Crimson Academy: The Hidden C...

By imperial_gem

3.9K 1.4K 447

Isang daang taon ng hindi nabubuksan ang akademya ng arizon. Isang daang taon ng nakakulong ang mga maze sa l... More

Introduction
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: Arizon
Chapter 3: Enlightenment
Chapter 4: History of Arizon
Chapter 5: The Portal
Chapter 6.1: Crimson
Chapter 6.2: Academy
Chapter 7: Gabriel Archane
Chapter 8: The Royal Elites
Chapter 9: The Mission
Chapter 10: Dark Mage
Chapter 12: Trap Inside
Chapter 13: Special Guide
Chapter 14: The War
Chapter 15: Between Mages
Chapter 16: Safe and Sound
Chapter 17: Plan

Chapter 11: Who is she?

131 68 3
By imperial_gem

Chapter 11: Who is she?

Isang pares ng sapatos ang pumasok sa loob ng kwarto at tanging pag galaw niya lamang ang naririnig sa buong silid. Ang aking kamay ay nakataas pa rin sa ere na para bang may sinusuportahang invinsible barrier.

Tiningnan naman ako ng lima ng may bahid na pagtataka sa kanilang mga mukha ng makita ang mage na kapapasok pa lamang sa silid.

"Why?" I silently ask and there I saw headmaster Cleisha wearing an hospital gown.

Kung hindi mo susuriin ng mabuti ay hindi mo talaga makikilala na si headmaster Cleisha na pala ang nasa harap mo. Naramdaman ko naman na magsasalita na sana si Christy ng agad ko siyang hinawakan sa kamay.

"Huwag!" I silently mumble in the air upang hindi kami marinig ni headmaster.

Binigyan niya naman ako ng bakit-ba-look kaya sinenyasan ko na naman silang huwag munang gumalaw.

"Nasaan siya?" takang tanong ni headmaster Cleisha at hinubad ang hospital mask na suot niya.

Nagkatinginan naman silang lima at tiningnan ako ng hindi makapaniwala look.

"Anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Britt pero walang ingay ang lumalabas sa bibig niya. 

Tanging ang pagsasalita lang niya ang naiintindihan ko.

"Huwag kayong gumalaw, mahahalata ni headmaster na nandito tayo kung hindi kayo tatahimik sa pwesto niyo." marahang sabi ni Gab sa isipan namin.

Kaya nanatili na sila sa pwesto nila at hindi na gumawa pa ng kahit anong galaw. Nakikita ko namang parang nagtataka si Christy sa ginagawa ni headmaster Cleisha. Tinitingnan ni headmaster Cleisha ang buong silid at wari ba'y parang may sinusuri.

"Walanghiya saan ba siya nagpupupunta!" galit na singhal ni headmaster dahilan upang mapasinghap kami.

Napatingin naman agad si headmaster sa pwesto namin dahilan upang manghina na naman ang katawan ko.

"Clay halikana! Baka may makahalata pa sa'tin!" mabilis na sabi ng isang binatang lalaking kapapasok pa lamang sa loob ng kwarto.

Kaya natuon naman ang atensyon niya sa lalaki. 

"Wala siya dito, naka alis na siguro siya kanina pa." dismayadong sabi ni headmaster Cleisha at agad na sumama sa lalaki palabas ng silid.

Isinara nila ang pinto kaya inalis ko na ang kamay kong nakalutang sa ere.

"Hindi siya si headmaster Cleisha." agad na sabi ni Joseph at tinangoan naman siya ni Viol.

"Oo nga! Ang mga dark mage ay may kakayahang magpalit ng anyo nila. At siguradong kinopya niya lang si headmaster Cleisha." tugon naman ni Viol.

"Atsaka tinawag siya sa pangalang clay ng lalaki kanina kaya paniguradong impostor 'yon." wika naman ni Britt.

"Bakit kaya sila nandito? At sino ang hinahanap nila?" tanong ni Christy dahilan upang matahimik kaming lahat.

Sino nga ba ang hinahanap nila? Hindi ko gusto ang mga naiisip ko pero pakiramdam ko ay ako ang nais nilang mahanap.

"Teka lang! Alison paano mo nagawa 'yon?" excited na tanong sa'kin ni Britt kaya ang atensyon nila ay napunta na sa akin.

"Ang alin Britt?" takang tanong ko naman sakanya.

"Paano mo nagawang itago kami sakanya. Hindi ba? Hindi niya tayo nakikita. Naging invinsible tayo sa mga mata nila. Ibig bang sabihin niyan ay ability mo rin yan?" tanong sakin ni Britt kaya tinitigan naman nila akong lahat at hinihintay ang sagot ko.

I gulp. "Hindi ko alam. Siguro? Otomatiko kasing gumalaw ang kamay ko. Hindi ko na iniisip kung ano ang mangyayari basta ang gusto ko lang ay ang maligtas kayo, tayo. Dahil ramdam ko na malakas siya. Na hindi natin siya kaya." suhewistyon ko at yumuko.

Magsasalita pa sana si Britt ng biglang sumingit si Gab sa pag-uusap namin.

"Huwag niyo na munang alalahanin 'yan. Ang gawin muna natin ay ang bumalik agad sa academy. Paniguradong nandito pa sila sa loob ng hospital." sabi ni Gab kaya napatango naman sila.

"Oo nga! Kailangan nating ipaalam 'to sa mga head council at kay headmaster Cleisha!" pagsang-ayon naman ni Viol.

I sighed a heavy air at kinuha ang lahat ng lakas upang makatayo. Bumabalik na rin ang lakas ko.

"Okay ka na?" malambing na tono ang ibinigay sa'kin ni Gab at tinulungan akong makatayo.

Nginitian ko naman siya at binigyan ng isang tango. "Oo, okay na ako."

Nakita ko namang humawak agad silang lahat kay Joseph pagkatayo ko. Anong ginagawa nila?

"Hawakan mo ang kamay ko Alison!" sabi ni Britt kaya kahit hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila ay hinawakan ko pa rin siya. 

"Si Joseph ang gagawa ng portal. Babalik na tayo sa academy."

Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay agad akong napasulyap kay Joseph na may sinasambit na spell at ipinaikot-ikot niya ang kamay niya sa ere.

Nabaling naman ang atensyon ko sa pinto kung saan nanggaling ang babaeng komopya sa mukha at katawan ni headmaster Cleisha. Nang makita ko siya kanina ay para bang may nagsasabing kilala ko siya.

I sighed. Hindi, hindi. Imahinasyon mo lang 'yan Alison. Napabuga naman ako ng malalim na hininga at iniwas na lamang ang tingin. Sino kaya siya?

Nakabalik na kami sa academy at heto kami ngayon sa loob ng office ni Head Master Cleisha. Kasama naman namin ang apat na Council Head.

"Bakit kaya wala pa si Head Master Cleisha?" ilang ulit ng tanong ni Britt sa amin

'Yan din ang ipinagtataka ko eh. Bakit wala pa siya? Saan ba siya nagpunta?'

Ng makarating kasi kami dito sa academy ay agad kaming sinalubong ng mga Council Head at sinabing mag uusap kaming lahat sa office ni Head Master.

Kasi nga 'di ba? Nasira na ang kalahati ng office ng mga Council Head. Kaya nga ngayon ay nandito kami. Pero trenta minuto na kaming naghihintay kay Head Master pero wala pa rin siya.

Napatingin naman ako kay Gab na parang may malalim na iniisip at ni Christy na kanina pa hindi mapakali. Ayoko namang tanungin sila.

Napatingin naman kaming lahat sa pinto ng marinig ang pagbukas nito.

"Head Master!" bati ni Britt sakanya. Nakita ko namang parang nabigla siya.

"Kanina ka pa namin hinihintay Cleisha." seryosong tono ng pagsasalita ni Council Head Riel sakanya

"May pinuntahan lang ako saglit." sagot naman ni Head Master ng nawala na ang pagkabiglang naramdaman niya at umupo sa swivel chair niya

Napabuntong hininga naman si Council Head Miranda bago nagsalita.

"Ang mga dark mage ay gumagawa na ng hakbang Cleisha at kahit pa hindi natin alam kung ano ang pakay nila. Kailangan na talaga natin silang aksyunan. Kasi nandito sila sa loob ng teritoryo natin. At baka ano pa ang magawa nila."

Seryoso naman kaming nakikinig sa sinabi ni Council Head Miranda. Tila ba binabalot ng mahika ang buong parte ng office.

"Tama ka Miranda, kailangan na natin silang aksyunan." may bahid ng pagiging pinuno ang pag sagot ni Head Master sakanya

"Naipaalam na namin sa buong chamber at sa mga estudyante kung ano ang nangyayari. Nababahala sila at gusto nilang malaman kung ano ang plano natin."

Sa sinabing 'yon ni Council Head Leon ay para bang may biglang pumasok sa isipan ko. Ayokong mapahamak ang mga mage. Lalo na't pakiramdam ko na ako ang kailangan nila.

"Gagawa tayo ng malakas na spell upang protektahan ang lahat ng estudyante na nasa academy. At sinabi na rin sa amin ni Bryan na gagawa siya ng barricade upang hindi makapasok ang mga dark mage sa chamber." Tugon naman ni Council Head Brenda

Si Chamber Head Bryan ang Dad ni Joseph ang gagawa ng barricade. Paniguradong gagamit sila ng malakas na mahika. Pero alam kong malulusotan pa rin ito ng mga dark mage dahil mayroon silang itim na mahika. Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Brianna nong nasa Arizon pa ako.

"Ang dark mage ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong mage. Dahil pwede silang humawak ng higit pa sa isang ability. At mayroon silang malawak na pag-iisip tungkol sa mga spells, power, enchantment, charm. Kaya tanging ang mage lang din na may higit pa sa isa ang ability ang makakapatay sakanila."

"Royal Elites, naaalala niyo ang misyon niyo? Kailangan niyo ng gawin ito. Bibigyan namin kayo ng gabay upang mahanap sila. At kapag nahanap niyo na ang tatlong dark mage na nakapasok sa academy. Dakpin niyo sila at huwag hayaang makatakas."

Nagkatinginan naman kaming anim sa sinabi ni Head Master Cleisha. Napalunok naman ako bigla.

"Pero hindi ko pa po kayang kontrolin ang ability ko." I mumbled and bow my head slightly

"Alam mo na kung ano ang ability mo Alison?" usisang tanong sa'kin ni Council Head Riel kaya tinangoan ko naman siya

"Alison, maaari ba naming malaman. Ano ba ang ability na mayroon ka?"

Nagdadalawang isip naman akong sagutin si Head Master Cleisha. Ewan ko ba pero parang hindi ako komportable sakanya.

"She has the ability of an advance intuition. Kung saan kaya niyang makaramdam kung mayroong mangyayaring hindi maganda sa paligid niya." si Gab na ang sumagot kay Head Master kaya nagtaka naman ako kung bakit.

"Yon lang ang ability niya?" tanong ni Head Master dahilan upang magkatinginan kaming lahat

"Huwag niyong sabihing mayroong isa pang ability si Alison. Huwag."

Napatingin naman ako kay Gab ng marinig ang boses niya sa isipan namin. Napakunot-noo naman ako. But why? Bakit hindi pwedeng sabihin?

Napatawa naman ng bahagya si Council Head Leon, "Bakit Cleisha? Mayroon bang mage dito sa academy na higit pa sa isa ang ability?" tanong nito dahilan upang mapaisip si Head Master

Napatawa naman siya at tiningnan ako. "Oo nga. Pero nagbabakasakali lang naman ako na kakaiba siya. Oh well!" sabi ni Head Master at itinuon na ang paningin sa kasamahan ko

"Nalaman ko sa mga estudyante kanina na pinuntahan kayo ng isang dark mage sa hospital ng chamber. Naalala niyo ba kung ano ang pagmumukha niya?" tanong samin ni Head Master dahilan upang magtaka kaming lahat

Wala kaming naaalalang pinagsabihan tungkol sa nangyari kanina sa loob ng hospital kundi ang mga Council Head lamang kaya paanong nalaman ni Head Master ito? At galing pa talaga sa mga estudyante.

"Hindi nila alam kung sino ang dark mage na 'yon Cleisha. Kasi bago pa sila naabotan ng isa sa mga dark mage sa hospital room kung nasaan si Alison ay nakabalik na agad sila sa academy." agad na sabi ni Council Head Riel dahilan upang mapabuga kami ng hininga

Napatingin naman kami kay Head Master na ngayon ay parang may malalim na iniisip na naman.

"Mabuti na lang at nakabalik agad kayo. Kung sa gayon, bukas na magsisimula ang misyon niyo. Huwag kayong magpapahalata sa mga gagawin niyo dahil baka hindi natin alam na nasa paligid lang pala sila. Nakamasid."

Nagkatinginan naman kami at ng mga Council Head na para bang may pinapasang mensahe sa mga mata namin. Napakagat naman ako sa labi ko ng may biglang pumasok sa isip ko.

What if may itinatago sa amin si headmaster? What if alam niya lahat ng ito?

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 442K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
1M 62.3K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
930K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2M 72K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...