BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 29 ~ Affiliate ~

151K 2.8K 314
By MsButterfly

CHAPTER 29

FREEZALE'S POV

"Ready?"

Tinignan ko si King na siyang nagtanong. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin kami sa isang maliit na bagay na siyang nagpapakaba sa aming dalawa ngayon. "Yes, Captain."

"I'm not."

Sa kabila ng sitwasyon ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Ilang beses na naming ginagawa ito at ganoon pa rin ang kaba na nararamdaman namin. Samantalang isang maliit na pregnancy kit lang naman ang kaharap namin.

Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa ni King. Alam namin na dadating ang panahon na mabibigyan kami muli ng anak. Nitong mga nakalipas na linggo nga ay napagtripan ni King na i-baby sit si Russia, ang anak ni Sky. Minsan din pinupuntahan namin si Den na ilang buwan ng buntis. Isang buwan na lang ata at kabuwanan na niya. We are both practicing and preparing ourselves for a baby.

Napatingin ako sa kit ng mag vibrate ang phone ko tanda ng alarm na sinet ko. Sabay naming tinignan ang resulta ng pregnancy test. Sumubsob siya sa leeg ko at mahigpit na niyakap ako nang makita namin na negatibo ang resulta no'n.

"I'm sorry, Freezale."

Marahang hinaplos ko ang buhok niya. "Hindi mo kasalanan. It's okay, King. Pwede pa naman natin na subukan ulit."

"Hanggang kailan? Gaano katagal natin kakayanin na makita ang paulit-ulit na negative results? Gaano katagal bago mo ako iwan dahil-"

Marahas na lumingon ako sa kaniya. Bahagya siya na napaatras ng makita ang galit sa mga mata ko. "Damn it, King! I can wait even if it takes years! Kahit na kwarenta o singkuenta na ako! Until my fucking ovaries can still bear a child!"

Inihilamos ni King ang kamay sa mukha niya. "I'm sorry. I just-"

"I won't leave. I'm your wife and I vowed to be with you through eternity. I will never leave."

Hinila niya ako palapit sa kaniya at magaang hinalikan sa noo. Bumuntong-hininga ako at gumanti ng yakap.

Sa maikling panahon na nagsama kami biglang mag-asawa, iilang beses na rin kami na nagtalo. Kasama naman talaga ata iyon sa buhay may asawa. Hindi din iilang beses na ako lagi ang nakikipag-away kay King. Naturalesa na kasi ata niya ang pagiging pasaway kaya laging umiinit ang ulo ko sa kaniya. Sa lahat ng pagkakataon na nag away kami, laging si King ang ngumingiti na lang at bigla na lang akong yayakapin para kalmahin ako.

King was never swayed by my coldness or for my new acquired emotion...me being temperamental. Basta na lang niya akong yayakapin o hahalikan kapag nasa Freeze Mode ako o kapag sinisigawan ko na siya. Samantalang ang mga co-agents ko ay tinatakbuhan ang pareho kong mood.

"Mukhang matatagalan pa bago dumating si baby Irish natin." bulong ni King sa tapat ng aking tenga.

"Siguro. Kaya kung gusto mo na magkaroon na tayo ng baby Irish, kumilos-kilos ka na."

Umangat ang gilid ng labi ko ng marinig ko na napatawa siya. Ganiyan lang yan, tinatawanan ang mga katarayan ko.

Lumabas na kami ng bathroom. Tumuloy ako sa living room para harapin ang laptop ko habang si King naman ay naiwan sa kwarto. Bahagya akong napangiti ng makita ko ang screensaver ng laptop ko. Nandoon ang pangalan ko at ni King kasama ang pangalang 'Irish'.

Irish kasi ang napagdesisyunan namin na ipangalan sa magiging anak namin. Lalaki man o babae. Nalaman kasi namin kung paano nakuha ni Sky ang pangalan ng baby niya. Galing daw sa cocktail drink na ininom niya ng muli silang magkita ni Adonis. Kaya nagdesisyon ako na doon na lang din ibase. Irish Car Bomb ang cocktail na ininom namin ni King ng gabing iyon kung saan nangyari ang una naming encounter.

Kung saan niya ako unang hinalikan.

Umupo ako sa sofa at inabot ko ang laptop ko. Tinignan ko ang ilang mga files na galing kay Dawn at sinimulan ko iyong basahin. Nakatutok lang ako sa laptop habang naririnig ko si King na kumikilos mula sa kung saan. Kahit na ng maramdaman ko na lumundo ang isang bahagi ng sofa ay nanatiling nasa screen lang ang atensyon ko.

"Lady."

"Hmm?"

"You wanna eat?"

"I'm busy."

Napatawa lang siya at nanatili sa tabi ko. Panaka-naka ay tinitignan niya ang ginagawa ko. Pero ng matapos ako sa files at ang system ng BHO CAMP naman ang hinarap ko ay bahagya na siyang lumayo sa akin at sumandal na lang sa arm rest ng sofa.

"Nahihilo talaga ako diyan sa ginagawa mo." sabi ni King.

"Sanayan lang. Bata pa lang ako eto na ang nakikita ko na ginagawa ni Papa. Ako lang naman ang aasahan niya dahil walang katiting na interes si Snow at si Kuya Thunder dito."

"Kaya pala laging nawawala ang dalawang iyon kapag may pupuntahan tayo at walang magbabantay ng control room."

"Hmm. Yeah."

He chuckled. "Am I interrupting you?"

"Nope."

Nagpatuloy lang ako sa pagtipa. Hindi ako huminto kahit na ng may itapat si King sa bibig ko. A marshmallow. Bahagya ko lang ibinuka ang bibig ko at kinain ko iyon. "Yum."

"Lady?"

"Hmm?"

"Do you know how sexy you are? Especially with your monosyllabic words?"

Bahagyang sumala ang ginagawa ko, mabuti na lang at mabilis ko iyong binawi. Napailing na lang ako at hindi siya nilingon. "Ewan."

"Freezale?"

"Yes?"

"Will I interrupt you if I'll just bend you over and make love to you?"

Namula ako sa sinabi niya. "Maybe not."

Napangiti ako ng bigla na lang niya akong iniusog pati na ang laptop ko. Nasa kabilang panig ng sofa ang laptop habang nakadukwang ako. Sa likuran ko naman ay nandoon si King. "Is this okay?" he asked.

"Hmm? Yes." sinarado ko ang laptop at hinarap ko siya. "Pero nagugutom na pala ako kaya mamaya na lang."

Napanganga siya ng tumayo ako at binigyan siya ng magaang halik sa pisngi bago naglakad palabas ng kwarto.

"Tease!"

Napahalakhak ako. Hindi pa sana ako titigil ng makita ko si Triton na may dalang maliit na kahon na napatigil at tulalang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin sanay ang mga tao dito na makita ako na tumatawa.

Pinapormal ko ang ekspresyon ko. "Good morning."

"Oh! Hi Freezale! Iniisip ko pa kanina kung anong ginagawa ni Snow sa kwarto ninyo habang si King ay bukas ang zipper at nakalabas ang-"

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya at nilingon ko ang nakabukas na pinto ng kwarto namin ni King. Namumulang itinataas nga ni King ang zipper ng pantalon niya. Damn it! Bakit hindi ko iyon napansin kanina?

Tinignan ko si Triton at inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "No one should know about this."

Nakangising nagkamot siya sa ulo. "But-" Pinalamig ko ang tingin ko na dahilan para bahagya siyang mapaatras. "S-Sabi ko nga walang makakaalam. Bye...bye na, maglalaba pa ako ng malamig- este ng medusa, ay! Nang panty! Panty po!"

Napapailing na sinundan ko na lang si Triton kasama ng koleksyon niyang panty. Hindi naman ako naniniwala na adik siya talaga do'n. Matagal ko ng napapansin na inilalabas lang niya 'yon kapag gusto niyang asarin si Dawn. Nakasunod ang tingin ko sa papalayong lalaki at nabawi lang ang atensyon ko sa kaniya nang may umakbay sa akin. "You little tease."

"I'm not."

"Oh yes, you are." King murmured and lean down on me.

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Katulad ng ilang beses na naging ganito kami kalapit ni King, pakiramdam ko ay nawawala ang lahat ng nasa paligid namin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang bumababa ang labi niya. Pero sa pagkagulat ko ay bigla siyang ngumiti at lumayo.

"King-"

"I'm the King of Tease, lady."

Naningkit ang mga mata ko ng bigla siyang tumakbo palayo. "Panty snatcher! Come back here! Now!"

"Marami akong extra na panty. Huwag mo ng pagtangkaang patayin ang asawa mo. Mamimiss mo din iyan kapag nailibing na."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Dawn. May hawak siya na isang malaking paper bag at base sa tatak ay mukhang mga panties nga iyon. "Anong gagawin mo diyan?"

Sumimangot si Dawn. "Alam mo ba na nag door to door ata yang si Triton sa halos lahat ng mga single guests dito sa BHO CAMP dahil may nagpadala sa akin ng isang paper bag ng bagong panty. Kaya anong gagawin ko dito? Isisigang ko ito at ipapakain sa pesteng Triton na yan!

Unti-unti ako na lumayo habang pabalik-balik siya na naglakad sa isang bahagi na iyon ng hallway habang hindi parin matapos-tapos ang litanya niya. Saka ko na pakikinggan ang mga sentimyento niya kay Triton. Hahanapin ko muna ang lagalag kong asawa.

Tumuloy ako sa dining hall dahil iyon naman ang maaring tambayan ni King. Nandoon kasi lagi ang mga kabanda niya na ginawa ng tambayan ang headquarters, lalo na kapag ngayong madilim na. Hanggang ngayon kasi tahimik pa rin ang Royalty. Hindi na muna sila lumalabas sa mga guesting na hinihingi ang presensya nila. Kahit interviews ay tinanggihan nila.

Hindi pa daw kasi sila handa na maghanap ng bagong drummer. Sa ngayon ay inilalabas na muna nila ang mga kanta na narecord na nila.

Pero alam ko...alam ko na kahit na gaanong katagal ay hindi malilimutan ang Royalty. Hindi titigil ang mga tao na pakinggan ang mga kanta nila ng paulit-ulit. At hindi titigil ang mga ito na hintayin sila sa kanilang muling pagbabalik.

Tahimik na lumapit ako sa umpukan nila King at ng mga kabanda niya ng makapasok ako ng dining hall. Napatigil si kuya ng makita ako pero pinanglakihan ko lang siya ng mga mata ng akmang sasabihin niya kay King.

"Hindi talaga kayo marunong, tsk. Piano Tiles lang nahihirapan pa kayo? Ang hina!" mayabang na sabi ni King.

"Yabang mo, bro ah. Under ka naman." pang-aalaska ni kuya.

"Ano naman? Maganda naman ang asawa ko."

"Kapatid ko iyon no."

"So maganda ka din?" tanong ni King.

"Ulol."

Binatukan siya ni King. "Ulol ka din. Maganda na ang asawa ko, mabait pa. Matalino pa, sexy, maunawain at higit sa lahat cool na agent!"

"Agent din ako bro."

"Hindi ka sexy!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang sarili ko na mapatawa sa usapan nila. Kahit naiirita ako minsan sa kalokohan ni King hindi ko din naman maitatanggi na siya lang ang nakakapagpatawa sa akin.

Talagang walang balak magpatalo si King kay kuya. "Under ka pa rin, pre."

"Hindi ako under, nirerespeto ko lang si Freezale. Hindi dahil sa babae siya ako lang dapat ang nasusunod. Hindi pwedeng ako lang ang iniintindi."

"Drama mo pare! Ganiyan ba kapag nag-aasawa?"

"Hindi. Ganito talaga kapag nagmamahal ka. Kaya hindi ako magagawang ipahiya ng kahit na sino kahit na paulit-ulit pa ako na tawaging under. Dapat nga maawa pa ako sa kanila. Hindi kasi nila alam kung gaano kaimportante ang hawak nila para ingatan ng mabuti."

Tuluyan na ako na napangiti. Ilang mga agents na nakarinig ng sinabi ni King ay napapangiti na rin habang nakatingin sa kaniya. Kaya sa kabila ng maraming tao na nandito ngayon sa dining hall ng headquarters, lumapit ako kaila King at bigla ko na lang siyang hinalikan.

Dumaan ang pagkagulat sa mga mata ni Kig pero pagkaraan ng ilang sandali ay tinugon na rin niya ang halik ko. Ipinalibot ko sa balikat niya ang mga kamay ko habang pinakikinggan ang mga sigawan sa paligid namin.

"Ang lalaswa niyo!" sigaw ni Kuya.

"Pare hanap tayong ka-kissing scene!" nakasimangot na sabi ni Archer.

"Sandali. Diyan muna kayo at pupuntahan ko si Den."

"Get a room, guys." sabi naman ng sa tingin ko ay boses ni Blaze o ni Stone.

"Get me a pair of lips too!" sigaw ni Ocean.

"Bata ka pa, ako na lang. Get me a woman!" singit ni Fiere.

At gaya ng inaasahan ay nasagap sa 'Fiere Radar' ng nag iisang tao na patay na patay sa binata ang sinabi ni Fiere. Walang iba kundi si Athena. "Fiere! Come on and get me, get me! Baby I'm yours! Come on get me! You'll never be lonely lonely lonely, so babyyyyy! Come on and get me!"

Kumunot ang noo ko ng pumailanlang sa paligid ang isang nakakabingi na ingay. Humiwalay ako kay King at nagkatinginan kami ng ilang mga agents.

I placed a detector not only inside the premises of BHO CAMP but also meters away from the main vicinity. It's a detector for Storm. Ikinonekta ko din ang detector sa buong headquarters para lahat kami ay makaalam kapag lumapit siya sa BHO CAMP.

"Fuck!" Sky cursed.

"Stay here Sky." babala ko sa kaniya.

"How? That's my sister out there!"

"We got this."

"At anong gusto mo? Umupo ako dito at hintayin na may mangyaring masama kay Storm? No! Pupunta ako-"

Nilapitan ko siya at mahigpit na hinawakan sa braso. "You're pregnant. Don't make the same mistake that I did. Don't put the life of that child at risk. Mahirap mawalan ng anak Sky. Binigyan ka ng Diyos ng anak, ingatan mo."

Lumuluhang napasandig si Sky kay Adonis na bahagya akong tinanguhan. Nagtaas ng kamay ang mga agent ng tumingin ako sa gawi nila. A sign that they're all going. Akmang magsasalita ako ng bumalibag pabukas ang pintuan at pumasok si Dawn kasunod si Triton.

"Trouble." Dawn said.

Tinanguhan ko siya. "We need to get Storm-"

"No. Another problem."

"What-"

Pinutol ni Dawn ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagturo sa speaker na nakakabit sa isang bahagi ng dining hall. Ilang sandali ang lumipas ay rinig na sa buong dining hall, at sa tingin ko maging sa buong headquarters, ang boses ng isang babae. Saglit na napatigil ako ng animo pinakikinggan ko ang sarili kong boses.

Snow.

"We need all the agents that are available tonight. We all know that Claw Organization already found out about the real BHO CAMP. We need groups of agents. One group on south, take a round about. One on east and west. And the last group will need to attack the approaching vehicles head on. We still have thirty minutes. Be reminded...be reminded.."

Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang pagpiyok ng boses ni Snow. Parang binundol ang dibdib ko na tila nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Something is definitely not right.

"B-Be reminded that they didn't come here to attack. They're chasing another car. Storm's car."

Bago pa may makakilos sa amin ay tumatakbo na palabas ng dining hall ang tahimik kanina na si Hermes. Patakbo na lumapit naman ako sa isang bahagi ng dining hall at inilapat ko ang isa kong kamay sa dingding. Ilang sandali ay umilaw ang parte na iyon at lumabas ang isang keypad. Kaagad na inenter ko ang code.

Kaniya-kaniya na ng kilos ang mga agents. Ang ilan ay nakalabas na habang ang ilan naman ay kinuha ang mga baril na nagsulputan sa iba't-ibang bahagi ng dining hall. Iyon ang purpose ng code na ginamit ko kanina. Every part of the headquarters are full of guns.

Tumingin ako sa security camera. "I'm going Snow."

Sumagot siya sa pamamagitan ng speaker sa buong BHO CAMP. "I got this, sis. I won't make a mistake. I can't."

Kinuha ko ang baril na sumulpot malapit sa akin. Kumuha din ako ng ilang mga extrang magasin.

I need to take the field. They need an experiment department agent out there. This will be the last time I'm gonna take this kind of mission. Just for Storm.

"Freezale."

Hinarap ko si King. "Is this okay with you?"

"No." Niyakap niya ako at binigyan ng magaang halik sa labi. "I'm worried. But I know I married a cool baddass woman so I'll get by."

Ngumiti ako at pagkatapos ay patakbong sinundan ko na ang mga agents patungong parking lot. Naabutan ko ang mga agent na nagkakaniya-kaniya na ng pasok sa mga kotse. Dalawang kotse lang bawat grupo. Pumasok ako sa likod ng kotse na sinasakyan ni Dawn at inilabas ang tablet ko.

"North?" I asked.

"Yes." Dawn answered.

Bumukas ang pinto perohingi ko na iyon nilingon. Nakatingin ako sa hawak ko na tablet. Umandar na ang sasakyan at nag-angat lang ako ng tingin ng mapamura si Triton na nakasakay sa passenger seat.

Sa pag-angat ko ng tingin ay doon ko nakita ang tinitignan niya. Ang katabi ko sa upuan. Sky.

"What the hell, Sky!" I shouted at her.

Umiiyak na tinignan ako ni Sky. "Alam ko na hindi ako dapat sumama. Alam ko na nilalagay ko sa panganib ang anak ko. Pero hindi ko kayang pabayaan ang kapatid ko. Storm doesn't deserve anything she's been through. She deserves better. And if something happens to me and my baby tonight, It won't be for nothing. It will be for doing something for my sister."

Nag-iwas ako ng tingin pero hindi na ako nagsalita. I just want to protect her. Pero alam ko...alam ko na kapag isa sa mga kapatid ko ang nalagay sa isang sitwasyon na mapanganib, kahit buhay ko ay itataya ko.

Hindi ko na siya nilingon at hinarap ko ang hawak ko na device. Kita sa device ang limang kotse na hinahabol si Storm. Nagawa na ng group South, East at West na harangan ang madadaanan ng Claw kapag nagtangka sila na umatras. Ngunit marami ang bilang ng mga miyembro ng Claw ang inilabas ngayon. Ilan sa mga iyon ay ka-engkwentro na ang mga agents.

"They're too fast!" Triton exclaimed.

"We only have one way." I murmured.

Tumingin sa akin si Dawn mula sa rearview mirror. "What is it?"

"Mas nauuna si Storm kaysa sa mga humahabol sa kaniya. We need to let Storm pass, then we will use this car as a barrier."

"Si Sky-"

"Itigil mo ang sasakyan sa isang tabi."

Sinunod naman ako ni Dawn. Nilingon ko si Sky na lumuluhang umiiling. Hinawakan ko siya sa braso. "Kasunod natin sila Adonis. They will pick you up. You can't be here if we will do this."

"Less casualties would be better too. Bumaba ka na din Triton."

"Okay."

Nanatili ako sa likod habang bumababa si Triton at Sky. Sa pagkagulat ko ay bigla na lang umikot sa isang bahagi ng kotse si Triton at hinila palabas si Dawn. Hindi nagawang makahuma ni Dawn nang basta na lang siya binaba ng lalaki at pumasok siya sa driver's seat at pinasibad ang sasakyan.

"Triton..."

Nakangiting nagkibit siya ng balikat. "If we will have an injured agent, Dawn cannot be that person."

"Bakit?"

"I'm an incompetent leader. I can't lead BHO CAMP if Dawn is injured."

Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya. O sa kabila ng sinabi niya...ay para bang may iba pa siyang nakatago na dahilan. No. I can't think about that now. I need to focus.

"Freezale."

"We're close. Malayo pa rin ang distansiya ni Storm sa Claw. But we need to be fast, Storm's car is wavering."

Something's wrong. Malaki ang posibilidad na ilang oras na rin na naghahabulan si Storm at ang Claw. Maybe that's why she decided to come back here. Dahil kami na lang ang natitira niyang pag-asa para makaligtas.

But why? Why Claw is different from the others? Marami ng nakaharap ang BHO CAMP. Bakit ngayon lang nangyayari sa amin ang mga ito?

"There!" I shouted and pointed.

I braced myself for what we are up to do. We can do this. Everyone will be safe. We will be safe.

Binilisan ni Triton ang pagpapatakbo ng kotse. Halos mapadikit ang likod ko sa upuan sa sobrang bilis ng takbo namin. I look at the window and I almost lost my breath at the sight.

I saw her.

I saw Storm trying to stop us. She's holding something on her other arm, but what got my attention most was her condition. She's even throwing up blood.

"Freezale, jump!"

Napapitlag ako sa boses ni Triton at walang sali-salitang binuksan ko ang pintuan sa kaliwa at tumalon. Nagpagulong-gulong ako palayo. Paniguradong kapag tumama ang mga kotse ng Claw sa iniharang namin ay titilapon iyon.

Triton and I met gaze. We did it.

Pero kasabay ng tagumpay na naramdaman namin ay ang pagkaagaw ng atensyon namin ng may kung ano na dumikit sa kotse na sinasakyan ni Storm.

I don't need to be a genius to know what it is.

"Storm!"

Tumakbo ako palapit sa sasakyan niya ngunit naramdaman ko ang pagdagan sa akin ni Triton kasabay ng nakakabinging pagsabog.

"No!" I screamed.

Umaapoy ang kalahating bahagi ng sinasakyan ni Storm. Hindi pa doon natatapos dahil bumangga siya sa puno na malapit sa kaniya. "Bitawan mo ako!"

"Freezale no!"

Hindi ko siya pinansin at tumakbo ako papunta sa kotse ni Storm. There's no way I'll let my cousin die like this.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pintuan ng passenger seat. I control myself to not lose it when I saw her. She got bullet wounds on different parts of her body. A part of me knows...that no one can survive this. But for some reason, she's still holding on. "Storm!"

"F-Freezale..."

"We need to go. I'll help you up-"

"S-Save...save him. It's too late for m-me."

Hindi ko naiintindihan kung anong tinutukoy niya pero sunod-sunod na umiling ako. "No. Kaya mo 'to Storm. Agent ka diba? Hindi ka pwedeng sumuko. Kakayanin mo 'to."

Sinubukan ko siyang itayo ngunit pinigilan niya ako. Nagmamakaawang tinignan niya ako. "L-Let me go. Let me do this please. Just save him...save my child."

Kulang ang sabihing nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng makita ko ang bagay na pinoprotektahan niya. It was a glass vessel. An experiment department invention. And inside of it is a..baby.

If my muddled brain can count right the time Storm was away, it's about seven months. A small seventh month old baby. From the looks of it, the child is struggling.

"Storm..."

"Hindi niya kasalanan ang mga pinagdaanan ko. Alam niyo kung anong nangyari sa akin. You know what that monster did to me. He raped me, Freeze but my child is innocent. Save him...save him from his father."

"The more you need to fight!"

"N-No. I cant...Every time I open my eyes, all I can think is how that monster ruined me. I want to be at peace. I'm so tired F-Freezale. Take him...and save him."

"Storm!"

Kita sa kaniya na nahihirapan na siyang huminga pero pinilit parin niya na makapagsalita. "Y-You need to upgrade e-everything. Iba ang Claw. BHO CAMP met its match. T-Take my child and let me be at peace."

"Storm-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may taong sumulpot sa tabi ko at kinuha ang glass vessel. Hermes.

My heart break as I look at the pain in his eyes. He lean down on Storm and kiss her forehead. "I love you."

"H-Hermes..."

"Forever."

Pagkasabi niyon ay hinawakan ako sa kamay ni Hermes at itinakbo palayo. Isinakay niya ako sa isang van kung saan nandoon si Adonis habang yakap ang histerical niyang asawa. Nandoon na din si Dawn at si Triton na siyang magdadrive. Pagkapasok namin ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan.

"This is not right! Let me go!" sigaw ni Sky.

"Sky. We already lost. We have no choice." Dawn said in a hollow voice.

"No! Hindi ganito ang BHO CAMP! Hindi tayo ganito!"

"Freezale."

Nagtama ang mga mata namin ni Dawn sa rearview mirror. I looked away and pulled a small device on my pocket.

"We can't back down!" Sky screamed.

Tumingin ako sa kaniya at umiling. "We need to do this, or we will all die." pagkasabi ko niyon ay pinindot ko ang device. Itinapat ko iyon sa bibig ko. "Abort the mission. Hear me agents, abort the mission."

Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Sky ay ang malakas na pagsabog sa likuran namin. Lumingon ako sa likod at halos madurog ang puso ko sa nakita ko. Tuluyan ng sumabog ang sinasakayan na kotse ni Storm.

Tumungo ako at tahimik na lumuha. This will not end here. We will fight back. We will avenge her death. We lost an affiliate. We lost a member of a family.

But we will take back the life that we lost. Life for a life. No. It is not enough. A life...for the whole Claw Organization. Their members, their commanders.

Everything.


____________________End of Chapter 29.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...
1.3M 47.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
3M 71.1K 33
Athena Lawrence dreams are not just about a house made of candies but also about the man she want to spend her sweet life with. Fiere Roqas. Pero m...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...