In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [7]

141K 3.8K 1.4K
By chiXnita

-7-

NAPASULYAP AKO kay Grant na tahimik pa rin na nakatayo sa tabi ko. Tulala lang siya. Halatang hindi pa nakakabawi.

Hindi ko rin inaasahan na magagawa ni Brix ang bagay na iyon.

Napakurap-kurap ako nang bitiwan ni Grant ang kamay ko. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Sumunod ako nang walang pag-aalinlangan. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa. Nakaharap ang mukha sa itaas. Nakapikit. Halatang maraming bumabagabag sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto. Kinuha ang first aid kit na nakalagay sa closet. Umupo ako sa tabi niya nang makabalik sa sala. Hindi niya alintana ang presensiya ko.

"G-gagamutin ko lang ang mga sugat mo." Hindi siya umimik. Napalunok ako nang makita ko ang kabuoang features ng mukha niya.

Namumula ang gilid ng kanyang mga mata. Nangingitim na rin. May namumuong dugo sa gilid ng kanyang labi. May bruise na rin siya sa panga. Pero hindi iyon nakabawas sa lakas ng epekto niya sa 'kin. Sa mga oras na 'to parang tinutusok ng sibat ang puso ko.

Kumuha ako ng ready to use na cotton at betadine. Marahan ko iyong idinikit sa gilid ng kanyang bibig. Hindi siya gumagalaw habang ginagawa ko 'yon. 'Di ko alam kung nakatulog na ba siya agad-agad.

Pagkatapos, pumunta ako sa kusina para kumuha ng yelo at inilagay sa cold-compress. Bumalik ako sa sala para idampi sa namumuo niyang mga pasa.

Nagulantang ang aking sistema nang hawakan niya ang kamay ko. Nanigas ako. Nanalaytay ang kuryente sa 'king buong katawan. Dumilat siya't tiningnan ako. Nakita ko na naman sa malapitan ang mga mata niya. Medyo damp and cloudy. Napalunok ako nang sunod-sunod. Nabitiwan ko pa ang hawak na cold-compress.

Gustuhin ko mang umiwas ng tingin kaso ang hirap gawin. Parang hinahatak ang mga mata ko na tumingin lang sa kulay abo niyang mga mata.

Heart, kalma. 'Wag kang magwala.

Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatingin bago huminga nang malalim. Hinuli niya ang kanang kamay ko. Pinagsalikop niya mga palad namin. Pinisil nang bahagya bago hinigpitan ang pagkakahawak.

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin.

Kinakapos ako ng hininga. Ni hindi ako makabuga ng hangin. Nanginginig ang katawan ko. Lalo na ang mga namamawis na palad ko.

Paano ako makakaalis sa impyerno kung sa simpleng hawak niya lang... nahuhulog na naman ako?

"I... I am sorry, Heather..." bulong niya na nagpainit sa buong mukha ko at mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

_..._..._

BUMABA AKO ng taxi. Makikipagkita ako kay Silver. Alam kong nagtatampo siya dahil hindi ko na naalala na pinakiusapan ko pala siya para sunduin ako kahapon sa private clinic ni Tita Brenda.

Tumawag siya kanina. Hindi naman galit ang tono niya. Pero gusto niyang magkausap kami. Kaya ito ako ngayon... naglalakad na papunta sa Green Park, kung saan madalas kaming magkita.

Natanaw ko agad siya sa paborito naming p'westo. Malayo sa mga tao. Sa likod ng freedom wall at katabi ng mga punong santol at kaymito. Nakaupo siya sa swing habang nakatitig sa suot niyang relo. As usual, balot na balot na naman siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng mushroom jacket na ang hood ay nakasabit sa ulo. Nakastonewashed pants at may gloves din na suot.

Nakamaskara na naman siya ng plain. Walang design na kahit ano. Kapag tititigan mo siya para siyang member ng Jabbawockeez. Ang kaibahan nga lang silver ang kulay ng kanyang maskara at hindi puti.

Ewan ko ba kung ano'ng trip ni Silver sa buhay. Hindi ba siya naiinitan sa suot niya? Kapag magkasama nga kami maraming napapabalik ang tingin pero hindi niya 'yon alintana. Wala siyang pakialam.

Feeling niya siguro cosplayer siya.

Nakilala ko si Silver more than three years ago. 'Yon ang time na pumunta ako sa park na 'to dahil narinig kong nag-uusap sina Grant at Xyrene. Naglalambingan lang naman sila no'n sa swimming pool sa bahay namin, pero ang lakas nang impact sa 'kin. Para akong sasabog sa mga oras na 'yon.

'Yong tipong gustong-gusto kong saktan si Ate Xy pero may pumipigil pa rin sa 'kin.

Dumagdag pa na malalaman ko na may ibang anak si daddy sa labas. Si Kuya Xyrus. Hindi ko pa kaclose gaano si kuya no'n. Naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako kay daddy. Nagtatampo kay mommy at Ate Xyrene dahil ang bilis lang nilang tanggapin si Kuya Xyrus sa buhay namin. Gano'n na lang 'yon?

'Yong tipong ang sarap na lang bumigti? Kaya umalis ako sa bahay at pumunta sa Green Park. Doon ako umiyak nang umiyak. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga nakakakita sa 'kin.

May lalaking lumapit. Inabutan ako ng pulang panyo. Kaso pagtingin ko sa kanya... nakamaskara siya. Si Silver.

Hindi ko siya kinakausap. Hindi rin siya nagsasalita. Sinabi lang niya na Silver ang pangalan niya. Umupo siya sa tabi ko. Hindi siya nagtatanong kung ano'ng problema ko. At kung ba't ako umiiyak.

'Tapos bigla na lang siyang nagkuwento. 'Yong buhay niya na hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lang niya. 'Yong babaeng mahal na mahal niya raw ay kailanman... hindi mapupunta sa kanya. Gusto niya mang ipaglaban kaso hindi p'wede. Maraming tao ang maapektuhan at masasaktan.

Ewan ko ba. Hindi ko siya kilala. Total stranger kami sa isa't isa. Pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Nasaksihan ko na lang 'yong sarili ko na nagkukwento at naglalabas ng sama ng loob sa kanya. Nakakarelate ako sa buhay na meron siya. Pakiramdam ko... parehas kaming dalawa.

Doon nagsimula ang siguro matatawag na friendship na meron sa 'min ngayon. Kaso sa ilang taon na nakakausap ko siya't nakakasama, hindi na ulit niya nabanggit 'yong babaeng mahal niya. Hindi siya nag-o-open up patungkol sa kanyang buhay. Palaging about sa 'kin ang topic namin.

Sobrang close na namin ni Kuya Xyrus, pero kahit kamay ni Silver 'di ko pa nakikita.

Masyadong reserved na tao si Silver. Kahit na magtanong ako... iniiba niya ang topic. Masekreto. Misteryoso. Itsura pa lang niya mapapaisip ka na. Maputi ba siya? Kasi kahit kulay ng balat niya never ko pang nasilayan. Lips at mata niya lang. Minsan nga mata lang dahil pati lips niya tinatakpan.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-assume na baka may itinatago siya sa katawan niya. Nasunog ba siya or something? May hindi ba kaanya-anyaya sa mukha niya? Pero kung sa mata niya naman pagbabasehan halata na... may itsura siya. Ang bango-bango niya pa.

Umupo ako sa kanyang tabi. "Kanina ka pa ba, Silver?"

Napaurong siya malayo sa 'kin. Muntikan pa siyang mahulog sa kinauupoan. Napamura pa nga siya. Halatang nagulat sa pagsulpot ko. Natawa tuloy ako.

Hinila niya pababa ang suot na mask dahil biglang umangat hanggang sa ibabaw ng lips niya.

Pumihit siya paharap. "Kararating ko lang." Nakita ko na naman ang contact lens niyang brown. Kumikislap pa ito kaya alam kong masaya siya kahit hindi nakangiti ang lips niya.

Ngumiti ako. "Sorry pala kahapon. Babawi ako. Tara kain tayo. Libre ko." Hinawakan ko kamay niya.

Hinatak ko siya patayo. Hinila niya ako dahilan para muli akong mapaupo. "Hindi mo ako ililibre, Daga! At kailangan nating mag-usap."

Napaingos ako. Tinawag niya na naman akong daga. Akala niya nakakatuwa. "Ano ba pag-uusapan natin—"

"Gusto kita..." halos hindi gumagalaw ang bibig na sambit niya.

Naipilig ko ang ulo. Hindi ako kumukurap. Nakatitig lang ako sa kanya. Hinawakan ko pa ang tainga. "H-Ha?"

"Mahal kita..." pabulong lang 'yon pero gano'n na lang ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tumakbo palayo. Kaso hindi ako makatayo kasi mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Nakaawang ang bibig niya. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin. "Mahal na mahal kita! Gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang si Grant."

Sunod-sunod akong umiling. "No, Silver! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo." Natawa ako nang pagak. "Pinagtitripan mo ba ako?"

Niyakap niya ako. "I will do everything, just forget him. I will do anything, just love me, Xhaiden." Halos madurog ako sa sobrang higpit ng yapos niya sa 'kin.

Dinig na dinig ko ang tibok ng kanyang puso. Sa kanya ba talaga 'yon o sa 'kin?

Natulala lang ako.

"Stop loving Grant. Stop hurting yourself. Nandito lang ako. Ibibigay ko lahat sa 'yo—"

"S-Silver—"

"Bago mo ako i-reject, hayaan mo muna akong sabihin ang nararamdaman ko. Matagal ko na 'tong gustong gawin, pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Naalala mo ba 'yong babaeng mahal ko na kahit ano'ng gawin ko... hindi mapupunta sa 'kin? Ikaw 'yon. Pero sana ngayong alam mo na... hayaan mo lang akong mahalin ka. For now, I won't expect anything. But I won't take no for an answer."

Punong-puno ng kasiguraduhan ang tinig niya. Mas kinakabahan ako ngayon kaysa no'ng sabihin ni Brix na mahal niya ako. Buong lakas ko siyang itinulak palayo.

"H-Hindi p'wede, Silver. Oo, kaibigan kita, pero hindi kita lubusang kilala. Palagi tayong nagkikita at nag-uusap, pero hindi ko nga alam kung ano'ng itsura mo—"

Idinikit niya ang palad sa pisngi ko. Hindi ko maramdaman kong mainit ba 'yon o malamig dahil sa suot niyang gloves. "I don't want you to admire my physical appearance, Daga. I'm just hoping that eventually you'll learn to love my personality and the real me."

_..._..._

"OH, YEAH! Oh my God!"

"Mia, stop."

"Oh my God, yeah!"

"Mia, get off!"

"I'm about to! I'm about to."

"Heather..."

Napaangat ako ng tingin para tingnan ang flat screen monitor na nasa harap ko. Kung hindi ko pa narinig ang aking pangalan, hindi pa ako mababalik sa tamang huwesyo. Akala ko may tumatawag sa 'kin, 'yon pala may kapangalan ako sa pinapanuod kong movie na "American Reunion".

Bakit ko ba naisipang manuod? At ito pa talaga ang napili ko gayo'ng wala naman ako sa sarili't hindi ko naman naiintindihan ang mga nangyayari. Ito kasi ang unang nakita ko sa mga nakasave sa HDD.

Pumapak ako ng sunog na popcorn na nakapatong sa legs ko. Nasunog dahil lumulutang ang isip ko habang nagluluto. Inabot ko ang remote na nakalagay sa sofa't in-off ang pinapanuod.

Wala rin naman kasing silbi dahil patuloy na nagrerewind sa 'kin ang mga sinabi ni Silver sa huling pagkikita namin. Kailan ba 'yon? Kahapon o no'ng nakaraang araw? Fresh na fresh pa rin sa utak ko. Nag-eecho pa nga sa tainga ko.

Naglalaro rin sa 'king isipan si Grant at ang sinabi niya na nagpalambot ng puso ko. Hindi ako nakatulog no'n. Sinabi niya ulit kanina kaya natutuliro na naman ang aking sistema.

I'm sorry.

Simpleng kataga lang. Wala rin namang mangyayari dahil tapos na. Kahit na hindi siya humingi ng tawad, napatawad ko na siya.

Sumandal ako sa sofang kinauupoan. Pumikit. Hinayaang kumalma ang aking isipan. Kaso kinokonsensiya pa rin ako sa ginawang pagtakbo palayo kay Silver. Nabigla kasi ako. 'Yon lang ang tanging solusyon na pumasok sa isip ko no'ng nasa park kami... ang iwasan siya. Hindi ko siya kayang harapin hanggang ngayon.

Tatlong araw na ang dumaan simula no'ng ihatid ako ni Brix. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kanya. Kahit isang text wala akong natanggap, na unusual. Pinanindigan niya talaga ang mga sinabi? Pero hindi niya naman ako kailangang iwasan. Kaibigan ko siya.

Hindi ko na alam kung ano'ng uunahing isipin at gawin.

Nakausap ko si Angel kanina, kinukumusta ako. Hindi ko naikuwento ang ginawa ni Brix. Siguradong susugod 'yon dito.

Birthday ko na bukas. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Birthday ko nga pero wala si Xyrene. Pangalawang birthday na namin na hindi ko siya kasama.

Wala akong maramdaman na kahit ano ngayon bukod sa frustration. Gusto ko lang tumigil muna sa pag-iisip. Bahala nang gumalaw ang oras at lumipas ang mga araw.

Tumunog ang cellphone ni Grant na nakapatong sa glass table na hindi kalayuan sa 'kin. Tatayo na dapat ako para tingnan kung sino nang lumabas siya galing sa banyo na kulay navy blue na tapis lang sa bewang ang tanging suot.

Agad na nag-init ang mukha ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Nakabalandra sa 'kin ang nakamamatay na kaseksihan.

Medyo basa ang kanyang buhok. May dumadaloy na tubig sa kanyang dibdib pababa sa tiyan niyang mas mainit pa yata sa pandesal. Ang swerte ng tubig. Asar!

Nakikita ko pa ang tuktok ng nakakapanindig balahibong V-line niya sa ibaba ng umaapoy na mga matitigas na umbok sa kanyang tiyan. Pakiramdam ko umuusok siya sa paningin ko kahit na bagong ligo naman.

Normal pa ba pag-iisip ko o nacorrupt na dahil sa mga maniac-virus na kumakalat sa bungo ko?

"Hello?" Sagot niya sa tawag at tumingin sa 'kin. Muntik na akong tumambling sa kinauupoan ko nang magtama ang aming paningin.

Geez! Ba't ba ang OA ko pagdating kay Grant? Ano ba, Xhaiden! Tiningnan ka lang niya. Hindi ka niya hinalikan. Tiningnan lang!

Nagpipigil siya ng ngiti sa naging reaksiyon ko. Kalaunan, tumaas ang gilid ng labi niya. What the hell, 'di ba? Ang sexy niya habang ginagawa 'yon. Lumabas ang pantay na set ng kanyang mapuputing mga ngipin. Sumilay ang cleft chin na sumisigaw ng kaseksihan sa mukha niya. Pati ang dalawang maliit na dimples sa magkabilaang cheeks niya... nanunukso.

Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagmumura ng utak ko.

Katapusan na ba ng mundo? Mamamatay na ba ako? Tumamis na ba ang asin? Nakakadaan na ba ang barko sa estasyon ng train? Bakit nginingitian niya ako? Tatlong araw na niya 'yang ginagawa kaya natutuliro ang buong pagkatao ko.

Naglalakad siya papalapit sa 'kin habang gumagalaw ang mga labi niya. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya sa kausap. Ang naririnig ko ay ang nang-aakit na kantang "You're so sexy" na nag-p-play sa utak ko.

Oh, God! I'm really insane. Baliw na baliw talaga ako sa kanya. Alam ko 'yon... pero hindi ko kayang kontrolin ang sarili.

Napatayo ako nang malapit na siya. Binalak na tumakbo papalayo sa sobrang kaba. Kaso napaupo ulit dahil nanginginig ang mga tuhod ko. Natabig ko pa ang isang throw pillow. Pati ang mga sunog na popcorn, nagkalat. Umurong patalikod ang posisyon ng sofa sa pagkakabagsak ko.

Pinatay ni Grant ang tawag. Hinagis ang cellphone sa pinakagilid ng sofa. Saka sumalampak ng upo sa tabi ko. Sinubukan ko ulit tumakbo. Hinatak niya ako paupo. Sumemplang ako sa kandungan niya. Patagilid.

Napatakip ako sa mukha. Mahinang tumawa si Grant. Ang sexy na naman ng dating nito sa pandinig ko.

Tinitigan ko siya. Idinikit ang daliri sa ilong niya. Pinisil ko para ikumpirma kung nananaginip ba ako o talagang siya ang nakikita ko. Napangiwi siya. Saka ko lang napansin na may mga bruises pa siya sa mukha dahil sa mga suntok na ibinigay ni Brix at Angel sa kanya.

Bakit kahit na may mga galos siya sa mukha, siya pa rin ang pinakag'wapong lalaki para sa 'kin? Ang unfair para sa mga tambay sa kanto.

Tinuktok ko nang sunod-sunod ang ulo ko. Kapag talaga si Grant ang naiisip ko nagiging masamang tao ako.

"Hey, what are you doing?" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ahh— eh," napalunok na lang ako. Kinagat niya ang ibabang labi habang tinitingnan ang nanginginig na labi ko.

Shit naman talaga, oh.

Hinawakan niya ang bewang ko't inalalayan akong maupo sa tabi niya. Kaasar! Mas masarap kayang umupo sa kandungan niya.

"W-w-who's t-that?" Kahit na ang magsimula ng topic hindi ko magawa. Paano katabi ko siya. Katabi ko nga lang siya hindi na ako mapakali. Idagdag mo pa na nakatapis lang siya ngayon. Ni hindi ko alam kung may underwear siyang suot. Ugh!

"Si mommy. Tumawag siya sa 'yo hindi mo naman daw sinasagot," tukoy niya sa mommy ko. Mommy talaga ang tawag niya kay mom noon pa't daddy naman kay dad. Samantalang ang tawag namin sa mga parents niya... mama at papa. 'Yon kasi ang nakasanayan.

Hinagilap ko ang cellphone ko sa sofa. May 7 missed calls at 3 unread messages nga na puro kay mommy galing.

"Ah. A-A-ano'ng sabi niya?" Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya nang maayos. Wala naman sa harapan namin ang mga parents namin para magpanggap.

"Nangangamusta lang," tipid na sagot niya't isinandal ang ulo sa sofa.

Bumalot ang katahimikan. Wala akong reklamo. Kahit ilang dekada pa kaming umupo dito ayos lang. Gano'n naman talaga, 'di ba?

Makatabi mo lang ang taong mahal mo, makukumpleto na ang araw mo kahit wala naman kayong ginagawang milagro.

"M-magbihis ka kaya muna." Naiilang kasi ako. Nakabilad sa paningin ko ang to die for niyang katawan. Baka mamaya bigla ko siyang sunggaban.

Matagal siyang tumitig sa 'kin bago pinisil ang aking pisngi. Tumayo na siya't naglakad paakyat sa k'warto. Napasunod ako ng tingin. Nakita ko ang pulang birthmark sa likod ng kaliwang balikat niya na nagdagdag pa ng kaseksihan sa kanya.

Nang mawala siya, kinuha ko ang throw pillow at idinikit sa mukha. Sumigaw at nagtitili ako na parang tanga. Tumayo rin ako at nagtatalon. Muntikan ko pa ngang masagi ang glass table.

"Ahhh! Damn you... Grant Turner Loriete!" Para akong isang fan girl na kinindatan ng bias na kanyang kinaaadikan. "Why so sexy, baby?" Patuloy na pagtitili ko sa unan. Mukha akong nasaniban ng kinikilig na masamang espiritu na hindi na kayang pigilan.

"I love you, Grant!" Muli akong nagtatalon hanggang sa sumakit ang talampakan. Humiga na lang ako sa sofa habang patuloy na nagtitili sa unan. Gumulong-gulong ako hanggang sa mahulog ako sa kulay pulang carpet.

"Ano'ng ginagawa mo?" Parang may sumundot sa puwet ko. Naitago ko bigla ang unan sa likuran. Tumingin ako kay Grant. Nakasuot na siya ng damit. Nakakunot ang noo.

Dahan-dahan akong tumalikod habang sinusuklay ng isang kamay ang buhok. Sumipol din ako na tipong ako ang pinakainosenteng babae sa buong mundo. "I was just stretching my sexy muscles!" Itinaas ko ang dalawang kamay kasama ang unan na hawak. May kasama pang paghikab nang lumingon ako sa kanya.

Mukha akong nangseseduce na ewan. Natatawa siya. "I saw you," aniya't humakbang pababa.

Nabitiwan ko ang hawak na unan nang makalapit siya. Napasinghap ako nang hinapit niya sa bewang. Ipinulupot niya ang braso sa 'kin.

"Ganyan mo ba talaga ako kamahal?" bulong niya sa tainga ko. Nanginig ang buong katawan ko. Akala ko ba ako ang nangseseduce? Eh, bakit ako ang naseseduce?

Sasagot na sana ako nang muli siyang magsalita. "Let's eat!" Hinawakan niya ang kamay ko't inalalayan ako papuntang kusina.

"H-hindi pa ako nagluluto," napapalabing usal ko habang nakayuko.

"I cooked dinner for us." Lumabas ang dimples niya nang ngumiti siya. Napaawang ang bibig ko nang halos tatlong plato na punong-puno ng iba't ibang pagkain ang inilapag niya sa harapan ko. "I know you'll like that."

Oo naman. Kahit yata nilagang asin ang ihain mo... kakainin ko 'yon basta alam kong luto mo.

"P-pero, Grant, ang dami nito. Paano ko uubusin 'to?" Napakamot ako sa ulo.

Humila lang siya ng upuan at tumabi sa 'kin. Siya rin mismo ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko.

Grant naman, eh. 'Wag kang paasa!

Sinubo ko ang pagkain at naiilang na ngumuya. Nang malunok ay tiningnan ko siya sa mga mata kahit na gusto kong bawiin dahil sa titig niya.

"S-seriously, Grant. W-why are you doing this?" Natatakot ako sa p'wedeng isagot niya pero kailangan kong malaman dahil mahirap ang umasa sa wala.

Inilapag niya ang hawak na kutsara't sinakop ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ko. Malamlam ang titig niya sa mga mata ko.

"Because, I..."

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.