BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
Up Next

EPILOGUE

168K 3.9K 638
By MsButterfly

EPILOGUE

FREEZALE'S POV

A few months later...

Tahimik na ibinaba ko ang paper bag sa ibabaw ng lamesa. Malungkot na ngumiti ako sa nakita ko na ayos niya. He cares so much for him. Kahit na kadugo ng bata ang siyang tao na sumira sa buhay ng pinakamamahal niya.

Lumapit ako sa sofa kung saan nakahiga si Hermes at dahan-dahan ko na kinuha sa kaniya ang isang buwang sanggol na kipkip niya. Hindi iyakin si Ale, ang anak ni Storm.

Everyone cares for him...kahit na alam naming lahat kung ano ang ginawa ng ama niya kay Storm. Dahil wala siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na magkaroon ng may halang na kaluluwang ama at mawalan ng isang ina.

The first few weeks with Ale, we thought that we will lose him. Mahina ang katawan niya lalo na at premature siya ng maipanganak. He was just a seventh month old premature baby. Hind pa due date ni Storm ng maipanganak niya ang bata. Sa hindi malamang kadahilanan si Hermes lang ang kailangan ng bata. Maybe because the child can feel the love Hermes has for his mother.

Sa ngayon ay si Hermes muna ang nagbabantay kay Ale. Naka-bed rest kasi si Sky na magdadalawang buwan ng buntis, hindi niya kinaya ang mga nangyari. Si Tito Reese binabantayan si tita Hurricane na hanggang ngayon ay nakaratay sa ospital. She had a heart attack when she found out about Storm.

Sina Stone at Blaze naman ay panigurado na nagliliwaliw sa kung saan-saang bar. Naiintindihan namin sila, hindi lang nila gusto na maalala ang nangyari sa kapatid nila. Silang dalawa ang pinakahuling naniwala na patay na si Storm. Pumunta sila sa pinangyarihan ng lahat...I tried to stop them but they won't let me. They able to get Storm's burned body. It was enough of an evidence.

I threw myself to work. Tinulungan ako ng mga agents para ayusin lahat ng nasa BHO CAMP. Kasabay niyon ay nagkalap kami ng mga impormasyon ukol sa Claw Organization.

Katulad na ng alam namin, hindi target ng Claw ang BHO CAMP. Katulad lang sila ng ibang mga ilegal na organisasyon na nakapokus sa mga ilegal nila na gawain. Until they became our target because of a client that asked us to destroy them. At doon na nagsimula ang lahat.

They targeted us back and we lost.

Kahit ang original elites ay hindi makapaniwala sa organisasyong ito. My grandmother, Mishy, even said that it's like history is repeating itself. Dati daw ay matayog ang Davids' Agency, walang nakakatalo. Hanggang sa sumulpot ang B.E.N.D. Then they brought back the Davids' Agency, and BHO was born.

Hindi pa sira ang BHO CAMP, but we lost a limb when we lost Storm. Pero kaya pa naming lumaban. Kaya pa naming iganti si Storm. And to do that, we need to be wise. We need to take time and survive.

Then we will fight.

We got a name. Wyatt Claw. There is a huge possibility that he is the father of Ale and the one who violated Storm.

Hindi namin alam kung siya ba talaga. The only thing that we are sure about is that only one person violated her. Iyon lang ang tanging sinabi niya sa mga magulang niya nang bumalik siya dito sa BHO CAMP noon. Pero hindi na mahalaga kung sino man dahil lahat sila magbabayad.

Sisimulan namin sa mga transactions nila. We will let them raise their guards, then when that happen, we'll be quiet as a whisper. At kapag kumilos silang muli, sisirain namin ulit iyon at maglalaho. We will goad them to attack us. Dahil alam naming lahat na imposible na pasukin nila ng tuluyan ang BHO CAMP. They're not that stupid.

But we will wait until they attack each one of us. That will be our trap. We will let them close, near enough to get them entangled on our web. Our prey.

Tahimik na ibinaba ko ang sanggol sa crib at lumabas na ako ng kwarto ni Hermes. Tumuloy ako sa control room at nagpokus sa trabaho. Kaniya-kaniya kami ng mga agents ng ginagawa para matakasan ang katotohanan. Ito ang paraan ko para magawa kong busy ang sarili ko at hindi ko isipin ang lahat ng nangyayari.

Because even in the middle of the night...when I close my eyes, nakikita ko parin ang mga pagkakataong 'yon kung saan nawala samin si Storm.

"Freezale."

Nilingon ko ang nagsalita. Si King. Saglit siya na nawala kanina para hayaan ako na magtrabaho. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa control room. "Yes?"

Ibinaba niya sa harapan ko ang isang maliit na bowl ng pasta. Tahimik na kinain ko iyon habang nakamasid lang siya sa akin.

"Are you okay, lady?"

"No."

Umupo siya sa tabi ko at ginagap ang isa kong kamay. "You know I'm here right? Kahit na anong mangyari, nandito lang ako. Don't shut me out."

"I know." malungkot na tumingin ako sa mga mata niya. "I know, King."

"Alam ko na wala akong magagawa. Wala akong maitutulong. All I can do is be here for you. To wait until you get tired of being strong. And if its not possible to take your pain away, I can just be here and took half of it to lessen your suffering."

"King..."

"I'll be your rock."

Binitawan ko ang hawak ko at yumakap ako sa kaniya. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at tuluyan ng pinakawalan ang nararamdaman ko. "They need me."

"And you need someone too."

Siya. Siya lang ang kailangan ko. Kasi kapag kasama ko siya, kahit natatakot ako sa bangungot na dala ng gabi, nagagawa niya akong gisingin mula doon dahil lang kasama ko siya.

"I love you, King."

"I love you too, lady."

HUMINGA AKO NG MALALIM at bahagyang lumayo ako kay King. I don't want to give him false hopes but we need to try. Natatakot din ako pero gusto kong umasa. Gusto kong patuloy na umasa na mabibigay din sa aming dalawa ang gusto namin. "King."

Nag-angat si King mula sa papel na sinusulatan niya kanina habang mahina siyang kumakanta. He's probably making another song. "Hmm?"

"We need to do something."

Bago pa siya makapagtanong ay hinila ko na siya patayo. May kinuha ako sa bag ko at pagkatapos ay pumasok kami sa comfort room ng control room. Hinarap ko si King ng nandoon na kami. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang hawak ko.

Binuksan ko ang kahon at sinulyapan ang lalaki. "I'm eating a lot this past few weeks. Ilang beses din na sumasama ang pakiramdam ko lalo na sa umaga. It might be just stress but we need to make sure."

"O-Okay."

Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa uupo na ako sa toilet bowl. Namula ang mukha ko ng mapagtanto ang set up namin. "Err, sa labas ka muna kaya?"

"I'm okay here."

"Pero-"

"You don't need to hide anything from me. Nakita ko na lahat iyan. And I'm sure I'm well acquainted with that part of your body-"

"King!" angal ko.

Inirapan ko siya ng mahinang na ikinatawa lang siya. Hindi ko na lang siya pinansin at ginawa na ang dapat ko na gawin kahit pa hindi ako komportable sa excited na nakaabang na asawa ko. Nang matapos na ako at maayos ko na lahat ay ipinatong ko ang pregnancy kit sa ibabaw ng lababo. Nilingon ko si King. "Ready?"

"No." kinakabahan na ngumiti siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila palapit sa kaniya. Tahimik na nakatingin lang kami sa pregnancy kit. Bawat patak ng segundo ay tila oras sa aming dalawa. Alam ko na pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming natatakot.

"Kahit na anong mangyari, hindi tayo susuko. Kung kinakailangan na hindi na tayo maghiwalay para mabuo lang si baby Irish, gagawin natin." bulong ko kay King.

"Should I be scared? Mukhang gusto mong pagsamantalahan ang alindog ko."

"Yeah right-"

Napahinto ako at napatingin sa pregnancy test. Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ko si King. Pero nanatiling nakapako ang paningin niya doon. His eyes were glaze as if he's far away from here.

Positive. The result is positive!

"King..."

Akmang hahawakan ko siya pero bigla siyang lumayo. Sa pagkabigla ko ay bigla siyang tumakbo paalis. I cursed and grab the pregnancy kit, then I followed him. Imbis na matakot na baka iiwan na niya ako at hindi 'yon ang pumasok sa isip ko. Kilala na ang mga tao sa BHO CAMP sa paggawa ng mga weirdong bagay kapag may ganitong pangyayari. Siguro dahil narin sa sobrang gulo ng mga love story ng mga tao sa lugar na 'to ay hindi nila magawang iproseso ang pagdating ng moment na 'to.

Mabilis na sinundan ko ang asawa ko at naabutan ko siya sa hallway at kaharap ang kuya ko na niyuyugyog siya. "Uy King! Ano bang nangyayari sayo? Naapektuhan ka na ba ng Freeze Stare ni Freezale? Nag-awa kayo?"

"Kuya, get away from him."

Tinignan ako ni Kuya. "Bakit ba?"

"Basta!"

"Bakit nga-"

Mabuti na lang at mabilis ang naging reflexes ni Kuya. Hinila niya ang isa pang padaan na lalaki at hinarang niya iyon sa kaniya. Halos mapunit ang mata ko sa panlalaki ng makita ko ang nangyari.

Magkalapat ang mga labi ni King...at ni Triton na siyang kaawa-awang nilalang na basta na lang hinila ni Kuya.

"Err, sorry mga dude." pagkasabi niyon ay tumakbo paalis si Kuya. "And congrats baby sis!"

"What the hell!" nagpapasag si Triton at tinulak si King. "Ano bang nangyayari sayo King? Ganiyan na ba ako kagwapo para mapagkamalang magandang babae?! Pwe!"

Akmang lalapitan na naman siya ni King pero mabilis na pinigilan ko ang asawa ko. Napanganga si Triton ng mukhang may marealize siya. "You're pregnant?"

Binigya ko siya ng matalim na tingin. "May angal ka?"

"W-Wala naman. Sige! Ipagkakalat ko muna! Bye!"

Nilingon ko si King na ipinipilig ang ulo niya. Tumingin siya sa akin at ng bumaba ang ulo niya para halikan ako ay pinigilan ko siya. "Hinalikan mo si Triton. I won't get that lips near my lips especially when I know that you kissed the sinful lips of that man."

"What?!"

"Ewan ko sayo."

Naglakad na ako palayo hanggang makarating ako ng kwarto namin. Pumasok ako sa loob at naramdaman ko na kasunod si King. Padaskol na humiga ako sa sofa at pumikit. Naramdaman ko na tumalon sa akin si Casper, ang regalo sa akin na pusa ni King. "Kill your daddy."

"Meow."

"Good."

Napadilat ako ng marinig ko na nag iingay si Casper na malamang kinakalmot na si King kasabay ng pag-angat sa kaniya ni King. Ibinaba siya ni King sa carpet. "Shoo!"

"Meow!"

"Wala kang pagkain for the next decade!"

"Meow!"

Pagkatapos niyon ay nakataas ang buntot na ang walk out si Casper. Nakangisi na hinarap ako ni King at pagkatapos ay kinubabawan ako. "Hey, lady."

"What?"

"I love you." hinalikan niya ako sa labi. "Nag mouth wash pa ako."

Pinigilan ko na mapangiti. Pero hindi ko din kinaya. After all, ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Not after everything that happened.

Bumaba ang halik ni King hanggang sa nasa tapat na siya ng tiyan ko. Itinaas niya ang shirt ko at binigyan iyon ng magaang halik. "I love you baby. I thought it would be impossible. But I guess your tito Comet, tita Storm and your sister sent you here, huh?

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Maybe they did. Maybe they're out there...still smiling at us all. Still loving us. Sky was right. Storm didn't deserve everything she's been through. She deserved more. Kahit si Comet, hindi siya dapat basta nawala sa amin. At ang baby namin ni King.

Pero siguro, siguro tama lang na pakawalan na namin sila. Na tanggapin na hindi na sila babalik. Because they are in peace now. Nasa lugar na sila kung saan hindi na sila magagawa pang saktan ng kahit na sino.

At kami? Kami ang babawi para sa kanila.

Napadilat ako ng maramdaman ko ang mga daliri ni King na pinupunasan ang luha ko. Kasunod niyon ay ang mga labi niya na hinahalikan ang aking pisngi.

Marami na kaming pinagdaanan. At marami pa kami na pagdadaanan. Hindi man magiging madali sa amin ang lahat pero alam ko na lahat kakayanin namin basta magkasama kami.

Hindi man naging perpekto ang lahat sa amin, but the lesson we gain will be forever imprinted on us. Life would be forever bumpy. But as long as your seatbelt is fastened, and your grip to that someone beside you is tight...you will be able to pass the obstacle on your way.

"I love you, lady."

"And I love you....Captain."

WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 51.8K 29
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who...
978K 35.8K 15
Yngrid and her parents went to the province. In the middle of their trip, two black vans blocked their way. Her parents died as the armed men interru...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
369K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...