mata. Emanuelle!

mimi

Continue Reading

You'll Also Like

51.1K 4.2K 15
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
128K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...